Zain POVAng mansiyon dito sa Lux City, dito na raw ako titira o dito raw ang magiging bahay namin ni Tahlia sa oras na ikasal na kami. Ang mansiyon na ito, palalabasin ni Tahlia na ako ang may-ari.Sabi pa niya, mula Lunes hanggang Biyernes ang trabaho kong pagpapanggap na karelasyon niya. Kung kinakailangan pa ako ng Sabado o Linggo, wala akong magagawa—duty pa rin daw pero mukhang madalang lang iyon, nangyayari lang sakaling may dinner sa bahay ng lola niya.Sa totoo lang, medyo bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ko 'yun. Ibig sabihin, bihira lang akong makakauwi. Pero wala namang atrasan. Ito na ang napagkasunduan namin. Mami-miss ko nga lang si mama pero iniisip ko na para sa kaniya itong ginagawa ko, para sa kinabukasan naming dalawa.Masaya, palagi kong nasasabing masaya kasi ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong napakalaking kuwarto dito sa manisyon ni Tahlia, sa totoo lang ay para akong nasa palasyo. Napagod nga ako sa kakaikot dito sa sobrang laki ng bahay. May swimming
Zain POV Napakasarap ng tulog ko kagabi. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng kama na sobrang lambot, parang niyayakap ako ng ulap. Ang aircon? Diyos ko, parang natulog ako sa loob ng freezer. Ngayon lang ako nagising na ganito kasariwa ang pakiramdam. Walang tunog ng mga lasing sa labas, walang sira-sirang electric fan na kumakalampag at higit sa lahat, walang pangit na amoy ng alak sa paligid. Huminga ako nang malalim at nakangiti pa habang nag-iinat ng katawan. Pero sa pagbukas ng kumot, bigla akong natigilan. Tang ina. Saludong-saluto ang alaga ko sa ibaba. Napatakip ako ng bibig habang tawang-tawa sa sarili ko. Putik, sa sobrang lamig ng kuwarto, nagising akong parang sundalo na handang sumabak sa gyera! Umupo ako sa kama, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pero tang ina, parang batang nagwawala ‘yung nasa ibaba ko talaga. Para mawala sa isip ko ‘yun, tumayo na ako at dumiretso sa terrace. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas. Ang ganda ng tanawin doon, ang lawak na g
Tahlia POVSi Zain, mukhang sakit sa ulo pero sinusunod naman niya ang mga sinasabi ko. Nakita ko na abala siya sa pag-e-exercise sa gym. Tapos, kapag sinabi mong manuod ng mga billionaire movie ay ginagawa niya para makapulot o makita naman niya kung paano umasta ang mga mayayaman.Minsan naman ay kapag namamahinga siya sa kuwarto niya, naririnig kong kausap niya ang mama niya. Naririnig ko na kinukuwento niya sa mama niya ang mga magagandang bagay dito sa manisyon na hindi pa niya nararanasan sa buhay niya. Buwisit nga lang itong Zain na ‘to kasi Tahlia sungit ang tawag niya sa akin. Narinig ko rin na kapag sumahod na siya, gusto niyang maipagpagawa ng magandang bahay ang mama niya. Saka, hindi na raw siya magiging kargador sa palengke, utusan sa bilyaran o tagalako ng diaryo dahil magtatayo na raw siya ng business.Mukhang gago at walang pangarap ang tingin ko sa kaniya nung una pero nagkamali ako kasi sa labas ng anyo lang siya mukhang timang, pero sa loob ay matino at mabuti siy
Zain POVNapansin kong mukhang magtatagal pa si Tahlia sa bahay ng parents niya.Okay.Nabo-boring ako sa mansyon at parang gusto kong mag-cheat agad sa pagda-diet kaya naisip kong gumawa ng pagkaka-busy-han.Nagising ako bandang hapon at bumaba ng kusina. Tahimik. Mukhang nagpapahinga din ang mga kasambahay. Perfect. Walang istorbo sa gagawin ko.Binuksan ko ang ref. Tumambad sa akin ang sari-saring ingredients na mukhang mamahalin. Tumingin naman ako sa stock room at mas lalo akong natuwa. Ang daming supply ng kung anu-ano, parang may sariling mini-grocery itong mansion.Tamang-tama para sa gusto kong gawin.Dumampot ako ng spaghetti noodles, tomato sauce at isang kahon ng keso. Pero hindi lang ‘yun ang sekreto ng lulutuin ko ngayon. Hinanap ko ang isang bagay na bihirang isama sa spaghetti ng iba—pineapple juice.Ngumiti ako nang makita ang isang lata nito.“Jackpot.”Bumalik ako sa dirty kitchen at inihanda ang ingredients. Noon, tuwing may handaan sa amin, corned beef lang ang sa
Zain POVMaagang nagising si Tahlia at pinatawag ako sa kuwarto niya. Akala ko in heat si Tahlia at gusto niyang mangyari kaya nagmadali pa ako, pero mali ako nang naisip.“Magbihis ka. May pupuntahan tayo,” sabi niya nang wala man lang introduction. Kainis, naninigas pa naman na ‘yung ano ko sa ibaba, tapos ganoon lang pala. Tinakpan ko na lang tuloy ng kamay ang harap ko sa ibaba kasi bumukol na talaga.Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Bagong paligo, naka-dress na pang-casual at may suot na simpleng hikaw. Hindi siya mukhang pupunta sa isang formal event, pero hindi rin mukhang basta-basta lang ang lakad niya.“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang nakakunot-noo.“Sa bahay ni Axton.”Napataas ang kilay ko. Sa wakas. Ang sikretong boyfriend ni Tahlia na matagal ko nang gustong makita ay mami-meet ko na rin ngayon. Si pangit na boyfriend niya ay makikita ko na.Napangisi ako. “Sige, wait lang. Magpapalit ako.”Na-hopia ako dahil sa pagiging maberde ng isip ko kaya bumalik na ak
Tahlia POVPagkauwi namin ni Zain sa mansiyon, napansin ko agad ang katahimikan niya. Kanina pa siya walang imik, hindi tulad ng dati na panay ang daldal at paminsan-minsang pang-aasar sa akin. Alam kong may bumabagabag sa kanya, kaya bago pa siya makaakyat sa kuwarto niya ay hinila ko siya sa sala para kausapin."Usap tayo," sabi ko habang naupo sa sofa.Wala naman siyang reklamo at umupo rin sa tapat ko. Sandali siyang natulala bago ko siya tinanong, "So, anong masasabi mo kay Axton ngayong na-meet mo na siya?"Napabuntong-hininga si Zain. "It hit me hard," sagot niya. Napakunot ang noo ko, bakit ba kasi nalungkot siya ng sobra? Ano kayang pinagkuwentuhan nila? "Axton really loves you, Tahlia. You’re lucky to have someone like him."Hindi ko alam kung anong isasagot ko doon. Matagal na akong sanay sa pagmamahal ni Axton, pero ngayon ko lang nakita mula sa ibang tao kung paano nila iyon nakikita. May lungkot sa boses ni Zain at sa unang pagkakataon, nakita ko siyang seryoso. Nakikita
Zain POVHinintay ko lang na makaayat si Tahlia, pero may iba pa rin akong plano. Hindi ko naman talaga trip ang cake at kape, lalo na’t gutom pa ako. Ang kailangan ko ngayon ay mainit at masarap na pagkain na tatama sa sikmura ko. Kaya naisip kong magluto na lang.Sa halip na bumili sa labas, nagdesisyon akong gumawa ng lugaw. Madali lang naman iyon at mas gusto kong malasahan ang sarili kong luto.Agad akong pumunta sa kusina at hinanda ang mga sangkap na kailangan ko.Bigas, luya, bawang, sibuyas at chicken broth na nakuha ko sa refrigerator. Pinainit ko ang isang kaldero, pinirito nang bahagya ang luya, bawang, at sibuyas hanggang sa lumabas ang bango ng mga ito bago ko inilagay ang hugas na bigas. Isang mabilis na halo at saka ko ibinuhos ang chicken broth. Habang hinihintay kong lumambot ang bigas, sinimulan ko na rin ang sahog.Sa isang kawali, niluto ko ang tofu at gusto ko lang ay pinirito hanggang sa maging golden brown bago ko inalis sa mantika at pinatulo sa paper towel pa
Zain POVWala akong pasok ngayon sa pagiging peke kong boyfriend para kay Tahlia.. Sabado na naman kasi. Ibig sabihin ay uuwi ako ngayon sa amin. "Sige, umuwi ka na sa inyo," sabi ni Tahlia bago ako umalis. "Pero pag-uwi mo, mag-grocery ka. Gamitin mo 'to. Para matuwa mama mo."Iniabot niya sa akin ang isang sobre na may pera. Pero siyempre, hindi naman niya iyon inabot nang mabait na parang leading lady sa pelikula. Ibinato niya iyon sa akin na parang utang na loob ko pang tanggapin."Ano 'to? Para kang nagpapasweldo sa'kin ah ng advance?""Eh di 'wag mong tanggapin, ewan ko sa'yo."Napailing na lang ako at sinilid sa bulsa ang sobre. Alam kong ayaw niyang magpahalata, pero gusto niya lang makatulong. Mukhang naaawa rin siya sa akin kahit paano. Oh, baka natutuwa kasi magaling naman ako sa trabaho ko sa kaniya. Wala pa akong nagiging palpak.Ang magarang sasakyan niya ang naghatid sa akin pauwi. Wala pa man ako sa Lopez Jaena Town, sa Garay Street, dumaan pa kami sa mall. Sabi niya,
Kalix POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na magiging ganito kainit ang gabi. Mainit hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa samahan. Habang hinahanda ko ang harapan ng bahay kubo namin para sa magiging inuman ngayong gabi, ramdam ko na ang saya sa paligid. Napatingin ako sa isang lamesa, nag-uumpisa nang uminom sina Tatay Felix at ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan at nagkakasiyahan na sila. Dapat nga ay kanina pa kami nag-uumpisang uminom, na-late lang kasi tinulungan ko pa si nanay na maglipit ng mga kalat, tapos nag-ugas pa kami ng mga pinggan.Nilabas ko na rin ang tubang alak ng tatay ko. Gawa ‘yon mula sa pinakamasarap na niyog dito sa Isla Lalia at kahit simpleng inumin lang ito sa paningin ng iba, para sa amin, ito ang tanda ng tunay na selebrasyon. Hindi puwedeng walang alak kapag may kasiyahan.Naupo na kami sa harapan—ako, sina Buchukoy, Buknoy, Tisay at siyempre, ang dalawang mortal na hindi puwedeng pagtabihin ng matagal—sina Catalina at Xamira. Pero dahil okasyon ito
Xamira POVExcited akong bumangon ngayong umaga dahil alam kong may okasyon ngayon. Paglabas ko ng kubo, tila nahuli na ata ako sa paggising kasi nag-uumpisa na pala silang gumalaw at maghanda.Doon, nakita ko sina Mang Felix, Kalix at Buchukoy na abala sa pagkatay ng mga manok sa gilid. Nakataas ang sando ni Kalix, pawis ang noo at seryoso ang tingin sa hawak niyang manok na pinupulasan na ng dugo. Nakakainis kasi ang hot tignan ni Kalix kahit na pawisan. Ang laki ng katawan niya. Naniniwala rin talaga ako na isa si Kalix sa pinaka-hot sa islang ito. Kaya nga baliw na baliw sa kaniya ang gagang si Catalina.Si Mang Felix naman, kahit may edad na, mabilis pa rin ang kilos. Tawa siya nang tawa habang nakikipagbiruan kay Buchukoy. Kahit ako naman, kapag si Buchukoy at Buknoy ang kasama, hindi puwedeng ‘di ka hahagalpak ng tawa.“Happy birthday po, Mang Felix!” bati ko, sabay abot ko sa kaniya ng malaking pakwan at pinya na binili ko talaga kahapon sa palengke. Natanong ko kasi kay Tisay
Xamira POVUmagang-umaga pa lang, gising na ako. Hindi ko na hinayaang hindi ulit ako makasama ngayong umaga. Hinanda ko na agad ang sarili ko para sa pangingisda namin. Kasama ko ulit sina Kalix, Buchukoy, Buknoy, at Tisay. Siyempre, hindi rin nawala ang anino ng epal na si Catalina. Nakaabang agad ang gaga sa dalampasigan.Nakataas ang kilay niya nang dumating kami, pero nginitian ko lang siya. Hindi ko na kailangang magsalita, alam ko nang nabuwisit na siya agad kapag nakikita ako.Sumakay kami ng bangka. Maliit lang ang gamit namin kasi mahina naman ang alon ng dagat ngayong araw, mabuti na lang at kasya naman kaming anim.Si Kalix ang nagmamaneho, habang ako ay nakaupo sa tabi niya. Nakipag-unahan ako kay Catalina na tumabi kay Kalix kasi gusto kong pakuluin lalo ang dugo niya sa akin. Napansin ko ring panay ang lingon sa amin ni Catalina mula sa likuran. Mas lalo tuloy akong dumikit kay Kalix.Habang bumibiyahe kami, sinasabay na rin namin ang pag-inom ng mainit na kape at pagka
Xamira POVToday, hindi mangingisda sina Kalix dahil masama ang pakiramdam nito, nilagnat siya kagabi kaya cancel ang lakad nila. Sayang, maaga pa naman akong nagising.Pero ayos lang, naisip ko na lang magliwaliw sa palengke nang mag-isa. Alam ko naman na ang daan at sa tingin ko ay kaya ko nang mag-isa.Habang binabalot ng umaga ang palengke ng banayad na sikat ng araw at amoy ng sariwang isda, dumaan ako sa panaderia para bumili ng pandesal. Maaga pa, pero ramdam ko na ang gising na gising na sigla ng palengke. Grabe sa sipag ng mga tao rito. Maingay ang mga tao, may mga tawanan, may sigawan ng presyo at may usok mula sa mga naglulutong karinderya. Tapos biglang may tumapik sa balikat ko—si Tisay pala.“Uy, Xamira,” bati niya sa akin, bitbit ang plastik ng mainit-init pang pandesal at isang bote ng softdrinks. Umagang-umaga naka-softdrinks agad siya. Naiinitan ata. “Ang aga mo rin ah.”“Ikaw nga rin e,” sagot ko naman sabay ngiti sa kaniya. Nagulat ako kasi inaya niya akong sumagli
Kalix POVMainit na naman ang araw sa palengke. Pawis na pawis na ako habang inaayos ang mga isdang huli namin kaninang madaling-araw. Katatapos lang namin mangisda nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Maaga kaming umalis dahil malakas ang huli ngayon. Sakto rin kasi, marami ang tao ngayon sa palengke kaya maraming bumibili.Habang abala ako sa pagtimbang ng bangus para sa isang suki, narinig ko ang pabulong na usapan ng dalawang babae sa tapat ng puwesto namin. Isa sa kanila, si Ira, kaibigan ni Catalina.“Grabe talaga si Catalina kanina,” ani Ira habang tumatawa. “Alam mo ba, binagsak niya ‘yung sampayan ng mga damit ni Xamira. Yung bagong laba pa.”Napalingon tuloy ako sa kanila. Saglit ko tuloy nakalimutan ang isdang tinatakal ko.“Ha? Bakit naman niya ginawa ‘yon?” tanong ng kasama ni Ira.“Ewan. Ewan ko kung trip lang niya o naiirita siya kay Xamira. Basta ang saya niya pagkatapos niyang gawin iyon,” sagot ni Ira kaya napapailing na lang tuloy ako.Lumalabas talaga ang pagiging maldi
Xamira POVSa wakas, mukhang okay na ako ngayon. Pagkagising ko ngayong umaga ay kalmado na ang tiyan ko. Pero, tila masyado akong tinanghali ng gising.Dali-dali kong tinignan ang paligid at binuksan ang bintana. Wala na sina Kalix, buwisit. Wala na rin sina Tisay, Buchukoy at Buknoy. Sabagay, anong oras na rin. Baka inisip niya na hindi ako sasama kaya hindi ako gumising ng maaga.“Kasalanan ito ng ininom kong palamig sa palengke.” bulong ko sa sarili ko habang napapailing ako. Sa totoo lang, ang sarap sana ng palamig na iyon. Yung kulay ube na may gulaman pa at sago, pero hindi ko alam kung may sira na ba ‘yon o di lang talaga sanay ang tiyan ko sa ganoon.Kahit anong rason pa, ang totoo, sumakit ang tiyan ko buong gabi. Hindi na mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa banyo. Halos madaling-araw na nga ako nakatulog kaya heto ako ngayon, nganga, hindi nakasama sa pangingisda.Kung tutulong naman ako sa paggawa ng bukayo sa mga magulang ni Kalix, wala na rin, hindi na ri
Xamira POVAkala ko tapos na ang eksena ni Catalina. Akala ko matatapos ang mainit na harapan namin ni Catalina sa bangka at dagat lang, tapos matatahimik na ang araw ko. Pero hindi pa pala.Hindi pa pala tapos ang pakulo ng reyna ng Isla Lalia. Kasi kahit sa pagbebenta ng mga huli naming isda, nakabuntot pa rin siya. Para akong may sariling anino—mas maganda nga lang ako, mas mabango at higit sa lahat, mas maraming huli.“Dito na po kayo, sariwa pa! Kakahuli lang namin sa dagat,” sigaw ko sa isang nanay na may dalang basket.Bigla namang may boses na sumingit. “Ang akin pong isda, mas malalaki! Dito na po kayo sa akin bumili mga suki!”Lumingon ako. Siyempre, sino pa ba ang epal na iyon kundi si Catalina, na may bitbit na maliit na balde ng isda niyang nahuli rin kanina. Nakangiti ito nang pilit, pero halatang desperada talagang talunin ako.Tignan na lang natin, sa laki at gaganda ng isda ko, good luck kung sino ang mabilis na makakaubos ng tindang isda.Lahat ng bahay na pinuntahan
Xamira POVPagdilat ng mga mata ko, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin nang buksan ko ang bintana ng aking bahay-kubo. Napangiti ako, kahit pa paano, ito na, nagsisimula na ang panibagong buhay ko dito sa Isla Lalia.Maaga akong nagpaapoy sa likod ng bahay para mag-init ng tubig. Pagkakulo ng tubig ay nagtimpla agad ako ng kape. Pagkatapos ay nagpirito lang ako ng itlog. Nakakatawa kasi hindi pa rin perfect ang pagluluto ko, lasog-lasog pero makakain naman.Pagkatapos kong mag-almusal, naligo na rin ako gamit ang tubig na pinakuha ko kay Kalix kahapon sa balon na malapit dito, ang suwerte lang talaga kasi sampung hakbang lang ay may balon na malapit lang dito, minsan, kapag kaya ko na, ako na siguro ang mag-iigib para masanay na rin ako.Pagbukas ko ng pinto, nakita ang grupo nina Kalix, Tisay, Buchukoy at si Buknoy—na abala sa paghahanda. May mga lambat, balde at isang cooler na dala-dala nila habang parang may pinaplano. Napakunot ang noo ko. “Mukhang mangingisda si
Xamira POVNgayong buong maghapon, lahat ng kailangan ko pinagbibili ko na sa palengke, lahat ng panluto, kagamitan at pagkain ay mayroon na ako. Pati nga malambot na sapin ay mayroon na ako.Ngayong gabi, ako na mismo ang magluluto ng hapunan ko. Ito na talaga isang bagong simula para sa akin dito sa Isla Lalia. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pala magluto.Sa likod ng kubo ko, nandoon ang maliit na lutuan na gawa sa bato at kawayan. Gatungan ito, ayon kay Nanay Karen, pero sa akin, isa lang itong malaking palaisipan. Nilinis ko muna ang paligid, tinanggal ang mga dahon at alikabok, saka maingat na nilagay ang kahoy sa gitna ng lutuan, gaya nang nakita ko sa bahay nina Kalix. Doon lang ako magaling, sa pag-aayos. Pero ang mag-apoy? Ang magluto? Iyon ang problema ngayong kung paano ko gagawin.Napatingin ako sa kaldero at kawali. Nasa gilid ko ang bigas, itlog at kamatis—sapat na para sa isang simpleng hapunan ko. Pero paano ko sisimulan? Sa dami ng bagay na natutunan ko