Share

KABANATA 2

Author: Jewiljen
last update Last Updated: 2021-05-29 23:29:38

Mabilis na umalis siya nang akmang titingin na si Clyde, ang iniirog niya. Nahihiya kasi siyang makita nito uli ang nakakasukang mukha niya. Pumunta siya sa likod ng bahay. Dumiretso na agad siya sa banyo para makaligo uli. Mabilis lang ang pagligo niya. Siniguro niyang naalis na ang ebak ng kalabaw sa mukha niya pati na ang amoy nito. Ibinabad naman niya sa tubig na may maraming sabon ang panyo ng crush niya. Nakangiti pa siya habang inilalagay iyon sa maliit na planggana. Mamaya na niya iyon babalikan at papaliguan niya rin iyon ng fabric conditioner.

Lumabas na siya ng banyo nang matapos. Nakabestida pa rin siya nang hanggang sakong-sakong niya. Hindi na muna niya sinuklayan ang mahabang kulot na kulot na buhok dahil mauubos ang oras niya.

Pumunta siya sa kwarto kung saan tumatanggap ng customers ang lola niya. Maingat na binuksan niya ang pinto. Sumilip siya roon. Pagagalitan kasi siya nito kapag pumapasok siya doon habang may customer ito. Nakita niya ang nakatalikod na matanda na kasama ng mga kambal kanina sa kotse.

" Ano ba ang mga dapat kong gawin para magtuluy-tuloy ang pag-unlad ng mga negosyo at kompanya ko?" narinig niyang tanong nito sa lola niya.

As usual, nasa harap ng matanda ang maliit na bolang krystal ito at mga baraha. Matagal na tinititigan nito ang bolang iyon bago sumagot.

" Huwag kang mag-alala. Nakikita kong walang magiging problema ang kompanya mo at mga negosyo. Siguraduhin mo lang na maglagay ka lagi ng mga prutas sa altar mo gabi-gabi. Punuin mo rin ang bahay mo ng mga kulay ginto na mga mwebles, kurtina, kahit na ano. Basta ba iyong kulay na iyon ang laging sasalubong sa mga mata mo kapag papasok ka sa bahay mo," sagot ng lola niya rito.

" Maraming salamat. Gagawin ko ang lahat ng sinasabi mo. Nirekomenda ka kasi sa akin ng kumare ko. Sabi niya ay nagkakatotoo raw ang lahat ng mga hula at payo mo sa kanya. Babalik ako rito buwan-buwan. Naway makatulong nang malaki itong ibibigay ko sa iyo," masayang sabi nito at nakita niyang may inabot itong makapal na sobre sa lola niya.

Ngumiti lang nang tipid ang lola niya at itinabi na muna ang sobre.

" Aalis na ako at mahaba pa ang byahe namin. Ito ang calling card ko. I-text mo sa number ko ang contact information mo para matatawagan kita lagi kapag kailangan ko ang serbisyo mo," tumayo na ito at inabot ang maliit na card sa lola niya.

Kinuha naman iyon nang tahimik ng matanda at tumayo na rin. Agad na isinara niya ang pinto at umalis na roon bago pa siya makita ng mga ito. Naisipan niyang lumabas din agad para makita pa muna si Clyde bago pa umalis ang mga ito.

Sabay pang napalingon ang kambal sa kanya nang lumabas siya ng pinto. Nakita niyang napatitig sa mukha niya ang dalawa saka biglang bumunghalit ng tawa ang kinaiinisan niya sa kambal.

" Nakaligo ka na pala pero mukhang hindi uso ang suklay dito sa inyo. Wow! Ang haba pa ng buhok mo. Here, sa iyo na lang," tinitigan pa nito buhok niyang sabog-sabog sa mukha niya na hanggang puwet niya ang haba. Inabot din nito ang isang suklay na dinukot nito sa bulsa nito.

Napamulagat siya. Nakalimutan niyang hindi pala siya nagsuklay. Mukha pa naman siyang bruha kapag hindi nakatali ang buhok niya. Nakalapit na ito sa kanya habang nakangisi pa rin at inabot ang suklay. Awtomatikong inirapan niya ang binatilyo at hindi kinuha ang suklay sa kamay nito.

Bumukas na uli ang pinto at lumabas ang lola niya at lola ng kambal na nag-uusap pa rin. Napalingon siya at umalis sa bukana ng pinto. Biglang kinuha ng binatilyo ang kamay niya at inilagay ang suklay sa palad niya. Napatingin siya sa kamay niya at ibabalik niya sana iyon dito with matching irap uli pero nakalayo na ito sa kanya.

" Aalis na kami. Salamat uli," sabi ng lola ng mga ito sa lola niya.

Tumango at ngumiti lang din ang lola niya. Agad na tinawag ng customer nito ang kambal para umalis na. Tiningnan niya uli ang bagong crush niya at nakalimutan na nang tuluyan ang suklay na hawak. Hindi siya nito tinatapunan ng tingin. Bigla namang humarang ang nakakainis na mukha ng kambal nito kaya't hindi na niya makita si Clyde. Malaki ang ngiti ng isa na nakatingin sa kanya.

" Don't worry, I will make sure my twin will remember you always dahil ipapaalala kita sa kanya everyday," parang nang-aasar na sabi nito.

Inis na inirapan niya ito saka inumangan ng kamao. Tumawa ito nang malakas bago tuluyang tumalikod. Kandahaba naman ang leeg niya para lang makita si Clyde bago ito pumasok ng kotse.

Nawala ang inis sa mukha niya nang matitigan uli ang mukha nitong nakatagilid habang papasakay na ng kotse. Parehong sinusundan nila ng tingin ng lola niya ang papalayong sasakyan. Naramdaman na lang niya nang akbayan siya ng lola niya.

" La, I think I'm in love na po!" parang nangangarap na sabi niya.

Bigla siyang napasigaw nang maramdaman ang kurot nito sa tagiliran niya.

" Aray!" napahawak pa siya sa tagiliran niya nang lumayo bahagya sa matanda.

" Umayos ka at ang bata-bata mo pa. Kapag nakatapos ka na ng pag-aaral saka mo ako sabihan niyan at susuportahan kita para mapasaiyo ang lalaking gusto mo," hindi nakangiting sabi nito.

Kahit nararamdaman pa rin niya ang sakit sa tagiliran ay napangiti siya sa narinig.

" Talaga, La? Oh my God! Sure na sure na akong magiging Mrs. Del Espania sa future! Salamat, La. Pangako ko na magtatapos talaga ako ng pag-aaral ko po," napayakap pa siya sa matanda na parang OA na mapapaiyak.

" Heh! Tumigil ka nga! Alam mo namang gawa-gawa ko lang ang mga pinagsasabi ko sa customers ko. Ang ibig kong sabihin du'n,eh, kung kailangang pikutin mo ang lalaki na gusto mo, susuportahan kita at tutulungang mag-isip kung paano gawin iyon," tinampal pa nito nang mahina ang braso niya.

Napaingos pa siya habang hinihigpitan ang yakap sa matanda. Naniniwala siya sa kakayahan ng lola niya dahil sa loob-loob niya ay magagawa talaga niyang gayumahin kahit sino sa tulong ng mga ritwal at orasyon ng matanda. Ilang beses na niyang nasaksihan ang mga babaeng bumabalik sa kanila at kasama na ang mga asawang ginayuma lang ng mga ito. Alam niyang may isang libro ang lola niya para sa gayuma lang. Nakangiting pumikit pa siya habang ini-imagine ang mukha ng lalaking minimithi.

Bigla namang sumingit sa utak niya ang nang-aasar na mukha ng kambal nito. Napabitiw siya sa pagyakap sa abuwela at agad na pumiksi at tinampal-tampal ang gilid ng ulo para alisin sa isip ang lalaking kinaiinisan.

Nagtatakang napatingin ang matanda sa kanya kaya't tumigil na rin siya at ngumiti pa rito.

" Ahm, may bigla lang po akong naisip na asungot," sabi na lang niya.

Related chapters

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 3

    Magmula nu'n ay lagi na niyang inaabangan ang pagbisita uli ng lola ng kambal at umaasang kasama nito ang isa sa kambal at iyon ay walang iba kundi si Clyde. Halos hindi na nga siya pumupunta sa bayan tuwing Sabado at Linggo. Lagi ay nasa veranda siya nakaupo nang halos buong araw. Sa tuwina naman ay lagi siyang bigo dahil hindi na muling napadpad sa bahay nila ang mga ito. Mahigit isang buwan na mula nang makita niya ang binatilyo. Sabado uli nu'n. Inutusan siyang pumunta sa bayan para bumili ng mga kakailanganin nila ng lola niya. Matamlay na sumunod siya sa utos ng matanda. Kapag weekends kasi ay lagi niyang naaalala ang lalaki. Gusto niya kasing umasa na makikita niya itong muli. Maaga siyang pumunta ng bayan dahil mahaba-haba ang listahang binigay ng lola niya. Mabuti na lang at may malaking basket ang harapan ng bisikleta niya p

    Last Updated : 2021-05-29
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 4

    Third year College na siya sa kursong Education. Hindi naman talaga iyon ang pinapangarap niyang kurso pero limitado lang ang mga kursong ino-offer sa paaralan sa bayan. Gustuhin man niyang sa Maynila sana magkolehiyo ay wala naman siyang maipantustos sa pag-aaral niya roon.Nakahiga siya kama niya at nakatitig sa nag-iisang larawan ni Clyde na nakadikit sa dingding niya. Nakita niya kasi ang larawang iyon sa isang magazine nang mapunta siya ng bayan kaya't bumili siya kaagad at ginunting ang mukha nito. Katabi nito sa picture ang kambal nito at ang lola ng dalawa. Siyempre, ang picture lang ng sinisinta niya ang idinikit niya sa kwarto.Ilang taon nang hindi napupunta ang kambal sa kanila. Hindi naman sa may pakialam siya sa kambal nito pero napapansin niya lang na laging ang lola lang ng mga ito ang dumadayo sa kanila para

    Last Updated : 2021-05-29
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 5

    Wala na nga siyang nagawa kundi hintaying matapos ang concert. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay nagugustuhan pa rin naman niya ang pananatili roon habang nakikinig sa boses ng kambal ni Clyde. Ang huling kanta nito ay dini-dedicate raw nito sa isang babae pero wala itong sinabing pangalan. Hindi iyon katulad ng mga naunang kanta nito na upbeat. Tumahimik ang lahat ng kantahin nito iyon. Wala ni isa mang nag-ingay. I don't know What you're doing to me Your sweet smile is what I'd like to see Be with me, g

    Last Updated : 2021-05-29
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 6

    Nagtapos din siya sa kursong Education sa wakas. Gusto ng lola niyang mag-review siya para maging ganap na teacher pero wala talaga siyang planong magturo. Gusto niyang magtrabaho na agad para makapag-ipon dahil plano pa rin niya talagang pumunta ng Maynila para mapalapit kay Clyde. Hindi pa rin siya sumusuko sa pangarap niya noon na maging Mrs. del Espania kahit hindi na niya nakita pang muli ang lalaki.Madalang na ring pumupunta ang lola ng kambal sa kanila dahil nagiging mas busy na ito sa mas lalong lumalagong modeling agency nito na tinatawag na Dynasty Agency.Lagi niyang nakikita ito sa TV lalo na si Clyde kaya't di pa rin mamatay-matay ang kanyang nararamdaman para sa binata. Nabalitaan din niya ang pumapayagpag na career ng kambal nitong si Kyle. Hindi siya nakapunta sa concert nito kaya't ibinigay niya ang napanalunang ticket sa kaibigang si Shirley. Hindi niya kasi maiwan ang lola niya nang araw na iyon dahil masama ang pakiramdam nito. Medyo nanghihinayang

    Last Updated : 2021-07-08
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 7

    Nagtataka man ang ninang niya sa biglaan niyang pag-resign ay pumayag na rin ito lalo na nang sabihin niyang magtatrabaho na siya sa Maynila. Nagulat ito pero naging masaya naman para sa kanya.Kinagabihan ay kinausap niya ang lola niya. Katatapos lang nilang kumain nu'n at kasalakuyan silang nakaupo sa sala para manood ng TV. Hanggang alas singko ng hapon lang kasi ito tumatanggap ng customers." La?" panimula niya."Hmmm?" sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa TV. Ipinapalabas kasi ang paborito nitong telenobela.Lumunok muna siya bago nagsalitang muli." P-pupunta pala ako sa Maynila ngayong Lunes."" Mamamasyal ba kayo ni Shirley doon?" parang walang anumang tanong ng Lola niya habang nakatingin pa rin sa TV.Mga limang oras din ang biyahe pa-Maynila at nagawa na nila ni Shirley dati ang pumunta ng Maynila para lang maglakwatsa at nakitulog lang sila ng isang gabi sa mga kamag-anak ng kaibigan." Mag-aapply po san

    Last Updated : 2021-07-08
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 8

    Alas tres pa lang ng madaling araw ay gumising na siya para maghanda. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Limang oras pa kasi ang iba-byahe niya papuntang Manila. Ito ang araw na pinananabikan niya. Bumangon na siya at naligo agad. Hindi niya alintana ang malamig na tubig. Pagkaligo ay nagbihis na siya. Ang isinuot niya ay isang blouse na kulay dilaw na may mahahabang manggas. First time niyang magsuot ng skirt na hanggang tuhod lang. Kadalasan nga kasi sa mga damit niya ay hanggang sakong-sakong. Nagsuot pa siya ng itim na stockings kasi parang asiwa siya na nai-expose ang mga binti niya. Hindi talaga siya sanay. Flat shoes na kulay pula naman ang suot niya. Ang buhok niyang hanggang puwet pa rin ang haba at kulot na kulot pa rin ay itinali niya nang pabilog sa taas para hindi kumalat. Nagmumukha iyong isang malaking bola sa ulo niya.Inayos niya ang makapal at malaking salamin sa mata. Matagal na nakipagtitigan pa siya sa repleksiyon sa salamin." Kaya mo ito, Nat

    Last Updated : 2021-07-08
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 9

    Mabilis na sinundan niya ito habang bitbit ang kape. Nagkandapaso pa ang kamay niya nang may tumilapon na kape dahil sa pagmamadali niya. Bago pa man naisara ang elevator na sinasakyan ng lalaki ay agad na naiharang niya ang sariling katawan sa pinto. " Oops! Sorry about that," agad na pinindot naman ng lalaki ang button sa elevator para di ito tuluyang sumara pero huli na dahil napapagitnaan pa rin siya ng dalawang papasarang pinto. Dali-dali siyang pumasok habang inaayos ang nakasukbit na bag at hawak pa rin ang kape sa isang kamay. " T-thank you," alanganing ngumiti siya rito nang tuluyang makapasok. Silang dalawa lang ang sakay ng elevator kaya't ambilis ng tibok ng pusok niya. " What floor?" tanong nito. " H-huh?" parang tangang tanong din niya. " Saang floor ka ba pupunta?" tanong nito na nakahanda na ang kamay sa buttons para pumindot. Hindi siya agad nakasagot dahil hindi niya rin alam. Nakita niyang may nakapin

    Last Updated : 2021-07-09
  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 10

    Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti niya kahit nang pumasok na siya ng elevator para bumaba. Inubos niya ang laman ng paper cup at pinaghahalikan pa iyon. Wala siyang balak itapon ang baso sa basurahan. Dumaan kaya roon ang mga labi ni Clyde.Hindi niya alam kung ilang beses niyang hinalik-halikan ang paper cup nang biglang bumukas ang pinto ng elevator, nasa ground floor na siya. Sa pagbukas ng pinto nu'n ay tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng lalaki habang nakatingin sa ginagawa niya. May dalawa pa itong kasama na napatitig din sa kanya. Sakto kasing hinahalikan pa niya ang baso nang bumukas ang pinto ng elevator. Mabilis na inalis niya sa mga labi ang paper cup.Shit! Nakita pa talaga siya ni Clyde na parang lukaret!Wait!Di ba't nasa taas si Clyde? Paano'ng napunta ito sa ground floor? Bumaba ba ito kanina? Saka bakit nakaputing coat ito? Di ba, itim iyong suot nito kanina?Nagtatakang napatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Hi

    Last Updated : 2021-07-09

Latest chapter

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   SPECIAL CHAPTER: KYLE'S POV

    HOW IT STARTED Isinandal niya sa dingding sa isang sulok si Tash. Natatawa siya habang nagtataka kung paano'ng dumikit ang isang kamay nito sa bibig. Hindi niya lubos maisip kung bakit dumikit nang ganu'n ang kamay ng babae. Gaano ba kadaming glue ang nasa palad nito? Maingat na pinahid niya ang panyong may oil sa bibig nito habang dahan-dahan ding inalis ang kamay ng babae. Pinahiran niya ang mga labi nito. Napatitig siya nang matagal sa hugis-pusong lips ng babae. Mamula-mula iyon kahit walang bahid ng lipstick. Parang malambot at masarap halikan... Damn you, Kyle. Pati ba naman ang inosenteng assistant ni Zara ay hindi makakawala sa'yo? Para maali

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   FINALE

    Hindi niya akalain na ang araw ng launching ng designs niya para sa wedding fashion show ay siyang magiging pinakamemorableng araw sa buhay nila ni Kyle. Natuloy nga ang event na iyon. Suot niya ang wedding gown na gawa niya mismo at isinuot ng mga napili nila ni Kyle ang mga damit para sa buong wedding entourage. Imbes na pictorial at fashion show lang iyon ng wedding ay naging totoong kasalan na nga ang nangyari. Naglalakad siya sa aisle at hinahatid siya ng Mama niya at ng lola niya habang papalapit sa altar kung saan naghihintay ang hindi mapakaling si Kyle. Kanina pa gustong-gustong umagos ng mga luha niya lalo't parehong umiiyak na ang Mama at lola niya sa tabi niya. Gwapong-gwapo ang lalaki habang hinihintay siya sa altar at katabi nito si Clyde. Ngumiti si Kyle nang ganap na siyang makalapit. Nagmano ito sa lola niya saka niyakap ang matanda. Niyakap na rin nito ang ina niya at parang may sinabi sa dalawa. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya.

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 119

    Nagising siya nang parang may instrumental na tumutugtog. Paungol na iniunat pa niya ang mga braso pero napangiwi nang sumakit iyon. Biglang dumilat ang mga mata niya nang maalala kung bakit sumakit iyon nang ganu'n. Idinagan pala ni Kyle sa kanya ang buong katawan nito nang padapa itong nahiga sa ibabaw niya. Ibabaw niya! Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala nang ganap ang nangyari sa kanila. Dama pa niya ang parang pagtibok-tibok sa loob ng ari niya. Medyo naging marahas kasi ang ginawang pag-ulos ni Kyle kanina kaya't parang pati sa loob niya ay nabugbog. Nag-init agad ang pisngi niya nang maalala kung gaano kapusok din niyang nilabanan ang bawat diin nito sa kanya. Hindi ba't pinulikat ito pero bakit kung makaulos ito ay parang hindi naman? Biglang nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Sinadya ba iyon ni Kyle para mapapunta siya sa kwarto nito? Hindi niya alam kung ano ang dapat maramda

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 118

    Linggo. Si Kyle, ang mga bata at isang yaya lang ang kasama niyang papunta ng resort. Inimbitahan niya ang Mama at lola niya pero ang sabi ay hahayaan muna silang mag-bonding ng sila lang para sa mga anak nila ni Kyle. Umaga pa lang ay bumiyahe na sila. Pagdating doon ay agad na nagtampisaw ang mga anak sa dagat. Sinamahan niya ito dahil mas panatag ang loob niya na andu'n siya at nagbabantay sa mga ito kahit na may yaya namang palaging nakasunod sa mga bata. Si Kyle ay nagpahanda muna ng makakain nila sa mga staff ng resort. Tingin niya ay inarkilahan nito ang buong resort exclusively dahil wala siyang nakikitang ibang tao. Bago magtanghali ay kumain sila sa cottage. Lima lang sila pero parang isang baryo ang kakain sa dami ng mga pagkain sa mesa. Tinawag na rin ni Kyle ang staff ng resort para makisalo sa kanila. Katatapos lang kumain ng mga anak nila ay nag-aya na agad ang mga ito sa dagat. Mabuti na lang at hindi gaanong mainit ang sikat n

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 117

    Umaga pa lang ay busy na ang ina sa paghahanda para sa dinner nila kasama ng pamilya ni Kyle mamaya. Tinulungan ito ng lola niya kahit ano'ng pigil nila sa matanda. Kahit may mga kasambahay naman ang Mama niya ay mas gusto nitong gawin ang halos lahat ng gawain para sa naka-schedule na dinner. Tinutulungan niya rin ang ina dahil parang ayaw nitong tumigil sa kakakilos. Ganu'n siguro ang Mama niya kung sakaling may mamamanhikan nga sa kanya.Hindi niya kasi maiwsang isipin na parang ganu'n ang dating dahil dadalhin ni Kyle ang pamilya nito sa kanila para makausap ang pamilya niya. Hindi naman siguro masama kung mag-ambisyon siya nang ganu'n kahit sa gabi lang na iyon. Ang mga anak niya ay hiniram ni Kyle para huwag makaabala sa kanila. Nag-alok din ito ng tulong pero magalang na tinanggihan ng ina niya. Nang sa wakas ay nakatapos na rin sila ay nagpahinga muna sila saglit para makapaghanda na rin ng sarili nila maya-maya. Dumating ang pamilya ni Kyl

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 116

    Mataman nilang kinausap kagabi ang magkapatid. Mas lamang ang pakikipag-usap ni Kyle sa mga ito habang paulit-ulit na humingi ng sorry dahil hindi nito nasubaybayan ang paglaki ng mga anak. Ang lalaki rin ang nagpaliwanang kung bakit wala ito sa tabi ng mga anak nu'ng mga panahong iyon. Ipinagpasalamat niya sa lalaki na hindi nito pinapalabas na kasalanan niya ang lahat. Hindi kababakasan nang anumang hinanakit ang kambal. Ang tanging nakikita nila ay ang kasiyahang nararamdaman ng mga ito na sa wakas ay may matatawag na rin silang daddy. ------------------------ Huminga siya nang malalim habang napatingala sa malaking bahay ni Mrs. del Espania. Hawak niya sa isang kamay si Piper habang karga naman ni Kyle si Mackenzie. Hindi pa raw ipinaalam ni Kyle sa lola nito ang tungkol sa mga anak nila pati na kay Clyde. Ang alam lang ng mga ito ay may espesyal na panauhin sila. Inilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. Bumalik ang lahat ng alaala niya

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 115

    Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle. Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. "Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon. Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya. "You know why," ang maikling sagot niya. Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 114

    Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng bahay niya. Umuwi siya agad kinahapunan sa pagbabakasakaling ihahatid agad ng Mama niya ang anak. Hindi siya mapakali sa kaalamang kasama ni Kyle ang bata lalo't parang naghihinala na ito.Natatakot naman siyang tawagan ang ina dahil baka si Kyle ang makausap niya dahil kasama ng mga ito ang lalaki. Kapag napapagod siya sa paroo't-paritong paglalakad ay umuupo siya sa sofa pero tumatayo rin agad.Malapit nang dumilim at wala pa rin ang Mama niya at ang anak. Tatawagan na niya sana ito nang makatanggap ng text galing sa ina.IHAHATID NA DIYAN SI MAC.Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Siguro ay ipapahatid na lang ng Mama niya ang apo dahil sa pagod nito. Medyo malayo-layo pa naman ang bahay niya sa bahay nito. Wala itong binanggit na kung ano man tungkol kay Kyle. Natatakot din naman siyang magtanong. Nag-reply lang siya ng pasasalamat dito. Hindi na niya hinabaan ang sagot dahil hindi pa siya ha

  • GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)   KABANATA 113

    Hindi na niya maalala kung paano niya sinagot ang mga katanungan ni Kyle nang malaman nitong dalawa na ang anak niya. Ang sinigurado lang niya ay huwag nitong malamang kambal si Mackenzie at Piper. Inaya na niyang umuwi ang anak pagkatapos ng ilang minuto dahil baka mapagtagni-tagni na ni Kyle ang mga impormasyon. Mabuti na lang at hind na ito nagpumilit na maihatid sila sa bahay niya dahil dala niya naman ang sasakyan niya. Pinuntahan siya ng ina kinagabihan. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya ngayong nakita na ni Kyle ang isa sa kambal nila. Sinabi niyang magulo pa ang utak niya. Hinayaan siya nito na magdesisyon nang hindi nagmamadali. Ang tanging alam niya nang mga panahong iyon ay ayaw niyang malaman ni Kyle ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Desidido pa rin kasi siyang bumalik sila ng London at mas mabuting hindi na niya ipapakilala ang mga anak kay Kyle. Ayaw niyang masaktan ang mga anak kapag bumalik na sila ng London. Magmula nang m

DMCA.com Protection Status