Home / Romance / Echoes of Deception / Chapter 6 - Oh! It's Anthony's Daughter!

Share

Chapter 6 - Oh! It's Anthony's Daughter!

Ang Gouzu ay isang pribadong restaurant na maihahanay sa mga five star restaurants. Kilala ito sa may mga waiters at waitress na magagalang sa serbisyo at masasarap na pagkain. Bukas lamang ito sa mga high-end na kliyente na may reservation. Kailangang gawin ang reservation isang buwan nang maaga.

Nakahanap pa rin si Kyrrine ng mga koneksyon at nakakuha ng isang reservation kahapon.

Ang layout ng restaurant ay napaka-elegante din sa panloob at labas na mga disenyo at kagamitan . Ang bawat upuan ay pinaghihiwalay ng isang screen. Mayroong isang maliit na pintuang kahoy sa harap, ngunit walang kisame. Kapag kumakain sa gabi, ang chandelier sa kisame ay puno ng atmospera, na medyo katulad ng pilosopikal na konsepto ng mga sinaunang tao na umiinom sa ilalim ng buwan.

Pumasok sila sa loob at sabay na umupo sa isang bilog na mesa.

Di nagtagal, dumating ang waiter na may dalang pagkain nila.

Natatakot si Khate na hindi makakain nang maayos ang batang babae sa tabi niya, kaya't binabantayan niya ito nang maigi, pinupulot ang pagkain at pamupunas ng bibig nito.

Si Miggy naman ay nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa. Nakita niya ang tila namamaga na pisngi ng batang babae dahil sa pagkain, at naisip niyang cute ito. Masigasig siyang nag balat ng hipon para sa bata.

Hindi mapigilan ng batang babae ang pagkain dahil sa pagpapakain sa kanya, at nagpokus siya sa pagkain ng malaking bundok ng pagkain sa harap niya.

"Narinig niyo na ba na nawawala ang babaeng anak ng Lee family? Maraming tao ang ipinadala ng Lee family para hanapin siya sa buong Cheng Village, pero hindi pa rin siya matagpuan!"

Sa oras na iyon, mayroong isang mahinang usapan mula sa katabing mesa.

Ang isa pang boses ay tila medyo nag-aalala, "Baka nakidnap na siya? Ang tapang naman ng kidnapper. Ang unica hija ng Lee family ay paboritong anak ni Anthony. Sobrang mahalaga siya sa kanya. Ang angas naman ng ginawa niya, siguradong gusto na niyang mamatay..."

Nang marinig ang pangalang Anthony, hindi sinasadyang bumagal ang kilos ni Khate at bahagyang siyang na-distract.

Nagpatuloy ang usapan sa tabi niya, "Tama, kahit na pipi ang anak nito at hindi pa nakakapagsalita mula pagkabata, mapalad pa rin siyang isinilang sa isang magandang pamilya!"

Pipi?

Kumikislap ang mga mata ni Khate sa pagdududa at tuluyan siyang tumigil sa pagkilos.

Ang paboritong anak na itinuturing ni Anthony ay pipi?

Ang batang babae na kanyang nakita ay hindi kailanman nagsalita.

Ang ugali at pananamit ng batang babae ay tunay nang nagpapakita ng kadisentehan ng Lee family.

Bukod pa rito, ang boses ng lalaki sa telepono kanina…

Tila ito ay narinig na niya, pamilyar ito sa kanyang pandinig…

Nang mapagtanto ito, pinigilan ni Khate ang kanyang pagkagulat at sinulyapan ang bata na nakaupo sa kanyang kaliwa na tahimik na kumakain.

Para naman itong namalayan ang batang babae at inangat niya ang kanyang mga mata at pasalubong ng tingin kay Khate at ang kanyang malaking mga mata ay napuno ng pagkalito.

Nang magtama ang kanilang mga mata, parang tinamaan ng kidlat si Khate.

"Ang batang ito...siya ba ang nawawalang anak ni Anthony?"

Bahagyang tumigil din si Kyrrine sa kanyang pagkain, tinitigan niya ang batang babae ng ilang segundo, lumubog ang kanyang puso, at sinabi nang may pag-asa, "Hindi naman siguro ganun ka-sakdal ang pagkakataon?"

Bilang pinakamalapit na kaibigan ni Khate, alam ni Kyrrine ang lahat ng nangyari sa kanyang sa loob ng anim na taon na nakalipas.

Ang batang babae ay mukhang lima o anim na taong gulang lamang, halos kaedad nina Miggy at Mikey.

Kung ito talaga ang anak ni Anthony, ang ibig sabihin lang nito ay pagkatapos niyang hiwalayan ng kanyang asawa, ito ay nagmadali agad na magpakasal kay Cassandra at nagkatoon ng isang anak na babae!

Napakabilis naman ng kanyang pag move-on sa mga nangyari. Tila wala talagang pag-ibig ang nabuo sa kanila ng dati niyang asawa.

Naisip lang ito ni Kyrrine at nakaramdam ng awa para sa kanyang kaibigan.

Hindi alam ni Khate ang iniisip niya. Napaisip siya sa mga nangyari matapos niyang kunin ang batang babae sa tabi ng kalsada na nag iisa. Mas lalo siyang nakatiyak na ito ang anak ni Anthony.

Saglit na kumunot ang kanyang mukha, "Sa tingin ko ito ay coincidence lang."

Ng napansin ni Kyrrine na sobrang lalim na ng iniisip ng kanyang kaibigan, nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. Sinulyapan niya ang nalilitong batang babae at tinanong si Khate sa mahinang boses, "Ano ang gagawin natin ngayon? Si Anthony ay nasa daan na papunta dito."

Ang mukha ni Khate ay napuno ng takot at pag aalala.

Pagkaraan ng isang sandali, kinuha niya ang kanyang cellphone at inabot ito sa kamay ni Kyrrine, "Ky, pwede bang ikaw na muna ang maghawak ng aking cellphone at sabihing ikaw ang tumawag. Dadalhin ko na rin sina Miggy at Mikey,hihintayin ka namin sa parking lot.”

Tumango si Kyrrine, senyales ng kanyang pagka-unaw sa sitwasyon at plano ng kanyang kaibigan.

Sinulyapan ni Khate ang batang babae na hindi pa nakakapagbigay ng reaksyon sa mga nangyayari sa kanyang paligid, at hindi niya na naman napigilan ang paglambot ng kanyang puso, "Iiiwanan ko na rin ang batang ito sa iyo."

Pagkatapos sabihin ang mga bilin sa kanyang kaibigan, lumingon siya at tiningnan ang kanyang dalawang mga anak, "Tara na Miggy at Mikey."

Hindi na nagtanong pa sina Miggy at Miley, mabilis silang tumayo at masunuring sumunod sa kanilang mommy Khate.

Nang sila ay dumaan sa tabi ng batang babae, hinila nito ang kanyang damit ni ng isang maliit na kamay. Tumingin si Khate sa kanya ng may makulay na mga mata, naaawa ito sa bata subalit siya ang malalagay sa alanganing sitwasyon.

Hinila ng batang babae ang sulok ng kanyang damit nang mahigpit na tila ay ayaw nitong bumitaw, ang kanyang malalaking mata ay puno ng takot at pangamba.

Nakita ni Khate ang nakakaawang mukha ng bata, nahabag ito sa sitwasyon ng bata.

Anuman ang nangyari sa pagitan nila ni Anthony ay walang kinalaman dito ang bata.

Sa huli, pinahinahon ni Khate ang bata, "May aasikasuhin lang si Auntie at kailangang umalis muna saglit. Aaalagaan ka ni Auntie Kyrrine. Maghintay ka lang ng matiyaga, at darating na din ang iyong Daddy." may ngiti sa mga labi na bilin niya.

Pagkatapos niyang kausapin ang bata, dahan-dahan niyang itinulak ang kamay ng batang babae, humakbang siya ng mabilis palabas ng kanilang mesa, at hindi na naglakas-loob pang lumingon.

Kasabay nito, dali-daling nagrequest si Kyrrine sa attending waiter nila na alisin ang tatlong dagdag na set ng mga mangkok at kutsara.

Di nagtagal, may tumulak na sa malaking pintuan ng restaurant.

Isang grupo ng maayos na nakadamit ng mga itim na bodyguard ang sunod-sunod na pumasok at humanay sa dalawang gilid ng entrance, gayunpaman nag-iiwan sila ng pasilyo sa gitna upang lakaran ng importanteng tao.

Nagulat ang lahat sa mga sumunod na eksena, hindi sinasadyang itinuwid ni Kyrrine ang kanyang katawan at tinitigan ang pinto nang may pilit na kalmado.

Nakita siya ni Anthony na mayroong blankong mukha, naglakad ito palapit sa kanya mula sa labas gamit ang kanyang mahahabang mga binti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status