Chapter 1
"Heart, gising na! Naku, ikaw talagang bata ka, pag nalate ka sa klase mo, kukurutin talaga kita sa singit!" wika ng aking butihing ina. Dahil sa lakas ng boses ni Mama, kaya siya ang ginawang naming alarm clock kasama na ang mga kaibigan kong sina Althea at Angie. Kung kapitbahay kami ni Janith, siguradong magigising talaga din ito. Sino ba naman hindi magigising sa kanyang boses para itong nakalunok ng megaphone dahil sa tinig nito. Habang tinatabunan ko ang aking mga tainga, sinilip ko ang orasan sa dingding. Ganoon na lang ang paglalaki ng mata ko nang makita kong 6:45 AM na pala. Agad akong napabalikwas saka mabilis bangon at nagmadaling tumungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang aming paliguan. Agad kong binuksan ang gripo at sabay na umangal, dahil ngayon lang ako ginising ng aking ina. "Mama, bakit ngayon mo lang ako ginising? Malilate na ako!" pagsisisi ko dito habang nagbubuhos ng tubig sa aking ulo galing sa tabo. Nangingisay pa ako sa sobrang lamig pero tiniis ko lamang ito dahil ayaw kung pumasok na hindi naliligo. "Nako, ako pa talaga ang sinisisi mo! Kanina pa kita tinatawag. Hala, bilisan mo! Sa school ka na lang kumain. May baon ka na doon, at isa pa, malelate din ako sa trabaho ko. Kaya mauna na ako sa'yo. Huwag mong kalimutan ang baon mo, at i-lock mo maige ang bahay," bilin niya sa akin habang nagsusuklay sa kanya buhok. Pagkatapos ay agad itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Kahit may pagka-bubungira ang Mama ko, love ko ito ng sobra. Walang kapantay ang pagmamahal ko sa aking ina kahit anong materyal na bagay. "Sige, Ma, ingat po kayo. At saka, huwag niyong manyakan ang pasyente ninyo, alam ko po na tigang na tigang kayo kaya behave ka doon!" bilin ko dito, isang nurse kasi ang aking ina sa malapit na hospital. "Hahaha, ikaw talaga! Eh ano ang gagawin ko kung sa kanilang ari ang ipa-check up? Normal lang 'yan sa isang nurse. Kaya kung gusto mo makakita at malaman kung malaki o mahaba, mag-doctor ka o nurse. Libre pa, hawak at himas!" baliw na sabi ng aking ina kaya napa iling ako. "Anong kabaliwan 'yan, Ma? Umalis ka na nga! Mahawa pa ako sa kabalastugan mo," maktol kong sabi. "Oo na, bye anak! Ingat ka sa pagpunta mo school at isa pa lagi kang mag-iingat sa mga kasabay mong sakayan ng jeep dahil sa malaki mong hinaharap!" sambit nito. "Ma—!" tugong ko dito saka ko tinakpan ang aking dibdib. "Hahaha, oh siya, aalis na ako. Yung bilin ko bago ka umalis!" sabi nito. "Opo! Bye, Ma..." tugon ko. "Mag-hilod ka sa singit mo at hugasan mo yang piyaya mo nang maigi para hindi mangamoy bagoong!" habol pa nitong sabi sa akin. "Maaaa..." sigaw ko dito. Ako na ang nahiya sa mga sinabi ng aking ina, kahit kailan ay may pagka malaswa ang pananalita ng aking ina. Kahit na sa mga kapitbahay namin ay pinagsasabihan pa niya ito dahilan lagi ko itong hinihila sa tuwing may mga kausap nitong kapitbahay. "Oo na, hahaha!" tawa nito saka tuluyang tumalikod at itinaas pa ang kanyang kamay sa ere saka ng sign ng peace. Talagang mapilya ang Mama ko. dahil sa kanyang mga sinabi ay siguro akong male-late ako nito, dahil sa aming pag-uusap ni Mama. Pagkawala niya sa aking paningin ay agad kong binilisan ang aking pagkaligo. Pati ang singit ko ay hinihilod at sinabunan ko ng maigi ang piyaya ko para iwas amoy hindi nagtagal ay agad ding natapos ang aking paliligo. Agad kong inabot ang aking towel saka hinubad ko ang aking basang damit at binalot ko ang aking hubad na katawan. Dali-dali akong umakyat sa taas at nagbihis. 7:30 AM na, ang unang subject ko ay English at insaktong alas-otso ang mag-umpisa ang klase, nasa 4th year high school na ako pati din ang aking mga kaibigan. "Malapit na pala ako mag-college!" bulong ko sa aking sarili habang may ngiting naka-paskil sa aking labi. "—apat na buwan na lang at makakatapos na rin kami ng mga kaibigan sa high school!" dagdag kong sabi. Mabilis akong nag bihis ng damit saka ako lumabas sa silid habang naglalakad ay nagsusuklay ako sa aking buhok. Pagdating ko sa ibaba ay agad kong isinuot ang aking sapatos at pumunta sa kusina kong saan ang aking baong. Ang akala ko ay pera lang ang iniwan ni Mama pero may kasama palang pagkaing naka lagay sa baunan. "Mama talaga ginawa mo na naman akong bata!" ngiti kong sabi saka ko sinilid sa aking bag ang baunan saka umalis sa kusina. Hindi nagtagal, umalis na ako sa bahay sinugurado ko muna kung naka lock ang lahat na pintuan saka ako tuluyan naglakad patungo sa gate. Pumara muna ako ng padyak upang magpahatid sa sakayan ng jeep. Hindi nagtagal at agad din kami nakarating kaya agad akong nagbayad at sumakay sa jeep na aalis na yata. Habang nasa biyahe ay napansin ko ang isang lalaki nasa harapan ko pero binaliwala ko lang ito hanggang hindi ko maiwasang mainis sa lalaki nasa harapan ko at sa mga lalaking kasabayan ko sa jeep. Dahil sa ibang mga lalaki nakatingin sa aking dibdib. Ni sa dami dami namin dito sa loob ng jeep ay ang aking dibdib pa sila talaga nakatingin, kaya nilagay ko ang aking bag sa aking harapan sabay yakap. "Bakit ba kase, binayayaan akong malulusog na dibdib," saad ko sa aking isipan habang nakasimangot ang aking mukha. Hindi nagtagal ay papalapit na ako sa paaralan, napansin ko ang isang lalaki na pa-sulyap-sulyap pa rin sa akin. Kahit medyo may kalayuan pa ako sa paaralan, agad kong pinara ang jeep. "Manong, para `ho! May manyakis po kayong pasahero, kaya baba na ako. Ito po ang bayad ko. Salamat!" sambit ko sabay tingin ng masama sa lalaki. Umalis ako ng jeep, parang naiwan ang lahat ng inis ko sa jeep dahil sa pagbaba ko. Tumingin ako sa paligid at nag-umpisa na naman aking araw sa paaralan, puno ng mga hamon at saya. "Sana man lang ay maging mabait ang mga guro namin para masaya ang araw ko," wika ko.Chapter 2 Napa tingin ako sa kay unahan dahil nakita ko silang silang dalawa nag-uusap kaya malakas ko silang tumawag. "Mga Bakla..." sigaw ko. Lumingon silang dalawa. Si Althea ay may sama ng tingin, pero si Angie, masaya, ay kumakaway at naka-ngiti. "Kahit kailan, ang ingay mo! Gusto mo talagang titigan yang dibdib mong malaki, kasing laki ng bunga ng niyog," sabi ni Althea, na agad namang kinatawan ni Angie, kaya tumingin ako sa kanya na nakasimangot. "Hahaha! Ang nag-salita, parang hindi malaki ang dibdib niya. Hoy, Althea, kasing laki lang kayo!" wika ni Angie, na nagpasimangot si Althea, pero hindi ko na napigilang tumawa. Si Althea kasi, kahit mukhang seryoso sa buhay, at may matinding personalidad ay may kapilyahan din itong tinataho. Hindi siya basta-basta at hindi mo siya dapat bastusin. Sa mga ganitong klaseng tao ay mahirap ang pagkasamahan, pero minsan may pagka kalog din ito. Pagkapasok namin sa loob ng school, nakita namin si Janith na masayang kumakawa
Chapter 3 Brandon POV Nandito kami ni Kurt sa isang birthday ng kakilala niya sa school. Naimbitahan kasi kami, kaya pinaunlakan namin. Habang papasok kami, napansin ko ang apat na babae na pumasok sa loob. Yung tatlo ay masayahin, pero yung isa ay napaka-seryoso. Pagpasok nila, nagtinginan silang apat saka pumunta sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain. Hindi sila nag-atubiling kumuha. Yung isa, humiwa ng lechon sa bandang tiyan na malaki, habang yung isa ay kumuha ng iba’t ibang putahe—dalawang plato ang nakuha niya. Yung isa naman, kumuha ng maraming kanin. Pero yung isang babae na seryoso, pumunta sa lihenang inumin at may sinabi sa nakatalaga roon. Binigyan siya ng dalawang wine. Siguro kakilala siya ng may kaarawan. Pagkatapos, lumabas sila, at sinundan ko sila hanggang sumakay sa tricycle. Mukhang papunta sila sa dagat. "Oh bro, tulala ka ata..." tanong sa aking kaibigan. "Ha? Ah, eh may iniisip lang," palusot ko dito. "Ano?" tanong muli niya sa akin. "Tungkol s
Chapter 4Heart POVTsk! Nagtanong lang ako, tapos sinabihan lang ako! “Uwi na tayo, mga bakla, gabi na,” sabi ko. Nagsitayuan na kaming lahat, handa nang umalis. Pero habang naglalakad, nabunggo si Althea ng isang babae. Siya pa ang ginawang may kasalanan, ngunit hindi umalma ang kaibigan ko. Hinayaan mang niya ito pero si Janeth ay nais sa inasta ng babae kaya agad silang nag-sagutan nito. “You, bitch?” sigaw ng babae kay Althea.“Ha? Siya? Bitch?” sabay turo kay Althea, na cool na nakatingin sa babae. “O baka ikaw yun! Ikaw nga tong bumangga sa kanya tapos ikaw pa ang may ganang magalit? Hoy, babaeng bulang sa harina ang mukha, wag mong gagalitin ang kaibigan namin, baka manghiram ka ng mukha sa aso!” galit na singhal ni Janith.Kaya ayaw naming galitin si Janith kasi baka hindi na mapigilan ang bibig niya.“Tayo na!” yun lang ang sabi ni Althea. Pero nagtanong si Angie, “Ayaw mo bang humingi siya ng sorry sayo?” may pagtatakang tanong niya kay Althea. “Na, ayaw ko ng aksayahin a
Chapter 5 Fast Forward Five Years Later "Miss Cruz, pinapunta ka sa head office," sabi ng kasama kong nurse. "Ha? Bakit daw?" tanong ko, medyo naguguluhan. "Ay, ewan, dai," sagot niya. Dahil sa sagot niya, tumango na lang ako, ngunit kinabahan ako. Baka may nagawa akong mali sa trabaho. Hindi ko namalayan, nandito na pala ako sa tapat ng office. Kumatok ako at narinig kong may nagsalita sa loob, "Pasok." Pinihit ko ang pinto at pumasok, sabay bigay galang sa aking boss. "Maayong buntag, boss," bati ko dito kahit kinakabahan ako na baka may nagawa akong mali sa aking pagserbisyo sa hospital. "Magandang umaga din. Hindi na ako magpaligoy-ligoy sa'yo, Miss Cruz. Pinatawag kita para sabihing ikaw ang napili naming idistino sa Manila. Free ang bahay at tataasan ang sahod mo kung papayag ka," sabi niya agad sa akin. "Eh, boss, kung papayag ako, paano na ang hanapbuhay namin dito? At baka hindi pumayag si mama," tugon ko dito. "Nag-usap na kami ng mama mo, at oo na siy
Chapter 6 Kinabukasan ay maaga akong nagising, dahil unang araw ko sa aking trabaho sa isang malaking hospital sa Maynila. Agad akong bumangon at niligpit ko ang aking higaan, pakatapos ay agad akong nagpunta sa banyo para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas sa banyo at nagtungo sa closet upang kumuha ng maisusuot ko. Nagbihis muna ako ng pangbahay at hinanda ang gamit ko bago lumabas sa silid upang magluto ng almusal. Isang scramble eggs at toasted bread at isang basong gatas ang aking almusal. "Ito na lang muna baka ma-late ako sa aking unang trabaho kapang magluto ako," bulong ko sa aking sarili saka ko kinain ang aking hinanda. Pagkatapos kong kumain ay agad kung hinugasan ang pinagkainan ko saka ako umakyat sa aking silid para makapagbihis at makahanda na sa aking -trabaho. At dahil excited na ako, binilisan ko ang aking mga galaw upang maaga ako makaalis sa aking tinutuluyan. Mamadali akong naghanda dahil 6:39 AM n
Chapter 7 Napaka-busy ngayong araw na ito. Kahit mag tatanghalin pa lang, may mga nurse na nag-aasikaso sa mga pasyente at may mga doctor na rin na nagmamadali. Habang naglalakad ako, napansin ko ang isang lalaki na kasama sa pagtulong sa isang buntis. "Hmm, siguro mayaman yung manganganak," sabi ko sa isip ko, dahil kitang-kita ko ang pagka-kandarapa ng mga staff sa paligid na parang hindi nila alam ang kanilang gagawin. Natapos ko ang mga gawain ko, kaya agad kung inunat ang aking katawan at saka pagkatapos ay pumunta ako sa lobby ng hospital dahil doon ako dadaan patungo sa pasyenteng kailanga kung i-check ang kanyang kalagayan. Ngunit hindi ko inaasahan na may isang lalaki na bigla na lang bumangga sa akin, dahilan para mabigla ako at hindi ako nakagalaw. Agad ako nagalit at nainis ako sa ginawa niya, ang akala ko ay hihingi siya ng tawad sa akin. Pero mas lalo akong nagalit dahil bigla na lang niyang hawakan ang dibdib ko na hindi makapaniwala at pinisil-pisil niya pa
Hello all, sana ay magustuhan ninyo ang bag o kung akda. Kung may nais kayong sabihin o napuna. Wag po kayong magdalawang-isip na mag-comment. Sana ay ibuto din po ninyo ang aking story. Follow rin ninyo ako. Maraming salamat po sa inyong lahat.
Chapter 8Pagkatapos kong lumabas ay agad na naman ako pinapunta sa isa pang VIP room, dahil nasa kabilang silid lang ito ay agad akong nakarating. Kumatok muna ako bago ko binuksan ito. "Hello po, check ko lang po ang pasyente," sabi ko habang pumasok sa loob ng silid. Ngunit bigla akong natigilan, at naglaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang pasyenteng nanganganak."O M G... Janith! Bakla, ikaw ba yan?!" sabay tawa ko. "Bakit hindi mo ako tinawagan? Buti na lang at dito ako na-assign sayo! Wow, ang cute ng baby mo, at apat pala, ang saya ko, besty!" sabi ko. "Wait, kasama mo ba si isang bakla?" tanong ko, sabay turo kay Althea. Hindi ko mapigilang ngumiti."Waaaa! Atis, ikaw ba yan? Infernis, hindi ka na astig, mukha ka nang babae!" biro ko habang naglalakad palapit sa kanila. "Aray nako, mama Athea, hindi ka talaga nagbabago, mahilig ka pa rin mang-batok! Pero miss na miss ko na kayo, buti na lang talaga nalipat ako dito!" saad ko sabay yakap ko kay Althea."Tsk... Kani
Chapter 77 Habang nag-uusap sina Ruth at Heart, hindi ko maiwasang balikan ang mga araw na naging magulo ang buhay ko. Si Ruth ang una kong minahal—ang babaeng akala ko’y kasama ko hanggang dulo. Pero ang sakit ng pagtataksil niya ang nagtulak sa akin para palayain ang sarili ko mula sa isang relasyon na puno ng kasinungalingan. Noon, galit na galit ako. Akala ko, hindi ko na magagawang magtiwala ulit. Pero dumating si Heart. Siya ang nagbigay-liwanag sa madilim kong mundo. Sa kanya ko natutunan na ang pagmamahal ay hindi tungkol sa pagiging perpekto, kundi tungkol sa pagpili sa taong nagpaparamdam sa’yo ng kapayapaan. Bumalik ang atensyon ko sa kwarto nang marinig kong tumawa si Red. Tila unti-unting nababawasan ang tensyon habang nagkukwentuhan ang mga babae. Nakakagaan ng loob na makita ang ganitong eksena—isang pamilyang pilit na binubuo ang mga pira-pirasong bahagi. Napatingin si Heart sa akin, bahagyang ngumiti. Nilapitan niya ako at marahang hinawakan ang braso ko. "Oka
Chapter 76 Brandon POV Kahit matagal na kaming naghiwalay ni Ruth, masasabi kong tuluyan ko na siyang napatawad. Marami na akong natutunan sa mga pagkakamali niya, at sa mga pagkakamali ko rin. Sa kabila ng sakit na dinulot ng nakaraan, natutunan kong magpasalamat sa mga nangyari. Kung hindi siya nagkamali, hindi ko makikilala si Heart—ang babaeng tunay na nagbigay kahulugan sa buhay ko. Habang nakatingin ako kay Ruth kanina, hindi ko maiwasang maalala ang lahat. Sa bawat galit at sama ng loob na naramdaman ko noon, naroon din ang aral na dinala nito. Kung hindi dahil sa mga pagsubok, hindi ko mararanasan ang ganitong klaseng saya. Ang saya ng pagiging asawa ni Heart, at ang saya ng pagiging ama sa kambal naming sina Jimmie at Jammie. Iniwan ko ang tensyon sa ospital room at nilapitan si Heart, na tahimik na nakatayo sa tabi ni Red. Hinawakan ko ang kanyang kamay at binigyan siya ng isang maliit na ngiti—isang paalala na nasa tabi niya ako anuman ang mangyari. "Heart," bulon
Chapter 75 Kinabukasan, isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa ospital—si Ate Ruth, ang isa ko pang kapatid sa ina. Matagal na rin kaming hindi nagkikita, at hindi ko maiwasang mapansin ang malaking pagbabago sa kanya. Sa kabila ng madilim na nakaraan namin bilang magkakapatid, tila mas payapa na siya ngayon. "Ate Ruth," bati ko nang makita siyang pumasok sa kwarto, hawak ang isang basket ng prutas. "Red," ngumiti siya, halatang nag-aalala. "Kumusta ka? Narinig ko ang nangyari. Hindi ko na napigilan ang sarili kong bumisita." "Okay naman ako," sagot ko, pilit na pinapakita na maayos na ang lagay ko. "Salamat sa pagpunta." Umupo siya sa tabi ng kama, tahimik na tinitingnan ang mga sugat ko. Ramdam ko ang bigat ng kanyang damdamin. "Alam mo, Red," nagsimula siya, "ang dami nang nangyari sa atin bilang pamilya, pero kahit anong mangyari, gusto kong malaman mo na andito ako para sa'yo." Tumango ako, ngunit hindi ko napigilang maalala ang mga nakaraan—ang lahat ng gulong idin
Chapter 74 Red POV Habang nakahiga ako sa kama ng ospital, hindi ko maiwasang mag-isip sa lahat ng nangyari. Ang sakit ng bawat galos at sugat ay walang sinabi sa kirot ng konsensiya ko nang makita ko kung paano nag-aalala si Ate Heart. Ang mga luha niya, ang panginginig ng boses niya—parang sinuntok ang puso ko nang makita ang reaksyon niya. Hindi ko sinabi kay Blue ang nangyari. Alam kong nasa business trip siya sa Huawei, at hindi ko kayang makaabala sa kanya. Lagi na lang akong pabigat, at ayokong madagdagan ang mga iniisip niya. "Hindi ko siya tatawagan," mahina kong bulong sa sarili habang nakatingin sa kisame. Pagbalik ni Ate Heart sa kwarto, dala niya ang ilang gamit na kailangan ko. Lumapit siya sa gilid ng kama, at muling tiningnan ang kalagayan ko. "Red, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya, malumanay ngunit halatang hindi pa rin nawawala ang kaba sa boses niya. "Mas okay na, Ate. Salamat sa lahat," sagot ko. Ngunit sa loob, ramdam ko ang bigat ng aking kasalanan.
Chapter 73 Maagang araw iyon sa ospital, at tila mas abala kaysa karaniwan. Patuloy ang pagpasok ng mga pasyente, at ramdam ko ang tensyon sa hangin. Kasalukuyan akong nag-aasikaso ng mga papeles nang makarinig kami ng sigaw mula sa kabilang kwarto. “Wala akong pakialam! Hindi ko kailangan ng tulong ninyo!” bulyaw ng isang lalaki. Mabilis akong tumayo at tinungo ang kwarto kasama ang ilan pang staff. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang isang lalaki, nasa edad trenta, galit na galit at pilit na inaalis ang suwero sa kanyang braso. “Sir, kalma lang po,” mahinahon na sabi ng isang nurse. Pero lalo siyang nagwala. “Hindi ko kailangan ng tulong ninyo! Bitawan n’yo ako!” sigaw niya habang pilit na tinataboy ang mga staff. Sa puntong iyon, hindi ko na napigilang magsalita. “Sandali lang!” malakas kong sabi, dahilan para mapahinto siya at mapatingin sa akin. Lumapit ako, hindi alintana ang galit sa kanyang mukha. “Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Ang mga tao dito ay nagtatrab
Chapter 72 "Mommy," maingat kong simula habang hawak ang kamay niya. "Hindi ba darating si Daddy?" Napatingin siya sa akin, tila nagulat sa tanong ko. Ngumiti siya, pero may lungkot sa kanyang mga mata. "Anak, alam mo naman ang sitwasyon namin ng Daddy mo," sagot niya ng marahan. "Hindi kami nagkabalikan, pero lagi ko namang sinisigurado na andiyan siya para sa inyo, di ba?" Tumango ako, pero ramdam niya ang bigat sa puso ko. Alam ko naman ang katotohanan, pero mahirap pa ring hindi umasa. "Oo, Mommy. Pero sana dumalaw siya minsan. Miss na miss ko na rin siya," sabi ko habang pinipigil ang emosyon ko. Hinawakan ni Mommy ang magkabilang pisngi ko at tumingin nang diretso sa mga mata ko. "Heart, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pero tandaan mo, kahit hindi kami magkasama ng Daddy mo, pareho naming mahal kayo. At kung dumalaw man siya o hindi, hindi mababago iyon." Tumango ulit ako, pilit na ngumiti. "Salamat, Mommy. Pero sana... minsan, magkasama tayo ulit bilang pami
Chapter 71 Heart POV MASAYA ako habang ipinaliwanag sa kambal kung ano ang trabaho ko bilang isang nurse. Nakatutuwang makita ang kanilang mga mata na puno ng paghanga at saya. Kahit maliliit pa sila, ramdam ko na gusto nilang maintindihan ang ginagawa ko at kung bakit mahalaga ito. “Mommy, anong ginagawa mo kapag may sakit ang mga tao?” tanong ni Jammie habang nilalagay ko ang mga kagamitan ko sa bag. “Tinulungan ko silang gumaling, anak,” sagot ko habang yumuko para tingnan siya sa mata. “Kapag may sugat, nililinis ko. Kapag may kailangan silang gamot, binibigay ko. At higit sa lahat, inaalagaan ko sila para bumuti ang pakiramdam nila.” Si Jimmie naman ay nag-isip nang malalim bago nagsalita. “Mommy, kung may masakit kay Teacher, tutulungan mo rin siya?” Tumawa ako. “Oo naman! Sino man ang nangangailangan ng tulong, gagawin ko ang lahat para matulungan sila.” “Ang galing mo, Mommy,” sabi ni Jammie, sabay yakap sa akin. Napuno ng init ang puso ko sa kanilang mga salit
Chapter 70 Lumipas ang ilang taon, at mabilis na lumaki ang kambal namin ni Heart, sina Jimmie at Jammie. Ngayon, sila ay nasa unang araw ng kanilang kindergarten. Maaga kaming gumising para ihanda sila, at ramdam ko ang halo-halong emosyon sa bahay—excitement, kaba, at kaunting lungkot dahil nagsisimula na silang maging independent. Habang hinahanda ni Heart ang baon nila, abala ako sa pagbibihis sa kambal. “Daddy, tama ba itong tali ng sapatos ko?” tanong ni Jimmie habang nakakunot ang noo. “Tama ‘yan, anak. Pero halika, mas aayusin ko pa,” sagot ko habang lumuhod para itali ito nang maayos. Si Jammie naman ay masaya nang nilalagay ang kanyang mga libro sa bagong bag. “Mommy, ang cute ng lunch box ko! Gusto ko ipakita kay Teacher mamaya!” Tumawa si Heart at yumuko para halikan si Jammie sa noo. “Siguraduhin mong ubusin mo ang pagkain mo, ha?” Nang handa na ang lahat, sabay-sabay kaming sumakay sa sasakyan para ihatid sila. Tahimik si Heart habang nakaupo sa tabi ko, at alam k
Chapter 69 Pagkatapos ng espesyal na sandali sa tabing-dagat, bumalik kami sa cottage at naabutan ang kambal na masayang naglalaro kasama ang mga tauhan sa isla. Napatingin si Heart sa akin at ngumiti. “Mahal, parang ang bilis nilang lumaki.” “Sa totoo lang, oo,” sagot ko, sabay hawak sa kanyang kamay. “Kaya dapat samantalahin natin ang bawat pagkakataon na magkasama tayo. Ang ganitong mga alaala ang dadalhin natin habang buhay.” Kinabukasan, nagplano kami ng isang family adventure. Sumakay kami sa bangka at nagpunta sa isang maliit na kuweba malapit sa isla. Habang papalapit, napansin ng kambal ang mga makukulay na isda sa malinaw na tubig. “Daddy, look! Fishies!” sigaw ni Jammie habang tinuturo ang tubig. Tumawa si Heart at sinabi, “Oo, anak. Ang daming isda! Mamaya, makakapag-snorkeling tayo para makita niyo sila nang mas malapit.” Pagdating sa kuweba, humanga kami sa natural na ganda nito. Ang mga stalactite at stalagmite ay tila mga kristal na kumikinang sa liwanag ng