Nagtapos din siya sa kursong Education sa wakas. Gusto ng lola niyang mag-review siya para maging ganap na teacher pero wala talaga siyang planong magturo. Gusto niyang magtrabaho na agad para makapag-ipon dahil plano pa rin niya talagang pumunta ng Maynila para mapalapit kay Clyde. Hindi pa rin siya sumusuko sa pangarap niya noon na maging Mrs. del Espania kahit hindi na niya nakita pang muli ang lalaki.
Madalang na ring pumupunta ang lola ng kambal sa kanila dahil nagiging mas busy na ito sa mas lalong lumalagong modeling agency nito na tinatawag na Dynasty Agency.
Lagi niyang nakikita ito sa TV lalo na si Clyde kaya't di pa rin mamatay-matay ang kanyang nararamdaman para sa binata. Nabalitaan din niya ang pumapayagpag na career ng kambal nitong si Kyle. Hindi siya nakapunta sa concert nito kaya't ibinigay niya ang napanalunang ticket sa kaibigang si Shirley. Hindi niya kasi maiwan ang lola niya nang araw na iyon dahil masama ang pakiramdam nito. Medyo nanghihinayang
Nagtataka man ang ninang niya sa biglaan niyang pag-resign ay pumayag na rin ito lalo na nang sabihin niyang magtatrabaho na siya sa Maynila. Nagulat ito pero naging masaya naman para sa kanya.Kinagabihan ay kinausap niya ang lola niya. Katatapos lang nilang kumain nu'n at kasalakuyan silang nakaupo sa sala para manood ng TV. Hanggang alas singko ng hapon lang kasi ito tumatanggap ng customers." La?" panimula niya."Hmmm?" sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa TV. Ipinapalabas kasi ang paborito nitong telenobela.Lumunok muna siya bago nagsalitang muli." P-pupunta pala ako sa Maynila ngayong Lunes."" Mamamasyal ba kayo ni Shirley doon?" parang walang anumang tanong ng Lola niya habang nakatingin pa rin sa TV.Mga limang oras din ang biyahe pa-Maynila at nagawa na nila ni Shirley dati ang pumunta ng Maynila para lang maglakwatsa at nakitulog lang sila ng isang gabi sa mga kamag-anak ng kaibigan." Mag-aapply po san
Alas tres pa lang ng madaling araw ay gumising na siya para maghanda. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Limang oras pa kasi ang iba-byahe niya papuntang Manila. Ito ang araw na pinananabikan niya. Bumangon na siya at naligo agad. Hindi niya alintana ang malamig na tubig. Pagkaligo ay nagbihis na siya. Ang isinuot niya ay isang blouse na kulay dilaw na may mahahabang manggas. First time niyang magsuot ng skirt na hanggang tuhod lang. Kadalasan nga kasi sa mga damit niya ay hanggang sakong-sakong. Nagsuot pa siya ng itim na stockings kasi parang asiwa siya na nai-expose ang mga binti niya. Hindi talaga siya sanay. Flat shoes na kulay pula naman ang suot niya. Ang buhok niyang hanggang puwet pa rin ang haba at kulot na kulot pa rin ay itinali niya nang pabilog sa taas para hindi kumalat. Nagmumukha iyong isang malaking bola sa ulo niya.Inayos niya ang makapal at malaking salamin sa mata. Matagal na nakipagtitigan pa siya sa repleksiyon sa salamin." Kaya mo ito, Nat
Mabilis na sinundan niya ito habang bitbit ang kape. Nagkandapaso pa ang kamay niya nang may tumilapon na kape dahil sa pagmamadali niya. Bago pa man naisara ang elevator na sinasakyan ng lalaki ay agad na naiharang niya ang sariling katawan sa pinto. " Oops! Sorry about that," agad na pinindot naman ng lalaki ang button sa elevator para di ito tuluyang sumara pero huli na dahil napapagitnaan pa rin siya ng dalawang papasarang pinto. Dali-dali siyang pumasok habang inaayos ang nakasukbit na bag at hawak pa rin ang kape sa isang kamay. " T-thank you," alanganing ngumiti siya rito nang tuluyang makapasok. Silang dalawa lang ang sakay ng elevator kaya't ambilis ng tibok ng pusok niya. " What floor?" tanong nito. " H-huh?" parang tangang tanong din niya. " Saang floor ka ba pupunta?" tanong nito na nakahanda na ang kamay sa buttons para pumindot. Hindi siya agad nakasagot dahil hindi niya rin alam. Nakita niyang may nakapin
Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti niya kahit nang pumasok na siya ng elevator para bumaba. Inubos niya ang laman ng paper cup at pinaghahalikan pa iyon. Wala siyang balak itapon ang baso sa basurahan. Dumaan kaya roon ang mga labi ni Clyde.Hindi niya alam kung ilang beses niyang hinalik-halikan ang paper cup nang biglang bumukas ang pinto ng elevator, nasa ground floor na siya. Sa pagbukas ng pinto nu'n ay tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng lalaki habang nakatingin sa ginagawa niya. May dalawa pa itong kasama na napatitig din sa kanya. Sakto kasing hinahalikan pa niya ang baso nang bumukas ang pinto ng elevator. Mabilis na inalis niya sa mga labi ang paper cup.Shit! Nakita pa talaga siya ni Clyde na parang lukaret!Wait!Di ba't nasa taas si Clyde? Paano'ng napunta ito sa ground floor? Bumaba ba ito kanina? Saka bakit nakaputing coat ito? Di ba, itim iyong suot nito kanina?Nagtatakang napatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Hi
Nakitulog nga siya kinagabihan sa kamag-anak nila at saka umuwi sa kanila kinabukasan. Masayang ibinalita niya sa lola niya na natanggap siya. Masaya ito pero nag-aalala naman dahil first time niyang mapalayo rito. Malungkot din naman siya na mapapalayo sa matanda pero nilakasan niya na lang ang loob niya. Ibinalita niya na rin kay Shirley na natanggap siya sa kompanya ni Clyde. Masaya rin ang kaibigan para sa kanya.Magsisimula na siya sa Lunes. Mabuti na lang at may nakitang pinarerentahan na kwarto na pwede niyang matuluyan ang Ate Joy niya na anak ng kapatid ng lola niya. Masyado kasing malayo ang bahay ng mga ito sa pagtatrabahuan niya.Nahihirapan pa siyang mamili sa ukay-ukay ng mga damit na pwede niyang suotin sa opisina. Alam niyang hindi na pwede ang mga damit niyang hanggang sakong-sakong ang haba. Hindi siya makakakilos ng maayos nu'n if ganu'n ang susuotin niya habang nagtatrabaho. Sinamahan siyang bumili ng lola niya. Ang gusto nito ay sa isang mall
Isang oras na siyang nakatunganga sa phone niya dahil hindi niya pa rin alam kung saan malalaman ang address ng may-ari ng kompanya. Hindi naman iyon binabanggit sa mga interviews nito siyempre. Kanina pa niya kinakamot ang ulo na lalong ikinagulo lamang ng kulot niyang buhok. Kinuha niya ang phone at nagbabakasakaling makita sa g****e ang address ng lola nina Clyde. Siyempre, as expected wala nga sa g****e. Pumunta siya sa f******k at hinanap ang pangalan nito pero tanging page lang ng kompanya ang resulta at ang tungkol sa kompanya nito. Gusto na talaga niyang tawagan uli ang boss niyang si Zara pero baka makatikim lang siya rito ng sermon. Hindi na niya sinearch si Clyde dahil alam niyang hindi niya talaga ito makikita sa kahit anong social media accounts dahil matagal na niyang sinubukan. Si Kyle kaya? Sinubukan niyang hanapin ang pangalan nito pero wala din. May nakita siyang isang profile na ang pangalan ay Kylaire D.E. Napaisip siya. Hindi kay
Alas kwatro ng madaling araw siya gumising kinabukasan. First day niya sa trabaho kaya't dapat ayusin niya. Suot niya ay polka dots na polo na kulay green saka slacks na kulay pink. Inayos niya ang buhok paikot sa ulo kaya't nagmumukhang may dala na naman siyang malaking bolang krystal. Ang malaking salamin niya ay maayos na niyang naisuot.Uminom lang siya ng kape dahil hindi pa niya feel kumain dahil masyado pang maaga. Bago mag-alas singko ay lumabas na siya ng boarding house. Marami na ring tao sa labas dahil may mga talipapa sa gilid sa unahan. Naglalakad siya habang tinitingnan ang address sa phone. Ayaw na niyang sumakay ng taxi dahil magagastusan na naman siya.Nag-abang siya ng masasakyan sa gilid ng kalsada. Nagtanong-tanong na siya at kailangan lang niyang sumakay ng jeep saka siya bababa sa isang kanto tapos sasakay na naman ng isa pang jeep. Kahit maaga pa ay nakikipag-unahan pa rin siya sa ibang pasahero sa pagsakay.Tama nga ang lola niya. Ang gul
Bigla siyang natigilan nang makarating sa itaas. Binilang niya ang kwartong andu'n. May anim na kwartong malalaki. Saan nga ba iyong sinabi ng mayordoma na dapat niyang puntahan? Patay na talaga. Hindi niya matandaan.Dahan-dahan siyang naglakad sa pasilyo at inaalala ang sinabi ng matandang katulong.Kaliwa ba iyon o kanan?Huminga siya nang malalim. Wala siyang ibang choice kung hindi manghula. Kung ano'ng kwarto siguro ang hindi naka-lock, iyon na iyon!Pumunta siya sa unang kwarto sa kaliwa at dahan-dahang pinihit ang door knob. Hindi iyon bumukas so hindi iyon ang tamang kwarto. Pumunta naman siya sa kanan at ganu'n din ang ginawa. Ayaw din nu'ng bumukas.Huminga uli siya nang malalim at pumunta sa pangatlo na nasa kanan. Naka-lock din iyon.Naku naman! Bakit kasi hindi niya tinandaan iyong sinabi ng babae.Patiyad siyang naglalakad dahil baka natutulog pa si Mrs. del Espania at magising pa niya ito nang wala sa oras. Nasa harap