Share

Chapter 4

Sinundo nga siya ni Calvin. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse kaya agad naman na siyang pumasok. 

"Salamat." 

Nang makapasok naman na ito sa kotse ay natigilan si Althea dahil dahan-dahang lumapit si Calvin sa kan'ya ta habang papalapit ang lalaki ay siyang usog niya naman sa sulok hanggang sa wala na nga siyang maurungan kung kaya 't napapikit na lamang siya. 

Biglang marinig na lamang ni Althea ang pag-click ng seat belt. "You think, I am going to kiss you?" may pilyong ngiti na naman ang sumilay sa labi nito. Sa totoo lang ay gustong-gusto niya iyong gawin ang kaso ay baka biglang magbago ang isip ng babae kapag ginawa niya iyon. 

"H-huh? Hindi ah! Tara na nga!" mahinang natawa naman si Calvin sa kan'ya. 

"Honestly, yes, but I want more aside from that. " Bigla naman napalingon si Althea rito na ngayon ay magkasalubong ang dalawang kilay. 

"Ang gusto ko lang ay ang makausap ka kaya itigil mo iyan kung ano man ang nasa isip mo!"

"Hmmn... Bakit alam mo ba ang laman ng isipan ko? Kung gano'n ay pareho pala Tayo ng iniisip? Isa pa, puwede pa rin naman tayong mag-usap kahit ginagawa iyon." 

"CL!" 

Humalakhak naman ang lalaki sa naging reaksyon niya. "Alright, okay. I will stop!" 

Nang makarating sila sa mansion ay tahimik na ang palagid maging mga kasambahay ay wala ka nang makakikitang gising pa. 

"Ah, puwede bang dito na lang tayo sa sala mag-usap? Saglit lang naman eh," inunahan niya dahil baka kung saan naman siya nito dalhin.

"Kung saglit lang naman pala, 'di sana habang nasa biyahe tayo ay sinabi mo na." Nakadama naman siya ng hiya. Oo nga naman! 

"Let's go to the library. Come on," aya nito sa kan'ya kung kaya't wala na siyang nagawa pa. 

Nang nasa loob na sila ay agad na siyang umupo sa couch na naro'n. Sumunod naman si Calvin matapos hubarin ang suot nitong jacket. "So, ano ang gusto mong sabihin sa akin, Althea?" walang paligoy-ligoy na tanong naman nito sa kan'ya at mataman nakatitig pa. Nang makita niyang seryoso ang mukha nito ay bumuntong-hininga na muna siya bago magsalita. 

"Kritikal si Nanay ko ngayon at kailangan niyang ma-operahan, CL. Kung hindi ay–" hindi pa niya masabi nang buo dahil ka-agad na siyang napahagulhol. "Mawawala si Nanay sa amin. Ayaw ko, hindi ko kayang mawala ang tatay ko, CL."

"Hey!" agad na dinaluhan naman siya nito at hinagod siya sa kaniyang likod. "Ano ang gusto mong gawin ko? May maitutulong ba ako?" sinserong tanong nito kay Althea kung kaya 't napatitig naman siya rito habang luhaan pa rin ang kaniyang mukha. 

"CL, tulungan mo 'kong maipagamot si Nanay, kailangan daw ng kidney transplant. Puwera ro'n ay kailangan din ng malaking halaga," saad ni Althea kay Calvin. Isip nito ay talagang malaki nga ang problema nito at kung ipipila pa nila ay malabong makakuha na sila agad ng donor. 

"Tanan na, Althea. Gagawa ako ng paraan, susubukan ko pero hindi ako nangangako na makakuha tayo agad ng kidney donor, okay?" Tila nabuhayan naman siya ng pag-asa sa sinabi ni Calvin. 

Sa totoo lang ay alam na niya ang tungkol sa Ina ni Althea noon pa subalit no’ng nawala nga ang dalaga kasama ang pamilya nito ay wala na rin siyang alam talaga. Nang umalis si Althea kapahain sa mansion ay ipihanap niya sa kaniyang secretary kung saan pumunta ang dalawa at nang malaman niya ngang nasa ospital ito ay inutusan niya si Ellah na alamin ang tungkol do’n maging ang doktor ay nakausap niya na rin. 

Hinihintay niya rin ang tawag ng isang malapit na kaibigan kung makakagawa ba ng paraan na maisingit ang Ina ni Althea sa transplant ay hanggang ngayon, wala pa rin balita kaya ang last option niya ang ang kaniyang mga tauhan. 

May tiwala siya kay Harold na susundin kung ano man ang ini-utos niya kanina.

"Thank you, CL. Hindi mapigilang yakapin ni Althea si Calvin na ikinagulat naman ng binata. Kalaunan ay agad na itong gumanti ng yakap, napapikit na naman si Calvin habang dinadala ang pahigpit na yakap ng babae sa kan'ya na matagal na niyang ina-asam. 

"Pasensiya ka na, natuwa lang ako kahit malabo ay masaya pa rin ako na sinubukan mo 'kong tulungan," nahihiyang sabi pa ni Althea kay Calvin. Nag-iinit ang kaniyang mukha dahil ramdam niya ang tila tagos sa kaluluwa niyang paninitig sa kan'ya ng lalaki. 

"It's okay, you can hug me more if you want. Gusto mo, magyakapan tayo rito hanggang umaga ay ayos lang." 

"Baliw! Sige, na. Iyon lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo eh." Akmang tatayo na si Althea nang bigla naman siyang pigilan ni Calvin. 

"S-sandali lang, aalis ka na agad? Anong oras na rin naman. Dito ka na matulog, umalis ka na lang kapag maliwanag na. Ihahatid na lang kita." 

"Hinihintay ako nila Nanay, hindi nga ako nakapag-paalam eh," tanggi niya pero totoo naman iyon. 

"You can call them to assure that you're safe." Ini-abot ni Calvin ang cellphone sa kan'ya kaya tinanggap niya naman iyon. Pagod na rin naman siya at pagod sa maghapon paghahanap Ng puwedeng makatulong sa kanila. 

"Maiwan na muna kita, ipapa-ayos ko lang ang gagamitin mong kuwarto, or if it's okay with you. We can sleep together in my room–"

"Sa guest room o kahit saan, 'wag lang sa kuwarto mo, CL!" sabat na agad ni Althea. Alam na alam na niya ang ugali ni CL kaya napapailing na lamang siya. Parang bumabalik sila ulit sa dati. 

"Sabi ko nga," natatawang sabi nito bago siya iwan na muna sa library. 

Nang makalabas naman si CL ay agad niyang pinuntahan ang isang tauhan na naro'n lang sa paligid. 

"Harold," tawag niya rito. 

"Oh, sir. Bakit gising ka pa? Akala ko ay mahimbing na ang tulog nito kasama si Ms. Beautiful," sabi naman nito na simamaan niya ng tingin. 

"Sinubukan mo pang tumingin sa kan'ya bukas ay dudukutin ko ang mata," angil niya sa kaniyang tauhan. 

"Boss nman, 'di ka na mabiro. Ano po bang ipapagawa mo?" alanganing at pekeng natatawa na sabi naman nito sa kan'ya dahil alam ni Harold na hindi nagbibiro ang boss niya. 

"Makinig ka at sabihan mo ang iba mong mga kasama. Kailangan ko ng isang kidney donor kaya lahat kayo ay kailangan magpa-test a soon as possible. Babayaran ko nang malaking halaga ang makakapag-bigay nang gusto ko. Kahit maging ginto pa ang maging kabado at libingan ay gagawin ko," seryosong sabi pa ni Calvin na ikinagulat naman ni Harold. 

"Boss nman, grabe naman iyong kabaong at sa libingan. Aanhin pa namin iyon kung patay na kami?"

"It's none of my business. Binigay ko na nga ang lahat, problemahin ko pa ba iyan?! inis na sabi naman ni Calvin. "Kailangan ko na bukas ang resulta ha?" 

"Sige boss, akong bahala." 

"Good!" Iyon lang at binalikan na nito si Althea sa library. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status