Zain POV
Maaga pa lang ay gising na ako dahil pinag-alarm ako ni Tahlia. Ang saya nga kasi may magara at mamahalin akong cellphone ngayon. Siyempre, bigay din ito ni Tahlia para may contact siya sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya kahapon na di-keypad lang ang phone ko. Nakita ko nga na umirap at ngumuwi siya. Ang arte talaga, e. Kaya naman agad-agad ay binili niya ako ng cellphone. Ang nakakatuwa pa, magkapareho na kami ng cellphone ngayon. Bakit, kasi kailangan ko rin daw talagang magpanggap na mayaman din. Nakakasura nga kasi hindi ko agad natutunang gamitin ang ganitong kagara na cellphone. Ngayong araw ay sinundo niya ako sa bahay namin. Mamimili raw kasi kami ng mga magiging gamit ko bilang Zain na mayaman. At sa malaking mall kami nagpunta. Pero, hindi lang basta mall ito, kasi nasa pinakamalalaking mall kami sa buong bansa, may tatlong floors, luxury boutiques at mga mamahaling restaurant na ang presyo ng isang meal ay parang tatlong taon kong sahod sa pagiging kargador ko sa palengke. At ang mas nakakagulat ay pag-aari pala ni Tahlia ‘to. Napatingin ako sa kanya na kalmado lang na naglalakad sa tabi ko, parang hindi lang niya basta pagmamay-ari ang mall na ‘to kundi pati buong mundo. Ganoon ang tingin ko sa bilyonaryang nasungkit ko. "You own this mall? Totoo ba talaga?" tanong ko na hindi pa rin makapaniwala. "Yes." "As in, you’re the actual owner?" "Yes, Zain. I’m not renting a stall here, if that’s what you’re asking." Tangina. Kailangan ko yata ng isang basong tubig. Dati, naglalakad lang ako sa mall na ‘to tuwing magpapalamig lang kami ni Boyong, tapos ngayon, kasama ko mismo ang may-ari nito? Anong klaseng plot twist ‘to ng buhay ko, ang gara talaga sumagot ng dasal si Lord kasi binigay niya talaga agad ang suwerteng ito. Daig ko pa ang president ng pilipinas sa laki ng sahod ko sa isang buwan. Tuwing naiisip ko na million ang sahod ko sa isang buwan ay kinikilig talaga ako. Maya maya ay huminto si Tahlia sa harap ng isang luxury boutique. Yung tipo ng tindahan na pag pumasok ka, parang babantayan ka ng saleslady para siguraduhing hindi ka magnanakaw. "Let’s go," sabi niya at diretsong pumasok sa loob. Wala akong nagawa kundi sumunod. Pagkapasok namin sa loob ay agad lumapit ang isang saleslady. "Good morning, Miss Tahlia." Ngumiti lang si Tahlia nang bahagya at saka tumingin sa paligid. "Find him some clothes," utos niya. Napaturo ako sa sarili ko. "Me?" "Of course. Do you see anyone else here who needs a wardrobe change?" Puta. Napakasuplada talaga. "Ano bang problema sa suot ko?" tanong ko sabay tingin sa sarili kong plain shirt at lumang jeans. Tumingin si Tahlia sa akin mula ulo hanggang paa na parang sinisiyasat kung may pag-asa pa ako sa mundo. "You look poor," she said flatly. Napaubo ako. "Well, I am poor—" "Not anymore." Napalunok ako. Shit. Totoo nga. Simula ngayon, magiging pekeng boyfriend muna ako ng isang mayamang babae. Sa ngayon ay boyfriend pero kapag kinasal na kami ay magiging asawa na niya. Kaya naman kailangan ko nang maging mayaman talaga para bagay kami. Napangisi ako sa loob-loob ko. Kahit papaano, exciting din ‘to. Simula noon, wala na akong nagawa kundi hayaang piliin ni Tahlia lahat ng damit na susuotin ko. Luxury suits, designer shirts, leather shoes at lahat ng mamahalin na damit doon ay kinukuha niya para ipasuot sa akin. Tahimik lang akong sumusunod habang ang utak ko ay tuluyang natutunaw sa mga presyo ng mga damit na ‘to. ‘Yung isang price tag na nakita ko? Tangina, halos tatlong taon kong sahod! Para lang sa isang blazer, iyon ah! "Are you serious?" tanong ko kay Tahlia habang hawak ang isang suit na sigurado akong kaya nang ibili ng secondhand na kotse. "Yes. You need to look expensive." "How expensive are we talking about? Because right now, I feel like I could buy a small island with these clothes—" She sighed. "Stop talking and just try them on." Damn. Napaka-sweet talaga ng babaeng ito. Hindi lang damit ang pinamili niya para sa akin. Pabango, skin care, shampoo, sabon at lahat ng gamit na pang-mayaman, pinakyaw niya para sa akin. Napatawa na lang ako habang nakatingin sa mga mamahaling produkto na ngayon ko lang mahahawakan sa buong buhay ko. "Holy shit. Para akong nagkaroon ng sugar mommy," bulong ko sa sarili ko. "What did you say?" tanong ni Tahlia na nakataas ang isang kilay. Ngumiti ako nang pilit. "Nothing." ** Pagkatapos ng walang katapusang shopping para sa akin, dinala naman ako ni Tahlia sa isang mamahaling restaurant sa loob ng mall. Sa pangalan pa lang ng restaurant, alam ko nang hindi ito basta-basta. Pagpasok namin, halos mamilipit ako sa pagiging pormal ng ambiance. May violin music sa background, may magagarang kung anong nakasabit sa itaas, ewan chandlier ata tawag doon at ang mga pagkain sa menu? Walang presyo. Walang presyo?! Napatingin ako kay Tahlia. "Bakit walang price ang menu?" "Because if you have to ask for the price, you can’t afford it," sagot niya na walang emosyon. Putangina. Ngayon lang ako napunta sa ganitong lugar sa buong buhay ko. Nag-order si Tahlia ng kung anong fancy meal habang ako naman ay nagpasya na lang gayahin siya dahil hindi ko naman alam kung ano ang mga nakasulat sa menu. Nang dumating ang pagkain, halos maluha ako sa sarap ng amoy. "Okay lang bang kainin ‘to nang walang permit?" bulong ko habang natatawa. Tumingin sa akin si Tahlia, halatang naiinis. "Just eat." Dahil sobrang gutom ko, hindi na ako nagpakipot. Pagkakuha ko ng tinidor, sinaksak ko ang unang piraso ng steak at isinubo. Tangina. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klase ng karne. Nanlaki ang mata ko. "Holy shit. This is—this is amazing!" "Of course," sagot ni Tahlia habang maingat na kumakain na parang nasa TV commercial. "Grabe," sabi ko habang nilalasahan ang steak. "Ganito pala ang kinakain ng mayayaman. Akala ko kasi dati, kinakain niyo lang ang mga problema ng mahihirap." Napatingin sa akin si Tahlia na halatang nainis sa biro ko. I grinned. Kahit kailan, ang saya niyang asarin. Habang kumakain, hindi ko maiwasang titigan si Tahlia. Ang seryoso niya. Kahit sa pagkain, parang may business meeting. Minsan talaga hindi ko alam kung tao siya o reyna ng isang corporate empire. "You know," sabi ko, "you should smile more." Tumingin siya sa akin. "Why?" "Because you look like you just fired someone this morning." Napairap siya. Natawa ako. "See? You’re so serious all the time. Try to loosen up a bit." "I'm fine the way I am," sagot niya. "Hindi mo ba alam na ang madalas na pagiging seryoso ay nagdudulot ng wrinkles?" tukso ko. Tumingin siya sa akin na parang gusto akong patayin. Napangiti ako. "I'm just saying. It wouldn't hurt to smile every now and then." She sighed. "Let's just eat." Napailing na lang ako. Kahit anong gawin ko, ang babaeng ‘to, parang hindi nauubusan ng pader sa paligid niya. Pero mas okay na rin siguro ‘to. Dahil kahit gaano siya kasungit, kahit gaano siya kaseryoso ay alam kong sa likod ng matigas niyang panlabas, may puso siyang handang tumulong. Kung magiging girlfriend ko siya sa totoong buhay, patay sa akin sa kama ito. Mawawala pagiging masungit niya, uungöl lang siya nang uungöl magdamag at hihilingin na bayuhïn ko lang siya nang bayuhïn kasi masyado akong magaling sa ganoon. Totoo iyon, walang halong biro.Tahlia POVNauwi na sa bahay nila si Axton kaya naisipan kong galain siya pagkaapos kong asikasuhin ang baliw na si Zain.Ka-stress siyang kasama pero dahil kailangan ko siya para sa sampung bilyong piso, magtitiis ako.Pagdating ko sa bahay nila Axton ay tahimik.Dati, sa tuwing umuuwi siya galing sa ibang bansa, palaging puno ng sigla ang ganitong pagkakataon. Maglalakad siya palapit sa akin, yakap agad at may kasamang pilyong ngiti na para bang wala siyang ibang gustong makita kundi ako.Pero ngayon, bumungad sa akin ang reyalidad na kahit anong gawin namin, kahit anong dasal ang gawin ko, hindi na muling babalik ang dati.Nakita ko siyang naka-wheelchair sa sala, nakatingin sa bintana. Malalim ang iniisip.Hindi ko alam kung napansin niya akong pumasok.“Axton,” mahinang tawag ko sa kaniya.Dahan-dahan siyang napalingon sa akin..Isang matamlay na ngiti ang ibinigay niya sa akin. “You’re here.”Lumapit ako sa kanya habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko na hindi maiyak kasi n
Zain POVMaaga akong nagising nang umagang iyon dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko.Nagkakamot pa ako ng ulo nang sagutin ang tawag."Zain, get up. My driver is on the way to pick you up," malamig na sabi ni Tahlia sa kabilang linya. Ang aga-aga, masungit na boses na naman niya ang narinig ko.Napapikit ako. "Uh… what?""Get dressed properly. And don’t make him wait," dagdag pa niya bago tuluyang ibaba ang tawag.Napakurap-kurap na lang ako. Late na naman akong natulog kagabi, kaya hindi pa ako fully functional. Pero dahil mukhang seryoso si Tahlia, napabangon na lang ako kahit hindi ko alam kung ano na namang kasyosyalan ang gagawin namin ngayong araw.Maya maya lang, huminto ang isang mamahaling itim na sasakyan sa harap ng maliit naming bahay dito sa Garay Street. Pakiramdam ko tuloy, bagong recruit akong gangster na susunduin para sa isang mission.Bumaba ang isang driver na naka-black suit. Nakatayo siya doon na parang bodyguard sa action movies."Mr. Zain, let's go
Zain POVAng mansiyon dito sa Lux City, dito na raw ako titira o dito raw ang magiging bahay namin ni Tahlia sa oras na ikasal na kami. Ang mansiyon na ito, palalabasin ni Tahlia na ako ang may-ari.Sabi pa niya, mula Lunes hanggang Biyernes ang trabaho kong pagpapanggap na karelasyon niya. Kung kinakailangan pa ako ng Sabado o Linggo, wala akong magagawa—duty pa rin daw pero mukhang madalang lang iyon, nangyayari lang sakaling may dinner sa bahay ng lola niya.Sa totoo lang, medyo bumigat ang pakiramdam ko nang marinig ko 'yun. Ibig sabihin, bihira lang akong makakauwi. Pero wala namang atrasan. Ito na ang napagkasunduan namin. Mami-miss ko nga lang si mama pero iniisip ko na para sa kaniya itong ginagawa ko, para sa kinabukasan naming dalawa.Masaya, palagi kong nasasabing masaya kasi ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong napakalaking kuwarto dito sa manisyon ni Tahlia, sa totoo lang ay para akong nasa palasyo. Napagod nga ako sa kakaikot dito sa sobrang laki ng bahay. May swimming
Zain POV Napakasarap ng tulog ko kagabi. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng kama na sobrang lambot, parang niyayakap ako ng ulap. Ang aircon? Diyos ko, parang natulog ako sa loob ng freezer. Ngayon lang ako nagising na ganito kasariwa ang pakiramdam. Walang tunog ng mga lasing sa labas, walang sira-sirang electric fan na kumakalampag at higit sa lahat, walang pangit na amoy ng alak sa paligid. Huminga ako nang malalim at nakangiti pa habang nag-iinat ng katawan. Pero sa pagbukas ng kumot, bigla akong natigilan. Tang ina. Saludong-saluto ang alaga ko sa ibaba. Napatakip ako ng bibig habang tawang-tawa sa sarili ko. Putik, sa sobrang lamig ng kuwarto, nagising akong parang sundalo na handang sumabak sa gyera! Umupo ako sa kama, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pero tang ina, parang batang nagwawala ‘yung nasa ibaba ko talaga. Para mawala sa isip ko ‘yun, tumayo na ako at dumiretso sa terrace. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas. Ang ganda ng tanawin doon, ang lawak na g
Tahlia POVSi Zain, mukhang sakit sa ulo pero sinusunod naman niya ang mga sinasabi ko. Nakita ko na abala siya sa pag-e-exercise sa gym. Tapos, kapag sinabi mong manuod ng mga billionaire movie ay ginagawa niya para makapulot o makita naman niya kung paano umasta ang mga mayayaman.Minsan naman ay kapag namamahinga siya sa kuwarto niya, naririnig kong kausap niya ang mama niya. Naririnig ko na kinukuwento niya sa mama niya ang mga magagandang bagay dito sa manisyon na hindi pa niya nararanasan sa buhay niya. Buwisit nga lang itong Zain na ‘to kasi Tahlia sungit ang tawag niya sa akin. Narinig ko rin na kapag sumahod na siya, gusto niyang maipagpagawa ng magandang bahay ang mama niya. Saka, hindi na raw siya magiging kargador sa palengke, utusan sa bilyaran o tagalako ng diaryo dahil magtatayo na raw siya ng business.Mukhang gago at walang pangarap ang tingin ko sa kaniya nung una pero nagkamali ako kasi sa labas ng anyo lang siya mukhang timang, pero sa loob ay matino at mabuti siy
Zain POVNapansin kong mukhang magtatagal pa si Tahlia sa bahay ng parents niya.Okay.Nabo-boring ako sa mansyon at parang gusto kong mag-cheat agad sa pagda-diet kaya naisip kong gumawa ng pagkaka-busy-han.Nagising ako bandang hapon at bumaba ng kusina. Tahimik. Mukhang nagpapahinga din ang mga kasambahay. Perfect. Walang istorbo sa gagawin ko.Binuksan ko ang ref. Tumambad sa akin ang sari-saring ingredients na mukhang mamahalin. Tumingin naman ako sa stock room at mas lalo akong natuwa. Ang daming supply ng kung anu-ano, parang may sariling mini-grocery itong mansion.Tamang-tama para sa gusto kong gawin.Dumampot ako ng spaghetti noodles, tomato sauce at isang kahon ng keso. Pero hindi lang ‘yun ang sekreto ng lulutuin ko ngayon. Hinanap ko ang isang bagay na bihirang isama sa spaghetti ng iba—pineapple juice.Ngumiti ako nang makita ang isang lata nito.“Jackpot.”Bumalik ako sa dirty kitchen at inihanda ang ingredients. Noon, tuwing may handaan sa amin, corned beef lang ang sa
Zain POVMaagang nagising si Tahlia at pinatawag ako sa kuwarto niya. Akala ko in heat si Tahlia at gusto niyang mangyari kaya nagmadali pa ako, pero mali ako nang naisip.“Magbihis ka. May pupuntahan tayo,” sabi niya nang wala man lang introduction. Kainis, naninigas pa naman na ‘yung ano ko sa ibaba, tapos ganoon lang pala. Tinakpan ko na lang tuloy ng kamay ang harap ko sa ibaba kasi bumukol na talaga.Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Bagong paligo, naka-dress na pang-casual at may suot na simpleng hikaw. Hindi siya mukhang pupunta sa isang formal event, pero hindi rin mukhang basta-basta lang ang lakad niya.“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang nakakunot-noo.“Sa bahay ni Axton.”Napataas ang kilay ko. Sa wakas. Ang sikretong boyfriend ni Tahlia na matagal ko nang gustong makita ay mami-meet ko na rin ngayon. Si pangit na boyfriend niya ay makikita ko na.Napangisi ako. “Sige, wait lang. Magpapalit ako.”Na-hopia ako dahil sa pagiging maberde ng isip ko kaya bumalik na ak
Tahlia POVPagkauwi namin ni Zain sa mansiyon, napansin ko agad ang katahimikan niya. Kanina pa siya walang imik, hindi tulad ng dati na panay ang daldal at paminsan-minsang pang-aasar sa akin. Alam kong may bumabagabag sa kanya, kaya bago pa siya makaakyat sa kuwarto niya ay hinila ko siya sa sala para kausapin."Usap tayo," sabi ko habang naupo sa sofa.Wala naman siyang reklamo at umupo rin sa tapat ko. Sandali siyang natulala bago ko siya tinanong, "So, anong masasabi mo kay Axton ngayong na-meet mo na siya?"Napabuntong-hininga si Zain. "It hit me hard," sagot niya. Napakunot ang noo ko, bakit ba kasi nalungkot siya ng sobra? Ano kayang pinagkuwentuhan nila? "Axton really loves you, Tahlia. You’re lucky to have someone like him."Hindi ko alam kung anong isasagot ko doon. Matagal na akong sanay sa pagmamahal ni Axton, pero ngayon ko lang nakita mula sa ibang tao kung paano nila iyon nakikita. May lungkot sa boses ni Zain at sa unang pagkakataon, nakita ko siyang seryoso. Nakikita
Kalix POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na magiging ganito kainit ang gabi. Mainit hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa samahan. Habang hinahanda ko ang harapan ng bahay kubo namin para sa magiging inuman ngayong gabi, ramdam ko na ang saya sa paligid. Napatingin ako sa isang lamesa, nag-uumpisa nang uminom sina Tatay Felix at ang mga kaibigan niya. Nagtatawanan at nagkakasiyahan na sila. Dapat nga ay kanina pa kami nag-uumpisang uminom, na-late lang kasi tinulungan ko pa si nanay na maglipit ng mga kalat, tapos nag-ugas pa kami ng mga pinggan.Nilabas ko na rin ang tubang alak ng tatay ko. Gawa ‘yon mula sa pinakamasarap na niyog dito sa Isla Lalia at kahit simpleng inumin lang ito sa paningin ng iba, para sa amin, ito ang tanda ng tunay na selebrasyon. Hindi puwedeng walang alak kapag may kasiyahan.Naupo na kami sa harapan—ako, sina Buchukoy, Buknoy, Tisay at siyempre, ang dalawang mortal na hindi puwedeng pagtabihin ng matagal—sina Catalina at Xamira. Pero dahil okasyon ito
Xamira POVExcited akong bumangon ngayong umaga dahil alam kong may okasyon ngayon. Paglabas ko ng kubo, tila nahuli na ata ako sa paggising kasi nag-uumpisa na pala silang gumalaw at maghanda.Doon, nakita ko sina Mang Felix, Kalix at Buchukoy na abala sa pagkatay ng mga manok sa gilid. Nakataas ang sando ni Kalix, pawis ang noo at seryoso ang tingin sa hawak niyang manok na pinupulasan na ng dugo. Nakakainis kasi ang hot tignan ni Kalix kahit na pawisan. Ang laki ng katawan niya. Naniniwala rin talaga ako na isa si Kalix sa pinaka-hot sa islang ito. Kaya nga baliw na baliw sa kaniya ang gagang si Catalina.Si Mang Felix naman, kahit may edad na, mabilis pa rin ang kilos. Tawa siya nang tawa habang nakikipagbiruan kay Buchukoy. Kahit ako naman, kapag si Buchukoy at Buknoy ang kasama, hindi puwedeng ‘di ka hahagalpak ng tawa.“Happy birthday po, Mang Felix!” bati ko, sabay abot ko sa kaniya ng malaking pakwan at pinya na binili ko talaga kahapon sa palengke. Natanong ko kasi kay Tisay
Xamira POVUmagang-umaga pa lang, gising na ako. Hindi ko na hinayaang hindi ulit ako makasama ngayong umaga. Hinanda ko na agad ang sarili ko para sa pangingisda namin. Kasama ko ulit sina Kalix, Buchukoy, Buknoy, at Tisay. Siyempre, hindi rin nawala ang anino ng epal na si Catalina. Nakaabang agad ang gaga sa dalampasigan.Nakataas ang kilay niya nang dumating kami, pero nginitian ko lang siya. Hindi ko na kailangang magsalita, alam ko nang nabuwisit na siya agad kapag nakikita ako.Sumakay kami ng bangka. Maliit lang ang gamit namin kasi mahina naman ang alon ng dagat ngayong araw, mabuti na lang at kasya naman kaming anim.Si Kalix ang nagmamaneho, habang ako ay nakaupo sa tabi niya. Nakipag-unahan ako kay Catalina na tumabi kay Kalix kasi gusto kong pakuluin lalo ang dugo niya sa akin. Napansin ko ring panay ang lingon sa amin ni Catalina mula sa likuran. Mas lalo tuloy akong dumikit kay Kalix.Habang bumibiyahe kami, sinasabay na rin namin ang pag-inom ng mainit na kape at pagka
Xamira POVToday, hindi mangingisda sina Kalix dahil masama ang pakiramdam nito, nilagnat siya kagabi kaya cancel ang lakad nila. Sayang, maaga pa naman akong nagising.Pero ayos lang, naisip ko na lang magliwaliw sa palengke nang mag-isa. Alam ko naman na ang daan at sa tingin ko ay kaya ko nang mag-isa.Habang binabalot ng umaga ang palengke ng banayad na sikat ng araw at amoy ng sariwang isda, dumaan ako sa panaderia para bumili ng pandesal. Maaga pa, pero ramdam ko na ang gising na gising na sigla ng palengke. Grabe sa sipag ng mga tao rito. Maingay ang mga tao, may mga tawanan, may sigawan ng presyo at may usok mula sa mga naglulutong karinderya. Tapos biglang may tumapik sa balikat ko—si Tisay pala.“Uy, Xamira,” bati niya sa akin, bitbit ang plastik ng mainit-init pang pandesal at isang bote ng softdrinks. Umagang-umaga naka-softdrinks agad siya. Naiinitan ata. “Ang aga mo rin ah.”“Ikaw nga rin e,” sagot ko naman sabay ngiti sa kaniya. Nagulat ako kasi inaya niya akong sumagli
Kalix POVMainit na naman ang araw sa palengke. Pawis na pawis na ako habang inaayos ang mga isdang huli namin kaninang madaling-araw. Katatapos lang namin mangisda nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Maaga kaming umalis dahil malakas ang huli ngayon. Sakto rin kasi, marami ang tao ngayon sa palengke kaya maraming bumibili.Habang abala ako sa pagtimbang ng bangus para sa isang suki, narinig ko ang pabulong na usapan ng dalawang babae sa tapat ng puwesto namin. Isa sa kanila, si Ira, kaibigan ni Catalina.“Grabe talaga si Catalina kanina,” ani Ira habang tumatawa. “Alam mo ba, binagsak niya ‘yung sampayan ng mga damit ni Xamira. Yung bagong laba pa.”Napalingon tuloy ako sa kanila. Saglit ko tuloy nakalimutan ang isdang tinatakal ko.“Ha? Bakit naman niya ginawa ‘yon?” tanong ng kasama ni Ira.“Ewan. Ewan ko kung trip lang niya o naiirita siya kay Xamira. Basta ang saya niya pagkatapos niyang gawin iyon,” sagot ni Ira kaya napapailing na lang tuloy ako.Lumalabas talaga ang pagiging maldi
Xamira POVSa wakas, mukhang okay na ako ngayon. Pagkagising ko ngayong umaga ay kalmado na ang tiyan ko. Pero, tila masyado akong tinanghali ng gising.Dali-dali kong tinignan ang paligid at binuksan ang bintana. Wala na sina Kalix, buwisit. Wala na rin sina Tisay, Buchukoy at Buknoy. Sabagay, anong oras na rin. Baka inisip niya na hindi ako sasama kaya hindi ako gumising ng maaga.“Kasalanan ito ng ininom kong palamig sa palengke.” bulong ko sa sarili ko habang napapailing ako. Sa totoo lang, ang sarap sana ng palamig na iyon. Yung kulay ube na may gulaman pa at sago, pero hindi ko alam kung may sira na ba ‘yon o di lang talaga sanay ang tiyan ko sa ganoon.Kahit anong rason pa, ang totoo, sumakit ang tiyan ko buong gabi. Hindi na mabilang kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa banyo. Halos madaling-araw na nga ako nakatulog kaya heto ako ngayon, nganga, hindi nakasama sa pangingisda.Kung tutulong naman ako sa paggawa ng bukayo sa mga magulang ni Kalix, wala na rin, hindi na ri
Xamira POVAkala ko tapos na ang eksena ni Catalina. Akala ko matatapos ang mainit na harapan namin ni Catalina sa bangka at dagat lang, tapos matatahimik na ang araw ko. Pero hindi pa pala.Hindi pa pala tapos ang pakulo ng reyna ng Isla Lalia. Kasi kahit sa pagbebenta ng mga huli naming isda, nakabuntot pa rin siya. Para akong may sariling anino—mas maganda nga lang ako, mas mabango at higit sa lahat, mas maraming huli.“Dito na po kayo, sariwa pa! Kakahuli lang namin sa dagat,” sigaw ko sa isang nanay na may dalang basket.Bigla namang may boses na sumingit. “Ang akin pong isda, mas malalaki! Dito na po kayo sa akin bumili mga suki!”Lumingon ako. Siyempre, sino pa ba ang epal na iyon kundi si Catalina, na may bitbit na maliit na balde ng isda niyang nahuli rin kanina. Nakangiti ito nang pilit, pero halatang desperada talagang talunin ako.Tignan na lang natin, sa laki at gaganda ng isda ko, good luck kung sino ang mabilis na makakaubos ng tindang isda.Lahat ng bahay na pinuntahan
Xamira POVPagdilat ng mga mata ko, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin nang buksan ko ang bintana ng aking bahay-kubo. Napangiti ako, kahit pa paano, ito na, nagsisimula na ang panibagong buhay ko dito sa Isla Lalia.Maaga akong nagpaapoy sa likod ng bahay para mag-init ng tubig. Pagkakulo ng tubig ay nagtimpla agad ako ng kape. Pagkatapos ay nagpirito lang ako ng itlog. Nakakatawa kasi hindi pa rin perfect ang pagluluto ko, lasog-lasog pero makakain naman.Pagkatapos kong mag-almusal, naligo na rin ako gamit ang tubig na pinakuha ko kay Kalix kahapon sa balon na malapit dito, ang suwerte lang talaga kasi sampung hakbang lang ay may balon na malapit lang dito, minsan, kapag kaya ko na, ako na siguro ang mag-iigib para masanay na rin ako.Pagbukas ko ng pinto, nakita ang grupo nina Kalix, Tisay, Buchukoy at si Buknoy—na abala sa paghahanda. May mga lambat, balde at isang cooler na dala-dala nila habang parang may pinaplano. Napakunot ang noo ko. “Mukhang mangingisda si
Xamira POVNgayong buong maghapon, lahat ng kailangan ko pinagbibili ko na sa palengke, lahat ng panluto, kagamitan at pagkain ay mayroon na ako. Pati nga malambot na sapin ay mayroon na ako.Ngayong gabi, ako na mismo ang magluluto ng hapunan ko. Ito na talaga isang bagong simula para sa akin dito sa Isla Lalia. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pala magluto.Sa likod ng kubo ko, nandoon ang maliit na lutuan na gawa sa bato at kawayan. Gatungan ito, ayon kay Nanay Karen, pero sa akin, isa lang itong malaking palaisipan. Nilinis ko muna ang paligid, tinanggal ang mga dahon at alikabok, saka maingat na nilagay ang kahoy sa gitna ng lutuan, gaya nang nakita ko sa bahay nina Kalix. Doon lang ako magaling, sa pag-aayos. Pero ang mag-apoy? Ang magluto? Iyon ang problema ngayong kung paano ko gagawin.Napatingin ako sa kaldero at kawali. Nasa gilid ko ang bigas, itlog at kamatis—sapat na para sa isang simpleng hapunan ko. Pero paano ko sisimulan? Sa dami ng bagay na natutunan ko