Mabilis na sinundan niya ito habang bitbit ang kape. Nagkandapaso pa ang kamay niya nang may tumilapon na kape dahil sa pagmamadali niya. Bago pa man naisara ang elevator na sinasakyan ng lalaki ay agad na naiharang niya ang sariling katawan sa pinto.
" Oops! Sorry about that," agad na pinindot naman ng lalaki ang button sa elevator para di ito tuluyang sumara pero huli na dahil napapagitnaan pa rin siya ng dalawang papasarang pinto.
Dali-dali siyang pumasok habang inaayos ang nakasukbit na bag at hawak pa rin ang kape sa isang kamay.
" T-thank you," alanganing ngumiti siya rito nang tuluyang makapasok.
Silang dalawa lang ang sakay ng elevator kaya't ambilis ng tibok ng pusok niya.
" What floor?" tanong nito.
" H-huh?" parang tangang tanong din niya.
" Saang floor ka ba pupunta?" tanong nito na nakahanda na ang kamay sa buttons para pumindot.
Hindi siya agad nakasagot dahil hindi niya rin alam. Nakita niyang may nakapin
Hindi pa rin maalis-alis ang ngiti niya kahit nang pumasok na siya ng elevator para bumaba. Inubos niya ang laman ng paper cup at pinaghahalikan pa iyon. Wala siyang balak itapon ang baso sa basurahan. Dumaan kaya roon ang mga labi ni Clyde.Hindi niya alam kung ilang beses niyang hinalik-halikan ang paper cup nang biglang bumukas ang pinto ng elevator, nasa ground floor na siya. Sa pagbukas ng pinto nu'n ay tumambad sa kanya ang nagtatakang mukha ng lalaki habang nakatingin sa ginagawa niya. May dalawa pa itong kasama na napatitig din sa kanya. Sakto kasing hinahalikan pa niya ang baso nang bumukas ang pinto ng elevator. Mabilis na inalis niya sa mga labi ang paper cup.Shit! Nakita pa talaga siya ni Clyde na parang lukaret!Wait!Di ba't nasa taas si Clyde? Paano'ng napunta ito sa ground floor? Bumaba ba ito kanina? Saka bakit nakaputing coat ito? Di ba, itim iyong suot nito kanina?Nagtatakang napatitig siya sa lalaking nasa harap niya. Hi
Nakitulog nga siya kinagabihan sa kamag-anak nila at saka umuwi sa kanila kinabukasan. Masayang ibinalita niya sa lola niya na natanggap siya. Masaya ito pero nag-aalala naman dahil first time niyang mapalayo rito. Malungkot din naman siya na mapapalayo sa matanda pero nilakasan niya na lang ang loob niya. Ibinalita niya na rin kay Shirley na natanggap siya sa kompanya ni Clyde. Masaya rin ang kaibigan para sa kanya.Magsisimula na siya sa Lunes. Mabuti na lang at may nakitang pinarerentahan na kwarto na pwede niyang matuluyan ang Ate Joy niya na anak ng kapatid ng lola niya. Masyado kasing malayo ang bahay ng mga ito sa pagtatrabahuan niya.Nahihirapan pa siyang mamili sa ukay-ukay ng mga damit na pwede niyang suotin sa opisina. Alam niyang hindi na pwede ang mga damit niyang hanggang sakong-sakong ang haba. Hindi siya makakakilos ng maayos nu'n if ganu'n ang susuotin niya habang nagtatrabaho. Sinamahan siyang bumili ng lola niya. Ang gusto nito ay sa isang mall
Isang oras na siyang nakatunganga sa phone niya dahil hindi niya pa rin alam kung saan malalaman ang address ng may-ari ng kompanya. Hindi naman iyon binabanggit sa mga interviews nito siyempre. Kanina pa niya kinakamot ang ulo na lalong ikinagulo lamang ng kulot niyang buhok. Kinuha niya ang phone at nagbabakasakaling makita sa g****e ang address ng lola nina Clyde. Siyempre, as expected wala nga sa g****e. Pumunta siya sa f******k at hinanap ang pangalan nito pero tanging page lang ng kompanya ang resulta at ang tungkol sa kompanya nito. Gusto na talaga niyang tawagan uli ang boss niyang si Zara pero baka makatikim lang siya rito ng sermon. Hindi na niya sinearch si Clyde dahil alam niyang hindi niya talaga ito makikita sa kahit anong social media accounts dahil matagal na niyang sinubukan. Si Kyle kaya? Sinubukan niyang hanapin ang pangalan nito pero wala din. May nakita siyang isang profile na ang pangalan ay Kylaire D.E. Napaisip siya. Hindi kay
Alas kwatro ng madaling araw siya gumising kinabukasan. First day niya sa trabaho kaya't dapat ayusin niya. Suot niya ay polka dots na polo na kulay green saka slacks na kulay pink. Inayos niya ang buhok paikot sa ulo kaya't nagmumukhang may dala na naman siyang malaking bolang krystal. Ang malaking salamin niya ay maayos na niyang naisuot.Uminom lang siya ng kape dahil hindi pa niya feel kumain dahil masyado pang maaga. Bago mag-alas singko ay lumabas na siya ng boarding house. Marami na ring tao sa labas dahil may mga talipapa sa gilid sa unahan. Naglalakad siya habang tinitingnan ang address sa phone. Ayaw na niyang sumakay ng taxi dahil magagastusan na naman siya.Nag-abang siya ng masasakyan sa gilid ng kalsada. Nagtanong-tanong na siya at kailangan lang niyang sumakay ng jeep saka siya bababa sa isang kanto tapos sasakay na naman ng isa pang jeep. Kahit maaga pa ay nakikipag-unahan pa rin siya sa ibang pasahero sa pagsakay.Tama nga ang lola niya. Ang gul
Bigla siyang natigilan nang makarating sa itaas. Binilang niya ang kwartong andu'n. May anim na kwartong malalaki. Saan nga ba iyong sinabi ng mayordoma na dapat niyang puntahan? Patay na talaga. Hindi niya matandaan.Dahan-dahan siyang naglakad sa pasilyo at inaalala ang sinabi ng matandang katulong.Kaliwa ba iyon o kanan?Huminga siya nang malalim. Wala siyang ibang choice kung hindi manghula. Kung ano'ng kwarto siguro ang hindi naka-lock, iyon na iyon!Pumunta siya sa unang kwarto sa kaliwa at dahan-dahang pinihit ang door knob. Hindi iyon bumukas so hindi iyon ang tamang kwarto. Pumunta naman siya sa kanan at ganu'n din ang ginawa. Ayaw din nu'ng bumukas.Huminga uli siya nang malalim at pumunta sa pangatlo na nasa kanan. Naka-lock din iyon.Naku naman! Bakit kasi hindi niya tinandaan iyong sinabi ng babae.Patiyad siyang naglalakad dahil baka natutulog pa si Mrs. del Espania at magising pa niya ito nang wala sa oras. Nasa harap
Habang nasa biyahe ay panay ang tingin niya sa mukha ni Clyde sa rearview mirror. Alam niyang umiinit ang mukha niya habang pinagmamasdan ang gwapong mukha ng lalaki. Wala sa loob na napapahawi siya ng buhok sa gilid ng tenga niya kahit wala namang buhok na nakakalat doon. Habang ginagawa iyon ay napapangiti rin siya na parang nagpapa-cute.Nagulat pa siya nang biglang humarang sa mukha niya ang nakakunot-noong si Kyle. Nakatingin ito sa kanya na parang takang-taka tapos maya-maya ay andu'n na naman ang nakakalokong ngiti nito." I knew it," mahinang sabi nito na agad umayos na ng upo at napatingin na rin sa kakambal nitong nasa front seat.Sinundan niya ito ng tingin at kitang-kita niya ang mukha nitong parang tuwang-tuwa. Pumormal na rin ang mukha niya at parang napapahiyang itinuon na lang ang pansin sa labas ng bintana ng kotse. Wala siyang naririnig na salita mula sa lalaki hanggang sa makarating sila ng opisina.Agad na lumabas siya dahil ten minute
Pumasok si Clyde sa isang malaking room sa floor na iyon. Sumunod siya rito at inilibot ang tingin sa loob. Nakita niya ang mga kagamitan para sa isang pictorial. May nakita siyang parang malaking payong na sa tingin niya ay ginagamit ng mga photographers para sa mga effects ng ilaw.Wala pang tao sa loob. Nakita niya nang ilagay ni Clyde ang mga damit sa malaking mesa na nasa gilid. Inilagay na rin niya ang mga bitbit. Inunat-unat pa niya ang mga braso nang malagay na ang mga damit." Alright, just wait for Zara here," humarap na si Clyde sa kanya habang sinipat nito ang relong suot." Thanks, Sir," nagpapa-cute pa ang ngiti niya sa lalaki habang inaayos niya ang salamin sa mata.Tumango lang ang lalaki sa kanya saka nagmamadaling dumiretso na ng labas. Muli ay tiningnan niya ang paligid. Katulad ito ng mga nakikita niyang studio sa mga pictorials pero mas malaki lang iyong kwarto. Napatingin siya sa mga damit na nasa mesa. Mabilis na inayos niya a
Walang nagawa si Nicole kundi sumimangot nang sumimangot habang inaayusan niya ito ng buhok. Panay lang ang tingin ni Zara na nakapameywang pa sa harap nila. Hindi man lang nito itinatago ang natatawang reaksiyon nito kay Nicole. Tingin niya ay isa lang ang dahilan ng silent war ng dalawa, walang iba kundi si Kyle!Naman! Ano kaya ang nakikita ng dalawa sa lalaking ito? Oo na, magkamukha sila ni Clyde pero mas lamang pa rin sa tingin niya ang my labz niya. Napatingin uli siya sa gawi ng lalaki na busy sa pag-aayos ng background design para sa photoshoot." Aray!" biglang sigaw ni Nicole na tiningnan siya nang masama." Ay, sorry!" hinging paumanhin niya. HIndi niya kasi namalayan na humihigpit na pala ang ikot niya sa buhok nito na ipinulupot niya sa taas na parang malaking bola gaya nang sa kanya.Sinabi ni Kyle na hindi na raw nito kailangan pang tawagin ang make-up artist nila dahil okay na raw ang mukha ni Nicole. Siya na rin naman daw ang bahal