Chapter 10 Heart POV "Walang hiya, pangalawa na nya ito. Ninakaw pa nya ang unang halik na sana'y para sa magiging first boyfriend ko. Sa sobrang pagka-bigla ko, napatulala ako. Humanda ka sa akin, lalake ka," sabi ko sa aking isipan. Napa-kuyom na lang ako sa aking kamay habang nanlilisik ang aking mata. "Kailangan malalaman ko kung saan siya nakatira. Kailangan kong makausap si Althea," wika ko. Kaya agad akong bumalik sa loob ng hospital at binalikan ko ang silid kung saan naroon ang tatlo kong kaibigan. Pagdating ko, agad siyang kumatok at binuksan ang pinto. "Ah, hi!" bati ko sa kanilang lahat. "Oh, may nakalimutan ka ba, Puso?" tanong ni Janeth. "Ah, kasi, may itatanong lang ako kay Atis." "Sayo pala, may kailangan si Puso, Atis," bigkas ni Angie. "Bakit?" tanong ni Althea na may halong pagtataka. "Ah, pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" saad ko dito. Tumango lang ito. Kahit kailan, tipid talaga siyang magsalita. Kaya agad kaming lumabas at nag
Chapter 11 Brandon POV Napa-mura ako sa aking isip nang may gumising sa akin. Papagalitan ko sana, pero nagulat ako sa aking nakita. Yung babae—yung nurse na hinalikan ko kanina—na may hawak na gunting at nakangiti ng nakakatakot. Habang papunta siya sa aking gitna, lalo akong nagulat nang makita kong ginupit niya ang aking talong. "Ahhhhhhhhhhhh!" Tanging sigaw ko lang iyon dahil sa takot at, sa sobrang gulat, nahimatay ako. Pag-gising ko kinabukasan, saka ko lang napansin na bukas ang aking mata, at iniisip ko na panaginip lang lahat ng nangyari—isang masamang panaginip. "Akala ko talaga totoo ang lahat," bulong ko sa aking sarili, umiiling-iling pa ako habang hawak-hawak ang aking gitna. Nang maramdaman kong may basa at malagkit, kinabahan ako ng sobra kaya agad kong tinignan ang aking kamay at biglang napa sigaw ako sa takot. "Dudugoooo... dugo, dugo... Ahhhhhhh my my nooooo! Nanaaaaa!" malakas kong sigaw mula sa aking silid. Dahil sa sobrang takot at taranta, tum
Chapter 12 Pagkatapos kong maligo agad akong nagbihis ay kinuha ang aking phone. Dahil buo na ang aking desisyon ang tanungin ang isa kong kaibigan. Habang nag ring ang aking tinawa ay saka naman ako nagbibihis. Si Jayson ang aking tinawagan at sya ang hiningan ko ng pabor. Ilang ring lang ay agad itong sinagot kaya wala akong dalawang isip na sabihin ang kailangan ko, laking tuwa ko dahil pumayag ito. Ngunit may kapalit ang kanyang tulong, ako daw ang sagot sa gastusin ng binyag sa kanyang mga anak. Wala akong choice kaya pumayag sa kagustuhang upang makaganti lang ako sa babae na -yun. Kung totoosin ay maliit lang na halaga iyon kaya agad akong pumayag. Pinahintay muna niya ako ng ilang oras bago niya binigay ang address nito. Pagkatapos i-bigay ni Jayson ang address ay napa ngite ako dahil hindi ako mahihirap sapagkat ay pareho lang pala kami ng subdivision tinitirhan at ilang bahay lang ang pagitan naming. "Hmmm, humanda ka babae, tinakot ko ako kanina. Kaya
Chapter 13 Heart POV Nagising ako sa sakit na sa'kin ulo kaya napa mura ma lamang ako sa sobrang sakit. "Shit ang sakit ng ulo ko, nalasing yata ako kagabi!" sabay mulat sa aking mata. Agad din ako nagtataka, "sandali lang paano ako napunta dito sa loob sa aking silid?" takang tanong ko s asking sari habang hawak pa rin ang aking ulo dahil sa sakit. "Siguro dahil sa lasing ako hindi ko alam na pumasok ako dito, buti na lang at hindi ako tumalon sa ibaba at dito ako dinala sa aking mga paa!" dagdag kong sabi. Hanggang naisip ko kung anong oras na kaya napatingin ako sa orasan nasa wall. Nanlaki ang aking mata ng nakita ang oras kaya napabalikwas na lang ako sa akung pagkahiga dahil malapit ng mag alas-dos ng hapon. "Haist! kaya pala kumakalam ang sikmura ko," sambit ko, saka daling-dali kung inayos ang aking higaan at pumunta sa banyo para makaligo kahit papaano ay mabawas bawasan ang aking hang-over. Pagpasok ko ay agad kung hinubad ang lahat na damit ko saka binuksan ang sho
Chapter 14Habang abala ako sa pamimili, hindi ko maiwasang mapangiti. Pagdating ko sa meat section, bigla na lang may tumabi sa akin at tinampal ang aking pwet. Napasinghap ako at pati ang mga tao sa paligid ay napansin din iyon. Agad akong lumingon, at mabilis kong tinuhod ang lalake ng buong lakas. "Oh!" ang narinig ko mula sa mga nakakita. Halos magtalon-talon ang lalake sa sakit. Nang tumingin siya, napagtanto ko na siya pala ay isang manyakis.Dahil sa aking galit ay hindi ko maiwasang palasigaw at sabay sabing, "Mabaog ka sana, hinayupak ka!" habang nanlisik ang aking mata. Pagkatapos, dali-dali akong pumunta sa cashier habang tulak-tulak ang cart na may lamang binili ko upang bayaran para makaalis agad.Hindi nagtagal ay agad namang natapos kaya dali-dali akong lumabas ng mall at pumara ng taxi buti na lang at agad ako nakakita kaya mabilis akong sumakay. Ibinigay ko agad sa driver ang address ko, saka ito pinatakbo paalis sa mall. "Walang hiyang lalaki na -yun! Ang lakas
Chapter 15Kurt POVNasa hospital ako ngayon dahil dinala ko si Brandon dito. Buti na lang at pumunta ako sa mall para bumili ng ilang pagkaing na ipinapabili ng asawa ko, dahil mukhang nagli-lehe na naman ito, kaya kung anong hingin nito ay ibinigay ko na walang alinlangan.Nabigla na lang ako dahil nagkagulo ang may meat section ng grocery kaya agad ako nagpunta, at bumungad sa aking paningin ang aking kaibigan nakahandusay sa sahig. Agad ko itong nilapitan at kinapa ang kanyang leeg, nakahinga na lang ako ng maluwag ng mag nakapa akong pulso doon. Agad namang inaasikaso ng mga doctor kung kaya nakahinga ako ng maluwag saka ko tinawagan ang maneger sa mall upang kunin ang footage ng CCTV kung saan ito hinimatay. Pagkatapos kong tawagan ang maneger agad kung tinawagan ang isa sa mga tauhan ko at inutusan kunin ang CCTV footage sa Mall at sinabi ko dito na tinawagan ko na ang maneger noaya hindi na ito mag-alala pa. "Copy, boss!" sagot nito saka ko ibinaba ang tawag. Tatlong ora
Chapter 17Brandon POVPagkagising ko ay agad ako nagtataka sa paligid, "asan ako?" takong ko sa aking sarili habang nagtataka. Bumungad kasi sa akin ang puting pintura sa dingding. Marami ang pumapasok sa aking isipan kaya hindi ko na pansin na nasa hospital pala ako. Hanggang bumalik ang ala ala ko nangyari sa mall kaya natakot ako baka hindi ako magkaanak dahil sa lakas nitong pagtubod sa akin. Inilibot ko ang mata ko sa paligid, nagtataka kung sino ang nagdala sa akin dito."Sino kaya ang nagdala sa akin dito?" tanong ko sa sarili ko, pero hindi ko tiningnan kung may nakaupo sa sofa.Hanggang mapansin ko si Kurt na nakangiting nakatingin sa akin at parang nag-aasar pa ito sa paaralan ng kanyang tingin, kaya agad pumasok sa aking isipan na siya ang nagdala sa akin dito. Hanggang napaalam ito sa akin dahil kailangan na itong umalis. Tanging tango lang ang aking sinagot dito dahil Hindi koahanap ang aking boses. Nang makaalis ito, doon ko na naramdaman ang sakit sa aking heto at
Chapter 17 Heart POV Sabi ng head nurse namin, ako raw ang mag-aalaga sa isang pasyente at ang sahod ko ay P50,000 kada linggo. Agad lumaki ang mata ko ng nalaman kung magkano ang sasahurin ko. Totoo nga ang sinabi ng mga sa unang panahon, kapag kumati ang palad ay may darating na pera. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Aba, sino ba naman ako para tumanggi, 50,000 ang matatanggap kung sahod kadal linggo. Daig ko pang nanalo ng lotto o nakapangasawa ng afam. Kahig ganun ah may iba akong ma raramdaman, eh malaking halaga na ‘yon. Laya sigurado akong mahirap alagaan ang pasyente na yun. "Siguro sobrang matanda na ito, at walang nakakatagal na nurse dahil sobrang pangit ng ugali!" bulong ko sa aking sarili habang nasa labas na ako ng opisina ng head office. Agad kasi ako lumabas pagkatapos niyang sabihing puntahan ko sa lang ang room niya. Walang dalawang-isp na maglalakad patungo sa elevator upang agad mapuntahan ang VIP room ng pasyente. -Yung ngiti ko ay hindi mawal
Chapter 139"Uminom ka muna, Kiera," sabi ni Lia habang inaabot ang baso ng tubig. Kita ko sa mukha niya ang awa at pag-aalala."Salamat," mahina kong sabi, kinuha ang baso at pilit na pinakalma ang sarili. Nanginginig pa rin ang kamay ko habang umiinom, pero kahit papaano, naramdaman kong unti-unting bumababa ang tensyon sa katawan ko."Ano ba kasi 'yang nangyayari, Kiera? Bakit parang pelikula ang buhay mo ngayon?" tanong ni Lia, pero sa tono niya, halata ang sinseridad sa pag-aalala.Napailing ako. "Hindi ko rin alam, Lia. Parang hindi ko naman ginusto na mapasok sa ganitong sitwasyon. Pero ito na 'to, andito na tayo."Umupo si Lia sa tabi ko at bahagyang tumikhim. "Alam mo, kung ako ang nasa posisyon mo, malamang kanina pa ako sumabog sa galit. Pero ikaw, nakaya mo pang magtimpi.""May choice ba ako? Kung patulan ko 'yung babaeng 'yon, mas lalo lang kaming mapapahiya. Masisira pa lalo ang reputasyon ng department natin," paliwanag ko, pilit na pinapasok ang utak sa trabaho kahit p
Chapter 138Napailing ako at pilit na ngumiti. "Lia, salamat, pero tama na muna ang tsismis. Balik na tayo sa trabaho," sagot ko, sabay harap ulit sa computer.Habang bumabalik siya sa desk niya, naririnig ko pa rin ang mahina niyang pagtawa. Alam kong may point siya sa iba niyang sinabi, pero hindi ko rin maiwasang mapaisip. Sa gitna ng lahat ng nangyayari, parang mas komplikado pa ang buhay kaysa dati.Habang busy kami ay nagpapasalamat ako dahil sa wakas ay natahimik na din iyon pero ang katahimikan ay biglang nagkaroon ng isang malaking kagulohan ng mag biglang humila sa aking buhok at sinasampal dahil mang-aagaw daw ako na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin at sino ang inagaw ko. Napahiyaw ako sa sakit at gulat nang biglang may humila sa buhok ko mula sa likuran. "Ano ba?! Sino ka?!" sigaw ko, pilit na kumakawala habang nararamdaman ko ang init ng sampal na tumama sa pisngi ko."Hindi mo alam?!" galit na boses ng babae ang sumalubong sa akin, ang mga mata niya naglil
Chapter 137Hindi ko maiwasang ngumiti sa kanyang papuri. "Salamat po, Ms. Clara," sagot ko nang magalang."Okay, Clara," putol ni Jammie, sabay tingin sa kanyang relo. "Pakisabi na lang kay Mr. Dela Cruz na antayin ako sa conference room. I’ll meet him in thirty minutes.""Noted po, Sir," mabilis na sagot ni Ms. Clara, ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. Alam kong marami siyang tanong sa isip, ngunit halatang pinipigilan niyang magsalita nang higit pa."Let’s go, Kiera," sabi ni Jammie, sabay lakad patungo sa kanyang opisina. Sumunod ako, habang ang kambal naman ay masayang nagmamasid sa paligid.Pagpasok namin, ramdam ko agad ang bigat ng pagiging CEO ni Jammie. Malaki, moderno, at elegante ang kanyang opisina—tila sumasalamin sa kanyang personalidad. Napatingin ako sa kanya habang tahimik niyang inayos ang mga papel sa kanyang mesa."Komportable na ba ang kambal sa bagong setup?" tanong niya bigla, na ikinagulat ko nang bahagya."Oo naman," sagot ko. "Sobrang excited nila
Chapter 136 Habang inaayos ko ang gamit ng kambal, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Napakabilis ng mga pangyayari sa nakalipas na apat na araw. Ang dating simpleng buhay namin sa Pampanga ay biglang nagbago nang malaman kong ang ama pala ng kambal ay walang iba kundi si Jammie, ang dating boss ko sa kompanya. Ngayon, narito na kami sa mansyon nila, isang lugar na hindi ko kailanman inakalang mapupuntahan ko, lalo na’t kasama ang mga anak ko. Sa kabila ng lahat, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Masaya ako dahil kasama ko ang mga anak ko at nakikita nilang binibigyang-pansin sila ng ama nila. Pero sa kabilang banda, may kaunting takot at pag-aalinlangan sa puso ko. Tumigil ako saglit sa pag-aayos ng mga damit nina Jenny at John at napatingin sa kanila. Pareho silang masaya habang nagkukulitan sa kama. Napangiti ako. Kahit anong mangyari, sila ang prioridad ko. Pero hindi ko rin maiwasang tanungin ang sarili ko. 'May nobya na ba si Jammie? Kung meron man, paa
Chapter 135"Dapat lang," mahinang sabi niya, halos pabulong, pero sapat na para marinig ko. Napakunot ang noo ko at agad siyang tinanong."Ano 'yun? May sinabi ka ba?" tanong ko habang nakatingin sa kanya, sinusubukang basahin ang ekspresyon niya.Ngumiti siya nang bahagya, pero halatang pilit iyon. "Wala. Sabi ko, mabuti naman at maganda ang impression mo kay Emer," sagot niya habang umiwas ng tingin, kunwaring abala sa pag-aayos ng tasa ng kape niya.Hindi ako kumbinsido sa sagot niya. "Sigurado ka? Parang iba ang narinig ko," sabi ko, bahagyang binibiro siya pero may halong pag-usisa."Huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano," aniya, ngayon ay nakangiti nang mas natural. "Ang mahalaga, nagustuhan mo si Emer. Mabuting tao 'yun, at mahal niya si Sarah."Tumango ako, pero hindi nawala ang pakiramdam ko na may ibang kahulugan ang sinabi niya kanina. Hindi ko na lang pinilit na itanong ulit. Sa halip, tumingin ako sa malayo at pilit iniba ang usapan. "Mukhang masaya ang magiging kasal n
Chapter 134 Pagkatapos ng sandaling iyon, muling bumalik ang ingay ng pagkain sa mesa, ngunit ramdam ko ang panibagong pag-asa na nabuo sa aking puso. Ang ideya na maaaring makalaya ang aking ama ay nagbibigay ng lakas at dahilan upang mas magpursige pa sa buhay na ito. Habang pinagmamasdan ko ang masayang mukha ng kambal, naisip ko, marahil ay may liwanag pa sa dulo ng madilim na yugto ng aming buhay.Nang natapos kaming kumain, tumayo ako upang magligpit ng pinagkainan. Ngunit bago pa man ako makagalaw nang husto, biglang lumapit si Sarah at mahinang pinigilan ang mga kamay ko."Ay, huwag na, Kiera! Sapat na yung tumulong ka sa paghahanda ng pagkain kanina. Kami na ang bahala rito," sambit niya, sabay ngiti habang marahan akong hinila palayo sa mesa."Nakakahiya naman. Ako na ang maghugas ng mga plato," sagot ko, pilit na kumikilos pa rin.Ngunit umiiling si Sarah, ang mga mata niya puno ng kabaitan at sigla. "Naku, hindi na. Bisita ka dito, at higit sa lahat, pamilya ka na rin na
Chapter 133 Ngunit ngumiti lang ako at mahinahong nagsabi, "Huwag po kayong mag-alala, sanay naman po akong gumawa ng mga gawaing bahay. Sa amin po, ako rin po ang gumagawa ng ganito." Tila nahihiya pa rin sila, pero nang makita nilang talagang pursigido ako, pinayagan nila akong tumulong. Habang nag-aayos ng plato at naglalagay ng pagkain, mas lalo akong naging komportable. Hindi ko maiwasang mag-isip habang nagtatrabaho. Ang simpleng gawaing ito ay parang nagpapagaan ng loob ko. Ito ang nakasanayan ko, at kahit nasa marangyang mansyon ako, parang nagiging mas natural ang lahat kapag abala ako sa ganitong mga bagay. Maya-maya pa, narinig ko ang mga yabag sa hagdan. Napatingin ako at nakita si Mommy Heart na bumaba. Nagulat siya nang makita akong abala sa kusina. "Kiera, anong ginagawa mo riyan?" tanong niya, halatang nagtataka pero may halong ngiti. "Ah, Mommy Heart, nag-decide lang po akong tumulong dito. Sanay naman po ako sa ganito, at gusto ko rin pong maging kapaki-pa
Chapter 132Kiera POVHabang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano kaganda ang hapag-kainan nila. Ang long table ay puno ng masasarap na pagkain, at ang bawat detalye—mula sa pinggan hanggang sa mga nakahain—ay halatang pinaghandaan. Hindi ako sanay sa ganitong karangyaan, pero pilit kong itinago ang kaba ko para sa mga bata.Napatingin ako kay John at Jenny na abala sa pagkain. Halata sa kanilang mga mukha ang saya, lalo na nang magtanong si John, "Mommy, ang sarap po ng pagkain! Ganitong-ganito ba palagi dito sa bahay ni Daddy?"Ngumiti lang ako bilang sagot, pero bago pa ako makapagsalita, sumagot na si Jammie. "Gusto kong maranasan ninyo ang pinakamaganda habang narito kayo. Ang mahalaga, masaya kayong lahat."Napatingin ako kay Jammie. Bakit ganito? Napakabait niya sa mga bata... pati na rin sa akin. Para bang pilit niyang pinaparamdam na kaya niyang punan ang mga pagkukulang ko bilang magulang."Mommy Kiera, tikman mo po itong baked salmon! Ang sarap!" sabi ni Je
Chapter 131 Makikita ko sa kanyang mga galak na galak na mukha ang sabik na magkaroon ng koneksyon sa mga bata, at marahil ay may malaking puwang sa kanyang puso na nais mapunan. Ang bawat tanong at sagot ni Sarah ay puno ng malasakit, at alam kong unti-unti nilang magtatagumpayan ang mga unang sandali ng kanilang pagkakakilala. Pinagmamasdan ko sila ng may pagmumuni, natutunan kong ang bawat hakbang na nagaganap ngayon ay isang magandang simula ng isang bagong kwento para sa aming pamilya. Habang hawak-hawak ni Sarah ang kamay ng kambal, tumingin siya sa akin at nagpatuloy. "Hali kayo, ipapakita ko sa inyo ang magiging silid ninyo dito sa mansyon. Sigurado akong magugustuhan ninyo," sabi ni Sarah, ang mga mata niya ay kumikislap sa excitement. "Ay, sandali, Kuya Jammie, ikaw na lang ang mag-utos sa chef cook natin na ipaghanda kayo ng pinakamasarap na hapunan. Naku, sigurado matutuwa si Kuya Jimmie kapag nalaman niyang dito kayo." Napangiti ako sa mga sinabi niya, ngunit sa kabil