Habang papalapit na ang kaarawan ni Mrs. del Espania ay mas lalong nagiging busy na rin sa office nila. May mga napili ng mga damit na irarampa sa gabi ng event. May mga ginawang munting stage sa loob ng production room kung saan nagsasanay araw-araw sa pagrarampa ang mga models kasama ng mga designers nila.
Tuwang-tuwa siya habang nanonood sa mga ito. Lagi rin niyang nakikita si Mrs. del Espania sa office na kasama ang private nurse nito. Alam niyang pinapayagan lang ang matanda ng mga apo nito na pumunta ng office sa kondisyong kasama nito lagi ang nurse.
Kasalukuyan siyang tumutulong sa paggawa ng idi-decorate sa bahay ng mga del Espania habang nakapagkit ang mga mata sa models na rumarampa. Namamangha talaga siya kapag nakikitang hindi man lang nahihirapang maglakad ang mga ito kahit masyadong mataas ang mga takong ng sapatos na suot.
Nakikita rin niyang rumarampa si Venus sa stage. Napapangiti siya kapag ito na ang naglalakad sa gitna.
Ang gali
Bukas na ang birthday ni Mrs. del Espania at wala silang pasok nang araw na iyon para makapaghanda kinabukasan. Uuwi sana siya sa kanila kaya lang ang sabi ng lola niya ay may pupuntahan daw ito nang ilang araw so wala daw ito sa bahay kung uuwi siya. Ayaw naman nitong sabihin kung saan ito pupunta. Makikipagkita lang daw ito sa isang kliyente.Nag-aalala siya dahil never pa naman umaalis ng ilang araw ang lola niya para lang makipagkita sa kliyente. So, tingin nga niya ay buong araw siyang matutulog bukas. May iba kasing naka-assign sa pag-aayos ng mga kakailanganin sa mansiyon ng mga del Espania. Mabuti naman at bayad pa rin naman sila bukas kahit hindi nila kailangang pumunta ng opisina.Alas sais na ng gabi siya nakauwi dahil tinapos lang nila iyong mga idi-decorate sa bahay ni Mrs. del Espania. Hapung-hapo na ibinagsak niya ang katawan sa kama. Napagod siya sa paroo't-parito na mga utos ni Zara kanina.Nakatitig siya sa kisame nang biglang nag-ring an
Kahit alas kwatro ng hapon ang usapan nila ni Venus na pumunta siya sa bahay nito ay nasa labas na siya ng bahay ng babae at pumipindot na ng door bell kahit alas dos pa lang ng hapon. Ipinagbilin na siya nito sa katulong dahil umaga pa lang ay umalis na ito para sa final rehearsal ng mga models.Agad na lumabas ang bata pang katulong at pinapasok na siya nang tanungin ang pangalan niya. Pinapasok siya nito sa loob at pinaupo na muna sa sala. Hapon daw kasi darating doon ang make-up artist na kaibigan ni Venus na siyang mag-aayos sa kanya.Habang patingin-tingin siya sa loob ng bahay ng kaibigang model ay bumalik uli ang katulong sa sala." Maam Natasha, nasa loob daw po ng kwarto ni Maam Venus ang gown. Baka gusto ninyo raw pong tingnan. Samahan ko na kayo doon."Tumahip bigla ang dibdib niya sa sobrang excitement. Tumayo na siya at nginitian ang katulong saka sumunod na rito. Umakyat nga sila sa taas kung saan naroon ang malaking kwarto ni Venus. Nakita
Masyadong maraming sasakyan ang naka-park sa labas. Halos buong subdivision yata ay napuno ng mga kotse. Namamanghang napatingin siya sa mga taong nagsidatingan na may mga suot ding maskara. Ang gaganda rin ng mga suot ng mga nakikita niyang papasok pa lang.Dali-daling nagbayad siya sa taxi at namamanghang napatingin sa maliwanag na maliwanag na harap ng bahay ng mga del Espania. May kanya-kanyang escort ang mga dumating. Siya lang yata ang wala. In fairness, hindi naman pahuhuli ang suot niya.Hawak-hawak niya uli ang gilid ng gown para huwag sumayad sa lupa habang nakangiting sumabay na rin sa pagpasok sa loob.Nakita niya agad ang napakalaking stage sa gitna ng bahay na ipinasadya sa event na iyon. Nagpalinga-linga siya pero wala siyang nakikilala ni isa man dahil sa mga maskarang suot ng mga bisita.Napatingin siya sa harap ng stage at may nakita siyang babaeng nakapameywang habang may kinakausap na babae.Si Zara! Ito lang y
Matagal na napatitig lang siya sa kamay nitong nakalahad sa kanya." Are you here with someone?" medyo inilapit pa ni Kyle ang mukha sa kanya para marinig niya ito.Biglang napatingin siya sa dance floor at nakita niyang papunta si Clyde at Claire sa gitna para sumayaw.Iyon na ang chance niya para makita siya ni Clyde nang malapitan. Agad na bumaling siya kay Kyle at maagap na inabot ang kamay sa lalaki. Umiling lang siya para sagutin ang tanong nito at ngumiti para sabihing pumapayag siyang maisayaw nito. Natatakot kasi siyang magsalita dahil baka makilala nito ang boses niya.Mas lumuwang ang ngiti ng lalaki at hinawakan na nga nang tuluyan ang kamay niya at iginiya siya sa gitna. Napapitlag pa siya nang maramdaman ang dalawang kamay nito sa beywang niya. Nakita niya nang ngumiti ito nang bahagya sa reaksiyon niya.Siyete! Hind pa yata siya makakaligtas sa pagka-playboy nitong si Kyle. Akala siguro nito ang ganda niya sa likod ng mas
Umuwi muna sila sa bahay nito para kunin ang mga gamit niya. Ipinakuha na lang nito sa kasambahay nito ang mga gamit niya at naghintay sila sa labas para hindi na sila bumaba ng kotse. Inalok siya nitong du'n na lang matulog pero magalang na tumanggi siya.Hindi na muna siya pinagbihis ni Venus nu'ng hinatid siya pauwi. Kinukunan siya nito ng pictures sa labas ng boarding house at sa kalye pa talaga. Mabuti na lang at wala nang masyadong naglalakad nang mga oras na iyon dahil pasado alas dose na ng hatinggabi." Bagay na bagay talaga siya sa'yo, Nat. Hindi nga ako nagkamaling sa'yo ipasuot ang gawa ko," nakangiting sabi nito habang panay ang kuha ng larawan sa phone.Nahihiya man nu'ng una ay itinodo na rin niya ang pagpo-project habang kinukunan siya ng larawan ng babae. Ngayon lang siya parang naging maganda sa tingin niya kaya't dapat ibigay na niya ang lahat sa sariling nilang pictorials ni Venus.May mga larawang kinukunan din siya nito sa loob ng ko
Sobra isang oras yata siyang nagbabad sa banyo kinabukasan. Hindi siya tumigil hangga't may naiiwan pa ring kulay ang buhok niya. Mahirap nang magkaroon ng ebidensiya ng kagagahan niya nu'ng isang gabi.Medyo gumaan na ang ulo niya dahil sa ginupit nga ito ni Fenny. Ang dating hanggang puwet niyang buhok ay hanggang kili-kili niya na lang ngayon. Hindi na lang niya pinaalam sa lola niya ang pagpagupit ng buhok.Itinali niya pa rin iyon lahat at wala kahit isang hiblang iniwan kaya't hindi mahahalatang nagpagupit siya ng buhok. Tiningnan niya ang sarili saka inayos ang salamin sa mata. Napatitig siya sa kilay dahil hindi na iyon masyadong makapal saka may korte na rin iyon.Wala pang alas siyete ay umalis na siya para pumunta ng opisina. Ayaw niyang mapagalitan ni Zara. Seven thirty na siya nakarating ng opisina. Dahil masyado pang maaga ay agad na pumunta siya sa cubicle ni Myla. Naging kaibigan na rin niya ang babae. Nagiging routine na niya ang tumambay
Napanatag na ang loob niya nang hindi na siya kinukulit ni Kyle sa katauhan ng babaeng hinahanap nito na alam niyang- SIYA!Nu'ng mismong araw na inutusan siyang ipagtanong sa mga models kung may nakakakilala ng picture niya ay sinabi niya agad sa lalaki na wala ni isang may alam kung sino iyong nasa larawan. Kinausap niya na rin si Venus na huwag talagang ibuking na siya ang nasa picture. Nangako naman ang babae.Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang naganap ang party at sa kabutihang palad ay parang nakakalimutan na nga ni Kyle ang paghahanap sa kanya. Inutusan siya ni Zara na ihanda ang conference room sa tenth floor. Kapag kasi lumabas na ang special edition ng magazine every month ay nagmi-meeting ang lahat ng big bosses para ma-check at mapag-usapan ng mga ito mismo ang edition na iyon para alam ng mga ito if may mga kulang at mga dapat pagtuunan ng pansin.Mas makapal ang special edition magazine kumpara sa mga weekly magazine lang na pinu-produce ng
Pumasok siya sa studio kung saan ginagawa ang photoshoot ng mga models. Katatapos lang ng session kaya't kailangan niyang ligpitin ang mga nagkalat na damit sa loob. May isang naka-assign na tumulong kanina sa model sa session na iyon.Natigilan siya nang makitang andu'n pala sa loob si Kyle. Nakaupo ito at nakaharap sa laptop. Sa tingin niya ay ito uli ang nagboluntaryong maging photographer nang araw na iyon. Mas lalo siyang natigilan nang makitang nakatayo sa gilid nito ang isang babae. Napakunot-noo pa siya habang kinikilala ang babae dahil parehong nakatalikod ang dalawa. Maya-maya ay tumagilid ito.Si Claire?Napatuon din ang pansin niya sa isang standee picture na sa tingin niya ay siyang tinititigan ni Claire.Picture niya iyon!In fairness, maganda ang kuha niya roon kahit parang nakayuko siya. Naalala niyang ginawa niya iyon para hindi masyadong ma-capture ni Kyle ang mukha niya. Natatakot kasi siyang makilala siya ng la
HOW IT STARTED Isinandal niya sa dingding sa isang sulok si Tash. Natatawa siya habang nagtataka kung paano'ng dumikit ang isang kamay nito sa bibig. Hindi niya lubos maisip kung bakit dumikit nang ganu'n ang kamay ng babae. Gaano ba kadaming glue ang nasa palad nito? Maingat na pinahid niya ang panyong may oil sa bibig nito habang dahan-dahan ding inalis ang kamay ng babae. Pinahiran niya ang mga labi nito. Napatitig siya nang matagal sa hugis-pusong lips ng babae. Mamula-mula iyon kahit walang bahid ng lipstick. Parang malambot at masarap halikan... Damn you, Kyle. Pati ba naman ang inosenteng assistant ni Zara ay hindi makakawala sa'yo? Para maali
Hindi niya akalain na ang araw ng launching ng designs niya para sa wedding fashion show ay siyang magiging pinakamemorableng araw sa buhay nila ni Kyle. Natuloy nga ang event na iyon. Suot niya ang wedding gown na gawa niya mismo at isinuot ng mga napili nila ni Kyle ang mga damit para sa buong wedding entourage. Imbes na pictorial at fashion show lang iyon ng wedding ay naging totoong kasalan na nga ang nangyari. Naglalakad siya sa aisle at hinahatid siya ng Mama niya at ng lola niya habang papalapit sa altar kung saan naghihintay ang hindi mapakaling si Kyle. Kanina pa gustong-gustong umagos ng mga luha niya lalo't parehong umiiyak na ang Mama at lola niya sa tabi niya. Gwapong-gwapo ang lalaki habang hinihintay siya sa altar at katabi nito si Clyde. Ngumiti si Kyle nang ganap na siyang makalapit. Nagmano ito sa lola niya saka niyakap ang matanda. Niyakap na rin nito ang ina niya at parang may sinabi sa dalawa. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya.
Nagising siya nang parang may instrumental na tumutugtog. Paungol na iniunat pa niya ang mga braso pero napangiwi nang sumakit iyon. Biglang dumilat ang mga mata niya nang maalala kung bakit sumakit iyon nang ganu'n. Idinagan pala ni Kyle sa kanya ang buong katawan nito nang padapa itong nahiga sa ibabaw niya. Ibabaw niya! Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala nang ganap ang nangyari sa kanila. Dama pa niya ang parang pagtibok-tibok sa loob ng ari niya. Medyo naging marahas kasi ang ginawang pag-ulos ni Kyle kanina kaya't parang pati sa loob niya ay nabugbog. Nag-init agad ang pisngi niya nang maalala kung gaano kapusok din niyang nilabanan ang bawat diin nito sa kanya. Hindi ba't pinulikat ito pero bakit kung makaulos ito ay parang hindi naman? Biglang nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Sinadya ba iyon ni Kyle para mapapunta siya sa kwarto nito? Hindi niya alam kung ano ang dapat maramda
Linggo. Si Kyle, ang mga bata at isang yaya lang ang kasama niyang papunta ng resort. Inimbitahan niya ang Mama at lola niya pero ang sabi ay hahayaan muna silang mag-bonding ng sila lang para sa mga anak nila ni Kyle. Umaga pa lang ay bumiyahe na sila. Pagdating doon ay agad na nagtampisaw ang mga anak sa dagat. Sinamahan niya ito dahil mas panatag ang loob niya na andu'n siya at nagbabantay sa mga ito kahit na may yaya namang palaging nakasunod sa mga bata. Si Kyle ay nagpahanda muna ng makakain nila sa mga staff ng resort. Tingin niya ay inarkilahan nito ang buong resort exclusively dahil wala siyang nakikitang ibang tao. Bago magtanghali ay kumain sila sa cottage. Lima lang sila pero parang isang baryo ang kakain sa dami ng mga pagkain sa mesa. Tinawag na rin ni Kyle ang staff ng resort para makisalo sa kanila. Katatapos lang kumain ng mga anak nila ay nag-aya na agad ang mga ito sa dagat. Mabuti na lang at hindi gaanong mainit ang sikat n
Umaga pa lang ay busy na ang ina sa paghahanda para sa dinner nila kasama ng pamilya ni Kyle mamaya. Tinulungan ito ng lola niya kahit ano'ng pigil nila sa matanda. Kahit may mga kasambahay naman ang Mama niya ay mas gusto nitong gawin ang halos lahat ng gawain para sa naka-schedule na dinner. Tinutulungan niya rin ang ina dahil parang ayaw nitong tumigil sa kakakilos. Ganu'n siguro ang Mama niya kung sakaling may mamamanhikan nga sa kanya.Hindi niya kasi maiwsang isipin na parang ganu'n ang dating dahil dadalhin ni Kyle ang pamilya nito sa kanila para makausap ang pamilya niya. Hindi naman siguro masama kung mag-ambisyon siya nang ganu'n kahit sa gabi lang na iyon. Ang mga anak niya ay hiniram ni Kyle para huwag makaabala sa kanila. Nag-alok din ito ng tulong pero magalang na tinanggihan ng ina niya. Nang sa wakas ay nakatapos na rin sila ay nagpahinga muna sila saglit para makapaghanda na rin ng sarili nila maya-maya. Dumating ang pamilya ni Kyl
Mataman nilang kinausap kagabi ang magkapatid. Mas lamang ang pakikipag-usap ni Kyle sa mga ito habang paulit-ulit na humingi ng sorry dahil hindi nito nasubaybayan ang paglaki ng mga anak. Ang lalaki rin ang nagpaliwanang kung bakit wala ito sa tabi ng mga anak nu'ng mga panahong iyon. Ipinagpasalamat niya sa lalaki na hindi nito pinapalabas na kasalanan niya ang lahat. Hindi kababakasan nang anumang hinanakit ang kambal. Ang tanging nakikita nila ay ang kasiyahang nararamdaman ng mga ito na sa wakas ay may matatawag na rin silang daddy. ------------------------ Huminga siya nang malalim habang napatingala sa malaking bahay ni Mrs. del Espania. Hawak niya sa isang kamay si Piper habang karga naman ni Kyle si Mackenzie. Hindi pa raw ipinaalam ni Kyle sa lola nito ang tungkol sa mga anak nila pati na kay Clyde. Ang alam lang ng mga ito ay may espesyal na panauhin sila. Inilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. Bumalik ang lahat ng alaala niya
Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle. Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. "Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon. Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya. "You know why," ang maikling sagot niya. Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun
Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng bahay niya. Umuwi siya agad kinahapunan sa pagbabakasakaling ihahatid agad ng Mama niya ang anak. Hindi siya mapakali sa kaalamang kasama ni Kyle ang bata lalo't parang naghihinala na ito.Natatakot naman siyang tawagan ang ina dahil baka si Kyle ang makausap niya dahil kasama ng mga ito ang lalaki. Kapag napapagod siya sa paroo't-paritong paglalakad ay umuupo siya sa sofa pero tumatayo rin agad.Malapit nang dumilim at wala pa rin ang Mama niya at ang anak. Tatawagan na niya sana ito nang makatanggap ng text galing sa ina.IHAHATID NA DIYAN SI MAC.Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Siguro ay ipapahatid na lang ng Mama niya ang apo dahil sa pagod nito. Medyo malayo-layo pa naman ang bahay niya sa bahay nito. Wala itong binanggit na kung ano man tungkol kay Kyle. Natatakot din naman siyang magtanong. Nag-reply lang siya ng pasasalamat dito. Hindi na niya hinabaan ang sagot dahil hindi pa siya ha
Hindi na niya maalala kung paano niya sinagot ang mga katanungan ni Kyle nang malaman nitong dalawa na ang anak niya. Ang sinigurado lang niya ay huwag nitong malamang kambal si Mackenzie at Piper. Inaya na niyang umuwi ang anak pagkatapos ng ilang minuto dahil baka mapagtagni-tagni na ni Kyle ang mga impormasyon. Mabuti na lang at hind na ito nagpumilit na maihatid sila sa bahay niya dahil dala niya naman ang sasakyan niya. Pinuntahan siya ng ina kinagabihan. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya ngayong nakita na ni Kyle ang isa sa kambal nila. Sinabi niyang magulo pa ang utak niya. Hinayaan siya nito na magdesisyon nang hindi nagmamadali. Ang tanging alam niya nang mga panahong iyon ay ayaw niyang malaman ni Kyle ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Desidido pa rin kasi siyang bumalik sila ng London at mas mabuting hindi na niya ipapakilala ang mga anak kay Kyle. Ayaw niyang masaktan ang mga anak kapag bumalik na sila ng London. Magmula nang m