Share

Chapter 5

Kumakalabog ang dibdib ni Althea dahil sa kaba. Marami siyang gustong itanong rito lalo na no’ng sabihin nitong asawa pa rin umano siya ng lalaki. 

‘Paan mangyayari iyon? Pumirma ako sa divorce papers noon. Hiwalay na kami!’ 

Mahigit dalawang taon na rin silang nagkawalay, nais niya rin itanong kung nasaan na si Mariel? Dapat magkasama na ang mga ito subalit wala man lang binabanggit si Calvin tungkol rito. 

“Siya nga pala, CL. Kumusta na kayo ni Mariel? Bakit parang hindi mo siya kasama rito?”

“Why do you ask?” imbis na makuha ang sagot ay hindi niya naman iyon nakuha kaya nakaramdam siya ng inis. Ito nga ay marami nang nalalaman ngayon tungkol sa kan’ya tapos sa lalaki ay wala man lang siyang alam. 

“‘Wag na nga lang, sige na. Good night–”

Akmang isasara na ni Althea ang pinto ng kuwarto gagamitin niya ay agad naman na siyang inunahan ni Calvin at ito na ang humila sa kan’ya papasok roon. 

“Tell me, Althea? Why are you asking?” Isinandal siya ni Calvin sa likod ng pinto nang maisara na iyon. Hindi niya maintindihan ang biglang pagbabago ng kilos ni Calvin. Nang titigan niya ang mga mata nito ay may nababanaag siyang lungkot at sakit na hindi niya alam kung bakit? 

“W-wala, nagtaka lang ako bakit hindi mo siya kasama rito. Ang huling alam ko kasi noon ay, i-ikakasal n-na k-kayo,” mapait na sambit niya rito. Sobrang nasasaktan siya no’n subalit alam niya namang iyon ang tama dahil si Mariel naman talaga ang mahal nito noon pa. 

“And you believe that? Kaya ba iniwan mo ‘ko noon? Gano'n ba?” hindi maiwasang manumbat ni Calvin. Ngayon, na-ungkat na nga ang kanilang nakaraan ay sasagarin na niya. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit siya nito iniwan noon na halos ikabaliw niya. 

“Bakit? Iyon naman talaga ang totoo ‘di ba?! Ikaw ang nakipag-divorce, ipinadala mo pa nga sa akin iyong papel na kailangan kong pirmahan ‘di ba? Kaya, ayon! Pinalaya naman kita ‘di ba? Hindi ko nakakalimutang kuntrata lang naman iyong kasal-kasalan natin noon!” 

Tila naguguluhan naman si Calvin sa sinasabi ni Althea kung kaya 't napa-sabunot pa ito sa kaniyang ulo. “Ano?! A-anong divorce papers? Wala akong pinadalang gano’n, bakit ko naman gagawin iyon?” 

“Aba’y malay ko sa iyo! Bakit sa akin mo itinatananong? Lumayo ka nga!” Tinulak ni Althea si Calvin palayo subalit hindi pa rin siya hinayaan makalayo rito. 

“I think there's someone who tricked us before. Believe me, wife,” pagsusumamo nito sa kan’ya. Bigla namang lumambot naman ang puso ni Althea sa nalaman at sa nakikita niya sa mga mata ni Calvin batid niyang hindi ito nagsisinungaling. 

“K-kung h-hindi i-ikaw, s-sino?” nauutal na tanong niya rito. Nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata sa pagbalong ng mga luha. Kung totoo man iyon ay nanghihinayang siya sa dalawang taon na nagkawalay sila. Mahal niya pa rin si Calvin ngunit natatakot siyang tanggapin at panilawalaan ang mga nalaman ngayon.

“I don't know my wife, but, one thing's for sure.” Itinaas ni Calvin ang kaniyang dalawang kamay upang sapuhin ang mukha ni Althea na ngayon ay basang-basa na ng luha. “I am still your husband,” sambit nito habang deretsong nakatingin sa kaniyang mga mata. Ngumiti ito sa kan'ya na kagaya niya ay dumadaloy na rin ang luha sa mga mata ng lalaki. 

“Hinanap kita kung saan-saan, halos mabaliw na ‘ko noon kung saan ko sisimulan, at ngayon nakita na kita– Please, ‘wag mo ‘kong iiwan,” pagmamakaawa ni Calvin sa kan'ya. Tila pinipiga naman ang puso ni Althea sa narinig mula sa lalaking hanggang ngayon ay nagmamay-ari pa rin ng puso niya. Masakit dahil pareho lamang silang dalawang napaniwala sa kung anong kasinungalingang dahilan kung bakit sila nagkalayong dalawa. 

“I-im s-sorry,” tanging namutawi sa bibig niya dahil nalulunod pa siya sa kaniyang emosiyon. Pinalis niya ang luha sa mga mata ni Calvin at nginitian niya ito. 

“I love you, Althea. Hindi totoo kung ano man ang nalaman mo tungkol sa amin ni Mariel. My mother wants me to marry her from the very start since we never met. But, when I found you. Mas lalong nasabi ko sa sarili ko na kahit anong pilit ni Mommy sa akin na gustohin siya ay hinding-hindi na mangyayari dahil nakuha mo na ang puso ko nang una kitang makita,” hayagang pag-amin na nito ngayon sa harap niya. Hindi niya maiwasang madama ng lungkot para kay Mariel subalit mas lamang naman ang kilig niya sa mga oras na ito. 

Nanatiling tahimik lamang si Althea, tila umurong na ang dila niya kahit pa may nais pa siyang sabihin. 

“Wife, Wala ka man lang–” 

Agad na tinugon ni Althea ang mga sinabing iyon ni Calvin sa pamamagitan ng kaniyang halik, hanggang sa pareho na silang pinagsaluhan ang nag-uumapaw nilang damdamin para sa isa ‘t isa. Sila na muna ang mahalaga para sa gabing iyon upang ipadama kung gaano pa nila ka-mahal at kasabik ang isa’t Isa. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status