Share

KABANATA 5

Wala na nga siyang nagawa kundi hintaying matapos ang concert. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay nagugustuhan pa rin naman niya ang pananatili roon habang nakikinig sa boses ng kambal ni Clyde. 

Ang huling kanta nito ay dini-dedicate raw nito sa isang babae pero wala itong sinabing pangalan. Hindi iyon katulad ng mga naunang kanta nito na upbeat. Tumahimik ang lahat ng kantahin nito iyon. Wala ni isa mang nag-ingay.

I don't know

What you're doing to me

Your sweet smile is what

I'd like to see

Be with me, girl

Be my darling babyyyy...

I wish you will be forever mine.

I know right from the start you are the love of my life.

Napatitig siya sa lalaki habang kumakanta ito. Ito iyong narinig niyang kinakanta nito nang huling beses itong napunta sa kanila. Ito iyong kantang isinulat daw nito. Nakikita niyang parang nagiging malikot ang mga mata nito na parang may hinahanap. Damang-dama niya ang emosyong nakapaloob sa kantang iyon. Parang nalulungkot din siya habang nakikinig. Seryosong-seryoso ang mukha ng lalaki at parang naging malungkot din nang hindi mahagilap ang kung sino mang hinahanap nito.

Pagkatapos ng concert ay mabilis na hinila na niya palabas si Shirley kasi may plano pa raw itong pumunta ng backstage para kumuha ng mga pictures uli. Nakita niyang maraming tao ang umakyat na rin at sa tingin niya ay dudumugin din ng mga ito ang backstage.

Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang makalabas na sila.

" Ang KJ mo naman," nagmamaktol na sabi ni Shirley.

" Hala, andami mo na kayang pictures kanina," sagot niya.

" Eh, ikaw lang naman ang nasa tabi ng crush ko sa mga pictures na iyon, noh! Kainis ka talaga," reklamo pa rin nito.

Hindi na siya sumagot. Tinawagan niya ang lola niya para sabihing kina Shirley na lang siya matutulog dahil gabi na at isa pa bukas pa raw uuwi ang mga magulang ng kaibigan kaya't sasamahan na lang din niya.

Agad namang sinagot ng lola niya ang tawag at pumayag din ito dahil masyadong madilim na rin daw ang daan kung uuwi siya. 

" Iihi muna ako," sabi ni Shirley nang maibaba na niya ang phone. Hindi na siya nito hinintay pang sumagot.

Alam niyang hindi ito iihi. Itutuloy pa rin nito ang planong pagpunta ng backstage kaya't hinayaan niya na lang. Naglalakad-lakad na lang siya sa may puno sa likod ng park habang hinihintay ito. Wala pa ring masyadong mga taong umuuwi dahil sa tingin niya ay nagpaiwan pa ang mga ito sa loob.

Natigilan siya sa paglalakad nang may marinig na mga boses sa di kalayuan.

" I was looking for you kanina pa. Akala ko talaga ay hindi mo na ako susundan dito," boses ni Kyle ang narinig niya.

Nakita nga niya ang lalaki at kaharap nito ang isang magandang-magandang babae. Madilim ang parte na iyon pero aninag pa rin niya ang napakaputing kutis ng babae.

Artista kaya iyon?

" Kyle, I thought I made it clear to you. You know na suportado kita sa lahat ng gusto mong gawin sa buhay but I think kailangan mo nang i-prioritize ang mga bagay na mahalaga," pabuntunghiningang sabi ng babae.

" Mahalaga para sa akin ito, Claire. I have good news too. Matutuloy na ang malaking concert namin. Gustung-gusto ko sanang sabihin iyon sa'yo bago kami bumiyahe rito but you were not answering my calls," hinawakan nito sa balikat ang babae habang sinasabi iyon.

" Kyle, you don't have to do that. Alam kong barya lang ang mga kinikita mo sa mga concerts na iyan. You have your companies na kailangan mong asikasuhin. Bakit hindi ka tumulad kay Clyde..."

" Si Clyde na naman. Why do you always compare us? Alam kong paboritong apo siya ni lola. Pati ba naman ikaw, Claire? Akala ko ikaw lang talaga ang makakaintidi sa akin," binitiwan nito ang babae at may hinanakit ang boses nito nang sabihin iyon.

Hindi niya alam kung bakit nananatili siya sa kinatatayuan niya at patuloy na nakikinig sa dalawa.

" Kyle, I love you and if you love me too, gagawin mo ang nararapat," mahinang sambit ng babae na hinawakan pa ang kamay ng lalaki.

Malungkot na napatingin si Kyle dito.

" Ano ba ang nararapat, Claire? To follow Clyde's footsteps and lose my identity in the process?" 

Inis na binitiwan ng babae ang kamay nito at lumayo na konti.

" Bakit ka ba ganyan? Masyado kang paranoid pagdating sa inyo ng kambal mo. Ikaw ang pilit na inilalayo ang sarili sa pamilya mo. I don't think this will work. I guess this is goodbye, Kyle," malungkot ang boses ng babae. 

Agad na itong tumalikod at pumunta sa isang kotse na nasa tabi. Hindi kumikilos si Kyle at hinayaang umalis ang babae sakay ng kotse nito. Nang aktong lilingon na ito sa gawi niya ay mabilis na tumakbo siya patalikod. Muntik pa silang magkabanggaan ni Shirley.

" Oh, sino'ng humahabol sa'yo?" nagtatakang tanong nito.

" W-wala. Tara na. Nakasingit ka ba naman sa backstage?" tanong niya agad para ibahin ang usapan.

Alanganin itong ngumiti.

" Paano mo nalamang doon ang punta ko?" napakamot pa ito sa ulo.

Umirap siya sa kaibigan.

" Kilalang-kilala kita, Shirley, kaya't hindi ka makapagsisinungaling sa akin," agarang sagot niya na hinawakan na ito sa braso para hilain pauwi.

" Pumunta nga ako doon pero wala naman pala si Kyle," nakasimangot na sabi nito.

Hindi niya na lang sinabi ang nakita at narinig kanina. Hindi na siya umiimik habang nilalakad nila ang daan pauwi sa bahay ng kaibigan. 

Lagi namang nakapagkit sa isip niya ang malungkot na mukha ni Kyle nang tumalikod ang babae kanina. 

Para sa babaeng iyon kaya ang huling kanta nito kanina?

Napatingin siya sa album na hawak. Plano sana niyang ibigay iyon kay Shirley pero nagbago ang isip niya. 

Gusto ko ang mga kanta nila kaya't kahit inis ako sa antipatikong iyon, hindi ko idadamay ang album nila sa inis ko, depensa naman ng isang bahagi ng utak niya.

Bago sila matulog ay pinapasa niya sa phone niya ang mga pictures na kinuha ni Shirley kanina.

Para saan? Tanong na naman ng utak niya. Hindi na niya pinansin ang tanong na iyon. Sinubukan ngang hingin ni Shirley ang mga napanalunan niya pero tumanggi siya at sinabing souvenir niya iyon dahil first time niyang nakapanood ng concert. Pinangakuan niya na lang ito na lilibrehin bukas. Buti na lang at pumayag naman agad ang kaibigan.

Kanina pa nakatulog si Shirley sa tabi niya pero gising pa rin ang diwa niya. Hawak niya ang phone at sini-search niya ang banda ni Kyle. Kokonti lang ang mga pictures na nakita niya dahil last year lang pala nabuo ang banda nito. May nakita siyang picture na katabi nito ang isang babae. Sa tingin niya ay iyon iyong babae na nakausap nito kanina.

Claire Samaniego. Kilala ang angkan ng babae at halata naman sa mukha nito ang karangyaan. Parehong nakangiti sa larawan ang dalawa at kitang-kita sa mga mukha nila ang kasiyahan.

Bakit hindi ito pinigilang umalis kanina ni Kyle? Break na ba talaga sila? Sayang naman. Bagay na bagay pa naman sila. Nanghihinayang na sabi ng utak niya.

Well, buti nga sa kanya. Antipatiko kasi siya kaya siguro hiniwalayan siya ng babae. Napaingos pa siya sa naisip pero alam niyang nalulungkot din siya para sa lalaki. Itinabi na niya ang phone at ipinikit na rin ang mga mata para matulog.

Ayaw na niyang problemahin ang mga iyon. Ang dapat niyang isipin ay si Clyde. Agad na napangiti siya habang niyakap ang malaking unan habang nakapikit pa rin.

Clyde, my labz...

Nakatulog nga siyang may ngiti sa mga labi

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jewiljen
wlang notification kasi kapag may comment kaya nabigla ako nang pag scroll ko ng story parang may nakita akong mukha at name na sheila.hahaha. nagising tuloy ang antok kong diwa. pipikit-pikit na kasi ako nun. haha
goodnovel comment avatar
Sheila Besana Quinacman
ay umasa ang heart ko kla ko p nmn dedicated ang song pra kay tasyang
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status