“Anthony, tatlong taon na tayong mag-asawa, ngunit minsan hindi mo man lang ako nagawang haplusin ng may pagmamahal. Isusuko ko na ang pagsasamang ito para magpakasayo ng kerida mo. Pagkatapos ng gabing to, lumayas ka at hanapin mo siya! Pero sa ngayon, isipin mo muna ito na kabayaran ng mga pagmamahal na inalay ko sayo, okay…”
Pagkatapos magsalita ni Khate, idinantay niya ang kanyang katawan at hinalikan ang lalaking nasa harapan niya, hinalikan niya ito na ani mo’y parang nababalik at kahibangan na gaya ng gamu-gamo sa apoy. Alam niya sa kanyang sarili na ang kanyang ginagawa ay kasuklam-suklam. Ngunit minahal niya ang lalaking ito ng napakatagal kahit alam niyang napakahirap. Ngayon, siya ay nagmamakaawa para sa kararampot na ginhawa. “How dare you Khate!!” Nagngangalit ang mga ngipin ni Anthony, at ang kanyang maseselan at gwapong mukha ay ay napuno ng galit. Nais niyang itulak palayo ang babae ngunit ang kaniyang pagkabalisa at ang kanyang panghihina ay mabilisang dumaloy sa kanyang katawan, at hindi magawa sa kasalukuyang sitwasyon. Ang pangahas na babaeng ito ay lakas-loob na naiset-up siya! “There’s nothing I dare not…” Pumatak ang luha sa gilid ng mga mata ni Khate, at ang kanyang paghalik sa ay bahagyang mas nagpumilit at nagmamadali, ang kanyang mga inosenteng mga kamay ay inihaplos at kinakapa sa mga bahagi ng katawan ng lalaking iyon. Nais niyang angkinin at solohin ang kanyang pinakamamahal! Galit na galit sa Anthony sa mga nangyayari sa kanya sa mga oras na iyon, subalit, ang sitwasyon ay hindi niya kontrolado. At sa paglipas ng sandali, ang kanyang nagngangalit na galit ay napukaw ng bawat haplos at mga halik, at bahagyang nakaramdam na din siya ng init sa kanyang mga katawan, at ang sensation ay nagpalimot sa kanyang inisyal na pakiramdam. At sa huli siya ay nagpaubaya na lamang sa bugso ng kanyang damdamin. Sumunod na araw, nagising si Khat ng madaling araw. Sa mga oras na ito, tinitiis niya ang kawalan ng ginhawa, mabilisan siyang bumangon ng higaan, nagsuklob ng kanyang damit, pagkatapos ay kinuha ang divorce agreement na kaniyang naihanda ng matagal na panahon at inilagay niya ito sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kanilang higaaan. Bago niya tuluyang lisanin ang kwartong iyon, tinitigan niya ng maigi ang lalaking payapa na nakahiga… “Anthony, pinapalaya na kita. Simula sa araw na ito, tayo ay maghihiwalay na ng landas na tatahakin at wala na tayong makgiging pakialam sa buhay na ating haharapin.” Pabulong na sinambit ni Khate ang mga katagang ito, sabay bawi sa kaniyang pagkakatitig sa lalaking kaniyang minsan na minahal, dumiretso na siya ng tingin, sabay talikod at naglakad palayo. Sa kaniyang paglisan sa bahay ng pamilya Lee, siya ay nakaramdam ng puot at kalungkutan. Tanging si Anthony lang ang lalaking kaisa-isa niyang minahal sa loob ng pitong taon! Simula pa sa murang edad hanggang sa pagtungtong kolehiyo, siya ay nahuhumaling na sa kanyang katangian at palaging nais na masulyapan ang mukha nito. Isa sa pinakamaliaking desisyon ng buhay niya ay ang piliing maipakasal sa lalaking iyon! Ngunit, labis siyang kinamumuhian ni Anthony… At ang eksaktong pagkakataong ito ay araw na maikasal siya sa pamilya nito. Sa mga panahong iyon, ang pinakamatandang kasapi sa Bo Family ay malubha na ang sakit at nagnanais na maikasal ang kaniyang apo. At dahil ang kaniyang horoscope ay match, siya ang napili. Para sa kaniyang ama at stepmother, mas mahalaga ang yaman kaysa sa kanya, kung kaya pinag impake nila ito ng gamit at ipinadala sa Bo Family ng hindi nagbibigay ng kahit anong paliwanag. Nang gabing iyon, siya ay nababaliw sa tuwa at pananabik sa nalalapit niyang kasal. Pero ng dumating si Anthony, ito ay nagpakita ng pagkadismaya. May pandidiri sa tinig nito na sinabing, “Khate, alam kong nababatid mo na hindi ikaw babae na gusto kong pakasalan, si Cassandra lang ang nararapat sa akin, at hindi ikaw! Siya lang tanging babae na nakatandang maging aking kabiyak, hindi ka nararapat sa akin!” Sa puso ni Khate, alam niyang hindi obligasyon ni Anthony na magustuhan at mahalin siya nito. Pero bulag siya sa pagmamahal at nag aasam pa rin na isang araw mahihimok din niyang mahalin siya ni Anthony. Sa loob ng tatlong taon mula ng siya ay maikasal dito, siya ay nagsumikap na maging isang mabuting asawa. Tuwing gabi pagkagaling sa trabaho ay pinaghahainan niya ito ng kanyang mga nilutong pagkain. At sa araw-araw, kahit gaano pa kalalim na ng gabi ay matiyaga niyang inaantay ang kanyang pag-uwi, masiguro lamang niya na maayos ito at ligtas. Kahit sa mga panahong lasing na lasing itong umuuwi galing sa mga social events, matiyaga niya itong inaasikaso kahit na hindi ito hilingin sa kanya ng asawa. Kapag ito ay may sakit o mayroong mga minor injuries, siya ay na mas nag-aalala higit pa sa sinumang malapit sa kaniya. Nung tag-lamig na sa kanilang bayan, siya ay matiyagang nagpapainit ng tubig para ilagay sa bathtub bago siya maligo, maaga rin siyang gumigising upang ihanda ang kasuotan na kaniyang isusuot upang hindi makaramdam ng labis na pagkaginaw. Pero, kung hindi niya ito mahal, hindi na niya ito mamahalin pa. Hanggang sa araw na bago ang kahapon, kaarawan niya ito, ngunit si Anthony ay nasa ospital kasama ni Cassandra, at sa mga pagkakataong iyon, napagtanto na niya ang lahat. Ang lahat ng ito ay kanyang mga pangarap lang! At kailanman ay hindi niy mapapalambot ang puso ng lalaking kaniyang minahal sa buong buhay niya. He belongs to another woman! At ang puso niya ay sumusuko na! …. Nagmulat na ng mga si Anthony, alas-dyes na ng umaga! Dali-dali siyang bumangon, at ang unang pumasok sa isipan niya ay sakalin hanggang mamatay si Khate. Siya ang President ng Lee Group, at kilala siya sa kaniyang angking katalinuhan. Siya din ay hindi basta bastang nagagapi sa business world.At walang sinuman ang mangangahas na siya magdusa. Hindi niya akalain na siya ay mahuhulog sa bitag ng babaeng iyon! Nagbabaga sa galit ang kanyang mga mata na hinahanap ang babaeng iyon. Subalit, ang nahagip na lamang ng kaniyang mga mata ay ang mga dokumento sa bedside table nila. “Ano ito?” Nangungunot ang noo niya na kinuha kung ano ang nilalaman nito. Malalaking mga letra na ang nakasulat ay “DIVORCE AGREEMENT” ang tumambad sa kaniyang mga mata. Nanliit ang kaniyang mga mata at ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay biglang naiba. Una, gumamit siya ng paraan upang makipagtalik sa kaniya, at ngayon nanghihingi ito ng divorce…parami na ng parami ang kanyang panlilinlang! Hindi sumagi sa isipan ni Anthony na makikipahiwalay sa kanya ang kaniyang asawa. Tumayo siya at nagsuot ng damit. Bumaba siya ng hagdanan ng mayroong pagbabanta sa mukha, tinanong niya ang kasambahay, “Nakita mo ba kung nasaan si Khate?” Gulat at may takot na sumagot ang kasambahay, “Sir, ang inyo pong may bahay ay umalis na ng mansion noong madaling araw, dala-dala niya ang kaniyang mga gamit.” At sa pagkakataong iyon, si Anthony ay nakaramdam ng pagkalito. …. Makalipas ang anim na taon. WMC Medical Research Institute. Kakalabas pa lang ng laboratory ni Khate ay narinig na niya ang kanyang assistant na si Cecile, “Dr. Khate, ipinapatawag po kayo ni Professor Wang sa kanyang opisina, gusto daw po niya kayong makausap.” Papungas pungas pa si Khate dahil magdamag itong gising at inaantok na, pero dahil sa kanyang narinig ay biglang nagising ang kanyang diwa. “Anong sabi niya? Hindi maaari ito…ang research and development results ay nawasak ng dalawang batang makukulit na iyon, tama” Huminga siya nga malalim si Cecile na may pag-aalala at sumagot, “Ano pa nga ba?” Ang kaniyang amo na si Dr. Khate ay isa sa pinakamahusay at maabilidad sa larangang ng medical field kahit sa murang edad nito, at isa siya pinagmamalaking disciple ni Rhyang Wang na kilala naman na tanyag sa medical field, at kailanman ay hindi pa ito nagbibigay ng salita lalo na sa usaping iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, siya ang mapagbubuntungan ng sisi dahil sa dalawang cute na mga batang iyon. Subconsciously, inaaliw ni Cecile ang kanyang amo, “Sa pagkakataong ito doc, three days na sunod-sunod kayong di lumalabas ng laboratory. Nag aalala na sina Miggy at Mikey sa iyong kalusugan. Araw-araw silang nag gugulo sa opisina ni Professor Wang…nakita ko ang mga buhok ni Professor Wang, parang di magtatagal mamumuti na naman ito agad.” Pakarining ni Khate sa mga sinabi ng kanyang assistant ay bahagya siyang nakaramdam ng pagsakit ng kanyang ulo, subalit tatawa-tawa ito sa mga nangyayari. Six years ago, nilisan ni Khate ang Lee Family at lumayo ng bansa. Sa kanyang orihinal na plano, siya ay magsusumikap na mag-aral, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman niyang siya pala ay nagdadalang tao. Nang malaman niya ito, siya ay naguguluhan kung ipapaabort ba niya ito o hindi, ngunit ng dumating na siya ng ospital umatras siya at napag isip-isip niya na hindi pala niya kayang pumatay ng mga batang walang muwang. Sa bandang huli, pinili niyang pangalagaan ang mga ito. Sa gulat niya, siya ay nagdalang tao ng triplets, dalawang batang lalaki at isang babae. Pero sa kanyang panganganak, nasawi ang batang babae dahil sa kawalang ng oxygen, at naiwan sa kanya ang mga pinakamamahal niyang mga anak na sina Miggy at Mikey. Sa pag-iisip niya sa dalawang anak niya, nakaramdam siya ng pagmamalaki at galak sa kanyang puso sapagkat bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng matataas na IQ. Pero sa pag-iisip na siya ay mapapagalitan dahil sa kanyang mga anak, bigla siyang nanlambot.Agad na pumunta ng opisina ni Professor Wang si Khate.At sa pagkapasok niya opisina, nakita niya ang dalawa niyang anak na nakaupo sa sofa habang pinalalambitin ang kanilang mga binti.Nang makita nila ang kanilang ina, agad silang nagalak at nagpaunahan na tumakbo papunta dito. “Mommy, finally lumabas na po kayo! Akala namin ni Mikey doon na po kayo maninirahan sa laboratory ng mahabang panahon!”“Mommy, you always worked hard, are you tired? Upo po kayo dito mommy, bilis po. I’ll pat your back.”Pagkasabi ng kanyang anak ay kinuha nito ang kanyang magkabilang kamay at hinila palapit sa sofa na kanilang pinagkakaupuan.Naupo si Khate at pinagmasdan ang kanyang dalawang mapagmahal na mga anak, pero napagtanto niyang kailangan silang mapagsabihan sa kanilang ginawang pang gugulo.“Aha! Ngayon kayo ay nagpapakita ng magandang pag-uugali, pero bakit hindi kayo nagbehave nang pinaglaruan ninyo ang aking kompyuter?”Nakita ni Professor Wang ang mga eksena habang nakaupo sa kanyang mesa at
Sa Paglabas ng PaliparanHabang lumalabas ng paliparan, kinakabahan si Khate at paulit-ulit na lumilingon upang tingnan kung nakasunod sa kanila ang lalaki. Mabuti naman at hindi na nila nakita muli ang taong iyon hanggang sa makalabas sila ng gate ng paliparan.Nakahinga ng maluwag si Khate. Ang dalawang bata ay hawak niya, at nakaramdam sila ng kaunting pagtataka nang makita nilang panay lingon ang kanilang ina halos bawat tatlong hakbang sa daan. Gayunpaman, dahil nakita nilang kinakabahan ang kanilang ina, alam nilang hindi magandang panahon iyon upang magtanong, kaya sumunod na lamang siya nang tahimik."Khate! Miggy! Mikey!"May narinig na boses ng babae mula sa malayo.Tumingala ang tatlo at nakita nila ang isang babaeng nakasuot ng simple ngunit eleganteng damit sa kabilang kalsada, kumakaway ang kamay at mabilis na lumapit sa kanila ng nakangiti.Nang makita ang papalapit na tao, unti-unting huminahon ang kinakabahan na puso ni Khate at ngumiti siya, "Kyrrine, matagal na tayo
Si Khate ay may hinala rin sa isip niya... Maaari kayang ang maliit na batang ito ay pipi?Nang maisip ang posibilidad na ito, lalo siyang naawa sa batang babae, at bumulong, "Ibigay mo ang kamay mo kay auntie, okay?"Habang sinasabi niya iyon, inilahad niya ang kanyang kamay.Tiningnan siya ng batang babae nang nahihiya, at pero lumambot na ang kanyang ekspresyon nang marinig ang boses niya.Hindi nagmadali si Khate, at naghintay ng may pasensya sa kanya, dahan-dahang tinatanggap ang kanyang sarili.Matagal na nag-alangan ang batang babae bago dahan-dahang inilahad ang kamay kay Khate.Nakita ito ni Khate at agad itong hinawakan ng marahan, ngumiti at tinulungan ang bata na tumayo, at sinamantala ang pagkakataon upang muling suriin ito.Ang distansya sa pagitan ng dalawa ay napalapit na din sa isa’t isa dahil sa ginawang ito ni Khate.Ang katawan ng batang babae ay napakinis at may amoy gatas.Lumambot ang puso ni Khate, ngunit hindi niya maiwasang isipin ang kanyang anak na namatay.
Matagal na tinitigan ni Anthony ang babae. Maingat na kinurot ni Cassandra ang kanyang palad, natatakot siya na baka mabunyag ang kanyang kahinaan. “Mas mabuting maging ganun na lang katulad ng sinabi mo.” Maya-maya, iniwas ni Anthony ang tingin sa babae at tumingin kay Gilbert na naghihintay sa gilid, “May balita na ba mula sa pulis?” Mabigat ang tono ni Gilbert, “Wala pa po, Sir.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, maingat niyang tiningnan si Anthony at nag-aalalang sinabi, “Hindi po kaya ang munting binibini ay naging biktima na ng pandurukot?” Ang batang iyon ay paborito ng kanyang amo. May mataas na katayuan siya sa pamilyang Lee. Sa loob ng maraming taon, naging target siya ng maraming tao. Mayroon ding pagkakataon na halos madukot na siya. Ngayon hindi siya mahanap ng sinuman sa paligid, at kahit ang pulis ay wala pang maibigay na balita, kaya kailangang isipin ni Gilbert na ito ay nadukot. Nang marinig ito, biglang dumilim ang mga mata ni Anthony, at mahigpit niyang
Ang Gouzu ay isang pribadong restaurant na maihahanay sa mga five star restaurants. Kilala ito sa may mga waiters at waitress na magagalang sa serbisyo at masasarap na pagkain. Bukas lamang ito sa mga high-end na kliyente na may reservation. Kailangang gawin ang reservation isang buwan nang maaga. Nakahanap pa rin si Kyrrine ng mga koneksyon at nakakuha ng isang reservation kahapon. Ang layout ng restaurant ay napaka-elegante din sa panloob at labas na mga disenyo at kagamitan . Ang bawat upuan ay pinaghihiwalay ng isang screen. Mayroong isang maliit na pintuang kahoy sa harap, ngunit walang kisame. Kapag kumakain sa gabi, ang chandelier sa kisame ay puno ng atmospera, na medyo katulad ng pilosopikal na konsepto ng mga sinaunang tao na umiinom sa ilalim ng buwan. Pumasok sila sa loob at sabay na umupo sa isang bilog na mesa. Di nagtagal, dumating ang waiter na may dalang pagkain nila. Natatakot si Khate na hindi makakain nang maayos ang batang babae sa tabi niya, kaya't bina
Dalawang tao lamang ang nasa nakareserbang mesa, isang batang babae at middle aged na babae.Inilibot agad ni Anthony ang kanyang mga mata sa paligid ng nakareserbang mesa at sa huli ay napunta sa kanyang paningin sa anak na babae.Kakatapos lamang kumain ng malungkot na batang babae dahil sa biglang pag-alis ni Khate. Ngayon na nakita niya ang kanyang ama, hindi siya natakot at padabog pa na inilayo ang kanyang ulo.Nagdilim nang bahagya ang mga mata ni Anthony."Anak, ayos ka lang ba?"Parehong tahimik ang ama at anak, kaya naman ang katulong na si Gilbert ang nagsalita.Tinignan siya ng batang babae, ngunit gayundin ang kanyang ginawa, padabog niyang inilayo ang kanyang ulo, at hindi siya pinansin.Maingat na tinignan ni Gilbert ang bata, at nang makita niyang ligtas ito, huminga siya ng malalim at bumalik kay Anthony para mag-bigay ng update.Tumango si Anthony, kinunot ang kanyang noo, at tinignan ang taong nakaupo sa tabi ng kanyang anak.Nang magtama ang kanilang mga mata, humi
“Mommy, sino po si Anthony? Bakit po kailangan nating magtago sa kanya?”Nakita ni Miggy at Mikey na hindi mapakali at tila wala sa wasto ang isip ni Mommy Khate nila, kaya’t nanginginig niyang hinawakan ang kamay nito at nagtanong nang may pag-unawa.Dahan-dahang bumalik sa katinuan si Khate, hinawakan niya ang kanilang mga ulo ng mga anak, at ngumiti ng matamis.“Hindi siya importanteng tao anak, pero may kaunting sama ng loob siya kay Mommy noon. Kaya kayong dalawa, kung maririnig ninyo ang pangalang niya sa hinaharap, dapat kayong lumayo sa kanya, naiintindihan nyo ba si Mommy?”Tumango ang dalawang maliliit na bata nang may pagsunod at pag-unawa, “Naiintindihan po namin Mommy.”Nang tumalikod si Mommy, nagkatinginan ang dalawa, ang kanilang malalaking mata ay puno ng pag-usisa.Ano ang nangyari sa pagitan ni Mommy at Daddy noon? Mukhang malaki ang hindi nila pagkakaintindihan!Napayuko si Khate, iniisip pa rin ang sitwasyon ni Kyrrine, ngunit muling nagsalita ang dalawang malilii
Dalawampung minuto ang lumipas. Dahan-dahang huminto ang kotse papasok sa Lee Mansion. Pilit na inabot ng ama ang kamay ng kanyang anak, ngunit, hindi nagpahawak si Katerine, sinuportahan niya ang sarili sa upuan, at dahan-dahang bumaba ng kotse, at naglakad sa unahan ng walang imik. Tahimik lang na sumunod si Anthony. Pagkapasok pa lang ng mag-ama sa pinto, narinig nila ang isang tawag... "Katerine!" Si Cassandra ay nasa hall, nakaupo ito at nagpapalipas-oras habang nagbabasa sa kanyang cellphone. Nang bigla niyang marinig na may pumapasok sa pintuan, ang mag-ama pala iyon, agad na tumingala siya. Nang makita niyang si Katerine iyon, agad siyang tumakbo palapit at mapagkunwari na niyakap ang maliit na babae, "Sa wakas ay nakabalik ka na! Bakit ka ba tumakbo ng walang paalam? Nag-alala sayo si Auntie! Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Habang sinasabi niya iyon, tiningnan niya ang katawan ng maliit na babae nang may kaba sa dibdib. Hindi inaasahan ni Katerine ang kanyang ginawa