Nang i-announce ng kanilang Lola Flordelisa, na ang unang maikakasal sa magpinsang Tahlia at Xamara ay magmamana ng sampung bilyong piso, nagbago ang takbo ng kanilang buhay. For Tahlia, this was supposed to be the perfect timing to marry her long-time boyfriend, Axton. Kaya lang ay isang trahedya ang dumurog sa kanilang mga pangarap. Nabaldado na si Axton sa nangyaring aksidente at hindi na nila matutuloy ang kasal. Dahil sa inis ng Mama at Papa ni Tahlia na naging alanganin ang pagkuha sa reward na sampung bilyong piso, pinilit siyang humanap ng ibang lalaking mapapangasawa bago pa maunahan ni Xamara. It was at that moment that she met Zain—a drunk man, heartbroken and whose world was falling apart because of his mother, who urgently needed heart surgery. Sa isang iglap, nagkaroon ng solusyon ang problema nila pareho. Tahlia needed to secure the ten billion pesos, while Zain needed millions to save his mother’s life. At dahil guwapo si Zain, inalok siya ni Tahlia na babayaran ng milyon-milyong piso para maging groom sa kasal niya. Pumayag kaya si Zain? Kung oo, is it possible that Tahlia and Zain’s act as a married couple could turn into something real, or will Tahlia remain loyal to her paralyzed boyfriend, Axton?
Lihat lebih banyakXamira POVUmagang-umaga pa lang, gising na ako. Hindi ko na hinayaang hindi ulit ako makasama ngayong umaga. Hinanda ko na agad ang sarili ko para sa pangingisda namin. Kasama ko ulit sina Kalix, Buchukoy, Buknoy, at Tisay. Siyempre, hindi rin nawala ang anino ng epal na si Catalina. Nakaabang agad ang gaga sa dalampasigan.Nakataas ang kilay niya nang dumating kami, pero nginitian ko lang siya. Hindi ko na kailangang magsalita, alam ko nang nabuwisit na siya agad kapag nakikita ako.Sumakay kami ng bangka. Maliit lang ang gamit namin kasi mahina naman ang alon ng dagat ngayong araw, mabuti na lang at kasya naman kaming anim.Si Kalix ang nagmamaneho, habang ako ay nakaupo sa tabi niya. Nakipag-unahan ako kay Catalina na tumabi kay Kalix kasi gusto kong pakuluin lalo ang dugo niya sa akin. Napansin ko ring panay ang lingon sa amin ni Catalina mula sa likuran. Mas lalo tuloy akong dumikit kay Kalix.Habang bumibiyahe kami, sinasabay na rin namin ang pag-inom ng mainit na kape at pagka
Xamira POVToday, hindi mangingisda sina Kalix dahil masama ang pakiramdam nito, nilagnat siya kagabi kaya cancel ang lakad nila. Sayang, maaga pa naman akong nagising.Pero ayos lang, naisip ko na lang magliwaliw sa palengke nang mag-isa. Alam ko naman na ang daan at sa tingin ko ay kaya ko nang mag-isa.Habang binabalot ng umaga ang palengke ng banayad na sikat ng araw at amoy ng sariwang isda, dumaan ako sa panaderia para bumili ng pandesal. Maaga pa, pero ramdam ko na ang gising na gising na sigla ng palengke. Grabe sa sipag ng mga tao rito. Maingay ang mga tao, may mga tawanan, may sigawan ng presyo at may usok mula sa mga naglulutong karinderya. Tapos biglang may tumapik sa balikat ko—si Tisay pala.“Uy, Xamira,” bati niya sa akin, bitbit ang plastik ng mainit-init pang pandesal at isang bote ng softdrinks. Umagang-umaga naka-softdrinks agad siya. Naiinitan ata. “Ang aga mo rin ah.”“Ikaw nga rin e,” sagot ko naman sabay ngiti sa kaniya. Nagulat ako kasi inaya niya akong sumagli
Kalix POVMainit na naman ang araw sa palengke. Pawis na pawis na ako habang inaayos ang mga isdang huli namin kaninang madaling-araw. Katatapos lang namin mangisda nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Maaga kaming umalis dahil malakas ang huli ngayon. Sakto rin kasi, marami ang tao ngayon sa palengke kaya maraming bumibili.Habang abala ako sa pagtimbang ng bangus para sa isang suki, narinig ko ang pabulong na usapan ng dalawang babae sa tapat ng puwesto namin. Isa sa kanila, si Ira, kaibigan ni Catalina.“Grabe talaga si Catalina kanina,” ani Ira habang tumatawa. “Alam mo ba, binagsak niya ‘yung sampayan ng mga damit ni Xamira. Yung bagong laba pa.”Napalingon tuloy ako sa kanila. Saglit ko tuloy nakalimutan ang isdang tinatakal ko.“Ha? Bakit naman niya ginawa ‘yon?” tanong ng kasama ni Ira.“Ewan. Ewan ko kung trip lang niya o naiirita siya kay Xamira. Basta ang saya niya pagkatapos niyang gawin iyon,” sagot ni Ira kaya napapailing na lang tuloy ako.Lumalabas talaga ang pagiging maldi
Xamira POVSa wakas, mukhang okay na ako ngayon. Pagkagising ko ngayong umaga ay kalmado na ang tiyan ko. Pero, tila masyado akong tinanghali ng gising.Dali-dali kong tinignan ang paligid at binuksan ang bintana. Wala na sina Kalix, buwisit. Wala na rin sina Tisay, Buchukoy at Buknoy. Sabagay, anong oras na rin. Baka inisip niya na hindi ako sasama kaya hindi ako gumising ng maaga.“Kasalanan ito ng ininom kong palamig sa palengke.” bulong ko sa sarili ko habang napapailing ako. Sa totoo lang, ang sarap sana ng palamig na iyon. Yung kulay ube na may gulaman pa at sago, pero hindi ko alam kung may sira na ba ‘yon o di lang talaga sanay ang tiyan ko sa ganoon.Kahit anong rason pa, ang totoo, sumakit ang tiyan ko buong gabi. Hindi na mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa banyo. Halos madaling-araw na nga ako nakatulog kaya heto ako ngayon, nganga, hindi nakasama sa pangingisda.Kung tutulong naman ako sa paggawa ng bukayo sa mga magulang ni Kalix, wala na rin, hindi na ri
Xamira POVAkala ko tapos na ang eksena ni Catalina. Akala ko matatapos ang mainit na harapan namin ni Catalina sa bangka at dagat lang, tapos matatahimik na ang araw ko. Pero hindi pa pala.Hindi pa pala tapos ang pakulo ng reyna ng Isla Lalia. Kasi kahit sa pagbebenta ng mga huli naming isda, nakabuntot pa rin siya. Para akong may sariling anino—mas maganda nga lang ako, mas mabango at higit sa lahat, mas maraming huli.“Dito na po kayo, sariwa pa! Kakahuli lang namin sa dagat,” sigaw ko sa isang nanay na may dalang basket.Bigla namang may boses na sumingit. “Ang akin pong isda, mas malalaki! Dito na po kayo sa akin bumili mga suki!”Lumingon ako. Siyempre, sino pa ba ang epal na iyon kundi si Catalina, na may bitbit na maliit na balde ng isda niyang nahuli rin kanina. Nakangiti ito nang pilit, pero halatang desperada talagang talunin ako.Tignan na lang natin, sa laki at gaganda ng isda ko, good luck kung sino ang mabilis na makakaubos ng tindang isda.Lahat ng bahay na pinuntahan
Xamira POVPagdilat ng mga mata ko, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin nang buksan ko ang bintana ng aking bahay-kubo. Napangiti ako, kahit pa paano, ito na, nagsisimula na ang panibagong buhay ko dito sa Isla Lalia.Maaga akong nagpaapoy sa likod ng bahay para mag-init ng tubig. Pagkakulo ng tubig ay nagtimpla agad ako ng kape. Pagkatapos ay nagpirito lang ako ng itlog. Nakakatawa kasi hindi pa rin perfect ang pagluluto ko, lasog-lasog pero makakain naman.Pagkatapos kong mag-almusal, naligo na rin ako gamit ang tubig na pinakuha ko kay Kalix kahapon sa balon na malapit dito, ang suwerte lang talaga kasi sampung hakbang lang ay may balon na malapit lang dito, minsan, kapag kaya ko na, ako na siguro ang mag-iigib para masanay na rin ako.Pagbukas ko ng pinto, nakita ang grupo nina Kalix, Tisay, Buchukoy at si Buknoy—na abala sa paghahanda. May mga lambat, balde at isang cooler na dala-dala nila habang parang may pinaplano. Napakunot ang noo ko. “Mukhang mangingisda si
Xamira POVNgayong buong maghapon, lahat ng kailangan ko pinagbibili ko na sa palengke, lahat ng panluto, kagamitan at pagkain ay mayroon na ako. Pati nga malambot na sapin ay mayroon na ako.Ngayong gabi, ako na mismo ang magluluto ng hapunan ko. Ito na talaga isang bagong simula para sa akin dito sa Isla Lalia. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pala magluto.Sa likod ng kubo ko, nandoon ang maliit na lutuan na gawa sa bato at kawayan. Gatungan ito, ayon kay Nanay Karen, pero sa akin, isa lang itong malaking palaisipan. Nilinis ko muna ang paligid, tinanggal ang mga dahon at alikabok, saka maingat na nilagay ang kahoy sa gitna ng lutuan, gaya nang nakita ko sa bahay nina Kalix. Doon lang ako magaling, sa pag-aayos. Pero ang mag-apoy? Ang magluto? Iyon ang problema ngayong kung paano ko gagawin.Napatingin ako sa kaldero at kawali. Nasa gilid ko ang bigas, itlog at kamatis—sapat na para sa isang simpleng hapunan ko. Pero paano ko sisimulan? Sa dami ng bagay na natutunan ko
Xamira POVPagkaupong pagkaupo ko sa sahig ng bahay-kubo ko, sinilip ko si Kalix na abala sa ginagawa niyang bago kong pinto. Nakataas ang manggas ng kaniyang lumang damit, kita ang namumutok niyang mga braso habang hinahawakan ang martilyo. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sa totoo lang, ang galing niyang gumamit ng mga gamit sa pagkakarpintero. Parang sanay na sanay siya. Lalong lumalabas ang pagiging hunk niya.Ibig sabihin pala, isa talaga si Kalix sa nangungunang pogi at hunk dito, ayos sa narinig ko kanina kay Catalina na halatang ayaw sa akin. Maganda sana siya, oo, pero sana pati ugali.“Baka gusto mong ikaw na lang ang gumawa ng bahay ko sa Lux City,” pabirong sabi ko habang nakasandal sa dingding. Pero joke lang iyon kasi hindi na ako babalik doon. Way ko lang iyon para magkaroon naman kami ng pag-uusapan.Napatingin siya sa akin habang bahagyang nakangiti. “Kung may pamasahe ako papunta roon, bakit hindi?” sagot niya bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa.“Hindi na ako ba
Xamira POVSa unang tingin, para lang itong ordinaryong tindahan na may lumang karatula na bahagya nang nabubura ang sulat. Pero sa loob, puno ito ng mga makikislap na bagay, mga gintong pulseras, kuwintas na may maliliit na bato at mga hikaw na may disenyo ng perlas. Isang maliit pero cute na sanlaan at bentahan ng mga alahas sa gitna ng palengke ng Isla Lalia ang pinuntahan namin ngayon ni Kalix.Sinamahan ako ni Kalix dito sa palengke para na nga magawa na ang plano naming gawing safe na ang bahay-kubo ko. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng tindahan. Hindi ko alam kung paano magsisimula, pero ang matandang lalaking may makapal na salamin sa mata ang siyang nag-abot sa akin ng maliit na tray kung saan ko dapat ipatong ang pares ng hikaw ko.Bago ko pa mailapag ang mga iyon, nakita kong kumislap ang mata ng matanda. Alam niyang hindi ordinaryong alahas ang dala ko. Galing kasi sa Lux City ang hikaw ko. Regalo ito sa akin ni papa noong birthday ko. Alam kong
Tahlia POVMaagang-maaga pa lang nang araw na iyon ay ginising na ako ng malalakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. Nakakainis kasi kasarapan pa ng tulog ko, puyat ako kagabi dahil tinapos ko ang pinapanuod kong fantasy series."Tahlia! Hoy, Tahlia, bumangon ka na nga diyan! Kakain na tayo," tawag ni Mama mula sa labas ng kuwarto koNapabuntong-hininga ako at agad na bumangon mula sa kama.“Opo, ayan na, gising na!” sagot ko habang napapairap.Naghilamos at nag-toothbrush muna ako sa banyo ko bago tuluyang bumaba.Pagkababa ko, nakita kong nasa dining area na si Papa, nakaupo sa head seat ng mahabang mesa, habang si Mama naman ay naghahain ng pagkain kasama ang mga kasambahay namin."Good morning, sweetheart," bati ni Papa habang iniinom ang kape niya."Good morning," sagot ko at saka na naupo sa tabi ni Mama.Habang kumakain kami, nagpalitan ng tingin si Mama at Papa bago nagsalita si Mama."Tahlia, pinapatawag tayo ng Lola Flordelisa mo. May mahalaga raw siyang announcement," sabi n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen