Home / Romance / Echoes of Deception / Chapter 2 - The Long Way Back

Share

Chapter 2 - The Long Way Back

Agad na pumunta ng opisina ni Professor Wang si Khate.

At sa pagkapasok niya opisina, nakita niya ang dalawa niyang anak na nakaupo sa sofa habang pinalalambitin ang kanilang mga binti.

Nang makita nila ang kanilang ina, agad silang nagalak at nagpaunahan na tumakbo papunta dito. “Mommy, finally lumabas na po kayo! Akala namin ni Mikey doon na po kayo maninirahan sa laboratory ng mahabang panahon!”

“Mommy, you always worked hard, are you tired? Upo po kayo dito mommy, bilis po. I’ll pat your back.”

Pagkasabi ng kanyang anak ay kinuha nito ang kanyang magkabilang kamay at hinila palapit sa sofa na kanilang pinagkakaupuan.

Naupo si Khate at pinagmasdan ang kanyang dalawang mapagmahal na mga anak, pero napagtanto niyang kailangan silang mapagsabihan sa kanilang ginawang pang gugulo.

“Aha! Ngayon kayo ay nagpapakita ng magandang pag-uugali, pero bakit hindi kayo nagbehave nang pinaglaruan ninyo ang aking kompyuter?”

Nakita ni Professor Wang ang mga eksena habang nakaupo sa kanyang mesa at sa sobrang galit niya ay hinipan na lang niya ang kanyang balbas at nanlilisik ang mga mata na tiningnan ang mga bata.

Tumayo si Miggy at lakas loob na nagsalita, “Kasalanan po ni Professor Wang lahat! Lagi na lang niyang pinagpapawork overtime. Tingnan mo, ang aming mommy ay malapit ng magkasakit!”

“Tama! Ang mommy namin ay tao din, paano po ninyo siya nakakayang pagpatrabahuin ng overtime sa araw at gabi?”

Pagsasang-ayon ni Mikey habang pinipisil ang balikat ng kanilang mommy na umaastang propesyonal na lawyer.

Natawa na lang si Professor Wang sa mga pinagsasabi ng mga bata. “Kayo lang ang nagpoprotekta sa kanya, wala nang iba!”

Pagtapos sabihin yun sa mga bata ay napailing na lang ito at tumingin kay Khate, “Kumusta ang takbo ng research sa mga oras na ito?”

Ngumiti si Khate at sumagot, “Sa ngayon maayos na ito. Ang mga data ay maipapasa na sa inyong kompyuter maya-maya lang.”

“Naibalik na ba sa dati ang aking kompyuter?” tanong ni Professor Wang.

Hinawakan niya ang kanyang namumuting mga buhok, “Mahigit isang oras na lumipas at hindi pa rin ito naibabalik sa dati.”

Namangha si Khate at tinapik ang kamay ni Mikey na nakahawak sa kanya. “Mikey anak, ayusin mo na ang kompyuter ng professor sa dati. Wag nang gumawa ng gulo, please. Paano kung yung mga importanteng files ni Professor ay mawala?”

Sumagot si Mikey sa malabata niyang tono, “No, lagi akong may backup at naglagay ako ng multiple protections. Paano yun mawawala?”

Kahit na nagsasalita ang bata ay naglalakad na ito at nagsisimula nang mag restore ng kompyuter.

Mailis itong nag tatype ng mga codes gamit ang mga maliliit nitong mga kamay…

At makalipas lang ang ilang sandali, naibalik na sa dati ang kanyang kompyuter.

Nakita ni Professor Wang ang mga ginawa ng bata, hindi niya mapigilan namamangha dito, ang mga apprentice ni Dr. Khate ay lubos na napakagaling.

Si Miggy, sa kanyang murang edad ay nahasa na ang galing panggagamot at kayang tumukoy ng libo-libong medicinal materials. Mayroon din itong natural na talento sa pagdiskubre ng mga gamot at particular ito sa investments.

Si Miggy naman ay mas interesado sa programming at ngayon ay bihasa na sa pag hack ng mga kompyuter. Siya din ay particularly sensitive sa mga numero at mahusay din sa investment.

Higit sa lahat, ang mga batang lalaki na ito ay good-looking at may kalmado at masiglang pag-uugali.

Kung kaya sa tuwing sila ay nagbibigay ng sakit ng ulo ay hindi sila kayang pagalitan ng sinuman dahil sa charming personalities ng mga ito, maliban nalang sa kanilang Mommy Khate.

Nakaramdam si Khate parang hindi na naman mapapagalitan ang mga bata dahil sa nilikha nitong mga panggugulo, “Pasensya na po Professor Wang sa mga anak ko, ginulo na naman po nila kayo. Ako na po humihingi ng tawad, pasensya na po talaga” nahihiyang sabi niya.

Nang makita at marinig ito ng Professor ay tinawanan lang niya ito, “Huwag ka nang mag-alala. Hindi kita pagagalitan sa pagkakataong ito, pero mayroon ako sayong task. Plano kitang pabalikin ng China para magtayo ng research institute doon, at pagtuunan ng pansin ang Chinese medicines! Ngunit alam ko na maraming paggawa ang ilalaan dito, pero hindi na ako pwedeng lumayo ng matagal, kaya ikaw ang naisip ko at panahon na ito para makabalik ka sa iyong bansang sinilangan.”

Hindi inaasahan ni Khate ang balitang kanyang narinig, nagulat siya at medyo nag-aalangan sa desisyon ng professor.

Bumalik sa aking bansang sinilangan?

Matapos niyang umalis doon, hindi sumagi sa kanyan isip na babalikan niya ito.

Pagkatapos ng lahat, wala din naman siyang tahanan at mga kamag-anak na nagmamalasakit sa kanya. At higit sa lahat, napamahal na siya sa kanyang kasalukuyang bansa na tinitirahan.

“Professor, ahm..” nais ni Khate na tumanggi sa offer ni Professor Wang.

Ngunit pinigilan ito ni Professor Wang, “Khate, alam kung ayaw mo nang bumalik doon, pero sana pag-isipan mo ito ng maigi…pinag-aralan mo ang medisina sa mahabang panahon, at alam kung lubos mong nauunawaan ang concept ng Chinese medicine. Ibang lugar ito, wala nang medicinal materials ang maaari mong pag-aralan. China is different, there are a lot of medicinal materials to be used there. At higit sa lahat, marami pang mga nakatagong medical families doon, na maaaring makatulong sa iyo. Taglay nila ang husay na namana nila sa kanilang mga ninuno. Aren’t you interested in that? So…I suggest you go back!”

“With your abilities, sigurado akong mapagtagumpayan mo ito sa hinaharap. At higit sa lahat, anlaki na pinagbago mo. Kahit pa may makasalubong ka pang problema o taong maghahadlang sayo, kaya mo itong malampasan.” dagdag pa nito.

Bahagyang natahimik si Khate sa kanyang mga narinig.

Tama!

Taon na ang lumipas at marami nang pagbabago ang dumating sa kanyang buhay. Naging mahinahon na siya sa pagsuong sa mga problema, at kaya niyang bigyang solusyon ang lahat, wala na siyang dapat pang katakutan.

Higit pa sa lahat, anim na taon na ang nakakalipas, ang lalaking iyon….siguradong naikasal na sa kay Cassandra.

Ano pa nga ba ang kanyang ikakatakot pa?

Napag isip-isip na si Khate, huminga siya ng malalimat tumango, “Professor, napagtanto ko po na kailangan kong tanggapin ang inyong inaalok na bumalik ng China.”

Sumaya ang mukha ni Professor Wang, “It’s good to hear at nakapagdecide ka agad! Huwag kang mag-alala at isasama mo sa iyong pag-alis si Cecile upang may kasama ka katulong doon, tsaka ko na din ipasusunod ang professional team para iassist ka.”

“Okay po Professor Wang, maraming salamat po.”

Tinanguan lang siya nito.

Habang nauusap ang mga nakakatanda, ang dalawang bata ay nagtinginan sa isa’t isa na may pananabik. Uuwi na ng China ang kanilang mommy, matagal na nila itong hinihiling sa kanya.

Kung tutuusin ang kanilang daddy ay nasa China, at gusto na nila itong makita noon pa man.

Pero, sa pagkikita nila ay tuturuan nila ito ng leksyon. Sino ba siya para abandunahin ang kanyang asawa at mga anak!

Makalipas ang dalawang araw.

Sa loob ng International Airport.

Hawak hawak ni Khate ang dalawa niyang anak pabalik sa bansang nilisan niya sa loob ng anim na taon.

Pagkalapag pa lang nila mula eroplano at nakarating sa lobby ng airport ay makikitang pinagdikit ni Miggy ang kanyang mga binti at humawak sa kanyang ina “Mommy, I need to pee.”

Nang makita ito ng ina at ni Mikey ay nagtawanan ang mga ito, “Okay, I’ll take you there…” haplos-haplos ang buhok ng kanyang anak.

“Mommy, no more pictures please, I’m going to pee in my pants!”

Matapos pumunta ni Miggy sa palikuran ay sumunod naman si Mikey, habang si Khate naman ay nag-aantay katabi ng mga dala nilang mga maleta, habang nag-aantay ay nagpadala na din siya ng update kay Professor Wang na sila ay ligtas na nakarating ng China.

Sa pagkakataong ito, narinig niya ang isang pamilyar na boses.

“Ano ba naman ito! Napakaraming magulang talaga ang hindi marunong mag-alaga ng kanilang mga anak, ano bang kwenta ng mga ito?”

Galit ang tono ng pananalita ng taong iyon, at napakaunique ng kanyang boses na kay sarap pakinggan. At napahinto si Khate sa kanyang pagkakahawak sa cellphone.

Sa loob ng anim na taon, ngayon lang niya ulit narinig ang tinig na yun, at wala itong pagkakaiba, boses ito na kilalang kilala niya.

Ang lalaking ito ay nakatayo hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan, nababalot ang kanyang matipunong katawan ng black suit. Ang kanyang mga binti ay matatag na nakatayo sa kanyang pwesto at nagpapakita ng kanyang maayos na kapansin-pansin sa gitna ng maraming tao.

Sa kanyang anggulo, nakikita niya itong napakaperpekto.

Ang katangian nito ay parang isang obra maestra na maingat na inukit ng Diyos nang walang anumang pagkakamali na nagresulta sa napakagandang pigura nito.

Si A..Anthony!

Biglang nanliit at sumikip ang puso ni Khate! Hindi niya inaasahan na sa mismong araw din na ito ay makikita niya ang lalaking iyon.

Ang kanyang damdamin na matagal nang nilimot sa loob ng maraming taon ay nanumbalik, ngunit bumalik din sa katahimikan. At ang ekspresyon sa kanyang mukha ay biglang nawala.

At sa mga sandaling iyon ay nakabalik na ang kanyang mga anak sa kinatatayuan niya, “Mommy, we’re done!”

Bumalik sa ulirat si Khate at halos tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Sa isip niya kailangan na nilang magmadali at hindi niya papayagan na makita nila ang lalaking iyon. Magkakabistuhan na ito sila agad, dahil 70% nang kanilang good-looks ay namana nila ito sa kanilang ama.

Ayaw niyang mangyari ito, kung kaya ay agad siyang nagsalita, “Okay? Tara na mga anak, hindi natin pwedeng pagpahintayin ng matagal ang inyong ninang.”

Pagkatapos magsalita, hindi na niya inantay na sumagot ang mga ito at mabilis na kinuha ang mga dala nilang gamit.

Habang nakatayo si Anthony sa may tabi nakikinig sa kanyang kausap sa cellphone, narinig niya ang pamilyar na boses, at hindi siya nag atubili na tingnan ito sa gilid ng kanyang mga mata.

Khate? Siya ba talaga ito? Nagbalik na siya?

Tumakbo ng mabilis si Anthony para maabutan ito, ngunit ang pigurang kanyang nakita ay humalo na sa karamihan ng mga tao sa airport.

Namula agad sa galit ang kanyang mukha, at sa paglipas ng sandali ay mas lalo na itong kapansin-pansin.

Paano niyang kinakaya na maging masaya sa pag-abandona sa kanyang asawa at anak? tanong ni Anthony sa kanyang isipan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status