Share

Chapter 14

last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-14 11:53:27

Tahlia POV

Pagkauwi namin ni Zain sa mansiyon, napansin ko agad ang katahimikan niya. Kanina pa siya walang imik, hindi tulad ng dati na panay ang daldal at paminsan-minsang pang-aasar sa akin. Alam kong may bumabagabag sa kanya, kaya bago pa siya makaakyat sa kuwarto niya ay hinila ko siya sa sala para kausapin.

"Usap tayo," sabi ko habang naupo sa sofa.

Wala naman siyang reklamo at umupo rin sa tapat ko. Sandali siyang natulala bago ko siya tinanong, "So, anong masasabi mo kay Axton ngayong na-meet mo na siya?"

Napabuntong-hininga si Zain. "It hit me hard," sagot niya. Napakunot ang noo ko, bakit ba kasi nalungkot siya ng sobra? Ano kayang pinagkuwentuhan nila? "Axton really loves you, Tahlia. You’re lucky to have someone like him."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko doon. Matagal na akong sanay sa pagmamahal ni Axton, pero ngayon ko lang nakita mula sa ibang tao kung paano nila iyon nakikita. May lungkot sa boses ni Zain at sa unang pagkakataon, nakita ko siyang seryoso. Nakikita
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 15

    Zain POVHinintay ko lang na makaayat si Tahlia, pero may iba pa rin akong plano. Hindi ko naman talaga trip ang cake at kape, lalo na’t gutom pa ako. Ang kailangan ko ngayon ay mainit at masarap na pagkain na tatama sa sikmura ko. Kaya naisip kong magluto na lang.Sa halip na bumili sa labas, nagdesisyon akong gumawa ng lugaw. Madali lang naman iyon at mas gusto kong malasahan ang sarili kong luto.Agad akong pumunta sa kusina at hinanda ang mga sangkap na kailangan ko.Bigas, luya, bawang, sibuyas at chicken broth na nakuha ko sa refrigerator. Pinainit ko ang isang kaldero, pinirito nang bahagya ang luya, bawang, at sibuyas hanggang sa lumabas ang bango ng mga ito bago ko inilagay ang hugas na bigas. Isang mabilis na halo at saka ko ibinuhos ang chicken broth. Habang hinihintay kong lumambot ang bigas, sinimulan ko na rin ang sahog.Sa isang kawali, niluto ko ang tofu at gusto ko lang ay pinirito hanggang sa maging golden brown bago ko inalis sa mantika at pinatulo sa paper towel pa

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-14
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 16

    Zain POVWala akong pasok ngayon sa pagiging peke kong boyfriend para kay Tahlia.. Sabado na naman kasi. Ibig sabihin ay uuwi ako ngayon sa amin. "Sige, umuwi ka na sa inyo," sabi ni Tahlia bago ako umalis. "Pero pag-uwi mo, mag-grocery ka. Gamitin mo 'to. Para matuwa mama mo."Iniabot niya sa akin ang isang sobre na may pera. Pero siyempre, hindi naman niya iyon inabot nang mabait na parang leading lady sa pelikula. Ibinato niya iyon sa akin na parang utang na loob ko pang tanggapin."Ano 'to? Para kang nagpapasweldo sa'kin ah ng advance?""Eh di 'wag mong tanggapin, ewan ko sa'yo."Napailing na lang ako at sinilid sa bulsa ang sobre. Alam kong ayaw niyang magpahalata, pero gusto niya lang makatulong. Mukhang naaawa rin siya sa akin kahit paano. Oh, baka natutuwa kasi magaling naman ako sa trabaho ko sa kaniya. Wala pa akong nagiging palpak.Ang magarang sasakyan niya ang naghatid sa akin pauwi. Wala pa man ako sa Lopez Jaena Town, sa Garay Street, dumaan pa kami sa mall. Sabi niya,

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-14
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 17

    Tahlia POVNandito na ako. Kaya paglabas ko ng sasakyan, mahigpit kong ibinalot ang hoodie sa katawan ko at isinuksok ang sumbrero ko pababa sa aking noo. Alam kong delikado ang ginagawa kong ito, pero hindi ko rin maiwasang gustuhin na makasama si Axton. Kailangang maingat. Wala nang ibang dapat makaalam nito simula ngayon.Sa paningin kasi ng lahat, wala na kami. At si Zain na ang opisyal kong boyfriend. Naka-post na iyon sa social media kaya kalat na sa mga kakilala ko na si Zain na OA na ang boyfriend ko.Sa pagbukas ng gate, mabilis akong pumasok sa mansiyon ni Axton. Kilala na ako ng mga tao niya, kaya wala nang tanong-tanong pa. Diretso agad ako sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kuwarto niya. Wala naman kasi palagi dito ang parents niya, palaging busy sa work kahit sabado o linggo pa.Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Axton na nakaupo sa kama, may hawak na libro. Nang makita niya ako, agad siyang napangiti."You're here," mahinang sabi niya bago niya ibinaba ang

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-14
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 18

    Zain POVNakahawak ako sa aking taco, nakatutok ang mga mata ko sa puting bola sa mesa. Kalma lang, Zain. Isa pang tira, at panalo na naman ako. Malaki ang pustahan ngayon sa bilyaran sa Garay Street at ako na ang tinitingalang player dito ngayon.Kung dati, utusan lang ako ng matatanda rito para bumili ng sigarilyo o maglinis ng mesa, ngayon, kasali na ako sa laro at isa na ako sa mga hinihintay ng mga pustero.Naramdaman ko ang tiwala sa sarili ko habang tumututok sa tira ko. Nang sumalpok ang itim na bola sa butas, umalingawngaw ang hiyawan ng mga nanonood. "Panalo na naman si Zain!" Sigawan nila. May ilang lumapit sa akin, nagtatanong kung paano ako gumaling nang biglaan at kung saan ko kinukuha ang perang ipinupusta ko."Secret," sagot ko kasabay ng pag-abot ng isang batang utusan sa akin ng softdrinks. "Ikaw na bahala sa sukli, pero huwag kang bibili ng kung ano-ano ha? Bawal sayangin ang pera."Kinuha ko ang bote ng softdrinks, inangat ito at uminom ng kaunti bago ko ito itinab

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-14
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 19

    Zain POVPagkalabas ko ng bahay, saglit akong natigilan. Isang magarang sasakyan ang nakaparada sa harapan, mukhang mamahaling modelo.Napakunot ang noo ko. Wala namang nagsabing may bisita ako ngayon.Nung una ay natakot ako kasi baka napasundan na ako ni Xamara sa mga tauhan niya.Pero, maya maya, sabay, biglang nag-ring ang cellphone ko.Pagtingin ko, si Tahlia ang tumatawag. Mas lalo akong nagulat. Bakit siya tatawag sa akin ng ganito kaaga?"Pumasok ka sa kotse," utos niya agad pagsagot ko ng tawag. "May pupuntahan tayo. Ngayon na."Napatingin ako sa sasakyan sa harap. Kotse niya ba 'yun?"H-huh? Bakit ngayon? Bigyan mo naman ako ng kahit isang oras. May pupuntahan lang ako sa bahay ng kaibigan ko," palusot ko kahit alam kong wala akong laban sa matigas ang ulo niyang babae siya."No. Sumakay ka na ngayon din," madiin niyang sabi.Muntik ko nang ihagis ang cellphone ko sa inis. Ang aga-aga, naninigaw na agad! Pero dahil wala akong choice, napabuntong-hininga ako at pumasok sa kot

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-14
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 20

    Zain POVNang lumabas si Tahlia para magbanyo, doon ako nilapitan ni Axton.. Hindi ko kasi matanggap na dapat ay kasama ko si Calia ngayon kung hindi lang ako biglaang inaya ni Tahlia na sumama rito.."Hey, sorry if we called you on your rest day," biglang sabi ni Axton, nakaupo sa tabi ko habang nakatanaw sa malawak na pool. "This was a last-minute decision. I just... I haven't had the courage to go out in a while. And I wanted to get to know you better. I hope you don't mind."Napakamot ako sa batok. Hindi ko naman gustong maging bastos, pero alam kong ramdam ni Axton ang kakaibang bigat ng aura ko mula pa kanina. Wala akong ganang makisama at kahit anong pilit kong ngumiti, hindi ko maalis ang panghihinayang ko sa hindi natuloy na pagkikita sana namin ni Calia."It's fine," sagot ko na lang. "I'll just make it up to her next time."Nagtaas ng kilay si Axton bago ngumisi. "So, it's a girl? That’s why you’re sulking?"Hindi ko alam kung matutuwa ako o mahihiya. Tinawanan lang ako ni

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-15
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 21

    Zain POVPagkatapos ng ilang oras na magkalaro at magka-bonding kami ni Axton, sina Tahlia at Axton naman ang binigyan ng space para makapag-bonding. Hindi rin naman ako mahilig sumingit sa usapan kung hindi ako kasali. Kaya imbes na makisali sa kanila, dumiretso ako sa swimming pool.Naghubad ako ng damit at iniwan na lang ang boxer shorts ko. Nakita kong napatingin ng matagal sa akin si Tahlia. Hindi ko alam kung galit ba siya na maliligo ako ng swimming pool o nabighani siya kasi may abs nang lumalabas sa tiyan ko simula nung mag-gym na ulit ako.Ewan ko sa kaniya, bahala siya, maliligo ako dahil gusto ko. Minsan lang ako makaligo ng swimming pool kaya susulitin ko na.Pagtalon ko sa tubig ay para akong naligo sa ilog, nag-dive ako.Malamig ang tubig, pero sanay na ako sa ganitong temperatura kaya hindi iyon naging hadlang para ma-enjoy ko ang paliligo. Marahang lumubog ang katawan ko sa tubig habang hinahayaan kong lunurin ako ng katahimikan. Napakagaan sa pakiramdam, para bang s

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-15
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 22

    Zain POVSa wakas, makakapagpahinga na rin ako. Pagod ang katawan ko matapos ang buong araw na lakad, kaya't agad akong humiga sa malambot na kama ng solo kong kuwarto dito sa resort nila Axton sa Tagaytay.Kinuha ko ang phone ko para i-check kung may mga mensahe, pero wala namang importante. Pumikit na ako at handa nang matulog nang biglang nag-ring ang phone ko. Napaigtad ako at napakunot-noo bago tiningnan ang screen. Si Boyong ang tumatawag.Napabangon tuloy ako bigla. Putcha, hindi ko pala siya nasabihan tungkol kay Mama. Agad kong sinagot ang tawag."Boyong, anong balita? Bakit, napatawag ka?""Zain, pare, buti na lang dumaan ako sa inyo kanina. Alam mo bang nagluto mag-isa si Tita? E hindi pa siya puwedeng magkikilos nang mabigat, ‘di ba?"Nanlamig ang katawan ko. "Ano? Anong nangyari?""Wala namang malala, buti na lang nadaan ako at natulungan ko siya. Pero next time, magsabi ka agad sa akin para mabantayan ko siya. Baka kung ano pa mangyari sa kaniya sa susunod."Huminga ako

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-15

Bab terbaru

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 21

    Xamira POVMainit na ang sikat ng araw nang matapos akong mananghalian. Halos kakaunti lang ang nakain ko dahil sa hang-over. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang bakanteng upuan sa tapat ko. Wala na naman si Kalix. Pero sa isip-isip ko, baka doon na naman siya tumambay sa ilalim ng malaking puno ng santol, sa paborito niyang tambayan tuwing hapon. Ganoon siya kapag walang trabaho, nagre-relax, lalo na ngayon, kapag tanghali at tirik ang araw, mainit talaga sa loob ng bahay kubo.Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nagpalit ako ng damit—‘yung manipis lang na damit pambahay pero disente pa rin tignan, ‘yung parang hindi sinasadya pero mukhang pinaghandaan, ganun! Nilagyan ko pa ng konting pulbo ang leeg at pisngi bago lumabas ng bahay-kubo dahil pawisan na rin talaga ako.Paglabas ko ng bahay at pagdating ko sa tambayan niya, tama nga ako. Nandoon siya sa ilalim ng santol, nakaupo sa isang kahoy na bangkong gawa sa troso, may hawak na basong plastik na may buko juice. Halatang

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 20

    Xamira POVTanghaling tapat na pala.Pagdilat ng mga mata ko, agad kong naramdaman ang kirot na parang humahati sa sentido ko. Ang bigat ng ulo ko ngayon na para bang may mga bakal na nakapatong sa sentido at batok ko. Masarap ‘yung tuba na ininom namin pero grabe naman pala kalala ang hangover kinabukasan.Sumandal ako sandali sa dingding ng kubo. Pakiramdam ko tuloy ay parang umiikot pa ang paningin ko. Masyado ata akong nalasing kagabi.Dahan-dahan akong tumayo, grabe talaga, pakiramdam ko ay dagat ako ng isla lalia na umaalon. Paglabas ko ng kuwarto ko, tiningnan ko ang paligid ng maliit kong bahay-kubo, gulo-gulo ang mga kagamitan, dahil siguro sa kalasingan at pagewang-gewang kong paglalakad kagabi.Umiling-iling ako habang sapo-sapo pa rin ang ulo kong masakit.“Kailangan ko ng tubig,” bulong ko sa sarili ko kasi ramdam kong nanunuyot na ang lalamunan ko.Dali-dali akong pumunta sa may lalagyan ng tubig. Kinuha ko ang lumang pitsel, nilagok ang tubig na para bang iyon ang magli

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 19

    Kalix POVTangina. Konti na lang. Konting-konti na lang talaga.Ramdam ko pa sa palad ko ang init ng balat ni Xamira. Nakahiga na siya sa banig sa loob ng bahay kubo niya, nakaangat ng bahagya ang kumot at aninag ko sa ilalim ng buwan ang kurba ng katawan niya. Sobrang lapit na. Magtatanggal na dapat ako ng saplot. Dinig na dinig ko kung paano niya ako hinamon, kung paano siya nagyabang kung ilang round ang gusto niya kaya nademonyo na rin ako.Pero tangina talaga. Ayos na e, may dumating lang ng epal.“Kalix!”Parang may sumabog sa pagitan naming dalawa. Literal na napabalikwas ako nang biglang lumitaw si Buknoy sa labas ng bahay kubo ni Xamira, hawak-hawak ang ulo niya at hingal na hingal. “Pre, nakalimutan ko pala ‘yung ulam na iuuwi kay Nanay!”Nanlamig ang pakiramdam ko nun, patayo pa naman na sana ang pagkalalakë ko at malapit na akong maghubad, pero tangina talaga, dumating pa itong si Buknoy na ang dahilan lang ay ang naiwan niyang ulam.Napatingin ako kay Xamira. Napapangisi

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 18

    Kalix POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na magiging ganito kainit ang gabi. Mainit hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa samahan. Habang hinahanda ko ang harapan ng bahay kubo namin para sa magiging inuman ngayong gabi, ramdam ko na ang saya sa paligid. Napatingin ako sa isang lamesa, nag-uumpisa nang uminom sina Tatay Felix at ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan at nagkakasiyahan na sila. Dapat nga ay kanina pa kami nag-uumpisang uminom, na-late lang kasi tinulungan ko pa si nanay na maglipit ng mga kalat, tapos nag-ugas pa kami ng mga pinggan.Nilabas ko na rin ang tubang alak ng tatay ko. Gawa ‘yon mula sa pinakamasarap na niyog dito sa Isla Lalia at kahit simpleng inumin lang ito sa paningin ng iba, para sa amin, ito ang tanda ng tunay na selebrasyon. Hindi puwedeng walang alak kapag may kasiyahan.Naupo na kami sa harapan—ako, sina Buchukoy, Buknoy, Tisay at siyempre, ang dalawang mortal na hindi puwedeng pagtabihin ng matagal—sina Catalina at Xamira. Pero dahil okasyon ito

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 17

    Xamira POVExcited akong bumangon ngayong umaga dahil alam kong may okasyon ngayon. Paglabas ko ng kubo, tila nahuli na ata ako sa paggising kasi nag-uumpisa na pala silang gumalaw at maghanda.Doon, nakita ko sina Mang Felix, Kalix at Buchukoy na abala sa pagkatay ng mga manok sa gilid. Nakataas ang sando ni Kalix, pawis ang noo at seryoso ang tingin sa hawak niyang manok na pinupulasan na ng dugo. Nakakainis kasi ang hot tignan ni Kalix kahit na pawisan. Ang laki ng katawan niya. Naniniwala rin talaga ako na isa si Kalix sa pinaka-hot sa islang ito. Kaya nga baliw na baliw sa kaniya ang gagang si Catalina.Si Mang Felix naman, kahit may edad na, mabilis pa rin ang kilos. Tawa siya nang tawa habang nakikipagbiruan kay Buchukoy. Kahit ako naman, kapag si Buchukoy at Buknoy ang kasama, hindi puwedeng ‘di ka hahagalpak ng tawa.“Happy birthday po, Mang Felix!” bati ko, sabay abot ko sa kaniya ng malaking pakwan at pinya na binili ko talaga kahapon sa palengke. Natanong ko kasi kay Tisay

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 16

    Xamira POVUmagang-umaga pa lang, gising na ako. Hindi ko na hinayaang hindi ulit ako makasama ngayong umaga. Hinanda ko na agad ang sarili ko para sa pangingisda namin. Kasama ko ulit sina Kalix, Buchukoy, Buknoy, at Tisay. Siyempre, hindi rin nawala ang anino ng epal na si Catalina. Nakaabang agad ang gaga sa dalampasigan.Nakataas ang kilay niya nang dumating kami, pero nginitian ko lang siya. Hindi ko na kailangang magsalita, alam ko nang nabuwisit na siya agad kapag nakikita ako.Sumakay kami ng bangka. Maliit lang ang gamit namin kasi mahina naman ang alon ng dagat ngayong araw, mabuti na lang at kasya naman kaming anim.Si Kalix ang nagmamaneho, habang ako ay nakaupo sa tabi niya. Nakipag-unahan ako kay Catalina na tumabi kay Kalix kasi gusto kong pakuluin lalo ang dugo niya sa akin. Napansin ko ring panay ang lingon sa amin ni Catalina mula sa likuran. Mas lalo tuloy akong dumikit kay Kalix.Habang bumibiyahe kami, sinasabay na rin namin ang pag-inom ng mainit na kape at pagka

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 15

    Xamira POVToday, hindi mangingisda sina Kalix dahil masama ang pakiramdam nito, nilagnat siya kagabi kaya cancel ang lakad nila. Sayang, maaga pa naman akong nagising.Pero ayos lang, naisip ko na lang magliwaliw sa palengke nang mag-isa. Alam ko naman na ang daan at sa tingin ko ay kaya ko nang mag-isa.Habang binabalot ng umaga ang palengke ng banayad na sikat ng araw at amoy ng sariwang isda, dumaan ako sa panaderia para bumili ng pandesal. Maaga pa, pero ramdam ko na ang gising na gising na sigla ng palengke. Grabe sa sipag ng mga tao rito. Maingay ang mga tao, may mga tawanan, may sigawan ng presyo at may usok mula sa mga naglulutong karinderya. Tapos biglang may tumapik sa balikat ko—si Tisay pala.“Uy, Xamira,” bati niya sa akin, bitbit ang plastik ng mainit-init pang pandesal at isang bote ng softdrinks. Umagang-umaga naka-softdrinks agad siya. Naiinitan ata. “Ang aga mo rin ah.”“Ikaw nga rin e,” sagot ko naman sabay ngiti sa kaniya. Nagulat ako kasi inaya niya akong sumagli

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 14

    Kalix POVMainit na naman ang araw sa palengke. Pawis na pawis na ako habang inaayos ang mga isdang huli namin kaninang madaling-araw. Katatapos lang namin mangisda nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Maaga kaming umalis dahil malakas ang huli ngayon. Sakto rin kasi, marami ang tao ngayon sa palengke kaya maraming bumibili.Habang abala ako sa pagtimbang ng bangus para sa isang suki, narinig ko ang pabulong na usapan ng dalawang babae sa tapat ng puwesto namin. Isa sa kanila, si Ira, kaibigan ni Catalina.“Grabe talaga si Catalina kanina,” ani Ira habang tumatawa. “Alam mo ba, binagsak niya ‘yung sampayan ng mga damit ni Xamira. Yung bagong laba pa.”Napalingon tuloy ako sa kanila. Saglit ko tuloy nakalimutan ang isdang tinatakal ko.“Ha? Bakit naman niya ginawa ‘yon?” tanong ng kasama ni Ira.“Ewan. Ewan ko kung trip lang niya o naiirita siya kay Xamira. Basta ang saya niya pagkatapos niyang gawin iyon,” sagot ni Ira kaya napapailing na lang tuloy ako.Lumalabas talaga ang pagiging maldi

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 13

    Xamira POVSa wakas, mukhang okay na ako ngayon. Pagkagising ko ngayong umaga ay kalmado na ang tiyan ko. Pero, tila masyado akong tinanghali ng gising.Dali-dali kong tinignan ang paligid at binuksan ang bintana. Wala na sina Kalix, buwisit. Wala na rin sina Tisay, Buchukoy at Buknoy. Sabagay, anong oras na rin. Baka inisip niya na hindi ako sasama kaya hindi ako gumising ng maaga.“Kasalanan ito ng ininom kong palamig sa palengke.” bulong ko sa sarili ko habang napapailing ako. Sa totoo lang, ang sarap sana ng palamig na iyon. Yung kulay ube na may gulaman pa at sago, pero hindi ko alam kung may sira na ba ‘yon o di lang talaga sanay ang tiyan ko sa ganoon.Kahit anong rason pa, ang totoo, sumakit ang tiyan ko buong gabi. Hindi na mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa banyo. Halos madaling-araw na nga ako nakatulog kaya heto ako ngayon, nganga, hindi nakasama sa pangingisda.Kung tutulong naman ako sa paggawa ng bukayo sa mga magulang ni Kalix, wala na rin, hindi na ri

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status