Chapter 2
Napa tingin ako sa kay unahan dahil nakita ko silang silang dalawa nag-uusap kaya malakas ko silang tumawag. "Mga Bakla..." sigaw ko. Lumingon silang dalawa. Si Althea ay may sama ng tingin, pero si Angie, masaya, ay kumakaway at naka-ngiti. "Kahit kailan, ang ingay mo! Gusto mo talagang titigan yang dibdib mong malaki, kasing laki ng bunga ng niyog," sabi ni Althea, na agad namang kinatawan ni Angie, kaya tumingin ako sa kanya na nakasimangot. "Hahaha! Ang nag-salita, parang hindi malaki ang dibdib niya. Hoy, Althea, kasing laki lang kayo!" wika ni Angie, na nagpasimangot si Althea, pero hindi ko na napigilang tumawa. Si Althea kasi, kahit mukhang seryoso sa buhay, at may matinding personalidad ay may kapilyahan din itong tinataho. Hindi siya basta-basta at hindi mo siya dapat bastusin. Sa mga ganitong klaseng tao ay mahirap ang pagkasamahan, pero minsan may pagka kalog din ito. Pagkapasok namin sa loob ng school, nakita namin si Janith na masayang kumakaway sa aming tatlo. Si Janith ay may pagka-jologs, habang si Angie ay sweet-type pero mahirap ding mapikon. Ang kinakatakutan namin sa loob ng campus ay si Althea, na tinatawag ko ring "Atis." Mahirap kasi itong pakisamahan, ayaw niyang may binabastos na babae. Kung may mang-gugulo, lagot ang gumawa sa kanya—kaya takot ang mga kalalakihan dito sa kanya. Yung tipong babae na mahirap kalaban pero masarap maging kaibigan, hindi ka niya iiwan kahit anong mangyari. Naalala ko pa noong may nanakit kay Janith na sa kabilang schot, labis ang galit niya kaya walang sinayang oras si Althea pinuntahan niya ito saka pinagbabasag niya ang kotse sa nanakit at nagpahiya sa aming kaibigan. Labis ang galit sa may-ari kaya ipinatawag kami sa police station, syempre nadamay kami dahil sumali din kami sa pagbasag. Pinabayab kami ng danyos at dahil may pasa si Janith ay agad din nagsampa ng reklamo si Althea laban sa mga ito. Hindi basta-basta mautakan ang aming kaibigan dahil pagkatapos naming binasag ang salamin ng kotse ay agad kaming ng tungo sa hospital upang kumuha ng medical certificate para sa pasang natamo ni Janith. Ang ending ay sila pa ang nagbayad ng danyos kaya malaki ang ngiting Janith dahil may pera na itong ipadala sa kanyang Tiyahin nasa Bicol upang ibili ng gamot. "Ang saya natin, ha?" puna ko kay Janith ngayon ay malaki ang ngiti sa kanyang labi. "Syempre! Wala kasi tayong pasok ngayong araw, kaya makapag-tambay tayo sa dagat!" sagot ni Janeth sa akin. "Talaga? Tama-tama, hindi pa ako kumain," tugon ko dito dahil sa aking nalaman. "Ako rin!" sambit ni Angie kaya napabungisngis kaming dalawa. "Pati din ako..." sambit ni Janith pero napatingin kami sa kanyang gilid ng labi. "Tsk! Wag mo na kaming pag-lulukuhin, Ja! Ikaw, hindi kumain, eh may sauce pa nga sa gilid ng labi mo!" pagbulabog na sabi ni Althea kay Janith, kaya tumawa kaming lahat. "Hahahahaha! Grabe na naman ito!" sabi ni Janith. "Isang kainan pa kaya yun! At isa pa, alam niyo ba na may-birthday sa kabilang kanto mula dito? Punta tayo doon, may lechon daw!" pabulong niyang sabi sa amin. "At paano mo naman nasabi na may lechon?" tanong ko dito. "Narinig ko kaya sa kaklase natin, dahil kapit-bahay niya ang may kaarawan kaya punta tayo doon!" wika nito. Nagsitinginan kaming tatlo at sabay-sabay na nagsabi, "Deal!" Kapag ganitong usapan ay walang dalawang isip na pumunta. Isa pa hindi naman malalaman sa magbi-birthday na naki birthday lamang kami. Habang ang lalakad kami palabas sa campus ay walang tigil ang kakasalita ni Angie syempre pati din kaming dalawa ni Janith maliban lang kay Althea na seryoso lamang sa paglalakad na parang may sariling mundo. Hindi nag tagal ay agad namang kaming dumating, nagtinginan muna kami bago pumasok sa loob na parang kakilala lamang ang may kaarawan. Napangiti lamang kamin ng nakita naming insaktong katatapos lamang ang pagkanta ng happy birthday. At nag sikuha ang mga bisita ng pinggan kaya agad din kaming kumuha. Kanya-kanyang kaming kuha ng ulam, bawat isa sa amin ay may naka-assign na kung anong ulam ang kukunin. Lumapit ako sa lechon dahil ito ang una kung kunin bago ang iba. Agad kong kinuha ang kutsilyo upang gamitin para makuha ko ang balat ng lechon, napangiti lamang ako ng nakuha ko ang malaking balat saka ako kumuha ng ribs. Doon kasi ang masarap na parte ng lechon. Napansin ko ang isang lalaki nakatingin sa akin pero wala ang attention ko doon kundi nasa pagkain. Hindi ko maiwasang mapangiti ng matapos ko makuha ang aking lakas saka ako tiningnan ang nakatingin sa akin. Pasimpleng kinausap ko si Angie upang hindi mahalata na tiningnan ko ito. Gwapo naman ito pero sa tingin ko ay fuckboy ito at ayaw ko ng fuckboy baka may sakit pa sila dahil sa kakatalik nila sa iba't ibang babae. Sinunod ko kumuha ng hipon at adobong baboy, nakita ko si Angie ang kinuha niya ay kanin at panghimagas habang si Janith ay pritong manok at isang buong lechon manok. Si Althea ay may kausap na lalai saka inabot ang dalawang wine at isang 1.5 na softdrinks. Confident pa itong itinago sa kanyang suot na jacket dahil alam niyang walang makakita sa kanya dahil busy ang mga tao sa kainan. Agad sumenyas si Althea na aalis na kami kaya napatawa ako dahil para kaming patay gutom sa aming ginawa. Nagkanya-kanyang kaming labas na saka kami sumakay ng tricycle patungo sa dagat. Hindi nagtagal ay agad kaming nakarating doon kaya naglakad kami patungo sa dalampasigan habang tumatawa. "Ano? Marami ba ang nakuha ninyo?" tanong ni Janith. "Oo naman, hito!" sabay ko pakita sa ulam na kuha ko. "Sayo, Althea?" tanong ni Angie, bahagyang ngumiti si Althea saka pinakita niya sa amin ang nakuha niya. Ang akala ko ay dalawa lang na wine pero tatlo pala. "Woooo, ang lupit mo," sabay naming sabi. "Maghanap tayo ng pwesto!" sambit ni Angie. Hindi nag tagal ay agad din kami nakaharap ng puwesto. Ang saya-saya namin ngayong araw, at sabik na sabik na akong kagatin ang malutong na balat sa lechon. Habang kumakain kami ay nakita ko ang lalaki kanina sa may birthday at may mga kasamang mga babae. Ngunit hinayaan ko na lang saka nagpapatuloy kumain. Hanggang nakita namin ang aming nakilala kaya agad ko kinawayan saka sila lumapit sa amin. Nag kumustahan muna kami bago naming nag-desisyon na umalis na.Chapter 3 Brandon POV Nandito kami ni Kurt sa isang birthday ng kakilala niya sa school. Naimbitahan kasi kami, kaya pinaunlakan namin. Habang papasok kami, napansin ko ang apat na babae na pumasok sa loob. Yung tatlo ay masayahin, pero yung isa ay napaka-seryoso. Pagpasok nila, nagtinginan silang apat saka pumunta sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain. Hindi sila nag-atubiling kumuha. Yung isa, humiwa ng lechon sa bandang tiyan na malaki, habang yung isa ay kumuha ng iba’t ibang putahe—dalawang plato ang nakuha niya. Yung isa naman, kumuha ng maraming kanin. Pero yung isang babae na seryoso, pumunta sa lihenang inumin at may sinabi sa nakatalaga roon. Binigyan siya ng dalawang wine. Siguro kakilala siya ng may kaarawan. Pagkatapos, lumabas sila, at sinundan ko sila hanggang sumakay sa tricycle. Mukhang papunta sila sa dagat. "Oh bro, tulala ka ata..." tanong sa aking kaibigan. "Ha? Ah, eh may iniisip lang," palusot ko dito. "Ano?" tanong muli niya sa akin. "Tungkol s
Chapter 4Heart POVTsk! Nagtanong lang ako, tapos sinabihan lang ako! “Uwi na tayo, mga bakla, gabi na,” sabi ko. Nagsitayuan na kaming lahat, handa nang umalis. Pero habang naglalakad, nabunggo si Althea ng isang babae. Siya pa ang ginawang may kasalanan, ngunit hindi umalma ang kaibigan ko. Hinayaan mang niya ito pero si Janeth ay nais sa inasta ng babae kaya agad silang nag-sagutan nito. “You, bitch?” sigaw ng babae kay Althea.“Ha? Siya? Bitch?” sabay turo kay Althea, na cool na nakatingin sa babae. “O baka ikaw yun! Ikaw nga tong bumangga sa kanya tapos ikaw pa ang may ganang magalit? Hoy, babaeng bulang sa harina ang mukha, wag mong gagalitin ang kaibigan namin, baka manghiram ka ng mukha sa aso!” galit na singhal ni Janith.Kaya ayaw naming galitin si Janith kasi baka hindi na mapigilan ang bibig niya.“Tayo na!” yun lang ang sabi ni Althea. Pero nagtanong si Angie, “Ayaw mo bang humingi siya ng sorry sayo?” may pagtatakang tanong niya kay Althea. “Na, ayaw ko ng aksayahin a
Chapter 5 Fast Forward Five Years Later "Miss Cruz, pinapunta ka sa head office," sabi ng kasama kong nurse. "Ha? Bakit daw?" tanong ko, medyo naguguluhan. "Ay, ewan, dai," sagot niya. Dahil sa sagot niya, tumango na lang ako, ngunit kinabahan ako. Baka may nagawa akong mali sa trabaho. Hindi ko namalayan, nandito na pala ako sa tapat ng office. Kumatok ako at narinig kong may nagsalita sa loob, "Pasok." Pinihit ko ang pinto at pumasok, sabay bigay galang sa aking boss. "Maayong buntag, boss," bati ko dito kahit kinakabahan ako na baka may nagawa akong mali sa aking pagserbisyo sa hospital. "Magandang umaga din. Hindi na ako magpaligoy-ligoy sa'yo, Miss Cruz. Pinatawag kita para sabihing ikaw ang napili naming idistino sa Manila. Free ang bahay at tataasan ang sahod mo kung papayag ka," sabi niya agad sa akin. "Eh, boss, kung papayag ako, paano na ang hanapbuhay namin dito? At baka hindi pumayag si mama," tugon ko dito. "Nag-usap na kami ng mama mo, at oo na siy
Chapter 6 Kinabukasan ay maaga akong nagising, dahil unang araw ko sa aking trabaho sa isang malaking hospital sa Maynila. Agad akong bumangon at niligpit ko ang aking higaan, pakatapos ay agad akong nagpunta sa banyo para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas sa banyo at nagtungo sa closet upang kumuha ng maisusuot ko. Nagbihis muna ako ng pangbahay at hinanda ang gamit ko bago lumabas sa silid upang magluto ng almusal. Isang scramble eggs at toasted bread at isang basong gatas ang aking almusal. "Ito na lang muna baka ma-late ako sa aking unang trabaho kapang magluto ako," bulong ko sa aking sarili saka ko kinain ang aking hinanda. Pagkatapos kong kumain ay agad kung hinugasan ang pinagkainan ko saka ako umakyat sa aking silid para makapagbihis at makahanda na sa aking -trabaho. At dahil excited na ako, binilisan ko ang aking mga galaw upang maaga ako makaalis sa aking tinutuluyan. Mamadali akong naghanda dahil 6:39 AM n
Chapter 1 "Heart, gising na! Naku, ikaw talagang bata ka, pag nalate ka sa klase mo, kukurutin talaga kita sa singit!" wika ng aking butihing ina. Dahil sa lakas ng boses ni Mama, kaya siya ang ginawang naming alarm clock kasama na ang mga kaibigan kong sina Althea at Angie. Kung kapitbahay kami ni Janith, siguradong magigising talaga din ito. Sino ba naman hindi magigising sa kanyang boses para itong nakalunok ng megaphone dahil sa tinig nito. Habang tinatabunan ko ang aking mga tainga, sinilip ko ang orasan sa dingding. Ganoon na lang ang paglalaki ng mata ko nang makita kong 6:45 AM na pala. Agad akong napabalikwas saka mabilis bangon at nagmadaling tumungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang aming paliguan. Agad kong binuksan ang gripo at sabay na umangal, dahil ngayon lang ako ginising ng aking ina. "Mama, bakit ngayon mo lang ako ginising? Malilate na ako!" pagsisisi ko dito habang nagbubuhos ng tubig sa aking ulo galing sa tabo. Nangingisay pa ako sa sobrang lami