Nanatiling nakatitig si Adrian sa monitor ng CCTV sa kanyang computer, habang pinagmamasdan ang bawat galaw ni Luna. Halatang pumayat ito, kahit mukhang haggard ang mukha lumilitaw pa rin ang angking ganda nito. Napakurap si Adrian sa iniisip, nakalimutan mo na ba ang ginawa niya saiyo? Sigaw nang isipan niya, nakarinig siya nang mahinang katok sa pinto at bumungad ang kanyang secretary na si Josie Abad. "Sir Adrian, ready na po ang conference room." Wika nito sa kanya. "Okay, thanks Josie."Habang nasa gitna ng meeting hindi niya magawang makinig sa mga report ng mga managers, dahil ang babaeng 'yon ang laman ng isipan niya. Mula noong nakita niya ito sa park ay nakaramdam siya nang awa rito. Nakita niya itong nakaupo at nakatitig sa mga daliri nito. Nakaramdam siya nang konsensya dahil, inutusan niya ang manager ng restaurant na pahirapan ito. Hindi niya inaasahan na ganito kalala ang kahihinatnan ng dalaga. Natapos na lang ang monthly meeting, ngunit ni isa walang pumasok sa isi
Tiim bagang na napasunod ang kanyang paningin sa lalaki. Hindi siya makapaniwala na nakaharap siya nang ganitong lalaki sa buong buhay niya. Sabagay, sanay kasi siya na laging lalaki ang lumalapit at ibinibigay lahat ng kanyang gusto. Pero ngayon nagbago na ang panahon, siya na ang may kailangan. Kaya mahirap mang gawin kailangan niyang ibaba ang kanyang pride. Humakbang siya palapit dito. Nakaupo ito sa single chair malapit sa glass wall. "I'm sorry sir. Nabigla lang po ako. Hindi ko naman po kasi kasalan ang nangyari kanina. Nasa trabaho po ako pero pilit niyang idinadawit ang personal naming problema." Paliwanag niya sa lalaki na patuloy sa paglagok ng inumin nito. "I don't care about your personal problem. And please, next time be professional in front of our costumers. Hangga't kaya pa nang pasensya mo, pakibagayan mo sila." sagot nito sa kanya.Labag man sa kalooban, dahil hindi siya sanay na inaapakan siya wala siyang choice kundi umayon dito."Okay sir." "You can go
Maaliwalas ang mukha ni Adrian nang pumasok siya sa main building ng De Vera Holdings. Binati siya ng mga nakasalubong na mga empleyado ng kanilang kompanya. Nakasunod si Nikko sa kanya na pinagtitinginan din ng mga empleyado dahil sa kakisigan nito at gwapo na hindi pahuhuli kay Adrian. Wala silang imikan habang nasa elevator. Dalawa lang sila sa loob dahil nahihiyang sumakay ang mga babaeng empleyado na nag-aabang sa elevator. Pagdating nila sa malawak na opisina ni Adrian, mabilis niyang tinanggal ang kanyang suot na dark blue suit bago umupo sa kanyang swivel chair. Abala naman si Nikko sa pagbuklat sa mga hawak nitong files upang basahin ang schedule ni Adrian para sa araw na iyon. Nakatayo ito sa harap ng malapad na glass table ni Adrian. Hind nito napansin ang matalas na mga mata ni Adrian na nakatutok dito. "Huh!" Biglang nagsalita si Adrian na ikinagulat ni Nikko. Napahawak si Nikko sa suot na salamin sa mata nang mapansin ang kakaibang tingin ni Adrian sa kanya. "Is
Marami ang nagulat sa inasta ni Adrian sa harapan ng mga empleyado niya. Dumiretso siya sa kanyang opisina na nasa ikalawang palapag. "What's that?" biglang tanong ni Nikko sa kanya ng makapasok sila sa opisina. Kapag silang dalawa lang no formalities allowed. Pero kapag nasa labas sila iginagalang ni Nikko si Adrian bilang kanyang boss.Umiling si Adrian sa tanong ni Nikko sa kanya. "I don't know! I don't really understand what is happening to me lately Nick." "You're in love with her?" deritsahang tanong ni Nikko sa kanya na ikinagulat niya. "Of course not!" Mabilis niyang sagot, dahil ayaw niyang tanggapin sa sarili niya na tama ang sinabi nito.Napatingin si Nikko sa kanya. "I don't believe you, bro! Sa ginawa mo kanina kahit si Luna ay nagulat. And one more thing, don't be angry. I want to ask you. Why are we here right now? Tambak ang trabaho mo sa opisina, I hope you realize that!" paalala ni Nikko sa kaibigan.Mabilis namang nag-alibi si Adrian."We are here to inspect, kung
Bigla na naging malungkot ang mukha ni Irish. Mayamaya ay tinungga nito ang alak sa baso. Ngunit nagulat si Adrian ng tinitigan siya nito. "I already love someone Adrian. I don't want to lose her."Tumaas ang kanyang kilay. "Her?"Ngumiti si Irish sa kanya. "Silly boy, until when you keep on pretending that you doesn't know anything about me?"Hinawakan niya ang ulo ni Irish. Hindi alam ng kanilang mga magulang na kilala niya ito mula pa noong kabataan nila. Alam niya na lesbian ito, ngunit pilit lang nitong tinatago dahil wala pa itong lakas ng loob na magtapat sa mga magulang nito. Ang ipinagtaka niya kung bakit pilit pa rin silang ipagkasundo ng mga ito.Bago natapos ang gabing iyon. Nagkasundo sila na aminin ni Irish ang totoong pagkatao nito sa mga magulang. Hanggang ngayon pala ay tinatago pa rin nito ang tungkol sa katauhan nito. Nais niya itong tulungan na ipaintindi sa mga magulang nito, dahil alam niya na mahirapan sila na tanggapin ang katotohan.Araw ng lunes, maaga palan
Nakasuot si Irish ng pants at t-shirt nang bumaba ito sa hagdan. "Adrian!" Tuwang-tuwa ito nang makita si Adrian na nakaupo sa sala habang may hawak na cup ng tea. Ngumiti si Ingrid sa nasaksihan. Mayamaya dumating si Zack ang ama ni Irish. Magkasama silang lumapit sa dalawa. "Adrian iho, I'm happy to see you." bati ni Zach kay Adrian.Nagmano naman si Adrian sa ama ni Irish saka sabay-sabay silang umupo sa malawak na sala. College palang si Adrian mula noong huling bumisita siya sa bahay ng pamilya ni Irish. Pagkatapos kasi ng high school, lumipad patungong America ang kaibigan upang doon na mag-aral ng kolehiyo. Siya naman dahil sa pagiging loyal sa kanyang mga kaibigan na sina Zedric, Kyle at Carlo pinili niyang dito nalang sa Pilipinas mag-aral. Ngunit sa kanilang barkada si Kyle ay nag-aral sa UK dahil nais ng ama nito na subukin ang anak, baka sakaling magbago raw ang kanyang kaibigan sa pagiging playboy nito. Kaya ngayong successful na silang lahat halos magkakasama na sila
Nag-aalalang umakyat si Luna sa opisina ng Manager. Kakarating lang niya sa restaurant ngunit pinatawag na kaagad siya sa taas. Hindi mapakali na nagpalakad-lakad siya sa harap nang opisina nito. Wala siyang lakas nang loob dahil sa pag-aalalang patalsikin siya sa trabaho. "Oh, Luna, bakit hindi ka pa pumasok hinihintay ka ni Sir Jason." Puna sa kanya ni Ricky nang mabungaran siya nito sa harapan ng pintuan. "Ahh-ee kakatok na sana ako!" Sagot niya sa kinakabahang tono. "Bakit mukhang kinakabahan ka? Kung wala kang ginawang masama, relax lang hindi ka niya kakainin." Biro nito sa kanya saka tuluyang umalis pabalik sa baba. Naiwan nitong bahagyang nakabukas ang pintuan kaya sumilip muna siya sa loob kung galit ba ang mukha nang kanilang manager. "Pumasok ka na ano pa ang sinisilip-silip mo diyan." Narinig niyang saad ni Jason. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa mesa nito. Bitbit pa niya ang kanyang bag, dahil pagdating niya agad siyang pinaakyat dito. "Sir, I'm sorry for
Dalawang linggo na ang nakaraan mula noong nag-umpisa si Luna namasukan sa kompanya ng kanyang ama. Dahil walang bakante sa ibang department, na-asign siya bilang secretary ng President. Nagtaka siya dahil mula noong inilipat siya rito, hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng Presidente ng kompanya. Kaya ang nangyari hindi siya masyadong abala dahil naging assistant lang siya ng dating secretary ng kanyang ama. Habang nakaupo sa kanyang cubicle, hindi niya mapigilan na magtanong sa kasamang si Lucy. "Lucy, pwede bang magtanong?"Napatingin ito sa kanya. "Yes, ano iyon?" "Ito lang ba ang gagawin ko rito?" Tanong niya rito.Tumaas ang isa nitong kilay. "Siguro, dahil anak ka ng dating may-ari kaya gano'n." "Anong ibig mong sabihin, special treatment gano'n?" Hindi mapigilang bulalas niya. "Maybe, bakit hindi mo tanungin sa HR?" Nahalata ni Luna na iba ang tono ng salita nito.Hindi na siya umimik pa, dahil ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya maghahanap nang gulo lalo n
Nagkatinginan ang mag-inang sina Arianna at Mercedes. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Napalingon si Mercedes sa paligid. Marami ng mga taong dumarating papasok sa restaurant. Kung mag-iiskandalo sila ngayon dito ay mas lalong magagalit si Adrian sa kanyang anak. Nanlalambot ang katawan at ramdam n'ya ang pawisang mga palad. Dahan-dahan nilang sinalubong ang matandang lalaki na matalas ang tingin sa kanilang dalawa. Nanggigil si Mercedes dahil ang akala n'ya ay p*t*y na ang matandang ito. Ngunit matikas pa rin ang tindig nito na nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakangisi. "Hayop ka! Ba't buhay ka pa? Ano na naman bang gusto mo?" galit niyang singhal sa lalaki. "Wala kang kasing sama! Alam kong ikaw ang bumaril sa akin! Magmaang-maangan ka pa? Hindi ko akalain na hindi mo tutuparin ang pangako mo sa akin, Mercedes. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ni Sir! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ang
Nakaupo at nakapatong pa sa tuhod ang baba ni Luna habang nakaharap sa mga manok at pato na pinapakain ng kanyang lolo sa kanilang bakuran. Mamasa-masa pa ang paligid dahil sa magdamag na naman na ulan. Tulog pa ang kanyang anak. Samantalang sila ng kanyang lola ay humihigop ng kapeng barako sa kusina. Bukas ang harapan ng kusina kaya makikita ang kanilang bakuran kung nasaan ang kanyang lolo. Nasanay s'ya sa kape na mano-manong ginawa ng kanyang lolo. Masarap kasi inumin sa umaga masyadong aroma. "Apo, hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" nagtatakang tanong ng Lola Sonia niya. Magkaharap silang nakaupo sa upuang yari sa kahoy habang humihigop ng kape. May pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. Naibaling n'ya sa mga manok ang kanyang tingin bago sumagot dito. "Mag-resign na ako sa hotel, La." diretso niyang sagot sa matanda. Naramdaman niya ang malungkot na tingin ng kanyang lola. "La, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Iiyak ako sige ka. Maaga pa." natatawa na maiiyak niyang sa
Biglang tumigil ang mundo ni Luna. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Pinaglalaruan ba s'ya ni Adrian? Bakit kailangan nitong gawin ang mga bagay na ito? Tahimik na ang kanyang mundo kasama ang anak. Mayroon s'yang maayos na trabaho sa hotel na ito para masuportahan ang kanilang anak. Pero bakit ngayon parang lahat ng ito ay unti-unting magbabago dahil lang sa lalaking ito? Naikuyom ni Luna ang kanyang kamao. Pigil-hininga na tinungga n'ya ang halos kalahating baso ng champagne sa lamesa. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa baso. Kulang nalang ay mabasag n'ya iyon sa galit. Hindi na n'ya pinatapos pa ang speech ni Adrian. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan. Nag-aalala namang susundan sana s'ya ni Hazel ngunit pinigilan n'ya ang kaibigan dahil nais n'yang mapag-isa. Dinala s'ya ng kanyang mga paa sa harap ng malaking landscape sa bandang likod ng hotel. Hindi siya masyadong makita ng mga dumadaan dahil may naka
Halos nagdadalawang-isip na pumasok si Luna kinabukasan. Matamlay ang kanyang pakiramdam dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Maingat s'yang tumayo upang hindi magising ang kanyang munting prinsesa. Kinintalan muna n'ya ito ng halik sa noo bago s'ya tumayo mula sa kama upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Inilagay muna n'ya ang susuotin para sa party mamaya sa isang bag saka mabilis na naggayak. Habang sakay ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep. Hindi n'ya mapigilan ang manalangin na sana ay walang mangyayaring katulad kagabi ngayong araw hanggang sa makauwi s'ya sa kanilang bahay mamayang gabi. Ayaw n'yang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang anak. Lalo na kapag si Adrian ang kanyang kaharap. Hindi pa nga dumating ang oras ng party ay kinakabahan na s'ya. Hindi n'ya maiwasang isipin na baka a-attend mamaya sa party ang lalaki. "Hey! Ready kana ba para sa party mamaya?" untag ni Hazel sa kanya habang abala s'ya sa pagtitipa sa kanyang computer.Nagkibit-balika
Biglang nahipnotismo si Luna nang makitang nakatitig si Adrian sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harapan. Hindi n'ya naramdamang iginiya s'ya nito papunta sa sasakyan nito. Ngunit nahimasmasan s'ya bago paman s'ya nakapasok sa loob ng sasakyan. "T-Teka! Mr. De Vera! Anong ginagawa mo?" nabigla n'yang tanong sa lalaki.Ngunit sa halip na sagutin s'ya nito ay bigla s'yang itinulak papasok sa front seat ng sasakyan. Napangangang sinundan n'ya ng tingin ang lalaki na umupo sa driver seat. Kibit-balikat itong tumingin sa kanya ng makita s'yang nakaawang ang bibig. "I told you earlier right? So... here we are. We need to talk, okay? What do you want for dinner?" sunod-sunod nitong saad habang naglalagay ng seatbelt.Saka na n'ya naalala ang sinabi nito kanina. Ang buong akala n'ya ay nakalimutan na nito iyon ngunit ...maling akala lang pala ang lahat. Anong gagawin n'ya? Magsisigaw s'ya upang makakuha ng atens'yon at nang makatakas s'ya sa lalaking ito? No, no, no ! Mali, mali! B
Nagulat si Luna nang may tumapik sa kanyang balikat. Bigla s'yang napalingon sa kanyang likuran. Nakita niya ang nagtatakang mukha ng kaibigang si Hazel. "Anyare saiyo? Bigla ka nalang natulala riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ha? Eh! Naalala ko lang ang nangyari kagabi." palusot niya rito. Napailing ito. "Girl, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon? I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam na magkakilala kayo ng pinsan ko." bahagyang lumungkot ang mukha ni Hazel nang maalala ang ginawa nito sa kanya. "Haist, mamaya na yang pag-e-emote mo riyan. Sayang ang make-up mo. Mukhang may pinaghandaan ka pa naman." nakangisi niyang sagot sa kaibigan. "Oi girl! Alam mo bang sabi ng mga marites dito na kasamahan natin napakagwapo raw ng bisita natin ngayon. At bukod doon, binata pa raw!" excited nitong balita sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Ano naman ngayon kung gwapo. May mapapala ba siya roon? Hiyaw ng kanyang isipan. Pero bakit iba ata
4 years laterMamasa-masa pa ang kapaligiran dahil sa magdamag na ulan. Parang tinatamad na maligo si Luna sa likuran ng bahay. Kung hindi lang dahil sa trabaho siguro makikita mo pa rin siya sa higaan ng mga oras na iyon. Kasabay ang malamig na ihip ng hangin sa bukid ay ang lamig na galing sa makapal na fogs na bumalot sa paligid. Kaya ang inaantok pa na si Luna ay nakaupo pa rin sa harapan ng lumang poso habang nagtatalo ang isip kung maliligo ba o hindi. Kasalanan talaga ng kanyang kaibigan kung bakit s'ya tinatamad bumangon ngayon. Nag-aalburutong sigaw ng kanyang isipan. "Sus maryosep na batang 'to. Alam mong napakalamig pipilitin mong maligo. Hindi naman siguro matsutsuge ang mga makakasalamuha mo kung wala kang ligo ngayong araw. Maghilamos kalang at maghugas para hindi ka ma-late sa trabaho." nagulat s'ya sa maagang sermon sa kanya ng kanyang lola Sonia. Naabutan kasi siya nitong yakap-yakap ang kanyang dalawang tuhod habang nakatitig sa kawalan. "Lola naman, kumukuha la
"C'mon, Adrian! Huwag kang masyadong paapekto riyan. Akala ko ba walang kayo! Bakit mukhang broken hearted ka!" natatawang biro ni Kyle sa kanya.Tinungga niya ang vodka sa kanyang baso. Dahil sa nangyari ngayong araw humantong siya sa bar at inaya ang kanyang tropa. "Ikaw ba ay naniniwala sa mga larawan?" tanong sa kanya ni Zedric. Napatingin siya rito. Naalala niya ang mga nakitang tagpo sa larawan. Ang paghawak ni Nolan sa kamay ni Luna at magkasabay silang naglakad patungo sa sasakyan ng lalaki. Pakiramdam niya umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo. "Of course! Sino ba naman ang hindi maniniwala roon? Malamang magkasama sila ngayon. And they are living happily ever after." napipilitan niyang sagot.Biglang tumawa si Kyle sa tinuran niya. "Yun naman pala eh! Bakit parang sinakloban ka ng langit at lupa riyan. Akala ko ba okay lang sayo na makipag-date siya sa iba." tumatawang sabi ni Kyle sa kanya. Palibhasa playboy kaya walang pakialam sa serious relationship. Hindi pa k
Nagtatakang nilapitan siya ng kanyang mga magulang. Napatingin siya sa kanyang ina nang hawakan nito ang kanyang braso. "What's wrong, son?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. Hinarap niya ito. Nakita niya ang labis na pag-aalala sa mga mata nito, ang balak niya sanang sisihin ito sa lahat ay naudlot. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinisil ang pagitan nito. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. "Bad news, mom." matipid niyang sagot. Tinapik siya sa balikat ng kanyang ama. "Are you okay, son? Parang may bumabagabag saiyo." "She left, dad. Maybe, I need to leave now. Baka sakaling maabutan ko pa siya. Bye, mom, dad!" dahan-dahan na siyang humakbang sa direksyon ng short cut na daan mula sa garden patungo sa malaking gate ng kanilang bahay. Naiwan sina Jenny at Dennis na walang imikan sa garden. --Balisa si Josie nang maabutan niya ito sa cubicle nito. Nagpalakad-lakad ito sa harap ng mesa. Agad niyang namataan ang papel sa mesa nito