Home / Romance / Echoes of Deception / Chapter 5 - You will be safe here!

Share

Chapter 5 - You will be safe here!

Matagal na tinitigan ni Anthony ang babae. Maingat na kinurot ni Cassandra ang kanyang palad, natatakot siya na baka mabunyag ang kanyang kahinaan.

“Mas mabuting maging ganun na lang katulad ng sinabi mo.”

Maya-maya, iniwas ni Anthony ang tingin sa babae at tumingin kay Gilbert na naghihintay sa gilid, “May balita na ba mula sa pulis?”

Mabigat ang tono ni Gilbert, “Wala pa po, Sir.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon, maingat niyang tiningnan si Anthony at nag-aalalang sinabi, “Hindi po kaya ang munting binibini ay naging biktima na ng pandurukot?”

Ang batang iyon ay paborito ng kanyang amo. May mataas na katayuan siya sa pamilyang Lee.

Sa loob ng maraming taon, naging target siya ng maraming tao. Mayroon ding pagkakataon na halos madukot na siya. Ngayon hindi siya mahanap ng sinuman sa paligid, at kahit ang pulis ay wala pang maibigay na balita, kaya kailangang isipin ni Gilbert na ito ay nadukot.

Nang marinig ito, biglang dumilim ang mga mata ni Anthony, at mahigpit niyang sinabi, “Dagdagan ang mga tao at palawakin ang saklaw. Dapat mahanap ang anak ngayon na!”

“Opo!”

Labis na ang galit na nararamdaman ng kanyang amo. Nagulat si Gilbert at lakas loob itong sumagot ng may pagmamadali ang boses.

Pagharap niya pa lamang upang umalis, tumunog ang cellphone ni Anthony. Wala siyang ganang sagutin ang tawag sa mga sandaling iyon. Naiimpatiyenteng kinuha niya ang telepono at akmang ibababa nang makita niyang hindi pamilyar ang numero.

Naisip niya ang sinabi ni Gilbert kanina, mabilisan kinuha at sinagot ni Anthony ang telepono nang may malamig na ekspresyon.

Sa sandaling kumunekta ang tawag, isang malambot na boses ng babae ang kanyang narinig, “Hello.”

Nang marinig ang boses na ito, bahagyang kumunot ang noo ni Anthony at ang kanyang mga mata ay biglang naningkit, at isang pahiwatig ng pagdududa ang kumislap sa kanyang isipan. Ang boses na ito... ay eksaktong kapareho ng babaeng iyon!

Nang nakita niya ang pigura sa airport noong hapon ay nanumbalik sa kanyang alaala...

“Hello? May nakikinig ba?” Nagtatakang tanong ni Khate matapos maghintay ng matagal nang walang nakukuhang sagot.

Dahan-dahang inalis ni Anthony ang kanyang mga iniisip at maikling sumagot, “Oo.”

Ang maikling pantig na ito ay halatang hindi sapat para marinig ni Khate ang anumang isinagot nito.

Nakikitang may sumagot mula sa kabilang linya, nakahinga ng maluwag si Khate, “Hello, ganito kasi ‘yon, may nakita akong batang babae, binigay niya ang numero upang ikaw ay tawagan. Ikaw ang ama niya, ‘di ba? May oras ka ba para sunduin siya ngayon?”

Malinaw na narinig ni Anthony ang boses ng babae.

Habang tumatagal ang pagsasalita nito, lalong lumalalim ang mga mata ni Anthony.

Nang sa wakas ay tumigil ang boses nito, isang nanlalamig na sensasyon ang tumatakip sa ilalim ng mga mata ng lalaki.

Siya nga ‘yon!

Kahit makalipas ang maraming taon, hindi niya malilimutan ang boses na ito!

Ito ay si Khate!

Bumalik na siya!

Malakas na kinagat ni Anthony ang kanyang mga ngipin sa likod, ibinaba ang kanyang boses, at tinanong, “Saan kita matatagpuan?”

Awtomatikong sumagot si Khate, “Nasa Gouzo kami, naghihintay kami dito kasama ng mga ibang mga kasama ko, diretso ka na lang sa restaurant para sunduin siya?”

“Okay, pupunta ako agad.”

Matapos matapos ang tawag, diretsong ibinaba ni Anthony ang telepono at sinabi kay Gilbert, “Ihanda ang kotse at pupunta tayo sa Gouzo.”

Hindi alam ni Gilbert kung saan nagmula ang galit ng kanyang amo, at mabilis itong kumilos.

Tinitingnan ang itim na screen ng kanyang cellphone, nakaramdam si Khate ng hindi maipaliwanag na paninikip sa kanyang puso.

Medyo malalim ang boses ng lalaki kanina.

Parang pamilyar...

Gayunpaman, hindi maalala ni Khate kung saan niya ito narinig, kaya tumigil siya sa pag-iisip.

“Gutom ka na ba?”

Matapos tumayo sa labas nang matagal, napabuntong-hininga si Kyrrine, “Gutom na gutom na ako, pumasok muna tayo para kumain, at kapag dumating na ang mga tao, pwede na nating ihatid ang batang ito.”

Ngumiti si Khate sa kanya, “Sige, pumasok ka na muna.”

Pagkatapos noon, lumuhod ulit siya, tumingin sa mga mata ng batang babae, at tinanong ang kanyang opinyon, “Gutom ka na ba? Papasok tayo ni auntie para kumain, okay lang ba? Papunta na ang Daddy mo, at kapag dumating siya, ihahatid ka ni auntie sa labas, okay?”

Tinitigan siya ng batang babae ng ilang segundo, kumikislap ang kanyang malalaking mata, at medyo nag-aalangan.

“Kung ayaw mo, dito na lang natin siya hihintayin.” mahinahong sabi ni Khate.

Nang marinig ito, sabay na sinabi ni Miggy at Mikey, “Dito na din po muna kami maghihintay kasama po ninyo Mommy!”

Napahawak si Kyrrine sa kanyang noo, “Ako lang pala ang nagugutom? Bata, hindi naman kami masamang tao. Sino ba ang magdadala sa iyo sa isang magandang restaurant na ganito? Alam kung gutom ka na rin, ‘di ba? Please huwag nang matigas ang ulo, pumasok ka na kasama nina auntie, please?”

Maya-maya, ang mga mata ng lahat ay nakatutok sa batang babae.

Gutom na rin sina Miggy at Mikey, at hindi nila maiwasang tumingin sa batang babae nang may pag-asa na sumang-ayon na din ito.

Kinagat ng batang babae ang kanyang labi, lumakad ng dalawang hakbang palapit kay Khate, inilahad ang kanyang kamay upang hawakan ang manggas nito, at tumango sa kanya.

“Hindi ka namin pinipilit hija ah.”

Ngunit naiintindihan ni Khate ang ibig niyang sabihin, at lumambot ang kanyang puso.

Umiling ulit ang batang babae.

Nang makita ito, ngumiti si Khate at hinaplos ang ulo nito, kinuha ang kamay ng batang babae sa kanyang manggas at inilipat sa mga palad nito, tumayo at inanyayahan na niya patungo sa restaurant.

Si Kyrrine ay sumunod sa likod na hawak ang kamay nina Miggy at Mikey.

Nang nakita ang batang babae, mabilis na ding sumusunod ito sa kay Khate at hindi niya maiwasang magbiro, "Ang batang babae na ito ay nag-iingat sa atin kanina, ngunit bigla siyang naging malapit sa iyo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, huminga siya ng malalim, "Sa mundong ito, kahit sa magagandang tao, sikat man o hindi, mapababae man o lalaki, bata at matanda dapat mong mag-ingat, hindi ka ligtas sa lahat ng oras."

Patuloy pa rin na kinukulit ng kanyang kaibigan si Khate, ngumiti na lang siya at mahigpit na hinawakan ang malambot na kamay ng batang babae na wala anumang sinasabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status