The Billionaires Love Beyond Boundaries

The Billionaires Love Beyond Boundaries

last updateLast Updated : 2024-12-06
By:   Melophile  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
35Chapters
486views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sa dalawang taon na nagpakalayo si Althea kasama ang kaniyang pamilya ay hindi niya inaasahan na muli na naman siya tatapak sa lugar kung saan nawasak ang kaniyang puso. Ang Maynila. Muli namumbalik ang sakit ng kaniyang Ina at mas lalo pa iyong lumala kung kaya't mararanasan na naman niya ang halos tumira na sila sa ospital maging ang paghahanap ng bagong trabaho pangtustos sa pagpapagamot ng kaniyang Ina. Papasok siya bilang isang Personal assistant sa tulong ng isang bagong kaibigan kung kaya 't agad na niya iyong sinunggaban. Ang hindi niya alam ay iyon na pala ang pagtatapo nilang muli ng lalaking rason kung bakit siya nasaktan at lumayo. Si Calvin. Guguluhin na naman ng lalaki ang mundo niya gayong ito naman may gustong makipag-hiwalay at tandang-tanda niya kung gaano kasakit sa kan'ya habang pinipimahan ang annulment papers nila no'n. Subalit tliwas naman iyon sa ikinagagalit ni Calvin dahil ang alam naman nito ay ipinagpalit siya ni Althea at mas piniling sumama sa ibang lalaki.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Kasalukuyang naglalakad si Althea sa kalsada sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kagagaling niya lang naman sa pang tatlong trabaho na kaniyang pinag-applyan subalit iisa lang ang sinasabi ng mga iyon sa kan'ya. 'Paki-hintay na lamang ng aming tawag.'"ASA!" inis na sambit niya dahil alam niyang malabo na ang mga iyon. Kailangan niya pa naman ng pagkakakitaan lalo na 't may sakit ang kaniyang Ina. Nakaramdam ng pagkauhaw si Althea kung kaya 't tumawid siya sa kabilang kalsada upang bumili ng buko juice. "Manong, pabili po ako five pesos lang po," magalang na sabi niya sa tindrero. Habang naghihintay siya ay may dumating din na isang babae, mukhang bibili rin ito kung kaya 't gumilid siya nang kaunti. May kausap ito sa cellphone at tila hindi maganda ang mood nito. Nakisimpat'ya na lamang siya rito dahil danas niya rin ang hirap kung paano maghanap ng trabaho. "Pero, sir! Kailangan ko po talagang makuha iyong sahod ko na iyan. Porket po ba magli-leave ako ay hindi ninyo iyan ibibig...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Athena Beatrice
Recommended! 🫶🏻🫶🏻
2024-12-14 07:20:20
0
user avatar
Athengstersxx
Gandaaaa. Thank you author ... Recommended! ......
2024-10-23 15:31:28
1
user avatar
MikasaAckerman
Highly recommended🫶
2024-10-22 13:30:39
1
user avatar
shining_girl
must read!
2024-10-22 12:22:47
1
35 Chapters
Chapter 1
Kasalukuyang naglalakad si Althea sa kalsada sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kagagaling niya lang naman sa pang tatlong trabaho na kaniyang pinag-applyan subalit iisa lang ang sinasabi ng mga iyon sa kan'ya. 'Paki-hintay na lamang ng aming tawag.'"ASA!" inis na sambit niya dahil alam niyang malabo na ang mga iyon. Kailangan niya pa naman ng pagkakakitaan lalo na 't may sakit ang kaniyang Ina. Nakaramdam ng pagkauhaw si Althea kung kaya 't tumawid siya sa kabilang kalsada upang bumili ng buko juice. "Manong, pabili po ako five pesos lang po," magalang na sabi niya sa tindrero. Habang naghihintay siya ay may dumating din na isang babae, mukhang bibili rin ito kung kaya 't gumilid siya nang kaunti. May kausap ito sa cellphone at tila hindi maganda ang mood nito. Nakisimpat'ya na lamang siya rito dahil danas niya rin ang hirap kung paano maghanap ng trabaho. "Pero, sir! Kailangan ko po talagang makuha iyong sahod ko na iyan. Porket po ba magli-leave ako ay hindi ninyo iyan ibibig
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more
Chapter 2
Nasa tapat na sila ni Marie ng isang matayog na gusali. Maaga pa lang ay gumayak na si Althea at sinigurado niyang hindi siya mali-late. "Maarte ang boss ko kaya gusto niyang may nag-aasikaso talaga sa kan'ya. Baka magtaka ka pala kapag isinama ka niya sa mansion niya. Hindi iyon maiwasan lalo na 't doon lang ito minsan nagta-trahabo," nakikinig lamang si Althea sa mga sinasabi ni Marie at panay lang ang tango niya rito. "Good morning, Ms. Ellah. Nariyan na ba si Boss?" binati ni Marie ang isang babae na abala sa ginagawa nito sa harap ng laptop nang umangat ang tingin nito sa kanila ay agad naman din itong ngumiti. "Good morning, Marie. Siya na ba iyong sinasabi mo?""Yes, Ms. Ellah. Siya po si Althea," pakilala naman ni Marie sa kan'ya. "Good morning po, ma'am," bati rin ni Althea sa babae. "Hello, Althea. I am Mr. Calvin's secretary. Actually ay hinintay na talaga kita para ipahatid sa bahay niya ngayon. Hindi kasi makakapasok si Sir Calvin dahil masama raw ang pakiramdam," pal
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more
Chapter 3
Pareho silang naghahabol ng hininga subalit mas lamang ang galit ni Althea sa ginawa ni Calvin. Habang nagtatagis naman ang bagang ni Calvin ay matalim ang tingin na ipinupukol nito sa kanya. Really? Let's see," sabi pa ni Calvin. Nabigla siya sa pagsampal ni Althea sa kan'ya ngunit nagngingitngit siya sa huling sinabi ng babae. "Hindi na, dahil hindi na ako magtatrabaho bilang PA mo!" pagkasabi no'n ni Althea ay tinalikuran na niya si Calvin. Nagmamadali na siyang umalis palabas ng mansion na iyon.Malayo-layo na rin ang nilakad niya dahil sa rami ng kaniyang isipin kaya saka pa lamang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Nanariwa sa kanya ang nakaraan nila ni Calvin noon kung paano sila nagkakilala. 'Bakit pa siya nagtatanong tungkol sa buhay ko? Eh, siya nga iyong nasisiguro kong masaya na ngayon dahil nakasama na niya ang babaeng mahal niya!' Tinanong pa kasi siya nito kanina tungkol umano sa lalaki. Sinong lalaki naman kaya ang tinutukoy nito? Bagsak ang mga balikat ni Althea d
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more
Chapter 4
Sinundo nga siya ni Calvin. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse kaya agad naman na siyang pumasok. "Salamat." Nang makapasok naman na ito sa kotse ay natigilan si Althea dahil dahan-dahang lumapit si Calvin sa kan'ya at habang papalapit ang lalaki ay siyang usog niya naman sa sulok hanggang sa wala na nga siyang maurungan kung kaya 't napapikit na lamang siya. Biglang marinig na lamang ni Althea ang pag-click ng seat belt. "You think, I am going to kiss you?" may pilyong ngiti na naman ang sumilay sa labi nito. Sa totoo lang ay gustong-gusto niya iyong gawin ang kaso ay baka biglang magbago ang isip ng babae kapag ginawa niya iyon. "H-huh? Hindi ah! Tara na nga!" mahinang natawa naman si Calvin sa kan'ya. "Honestly, yes, but I want more aside from that. " Bigla naman napalingon si Althea rito na ngayon ay magkasalubong ang dalawang kilay. "Ang gusto ko lang ay ang makausap ka kaya itigil mo iyan kung ano man ang nasa isip mo!""Hmmn... Bakit alam mo ba ang laman ng isipan ko?
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more
Chapter 5
Kumakalabog ang dibdib ni Althea dahil sa kaba. Marami siyang gustong itanong rito lalo na no’ng sabihin nitong asawa pa rin umano siya ng lalaki. ‘Paan mangyayari iyon? Pumirma ako sa divorce papers noon. Hiwalay na kami!’ Mahigit dalawang taon na rin silang nagkawalay, nais niya rin itanong kung nasaan na si Mariel? Dapat magkasama na ang mga ito subalit wala man lang binabanggit si Calvin tungkol rito. “Siya nga pala, CL. Kumusta na kayo ni Mariel? Bakit parang hindi mo siya kasama rito?”“Why do you ask?” imbis na makuha ang sagot ay hindi niya naman iyon nakuha kaya nakaramdam siya ng inis. Ito nga ay marami nang nalalaman ngayon tungkol sa kan’ya tapos sa lalaki ay wala man lang siyang alam. “‘Wag na nga lang, sige na. Good night–”Akmang isasara na ni Althea ang pinto ng kuwarto gagamitin niya ay agad naman na siyang inunahan ni Calvin at ito na ang humila sa kan’ya papasok roon. “Tell me, Althea? Why are you asking?” Isinandal siya ni Calvin sa likod ng pinto nang maisara
last updateLast Updated : 2024-10-10
Read more
Chapter 6
Tuluyan nang bumigay si Althea sa bawat paghaplos at mga halik ni Calvin sa kanyang katawan. May takot at pangamba siya ngayong magkasama na silang muli subalit lamang doon ang pagmamahal para sa lalaki na isinigaw ng kanyang puso.Handa na siyang harapin ang lahat para lang ipaglaban ang pagmamahal niya para rito. Hindi na siya magigising bulag at sunod-sunuran sa taong humahadlang sa kanilang pag-iibigan. “Althea,” sambit ni Calvin sa pangalan niya nang sandaling humiwalay ang labi nito sa labi niya. Ipinagdikit nito ang noo nilang dalawa at may sumilay na ngiti sa labi ng lalaki. “I can't believe that you are here. God! Matagal kong hinintay ito at akala ko ay hindi na mangyayari pa. Promise me, don't ever leave me again, baby. Baka sa susunod ay masiraan na talaga ako ng bait,” ramdam ni Althea ang bigat sa sa bawat katagang sinasambit nito. Nasasaktan siyang malaman na naging miserable pala ito nang iwan niya, pero pareho lang naman sila. Halos gabi-gabi rin naman ang pagluha n
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more
Chapter 7
Ilang ulit nilang pinagsaluhan ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa isa ‘t isa hanggang tanging ang pagod antok na lamang ang siyang nagpatigil sa kanilang dalawa.Magkayap sila sa buong magdamag na tanging kumot lamang ang nakabalot sa kanilang kahubadan, kung, kaya ‘y ang mga init ng kanilang katawan ang panlaban sa lamig na dulot ng aircon sa silid ni Calvin. Sa ospital naman ay nagulat na lamang ang ama ni Althea nang sabihin ng doktor nito na mayro'n nang donor para sa kidney transplant ang kanyang asawa na labis niyang ikinatuwa. “Talaga po, dok? Sino po ang tumulong sa amin?” tanong nito.“Pasensiya na, confidential ang tungkol sa bagay na iyan kaya hindi ko maaring sabihin sa inyo, Mr. Suarez. But I assure you that your wife will save through this,” paliwanag naman ng doktor. Hindi naman na nagpulit ang ama ni Althea bagkus ay ipinagpasalamat na lamang nito sa Diyos. “Naiintindihan ko, salamat po.”“Bueno, maiwanan na muna kita dahil oras ang mahalaga rito. Ipagdasal mo po ang
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more
Chapter 8
“Anong oras na ba? Kailangan ko nang bumalik sa ospital.” Nais kutusan ni Althea ang kanyang sarili dahil inuna pa niya ang karupukan. Mahalaga ang oras para sa kanyang Ina subalit heto siya ‘t kasama siya Calvin. “I'll go with you,” sagot naman ni Calvin. Nag-aalangan siya dahil mukhang hindi pa ito ang oras para malaman na ng kaniyang pamilya ang tungkol sa kanila. “‘Wag na siguro muna, Calvin. A-ano k-kasi–” Bumuntong-hininga naman si Calvin. Sa reaksyon ni Althea ay bigla siyang napa-isip. Hindi niya rin alam kung ano ang tingin sa kanya ng pamilya nito ngayon kaya pumayag na muna siyang hindi magpakita. “Okay, hindi na muna nila malalaman ang tungkol sa atin pero hayaan mong ihatid kita.” “Thank you,” sambit niya at yumakap nang mahigpit kay Calvin. Masaya siya dahil naiintindihan siya nito. Sasabihin niya rin naman ang tungkol sa kanila subalit kapag maayos na ang lahat lalo na ang sa Ina. “No, wife, I want more than that.” Napa-singhap si Althea sa kung anong gusto na mama
last updateLast Updated : 2024-10-23
Read more
Chapter 9
Nang makarating na sila sa ospital ay agad na nagpaalam si Althea kay Calvin para puntahan ang kaniyang pamilya.“Bye, thank you.”“Call me if you need anything, okay? I love you.” Hinalikan pa muna sa labi ni Calvin si Althea bago ito tuluyang makalabas. “I love you, too.” Tinanaw na muna ito ni Calvin habang papalayo at mayamaya ay siya naman ang bumaba upang puntahan si Harold.“Boss.”“Kumusta si Anton?” tanong ni Calvin sa kalagayan ng tauhan na naging donor ng ina ni Althea. “Nasa operating room pa siya boss. Kinakabahan nga ako kanina pa, paano na ‘ko kapag nawala siya?” mangiyak-ngigak na ani pa ni Harold. “Ugok ka! Akala mo naman ikaw iyong asawa kung maka-asta ka!” Dinagukan ito ni Calvin ngunit mahina lang naman. “Boss, naman! Kahit gano’n lang si Anton na mabaho paa. May pinagsamahan pa rin naman kami. Mami-miss ko iyong amoy no’n, akala mo ba? Ni daga, hindi nga pumasok sa kuwarto namin dahil siguro do’n,” natawa naman si Calvin sa kalokohan na pinagsasabi ni Harold
last updateLast Updated : 2024-10-27
Read more
Chapter 10
“Maiwan na muna kita ha?”“Okay, hindi ako aalis. Dito lang ako, hmmm?” Hinaplos ni Calvin ang nag-aalalang mukha ni Althea bago ito umalis. Tumango naman ito at nagmamadali nang umalis pabalik sa kinaroroonan ng ama at kapatid. “‘Tay! Anong nangyari? Anong resulta?” Naratnan niyang umiiyak ang dalawa at magkayakap kung kaya ‘t mas lalo lamang siyang kinabahan.Subalit nang balingan siya ng ama ay unti-unting ngumiti ito sa kanya. “Anak, Althea. Successful daw ang operasyon ng nanay mo. Salamat sa Diyos at sinagot niya ang mga dasal natin, gagaling na ang nanay ninyo mga anak,” maluha-luhang sambit ng ama ni Althea.“Talaga po? Thank God! Napaka-buti talaga ng ni Lord. Walang imposible sa kanya basta ba tumawag ka lang,” ani niya. Yumakap na rin siya sa dalawa. “Oo nga anak, pati iyong donor niya ay nagpapasalamat din talaga ako. Kung puwede lang sana natin siyang makilala para personal na pasalamatan, ano?” “Oo nga po, pero sana ay maging maayos rin siya. Hindi po biro ang ginagaw
last updateLast Updated : 2024-10-28
Read more
DMCA.com Protection Status