Sa gitna ng masalimuot na buhay sa Maynila, si Heart Cruz, isang dedicated nurse, ay nagkakaroon ng muling pagkikita kasama ang kanyang mga kaibigan mula pagkabata, sina Althea, Angie, at Janith. Isang araw, habang abala sa kanyang duty sa isang pribadong hospital, nakatagpo siya ng hindi inaasahang insidente kay Brandon Flores, isang mayamang businessman at may-ari ng hotel at beach resort at isang Multi-Billionare. Ang isang simpleng banggaan ay nagresulta sa isang hindi kanais-nais na pagkakahawakan na nagpasiklab ng galit ni Heart. Habang ang kanyang kaibigan na si Janith ay nalalapit na sa panganganak, nagiging masalimuot ang sitwasyon nang magtagpo muli ang kanilang mga landas. Sa gitna ng emosyon at tensyon, kailangang harapin ni Heart ang kanyang galit at ang mga hindi inaasahang damdamin kay Brandon, na tila may mas malalim na ugat sa kanyang galit at ang kanyang asal na para dito. Ano kaya mangyari sa dalawa habang tinatahak ang hamon ng kanilang nakaraan at kasalukuyan? May pag-ibig ba kayang mabubuo sa kanilang alitan. Ano kayang kwentong sa pagkakaibigan? May pag-ibig pa kayang bumuo sa kanilang wasak na puso? At pagtuklas sa tunay na pagkatao sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay? "PAHIRAM NG ISANG GABI (BOOK #1)
View MoreChapter 261 Tumawa ako. "Para saan pa yun kung hindi pa sila kakain?" "Syempre, for aesthetic lang!" natatawa niyang sagot. "Gusto ko lang na special ang araw na yun para sa kanila, kahit hindi pa nila maiintindihan." Hinila ko siya palapit at hinalikan sa noo. "Anything for you and our babies, Love. Ako na ang bahala sa decorations, ikaw na sa food, okay?" "Deal!" sagot niya, sabay yakap sa akin nang mahigpit. Habang nakayakap kami, biglang umiyak ang isa sa triplets mula sa nursery room. Nagkatinginan kami ni Kiera at sabay kaming napatawa. "Parang narinig nila ang pinag-uusapan natin," biro ko. "Sige, ako na ang pupunta," sabi niya, sabay tayo. "Check mo na rin yung gagamitin natin sa party, ha?" "Yes, Ma'am!" sagot ko na may ngiti, habang pinagmamasdan ang asawa kong abala sa pagiging isang mapagmahal na ina. Sa sandaling iyon, narealize kong wala na akong mahihiling pa. Ang pamilya ko ang pinakamahalagang biyaya sa buhay ko.Habang pinagmamasdan ko si Kiera na nakatitig
Chapter 260Jammie POVHabang karga ko ang isa sa triplets namin, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang liit-liit pa niya, pero ang lakas na ng kapit ng maliliit niyang kamay sa daliri ko. Para bang ayaw niya akong pakawalan."Love, tingnan mo," sabi ko kay Kiera habang pinapakita ang mahigpit na kapit ng anak namin sa daliri ko. "Mukhang ayaw akong bitawan nito ah."Lumapit si Kiera at hinaplos ang maliit na noo ng baby namin. "Syempre, mahal na mahal ka niyan. Alam niya na ikaw ang daddy niya."Napangiti ako at hinalikan ang noo ng anak namin. "Hindi lang naman ako, pati ikaw. Alam mo ba, kapag ikaw ang bumubuhat sa kanila, mas mabilis silang kumalma?"Natawa si Kiera. "Siguro kasi mas sanay silang marinig ang boses ko mula pa sa tiyan ko."Tumango ako. "Makes sense. Pero kahit na, feeling ko, Mommy’s babies talaga itong mga ‘to."Napatawa siya at umiling. "Ikaw talaga. Pero hindi naman ako magrereklamo kung Daddy’s babies sila, ha?"Inilipat ko ang baby namin sa balikat ko at marahang
Chapter 259Lumipas ang mga oras ay nagpapaalam na silang umuwi dahil hina-hanap na sila ng kambal nila."Sige, mag-iingat kayo sa pag-uwi. Sent regards to mom at dad. Ang tinutukoy ko ay ang mga biyanan naming dalawa.Ngumiti si Claire at tumango. "Oo, ipapaabot ko. Baka gusto niyo ring dumaan sa bahay this weekend? Para naman makapag-bonding ulit ang mga bata."Napatingin ako kay Jammie na ngayon ay pawisan pa rin pero abala sa pag-inom ng tubig. "Ano, love? Punta tayo kina Jimmie this weekend?"Tumango siya at ngumiti. "Sige, maganda ‘yan. Para makapaglaro ulit ang mga bata."Masayang tumango si Claire bago bumaling kay Jimmie. "Aalis na tayo?""Sige, love. Magpapalit lang ako ng shirt," sagot ni Jimmie bago mabilis na nagpaalam kay Jammie at lumakad papasok ng bahay.Humarap ulit sa akin si Claire at hinawakan ang kamay ko. "Salamat sa kwentuhan, Kiera. Ang sarap lang balik-balikan ‘yung dati nating buhay. Pero masaya rin ako sa kung anong meron tayo ngayon."Ngumiti ako at hinigp
Chapter 258Pagkatapos naming kumain ay agad aking nagtungo sa hardin. Habang ang triplets ay nasa kanilang yaya na binabantayan habang natutulog sa kanilang kuna sa nursery room nila.Pagdating ko sa hardin, malakas ang ihip ng hangin, at ramdam ko ang preskong simoy nito. Saglit akong naupo sa isang wooden bench sa ilalim ng malaking puno, ini-enjoy ang tahimik na sandali. Sa loob ng mansyon, alam kong mahimbing na natutulog ang triplets, binabantayan ng kanilang yaya.Habang nakatingin ako sa mga bulaklak na namumulaklak, biglang lumapit si Claire, may dalang dalawang tasa ng mainit na kape. "Alam kong mahilig ka sa kape kapag ganitong oras," aniya, sabay abot sa akin ng isang tasa."Salamat, Claire," sagot ko, tinanggap ang kape at humigop ng kaunti. "Ang sarap. Tamang-tama sa simoy ng hangin."Napangiti siya at umupo sa tabi ko. "Alam mo, ang sarap lang minsan magpahinga ng ganito. Tahimik, walang stress.""Totoo," sagot ko. "Kahit maraming nangyayari sa buhay, may mga sandali ta
Chapter 257Hinagod ni Jammie ang likod ko habang nakasandal ako sa kanya. Ramdam ko ang init ng katawan niya, at kahit pagod, may saya sa pakiramdam ko.“Tingin mo,” bulong niya, “ilang oras kaya tayong makakatulog bago magising ulit ang mga ‘yan?”Napangiti ako at tiningnan si Jaden. “Baka isang oras… kung papalarin tayo.”Umiling si Jammie, napahagikgik. “Akala ko noon, sanay na ako sa puyat sa trabaho. Pero iba pala ‘to, Kiera.”Tiningala ko siya at nakita kong nakapikit siya, pero bahagyang nakangiti. “Gusto mo bang matulog muna habang hawak ko si Jaden?”“Hmm…” dumilat siya at tumingin sa akin. “Ikaw ang mas kailangan ng tulog, hon. Ako na lang muna.”Umiling ako. “Sabay na lang tayo.”Ngumiti siya at mas hinigpitan ang yakap sa akin. “Deal.”Maya-maya, bumalik si Manang Rosa, at maingat niyang kinuha si Jaden mula sa akin.“Sige na, iha, magpahinga muna kayo ni Jammie. Ako na ang bahala rito.”Nagmamadali kong tinapik si Jammie. “Hon, pagkakataon na natin ‘to.”Nagkatinginan ka
Chapter 256Kiera POVKinabukasanMaagang nagising sina John at Jenny, sabik na sabik sa kanilang paglalakbay kasama si Papa Miguel papuntang Pampanga. Kahit tahimik pa ang buong mansyon, rinig ko na ang mahihinang yabag ng mga anak ko sa pasilyo.Napangiti ako habang pinagmamasdan silang nagmamadaling bumaba ng hagdan, dala ang kanilang maliliit na backpack. Halata sa kanilang mukha ang pananabik habang kinakalabit si Papa Miguel, na kasalukuyang iniinom ang kanyang kape sa veranda.“Lolo! Ready na kami!” masiglang sabi ni Jenny habang hinahatak ang kamay ni Papa.“Tamang-tama, anak,” sabat ni Jammie habang papalapit ito sa amin. “Baka gusto niyo munang mag-agahan bago kayo umalis?”Tiningnan ni Papa Miguel ang oras sa kanyang relo at tumango. “Oo nga naman, mga apo. Mahaba ang biyahe natin, mabuti nang busog tayo.”Agad na umupo ang kambal sa hapag-kainan, sabik na sabik habang inaabangan ang kanilang pagkain. Naupo naman ako sa tabi ni Jammie habang pinagmamasdan ang pamilya ko.“E
Chapter 255 Pagdating namin doon, agad kaming sinalubong ni manang na mahigpit na yakap. “Ayan na ang paborito kong mga apo!” masayang sabi niya habang tinitignan ang kambal. “Manang!” sabay na reklamo nina John at Jenny pero bakas sa mukha nila ang tuwa. Napatingin ako sa ama ni Kiera, na nakangiti lang habang umiinom ng kanyang tsaa. “Kumusta ang pamamasyal niyo?” tanong niya. Umupo ako sa tabi ni Kiera at sumagot, “Masaya, Pa. Sa wakas, tahimik na ang buhay natin.” Tumango ito at sumandal sa upuan niya. “At sana manatili na ‘yan, anak.” Habang nag-uusap kami, ramdam ko ang kapayapaan sa paligid namin. Sa wakas, wala nang panganib, wala nang takot—pamilya na lang at pagmamahal. At sa gabing ito, kasabay ng masarap na hapunan, ipinagdiwang namin ang bagong simula ng aming buhay bilang isang buo at masayang pamilya. "Halina't kumain na kayo," wika ni Manang sa amin. Agad kaming sumusunod patungo sa kumidor. Pagdating namin sa komedor, maayos nang nakahain ang hapunan—may ma
Chapter 254 Habang iniinom namin ang milk tea, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang pamilya ko. Ang kambal ay panay ang tawanan habang nag-aasaran, si Kiera ay tahimik na ini-enjoy ang inumin niya habang yakap ang isa sa triplets, at ako naman ay nakikiramdam lang sa init ng moment na ito. “Dad, pagkatapos natin dito, pwede ba tayong dumaan sa park?” biglang hirit ni John. “Yeah! Gusto naming maglaro ni Kuya doon,” dagdag ni Jenny, sabay tingin kay Kiera na parang may gustong ipakiusap. Napatingin ako kay Kiera at bahagyang napailing. “Bakit ako ang tinitingnan niyo? Dad niyo ang kausapin niyo,” natatawang sabi niya. Mabilis na bumaling ang kambal sa akin, parehong may puppy eyes na tingin. “Please, Dad?” sabay nilang sabi. Napatawa ako at umiling. “Alam niyo, kung hindi lang kayo cute, baka hindi kayo makalusot sa akin.” “Yay! Ibig sabihin pupunta tayo?” excited na sigaw ni Jenny. “Sige, pero saglit lang tayo ha. Baka mapagod masyado si Mommy niyo at a
Chapter 253KinabukasanMaaga kaming nagising para bumalik sa aming mansyon. Andito kasi kaming lahat sa mansyon nila ni Dad at Mom nag tipon-tipon. At ngayon ay wala ng panganib kaya wala nang takot sa aming puso at alinlangan pa.Habang inihahanda namin ang aming mga gamit para bumalik sa sariling mansyon, ramdam ko ang katahimikan at kapayapaan sa paligid. Ang dating tensyon at takot na bumalot sa pamilya namin ay tuluyan nang napawi. Sa wakas, wala nang panganib na kailangang harapin—ngayon, ang tanging misyon namin ay ang mabuhay nang payapa at masaya bilang isang pamilya.Lumabas ako sa balkonahe at nakita si Dad na nakatayo roon, pinagmamasdan ang malawak na hardin. Lumapit ako sa kanya at tumabi. "Dad, maraming salamat sa lahat. Kung hindi dahil sa inyo ni Mom, hindi namin mararanasan ang ganitong kapayapaan."Napangiti si Dad at tinapik ang balikat ko. "Anak, pamilya tayo. At bilang isang pamilya, palagi nating poprotektahan ang isa’t isa. Ang mahalaga, natutunan natin na hin
Chapter 1 "Heart, gising na! Naku, ikaw talagang bata ka, pag nalate ka sa klase mo, kukurutin talaga kita sa singit!" wika ng aking butihing ina. Dahil sa lakas ng boses ni Mama, kaya siya ang ginawang naming alarm clock kasama na ang mga kaibigan kong sina Althea at Angie. Kung kapitbahay kami ni Janith, siguradong magigising talaga din ito. Sino ba naman hindi magigising sa kanyang boses para itong nakalunok ng megaphone dahil sa tinig nito. Habang tinatabunan ko ang aking mga tainga, sinilip ko ang orasan sa dingding. Ganoon na lang ang paglalaki ng mata ko nang makita kong 6:45 AM na pala. Agad akong napabalikwas saka mabilis bangon at nagmadaling tumungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang aming paliguan. Agad kong binuksan ang gripo at sabay na umangal, dahil ngayon lang ako ginising ng aking ina. "Mama, bakit ngayon mo lang ako ginising? Malilate na ako!" pagsisisi ko dito habang nagbubuhos ng tubig sa aking ulo galing sa tabo. Nangingisay pa ako sa sobrang lami...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments