Still holding on

Still holding on

last updateLast Updated : 2022-10-16
By:   Pusa  Completed
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
37Chapters
2.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Pinagtagpo ng tadhana ang dalawang taong magkaiba ng estado sa buhay. Ngunit ang tadhana rin ba ang gagawa ng paraan upang sila'y maghiwalay? Sila ba'y mananatili sa isa't isa? O, mas pipiliing lumayo para sa ikatatahimik ng kanilang mga puso? Will they still hold on to each other, or. . . move on?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Agad niya iyon sinapo, at pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya."Wala kang kuwenta! Lumayas ka sa pamamahay ko na bruha ka!" nanggagalaiting singhal sa kanya ng Tiyahin."Tiyang, parang awa mo na po... Wala na po akong mapupuntahan…" nagmamakaawang wika ni Anna sa tiyahin. Pero hindi ito pinansin ng ginang. Nagulat pa ang dalaga ng ihagis ng tiyahin nito ang kan’yang mga gamit."Magnanakaw! Walang utang na loob! Matapos kita patirahin sa pamamahay ko nanakawan mo pa ako! Animal ka! Layas!" pinagtutulakan ng ginang ang dalaga palabas ng bahay nito. Samantalang hindi naman magkandaugaga si Anna sa pagpupulot ng kan’yang mga damit na nagkalat sa kung saan. Pinagtitinginan ito ng mga kapitbahay nila. Humihikbi ang dalaga habang isa-isang niyang inilagay sa loob ng backpack ang mga gamit na nadumihan.Kahit anong paliwanag niya sa tiyahin na hindi siya ang nagnakaw ng pera nito ay hindi siya pinakinggan o pinapaniwalaan."Buti ng...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Jeanmarie Furigay
kailan ang book 2 niyan...
2024-10-25 20:16:10
0
user avatar
Edmingard
Wow. worth to read po. basahin niyo na. super ganda.
2023-03-22 08:11:54
1
user avatar
Pusa
Good. Malinis ang pagkakasulat. Keep going miss a.
2022-09-19 22:52:08
1
37 Chapters
Chapter 1
Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Agad niya iyon sinapo, at pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya."Wala kang kuwenta! Lumayas ka sa pamamahay ko na bruha ka!" nanggagalaiting singhal sa kanya ng Tiyahin."Tiyang, parang awa mo na po... Wala na po akong mapupuntahan…" nagmamakaawang wika ni Anna sa tiyahin. Pero hindi ito pinansin ng ginang. Nagulat pa ang dalaga ng ihagis ng tiyahin nito ang kan’yang mga gamit."Magnanakaw! Walang utang na loob! Matapos kita patirahin sa pamamahay ko nanakawan mo pa ako! Animal ka! Layas!" pinagtutulakan ng ginang ang dalaga palabas ng bahay nito. Samantalang hindi naman magkandaugaga si Anna sa pagpupulot ng kan’yang mga damit na nagkalat sa kung saan. Pinagtitinginan ito ng mga kapitbahay nila. Humihikbi ang dalaga habang isa-isang niyang inilagay sa loob ng backpack ang mga gamit na nadumihan.Kahit anong paliwanag niya sa tiyahin na hindi siya ang nagnakaw ng pera nito ay hindi siya pinakinggan o pinapaniwalaan."Buti ng
last updateLast Updated : 2022-07-10
Read more
Chapter 2
"Aray!"Pilit binabaklas ni Anna ang mga kamay na sumasabunot sa kan'yang buhok. Pakiramdam niya ay matatanggal na ang anit niya dahil sa higpit nang pagkakahawak no'n. "Buwesit ka talagang babae ka! Nakuha mo pang pumasok sa restaurant ng kumare ko a! Para ano? Para nakawan mo rin sila na gaga ka?!"Noon lang nalaman ng dalaga na ang Tiyang Gerlie niya pala iyong sumasabunot sa kanya."T-tiyang, hindi po... Nagtatraba—aray po!" Ibinalalya ng Tiyahin si Anna sa sahig at pinasundan iyon ng malakas na tadyak sa sikmura ng pinsang si Chloe."Sasagot ka pa kay Mama a!" Nagsitayuan ang mga taong naroon dahil nakaagaw na sila ng pansin. Puno ng awa ang tingin ng mga ito sa dalagang nakalugmok sa sahig habang sapo ang sariling sikmura. May ilan na gustong umawat pero kalaunan ay mas inisip na lang na huwag nang mangialam. May ibang pailing-iling na tila naniniwalang nagnakaw nga ang kawawang dalaga.Ang kaibigan ni Anna na si Gina ay patakbong nilapitan ang dalaga. Galit nitong binalingan a
last updateLast Updated : 2022-07-10
Read more
Chapter 3
"Man, I can't believe you would do that!" Inikotan na lamang ng mga mata ni Brett ang kaibigang si September. Nasa isang Bar sila ngayon na pagmamay-ari ni Rico. Hindi kasi siya tinigilan ng dalawa kanina hangga' t hindi siya pumayag na sumama sa mga ito sa Bar. Kaya imbes na dumiretso siya pauwi ng kanilang bahay, heto siya ngayon, nakatambay sa Bar kasama ang dalawang chismoso niyang kaibigan!"Tsk! Ano sa tingin niyo ang gagawin kapag nakakita kayo ng babaeng sinasaktan? Papanoorin niyo lang ba?" binalingan niya ang kaibigang si Rico, "at ikaw Ric, pulis ka pero nanood ka muna bago ka umawat." komento niya. Tinungga niya ang basong may laman ng alak."Naunahan mo lang ako e. Saka, naka-leave ako remember? Kaya hindi ako basta-basta makagawa ng aksiyon. Tatayo na sana ako kanina pero nawili ako sa expression ng mukha mo e." wika ni Rico na may sinusupil na ngiti sa labi.Natahimik siya sa isang sulok, pero hindi matahimik ang kaibigan niyang si September."I saw you kissed her, Man.
last updateLast Updated : 2022-07-10
Read more
Chapter 4
Nang makauwi sa bahay na tinutuluyan ay agad na inayos nina Gina at Anna ang kanilang kuwarto. Sa wakas ay mararanasan ring humiga ni Anna sa malambot na higaan at hindi na sa papag na tila pader sa katigasan."Ang sarap mahiga kung ganito kalambot ang higaan natin!" bulalas ni Gina na umiikot-ikot pa sa higaan nito. Natawa naman siya sa kaibigan. Matagal na itong naninilbihan kay Manang Agnes pero hindi ito makabili ng maayos na kutson dahil ang kinikita nito ay pinapadala sa pamilya sa Cebu. Panganay kasi sa magkakapatid si Gina kaya ito ang inaasahan ng pamilya nito."Kaya nga, e. Hay, sana bukas um-okay na ang pakiramdam ko para makapagtrabaho na'ko ng maayos." wika niyang nakahiga."Naku, Anna, kung hindi mo pa kaya, huwag ka munang pumasok. Lunes naman bukas, e. Hindi masyadong marami ang kustumer. Ako nang bahala basta magpahinga ka na lang muna." suhestyun ni Gina. Pero hindi siya papayag. Sayang ang kikitain niya sa isang araw. Ibabawas kasi ang absent niya sa sasahurin niya.
last updateLast Updated : 2022-09-01
Read more
Chapter 5
Kinabukasan maagang nagising si Anna upang maligo at magluto ng almusal nila ni Gina. Sa karenderya kung saan sila nagtatrabaho ay doon rin sila naglalagi. Sa ikalawang palapag kasi no'n ay paupahan ni Aling Agnes pero pinagamit na lang sa kanila ng libre ang silid. Sa katabi ng karenderyang iyon ang bahay naman ni Aling Agnes.Humihigop si Anna ng kape nang bumaba si Gina sa hagdan. Agad niya ito inalok ng almusal."Oh, halika na, Gi." paanyaya niya sa kakagising lang na si Gina.Paunat-unat naman ito ng katawan bago ito naupo sa silya. Kinuha nito ang kape at ininom. Kapagkuwan ay nagsalita ito."Papasok ka na?" tanong nito sa kaniya."Oo. Hindi na masakit ang katawan ko." saad ni Anna."Sigurado ka?" may halong pagdududa ang tanong nito.Aminado si Anna na masakit pa rin ang buo niyang katawan, pero dahil sayang ang araw na um-absent siya ay papasok na lang siya ngayon."Oo nga e." sagot niya. Pero laking gulat niya nang mariing pisilin ni Gina ang balikat niya. "A-aray!" reklam
last updateLast Updated : 2022-09-01
Read more
Chapter 6
Nahihiya man ay nilakasan na lang ni Anna ang loob upang kausapin si Aling Agnes kinabukasan. Ang buong akala ng dalaga ay magtatampo sa kan'ya ang Ginang, pero laking gulat niya nang matuwa pa ito sa kan'yang sinabi."Talaga, Anna? Sa Valle Interprises ka pupunta ngayon?" tila excited na tanong ni Aling Agnes. Hindi maalis ang tuwa sa mukha ng Ginang. Kilala kasi nito kung gaano kayaman ang opisinang pupuntahan ni Anna."Opo, manang." tipid na sagot ni Anna habang sinusukbit sa balikat ang bag. Nakasuot lamang siya ng skinny jeans at simpleng blouse na kulay green.At flat shoes naman ang sapin niya sa paa. Hinayaang nakalugay ang basa pang buhok na hanggang balikat ang haba.''Naku, Anna, baka iyan na ang suwerte mo! Huwag kang mag-alala, nandito lang kami ni Gina naka-support sayo!'' wika ni Agnes sabay baling nito kay Gina na mababakas rin ang tuwa sa mukha, '''diba, Gina?'' anito. Mabilis namang tumango ang kaibigan.Ngumiti si Anna sa dalawang tao na itinuring na niyang pamilya.
last updateLast Updated : 2022-09-02
Read more
Chapter 7
Pagka-uwi palang ni Anna galing ng San Diego ay agad niyang inaayos at niligpit ang mga gamit na dadalhin niya kinabukasan. Nang araw na iyon ay hindi nagbukas ang Agne's Batchoyan. Ikinagulat pa niya iyon pero pinaliwanag sa kan'ya ni Gina kung bakit. Gusto raw kasi ni Aling Agnes na ang buong araw na iyon ay para sa kan'ya, gusto ng mga ito na mag-bonding sila. Kaya naman matapos ang pag-aayos niya ng mga gamit ay inaya siyang pumunta ng Plaza para mag-picnic, dala ang iba't ibang putahe na pinaluto pa ni Aling Agnes sa kusinero nila.Hindi matatawaran ang saya na nadarama ni Anna sapagkat ngayon niya lang naranasan ang pahalagahan ng isang tao. At kina Gina at Aling Agnes lamang niya iyon naranasan. Kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa mga ito.''Basta, Anna, huwag mo kaming kalimutang i-invite sa kasal mo ha?'' si Gina iyon na sumusubo pa ng barbeque.Maang na napatingin siya sa kaibigan."Ha? A-anong kasal?'' kunot ang noong tanong niya kay Gina.Tumawa pa si Gina bago siya
last updateLast Updated : 2022-09-03
Read more
Chapter 8
Unang araw sa trabaho ni Anna bilang nanny, kaya naman maaga siyang bumangon at naligo. Masigla ang bawat galaw niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang pa-apekto sa mga kasamahan sa loob ng mansion. Kung ayaw nila sa akin, bahala sila. Basta ako, kailangan ko ang trabahong ito! Aniya sa isipan.Matapos makaligo ay naghanap si Anna ng masusuot, pero akmang isusuot na niya ang damit nang pumasok sa loob ng silid na inuukupa nila si Bebang, ang mayordoma.Isang silid lang ang ginagamit nilang mga katulong, pero malaki iyon at malapad. May kani-kaniyang bed spaces. Maluwag pa sa kanilang lima. May sariling bathroom at kusina rin iyon. Kung iisipin ay hindi iyon ordinaryong silid lamang.Napatingin si Anna sa damit na inilapag ni Bebang sa ibabaw ng higaan niya. "Iyan ang uniporme mo." supladang sabi ni Bebang kay Anna.Pero gayunpaman ang pakitungo ni Bebang kay Anna ay hindi na lamang iyon iniisip pa ni Anna. Magalang siyang nagpasalamat sa mayordoma."Salamat po." aniya."Pagkatapos mo d'
last updateLast Updated : 2022-09-04
Read more
Chapter 9
Habang nasa biyahe pauwi ay panay ang pangungulit ni Paolo kay Anna na dumaan sila sa Kidzoona. Madaanan lamang nila iyon pauwi, pero hindi pumayag si Anna kahit na gusto niya sanang pagbigyan ang bata. Alam niyang nasa rules iyon ni Brett, at bawal iyon labagin.''Ate Anna, please...'' ulit na panunuyo ni Paolo. Sinadya nitong palambingin ang boses at sinabayan pa ng pagpapa-cute.Napabuntong-hininga si Anna, kapagkuwan ay ginulo ang buhok ni Paolo. Yumakap naman sa bewang niya ang bata. Ang driver naman ay panay ang sulyap sa kanila sa rearview mirror.''Magpaalam muna tayo sa daddy mo. At kung papayag siya, bukas na lang tayo pupunta sa Kidzoona.'' paliwanag ni Anna sa bata.''Okay...'' anang bata na tila hindi sang-ayon sa sinabi niya. ''Si mommy ko lagi niyang sinusunod ang gusto ko. Lagi kaming pumupunta sa Malls, especially sa Kidzoona.'' malungkot na sabi ni Paolo na ikinalingon ni Anna rito.Oo nga pala may mommy itong si Paolo pero bakit hindi ito nakikita ni Anna? Hindi ba
last updateLast Updated : 2022-09-04
Read more
Chapter 10
Malakas ang pagbuga ni Brett ng hangin nang makalabas ng silid si Anna. Napahawak siya sa sariling baba, at hinilot-hilot iyon. Nang hindi pa rin matanggal ang manhid no'n ay nag-utos na siyang magpadala ng yelo kay Bebang."Ano bang nangyari, hijo?" takang-tanong ni Bebang habang nakatingin ito sa binatang hindi maipinta ang mukha na naglalagay ng yelo sa baba nito."Nauntog lang ako sa isang matigas na bagay." walang ganang sagot ni Brett."Gano'n ba? Si Anna naglalagay rin ng yelo sa noo niya. Ewan ko kung ano'ng nangyari sa babaeng iyon. Malaki ang bukol sa noo e." sumbong ni Bebang.Ngumisi si Brett sa sinabi ng matanda.Mabuti nga sayo! Aniya sa isipan."You can leave now. Ako nang bahala rito." ma-awtoridad na utos niya kay Bebang.Sa sinabi niya ay tumango si Bebang at lumabas ng silid. Wala pang ilang segundo nang lumabas ang mayordoma ay pumasok naman ang anak niyang si Paolo."Dad..." anito."Hmm...something wrong?"Nakitaan niya ng pag-aalinlangan ang itsura ng anak kaya p
last updateLast Updated : 2022-09-05
Read more
DMCA.com Protection Status