Walang nagawa si Nicole kundi sumimangot nang sumimangot habang inaayusan niya ito ng buhok. Panay lang ang tingin ni Zara na nakapameywang pa sa harap nila. Hindi man lang nito itinatago ang natatawang reaksiyon nito kay Nicole. Tingin niya ay isa lang ang dahilan ng silent war ng dalawa, walang iba kundi si Kyle!
Naman! Ano kaya ang nakikita ng dalawa sa lalaking ito? Oo na, magkamukha sila ni Clyde pero mas lamang pa rin sa tingin niya ang my labz niya. Napatingin uli siya sa gawi ng lalaki na busy sa pag-aayos ng background design para sa photoshoot.
" Aray!" biglang sigaw ni Nicole na tiningnan siya nang masama.
" Ay, sorry!" hinging paumanhin niya. HIndi niya kasi namalayan na humihigpit na pala ang ikot niya sa buhok nito na ipinulupot niya sa taas na parang malaking bola gaya nang sa kanya.
Sinabi ni Kyle na hindi na raw nito kailangan pang tawagin ang make-up artist nila dahil okay na raw ang mukha ni Nicole. Siya na rin naman daw ang bahal
Umorder nga si Kyle ng lunch nila. Mabilisan lang ang ginawa nitong pagkain kaya't napapabilis na rin ang kain niya. Niligpit niya ang pinagkainan nila pagkatapos saka ito naging busy uli sa ginagawa.Mas madalas na nakatunganga lang naman siya sa ginagawa ni Kyle. Minsan ay hinihingi rin nito ang mga opinyon niya sa ini-edit nitong pictures. In fairness, maganda nga ang resulta. Hindi nagmumukhang katawa-tawa ang mga pictures ni Nicole na sinunod ang style ng suot at buhok niya.Nasisiyahan siya habang tahimik na nagmamasid lang kay Kyle na busy sa laptop nito at sa camera. Nagsasalita lang siya kapag kinakausap siya nito. Mas gusto niya kapag ganitong seryoso ang mood nito dahil mas hindi siya naiinis na kasama ito. Ini-imagine na lang niyang si Clyde ang kasama niya tutal ay magkamukha naman ang dalawa kahit medyo mas ma-appeal si Kyle kumpara sa kakambal nito. Siguro dahil mas madalas itong nakatawa at nakangiti kapag normal ito. Hindi katulad ngayon na parang hind
Kanina pa siya umaatungal ng iyak habang tahimik na nakikinig sa kabilang linya si Shirley." Ang sakit-sakit! Kung kailan malapit na ako sa kanya saka ko malalamang ikakasal na siya. Ayaw ko na! Uuwi na ako diyan bukas!" pahikbi-hikbing sigaw niya.Tigmak ng mga luha ang mukha niya at wala siyang planong pahiran ang mga iyon para mas feel niya ang pagda-drama niya." Ikakasal pa lang naman. Hindi pa kasal. May pag-asa pa. Ikaw na nga ang may sabi na gagawin mo ang lahat para magiging Mrs. del Espania ka. Paano mangyayari iyon kung uuwi ka rito?" mahinahong sabi ni Shirley habang kausap niya ito sa phone.Bigla siyang tumigil sa kakangawa.Oo nga naman. Wala pa siyang ginawang hakbang kaya't hindi siya dapat susuko. Isa pa, ito naman ang pinakadahilan kung bakit andu'n siya. Ilang taon niyang iniingatan ang nararamdaman para kay Clyde. Ngayon pa ba siya susuko?Mabilis na pinahid niya ang mga luha sa mukha." Tama ka, Shirley. W
May mga vendo machines kada floor kaya't agad na lumapit siya du'n. Pilit inaalala ang mga pinabili ng apat. Bumili muna siya ng coke in can at chocolate drink na nasa bote at inilagay ang dalawa sa malalaking bulsa ng suot niyang slacks. Saka siya kumuha ng capuccino at black coffee. Dahan-dahan ang pagtalikod niya sa vendo para huwag tumapon ang mga kape sa plastic cup. Muntik pa niyang mabitawan ang mga iyon nang pagharap niya ay halos mabunggo niya ang katawan ng isang lalaki." Oops!" nabiglang sabi nito na agad nahawakan ang dalawang kamay niya para umi-steady iyon sa ere.Agad na nabosesan niya ito.Si Kyle uli!Bakit ba parang nagiging normal na lang ang ganu'ng eksena sa kanilang dalawa?" Kanino ba iyang isang kape? I don't think darating si Zara now dahil may out of town project siya," sabi nito na dahan-dahan nang binitiwan ang mga kamay niya.Sasagot na sana siya pero agad na nanlaki ang mga mata niya dahil akmang dadausdos paba
Nang pumasok siya ng conference room ay may nakita siyang folders sa harap ng mahabang mesa doon. Binigyan siya ng instructions kanina ng babaeng nakita niya sa labas . Hindi niya pinapansin ang maya't-maya'y pagtatakip nito ng ilong habang masama ang tingin sa kanya. Hindi lang din isang beses itong bumahing sa harap niya.Kunyari ay hindi siya apektado sa reaksiyon nito kahit alam na alam niyang ang cologne na may ritwal ang naaamoy nitong hindi kanais-nais. Parang hinahabol ito habang nagsasalita pagkatapos ay umalis na ito sa harap niya nang maibigay na ang lahat ng mga dapat niyang gawin. Nalingunan pa niya itong patakbo patungong C.R." Ang arte," mahinang sabi niya na umingos pa rito.Hinawakan niya ang leeg at saka inamoy ang kamay. Bigla rin niyang inilayo ang kamay sa tindi ng amoy. Iiwasan na lang niyang mapalapit kahit kanino. Para kay Clyde lang naman talaga kasi ang kakaibang amoy na iyon at tiyak niyang hindi na iyon mananatili sa utak nito kapag
May kopya na siya ng susunod na panggagayuma niya. Kinunan niya ng picture ang pahinang iyon. Kung hindi raw siya magtatagumpay sa unang step ay pwede na iyong pangalawa. Medyo mahirap ang step na iyon dahil kailangan niyang kumuha ng bulaklak galing sa patay para matiyak na magiging patay na patay din sa kanya ang gagayumahin.Ibig sabihin nu'n ay kailangan niyang pumunta ng sementeryo para kumuha ng kahit isang bulaklak sa alinmang puntod at ibigay iyon kay Clyde sa loob ng limang araw. Kailangan din niyang orasyunan ang bulaklak bago ibigay iyon sa lalaki.Kahit alam niyang mahihirapan siya ay hindi pa rin siya pinanghihinaan ng loob. Pagkauwi galing sa trabaho ay nagpahinga muna siya saglit at saka nagluto para makakain muna ng hapunan. Mabuti na lang at may sementeryo sa di kalayuan sa lugar na tinitirhan niya. Ang sementeryo ay makikita lang sa gilid ng kalsada sa kabilang kanto. Maliit lang iyon at tingin niya ay mga kamag-anak lang din ng mga nakati
Kanina pa siya nakabuntot kay Zara habang nililibot nito ang production floor at kinakausap ang mga modelo doon or mas tamang sabihin na pinapagalitan. Kakabalik nga lang nito ng opisina ay parang nanghahasik na agad ito ng lagim. Kapag hindi nito nagugustuhan ang mga damit na ipapasuot ng designer sa modelo ay basta na lang nito iyon hinahablot sa pagkaka-hanger saka itinatapon sa kanya na maagap niya namang sinasalo.Gaya na lang ng suot ng isang model na may naka-schedule na pictorial ngayon. Hindi nito nagustuhan ang scarf sa leeg ng babae kaya't basta na lang nitong hinila iyon saka itinapon uli sa kanya." Throw it!" sigaw ni Zara sa kanya.Hindi naman siya magkandaugaga na sa kakabitbit ng mga naitapon na nito sa kanya. Hindi na niya mabilang kung ilang damit na ang hawak niya.Talagang itatapon niya ang mga iyon? Sayang naman.Nakahinga na siya nang maluwag nang nasa last model na sila. Sinipat itong mabuti ni Zara. Mabuti naman at pa
Nasa harap na siya ng pinto ng opisina ni Clyde nang matigilan. Ano na naman ang sasabihin niyang rason kung bakit andu'n siya? Ilang minuto rin siyang nakatayo lang muna doon habang hawak ng dalawang kamay ang coke na bitbit nang makarinig siya ng mga yabag na papalapit kaya't napatingin siya sa pinanggalingan nu'n.Nakita niya si Kyle na hindi inaalis ang tingin sa kanya na para bang takang-taka kung bakit nakatayo lang siya roon. Hindi na niya ito napagkakamalang si Clyde dahil parang alam na niyang tukuyin agad kung sino ang mga ito kahit magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Nakikita na niya sa mukha ni Kyle ang kaibahan nito kay Clyde. Isa pa, mas madalas kasing naka-shirt or polo si Kyle na teternuhan lang ng pants. Naka-coat and tie lang yata ito kapag ito ang humaharap sa mga kliyente nila.Binawi niya agad ang tingin dito at napatitig na lang sa lata ng softdrinks na hawak. Tumigil ito sa tabi niya nang tuluyang makalapit." Why are you just
Bago nga siya umuwi ay bumili muna siya ng anim na lata ng beer sa isang convenience store na nadaanan. Kumikirot pa rin kasi ang puso niya para kay Clyde at hindi para sa sarili. Bumili na lang din siya ng makakain niya dahil hindi niya feel magluto.Pagkabihis ay tinawagan niya muna ang lola niya para kumustahin. Araw-araw siyang tumatawag sa kanila para makausap ito pati na rin ang kasama nito sa bahay. Hindi kasi talaga siya sanay na malayo sa abuwela kaya't nami-miss niya rin ito lagi. Pagkatapos niyang kausapin ang lola niya ay umupo na siya sa gitna ng kama at sinimulan na ang inuman session niyang mag-isa. Nakalatag sa ibabaw ng kama ang plastic na may laman ng mga pinamili niya sa convenience store. Bumili lang siya ng pwede niyang pulutan. Hindi siya kakain ng kanin dahil hindi naman siya gutom.BInuksan niya ang lata ng beer. Walang pag-aalinlangang lumagok siya diretso doon at bigla ring napangiwi ang mukha nang alisin sa bibig ang beer.Ampait!