Walang kaawa-awang pinalayas ng kanyang step-mother si Luna, dahil hindi na sila mapapakinabangan nito. Ang ama niya ay nakaratay sa hospital dahil sa sakit na cancer. Kaya dahil dito biglang lumubog ang negosyo nila at nagkabaon-baon sila sa utang. Lumaki si Luna Marie sa magarbo at maluhong buhay, kaya hindi siya sanay sa biglang pagkalugmok ng kanyang buhay. Ang dating buhay prinsesa ngayon ay nasa lansangan na at hindi alam kung saan hihingi nang tulong. Si Adrian De Vera ay minsan ng nakaranas ng pang-aalipusta mula mismo kay Luna at sa harapan pa ng mga kaibigan nito. Paano kung ang babaeng minsan nang nagpahiya sa kanya ay matagpuan niya sa lansangan at walang mapuntahan. Makakaya niya kayang pabayaan? O, 'di kaya'y kanyang tutulungan. Si Luna ay walang kaalam-alam sa totoong pagkatao ni Adrian. Hihingi man siya ng tawad sa lalaki ngunit huli na ang lahat. Dahil ang lalaking minsan niyang pinagtawanan at kinutya ay malayo pala sa kanyang inakala ang katayuan nito sa buhay. Paano paglapitin nang tadhana ang dalawang nilalang na may madilim na nakaraan. Huli na ba ang lahat para sa dalawa? At paano magbago ang isang katulad ni Luna na lumaki sa masaganang pamilya? Abangan ang kwento ni Adrian at Luna Marie.
view moreNagkatinginan ang mag-inang sina Arianna at Mercedes. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Napalingon si Mercedes sa paligid. Marami ng mga taong dumarating papasok sa restaurant. Kung mag-iiskandalo sila ngayon dito ay mas lalong magagalit si Adrian sa kanyang anak. Nanlalambot ang katawan at ramdam n'ya ang pawisang mga palad. Dahan-dahan nilang sinalubong ang matandang lalaki na matalas ang tingin sa kanilang dalawa. Nanggigil si Mercedes dahil ang akala n'ya ay p*t*y na ang matandang ito. Ngunit matikas pa rin ang tindig nito na nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakangisi. "Hayop ka! Ba't buhay ka pa? Ano na naman bang gusto mo?" galit niyang singhal sa lalaki. "Wala kang kasing sama! Alam kong ikaw ang bumaril sa akin! Magmaang-maangan ka pa? Hindi ko akalain na hindi mo tutuparin ang pangako mo sa akin, Mercedes. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ni Sir! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ang
Nakaupo at nakapatong pa sa tuhod ang baba ni Luna habang nakaharap sa mga manok at pato na pinapakain ng kanyang lolo sa kanilang bakuran. Mamasa-masa pa ang paligid dahil sa magdamag na naman na ulan. Tulog pa ang kanyang anak. Samantalang sila ng kanyang lola ay humihigop ng kapeng barako sa kusina. Bukas ang harapan ng kusina kaya makikita ang kanilang bakuran kung nasaan ang kanyang lolo. Nasanay s'ya sa kape na mano-manong ginawa ng kanyang lolo. Masarap kasi inumin sa umaga masyadong aroma. "Apo, hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" nagtatakang tanong ng Lola Sonia niya. Magkaharap silang nakaupo sa upuang yari sa kahoy habang humihigop ng kape. May pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. Naibaling n'ya sa mga manok ang kanyang tingin bago sumagot dito. "Mag-resign na ako sa hotel, La." diretso niyang sagot sa matanda. Naramdaman niya ang malungkot na tingin ng kanyang lola. "La, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Iiyak ako sige ka. Maaga pa." natatawa na maiiyak niyang sa
Biglang tumigil ang mundo ni Luna. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Pinaglalaruan ba s'ya ni Adrian? Bakit kailangan nitong gawin ang mga bagay na ito? Tahimik na ang kanyang mundo kasama ang anak. Mayroon s'yang maayos na trabaho sa hotel na ito para masuportahan ang kanilang anak. Pero bakit ngayon parang lahat ng ito ay unti-unting magbabago dahil lang sa lalaking ito? Naikuyom ni Luna ang kanyang kamao. Pigil-hininga na tinungga n'ya ang halos kalahating baso ng champagne sa lamesa. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa baso. Kulang nalang ay mabasag n'ya iyon sa galit. Hindi na n'ya pinatapos pa ang speech ni Adrian. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan. Nag-aalala namang susundan sana s'ya ni Hazel ngunit pinigilan n'ya ang kaibigan dahil nais n'yang mapag-isa. Dinala s'ya ng kanyang mga paa sa harap ng malaking landscape sa bandang likod ng hotel. Hindi siya masyadong makita ng mga dumadaan dahil may naka
Halos nagdadalawang-isip na pumasok si Luna kinabukasan. Matamlay ang kanyang pakiramdam dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Maingat s'yang tumayo upang hindi magising ang kanyang munting prinsesa. Kinintalan muna n'ya ito ng halik sa noo bago s'ya tumayo mula sa kama upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Inilagay muna n'ya ang susuotin para sa party mamaya sa isang bag saka mabilis na naggayak. Habang sakay ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep. Hindi n'ya mapigilan ang manalangin na sana ay walang mangyayaring katulad kagabi ngayong araw hanggang sa makauwi s'ya sa kanilang bahay mamayang gabi. Ayaw n'yang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang anak. Lalo na kapag si Adrian ang kanyang kaharap. Hindi pa nga dumating ang oras ng party ay kinakabahan na s'ya. Hindi n'ya maiwasang isipin na baka a-attend mamaya sa party ang lalaki. "Hey! Ready kana ba para sa party mamaya?" untag ni Hazel sa kanya habang abala s'ya sa pagtitipa sa kanyang computer.Nagkibit-balika
Biglang nahipnotismo si Luna nang makitang nakatitig si Adrian sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harapan. Hindi n'ya naramdamang iginiya s'ya nito papunta sa sasakyan nito. Ngunit nahimasmasan s'ya bago paman s'ya nakapasok sa loob ng sasakyan. "T-Teka! Mr. De Vera! Anong ginagawa mo?" nabigla n'yang tanong sa lalaki.Ngunit sa halip na sagutin s'ya nito ay bigla s'yang itinulak papasok sa front seat ng sasakyan. Napangangang sinundan n'ya ng tingin ang lalaki na umupo sa driver seat. Kibit-balikat itong tumingin sa kanya ng makita s'yang nakaawang ang bibig. "I told you earlier right? So... here we are. We need to talk, okay? What do you want for dinner?" sunod-sunod nitong saad habang naglalagay ng seatbelt.Saka na n'ya naalala ang sinabi nito kanina. Ang buong akala n'ya ay nakalimutan na nito iyon ngunit ...maling akala lang pala ang lahat. Anong gagawin n'ya? Magsisigaw s'ya upang makakuha ng atens'yon at nang makatakas s'ya sa lalaking ito? No, no, no ! Mali, mali! B
Nagulat si Luna nang may tumapik sa kanyang balikat. Bigla s'yang napalingon sa kanyang likuran. Nakita niya ang nagtatakang mukha ng kaibigang si Hazel. "Anyare saiyo? Bigla ka nalang natulala riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ha? Eh! Naalala ko lang ang nangyari kagabi." palusot niya rito. Napailing ito. "Girl, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon? I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam na magkakilala kayo ng pinsan ko." bahagyang lumungkot ang mukha ni Hazel nang maalala ang ginawa nito sa kanya. "Haist, mamaya na yang pag-e-emote mo riyan. Sayang ang make-up mo. Mukhang may pinaghandaan ka pa naman." nakangisi niyang sagot sa kaibigan. "Oi girl! Alam mo bang sabi ng mga marites dito na kasamahan natin napakagwapo raw ng bisita natin ngayon. At bukod doon, binata pa raw!" excited nitong balita sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Ano naman ngayon kung gwapo. May mapapala ba siya roon? Hiyaw ng kanyang isipan. Pero bakit iba ata
4 years laterMamasa-masa pa ang kapaligiran dahil sa magdamag na ulan. Parang tinatamad na maligo si Luna sa likuran ng bahay. Kung hindi lang dahil sa trabaho siguro makikita mo pa rin siya sa higaan ng mga oras na iyon. Kasabay ang malamig na ihip ng hangin sa bukid ay ang lamig na galing sa makapal na fogs na bumalot sa paligid. Kaya ang inaantok pa na si Luna ay nakaupo pa rin sa harapan ng lumang poso habang nagtatalo ang isip kung maliligo ba o hindi. Kasalanan talaga ng kanyang kaibigan kung bakit s'ya tinatamad bumangon ngayon. Nag-aalburutong sigaw ng kanyang isipan. "Sus maryosep na batang 'to. Alam mong napakalamig pipilitin mong maligo. Hindi naman siguro matsutsuge ang mga makakasalamuha mo kung wala kang ligo ngayong araw. Maghilamos kalang at maghugas para hindi ka ma-late sa trabaho." nagulat s'ya sa maagang sermon sa kanya ng kanyang lola Sonia. Naabutan kasi siya nitong yakap-yakap ang kanyang dalawang tuhod habang nakatitig sa kawalan. "Lola naman, kumukuha la
"C'mon, Adrian! Huwag kang masyadong paapekto riyan. Akala ko ba walang kayo! Bakit mukhang broken hearted ka!" natatawang biro ni Kyle sa kanya.Tinungga niya ang vodka sa kanyang baso. Dahil sa nangyari ngayong araw humantong siya sa bar at inaya ang kanyang tropa. "Ikaw ba ay naniniwala sa mga larawan?" tanong sa kanya ni Zedric. Napatingin siya rito. Naalala niya ang mga nakitang tagpo sa larawan. Ang paghawak ni Nolan sa kamay ni Luna at magkasabay silang naglakad patungo sa sasakyan ng lalaki. Pakiramdam niya umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. "Of course! Sino ba naman ang hindi maniniwala roon? Malamang magkasama sila ngayon. And they are living happily ever after." napipilitan niyang sagot.Biglang tumawa si Kyle sa tinuran niya. "Yun naman pala eh! Bakit parang sinakloban ka ng langit at lupa riyan. Akala ko ba okay lang sayo na makipag-date siya sa iba." tumatawang sabi ni Kyle sa kanya. Palibhasa playboy kaya walang pakialam sa serious relationship. Hindi pa k
Nagtatakang nilapitan siya ng kanyang mga magulang. Napatingin siya sa kanyang ina nang hawakan nito ang kanyang braso. "What's wrong, son?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Hinarap niya ito. Nakita niya ang labis na pag-aalala sa mga mata nito, ang balak niya sanang sisihin ito sa lahat ay naudlot. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinisil ang pagitan nito. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. "Bad news, mom." matipid niyang sagot. Tinapik siya sa balikat ng kanyang ama. "Are you okay, son? Parang may bumabagabag saiyo." "She left, dad. Maybe, I need to leave now. Baka sakaling maabutan ko pa siya. Bye, mom, dad!" dahan-dahan na siyang humakbang sa direksyon ng short cut na daan mula sa garden patungo sa malaking gate ng kanilang bahay. Naiwan sina Jenny at Dennis na walang imikan sa garden. --Balisa si Josie nang maabutan niya ito sa cubicle nito. Nagpalakad-lakad ito sa harap ng mesa. Agad niyang namataan ang papel sa mesa nito
The students in Dela Paz University, gathering at the expansive lounge at the moment. This is one of the most prestigious schools in the Philippines, located at Zion Avenue, Maharlika, Metro Manila.One of them is Luna and her two friends. Luna is fond of receiving a challenge from her friends. She don't care what other says. The important thing is that, she's capable in doing it. "Sige nga, kung kaya mong gawin 'yan diyan sa lalaking parating na may dalang order natin." Nanghahamong saad ni Beatriz kay Luna. There she goes again, bullying is one of her expertise. Nakaupo sila sa nakahilirang mga mesa't upuan, habang naghihitay ng order nila mula sa isang mamahaling restaurant. "Naku! Huwag mo akong hamunin Beatriz, hindi kita uurongan." tumatawang sagot ni Luna. "Okay, game! Ayusin mo gurl, kailangan yung tumatak sa isipan nilang lahat!" ngumuso ito sa mga estudyanteng nasa paligid nila. "You said, then. I'll do my best, total ga-graduate na tayo ilang buwan nalang." s...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments