Pinababa siya ni Zara sa ground floor pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Mrs. del Espania. I-assist raw niya ang mga nasa baba. Hindi niya sure kung mga aplikante ba ang mga andu'n pero wala namang ibinigay na detalye pa si Zara.
Nagulat na lang siya nang may makita siyang linya ng mga babaeng naka-gown na kamukha ng suot niya nu'ng party tapos naka-pink rubber shoes din ang mga ito.
Ano'ng meron? Nagtatakang tanong ng isip niya.
Lumapit siya sa mga ito na may pagtataka ang mukha. Nilapitan siya ng guard.
" Sila raw po iyong nasa picture na hinahanap ni Sir Kyle," sabi ng guard sa kanya.
Seryoso? Napatingin uli siya sa mga ito. Sa tingin niya ay hindi bababa sa sampu ang nasa linya. Isa-isa niyang tiningnan ang mga babaeng nakangiti na parang excited. Mas nagulat pa siya sa isang matabang babae na nasa gitna na halos puputok na ang tela ng gown na suot.
Talaga lang? Hindi niya alam kung nakikisakay lang ang mga ito or talagang seryo
Nahihiya pa siya nang pinasundo siya ng driver ni Mrs. del Espania sa boarding house niya. Isang maleta at isang bag lang naman ang mga bitbit niya dahil wala naman siya gaanong gamit na dala at binili mula nang magtrabaho siya sa Maynila. Alas siyete ng gabi iyon ng Sabado. Biyernes pa lang ay nakaimpake na siya. Nalinisan na rin niya ang kwarto niya at nakapagpaalam na sa may-ari ng nirerentahan. Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman. Masaya nga siya pero parang kinakabahan na rin. Nasa loob na siya ng kotse at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi pa niya ipinaalam sa lola niya na sa bahay nina Clyde na siya maninirahan ng temporary baka kasi hindi siya tatantanan ng sermon ng matanda. Andu'n pa rin naman ang guilt pero lagi niya lang pinapaalala sa sarili na hindi naman panloloko iyon. Paanong hindi naging panloloko iyon?Tanong ng utak niyang ayaw siyang patahimikin ng ilang araw na. Namamangha pa rin siya sa laki ng bahay
Napakurap-kurap pa siya at bigla rin naman napadilat nang tuluyan nang mapansin ang kisame. Bigla siyang napatingin sa paligid. Napakunot-noo pa siya nang makita ang malaking kwarto. Saka lang niya naalala na sa bahay nina Clyde na pala siya nakatira. Napangiti siya habang ipinikit uli ang mga mata at dumilat din naman uli pagkatapos ng ilang segundo. Napatingin siya sa oras. Alas kwatro pa lang ng madaling araw at sanay siyang gumising nang ganoong oras kahit walang pasok. Bumangon siya para umupo muna sa kama at iniunat pa ang dalawang braso. Pahikab na kinuha niya ang salamin sa mata na nasa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama at isinuot iyon. Inaantok pa na tumayo siya at pumunta sa banyo na nasa loob ng kwarto. Tiningnan niya muna ang mukha sa salamin. Mukha talaga siyang bruha kapag bagong gising dahil buhaghag na buhaghag ang kulot niyang buhok. Madaliang nag-toothbrush siya at hinayaan na lang muna ang buhok dahil tinatamad pa siyang suklayin iyon. Inayos
" My lola believes that you are our lucky charm. Unbelievable as it seems, naniniwala pa rin siya sa mga hula-hula. My brother, Clyde is a very devoted grandson. Sad to say, he is still under the control of our grandmother. I love my lola so much but I just can't say yes to everything she says. Pero si Clyde kaya niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa lola namin lalo ngayong may dinaramdam ito," panimula ni Kyle na seryoso na ang mukhang nakatayo sa harap niya habang nakaupo siya sa kama nito.Hindi na siya nabigla sa mga narinig dahil matagal na niyang alam ang mga sinabi ni Kyle." I'm sure you've heard about my past relationship with Claire. To make the story short, Clyde and Claire are not really in love with each other. Kasunduan lang din ang pagpapakasal sana nila at dahil pa rin iyon sa payo ng isang manghuhula," biglang kumunot ang noo ni Kyle sa sinabi na para bang nainis bigla." I swear I will talk to that old woman kapag may free time na
Nakaupo siya sa kama habang hawak-hawak uli ang librong panggayuma. Kailangan niya iyon para mapatunayan kay Kyle na kaya niyang mapaibig si Clyde. Ayaw niyang dumating ang panahon na kailangan na nga niyang umalis sa buhay ni Clyde. Ilang taon din niyang iniingatan ang nararamdaman niya para sa lalaki para lang isuko iyon sa bandang huli. Tatlong katok ang nagpatigil sa kanya sa ginagawa. Agad na tumayo siya at nagtatakang binuksan iyon. Nakita niya ang nakaputing shirt at maong na pantalon na si Kyle. Halatang bagong ligo ang lalaki dahil amoy na amoy pa niya ang sabon at shampoo nito. " Get dressed, Tash. Aalis tayo," sabi nito. Magtatanong pa sana siya kung saan sila pupunta pero mabilis na itong umalis sa harap niya. Naisip niya ang sinabi ni Mrs. del Espania tungkol sa trabaho niya. Ang sabi ay walang pinipiling oras at araw ang trabaho niya, hangga't kailangan ang serbisyo niya ay dapat lagi siyang handa. Mabilis na isinara niya ang pinto para
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo lang sa loob ng salon dahil saa tingin niya ay nakatulog pa yata siya habang busy ang bakla sa kung ano-anong ginagawa nito sa mukha at buhok niya.Tinatapik nito minsan ang pisngi niya para magising siya kapag kailangan nitong banlawan ang buhok niya. Nakikita niya naman ang repleksiyon ni Kyle sa salamin na nakatutok ang atensiyon sa phone nito. Nakita pa nga niya itong tumayo isang beses para lumabas habang may kausap ito sa phone.May mga babae namang naka-assign para maglinis ng mga kuko niya sa kamay at paa." Malapit na tayong matapos pero parang hindi bagay ang suot mo sa ginawa kong makeover sa'yo. Mga damit mo ba iyong dala ni pogi? Palitan mo na muna ang damit mo bago iyong finishing touches ko," maya-maya ay sabi ng bakla habang nakatingin sa kanya sa salamin." Huwag na. Uuwi lang din naman kami ng bahay pagkatapos nito," tanggi niya." What? Nagli-live in na kayo ni pogi?" napangangan
Pinatayo na siya ng bakla nang matapos na siyang ayusan nito. Isinuot niya uli ang salamin sa mata para makita niyang mabuti ang sarili. Nakangiting hinintay ng bakla ang reaksiyon niya. Naalala niya ang mukha niya nu'ng gabi ng party. Napangiti siya. Napalis lang iyon nang makita niya ang mukha ni Kyle na nakatitig din sa kanya sa salamin. " Wow, Tash... One of these days, I might let you sign another contract," hindi naman ito ngumingiti pero parang mas kumakabog ang dibdib niya kapag hindi siya tinutudyo ng lalaki. " As a model?" wala sa loob na tanong niya. Tumabi ang bakla nang mas lumapit si Kyle sa kanya at hinawakan siya sa balikat para ipaharap dito. " Possibly... if we will get this out of the way," hindi nito inaalis ang tingin sa mukha niya nang kunin ang salamin sa mata niya. Napakurap-kurap pa siya nang tanggalin nito iyon. Basta na lang inilagay ni Kyle ang salamin sa loob ng isang paper bag. Saka lang niya napagta
Naalimpungatan siya sa mahihinang katok sa pinto. Pupungas-pungas pa siyang bumangon. Parang wala pa siya sa sarili nang buksan ang pinto ng kwarto. Ang nakangiting mukha ni Kyle ang nabungaran niya. May bitbit na paper bags ang dalawang kamay nito. " Did I wake you up?" Tiningnan niya ang relo at nakita niyang alas-onse pa lang iyon ng gabi. " Kararating ko lang at ibibigay ko lang sana iyong mga pinamili natin kanina." Walang imik na kinuha niya ang mga inabot nito. Parang lutang pa rin siya galing sa pagtulog. " Ano'ng oras ba kayo nakauwi ni Clyde? Kararating ninyo lang din ba at hindi ka pa nakapagbihis?" Biglang nawala ang antok niya nang maalala na hindi pa nga siya nakapagbihis man lang. Basta na lang siyang humiga nang hindi man lang naghilamos. Mabilis na tumalikod siya sa lalaki at inilagay sa ibabaw ng kama ang mga bitbit at pumunta sa harap ng salamin pagkatapos. Nakita niya ang kulot na buhok na parang nagwa
Kakapikit pa lang yata ng mga mata niya nang tumunog ang alarm niya. Hindi siya gaanong nakatulog dahil paulit-ulit na bumabalik sa utak niya ang halikan nila ni Kyle. Hindi niya halos maibuka ang mga mata nang abutin niya ang phone para patayin ang alarm.Tinakpan niya ng kumot ang mukha para matulog pa sana ng ilang minuto. Bigla rin namang napadilat uli nang maalala ang nangyari kagabi. Inis na inalis niya ang kumot sa mukha at bumangon.Para maging busy ang sarili ay kinuha niya ang mga pinamili nila kahapon at isa-isang inayos ang mga iyon sa loob ng kabinet. Wala siyang nakitang slacks sa mga iyon. Kung hindi man skirt na hanggang tuhod at blouses na walang mga manggas ay mga straight cut dresses ang nasa loob ng paper bags. Tiningnan niya naman ang tatlong pares ng sapatos na nabili nila. Mabuti na lang at ang isa sa mga iyon ay flat shoes.Hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang susuotin niya. Pinili niya na lang ang straight cut dress na sky blue dahi