Share

Chapter 2

Nasa tapat na sila ni Marie ng isang matayog na gusali. Maaga pa lang ay gumayak na si Althea at sinigurado niyang hindi siya mali-late. 

"Maarte ang boss ko kaya gusto niyang may nag-aasikaso talaga sa kan'ya. Baka magtaka ka pala kapag isinama ka niya sa mansion niya. Hindi iyon maiwasan lalo na 't doon lang ito minsan nagta-trahabo," nakikinig lamang si Althea sa mga sinasabi ni Marie at panay lang ang tango niya rito. 

"Good morning, Ms. Ellah. Nariyan na ba si Boss?" binati ni Marie ang isang babae na abala sa ginagawa nito sa harap ng computer. Nang umangat ang tingin nito sa kanila ay agad naman din itong ngumiti. 

"Good morning, Marie. Siya na ba iyong sinasabi mo?"

"Yes, Ms. Ellah. Siya po si Althea," pakilala naman ni Marie sa kan'ya. 

"Good morning po, ma'am," bati rin ni Althea sa babae. 

"Hello, Althea. I am Mr. Calvin's secretary. Actually ay hinintay talaga kita para ipahatid sa bahay niya ngayon. Hindi kasi makakapasok si Sir Calvin dahil masama raw ang pakiramdam," paliwanag naman nito sa kan'ya. Kahit na sinabi naman na ni Marie kanina ang tungkol do'n ay hindi niya maiwasan na kabahan. 

"Ay, sayang naman. Gusto ko pa naman mag-good bye sana kay, sir. Good luck girl, kaya mo iyan!" pagpapalakas naman ni Marie ng loob niya nang mapansin na kinakabahan nga siya. 

"Marie, ito na iyong sahod mo. Ako na mismo ang kumuha niyan ha. Mag-iingat ka." 

"Salamat Ms. Ellah, lalo kang gumaganda sa paningin ko."

"Sira! Tara na 't sabay-sabay na tayong bumaba. Ipapahatid ko na si Althea sa bahay ni Sir Calvin." 

Saglit lang silang mag-usap ni Marie nang makalabas na sila ng company. Nangako naman itong tutulungan siya kung may mga nais siyang itanong rito. 

Namangha naman si Althea nang makarating sila ng driver sa napaka-gandang mansion umano ito ng boss niya. Pinagbuksan siya ng driver kaya agad naman na siyang bumaba. 

"Salamat po."

"Tuloy lang po kayo, ma'am. May maghahatid po sa iyo kay, Sir Calvin." 

Naglakad naman na si Althea papasok ng mansion. Nakita na niyang may tao ro'n at nang makita siya ay ngumiti ito agad sa kan'ya kaya kahit paano ay nakabawas naman ng kaniyang kaba. 

"Ikaw ba ang bagong PA ni Sir Calvin, ma'am?" 

"Opo, ako nga po." 

"Welcome po. Ihahatid po kita sa kan'ya."

Tahimik lang din naman na sumunod si Althea sa babae. Nang makarating sila sa tapat ng isang silid ay kumatok ito ng tatlong beses. 

"Come in." 

Pagbukas ng pinto ay isa pala iyong Library. "Sir, narito na po ang hinihintay mo." 

"Thank you, maiwan mo na muna kami at pakidalhan na lang ng makakain." Nangunot naman ang noo ni Althea nang marinig ang boses ng kaniyang amo. Tila kasi pamilyar iyon sa kan'ya. Ang tanging nakikita niya lamang rito ay ang likod. Nakatalikod kasi ito habang nakaupo sa swivel chair.

"Good morning, Sir. I'm Althea Suarez. Your newly hired personal assistant." Dahan-dahan naman umikot ang lalaking amo paharap sa kan'ya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay tila natuod si Althea sa kaniyang kinatatayuan. 

"It's good to see you again, my wife," malamig at blangkong mukha ni Calvin ang sumalubong sa kan'ya. 

"C-CL..." 

Hindi makapaniwala si Althea dahil makalipas ang dalawang taon ay muli silang nagkita ni Calvin. Ang lalaking pilit na niyang kinalimutan mula noon. 

"Ako nga, napaka-liit talaga ng mundo 'di ba?" 

"A-ah... S-siguro nga," tanging naisagot niya sa lalaki habang hindi masalubong ang mga mata nito. 

"Kumusta ka na? Bakit tila naghihirap ka yata? Nasaan na ang lalaking–"

"I'm sorry, sir. I think, I don't need to answer your questions if it's not related to my work," agad na putol niya sa sasabihin nito sana sa kan'ya at ayaw niyang pag-usapan kung ano mang itatanong nito tungkol sa nakaraan nila dahil hindi naman na kailangan. 

"Really, huh? I'm your boss and also your husband. So, I could ask you anything I want." 

"Hindi mo ‘ko asawa! Kahibangan lang ang tungkol do’n. Sasagutin ko po ang tanong kung tungkol lamang sa trabaho ko rito. 

"That's why I already hired you as my personal assistant 'cause, I know– You know me well, right wife?" Napalunok naman si Althea ng kaniyang sariling laway dahil sa tensyon na nararamdaman sa pagitan nilang dalawa. 

Ang tanging alam niya ang galit ito sa kan'ya. Nasisirugo niya iyon. 

"Ano po ba ang ipapagawa mo sa akin nang magawa ko na, sir." 

"Talaga? Gagawin mo?" galit man ang nararamdaman hanggang ngayon ni Calvin sa dalaga ay hindi niya maitatanggi ang pagkasabik at pangungilila niya rito. 

Gustong-gusto niya itong parusahan, ikulong sa kaniyang mga bisig at hindi na ito pakawalan pa ngunit hindi niya iyon puwedeng gagawin. Gusto niyang pagsisihan ni Althea ang pag-iwan sa kan'ya noon. Alam niyang may nararamdaman na ito sa kan'ya ngunit bigla na lamang itong lumayo, umalis kasama ang kaniyang pamilya. Nagulantang na lamang si Calvin isang araw ay malaman na iniwan siya nito para lang sa isang lalaki. 

"Y-yes," tugon niya sa lalaki. Tumayo ito at naglakad palapit sa kan'ya nang sobrang lapit. 

"Then, come back,” mahinang sambit naman ni Calvin ngunit punong-puno iyon ng emosiyon. Napaurong pa si Althea at muntik nang matumba nang sabihin iyon ni Calvin sa kan'ya sumabalit kaagad na hinapit nito ang kaniyang baiwang kung kaya't napahawak naman siya sa matigas na dibdib ng lalaki. 

Pumaskil naman agad ang pilyong ngiti sa labi ni Calvin dahil walang nagbago sa babae. Natutulala pa rin ito sa kan'ya sa tuwing lumalapit siya rito. Nang mapagtanto ni Althea ang ayos nilang dalawa ay agad niyang tinulak si Calvin subalit hindi man lang ito natinag sa lakas niya. 

"S-sir, bitawan mo po ako!" 

"Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba ngayon, Althea? Huh?"

"Ang sabi ng secretary mo ay masama ang pakiramdam mo kaya ako narito. Sa tingin ko ay maayos ka naman kaya bitawan mo na 'ko dahil aalis na 'ko– ummhh..." 

Pinatahimik ni Calvin si Althea sa pamamagitan ng kaniyang mapagparusang halik. Sinakop ng kaniyang labi ang ang nakaawang na labi ni Althea kung kaya't malaya niya na agad na naipasok ang kaniyang dila sa loob ng bibig nito. 

Nanlaban pa si Althea pero mas lalo lamang idiniin ni Calvin ang kaniyang katawan sa dalaga habang hindi tinatantanan ang labi nito. 

He really missed her. Ang tamis at lambot ng labi ni Althea lamang ang nakakapagpabaliw sa kan'ya mula noon kaya tila isa siyang uhaw kung angkinin ang labi nito. 

Ngunit nang makakuha ng tiempo si Althea ay buong lakas niyang itinulak si Calvin at agad na pinalipad ang isang palad sa pisngi nito na ikinatabingi naman ng mukha ng lalaki. 

"Kahit ano ang gawin mo! Hinding-hindi pa rin ako babalik sa iyo!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status