GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)

GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)

last updateLast Updated : 2021-11-02
By:  Jewiljen  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
35 ratings. 35 reviews
121Chapters
37.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Hindi siya kagandahan alam niya. Minsan tinatawag pa siyang mukhang weirdo pero wala siyang pakialam. Siguradong-sigurado siya na mapapasakanya ang gwapong-gwapong si Clyde del Espania dahil umaasa siya sa gayuma na nakasulat sa libro ng lola niya. Paano naman kung ang lahat nang panggagayuma niya ay nauudlot dahil sa kinaiinisang kambal nito na si Kyle del Espania? Alam ng lalaki na patay na patay siya sa kambal nito kaya't tinutulungan siya ni Kyle kung paano siya mapapansin at magugustuhan ni Clyde. May sariling layunin din kasi ang lalaki. Gusto nitong mabawi ang babaeng mahal nito na si Claire na siya ngayong fiancee ng kambal. Pero paano pa niya ipagpapatuloy ang usapan nila kung siya mismo ang parang nagagayuma sa kambal ng lalaking kinababaliwan niya dati? Paano kung si Kyle na pala ang itinitibok ng puso niya? Makukuha niya rin kaya ito sa gayuma kahit alam niyang mahal na mahal pa rin nito ang ex nitong si Claire?

View More

Latest chapter

Free Preview

KABANATA 1

Siya si Natasha Policarpio. Ang lola niya ang nagbigay ng pangalan na iyon. Ito lang ang may karapatang bigyan siya ng pangalan dahil basta na lang siyang iniwan ng ina niya pagkatapos siya nitong iluwal. Ang ama niya ang anak ng lola niya pero namatay ito bago pa man siya lumabas sa mundo. Wala na silang balita sa ina niya mula nang iwan siya sa pangangalaga ng matanda.Kilala ang lola niya bilang manghuhula sa probinsiya nila. Dinadayo rin ito ng mga babaeng may gustong gayumahin dahil ayon sa mga naririnig niyang kwento mula sa parokyano ng lola niya ay napapangasawa naman talaga ng mga babaeng iyon ang mga lalaking ginayuma ng mga ito. Iyon lang ang tanging bumubuhay sa kanilang mag-lola. Minsa ay gusto na niyang tumigil sa pag-aaral para maghanap ng trabaho sa Maynila para matulungan ito. Ang plano pa nga niya ay isama ito kapag makahanap na siya ng trabaho doon. Tigas-tanggi naman

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Marissa Quisalan
ang gaganda talaga ng mga stories mo miss author.. sana gawa ka din po ng mga forbidden stories at age gap, yung mas matanda ang girl kaysa boy ... ang gaganda kase ng pagkasulat nyo po ...
2024-04-27 12:04:37
2
user avatar
Glo Deguzman
done reading ..kudos Ms. author ang gaganda ng stories mo walang tapon
2022-11-01 08:13:45
2
user avatar
dolly Colance
wow ito yon hinahanap Kong story mo author ...
2022-10-25 09:56:31
4
user avatar
Analia Faith
I have 13 hours para matapos ito ...
2022-07-23 10:14:38
6
user avatar
Jewiljen
Ito po ang isa ko pang account. Please follow my 2 accounts. Same username: JEWILJEN Thank u so much.
2022-07-17 15:46:07
2
user avatar
Berry
Tasyang dami ko talaga tawa sa iyo! Hahahhaha. Good job Author!
2022-03-07 21:11:53
6
user avatar
Maricel Gadia
hello maam pwidi pa anlock nman po kahit ep 32 maam bukas pa ako mag paload
2022-03-06 08:49:07
5
user avatar
Annie Chan
GRAVE SI AUTHOR!! Lab na lab.
2022-02-02 14:44:53
7
user avatar
Rai
Ang kulit ng story hehe talagang mapapathrowback ka na lang talaga sa mga crush na gustong gusto mo. At isa pa nakakalibang itong basahin hindi ka talaga maboboring. this is so amazing story...
2021-12-24 13:56:03
6
user avatar
celestialhope
As in magmu-mukha kang baliw while reading this, iyong tumatawa ka tapos bigla ka nalang malulungkot. ...
2021-12-01 14:27:30
4
user avatar
celestialhope
I remember a situation back when I was in elementary, because of Kabanata 3. Missing those times that my only problem is to wait for my crush, just to get a little glance on him. ......
2021-11-30 14:43:25
2
user avatar
celestialhope
I really like the different vibes that this story made me feel! ...️
2021-11-30 14:40:57
2
user avatar
celestialhope
Pakisalo naman ang puso ko Kyle, nahulog kasi sa'yo! ......
2021-11-29 14:54:18
2
user avatar
Raeliana
Vvvv nice story, enjoyable read and ang kyot ng characters!
2021-11-26 17:41:59
2
user avatar
celestialhope
I thought, it would be so fun in every chapter because of the title, pero isa ito sa best example ng pagkatapos ka patawanin, papaiyakin ka din pala. ...
2021-11-26 13:03:13
2
  • 1
  • 2
  • 3
121 Chapters

KABANATA 1

Siya si Natasha Policarpio. Ang lola niya ang nagbigay ng pangalan na iyon. Ito lang ang may karapatang bigyan siya ng pangalan dahil basta na lang siyang iniwan ng ina niya pagkatapos siya nitong iluwal. Ang ama niya ang anak ng lola niya pero namatay ito bago pa man siya lumabas sa mundo. Wala na silang balita sa ina niya mula nang iwan siya sa pangangalaga ng matanda.Kilala ang lola niya bilang manghuhula sa probinsiya nila. Dinadayo rin ito ng mga babaeng may gustong gayumahin dahil ayon sa mga naririnig niyang kwento mula sa parokyano ng lola niya ay napapangasawa naman talaga ng mga babaeng iyon ang mga lalaking ginayuma ng mga ito. Iyon lang ang tanging bumubuhay sa kanilang mag-lola. Minsa ay gusto na niyang tumigil sa pag-aaral para maghanap ng trabaho sa Maynila para matulungan ito. Ang plano pa nga niya ay isama ito kapag makahanap na siya ng trabaho doon. Tigas-tanggi naman
Read more

KABANATA 2

Mabilis na umalis siya nang akmang titingin na si Clyde, ang iniirog niya. Nahihiya kasi siyang makita nito uli ang nakakasukang mukha niya. Pumunta siya sa likod ng bahay. Dumiretso na agad siya sa banyo para makaligo uli. Mabilis lang ang pagligo niya. Siniguro niyang naalis na ang ebak ng kalabaw sa mukha niya pati na ang amoy nito. Ibinabad naman niya sa tubig na may maraming sabon ang panyo ng crush niya. Nakangiti pa siya habang inilalagay iyon sa maliit na planggana. Mamaya na niya iyon babalikan at papaliguan niya rin iyon ng fabric conditioner.Lumabas na siya ng banyo nang matapos. Nakabestida pa rin siya nang hanggang sakong-sakong niya. Hindi na muna niya sinuklayan ang mahabang kulot na kulot na buhok dahil mauubos ang oras niya.Pumunta siya sa kwarto kung saan tumatanggap ng customers ang lola niya. Maingat na binuksan ni
Read more

KABANATA 3

Magmula nu'n ay lagi na niyang inaabangan ang pagbisita uli ng lola ng kambal at umaasang kasama nito ang isa sa kambal at iyon ay walang iba kundi si Clyde. Halos hindi na nga siya pumupunta sa bayan tuwing Sabado at Linggo. Lagi ay nasa veranda siya nakaupo nang halos buong araw. Sa tuwina naman ay lagi siyang bigo dahil hindi na muling napadpad sa bahay nila ang mga ito. Mahigit isang buwan na mula nang makita niya ang binatilyo. Sabado uli nu'n. Inutusan siyang pumunta sa bayan para bumili ng mga kakailanganin nila ng lola niya. Matamlay na sumunod siya sa utos ng matanda. Kapag weekends kasi ay lagi niyang naaalala ang lalaki. Gusto niya kasing umasa na makikita niya itong muli. Maaga siyang pumunta ng bayan dahil mahaba-haba ang listahang binigay ng lola niya. Mabuti na lang at may malaking basket ang harapan ng bisikleta niya p
Read more

KABANATA 4

Third year College na siya sa kursong Education. Hindi naman talaga iyon ang pinapangarap niyang kurso pero limitado lang ang mga kursong ino-offer sa paaralan sa bayan. Gustuhin man niyang sa Maynila sana magkolehiyo ay wala naman siyang maipantustos sa pag-aaral niya roon. Nakahiga siya kama niya at nakatitig sa nag-iisang larawan ni Clyde na nakadikit sa dingding niya. Nakita niya kasi ang larawang iyon sa isang magazine nang mapunta siya ng bayan kaya't bumili siya kaagad at ginunting ang mukha nito. Katabi nito sa picture ang kambal nito at ang lola ng dalawa. Siyempre, ang picture lang ng sinisinta niya ang idinikit niya sa kwarto. Ilang taon nang hindi napupunta ang kambal sa kanila. Hindi naman sa may pakialam siya sa kambal nito pero napapansin niya lang na laging ang lola lang ng mga ito ang dumadayo sa kanila para
Read more

KABANATA 5

Wala na nga siyang nagawa kundi hintaying matapos ang concert. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay nagugustuhan pa rin naman niya ang pananatili roon habang nakikinig sa boses ng kambal ni Clyde.  Ang huling kanta nito ay dini-dedicate raw nito sa isang babae pero wala itong sinabing pangalan. Hindi iyon katulad ng mga naunang kanta nito na upbeat. Tumahimik ang lahat ng kantahin nito iyon. Wala ni isa mang nag-ingay. I don't know What you're doing to me Your sweet smile is what I'd like to see Be with me, g
Read more

KABANATA 6

Nagtapos din siya sa kursong Education sa wakas. Gusto ng lola niyang mag-review siya para maging ganap na teacher pero wala talaga siyang planong magturo. Gusto niyang magtrabaho na agad para makapag-ipon dahil plano pa rin niya talagang pumunta ng Maynila para mapalapit kay Clyde. Hindi pa rin siya sumusuko sa pangarap niya noon na maging Mrs. del Espania kahit hindi na niya nakita pang muli ang lalaki.Madalang na ring pumupunta ang lola ng kambal sa kanila dahil nagiging mas busy na ito sa mas lalong lumalagong modeling agency nito na tinatawag na Dynasty Agency.Lagi niyang nakikita ito sa TV lalo na si Clyde kaya't di pa rin mamatay-matay ang kanyang nararamdaman para sa binata. Nabalitaan din niya ang pumapayagpag na career ng kambal nitong si Kyle. Hindi siya nakapunta sa concert nito kaya't ibinigay niya ang napanalunang ticket sa kaibigang si Shirley. Hindi niya kasi maiwan ang lola niya nang araw na iyon dahil masama ang pakiramdam nito. Medyo nanghihinayang
Read more

KABANATA 7

Nagtataka man ang ninang niya sa biglaan niyang pag-resign ay pumayag na rin ito lalo na nang sabihin niyang magtatrabaho na siya sa Maynila. Nagulat ito pero naging masaya naman para sa kanya. Kinagabihan ay kinausap niya ang lola niya. Katatapos lang nilang kumain nu'n at kasalakuyan silang nakaupo sa sala para manood ng TV. Hanggang alas singko ng hapon lang kasi ito tumatanggap ng customers." La?" panimula niya."Hmmm?" sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa TV. Ipinapalabas kasi ang paborito nitong telenobela.Lumunok muna siya bago nagsalitang muli." P-pupunta pala ako sa Maynila ngayong Lunes."" Mamamasyal ba kayo ni Shirley doon?" parang walang anumang tanong ng Lola niya habang nakatingin pa rin sa TV.Mga limang oras din ang biyahe pa-Maynila at nagawa na nila ni Shirley dati ang pumunta ng Maynila para lang maglakwatsa at nakitulog lang sila ng isang gabi sa mga kamag-anak ng kaibigan." Mag-aapply po san
Read more

KABANATA 8

Alas tres pa lang ng madaling araw ay gumising na siya para maghanda. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Limang oras pa kasi ang iba-byahe niya papuntang Manila. Ito ang araw na pinananabikan niya. Bumangon na siya at naligo agad. Hindi niya alintana ang malamig na tubig. Pagkaligo ay nagbihis na siya. Ang isinuot niya ay isang blouse na kulay dilaw na may mahahabang manggas. First time niyang magsuot ng skirt na hanggang tuhod lang. Kadalasan nga kasi sa mga damit niya ay hanggang sakong-sakong. Nagsuot pa siya ng itim na stockings kasi parang asiwa siya na nai-expose ang mga binti niya. Hindi talaga siya sanay. Flat shoes na kulay pula naman ang suot niya. Ang buhok niyang hanggang puwet pa rin ang haba at kulot na kulot pa rin ay itinali niya nang pabilog sa taas para hindi kumalat. Nagmumukha iyong isang malaking bola sa ulo niya.Inayos niya ang makapal at malaking salamin sa mata. Matagal na nakipagtitigan pa siya sa repleksiyon sa salamin." Kaya mo ito, Nat
Read more

KABANATA 9

Mabilis na sinundan niya ito habang bitbit ang kape. Nagkandapaso pa ang kamay niya nang may tumilapon na kape dahil sa pagmamadali niya. Bago pa man naisara ang elevator na sinasakyan ng lalaki ay agad na naiharang niya ang sariling katawan sa pinto. " Oops! Sorry about that," agad na pinindot naman ng lalaki ang button sa elevator para di ito tuluyang sumara pero huli na dahil napapagitnaan pa rin siya ng dalawang papasarang pinto. Dali-dali siyang pumasok habang inaayos ang nakasukbit na bag at hawak pa rin ang kape sa isang kamay. " T-thank you," alanganing ngumiti siya rito nang tuluyang makapasok. Silang dalawa lang ang sakay ng elevator kaya't ambilis ng tibok ng pusok niya. " What floor?" tanong nito. " H-huh?" parang tangang tanong din niya. " Saang floor ka ba pupunta?" tanong nito na nakahanda na ang kamay sa buttons para pumindot. Hindi siya agad nakasagot dahil hindi niya rin alam. Nakita niyang may nakapin
Read more

KABANATA 10

Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti niya kahit nang pumasok na siya ng elevator para bumaba. Inubos niya ang laman ng paper cup at pinaghahalikan pa iyon. Wala siyang balak itapon ang baso sa basurahan. Dumaan kaya roon ang mga labi ni Clyde.Hindi niya alam kung ilang beses niyang hinalik-halikan ang paper cup nang biglang bumukas ang pinto ng elevator, nasa ground floor na siya. Sa pagbukas ng pinto nu'n ay tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng lalaki habang nakatingin sa ginagawa niya. May dalawa pa itong kasama na napatitig din sa kanya. Sakto kasing hinahalikan pa niya ang baso nang bumukas ang pinto ng elevator. Mabilis na inalis niya sa mga labi ang paper cup.Shit! Nakita pa talaga siya ni Clyde na parang lukaret!Wait! Di ba't nasa taas si Clyde? Paano'ng napunta ito sa ground floor? Bumaba ba ito kanina? Saka bakit nakaputing coat ito? Di ba, itim iyong suot nito kanina?Nagtatakang napatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Hi
Read more
DMCA.com Protection Status