Aliyah's life has been complicated since she was only a child. Her childhood was so messed up and she never experienced being loved by others— especially by her own mother. That may be the reason why her life became more complicated and uncontrollable to deal with— In fact, she became a rumored mistress of the most admirable and well-known business tycoon in the country, Caleb Walton. Her name became headlines of news and various gossip about her spread all over the country that made her quiet life become tumultuous. As her name became known by many, the negative judgments, various insults about her life, slanders, and threats from the public became much harder to take for Aliyah. But unknown to everyone, she didn't like anything that was happening in her life. She was left with no choice but to become a mistress when her mother sold her for money. How will Aliyah deal with the ordeal of being Caleb's mistress? How can she handle all the judgment and pain that people around her bring into her life when she's just The Innocent Mistress?
view moreALIYAH Mabigat ang naibuga kong hangin nang bumalik na ang isipan ko sa realidad. Kanina pa ako ganito na tila ba may kung ano sa dibdib ang hindi mapalagay, malayo-layo na rin ang nalakbay ng isipan ko mula noong makausap ko kaninang umaga si Tito Wilson. Matapos niyang sabihin sa akin na kilala niya ang tatay ko ay bigla na lamang may dumating na isang itim na sasakyan para sunduin siya. Umalis ito nang hindi man lang sinasabi ang buong detalyeng alam niya tungkol sa tatay ko. Gustuhin ko man siyang pigilan umalis kanina ay sobra ang damdamin kong hindi maipaliwanag kaya natulala na lamang ako roon. Natagpuan ko na lamang ang sasakyan niyang malayo na sa akin, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na tila ba nalalapit na ako sa pagkakataon na makilala ng personal ang tatay ko. Mula pa man noong una kong makita ang larawan ni Papa ay pinangarap ko na talagang makita’t makilala siya ng personal. Kahit walang plano si Mama gawin iyon para sa akin ay ‘yon ang isa sa
CALEB Mabilis lumipas ang mga oras at halos nakapikit na ang mga mata ko nang sa wakas ay narinig ko nang mag-bukas ang pinto. Gawa ng kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Aliyah ay mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa hagdan para salubungin siya. Hindi alintana sa aking sistema ang labis na antok dahil nandito na siya— ligtas siyang nakauwi sa akin ngayon. “C-caleb?” utal na banggit niya sa pangalan ko, bakas sa mga mata ang gulat na makita ako ngayon dito sa bahay. Halatang hindi niya inaasahan ang pagdating at paghihintay ko sa pag-uwi niya ngayong gabi, kaya imbes na sumagot agad sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ilang araw lamang kaming hindi nagsama ay sobra na ang lumbay na naramdaman ng dibdib ko, kaya ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong ibang maisip kundi ang pasalamatan ang Diyos na ligtas niyang pinauwi rito sa bahay ang babaeng hindi na mawala sa isipan ko. Siya ang unang lumapit sa akin nang maibaba niya na sa couch ang bag niya, isang mahigpi
ALIYAH Gawa ng halo-halo kong nararamdaman sa gabing ito dahil sa magaganap na pagkikita namin ng mga magulang ni Dominic ay para bang hindi ko na napansin ang naging byahe namin papunta sa mansyon nila. Sa isang iglap ay naglalakad na kami ni Dominic sa maluwag at maganda nilang hardin patungo sa entrance ng malaki nilang mansyon. Sa gate pa lang nila ay sobra na akong humanga, sa ganda ng tirahan nilang ito na animo’y palasyo na sa laki ay hindi talaga maitatanggi ang yaman ng kanilang pamilya. “A-ang ganda naman ng mansyon niyo, Dominic.” komento ko nang marating na namin ang mala-ginto nilang main door, sa sinabi kong iyon ay narinig ko ang mahinang tawa ni Dominic. “Nakahihiyang pumasok sa loob, kaso nandito na ako, e!” “Get use to this house, Aliyah. Parte ka na rin ng bahay na ito dahil ikaw ang ina ng anak ko.” nakangiti si Dominic nang sabihin iyon sa akin pero ramdam ko na seryoso ang sinabi niyang iyon kaya nakaramdam ako ng hiya. Hindi pa rin talaga ako sanay sa set-up
CALEB “Thank you for taking care of it, Ms. Jonelle. Appreciated.” I thank the old lady on the phone who was my secretary for four days of work in Singapore since Saturday. “It’s been my pleasure, Mr. Walton.” Nang makapagpaalam na rin ako rito ay binaba ko na ang teleponong gamit at naupo sa gilid ng aking kama upang mai-pahinga ang katawan kahit saglit. I am currently at my parents' mansion since I had an urgent business meeting with my father a few hours after my plane landed this morning from Singapore. Ayaw ko mang manatili rito kasama sila ay wala akong magawa dahil may kikitain pa kaming investors mamayang alas singko ng hapon, masyado na akong pagod para umuwi muna sa bahay at bumalik na lang dito mamaya. Antok na rin ako ngayon kaya magpapahinga na muna ako habang may apat na oras pa bago muling umattend ng isang meeting. Mula Sabado ay puro meeting na ang nadadaluhan ko. Ilang araw akong wala sa tabi ni Aliyah kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit gusto ko nang
ALIYAHKatatapos lang ng misa na aking dinaluhan ngayong linggo nang maisipan kong hindi muna umuwi sa bahay agad dahil wala naman ngayon doon si Caleb. Kahapon pa siya umalispara sa isang business trip atbaka bukas o sa martes pa makababalik. Ilang araw palang ang lumilipas mula nang malaman ko ang pagdadalang tao ko, sa mga araw na iyon ay mas bumibigat ang pakiramdam ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Noong biyernes ay nagawa kong itago kay Caleb ang nalaman ko noong araw na iyon, ngunit kahapon bago siya umalis ay sobra akong hindi mapalagay. Mas lalo akong umiibig sa kaniya kaya alam kong mas lalo ko siyang masasaktan kapag pinatagal ko pa ang paglilihim kong ito. Gusto kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko, ngunit sobra ang takot sa loob ko dahil alam ko naman agad ang magiging reaksiyon niya sa malalaman. Hindi niya ito matatanggap— Sino ba naman kasi ang makatatanggap sa sitwasyon na nabuntis ako ng lalakeng karibal niya sa negosyo, diba? Natatakot akong mawala
CALEB As usual, I left early at work to be home before Aliyah’s out from her work. I wanted to prepare for our dinner tonight, but as soon as I stepped into our living room, I already saw her bag laying on our couch. She’s already here, but since she’s nowhere to be found in the living room and kitchen, I immediately went upstairs to check on her in our room. There I saw her sleeping peacefully. Simula nang makapag-usap kami kagabi tungkol sa nabubuong pagtingin namin sa isa’t isa ay mas lalo ako naging interesado sa kaniya. Tunay na maganda ang mood ko buong araw, sa katunayan nga ay maging ang mga tao ko ay napansin ‘yon kanina. Kaninang umaga pa lang noong magising ako ay sobrang gaan na sa dibdib, para bang ngayon ko lang naramdaman ang saya na ito sa buo kong buhay. Kaya ngayon na nandito na ako ulit sa bahay at nakikita ko na siya ay mas lalo akong naging maligaya. Maingat lamang ang ginawa kong pag-upo sa gilid ng kama kung saan malaya kong pagmasdan ang kagandahan ng babaen
ALIYAH “Both your urine and blood tests are positive in pregnancy. You are pregnant, Ms. Morgan, congratulations!” anunsyo ng doktor na aking kaharap sa mga sandaling ito. Gising na naman ako pero tila ba nasa isang malabong panaginip pa rin ako ngayon, ni hindi ko magawang makurap ang mga mata ko habang ang tingin ay diretsa lamang sa papel na aking hawak. Buntis ako… Patuloy pa ring lumilipad ang aking isipan sa kung saan, ramdam ko na naman muli ang mga luhang nagbabadya na naman sa aking mga mata. Nakaupo man ako ngayon ay dama ko pa rin ang panlalambot ng aking buong katawan. Walang ni isang salita ang nagawang makalabas sa bibig ko— hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon lamang. Diyos ko, hindi ko po alam ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito… “The headaches, dizziness, and fatigue that you are experiencing in the last few days and weeks are just the result of your pregnancy. Didn't you notice your late period? Even the change in your mood every day is aff
JACOB “Ano ba Miss!? Simpleng bagay na nga lang hindi mo pa maintindihan.” saktong matapos ko ang paghihiwa ng sibuyas ay narinig ko ang malakas na boses ng isang lalake sa labas ng kusina. Dala ng kuryosidad sa nangyayari roon ay sumilip ako sa pintuan at nakita si Aliyah na pinupulot ang mga pagkaing nagkalat na sa sahig habang may lalake sa kaniyang harapan. “Bakit hindi ka makatingin ngayon, ha!? Mag-resign ka na lang sa trabaho mo ng hindi ka na maka-perwisyo pa ng mga customer dito. Palampa-lampa.” dahil sa nakikitang labis na galit ng lalake kay Aliyah ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pag-aalala para sa kaniya ngayon. Nakatalikod ito sa akin, pero kitang-kita ko mula rito sa kinaroroonan ko ang panginginig ng mga kamay niya habang patuloy lamang siya sa paglilinis ng mga nagkalat na pagkain sa lapag. Gawa ng eksena na nagaganap ay lahat ng customers namin na kumakain dito sa karinderya ay nasa kanila lamang ang tingin, maging si Rica na kahera namin ay napahinto sa
ALIYAH Sariwang hangin ang dumampi sa aking balat na siyang gumising sa aking natutulog na diwa. Bumungad sa aking mga mata ang mga punong isinasayaw ng hangin sa parke na aking kinaroroonan ngayon. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala kanina habang nakatulala sa mga puno rito sa parke, mula nang maisipan kong takasan na lamang ang trabaho ko sa karinderya ay dito na ako dinala ng aking mga paa. Natuyo na ang mga luhang naglalandas kanina sa pisngi ko, gayunpaman ay narito pa rin sa aking damdamin ang sakit na gawa ng mga bagay na narinig ko mula kay Jacob at sa iba ko pang kasamahan sa trabaho. Hindi naman ganoon kadali mawala ‘yung epekto na naidulot niyon sa aking sistema, pero masasabi ko ngayon na mas maayos na ang aking pakiramdam kumpara kaninang umaga. Hindi na naman ako naluluha, e. Nakahihinga na rin ako ng maluwag sa tulong ng sariwang hangin dito sa parke. Buti na lang talaga at walang gaanong tao ang narito ngayon, kaya walang nakakita sa pagluha ko kanina— wala ring t
ALIYAH Malalim na paghinga ang nagawa ko nang makakuha ng sapat na lakas para buhatin ang tray na hawak ko. Ramdam na ramdam ko sa aking sistema ang bigat at matinding pagsakit ng aking braso nang magawa na maipatong ng kasamahan ko sa trabaho na si Jelly ang dalawang mangkok ng lugaw na ihahatid ko sa table five at six. Apat na malalaking mangkok ito kaya maingat ang ginawa kong pagbalanse sa tray na dala-dala upang hindi ito tumilapon kung saan. Sanay na naman ako sa ginagawa kong pagbabalanse ng mga tray dahil ilang buwan na rin naman ako sa trabaho kong ‘to sa karenderia. Gayunpaman ay hindi sa lahat ng oras ay mababalanse mo ito ng tama kaya kailangan pa rin na palaging mag-ingat. “Hindi ka pinapasweldo rito para kumilos ng mabagal at palamya-lamya, Liyah! Bilisan mo ang kilos diyan nang makakain na ang mga customer ko.” rinig kong galit na namang banggit ni Ma’am Lucy, ang may-ari ng karenderia na pinagta-trabahuan ko. Nasa may pintuan siya ng kusina kaya kitang-kita ko ang m...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments