Share

KABANATA 43

Kanina pa niya tinatawagan ang lola niya pero busy tone lagi. Naghintay pa siya ng isang oras bago niya sinubukang tawagan uli ang abwela. Sa wakas ay may sumagot na nga sa kabilang linya.

" Hello, La! Sino po pala ang kausap n'yo kanina?" agad na bati niya rito.

" Naku, tumawag kasi sa akin iyong may-ari ng tinatrabahuan mo. Iyong suki ko dati pa."

Napakunot-noo siya. Si Mrs. del Espania ang tinutukoy ng lola niya. 

" Bakit po?" interesadong tanong niya.

" Nanghihingi uli siya ng payo kung ano ang dapat niyang gawin para raw mapasakanila ang kontrata sa isang malaking kliyente."

" A-ano po ang sabi n'yo?" mas lalo siyang hindi mapakali sa pagkakaupo sa kama niya.

Matagal na hindi muna sumagot ang lola niya na para bang nag-iisip.

" Ang sabi ko bigyan niya ako ng dalawang araw para makunsulta ko muna ang bolang kristal ko."

Siya naman ang napaisip.

" Oh, bakit parang atat na atat kang sagutin ko ang tawag mo?

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status