Napanatag na ang loob niya nang hindi na siya kinukulit ni Kyle sa katauhan ng babaeng hinahanap nito na alam niyang- SIYA!
Nu'ng mismong araw na inutusan siyang ipagtanong sa mga models kung may nakakakilala ng picture niya ay sinabi niya agad sa lalaki na wala ni isang may alam kung sino iyong nasa larawan. Kinausap niya na rin si Venus na huwag talagang ibuking na siya ang nasa picture. Nangako naman ang babae.
Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang naganap ang party at sa kabutihang palad ay parang nakakalimutan na nga ni Kyle ang paghahanap sa kanya. Inutusan siya ni Zara na ihanda ang conference room sa tenth floor. Kapag kasi lumabas na ang special edition ng magazine every month ay nagmi-meeting ang lahat ng big bosses para ma-check at mapag-usapan ng mga ito mismo ang edition na iyon para alam ng mga ito if may mga kulang at mga dapat pagtuunan ng pansin.
Mas makapal ang special edition magazine kumpara sa mga weekly magazine lang na pinu-produce ng
Pumasok siya sa studio kung saan ginagawa ang photoshoot ng mga models. Katatapos lang ng session kaya't kailangan niyang ligpitin ang mga nagkalat na damit sa loob. May isang naka-assign na tumulong kanina sa model sa session na iyon.Natigilan siya nang makitang andu'n pala sa loob si Kyle. Nakaupo ito at nakaharap sa laptop. Sa tingin niya ay ito uli ang nagboluntaryong maging photographer nang araw na iyon. Mas lalo siyang natigilan nang makitang nakatayo sa gilid nito ang isang babae. Napakunot-noo pa siya habang kinikilala ang babae dahil parehong nakatalikod ang dalawa. Maya-maya ay tumagilid ito.Si Claire?Napatuon din ang pansin niya sa isang standee picture na sa tingin niya ay siyang tinititigan ni Claire.Picture niya iyon!In fairness, maganda ang kuha niya roon kahit parang nakayuko siya. Naalala niyang ginawa niya iyon para hindi masyadong ma-capture ni Kyle ang mukha niya. Natatakot kasi siyang makilala siya ng la
Napahawak pa siya sa dibdib sa gulat niya habang napapikit. Nasa tabi na niya ang lalaki pero hindi pa rin siya dumidilat. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya." Did I startle you?"Huminga muna siya nang malalim bago idinilat ang mga mata at tumingin dito." Bigla lang kasi kayong sumusulpot," nakalimutan pa yata niyang boss niya ito sa sagot niyang iyon.Tumawa lang ito nang mahina saka tumingin sa picture sa harap." Hindi mo pa rin ba maalala kung sino siya?"Bakit ba ang kulit mo, Kyle?" Hindi po. Natanong ko na rin po ang mga models."" I see. How about the gown? Do you think one of our designers made it? I like the style," nanatiling nakatingin ang mga mata nito sa larawan.Natameme siya. Chance na iyon ni Venus na mapansin ang gawa nito. Hahadlangan niya ba talaga ang chance na iyon para maisalba ang sarili?" A-ahmmm... I t-think si Venus yata ang nag-design niyan," hindi niya maatim n
Inaya siya ni Venus na kumain sa labas kinahapunan. Gusto sana nitong kumain sila sa isang mamahaling restaurant pero sabi niya ay sa isang fast food chain na lang para makapagkwentuhan sila nang hindi naiilang. Gusto niya rin kasi itong makausap sa ginawa nitong pagsisinungaling kanina.Siya sana ang magbabayad sa inorder nila pero hindi ito pumayag dahil may good news din daw ito. Nakahanap sila ng pwesto sa pinakagilid.Pagkaupong-pagkaupo pa lang ay masayang hinawakan na ni Venus ang isang kamay niya na may hawak pa rin ng tray ng pagkain." Thank you so much, Nat!" nakangiting sabi nito saka mahigpit na pinisil ang kamay niya." Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo, eh," nagtatakang sabi niya habang inilagay na isa-isa sa mesa ang pagkaing inorder nila." No, Nat. It should be me. Alam mo bang nagustuhan ni Kyle at ni Mrs. del Espania ang dalawang designs na gawa ko? Kung idinaan ko pa iyon kay "Zira" ay sigurado akong sa basurahan na naman iy
Mas lalo siyang naging pursigido na ipagpatuloy ang panggagayuma kay Clyde mula nang marinig niya ang usapan ni Claire at Kyle. Ayaw niyang dumating sa puntong makapagdesisyon na si Claire na iwan ang lalaki bago pa niya nakuha ang puso ni Clyde.Alam niya na doon naman talaga patutungo iyon. Konti na lang at bibigay na si Claire. Gusto niyang mainis kay Kyle dahil pilit pa rin nitong binabawi ang babaeng minahal or mahal pa rin yata nito ngayon gayong alam naman nitong ikakasal na ito sa kakambal nito.Sa kabilang banda naman ay naisip niyang dapat lang na kumbinsihin nito si Claire kung talaga namang hindi totoong mahal ng babae ang kapatid nito dahil pareho lang magsa-suffer ang dalawa kung sakaling matuloy nga ang ang kasal ng dalawa.Napabuntunghininga siya habang binabasa ang libro ng lola niya.Siyete, sambit niya sa sarili pagkatapos mabasa ang susunod na gagawin.Kadiri naman iyon? Gagawin niya talaga iyon? Eww!Napatingala pa siya
Maaga siyang pumasok nang araw na iyon dahil importante ang araw na iyon sa Dynasty Agency. Pupunta ang prospect client nila. Alas siyete pa lang ng umaga ay puno na ang studio ng mga hindi bababa sa sampung models na nakasuot ng mga swimsuit.Kung makuha ng Dynasty ang kilyente na may hawak ng isang malaking kompanya ng sikat na brandy ay sa kanila kukunin ang mga models na ipi-feature ng kompanyang iyon. Kasali sa mga models na andu'n si Venus. Halos lahat ng sinusuot ng babae ay mga sariing designs na nito. Kapag may approval iyon kahit sino man sa mga del Espania ay mismong design niya ang kanyang minu-model. Masaya siya para sa kaibigan.Tumutulong siya sa paghahanda ng mga isusuot ng mga models. As usual, umiikot na naman si Zara sa lahat at mas lalong nagiging terror ito dahil sa kaba nilang lahat.Alas otso raw darating ang mga kliyente at didiretso ang mga ito sa conference room. Dinig niyang si Kyle ang magpi-presenta ng proposals ng Dynast
Pansin niyang mas lalong nagiging busy sina Clyde at Kyle mula nang bumisita ang mga kliyente. Laging sa conference room nagkukulong ang dalawa. Minsan na siyang naghatid ng makakain ng dalawa roon at palagi nang subsob ang mga ulo nito sa trabaho.Kasalukuyan niyang nililigpit ang pinagkainan ng dalawa pagkatapos ng lunch break. Natuwa siya nang si Clyde lang ang andu'n kaya't sinadya niyang bagalan ang kilos para manatili muna doon nang matagal-tagal.Pasimpleng tiningnan niya ang nakaupong lalaki. Nakakunot-noo ito habang may binabasang text sa phone. Nagulat pa sila nang biglang bumukas ang pinto. Nakita nila ang walang kangiti-ngiting si Claire." I thought sasamahan mo akong mamili ng wedding rings natin," walang kaabog-abog na sabi ni Claire na hindi man lang alintana ang presensiya niya.Napatayo si Clyde para salubungin ang babae. Akmang hahalikan sana nito sa pisngi si Claire nang iniwas nito ang mukha sa lalaki." I just need this week,
Kasabay niyang nag-lunch si Venus sa pantry ng kompanya. May baon itong lunch na puro gulay lang naman ang laman. Todo diet raw ang mga ito para sakaling mapili nga sila ng The Finest Corporation ay handa na silang sumabak sa kabilaang photoshoots. Napatitig lang siya sa kinakain nito habang panay naman ang subo niya ng kanin at ulam na binili sa pantry. Hindi niya talaga lubos maisip kung paanong nakakabusog ang mga kinakain ng kaibigan. " Siyanga pala, look at this," may kinuha si Venus sa bag nito saka ibinigay sa kanya. Natigil siya sa pagkain at kinuha ang inabot ng babae. Isa iyong invitation card na may tatak ng logo ng The Finest Corporation. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasang isa iyong imbitasyon para sa ikatatlumpung anibersaryo ng kompanya. " Wow! Invited ka?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sigurado siyang mapupuno ng mga celebrities at mga sikat na tao ang selebrasyong iyon. " Yep," maikling sagot ng babae na parang
Kanina pa niya tinatawagan ang lola niya pero busy tone lagi. Naghintay pa siya ng isang oras bago niya sinubukang tawagan uli ang abwela. Sa wakas ay may sumagot na nga sa kabilang linya." Hello, La! Sino po pala ang kausap n'yo kanina?" agad na bati niya rito." Naku, tumawag kasi sa akin iyong may-ari ng tinatrabahuan mo. Iyong suki ko dati pa."Napakunot-noo siya. Si Mrs. del Espania ang tinutukoy ng lola niya." Bakit po?" interesadong tanong niya." Nanghihingi uli siya ng payo kung ano ang dapat niyang gawin para raw mapasakanila ang kontrata sa isang malaking kliyente."" A-ano po ang sabi n'yo?" mas lalo siyang hindi mapakali sa pagkakaupo sa kama niya.Matagal na hindi muna sumagot ang lola niya na para bang nag-iisip." Ang sabi ko bigyan niya ako ng dalawang araw para makunsulta ko muna ang bolang kristal ko."Siya naman ang napaisip." Oh, bakit parang atat na atat kang sagutin ko ang tawag mo?