Share

S2 - Chapter 19

last update Huling Na-update: 2025-04-16 21:30:19

Kalix POV

Tangina. Konti na lang. Konting-konti na lang talaga.

Ramdam ko pa sa palad ko ang init ng balat ni Xamira. Nakahiga na siya sa banig sa loob ng bahay kubo niya, nakaangat ng bahagya ang kumot at aninag ko sa ilalim ng buwan ang kurba ng katawan niya. Sobrang lapit na. Magtatanggal na dapat ako ng saplot. Dinig na dinig ko kung paano niya ako hinamon, kung paano siya nagyabang kung ilang round ang gusto niya kaya nademonyo na rin ako.

Pero tangina talaga. Ayos na e, may dumating lang ng epal.

“Kalix!”

Parang may sumabog sa pagitan naming dalawa. Literal na napabalikwas ako nang biglang lumitaw si Buknoy sa labas ng bahay kubo ni Xamira, hawak-hawak ang ulo niya at hingal na hingal. “Pre, nakalimutan ko pala ‘yung ulam na iuuwi kay Nanay!”

Nanlamig ang pakiramdam ko nun, patayo pa naman na sana ang pagkalalakë ko at malapit na akong maghubad, pero tangina talaga, dumating pa itong si Buknoy na ang dahilan lang ay ang naiwan niyang ulam.

Napatingin ako kay Xamira. Napapangisi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
kalix ka dw may balak ka tlga ng lasingin s xamira ult hahaj
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 20

    Xamira POVTanghaling tapat na pala.Pagdilat ng mga mata ko, agad kong naramdaman ang kirot na parang humahati sa sentido ko. Ang bigat ng ulo ko ngayon na para bang may mga bakal na nakapatong sa sentido at batok ko. Masarap ‘yung tuba na ininom namin pero grabe naman pala kalala ang hangover kinabukasan.Sumandal ako sandali sa dingding ng kubo. Pakiramdam ko tuloy ay parang umiikot pa ang paningin ko. Masyado ata akong nalasing kagabi.Dahan-dahan akong tumayo, grabe talaga, pakiramdam ko ay dagat ako ng isla lalia na umaalon. Paglabas ko ng kuwarto ko, tiningnan ko ang paligid ng maliit kong bahay-kubo, gulo-gulo ang mga kagamitan, dahil siguro sa kalasingan at pagewang-gewang kong paglalakad kagabi.Umiling-iling ako habang sapo-sapo pa rin ang ulo kong masakit.“Kailangan ko ng tubig,” bulong ko sa sarili ko kasi ramdam kong nanunuyot na ang lalamunan ko.Dali-dali akong pumunta sa may lalagyan ng tubig. Kinuha ko ang lumang pitsel, nilagok ang tubig na para bang iyon ang magli

    Huling Na-update : 2025-04-17
  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 21

    Xamira POVMainit na ang sikat ng araw nang matapos akong mananghalian. Halos kakaunti lang ang nakain ko dahil sa hang-over. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang bakanteng upuan sa tapat ko. Wala na naman si Kalix. Pero sa isip-isip ko, baka doon na naman siya tumambay sa ilalim ng malaking puno ng santol, sa paborito niyang tambayan tuwing hapon. Ganoon siya kapag walang trabaho, nagre-relax, lalo na ngayon, kapag tanghali at tirik ang araw, mainit talaga sa loob ng bahay kubo.Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nagpalit ako ng damit—‘yung manipis lang na damit pambahay pero disente pa rin tignan, ‘yung parang hindi sinasadya pero mukhang pinaghandaan, ganun! Nilagyan ko pa ng konting pulbo ang leeg at pisngi bago lumabas ng bahay-kubo dahil pawisan na rin talaga ako.Paglabas ko ng bahay at pagdating ko sa tambayan niya, tama nga ako. Nandoon siya sa ilalim ng santol, nakaupo sa isang kahoy na bangkong gawa sa troso, may hawak na basong plastik na may buko juice. Halatang

    Huling Na-update : 2025-04-18
  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 22

    Xamira POVMainit ang tanghaling iyon. Isa sa mga araw na kahit anong sipol ng hangin, parang walang silbi. Akala ko palaging mahangin dito, pero hindi pala. Pero kahit pawisan ako habang nag-aayos ng kalan para makapagsaing ng kanin, may ngiti pa rin akong hindi matanggal sa labi ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa pag-amin sa akin kahapon ni Kalix o dahil na rin sa sinabi niyang manliligaw siya sa akin.Maya maya, may narinig akong kaluskos sa harap ko. Hindi pa man ako lumilingon, alam ko na kung sino ‘yon. Siya lang naman kasi ang pumapasok palagi sa bahay-kubo ko.“Xamira,” tawag niya sa akin.Paglingon ko, napatigil ako sa paghahalo ng bigas sa palayok. Si Kalix nga ang nandito. May dalang siyang isang malaking tupperware. Medyo pawisan pa ang noo niya. Grabe, kung ibang lalaki ito, magpapapogi pa bago humarap sa akin, pero siya, hindi, kahit pawisan o magulo ang buhok, hindi nahihiyang lumapit at humarap sa akin. Iyong tipong parang gusto niyang ipakita palagi sa akin kung

    Huling Na-update : 2025-04-19
  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 23

    Xamira POVMatutulog sana ako ng hapon na iyon kasi inaantok ako, kaya lang, biglang dumating ang nanay ni Kalix na si Aling Karen para isama ako sa dalampasigan. May ukay-ukay daw na one time lang magbebenta sa dalampasigan dito Isla Lalia.Naengganyo naman ako kasi narinig ko sa kaniya na may mga bistida, tsinelas, gamit pambabae at kung anu-ano pa na puwedeng mabili ng sobrang mura lang. Nang malaman ko ‘yun, hindi na ako nagdalawang-isip na sumama pa sa kaniya. Kulang pa rin ang mga damit ko mula nang manakaw ang maleta ko, kaya sa totoo lang, excited akong makapamili ulit ng marami pang damit. Nang hindi na rin paulit-ulit ang nasusuot kong damit.Pagdating namin sa tabing-dagat, sinalubong agad kami ng masiglang kaguluhan ng mga taga isla doon. Para kaming pumasok sa isang maliit na fiesta—may mga tolda, hile-hilera ng mga tindero’t tindera, at ang daming babae na abalang tumitingin, nagtatawaran, tumatawa habang may hawak na damit o iba’t ibang gamit.“Maghiwalay na lang tayo n

    Huling Na-update : 2025-04-19
  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 24

    Kalix POVSa totoo lang, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kaya inaya ko sina Tisay, Buknoy at Buchukoy ngayong hapon sa dagat. Pumunta kami sa dagat hindi para mangisda. Gusto ko lang sila makasama. Gusto ko silang makausap din tungkol kay Xamira.“Kalix, seryoso ka ba? Hindi tayo manghuhuli ngayon, kasi late na, pagabi na kaya?” tanong agad ni Buknoy habang seryosong nakatingin sa akin.“Hindi,” sagot ko habang sinisipat ang direksyon ng alon. “Gusto ko lang maglayag ng konti. Mag-relax.”“Naks, si Kalix nagre-relax na,” kantiyaw ni Tisay na natatawa kasi alam niyang hindi ako naglalaan ng oras ng ganito kung wala akong gustong pag-usapan na seryoso. “Baka may gusto ka lang pag-usapan.”Tumingin ako sa kanila. Si Buchukoy nakatingin lang sa akin ng tahimik. Gano’n siya pag alam niyang seryoso na ang usapan. Itinatabi na nila ang mga pagiging joker nila.“Guys, sa totoo lang, may sasabihin talaga ako,” pauna kong sabi habang seryosong nakatingin sa kanila. “Nililigawan ko n

    Huling Na-update : 2025-04-19
  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 25

    Xamira POVAlas dose y medya ng madaling araw nang bigla akong magising na may tumutulo nang luha sa pisngi ko. Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon? Nang ipikit ko muli ang mata ko, bumalik ang mukha ni Lola Flordelisa. Nakatayo siya sa isang lugar na sobrang liwanag, sobrang linis at sobrang payapa. Parang langit, pero hindi ko maipaliwanag. Nakatitig lang siya sa akin, nakangiti pero parang may lungkot pa rin ang mukha niya. “Umuwi ka na, Xamira. May kailangan kang malaman,” sabi pa niya sa pananigip ko. At pagkatapos ay nawala siya sa liwanag na iyon.Pagdilat ng mga mata ko, heto na, nalungkot ako bigla at napaluha. Ramdam ko ang pawis sa batok ko kahit malamig ang gabi. Tumingin ako sa orasan, hating gabi palang. Hindi tuloy ako mapakali. Tumulo na lang ang luha ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa biglaang lungkot na bumalot sa akin.Naisip ko tuloy—baka patay na si Lola Flordelisa. Baka iyon ang dahilan kaya siya nagpakita sa panaginip ko. Pero hindi, kahit na nagtatampo

    Huling Na-update : 2025-04-20
  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 26

    Xamira POVPagkagising ko kinaumagahan, ramdam ko agad ang kirot sa kaliwang binti ko. Namamaga ito at may malalalim pang pasa. Pati ang hita ko, may mga gasga na namaga na rin ng husto. Pinilit kong itayo ang sarili ko, pero hindi ako makalakad ng maayos. Parang nabugbog ang mga hita at binti ko sa pagkakalaglag ko kagabi sa bintana ng bahay kubo ko. Lintek kasing mga hayop na lalaki kagabi. Sino ba sila. Sana mahuli sila at maparusahan ni Kalix. Nang dahil sa kanila, malulumpo pa tuloy ako.Dahil sa nangyari, sinabi ni Kalix na hindi ako makakasama sa pangingisda kasi nakita niya ang pasa-pasa at namamaga kong mga sugat sa katawan. “Saka ka na lang sumama kapag okay ka na,” sabi niya.“Pero gusto kong sumama, Kalix,” pagpipilit ko.“Hindi puwede, Xamira. Hindi ko hahayang mabugbog pa ang katawan mo sa pangingisda, ipahinga mo na lang ‘yan. Pangako na hahanapin ko ang tatlong salarin kagabi at ako mismo ang magpaparusa sa kanila. Pero, habang mukhang baldado ka, papabantayan muna kit

    Huling Na-update : 2025-04-20
  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 27

    Kalix POVMainit na ang sikat ng araw nang matapos kaming mangisda nila Buchukoy, Buknoy at Tisay. Marami-rami ulit ang huli ngayon—mga malalaking tambakol, maya-maya, at isang dambuhalang lapu-lapu. Habang binubuhat namin ang mga lambat at isdang nakasalansan sa malaking bayong, naramdaman ko ang kirot sa mga bisig ko, pero tiniis ko lang. Mas mahalaga sa akin ngayon na makauwi agad pagkatapos naming ilako ‘to. Si Xamira ang iniisip ko simula pa kaninang umaga.Nang makarating kami sa palengke, gaya ng dati, hindi pa man kami lubusang nakapwesto sa puwesto naming lamesa sa gilid ng palengke, pinagtulakan na agad kami ng mga mamimili. Sumisigaw si Tisay ng presyo, abala si Buchukoy sa pagtimbang at si Buknoy naman sa pagsisigaw ng preskong isda rito, habang ako naman abala ako sa pagmasid sa paligid.Hindi ako pumuwesto para tumanggap ng bayad. Hindi ako pumwesto para magbitbit ng paninda. Ang totoo, nakatayo lang ako sa may dulo habang kunwari ay nag-aayos ng lambat pero ang totoo ay

    Huling Na-update : 2025-04-20

Pinakabagong kabanata

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 32

    Kalix POVMaaga pa lang, gising na ako. Day off namin ngayon sa pangingisda, ganoon kapag Sunday. Tulog pa si Xamira nang umalis ako sa bahay kubo niya. Kailangan kong unahan ang ibang mamimili sa palengke, lalo pa’t may espesyal akong binabalak ngayong araw. Nangako kasi ako kay Xamira na ipagluluto ko siya ng paborito niyang seafood mix. Yung tipong umaapaw sa hipon, pusit, halaan, tahong at may kung anong sikreto kong pampalasa na ayon sa matatanda. Siyempre, kapag ganitong in love ako, nagluluto rin ako ng may halong pag-ibig.Sa totoo lang, dati ay ganitong-ganito ako kay Betchay nung nililigawan ko siya. Ang kaibahan lang, mas paborito ni Betchay ang mga lutong gulay lang. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan ko, lalo pa’t nawala si Betchay na wala kaming closure o paghihiwalay. Masakit sa akin noon ang pagkawala niya at nung humaba na ang panahon, doon lang talaga ako naka-move on.Ngayong binuksan ko na ulit ang puso ko para sa bagong babae, sa tingin ko, mas masaya na ako

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 31

    Kalix POVPagkarating ko sa kubo ni Xamira, dala ko na ang mga dahon ng mayana na pinili kong maigi kanina pa. Medyo pagod pa ako mula sa maghapong pangingisda, pero hindi ko ramdam—hindi ko talaga ramdam kapag siya ang iniisip ko. Parang nawawala ‘yung bigat ng katawan ko tuwing siya ang dahilan ng mga dapat kong gawin.“Xamira,” tawag ko habang tinutulak ang pinto ng bahay kubo niya. Naroon siya sa papag, naka-upo habang nakasandal sa dingding. Suot niya ‘yung simpleng daster na bulaklakin habang nakatirintas ang buhok.Pagkakita sa akin ng nanay ko, umalis na agad siya kasi marami pa siyang dapat gawin sa bahay kubo namin.“Salamat ulit, nanay.” Tinapik lang ako sa balikat ng nanay ko at pagkatapos, umalis na siya.Lumapit ako nang nakangiti kay Xamira.“Oh, Kalix! Nandiyan ka na pala,” sabi niya habang nakatingin sa dala-dala kong mga dahon. “Ano ‘yang dala-dala mong dahon?” tanong pa niya.“Mayana ‘to. Sabi ni Nanay, epektibo raw ito sa mga pilay, pasa at pamamaga. Ginagamit nam

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 30

    Kalix POVPagdilat ng mata ko, agad kong naamoy ang malinis na amoy ng buhok ni Xamira. Namilog agad ang mga mata ko sa nakita ko. Nakadikit siya sa dibdib ko, nakayakap, tila ba hinahanap ang init ng katawan ko dahil malamig na kapag madaling-araw. Napangiti tuloy ako. Kung ganitong kaganda ang umaga ko, aba’y parang gusto kong dito na lang matulog habangbuhay.Ang lambot ng yakap niya. Parang ayaw ko na talagang bumangon kahit kailangan nang bumangon kasi kailangan ko nang gumayak.Pero kailangan. Mangingisda pa kami nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Hindi puwedeng ako ang maging dahilan ng pagkaantala. Malaking sayang ang kita para sa kanila, kung sa akin ayos lang na walang kita, basta kasama ko si Xamira, okay na okay na ako.“Kalix!”Narinig ko pa ang sigaw ni Tisay mula sa labas ng bahay kubo ni Xamira. Napakunot ako ng noo habang sinulyapan ko si Xamira—tulog pa rin siya, pero ramdam ko ang mahina niyang paghinga. Ang kamay niya ay nakahawak pa sa t-shirt ko, parang ayaw akong p

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 29

    Xamira POVMagluluto na sana ako ng hapunan, pero pinigilan akong gumalaw ni Kalix. Kaya ko naman nang gumalaw, pero sadyang may kirot lang sa mga binti at hita ko kapag naglalakad. Hindi pa talaga kaya siguro. Kaya siya na ang nagluto ng hapunan namin, ako naman, naka-upo lang sa isang tabi habang pinapanood siyang kumilos sa maliit kong kusina. Ewan ko kung bakit, pero nakangiti lang ako buong oras. Masarap palang panoorin ang isang taong handang gawin ang lahat para lang mapagaan ang pakiramdam mo. Todo-effort ang Kalix, nakakainis kasi nakakakilig isipin na para kaming mag-asawa ngayon kahit nanliligaw palang naman siya.“Ang bango,” ani ko habang nilalagyan na niya ng ulam ang plato ko. “Ang dami mo talagang kayang gawin. Sa Lux city, wala, puro pa-pogi lang ang kalalakihan. Bihira doon ang mga gaya mong masipag.”“Mayayaman kasi kaya ganoon, dito, kung hindi ka kikilos ay walang mangyayari sa buhay mo,” sagot niya at parang hindi niya napansing napatingin ako sa kaniya nang mata

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 28

    Kalix POVSabi ko kay Xamira, hanggang hindi pa siya okay, dito ako matutulog sa bahay kubo niya. Payag naman siya, kasi ako ang natatakot na rin para sa kalagayan niya. Lalo na’t alam ko rin ang dating naging buhay ng mama ko. Na gaya nang nangyayari kay Xamira, dati na rin pala siyang nakakaranas ng pambubuwisit ng mga loko-lokong mga kalalakihan na tigang na tigang. Palibhasa’t hindi pa uso ang pulis dito, kaya hindi sila natatakot na gumawa ng kasamaan.“Salamat talaga sa pagpoprotekta sa akin, Kalix. Talaga bang ayos ka lang na sa sala matulog?” tanong ni Xamira habang seryosong nakatingin sa akin. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, aba’y magtabi na lang kami sa kama niya kung nahihiya talaga siyang patulugin ako sa sala.“Oo, ayos lang, basta nandito ako sa bahay kubo mo, kalmado ako, kasi alam kong mapoprotektahan kita.”Nakita kong ngumiti siya. Syet, ang ganda talaga ni Xamira. Napaka-suwerte ko kapag nakatuluyan ko ang gaya niya.Maya maya ay biglang bumukas ang pinto n

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 27

    Kalix POVMainit na ang sikat ng araw nang matapos kaming mangisda nila Buchukoy, Buknoy at Tisay. Marami-rami ulit ang huli ngayon—mga malalaking tambakol, maya-maya, at isang dambuhalang lapu-lapu. Habang binubuhat namin ang mga lambat at isdang nakasalansan sa malaking bayong, naramdaman ko ang kirot sa mga bisig ko, pero tiniis ko lang. Mas mahalaga sa akin ngayon na makauwi agad pagkatapos naming ilako ‘to. Si Xamira ang iniisip ko simula pa kaninang umaga.Nang makarating kami sa palengke, gaya ng dati, hindi pa man kami lubusang nakapwesto sa puwesto naming lamesa sa gilid ng palengke, pinagtulakan na agad kami ng mga mamimili. Sumisigaw si Tisay ng presyo, abala si Buchukoy sa pagtimbang at si Buknoy naman sa pagsisigaw ng preskong isda rito, habang ako naman abala ako sa pagmasid sa paligid.Hindi ako pumuwesto para tumanggap ng bayad. Hindi ako pumwesto para magbitbit ng paninda. Ang totoo, nakatayo lang ako sa may dulo habang kunwari ay nag-aayos ng lambat pero ang totoo ay

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 26

    Xamira POVPagkagising ko kinaumagahan, ramdam ko agad ang kirot sa kaliwang binti ko. Namamaga ito at may malalalim pang pasa. Pati ang hita ko, may mga gasga na namaga na rin ng husto. Pinilit kong itayo ang sarili ko, pero hindi ako makalakad ng maayos. Parang nabugbog ang mga hita at binti ko sa pagkakalaglag ko kagabi sa bintana ng bahay kubo ko. Lintek kasing mga hayop na lalaki kagabi. Sino ba sila. Sana mahuli sila at maparusahan ni Kalix. Nang dahil sa kanila, malulumpo pa tuloy ako.Dahil sa nangyari, sinabi ni Kalix na hindi ako makakasama sa pangingisda kasi nakita niya ang pasa-pasa at namamaga kong mga sugat sa katawan. “Saka ka na lang sumama kapag okay ka na,” sabi niya.“Pero gusto kong sumama, Kalix,” pagpipilit ko.“Hindi puwede, Xamira. Hindi ko hahayang mabugbog pa ang katawan mo sa pangingisda, ipahinga mo na lang ‘yan. Pangako na hahanapin ko ang tatlong salarin kagabi at ako mismo ang magpaparusa sa kanila. Pero, habang mukhang baldado ka, papabantayan muna kit

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 25

    Xamira POVAlas dose y medya ng madaling araw nang bigla akong magising na may tumutulo nang luha sa pisngi ko. Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon? Nang ipikit ko muli ang mata ko, bumalik ang mukha ni Lola Flordelisa. Nakatayo siya sa isang lugar na sobrang liwanag, sobrang linis at sobrang payapa. Parang langit, pero hindi ko maipaliwanag. Nakatitig lang siya sa akin, nakangiti pero parang may lungkot pa rin ang mukha niya. “Umuwi ka na, Xamira. May kailangan kang malaman,” sabi pa niya sa pananigip ko. At pagkatapos ay nawala siya sa liwanag na iyon.Pagdilat ng mga mata ko, heto na, nalungkot ako bigla at napaluha. Ramdam ko ang pawis sa batok ko kahit malamig ang gabi. Tumingin ako sa orasan, hating gabi palang. Hindi tuloy ako mapakali. Tumulo na lang ang luha ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa biglaang lungkot na bumalot sa akin.Naisip ko tuloy—baka patay na si Lola Flordelisa. Baka iyon ang dahilan kaya siya nagpakita sa panaginip ko. Pero hindi, kahit na nagtatampo

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 24

    Kalix POVSa totoo lang, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kaya inaya ko sina Tisay, Buknoy at Buchukoy ngayong hapon sa dagat. Pumunta kami sa dagat hindi para mangisda. Gusto ko lang sila makasama. Gusto ko silang makausap din tungkol kay Xamira.“Kalix, seryoso ka ba? Hindi tayo manghuhuli ngayon, kasi late na, pagabi na kaya?” tanong agad ni Buknoy habang seryosong nakatingin sa akin.“Hindi,” sagot ko habang sinisipat ang direksyon ng alon. “Gusto ko lang maglayag ng konti. Mag-relax.”“Naks, si Kalix nagre-relax na,” kantiyaw ni Tisay na natatawa kasi alam niyang hindi ako naglalaan ng oras ng ganito kung wala akong gustong pag-usapan na seryoso. “Baka may gusto ka lang pag-usapan.”Tumingin ako sa kanila. Si Buchukoy nakatingin lang sa akin ng tahimik. Gano’n siya pag alam niyang seryoso na ang usapan. Itinatabi na nila ang mga pagiging joker nila.“Guys, sa totoo lang, may sasabihin talaga ako,” pauna kong sabi habang seryosong nakatingin sa kanila. “Nililigawan ko n

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status