Chapter 3
Pareho silang naghahabol ng hininga subalit mas lamang ang galit ni Althea sa ginawa ni Calvin.
Habang nagtatagis naman ang bagang ni Calvin ay matalim ang tingin na ipinupukol nito sa kan'ya.
Really? Let's see," sabi pa ni Calvin. Nabigla siya sa pagsampal ni Althea sa kan'ya ngunit nangngingitngit siya sa huling sinabi ng babae.
"Hindi na, dahil hindi na ako magtatrabaho bilang PA mo!" pagkasabi no'n ni Althea ay tinalikuran na niya si Calvin. Nagmamadali na siyang umalis palabas ng mansion na iyon.
Malayo-layo na rin ang nilakad niya dahil sa rami kaniyang isipin ay saka pa lamang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Nanariwa sa kan'ya ang nakaraan nila ni Calvin noon kung paano sila nagkakilala.
'Bakit pa siya nagtatanong tungkol sa buhay ko? Eh, siya nga iyong nasisiguro kong masaya na ngayon dahil nakasama na niya ang babaeng mahal niya!'
Tinanong pa kasi siya nito kanina tungkol umano sa lalaki. Sinong lalaki naman kaya ang tinutukoy nito?
Bagsak ang mga balikat ni Althea dahil maghahanap na naman siya bukas ng mapapasukang trabaho. Naisip niyang napakamalas niya talaga dahil bakit si Calvin pa ang naging amo niya? Tumunog naman ang cellphone niya, hindi alintana sa mga oras na iyon ay mas malala pa palang nangyayari.
"Hello?" matamlay na sagot niya na hindi na tiningnan kung sino ang kausap.
"Althea, anak. Ang Nanay mo!" dinig niya ang pag-iyak ng kaniyang ama sa kabilang linya.
"Tay? Bakit ho? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya rito habang nilulukob na siya ng matinding kaba.
"Nagkaproblema ang puso ng Nanay mo, anak. Nire-revive siya ngayon sa ICU. Pupunta ka na rito ngayon na, bilisan mo 'nak."
"S-sige po."
Wala nang inaksaya pang oras si Althea. Kaagad na siyang pumara ng kotse papuntang ospital. Napapatingin naman ang driver sa kan'ya kung bakit siya umiiyak ngunit wala na siyang pakialam pa.
'Diyos ko, iligtas mo po ang Natay ko!'
Nang makarating siya ro'n ay nasa labas ng ICU ang ana at kapatid niya na parehong luhaan. "Tay, kumusta po? Si Nanay?"
Siyang labas naman ng doktor mula sa ICU at nilapitan sila nito. "Misis. Tatapatin ko po, kayo. Nasa critical stage na po talaga ang pasyente at ang tanging paraan na lamang po talaga ay ang kidney transplant. Tulad p niyan, iyong ibang organ po kasi ay nadadamay na at talaga uunahin ang puso niya," pagpapaliwanag naman ng doktor sa kanila. Nanghihinang napaupo si Althea dahil gulong-gulo na ang utak niya, ang trabaho para may panngtustos sa kaniyang ama ngunit nadagdagan na naman ng mas malala.
Alam niyang suntok sa buwan ang makakuha agad-agad ng kidney transplant dahil hindi lang naman sila ang mga nangangailan no'n!
"Dok, magkano Po ba ang magagastos sa gano'n?" wala sa sariling tanong niyan.
"Bukod sa mahirap makakuha no'n ay ilang million din ang kinakailangan do'n, hija. Ikinalulungkot ko pero mero'n na lamang 72 hours ang pasyente. Tuluyan nang napahagulhol si Althea sa narinig. Gusto niyang bulyawan ang doktor para sabihin ang bagay na iyon? Hindi naman umano ito Diyos para sabihan ang isang tao kung hanggang kailan na lamang ang nalalabi nito.
Pero kesa gawin pa iyon ay nag-isip nang mabuti si Althea kung saan ba siya hihingi ng tulong o nang himala man lang para madugtungan ang buhay ng kaniyang ama.
Sa makalipas ang isang oras ay nagpasya na munang magtungo ni Althea sa chapel upang magdasal nang mamataan siya si Ms. Ellah, ang secretary ni Calvin at tila may hinahanap ang mga mata nito. Saktong nagtama naman ang kanilang paningin kaya tila hindi naman ito makapaniwalang makita siya nito ro'n.
"Althea? Bakit narito ka? Hindi ba dapat ay nasa mansion ka?" pero imbis na sagutin ay tinanong niya si Ms. Ellah.
"Ano pong ginagawa mo rito, Ms. Ellah?"
"Ah, sinad'ya ko iyong private doctor ni Sir Calvin. Hindi niya raw kasi ma-contact eh, kaya inutusan na ako. Ikaw? Paanong narito ka?" Naguguluhan tanong nitong muli sa kan'ya.
"Ah, iyong Nanay ko kasi nandito. Nagmadali akong pumunta rito dahil nagka-problema. Nasa ICU siya ngayon," naiiyak na sagot naman ni Althea.
"Naku, gano'n ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa nanay mo. May maitutulong ba ako? "tanong naman nito sa kan'ya. Kita niya naman na sincere si Ms. Ellah subalit nahihiya siya sa babae.
Umiling-iling siya rito. "Ayos lang po, Ms. Ellah. Hanapan ko na lang po ng paraan."
"Siguro ka, Althea?" Sa totoo lang ay gustong-gusto niya nang tanggapin pero nahihiya siya lalo pa't tauhan pa ito ni Calvin.
"Opo, ayos lang po talaga." Pagkasabi no'n ay nagpaalam na siyang mauuna na at tumuloy na sa mini chapel doon.
Natutuliro na si Althea dahil halos lahat ng kapamilya at mga kaibigan ay nilapitan na niya. May nagbigay naman ngunit hindi naman iyon sasapat sa kailangan nila. Mayroon din nagsasabi na bitawan na lamang ang kaniyang ama para makapag-pahinga na rin ito umano maging sila rin dahil kung wala naman na talaga silang magagawa bakit pa ipipilit?
Parang sasabog na ang utak niya.
Habang lumilipas ang oras ay mas lalong tumitindi ang takot at bigat sa dibdib niya kung kaya 't tinawagan na niya si Marie. Ilang sigundo lang naman ay sinagot naman nito agad ang tawa niya.
"Hello, Thea. Napatawag ka? Kumusta?"
"Marie, may contact number ka ba ni Sir Calvin?"
"Huh? Hindi mo ba na-saved? Wait, check ko kung mayroon pa 'ko," saglit naman na siyang naghintay. "Thea, mayroon pa 'ko. Send ko sa iyo ah?"
"Sige, Marie. Salamat talaga."
"Okay na, walang anu man. Pero ina-antok na ako girl. Bukas na lang tayo mag-chikahan, promise tatawagan kita."
"Pasensiya na sa istorbo, Marie. Pero salamat nang marami. Sige, tulog ka na ulit."
Nakahinga nang malalim si Althea. Bahala na, basta susubukan niya. Agad na tinipa niya ang contact number ni Calvin, tatawagan niya ito. Saglit lang din na nag-ring iyon hanggang sa marinig na niya ang boritonong boses nito.
"Akala ko ay hindi mo pa rin talaga ako tatawagan. Ang tagal kong naghintay, Althea," nagulat naman siya sa bungad na sabi nito sa kan'ya.
'Hinihintay niya talaga ako? Pero bakit?'
"CL, puwede ba tayong magkita? Nais ko sanang makausap ka?"
"Nasaan ka? Susunduin kita."
Sinundo nga siya ni Calvin. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse kaya agad naman na siyang pumasok. "Salamat." Nang makapasok naman na ito sa kotse ay natigilan si Althea dahil dahan-dahang lumapit si Calvin sa kan'ya ta habang papalapit ang lalaki ay siyang usog niya naman sa sulok hanggang sa wala na nga siyang maurungan kung kaya 't napapikit na lamang siya. Biglang marinig na lamang ni Althea ang pag-click ng seat belt. "You think, I am going to kiss you?" may pilyong ngiti na naman ang sumilay sa labi nito. Sa totoo lang ay gustong-gusto niya iyong gawin ang kaso ay baka biglang magbago ang isip ng babae kapag ginawa niya iyon. "H-huh? Hindi ah! Tara na nga!" mahinang natawa naman si Calvin sa kan'ya. "Honestly, yes, but I want more aside from that. " Bigla naman napalingon si Althea rito na ngayon ay magkasalubong ang dalawang kilay. "Ang gusto ko lang ay ang makausap ka kaya itigil mo iyan kung ano man ang nasa isip mo!""Hmmn... Bakit alam mo ba ang laman ng isipan ko
Kumakalabog ang dibdib ni Althea dahil sa kaba. Marami siyang gustong itanong rito lalo na no’ng sabihin nitong asawa pa rin umano siya ng lalaki. ‘Paan mangyayari iyon? Pumirma ako sa divorce papers noon. Hiwalay na kami!’ Mahigit dalawang taon na rin silang nagkawalay, nais niya rin itanong kung nasaan na si Mariel? Dapat magkasama na ang mga ito subalit wala man lang binabanggit si Calvin tungkol rito. “Siya nga pala, CL. Kumusta na kayo ni Mariel? Bakit parang hindi mo siya kasama rito?”“Why do you ask?” imbis na makuha ang sagot ay hindi niya naman iyon nakuha kaya nakaramdam siya ng inis. Ito nga ay marami nang nalalaman ngayon tungkol sa kan’ya tapos sa lalaki ay wala man lang siyang alam. “‘Wag na nga lang, sige na. Good night–”Akmang isasara na ni Althea ang pinto ng kuwarto gagamitin niya ay agad naman na siyang inunahan ni Calvin at ito na ang humila sa kan’ya papasok roon. “Tell me, Althea? Why are you asking?” Isinandal siya ni Calvin sa likod ng pinto nang maisara
Tuluyan nang bumigay si Althea sa bawat paghaplos at mga halik ni Calvin sa kanyang katawan. May takot at pangamba siya ngayong magkasama na silang muli subalit lamang doon ang pagmamahal para sa lalaki na isinigaw ng kanyang puso.Handa na siyang harapin ang lahat para lang ipaglaban ang pagmamahal niya para rito. Hindi na siya magigising bulag at sunod-sunuran sa taong humahadlang sa kanilang pag-iibigan. “Althea,” sambit ni Calvin sa pangalan niya nang sandaling humiwalay ang labi nito sa labi niya. Ipinagdikit nito ang noo nilang dalawa at may sumilay na ngiti sa labi ng lalaki. “I can't believe that you are here. God! Matagal kong hinintay ito at akala ko ay hindi na mangyayari pa. Promise me, don't ever leave me again, baby. Baka sa susunod ay masiraan na talaga ako ng bait,” ramdam ni Althea ang bigat sa sa bawat katagang sinasambit nito. Nasasaktan siyang malaman na naging miserable pala ito nang iwan niya, pero pareho lang naman sila. Halos gabi-gabi rin naman ang pagluha n
Ilang ulit nilang pinagsaluhan ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa isa ‘t isa hanggang tanging ang pagod antok na lamang ang siyang nagpatigil sa kanilang dalawa.Magkayap sila sa buong magdamag na tanging kumot lamang ang nakabalot sa kanilang kahubadan, kung, kaya ‘y ang mga init ng kanilang katawan ang panlaban sa lamig na dulot ng aircon sa silid ni Calvin. Sa ospital naman ay nagulat na lamang ang ama ni Althea nang sabihin ng doktor nito na mayro'n nang donor para sa kidney transplant ang kanyang asawa na labis niyang ikinatuwa. “Talaga po, dok? Sino po ang tumulong sa amin?” tanong nito.“Pasensiya na, confidential ang tungkol sa bagay na iyan kaya hindi ko maaring sabihin sa inyo, Mr. Suarez. But I assure you that your wife will save through this,” paliwanag naman ng doktor. Hindi naman na nagpulit ang ama ni Althea bagkus ay ipinagpasalamat na lamang nito sa Diyos. “Naiintindihan ko, salamat po.”“Bueno, maiwanan na muna kita dahil oras ang mahalaga rito. Ipagdasal mo po ang
Kasalukuyang naglalakad si Althea sa kalsada sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kagagaling niya lang naman sa pang tatlong trabaho na pinag-applyan subalit iisa lang ang sinasabi sa kan'ya. Tatawag na lang umano ang mga ito sa kan'ya. "ASA!" inis na sambit niya dahil alam niyang malabo na ang mga iyon. Kailangan niya pa naman ng pagkakakitaan lalo na 't may sakit ang kaniyang Ina. Nakaramdam ng pagkauhaw si Althea kung kaya 't tumawid siya sa kabilang kalsada upang bumili ng buko juice. "Manong, pabili po ako five pesos lang po," magalang na sabi niya sa tindrero. Habang naghihintay siya ay may dumating din na isang babae, mukhang bibili rin ito kung kaya 't gumilid siya nang kaunti. May kausap ito sa cellphone at tila hindi maganda ang mood nito kung kaya ay nakisimpat'ya na lamang siya rito dahil danas niya rin ang hirap kung paano maghanap ng trabaho. "Pero, Sir! Kailangan ko po talagang makuha iyong sahod ko na iyan. Porket po ba magli-leave ako ay hindi ninyo iyan ibibigay
Nasa tapat na sila ni Marie ng isang matayog na gusali. Maaga pa lang ay gumayak na si Althea at sinigurado niyang hindi siya mali-late. "Maarte ang boss ko kaya gusto niyang may nag-aasikaso talaga sa kan'ya. Baka magtaka ka pala kapag isinama ka niya sa mansion niya. Hindi iyon maiwasan lalo na 't doon lang ito minsan nagta-trahabo," nakikinig lamang si Althea sa mga sinasabi ni Marie at panay lang ang tango niya rito. "Good morning, Ms. Ellah. Nariyan na ba si Boss?" binati ni Marie ang isang babae na abala sa ginagawa nito sa harap ng computer. Nang umangat ang tingin nito sa kanila ay agad naman din itong ngumiti. "Good morning, Marie. Siya na ba iyong sinasabi mo?""Yes, Ms. Ellah. Siya po si Althea," pakilala naman ni Marie sa kan'ya. "Good morning po, ma'am," bati rin ni Althea sa babae. "Hello, Althea. I am Mr. Calvin's secretary. Actually ay hinintay talaga kita para ipahatid sa bahay niya ngayon. Hindi kasi makakapasok si Sir Calvin dahil masama raw ang pakiramdam," pa