Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo lang sa loob ng salon dahil saa tingin niya ay nakatulog pa yata siya habang busy ang bakla sa kung ano-anong ginagawa nito sa mukha at buhok niya.
Tinatapik nito minsan ang pisngi niya para magising siya kapag kailangan nitong banlawan ang buhok niya. Nakikita niya naman ang repleksiyon ni Kyle sa salamin na nakatutok ang atensiyon sa phone nito. Nakita pa nga niya itong tumayo isang beses para lumabas habang may kausap ito sa phone.
May mga babae namang naka-assign para maglinis ng mga kuko niya sa kamay at paa.
" Malapit na tayong matapos pero parang hindi bagay ang suot mo sa ginawa kong makeover sa'yo. Mga damit mo ba iyong dala ni pogi? Palitan mo na muna ang damit mo bago iyong finishing touches ko," maya-maya ay sabi ng bakla habang nakatingin sa kanya sa salamin.
" Huwag na. Uuwi lang din naman kami ng bahay pagkatapos nito," tanggi niya.
" What? Nagli-live in na kayo ni pogi?" napangangan
Pinatayo na siya ng bakla nang matapos na siyang ayusan nito. Isinuot niya uli ang salamin sa mata para makita niyang mabuti ang sarili. Nakangiting hinintay ng bakla ang reaksiyon niya. Naalala niya ang mukha niya nu'ng gabi ng party. Napangiti siya. Napalis lang iyon nang makita niya ang mukha ni Kyle na nakatitig din sa kanya sa salamin. " Wow, Tash... One of these days, I might let you sign another contract," hindi naman ito ngumingiti pero parang mas kumakabog ang dibdib niya kapag hindi siya tinutudyo ng lalaki. " As a model?" wala sa loob na tanong niya. Tumabi ang bakla nang mas lumapit si Kyle sa kanya at hinawakan siya sa balikat para ipaharap dito. " Possibly... if we will get this out of the way," hindi nito inaalis ang tingin sa mukha niya nang kunin ang salamin sa mata niya. Napakurap-kurap pa siya nang tanggalin nito iyon. Basta na lang inilagay ni Kyle ang salamin sa loob ng isang paper bag. Saka lang niya napagta
Naalimpungatan siya sa mahihinang katok sa pinto. Pupungas-pungas pa siyang bumangon. Parang wala pa siya sa sarili nang buksan ang pinto ng kwarto. Ang nakangiting mukha ni Kyle ang nabungaran niya. May bitbit na paper bags ang dalawang kamay nito. " Did I wake you up?" Tiningnan niya ang relo at nakita niyang alas-onse pa lang iyon ng gabi. " Kararating ko lang at ibibigay ko lang sana iyong mga pinamili natin kanina." Walang imik na kinuha niya ang mga inabot nito. Parang lutang pa rin siya galing sa pagtulog. " Ano'ng oras ba kayo nakauwi ni Clyde? Kararating ninyo lang din ba at hindi ka pa nakapagbihis?" Biglang nawala ang antok niya nang maalala na hindi pa nga siya nakapagbihis man lang. Basta na lang siyang humiga nang hindi man lang naghilamos. Mabilis na tumalikod siya sa lalaki at inilagay sa ibabaw ng kama ang mga bitbit at pumunta sa harap ng salamin pagkatapos. Nakita niya ang kulot na buhok na parang nagwa
Kakapikit pa lang yata ng mga mata niya nang tumunog ang alarm niya. Hindi siya gaanong nakatulog dahil paulit-ulit na bumabalik sa utak niya ang halikan nila ni Kyle. Hindi niya halos maibuka ang mga mata nang abutin niya ang phone para patayin ang alarm.Tinakpan niya ng kumot ang mukha para matulog pa sana ng ilang minuto. Bigla rin namang napadilat uli nang maalala ang nangyari kagabi. Inis na inalis niya ang kumot sa mukha at bumangon.Para maging busy ang sarili ay kinuha niya ang mga pinamili nila kahapon at isa-isang inayos ang mga iyon sa loob ng kabinet. Wala siyang nakitang slacks sa mga iyon. Kung hindi man skirt na hanggang tuhod at blouses na walang mga manggas ay mga straight cut dresses ang nasa loob ng paper bags. Tiningnan niya naman ang tatlong pares ng sapatos na nabili nila. Mabuti na lang at ang isa sa mga iyon ay flat shoes.Hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang susuotin niya. Pinili niya na lang ang straight cut dress na sky blue dahi
Nasa loob sila ng conference room. Wala roon si Mrs. del Espania dahil na rin sa kagustuhan nina Clyde na huwag muna itong magpupunta ng office dahil na rin sa payo ng doktor ng matanda.Nasa harap si Kyle at kasalukuyang nagdi-discuss para sa weekly special edition ng magazine nila. Next week pa naman din nila sisimulan ang project para sa The Finest Corporation kaya't ibinuhos muna nito ang attention sa special edition ng Dynasty magazine.Hindi katulad ng dati na nakatayo lang siya sa likod kapag may meeting ang mga ito. Ngayon ay nakaupo na rin siya kasama ng mga big bosses ng kompanya at nasa tabi ni Clyde. Mataman silang nakikinig kay Kyle.Nagulat na lang siya nang bigla na namang makita ang picture niya nu'ng party sa slide na prinisenta ni Kyle.Hindi pa rin pala ito tapos sa paghahanap sa kanya bilang si Myterious woman." I'm so happy to inform you na mas tumaas ang sales ng special edition natin dahil sa concept ng Mysteriou
Pagkatapos ng meeting ay umalis rin si Kyle. Wala namang iniwang instructions kung ano ang dapat niyang gawin nang araw na iyon kaya't pumunta siya sa studio para makatulong na rin. Nakita niya na naman si Zara doon na may bago ng assistant. As usual, panay pa rin ang ikot nito habang inis na sumisigaw kapag may hindi nagugustuhan.Maya-maya ay nag-announce na rin ito tungkol sa beach party sa darating na Sabado. Masayang-masaya ang lahat sa narinig. Hinahanap niya si Venus pero wala doon ang babae.Mag-uuwian na't lahat ay hindi pa rin bumalik si Kyle. Hindi rin ito tumawag sa kanya kaya't inayos na rin niya ang mga gamit nang malapit nang mag-alas singko.Nakababa na siya ng building at mag-aabang na sana ng taxi nang biglang may huminto na motor sa harap niya. Nakilala niya agad ang sakay nu'n kahit naka-helmet." Sakay na. Wala pa si Clyde, eh," inabutan pa siya ni Kyle ng helmet.Kinuha niya ang inabot nito pero napatingin di
Umakyat din agad sa mga mata nito ang tingin niya matapos titigan ang parang nang-aaya nitong mga labi. Natatakot siyang titigan ang mga labi nito nang matagal baka kasi mahalikan niya iyon nang wala sa oras. Tinitigan pa muna ni Kyle ang mukha niya bago bumaba na rin ang tingin nito sa mga labi niya. Kahit hindi niya suot ang salamin sa mata ay kitang-kita pa rin niya ang ekspresyon ng mukha nito dahil malapit na malapit lang ito sa kanya. Napasigaw pa siya nang biglang hinapit nito ang beywang niya at ilapit sa katawan nito. Naramdaman na lang niyang nakalapat na ang malalambot na mga labi nito sa kanya. Kusang umawang ang bibig niya at dumako na sa dibdib ng lalaki ang dalawang kamay niya. Pumikit na siya at hinayaang sipsipin ni Kyle ang pang-ibabang labi niya. Sinubukan niyang gayahin ang ginagawa nito. Tumigil si Kyle sa paghalik sa kanya at hinayaan siyang sipsipin din ang labi ng lalaki. Inilabas din niya ang dila at dinilaan ang kabuuan ng bibig nito.
Plaso sana niyang mauna nang umalis papuntang office kinabukasan dahil wala pa rin siyang mukhang ihaharap kay Kyle. Hindi rin niya itinuloy dahil baka magtaka pa sina Clyde at Mrs. del Espania. Laking pasalamat niya nang wala si Kyle nang bumaba na siya para sa breakfast. Ang sabi ni Clyde ay maaga raw itong umalis.Kay Clyde siya sumabay papunta ng opisina. Mas lalo niyang na-realize na unti-unti nang nawawala ang kilig niya kapag ito ang kasama. Wala na kasi siyang nararamdamang kakaiba kahit pa sila lang dalawa ni Clyde ang magkasama habang bumabiyahe.Nag-text lang si Kyle sa kanya kung ano ang mga dapat niyang gawin nang araw na iyon. May inaasikaso raw ito sa labas at hindi makakapunta ng opisina.Busy uli ang mga models at designers na napili para The Finest Corporation project. Tumutulong siya sa mga ito nang matapos na niya ang ipinagawa ni Kyle. Lumapit siya kay Venus nang makita ito doon." Oi, Nat. Pasensiya ka na at di tayo nagkakausap
Sabado.Madaling araw pa lang ay gising na siya. Nakahanda na ang mga dadalhin niya kagabi pa lang. Ayaw niya sanang ilagay sa bag ang mga binigay ni Venus na swimsuits dahil halo lahat ng iyon ay masyadong sexy. Ang mga two-piece bikinis ang mga iniwan niya sa kabinet. Iyong mga one-piece swimsuits ay dinala niya dahil dodoblehan niya na lang iyon ng shorts.Ang malaking van ang sasakyan nila dahil sasama si Mrs. del Espania pati na rin ang nurse nitong si Sheila. Pagkababa niya ay nakaupo na sa harap si Mrs. del Espania katabi ng driver. Ang nurse naman nito ay nasa likod ng matanda.Nakita niyang nakaupo na rin si Clyde sa pinakalikod. Naka-blue shirt ito at shorts. Napangiti siya nang makita ito. Nasa bukana pa siya ng van at bitbit ang isang pack bag niya. Naka-long sleeves na blouse siya na kulay violet at maong na short na lampas konti ng tuhod niya. Itinali niya ang buhok gaya nang nakasanayan na niyang tali.Parang natatawa ang mukha