Pumasok siya sa studio kung saan ginagawa ang photoshoot ng mga models. Katatapos lang ng session kaya't kailangan niyang ligpitin ang mga nagkalat na damit sa loob. May isang naka-assign na tumulong kanina sa model sa session na iyon.
Natigilan siya nang makitang andu'n pala sa loob si Kyle. Nakaupo ito at nakaharap sa laptop. Sa tingin niya ay ito uli ang nagboluntaryong maging photographer nang araw na iyon. Mas lalo siyang natigilan nang makitang nakatayo sa gilid nito ang isang babae. Napakunot-noo pa siya habang kinikilala ang babae dahil parehong nakatalikod ang dalawa. Maya-maya ay tumagilid ito.
Si Claire?
Napatuon din ang pansin niya sa isang standee picture na sa tingin niya ay siyang tinititigan ni Claire.
Picture niya iyon!
In fairness, maganda ang kuha niya roon kahit parang nakayuko siya. Naalala niyang ginawa niya iyon para hindi masyadong ma-capture ni Kyle ang mukha niya. Natatakot kasi siyang makilala siya ng la
Napahawak pa siya sa dibdib sa gulat niya habang napapikit. Nasa tabi na niya ang lalaki pero hindi pa rin siya dumidilat. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya." Did I startle you?"Huminga muna siya nang malalim bago idinilat ang mga mata at tumingin dito." Bigla lang kasi kayong sumusulpot," nakalimutan pa yata niyang boss niya ito sa sagot niyang iyon.Tumawa lang ito nang mahina saka tumingin sa picture sa harap." Hindi mo pa rin ba maalala kung sino siya?"Bakit ba ang kulit mo, Kyle?" Hindi po. Natanong ko na rin po ang mga models."" I see. How about the gown? Do you think one of our designers made it? I like the style," nanatiling nakatingin ang mga mata nito sa larawan.Natameme siya. Chance na iyon ni Venus na mapansin ang gawa nito. Hahadlangan niya ba talaga ang chance na iyon para maisalba ang sarili?" A-ahmmm... I t-think si Venus yata ang nag-design niyan," hindi niya maatim n
Inaya siya ni Venus na kumain sa labas kinahapunan. Gusto sana nitong kumain sila sa isang mamahaling restaurant pero sabi niya ay sa isang fast food chain na lang para makapagkwentuhan sila nang hindi naiilang. Gusto niya rin kasi itong makausap sa ginawa nitong pagsisinungaling kanina.Siya sana ang magbabayad sa inorder nila pero hindi ito pumayag dahil may good news din daw ito. Nakahanap sila ng pwesto sa pinakagilid.Pagkaupong-pagkaupo pa lang ay masayang hinawakan na ni Venus ang isang kamay niya na may hawak pa rin ng tray ng pagkain." Thank you so much, Nat!" nakangiting sabi nito saka mahigpit na pinisil ang kamay niya." Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo, eh," nagtatakang sabi niya habang inilagay na isa-isa sa mesa ang pagkaing inorder nila." No, Nat. It should be me. Alam mo bang nagustuhan ni Kyle at ni Mrs. del Espania ang dalawang designs na gawa ko? Kung idinaan ko pa iyon kay "Zira" ay sigurado akong sa basurahan na naman iy
Mas lalo siyang naging pursigido na ipagpatuloy ang panggagayuma kay Clyde mula nang marinig niya ang usapan ni Claire at Kyle. Ayaw niyang dumating sa puntong makapagdesisyon na si Claire na iwan ang lalaki bago pa niya nakuha ang puso ni Clyde.Alam niya na doon naman talaga patutungo iyon. Konti na lang at bibigay na si Claire. Gusto niyang mainis kay Kyle dahil pilit pa rin nitong binabawi ang babaeng minahal or mahal pa rin yata nito ngayon gayong alam naman nitong ikakasal na ito sa kakambal nito.Sa kabilang banda naman ay naisip niyang dapat lang na kumbinsihin nito si Claire kung talaga namang hindi totoong mahal ng babae ang kapatid nito dahil pareho lang magsa-suffer ang dalawa kung sakaling matuloy nga ang ang kasal ng dalawa.Napabuntunghininga siya habang binabasa ang libro ng lola niya.Siyete, sambit niya sa sarili pagkatapos mabasa ang susunod na gagawin.Kadiri naman iyon? Gagawin niya talaga iyon? Eww!Napatingala pa siya
Maaga siyang pumasok nang araw na iyon dahil importante ang araw na iyon sa Dynasty Agency. Pupunta ang prospect client nila. Alas siyete pa lang ng umaga ay puno na ang studio ng mga hindi bababa sa sampung models na nakasuot ng mga swimsuit.Kung makuha ng Dynasty ang kilyente na may hawak ng isang malaking kompanya ng sikat na brandy ay sa kanila kukunin ang mga models na ipi-feature ng kompanyang iyon. Kasali sa mga models na andu'n si Venus. Halos lahat ng sinusuot ng babae ay mga sariing designs na nito. Kapag may approval iyon kahit sino man sa mga del Espania ay mismong design niya ang kanyang minu-model. Masaya siya para sa kaibigan.Tumutulong siya sa paghahanda ng mga isusuot ng mga models. As usual, umiikot na naman si Zara sa lahat at mas lalong nagiging terror ito dahil sa kaba nilang lahat.Alas otso raw darating ang mga kliyente at didiretso ang mga ito sa conference room. Dinig niyang si Kyle ang magpi-presenta ng proposals ng Dynast
Pansin niyang mas lalong nagiging busy sina Clyde at Kyle mula nang bumisita ang mga kliyente. Laging sa conference room nagkukulong ang dalawa. Minsan na siyang naghatid ng makakain ng dalawa roon at palagi nang subsob ang mga ulo nito sa trabaho.Kasalukuyan niyang nililigpit ang pinagkainan ng dalawa pagkatapos ng lunch break. Natuwa siya nang si Clyde lang ang andu'n kaya't sinadya niyang bagalan ang kilos para manatili muna doon nang matagal-tagal.Pasimpleng tiningnan niya ang nakaupong lalaki. Nakakunot-noo ito habang may binabasang text sa phone. Nagulat pa sila nang biglang bumukas ang pinto. Nakita nila ang walang kangiti-ngiting si Claire." I thought sasamahan mo akong mamili ng wedding rings natin," walang kaabog-abog na sabi ni Claire na hindi man lang alintana ang presensiya niya.Napatayo si Clyde para salubungin ang babae. Akmang hahalikan sana nito sa pisngi si Claire nang iniwas nito ang mukha sa lalaki." I just need this week,
Kasabay niyang nag-lunch si Venus sa pantry ng kompanya. May baon itong lunch na puro gulay lang naman ang laman. Todo diet raw ang mga ito para sakaling mapili nga sila ng The Finest Corporation ay handa na silang sumabak sa kabilaang photoshoots. Napatitig lang siya sa kinakain nito habang panay naman ang subo niya ng kanin at ulam na binili sa pantry. Hindi niya talaga lubos maisip kung paanong nakakabusog ang mga kinakain ng kaibigan. " Siyanga pala, look at this," may kinuha si Venus sa bag nito saka ibinigay sa kanya. Natigil siya sa pagkain at kinuha ang inabot ng babae. Isa iyong invitation card na may tatak ng logo ng The Finest Corporation. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasang isa iyong imbitasyon para sa ikatatlumpung anibersaryo ng kompanya. " Wow! Invited ka?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sigurado siyang mapupuno ng mga celebrities at mga sikat na tao ang selebrasyong iyon. " Yep," maikling sagot ng babae na parang
Kanina pa niya tinatawagan ang lola niya pero busy tone lagi. Naghintay pa siya ng isang oras bago niya sinubukang tawagan uli ang abwela. Sa wakas ay may sumagot na nga sa kabilang linya." Hello, La! Sino po pala ang kausap n'yo kanina?" agad na bati niya rito." Naku, tumawag kasi sa akin iyong may-ari ng tinatrabahuan mo. Iyong suki ko dati pa."Napakunot-noo siya. Si Mrs. del Espania ang tinutukoy ng lola niya." Bakit po?" interesadong tanong niya." Nanghihingi uli siya ng payo kung ano ang dapat niyang gawin para raw mapasakanila ang kontrata sa isang malaking kliyente."" A-ano po ang sabi n'yo?" mas lalo siyang hindi mapakali sa pagkakaupo sa kama niya.Matagal na hindi muna sumagot ang lola niya na para bang nag-iisip." Ang sabi ko bigyan niya ako ng dalawang araw para makunsulta ko muna ang bolang kristal ko."Siya naman ang napaisip." Oh, bakit parang atat na atat kang sagutin ko ang tawag mo?
Nakatitig siya sa mukha niya sa salamin. Hinayaan niya lang na nakalugay ang hanggang kili-kili niya na lang na kulot na buhok. Hindi niya iyon itatali. Naglagay lang siya ng parang cream sa buhok para huwag iyong bumuhaghag. May suot siyang hikaw na malaki na hugis puso. Suot niya pa rin ang malaking salamin sa mata.Okay naman ang make-up niya... Yata.Sa tingin niya ay okay naman iyon. Tamang-tama lang sa okasyon ng gabing iyon. Kulay orange ang suot na lipstick. May binili na rin siyang sapatos na babagay sa suot niya. Maikli lang ang takong ng suot na silver shoes. Iyong rainbow-colored dress niya ay makulay nga masyado. Medyo asiwa pa siya dahil parang hapit na hapit ang design ng damit sa katawan niya. May bitbit siyang purse na pinaglalagyan ng phone at pera niya.Inayos pa niya uli ang kulot na buhok saka tumawag ng taxi na maghahatid sa kanya sa venue ng party ng The Finest Corporation.Pagkababa pa lang niya ng taxi ay marami na siy
HOW IT STARTED Isinandal niya sa dingding sa isang sulok si Tash. Natatawa siya habang nagtataka kung paano'ng dumikit ang isang kamay nito sa bibig. Hindi niya lubos maisip kung bakit dumikit nang ganu'n ang kamay ng babae. Gaano ba kadaming glue ang nasa palad nito? Maingat na pinahid niya ang panyong may oil sa bibig nito habang dahan-dahan ding inalis ang kamay ng babae. Pinahiran niya ang mga labi nito. Napatitig siya nang matagal sa hugis-pusong lips ng babae. Mamula-mula iyon kahit walang bahid ng lipstick. Parang malambot at masarap halikan... Damn you, Kyle. Pati ba naman ang inosenteng assistant ni Zara ay hindi makakawala sa'yo? Para maali
Hindi niya akalain na ang araw ng launching ng designs niya para sa wedding fashion show ay siyang magiging pinakamemorableng araw sa buhay nila ni Kyle. Natuloy nga ang event na iyon. Suot niya ang wedding gown na gawa niya mismo at isinuot ng mga napili nila ni Kyle ang mga damit para sa buong wedding entourage. Imbes na pictorial at fashion show lang iyon ng wedding ay naging totoong kasalan na nga ang nangyari. Naglalakad siya sa aisle at hinahatid siya ng Mama niya at ng lola niya habang papalapit sa altar kung saan naghihintay ang hindi mapakaling si Kyle. Kanina pa gustong-gustong umagos ng mga luha niya lalo't parehong umiiyak na ang Mama at lola niya sa tabi niya. Gwapong-gwapo ang lalaki habang hinihintay siya sa altar at katabi nito si Clyde. Ngumiti si Kyle nang ganap na siyang makalapit. Nagmano ito sa lola niya saka niyakap ang matanda. Niyakap na rin nito ang ina niya at parang may sinabi sa dalawa. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya.
Nagising siya nang parang may instrumental na tumutugtog. Paungol na iniunat pa niya ang mga braso pero napangiwi nang sumakit iyon. Biglang dumilat ang mga mata niya nang maalala kung bakit sumakit iyon nang ganu'n. Idinagan pala ni Kyle sa kanya ang buong katawan nito nang padapa itong nahiga sa ibabaw niya. Ibabaw niya! Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala nang ganap ang nangyari sa kanila. Dama pa niya ang parang pagtibok-tibok sa loob ng ari niya. Medyo naging marahas kasi ang ginawang pag-ulos ni Kyle kanina kaya't parang pati sa loob niya ay nabugbog. Nag-init agad ang pisngi niya nang maalala kung gaano kapusok din niyang nilabanan ang bawat diin nito sa kanya. Hindi ba't pinulikat ito pero bakit kung makaulos ito ay parang hindi naman? Biglang nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Sinadya ba iyon ni Kyle para mapapunta siya sa kwarto nito? Hindi niya alam kung ano ang dapat maramda
Linggo. Si Kyle, ang mga bata at isang yaya lang ang kasama niyang papunta ng resort. Inimbitahan niya ang Mama at lola niya pero ang sabi ay hahayaan muna silang mag-bonding ng sila lang para sa mga anak nila ni Kyle. Umaga pa lang ay bumiyahe na sila. Pagdating doon ay agad na nagtampisaw ang mga anak sa dagat. Sinamahan niya ito dahil mas panatag ang loob niya na andu'n siya at nagbabantay sa mga ito kahit na may yaya namang palaging nakasunod sa mga bata. Si Kyle ay nagpahanda muna ng makakain nila sa mga staff ng resort. Tingin niya ay inarkilahan nito ang buong resort exclusively dahil wala siyang nakikitang ibang tao. Bago magtanghali ay kumain sila sa cottage. Lima lang sila pero parang isang baryo ang kakain sa dami ng mga pagkain sa mesa. Tinawag na rin ni Kyle ang staff ng resort para makisalo sa kanila. Katatapos lang kumain ng mga anak nila ay nag-aya na agad ang mga ito sa dagat. Mabuti na lang at hindi gaanong mainit ang sikat n
Umaga pa lang ay busy na ang ina sa paghahanda para sa dinner nila kasama ng pamilya ni Kyle mamaya. Tinulungan ito ng lola niya kahit ano'ng pigil nila sa matanda. Kahit may mga kasambahay naman ang Mama niya ay mas gusto nitong gawin ang halos lahat ng gawain para sa naka-schedule na dinner. Tinutulungan niya rin ang ina dahil parang ayaw nitong tumigil sa kakakilos. Ganu'n siguro ang Mama niya kung sakaling may mamamanhikan nga sa kanya.Hindi niya kasi maiwsang isipin na parang ganu'n ang dating dahil dadalhin ni Kyle ang pamilya nito sa kanila para makausap ang pamilya niya. Hindi naman siguro masama kung mag-ambisyon siya nang ganu'n kahit sa gabi lang na iyon. Ang mga anak niya ay hiniram ni Kyle para huwag makaabala sa kanila. Nag-alok din ito ng tulong pero magalang na tinanggihan ng ina niya. Nang sa wakas ay nakatapos na rin sila ay nagpahinga muna sila saglit para makapaghanda na rin ng sarili nila maya-maya. Dumating ang pamilya ni Kyl
Mataman nilang kinausap kagabi ang magkapatid. Mas lamang ang pakikipag-usap ni Kyle sa mga ito habang paulit-ulit na humingi ng sorry dahil hindi nito nasubaybayan ang paglaki ng mga anak. Ang lalaki rin ang nagpaliwanang kung bakit wala ito sa tabi ng mga anak nu'ng mga panahong iyon. Ipinagpasalamat niya sa lalaki na hindi nito pinapalabas na kasalanan niya ang lahat. Hindi kababakasan nang anumang hinanakit ang kambal. Ang tanging nakikita nila ay ang kasiyahang nararamdaman ng mga ito na sa wakas ay may matatawag na rin silang daddy. ------------------------ Huminga siya nang malalim habang napatingala sa malaking bahay ni Mrs. del Espania. Hawak niya sa isang kamay si Piper habang karga naman ni Kyle si Mackenzie. Hindi pa raw ipinaalam ni Kyle sa lola nito ang tungkol sa mga anak nila pati na kay Clyde. Ang alam lang ng mga ito ay may espesyal na panauhin sila. Inilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. Bumalik ang lahat ng alaala niya
Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle. Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. "Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon. Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya. "You know why," ang maikling sagot niya. Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun
Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng bahay niya. Umuwi siya agad kinahapunan sa pagbabakasakaling ihahatid agad ng Mama niya ang anak. Hindi siya mapakali sa kaalamang kasama ni Kyle ang bata lalo't parang naghihinala na ito.Natatakot naman siyang tawagan ang ina dahil baka si Kyle ang makausap niya dahil kasama ng mga ito ang lalaki. Kapag napapagod siya sa paroo't-paritong paglalakad ay umuupo siya sa sofa pero tumatayo rin agad.Malapit nang dumilim at wala pa rin ang Mama niya at ang anak. Tatawagan na niya sana ito nang makatanggap ng text galing sa ina.IHAHATID NA DIYAN SI MAC.Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Siguro ay ipapahatid na lang ng Mama niya ang apo dahil sa pagod nito. Medyo malayo-layo pa naman ang bahay niya sa bahay nito. Wala itong binanggit na kung ano man tungkol kay Kyle. Natatakot din naman siyang magtanong. Nag-reply lang siya ng pasasalamat dito. Hindi na niya hinabaan ang sagot dahil hindi pa siya ha
Hindi na niya maalala kung paano niya sinagot ang mga katanungan ni Kyle nang malaman nitong dalawa na ang anak niya. Ang sinigurado lang niya ay huwag nitong malamang kambal si Mackenzie at Piper. Inaya na niyang umuwi ang anak pagkatapos ng ilang minuto dahil baka mapagtagni-tagni na ni Kyle ang mga impormasyon. Mabuti na lang at hind na ito nagpumilit na maihatid sila sa bahay niya dahil dala niya naman ang sasakyan niya. Pinuntahan siya ng ina kinagabihan. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya ngayong nakita na ni Kyle ang isa sa kambal nila. Sinabi niyang magulo pa ang utak niya. Hinayaan siya nito na magdesisyon nang hindi nagmamadali. Ang tanging alam niya nang mga panahong iyon ay ayaw niyang malaman ni Kyle ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Desidido pa rin kasi siyang bumalik sila ng London at mas mabuting hindi na niya ipapakilala ang mga anak kay Kyle. Ayaw niyang masaktan ang mga anak kapag bumalik na sila ng London. Magmula nang m