May mga vendo machines kada floor kaya't agad na lumapit siya du'n. Pilit inaalala ang mga pinabili ng apat. Bumili muna siya ng coke in can at chocolate drink na nasa bote at inilagay ang dalawa sa malalaking bulsa ng suot niyang slacks. Saka siya kumuha ng capuccino at black coffee. Dahan-dahan ang pagtalikod niya sa vendo para huwag tumapon ang mga kape sa plastic cup. Muntik pa niyang mabitawan ang mga iyon nang pagharap niya ay halos mabunggo niya ang katawan ng isang lalaki.
" Oops!" nabiglang sabi nito na agad nahawakan ang dalawang kamay niya para umi-steady iyon sa ere.
Agad na nabosesan niya ito.
Si Kyle uli!
Bakit ba parang nagiging normal na lang ang ganu'ng eksena sa kanilang dalawa?
" Kanino ba iyang isang kape? I don't think darating si Zara now dahil may out of town project siya," sabi nito na dahan-dahan nang binitiwan ang mga kamay niya.
Sasagot na sana siya pero agad na nanlaki ang mga mata niya dahil akmang dadausdos paba
Nang pumasok siya ng conference room ay may nakita siyang folders sa harap ng mahabang mesa doon. Binigyan siya ng instructions kanina ng babaeng nakita niya sa labas . Hindi niya pinapansin ang maya't-maya'y pagtatakip nito ng ilong habang masama ang tingin sa kanya. Hindi lang din isang beses itong bumahing sa harap niya.Kunyari ay hindi siya apektado sa reaksiyon nito kahit alam na alam niyang ang cologne na may ritwal ang naaamoy nitong hindi kanais-nais. Parang hinahabol ito habang nagsasalita pagkatapos ay umalis na ito sa harap niya nang maibigay na ang lahat ng mga dapat niyang gawin. Nalingunan pa niya itong patakbo patungong C.R." Ang arte," mahinang sabi niya na umingos pa rito.Hinawakan niya ang leeg at saka inamoy ang kamay. Bigla rin niyang inilayo ang kamay sa tindi ng amoy. Iiwasan na lang niyang mapalapit kahit kanino. Para kay Clyde lang naman talaga kasi ang kakaibang amoy na iyon at tiyak niyang hindi na iyon mananatili sa utak nito kapag
May kopya na siya ng susunod na panggagayuma niya. Kinunan niya ng picture ang pahinang iyon. Kung hindi raw siya magtatagumpay sa unang step ay pwede na iyong pangalawa. Medyo mahirap ang step na iyon dahil kailangan niyang kumuha ng bulaklak galing sa patay para matiyak na magiging patay na patay din sa kanya ang gagayumahin.Ibig sabihin nu'n ay kailangan niyang pumunta ng sementeryo para kumuha ng kahit isang bulaklak sa alinmang puntod at ibigay iyon kay Clyde sa loob ng limang araw. Kailangan din niyang orasyunan ang bulaklak bago ibigay iyon sa lalaki.Kahit alam niyang mahihirapan siya ay hindi pa rin siya pinanghihinaan ng loob. Pagkauwi galing sa trabaho ay nagpahinga muna siya saglit at saka nagluto para makakain muna ng hapunan. Mabuti na lang at may sementeryo sa di kalayuan sa lugar na tinitirhan niya. Ang sementeryo ay makikita lang sa gilid ng kalsada sa kabilang kanto. Maliit lang iyon at tingin niya ay mga kamag-anak lang din ng mga nakati
Kanina pa siya nakabuntot kay Zara habang nililibot nito ang production floor at kinakausap ang mga modelo doon or mas tamang sabihin na pinapagalitan. Kakabalik nga lang nito ng opisina ay parang nanghahasik na agad ito ng lagim. Kapag hindi nito nagugustuhan ang mga damit na ipapasuot ng designer sa modelo ay basta na lang nito iyon hinahablot sa pagkaka-hanger saka itinatapon sa kanya na maagap niya namang sinasalo.Gaya na lang ng suot ng isang model na may naka-schedule na pictorial ngayon. Hindi nito nagustuhan ang scarf sa leeg ng babae kaya't basta na lang nitong hinila iyon saka itinapon uli sa kanya." Throw it!" sigaw ni Zara sa kanya.Hindi naman siya magkandaugaga na sa kakabitbit ng mga naitapon na nito sa kanya. Hindi na niya mabilang kung ilang damit na ang hawak niya.Talagang itatapon niya ang mga iyon? Sayang naman.Nakahinga na siya nang maluwag nang nasa last model na sila. Sinipat itong mabuti ni Zara. Mabuti naman at pa
Nasa harap na siya ng pinto ng opisina ni Clyde nang matigilan. Ano na naman ang sasabihin niyang rason kung bakit andu'n siya? Ilang minuto rin siyang nakatayo lang muna doon habang hawak ng dalawang kamay ang coke na bitbit nang makarinig siya ng mga yabag na papalapit kaya't napatingin siya sa pinanggalingan nu'n.Nakita niya si Kyle na hindi inaalis ang tingin sa kanya na para bang takang-taka kung bakit nakatayo lang siya roon. Hindi na niya ito napagkakamalang si Clyde dahil parang alam na niyang tukuyin agad kung sino ang mga ito kahit magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Nakikita na niya sa mukha ni Kyle ang kaibahan nito kay Clyde. Isa pa, mas madalas kasing naka-shirt or polo si Kyle na teternuhan lang ng pants. Naka-coat and tie lang yata ito kapag ito ang humaharap sa mga kliyente nila.Binawi niya agad ang tingin dito at napatitig na lang sa lata ng softdrinks na hawak. Tumigil ito sa tabi niya nang tuluyang makalapit." Why are you just
Bago nga siya umuwi ay bumili muna siya ng anim na lata ng beer sa isang convenience store na nadaanan. Kumikirot pa rin kasi ang puso niya para kay Clyde at hindi para sa sarili. Bumili na lang din siya ng makakain niya dahil hindi niya feel magluto.Pagkabihis ay tinawagan niya muna ang lola niya para kumustahin. Araw-araw siyang tumatawag sa kanila para makausap ito pati na rin ang kasama nito sa bahay. Hindi kasi talaga siya sanay na malayo sa abuwela kaya't nami-miss niya rin ito lagi. Pagkatapos niyang kausapin ang lola niya ay umupo na siya sa gitna ng kama at sinimulan na ang inuman session niyang mag-isa. Nakalatag sa ibabaw ng kama ang plastic na may laman ng mga pinamili niya sa convenience store. Bumili lang siya ng pwede niyang pulutan. Hindi siya kakain ng kanin dahil hindi naman siya gutom.BInuksan niya ang lata ng beer. Walang pag-aalinlangang lumagok siya diretso doon at bigla ring napangiwi ang mukha nang alisin sa bibig ang beer.Ampait! 
Mabilis na pinuntahan niya ang opisina ni Zara pero wala ito doon. Nagtanong-tanong siya sa mga empleyadong nasasalubong sa floor at sinabi ng mga itong nasa third floor si Zara kasama ang mga models at designers dahil may emergency meeting ang mga ito kasama si Mrs. del Espania.Mas lalo siyang kinabahan nang malamang andu'n din ang lola nina Clyde at Kyle. Alam niyang mabait ang matanda pero masyado itong istrikta pagdating sa trabaho. Nagkukumahog na lumabas siya para pumunta ng third floor.Nasa third floor ang pinakamalaking room kung saan nagsasama-sama ang mga designers kapag may pinapagawa si Mrs. del Espania. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto doon. Sumilip muna siya at nakita nga niyang nakatayo ang sobra sampung designers at mga models sa loob habang matamang nakikinig kay Mrs. del Espania. Nakita rin niya sa gitna ang boss nila.Maingat na pumasok siya saka pasandal na tumayo sa dingding habang dahan-dahang lumapit sa mga nakatayo sa gitna.
Araw-araw niyang nakikita si Mrs. del Espania para personal na masuri ang mga gawa ng designers. Gustung-gusto niya naman iyon dahil laging nakabuntot dito ang apo nitong si Clyde. Alam niyang nag-aalala ang lalaki dahil nabalitaan niyang mahigpit na ipinagbabawal ng doktor na mapagod masyado ang lola nito. Nakikita rin niya si Kyle paminsan-minsan pero todo iwas talaga siya sa lalaki dahil alam niyang pagtatawanan pa rin siya nito dahil sa video na na-send niya nang hindi sinasadya rito.Ipinagpasalamat din niya ang presensiya ng pinaka-boss nila dahil hindi masyadong naghahasik ng lagim si Zara. Hindi niya ito naririnig na nambubulyaw kapag nasa paligid si Mrs. del Espania. Umiikot-ikot pa rin siya sa mga designers at models para tanungin kung ano ang mga kailangan nila. Siya rin ang nakatokang mamigay ng mga meryenda ng mga iyon.Nakangiting inabot niya kay Venus ang meryenda nito. Kasalukuyan itong sinusukatan ng isang designer." Thanks, but no. Bawal sa ak
Habang papalapit na ang kaarawan ni Mrs. del Espania ay mas lalong nagiging busy na rin sa office nila. May mga napili ng mga damit na irarampa sa gabi ng event. May mga ginawang munting stage sa loob ng production room kung saan nagsasanay araw-araw sa pagrarampa ang mga models kasama ng mga designers nila.Tuwang-tuwa siya habang nanonood sa mga ito. Lagi rin niyang nakikita si Mrs. del Espania sa office na kasama ang private nurse nito. Alam niyang pinapayagan lang ang matanda ng mga apo nito na pumunta ng office sa kondisyong kasama nito lagi ang nurse.Kasalukuyan siyang tumutulong sa paggawa ng idi-decorate sa bahay ng mga del Espania habang nakapagkit ang mga mata sa models na rumarampa. Namamangha talaga siya kapag nakikitang hindi man lang nahihirapang maglakad ang mga ito kahit masyadong mataas ang mga takong ng sapatos na suot.Nakikita rin niyang rumarampa si Venus sa stage. Napapangiti siya kapag ito na ang naglalakad sa gitna.Ang gali