Share

Chapter 4

Author: Pusa
last update Huling Na-update: 2022-09-01 20:02:02

Nang makauwi sa bahay na tinutuluyan ay agad na inayos nina Gina at Anna ang kanilang kuwarto. Sa wakas ay mararanasan ring humiga ni Anna sa malambot na higaan at hindi na sa papag na tila pader sa katigasan.

"Ang sarap mahiga kung ganito kalambot ang higaan natin!" bulalas ni Gina na umiikot-ikot pa sa higaan nito. Natawa naman siya sa kaibigan. Matagal na itong naninilbihan kay Manang Agnes pero hindi ito makabili ng maayos na kutson dahil ang kinikita nito ay pinapadala sa pamilya  sa Cebu. Panganay kasi sa magkakapatid si Gina kaya ito ang inaasahan ng pamilya nito.

"Kaya nga, e. Hay, sana bukas um-okay na ang pakiramdam ko para makapagtrabaho na'ko ng maayos." wika niyang nakahiga.

"Naku, Anna, kung hindi mo pa kaya, huwag ka munang pumasok. Lunes naman bukas, e. Hindi masyadong marami ang kustumer. Ako nang bahala basta magpahinga ka na lang muna." suhestyun ni Gina. Pero hindi siya papayag. Sayang ang kikitain niya sa isang araw. Ibabawas kasi ang absent niya sa sasahurin niya.

"Kaya ko na 'to, Gi. Hindi naman na masyadong masakit ang katawan ko." saad niya. Tinaasan siya ng kilay ni Gina. Alam niyang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.

"Sus, ang sabihin mo nasasayangan ka lang sa kikitain mo kapag um-absent ka! Loka ka talaga. Bahala ka, basta kung hindi kaya ng katawan mo, pahinga ka gurl." Tumango naman siya kay Gina.

"Okay." aniya. Alam niyang nag-aalala lang ang kaibigan niya para sa kaniya, at ipinagpapasalamat niya iyon kay Gina. Dahil mabait ito at maaalalahanin. Nakakatandang kapatid na niya ito kung ituring.

"Ay, Gi. Magsisimba pala ako mamayang hapon, gusto mo bang sumama?" tanong niya sa dalaga. Simula no'ng magtrabaho siya kay Manang Agnes ay nakagawian na niyang magsimba tuwing linggo sa kabilang bayan. Iyon ang paraan niya upang magpasalamat sa panginoon dahil hindi siya nito pinapabayaan.

"Sige ba. Matagal-tagal na rin na hindi ako nagsisimba, e. Teka—makakapasok pa kaya ako?" Kumunot naman ang noo niya sa itinanong ng kaibigan.

"Sa simbahan?" tanong niya.

"Oo."

"Aba syempre naman! Bakit mo naman natanong iyan?" nawi-weird-uhan  na siya sa minsan sa babaeng 'to.

"Kasi... baka sobrang haba na ng sungay ko? Baka hindi na magkasya sa loob ng simbahan." Tatawa-tawang turan nito.

Kinuha niya ang unan at ibinato iyon sa babae. "Ang dami mong alam!" Pati siya ay natawa na rin sa kaibigan.

Nang hapong iyon ay magkasamang nagsimba ang magkaibigan. Nakasuot ng simpleng t-shirt si Anna na pinaresan niya ng skinny jeans, at flat shoes naman ang sapin sa paa.

Taimtim siyang nakikinig sa mga sermon ng Pari. Bawat pangaral nito ay kan'yang isinasapuso. Nang i-anunsyo ng pari ang mag 'peace be with you' ay agad naman siyang sumunod. Una niyang niyakap ay ang kaibigan.

"Peace be with you." Gumanti naman ito ng yakap at pagbati sa kaniya. Sumunod naman niyang binati ay ang mga tao sa unahan, at sa likuran nila ni Gina.

"Peace be with—" Natigil ang sasabihin niya nang makilala ang taong nasa likuran lang pala niya.

Brett...

Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang tumahip ang kaba sa dibdib niya kaya napahawak siya doon. Wala siyang emosyon na nakikita sa mukha ng lalaki. Blangko ang tingin nito habang nakatitig sa kaniya. Nagbigay tango na lamang siya  at ngumiti bago muling bumaling paharap sa altar.

Nang matapos ang misa ay tumungo sila ni Gina sa Plaza. Tumambay sila sa isang swing habang kumakain ng fishball. Gusto niya sanang magpasalamat kanina kay Brett pero nang lingunin niya ito ay wala na ang binata.

"Gi, hindi mo ba napansin iyong si Brett kanina? Naroon lang pala siya sa likuran natin. Sayang, hindi man lang ako nakapagpapasalamat sa kaniya ng personal." wika niya.

"Nakita ko siya no. Ako pa ba. Kasama  pa nga niya ang November na 'yon, e! Hindi ko lang sinabi sayo, nakakahiya naman kasi, masyado kang seryuso para istorbuhin."  Nagulat naman siya sa kaalaman na iyon. Pero hindi niya napansin si September kanina.

Paano mo mapapansin e, nakadikit lang ang titig mo sa kaniya, haler! Naipilig niya ang ulo para maiwaksi ang kaisipang iyon.

"Talaga? Teka, bakit ba November ang tawag mo sa kaniya samantalang hindi naman iyon ang pangalan niya?" kunot-noong tanong niya kay Gina.

Tumawa naman ito bago siya sinagot, "Iyon ang trip ko, e. Mas bagay kasi sa kaniya!" komento pa nito. Naiiling na lang siya sa kalokohan ng kaibigan.

"Puwede pong sumakay?" napalingon siya sa pinanggalingan ng munting tinig na iyon. Isang batang lalaking na ubod ng guwapo ang nakatayo sa isang gilid ang kan'yang nakita. Tila nahihiya ito pero mababakas sa itsura na gustong-gusto nitong sumakay sa swing.

"Oo naman. Halika ka," tawag niya sa bata. Lumapit naman ito. "Dahan-dahan lang," aniya habang inaalalayan itong makaupo sa swing, "kumapit ka ng mabuti ha." dagdag pa niya na ikinatango nito.

Dahan-dahan niyang itinulak ang swing habang binabantayan ang bata na hindi mahulog. Tuwang-tuwa naman ito at napapapikit pa habang sinasalubong ang hangin na tumatama sa pisngi nito.

"Wow, ha. Feel na feel mo iyang ginagawa mo, Anna, a." ani ni Gina. Nag-si-swing rin ito habang nakatingin sa kaniya. Imbes na sagutin ang sinabi nito ay iba ang isinagot niya.

"Ang cute ng bata no, Gi? Foreigner yata 'to e." nakangiting wika niya sa dalaga.

"Oo. Saka halata namang foreigner. Sa kulay asul pa lang na mga mata niya." komento ni Gina. Kapagkuwan ay tinanong nito ang batang lalaki na parang hindi na yata sila nakikita ni Gina.

"Guwapong bata, sinong tatay mo?" tanong ni Gina sa bata. Hindi iyon pinansin ng bata kaya sumimangot ang dalaga. "Suplado pala." bulong nito. Pinandidilatan naman niya ang kaibigan nang mapansin niyang lumungkot ang mukha ng bata. Kaya agad ring binawi ni Gina ang sinabi nito. "Joke lang! I mean is ang guwapo mo talaga baby!" ani nito.

"Ang sabi ng daddy ko huwag raw po ako makipag-usap sa hindi ko kakilala... Kaya pasensya na po kung hindi kaagad ako nakasagot." saad ng bata kay Gina.

"Okay lang baby! Huwag mo nang intindihin ang sinabi ng babaeng iyan. Minsan kasi may sapi siya." wika niya sa bata. Sinadya pa niyang hinaan ang huling katagang binanggit. Pero narinig pa rin iyon ni Gina. Sinamaan siya nito ng tingin kaya napatawa na lang siya.

"Paolo!" Sabay silang napabaling ni Gina sa lalaking humahangos papunta sa kinaroroonan nila. Pawis na pawis ito at hindi maipinta ang mukha.

Saglit tumigil ang paligid ni Anna. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng kan'yang puso. Habang nakatitig siya sa mukha ni Brett na papalapit sa kanila ay parang may mga paru-parong nagsisilaparan sa loob ng puson niya. Napakurap lang siya nang marinig na nagsalita ang bata kaya doon bumaling ang paningin niya.

"Daddy..." tila takot ang rumehistro sa mukha ng bata nang makita ang lalaking palapit sa kanila.

Daddy...

"I told you not to disobey, right? 'diba sinabi ko sayo na hintayin mo ako sa Cafe? Bakit ka umalis roon? Hindi mo ba alam na kanina pa kita hinahanap?!" Napapitlag ang bata sa lakas ng boses ni Brett. Tila gusto nitong umiyak at napakapit pa sa t-shirt niyang suot.

Pati si Anna ay hindi alam kung magsasalita ba o hindi. Nakakatakot kasi ang anyo ng lalaki. Si Gina sa isang tabi ay napatigil at napatahimik rin.

"I-I'm s-sorry, D-dad—"

"Naku, baby hindi mo kailangang humingi ng sorry sa ama mo. Ako ang nagdala sayo rito 'diba?" Maang naman na napatitig ang bata kay Anna. Nginitian niya lang ito at hinaplos sa buhok, saka niya sinalubong ang matalim na tingin ni Brett. "Pasensya kana ha. Naawa kasi ako sa kaniya kanina kaya sinama ko na siya rito. Gusto ko lang naman na maranasan niyang sumakay sa swing."

Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang sabihin iyon. Naaawa kasi siya sa bata at sa tingin niya ay takot ito sa ama.

"At sino ka para gawin iyon, huh? Alam mo bang mababaliw na'ko sa kakahanap sa anak ko tapos malalaman ko lang na dinala pala siya ng hindi niya kaanu-ano sa lugar na 'to." matigas na sabi ng lalaki. Binuhat nito ang bata at akmang tatalikod na sana pero pinigilan niya ito sa braso. Saglit itong natigilan sa ginawa niya, at gano'n din naman siya.

"P-pasensya ka na. Wala naman akong intensyong masama sa bata. Gusto ko lang naman na ipasyal siya rito."  napakagat siya sa pang-ibabang labi habang sinasalubong ang matiim na titig ni Brett. Gumalaw pa ang mga panga nito kaya nanayo ang balahibo niya sa katawan. Sa tangkad at laki nito ay baka ibitin siya sa ere, at ibalibag na lang sa damuhan.

Sige panindigan mo iyang kasinungalingan mo, Anna! Bulyaw ng isipan niya.

"I don't give a fuck!" mariing sabi ng lalaki na ikinapitlag niya. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila ni Gina. "Anong malay ko kung kidnapin niyo pala ang anak ko, huh?" Naka-arko ang kilay na wika ni Brett.

Sa sinabing iyon ng lalaki ay umusok ang ilong ni Anna, uminit rin ang kan'yang tenga. Handa na sana siyang singhalan si Brett pero bago pa man siya makapag-salita ay nauhanan na siya nang matinis na boses ni Gina.

"Hoy lalaking kagagaling lang sa simbahan pero nadimunyo na kaagad! Para sabihin ko sayo, hindi kami kidnaper! Sa ganda naming ito pagbibintangan mo kaming gan'yan? Aba, umayos ka!" Pumagitna ito sa kanila ni Brett at pinamewangan ang lalaki. Akmang magsasalita na naman sana siya nang balingan siya nito at kinurot sa tagiliran.

"At ikaw naman, Anna. Ano bang engkanto ang sumapi sayo para sabihin mong ikaw ang nagdala sa batang iyan dito? E, hindi naman totoo iyang pinagsasabi mo! Napagkamalan pa tuloy tayong kidnapper!" Pagkasabi no'n ay hinila siya sa braso ni Gina palayo sa mag-ama. Nagdadabog pa ito at hindi maipinta ang mukha.

"Aray—sandali naman madadapa ako sa ginagawa mo e!" Reklamo niya sa kaibigan. Pero hindi siya nito pinapansin hanggang sa makasakay sila ng traysikel.

Nang balingan niya ang mag-ama ay wala na ang mga ito roon. Gusto pa naman sana niyang personal magpalasalamat sa lalaki pero mukhang may sapi yata iyon. Humugot na lang siya ng isang malalim na buntonghininga.

...

"Is that true?" tanong ni Brett sa anim na taong gulang na anak. Nakayuko ito at hindi makatingin ng tuwid sa kaniya.

"O-opo... w-wala pong kasalanan ang babae, Dad... A-ako po m-mismo ang pumunta sa Plaza..." humihikbing sabi nito.

Ang babaeng iyon...

"Paano kong nasagasaan ka ha? Hindi mo ba inisip na puwede kang madisgrasya o di kaya'y ma-kidnap? Why don't you listen to me huh? I'm your dad, Paolo!"

"But I want to ride a swing, Dad! Why is it so hard for you to understand?" anang anak niya na walang patid sa pagluha. Parang kinukurot ang puso niya habang pinagmamasdan ito.

"Iyon lang ba ang problema mo, Paolo? Okay, tomorrow magpapagawa tayo ng swing d'yan sa hardin. Lahat ng gusto mo sabihin mo dahil ibibigay ko iyon lahat, huwag mo lang akong i-disobey ulit." Sa pagkakataong iyon ay naglumanay na ang kan'yang boses.

Umangat ito ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. Pinahid nito ang mga luhang nagsisiunahan sa pisngi.

"I want my Mom... back." Piniga ng ilang ulit ang puso ni Brett sa sinabing iyon ng anak. Gustuhin man niyang ibigay ang hinihiling nito ay napaka-imposible na niyon mangyari.

"You know that I can't, Paolo. Hindi ako Diyos para buhayin ang patay na."

"No! Hindi pa patay ang Mommy ko! She's alive, Daddy. Nagbabakasyon lang siya 'diba? Iyon ang sabi ni Lola!" Hindi na nakayanan pa ni Brett na makitang gano'n ang anak kaya naman niyapos niya ito ng mahigpit na yakap.

"Shhh... It's okay baby. Dad is here... I'm here..." Kung kaya lang niyang bumuhay ng patay ay matagal na niyang binuhay si Carol, ang ina ni Paolo. Ang babaeng hinintay niya sa altar pero hindi sumipot. Ang buong akala niya ay tinalikuran siya nito, pati ng anak niya. Pero hindi pala, dahil nahulog sa bangin ang sinasakyan nitong kotse. Patay na ito nang maabutan ng kapulisan.

Sa isiping iyon ay muling nanumbalik ang sakit at pighati na nadarama niya noon. It's been two years pero sariwa pa rin sa alaala niya ang nangyaring iyon.

Hindi niya gusto na maging ganoon ang anak niya sa kaniya, hindi niya kagustuhang lumayo ang loob nito, pero ano bang gagawin niya? Lahat naman ay ginagawa niya, sa maabot ng makakaya niya pero kulang pa rin. Hindi pa rin sapat. Hinahanap pa rin nito ang ina.

Kaya siya mahigpit kay Paolo ay dahil ayaw niyang masaktan ito o magalusan man lang. Si Paolo na lang ang dahilan kung bakit siya nabubuhay sa mundo kaya kung may mangyaring masama sa anak niya ay hindi na niya makakaya pa. Pero ang kabaliktaran naman no'n ay lumayo  ang loob nito sa kaniya.

At kahit ibigay man niya ang lahat ng bagay sa mundo para sa anak ay hindi pa rin iyon sumasapat. Dahil maliban sa kaniya ay pagmamahal ng isang ina ang kailangan nito. Kahit siya, kahit pagmamahal niya para sa anak ay hindi niya sigurado kung napaparamdam ba niya talaga. Dahil kahit siya mismo; sa sarili niya, ay hindi na rin alam ang salitang pagmamahal.

Nang mamatay si Carol ay ilang beses siyang nagtangka na tapusin na lang ang buhay, pero dahil kay Paolo ay nanatili siya sa mundong ito.

"I want my mommy..." Iyon ang muling sinabi ng kan'yang anak bago nito ipikit ang mga mata. Hinaplos niya ang buhok ni Paolo saka ito hinalikan sa noo.

"Kung puwede lang anak..." bulong niya sa batang natutulog na. Binuhat niya ito, at dinala sa silid; sa ikalawang palapag ng bahay.

Muli ay pinagmasdan niya si Paolo.

"Hindi ko na maibabalik ang Mommy mo. Pero susubukan nating maghanap ng bago." Iyon ang katagang namutawi sa bibig niya, kasunod no'n ay pumasok sa balintataw niya ang imahe ng isang babae.

Kaugnay na kabanata

  • Still holding on   Chapter 5

    Kinabukasan maagang nagising si Anna upang maligo at magluto ng almusal nila ni Gina. Sa karenderya kung saan sila nagtatrabaho ay doon rin sila naglalagi. Sa ikalawang palapag kasi no'n ay paupahan ni Aling Agnes pero pinagamit na lang sa kanila ng libre ang silid. Sa katabi ng karenderyang iyon ang bahay naman ni Aling Agnes.Humihigop si Anna ng kape nang bumaba si Gina sa hagdan. Agad niya ito inalok ng almusal."Oh, halika na, Gi." paanyaya niya sa kakagising lang na si Gina.Paunat-unat naman ito ng katawan bago ito naupo sa silya. Kinuha nito ang kape at ininom. Kapagkuwan ay nagsalita ito."Papasok ka na?" tanong nito sa kaniya."Oo. Hindi na masakit ang katawan ko." saad ni Anna."Sigurado ka?" may halong pagdududa ang tanong nito.Aminado si Anna na masakit pa rin ang buo niyang katawan, pero dahil sayang ang araw na um-absent siya ay papasok na lang siya ngayon."Oo nga e." sagot niya. Pero laking gulat niya nang mariing pisilin ni Gina ang balikat niya. "A-aray!" reklam

    Huling Na-update : 2022-09-01
  • Still holding on   Chapter 6

    Nahihiya man ay nilakasan na lang ni Anna ang loob upang kausapin si Aling Agnes kinabukasan. Ang buong akala ng dalaga ay magtatampo sa kan'ya ang Ginang, pero laking gulat niya nang matuwa pa ito sa kan'yang sinabi."Talaga, Anna? Sa Valle Interprises ka pupunta ngayon?" tila excited na tanong ni Aling Agnes. Hindi maalis ang tuwa sa mukha ng Ginang. Kilala kasi nito kung gaano kayaman ang opisinang pupuntahan ni Anna."Opo, manang." tipid na sagot ni Anna habang sinusukbit sa balikat ang bag. Nakasuot lamang siya ng skinny jeans at simpleng blouse na kulay green.At flat shoes naman ang sapin niya sa paa. Hinayaang nakalugay ang basa pang buhok na hanggang balikat ang haba.''Naku, Anna, baka iyan na ang suwerte mo! Huwag kang mag-alala, nandito lang kami ni Gina naka-support sayo!'' wika ni Agnes sabay baling nito kay Gina na mababakas rin ang tuwa sa mukha, '''diba, Gina?'' anito. Mabilis namang tumango ang kaibigan.Ngumiti si Anna sa dalawang tao na itinuring na niyang pamilya.

    Huling Na-update : 2022-09-02
  • Still holding on   Chapter 7

    Pagka-uwi palang ni Anna galing ng San Diego ay agad niyang inaayos at niligpit ang mga gamit na dadalhin niya kinabukasan. Nang araw na iyon ay hindi nagbukas ang Agne's Batchoyan. Ikinagulat pa niya iyon pero pinaliwanag sa kan'ya ni Gina kung bakit. Gusto raw kasi ni Aling Agnes na ang buong araw na iyon ay para sa kan'ya, gusto ng mga ito na mag-bonding sila. Kaya naman matapos ang pag-aayos niya ng mga gamit ay inaya siyang pumunta ng Plaza para mag-picnic, dala ang iba't ibang putahe na pinaluto pa ni Aling Agnes sa kusinero nila.Hindi matatawaran ang saya na nadarama ni Anna sapagkat ngayon niya lang naranasan ang pahalagahan ng isang tao. At kina Gina at Aling Agnes lamang niya iyon naranasan. Kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa mga ito.''Basta, Anna, huwag mo kaming kalimutang i-invite sa kasal mo ha?'' si Gina iyon na sumusubo pa ng barbeque.Maang na napatingin siya sa kaibigan."Ha? A-anong kasal?'' kunot ang noong tanong niya kay Gina.Tumawa pa si Gina bago siya

    Huling Na-update : 2022-09-03
  • Still holding on   Chapter 8

    Unang araw sa trabaho ni Anna bilang nanny, kaya naman maaga siyang bumangon at naligo. Masigla ang bawat galaw niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang pa-apekto sa mga kasamahan sa loob ng mansion. Kung ayaw nila sa akin, bahala sila. Basta ako, kailangan ko ang trabahong ito! Aniya sa isipan.Matapos makaligo ay naghanap si Anna ng masusuot, pero akmang isusuot na niya ang damit nang pumasok sa loob ng silid na inuukupa nila si Bebang, ang mayordoma.Isang silid lang ang ginagamit nilang mga katulong, pero malaki iyon at malapad. May kani-kaniyang bed spaces. Maluwag pa sa kanilang lima. May sariling bathroom at kusina rin iyon. Kung iisipin ay hindi iyon ordinaryong silid lamang.Napatingin si Anna sa damit na inilapag ni Bebang sa ibabaw ng higaan niya. "Iyan ang uniporme mo." supladang sabi ni Bebang kay Anna.Pero gayunpaman ang pakitungo ni Bebang kay Anna ay hindi na lamang iyon iniisip pa ni Anna. Magalang siyang nagpasalamat sa mayordoma."Salamat po." aniya."Pagkatapos mo d'

    Huling Na-update : 2022-09-04
  • Still holding on   Chapter 9

    Habang nasa biyahe pauwi ay panay ang pangungulit ni Paolo kay Anna na dumaan sila sa Kidzoona. Madaanan lamang nila iyon pauwi, pero hindi pumayag si Anna kahit na gusto niya sanang pagbigyan ang bata. Alam niyang nasa rules iyon ni Brett, at bawal iyon labagin.''Ate Anna, please...'' ulit na panunuyo ni Paolo. Sinadya nitong palambingin ang boses at sinabayan pa ng pagpapa-cute.Napabuntong-hininga si Anna, kapagkuwan ay ginulo ang buhok ni Paolo. Yumakap naman sa bewang niya ang bata. Ang driver naman ay panay ang sulyap sa kanila sa rearview mirror.''Magpaalam muna tayo sa daddy mo. At kung papayag siya, bukas na lang tayo pupunta sa Kidzoona.'' paliwanag ni Anna sa bata.''Okay...'' anang bata na tila hindi sang-ayon sa sinabi niya. ''Si mommy ko lagi niyang sinusunod ang gusto ko. Lagi kaming pumupunta sa Malls, especially sa Kidzoona.'' malungkot na sabi ni Paolo na ikinalingon ni Anna rito.Oo nga pala may mommy itong si Paolo pero bakit hindi ito nakikita ni Anna? Hindi ba

    Huling Na-update : 2022-09-04
  • Still holding on   Chapter 10

    Malakas ang pagbuga ni Brett ng hangin nang makalabas ng silid si Anna. Napahawak siya sa sariling baba, at hinilot-hilot iyon. Nang hindi pa rin matanggal ang manhid no'n ay nag-utos na siyang magpadala ng yelo kay Bebang."Ano bang nangyari, hijo?" takang-tanong ni Bebang habang nakatingin ito sa binatang hindi maipinta ang mukha na naglalagay ng yelo sa baba nito."Nauntog lang ako sa isang matigas na bagay." walang ganang sagot ni Brett."Gano'n ba? Si Anna naglalagay rin ng yelo sa noo niya. Ewan ko kung ano'ng nangyari sa babaeng iyon. Malaki ang bukol sa noo e." sumbong ni Bebang.Ngumisi si Brett sa sinabi ng matanda.Mabuti nga sayo! Aniya sa isipan."You can leave now. Ako nang bahala rito." ma-awtoridad na utos niya kay Bebang.Sa sinabi niya ay tumango si Bebang at lumabas ng silid. Wala pang ilang segundo nang lumabas ang mayordoma ay pumasok naman ang anak niyang si Paolo."Dad..." anito."Hmm...something wrong?"Nakitaan niya ng pag-aalinlangan ang itsura ng anak kaya p

    Huling Na-update : 2022-09-05
  • Still holding on   Chapter 11

    Nagpaalam si Anna kay Brett kinabukasan na magda-day-off siya. Gustong sumama ni Paolo sa dalaga pero hindi iyon pinayagan ng ama nito. Umiyak pa ang bata nang umalis si Anna at sumakay ng kotse na maghahatid sa kan'ya sa San Pedro.Hindi alam ni Anna kung namalikmata ba siya nang makita ang reaksyon ng mukha ni Brett na para bang hindi na siya babalik sa mansion nito nang pasakay na siya sa kotse. Umiling na lang ang dalaga dahil kung anu-ano ang napapansin niya na wala namang katuturan.Nang makababa sa Bayan ng San Pedro ay tuwang-tuwa na sinalubong nina Agnes at Gina ang dalaga. Nagulat pa si Anna nang makitang kasama rin ng mga ito si September."Anna!" sabay na wika ng dalawang babae. Kapagkuwan ay niyakap si Anna."Hello, kumusta kayo? Na-miss ko kayo ng sobra a." ani ni Anna."Heto, okay lang naman sana kung walang buntot nang buntot!" saad ni Gina na tinapunan pa ng masamang tingin si September."Woah. Wala akong kinalaman d'yan. By the way, how are you, Anna? Kumusta naman

    Huling Na-update : 2022-09-06
  • Still holding on   Chapter 12

    Sikat ng araw ang tumama sa mukha ni Anna na siyang ikinagising niya kinabukasan. Mabigat ang ulo na bumangon siya at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo. Makaraan ang ilang minuto ay lumabas siya ng silid at sinilip ang alaga niya sa silid nito.At dahil anong oras na siya nakatulog kagabi ay panay pa ang hikab niya at hindi niya maitatangging inaantok pa rin siya sa mga sandaling iyon. Dala ng antok ay hindi niya namalayan na ang kuwartong pinasokan niya ay hindi silid ni Paolo, kundi ng ama nito."What the fuck, Anna?!" Isang malakas at gulat na boses ang nagpagising sa inaantok niyang diwa.Kinusot-kusot niya ang mga mata at pilit na inaninag ang taong nakatayo hindi kalayuan sa harapan niya."Are you dreaming, Anna?! Shit! Bakit ka narito sa silid ko?" Sa pangalawang pagkakataon naging malinaw na lalo sa pandinig niya ang boses na iyon. Ang boses ni Brett, ang amo niya.Napako siya sa kinatatayuan nang makita ang amo na hubo't hubad. Madilim ang mukha nito at tila g

    Huling Na-update : 2022-09-07

Pinakabagong kabanata

  • Still holding on   Chapter 37

    Malungkot na pinagmasdan ni Anna ang silid na ilang buwan rin niyang inukupa. Inilibot niya ang paningin, mapait siyang napangiti sapagkat maraming alaala sa kaniya ang silid na ito. Pero gayunpaman ay wala siyang nararamdaman na paghihinayang sa pag-alis niyang ito. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan, para sa anak niya at para sa kanila ni Brett ang gagawin niyang ito. Dahil ito ang dapat nilang gawin, ang lumayo sa isa't isa nang sa gano'n ay malaman kung hanggang saan nga ba patungo ang lahat. Mahal niya si Brett, pero siya ay hanggang ngayon walang kasagutan kung mahal rin ba siya ng binata."Siguro naisip ng Panginoon na ilayo kami sa isa't isa ng tatay mo, anak, dahil hindi ito ang panahon para sa amin. Na hindi kami para sa isa't isa. Pero kumakapit pa rin ako sa Panginoon na dadating ang tamang oras na itatakda niya kami para mahalin ang sa isa't isa." Pagkausap ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya.Kung hindi man ito ang tamang panahon para mahalin si Brett ay maghihintay si

  • Still holding on   Chapter 36

    Araw ng libing ni Paolo, lahat ay emosyunal sapagka't huling araw na lang na makikita nila ang labi ng bata. Lahat ay nakatayo at nagkani-kaniyang pahid ng panyo sa mga matang walang tigil sa paglabas ng luha habang nagmi-misa ang Pari.Pagkatapos ng misa ay hinatid na sa huling hantongan ang bata. Sa isang private cemetery sa San Diego inihatid ang labi ni Paolo.Malungkot na nakatingin si Brett sa mukha ng anak. Kinakabisado niya ng maigi ang itsura ni Paolo dahil huling araw nalang niya na makikita ito. Dahil nakabukas ang coffin ay malaya niyang nahaplos ang pisngi ng bata, at hinalikan niya rin ito sa noo."Mami-miss kita, anak. Hinding-hindi kita malilimutan. Sana tulungan mo si Daddy na makaya ang lahat ng ito. Dahil sa totoo lang anak, parang gusto ko na rin sumuko..." Tumulo ang luha ni Brett habang nakatitig kay Paolo. "M-Mahal na mahal kita, anak." sambit pa niya.Nang hindi na niya makaya na makita si Paolo ay umatras siya at pumunta sa isang tabi at doon pinagpatuloy ang

  • Still holding on   Chapter 35

    Pagkapasok ni Brett sa loob ng kaniyang silid ay malakas niyang inihagis ang bote. Tumama iyon sa dingding at nabasag. Pati ang mga gamit sa loob ng kaniyang silid ay binalibag rin niya. At nang mapagod ay napaupo siya sa sahig habang nasasabunutan ang sariling buhok.Pagod na siyang masaktan, pagod na siyang maloko. Ang nalaman niya kanina ay isang kalokohan. Ang buong akala niya ay siya lang ang lalaki sa buhay ni Anna ngunit nagkamali yata siya. "Fuck!"Tumayo si Brett at pumasok sa loob ng banyo upang pumailalaim sa tubig ng sa ganoon ay maibsan ang init ng ulo niya. Habang nasa ganoon siyang sitwasyon ay napa-isip siya.Huling araw na ng lamay ng anak niya ngayon kaya hindi niya dapat sayangin ang pagkakataon na ito. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba siya. Nagulat pa ang ilang kasambahay nang makita siya. Marahil hindi inakala ng mga ito na lalabas rin siya mula sa pagkukulong sa silid niya.Pati si Bebang na nakasalubong niya ay nagtataka rin na napapatingin sa kaniya."Bebang

  • Still holding on   Chapter 34

    Isang mainit na hininga ang tumama sa leeg ni Anna na siyang ikinamulat niya ng mga mata. Naramdaman niyang may nakadagan sa kaniya mula sa likuran niya. Napasinghap siya sapagkat si Brett iyon at baka naipit na ang anak nila. Sa pag-aalala ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya ay dahan-dahan niyang tinapik ang braso ni Brett."B-Brett umalis ka riyan." aniya sa lalaki. Hindi niya malaman kung ilang oras ba siyang tulog at ilang oras na rin itong nakadagan sa kaniya. Mula sa pagkakadapa ay rinig niya ang pagpintig ng nasa sinapupunan niya."Brett!" Malakas na sigaw niya dahil sa taranta. Napamulat ng mga mata ang lalaki, at galit na umalis sa ibabaw niya. Muli itong nahiga ng patagilid at tinakpan ng unan ang buong mukha.Samantalang napapangiwi namang bumangon si Anna. Nanginginig ang buong katawan niya, at masakit rin ang balakang niya. Naupo siya sa kama at sinapo ang tiyan na umiiyak.Nag-aalala siya at baka napano na ang bata. Binalingan niya si Brett at galit itong tiningnan

  • Still holding on   Chapter 33

    Malungkot na nakatingin si Anna sa batang nakahiga sa loob ng kabaong. Ang bigat-bigat sa dibdib na isiping hindi na niya makikita pa kahit kailan ang pag-ngiti nito, ang marinig ang malambing nitong tinig, at higit sa lahat ang mayakap ito.Pinahid ni Anna ang mga luha na umaagos sa pisngi, kapagkuwan ay hinaplos niya ang salamin sa bandang mukha ni Paolo."S-Sayang at hindi mo na makikilala pa ang kapatid mo, Paolo..." malungkot niyang sambit.Alam ni Anna na malabong mangyari na tatanggapin ni Paolo ang kapatid nito na mula sa kaniya, pero hindi niya ipagkakait sa anak na ipakilala si Paolo bilang kapatid nito kahit hindi man ito tanggapin ng huli.Ngunit wala na si Paolo, at hindi na nito makikilala pa ang kapatid.Nasa ganoong senaryo si Anna nang bigla niyang marinig ang malakas na kalabog sa labas ng mansiyon dahilan upang siya'y mapakislot sa kinatatayuan niya. Mabilis niyang napahid ang mga luha at napa-ikot paharap sa entrada ng bahay kung saan tumatakbo ang ibang katulong p

  • Still holding on   Chapter 32

    Samantalang sinisikap naman ni Anna na kausapin si Brett, dinadalhan niya rin ito ng pagkain ngunit madalas na ibato ng binata sa kaniya ang mga pagkain na dinadala niya para sa binata. Mabuti na lang at naiilagan niya dahil kung hindi ay masasaktan siya ng pisikal. Minsan ay natatakot na rin siyang lumapit kay Brett dahil tila wala na itong kinikilala. Lahat na lang ng tao sa loob ng mansiyon ay ayaw nitong kausapin o makita. Katulad na lang ngayon, nakatayo si Anna sa labas ng pintoan ng kuwarto ni Brett bitbit ang tray na may pagkain, matagal na siyang naroon at panay ang paghugot-buga ng hangin dahil kinakabahan siyang pumasok sa loob. Hindi siya natatakot para sa sarili niya, kundi para sa batang nasa sinapupunan niya. Baka kasi sa galit ni Brett ay masaktan siya nito at madamay ang bata. Iyon ang kinakatakot ni Anna.Matapos ang ilang minuto na pagtayo ni Anna sa labas ng pinto ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para pihitin pabukas ang siradura.Nang mabuksan iy

  • Still holding on   Chapter 31

    Kung may mas masakit man ngayon sa nararamdaman ni Brett, iyon ay ang makita ang anak na nakahiga sa stretcher, duguan at halos wala ng buhay habang tinulak ito papasok sa loob ng Emergency room. Sa mga sandaling iyon ay wala sa sarili si Brett. Tulala, at halos hindi makahinga dahil pakiramdam niya ay punong-puno ang kaniyang dibdib, at anumang oras ay parang sasabog iyon.Natataranta siya at halos hindi na mapakali lalo na at nakikita niya ang dugo ng anak sa kaniyang damit at palad.Sinubukan niyang pumasok sa loob ng Emergency room, ngunit hinarang siya ng nurse. "Papasokin niyo ako ano ba?! Kailangan ako ng anak ko!" angil niya sa dalawang nurse na nakaharang sa pintoan. Masisiraraan siya ng bait kapag hindi niya makikita si Paolo."I'm so sorry, Sir. Pero bawal po kayo sa loob." wika ng nurse na bakas ang takot kay Brett."Damn it!"Nanghihinang napaupo si Brett sa sahig habang sapo ang kaniyang mukha. Hindi na ni Brett napigilan ang emosyon, bumuhos na iyon. Humagulhol siya ng

  • Still holding on   Chapter 30

    Matapos ang nangyari nakaraang gabi ay iniiwasan na ni Anna si Brett. May pagkakataon na nagkakasalubong sila sa loob ng mansiyon, ngunit hindi niya binibigyan ng kahit na sulyap ang binata.Katulad na lang ngayon, habang nasa hardin siya at nagdidilig ng halaman ay narito si Brett sa likuran niya. Nakatayo ang lalaki at nakapamewang ito. Hindi niya ito sinulyapan. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Araw kasi ng sabado ngayon, kaya walang pasok si Paolo. Pagkatapos ni Anna sa pagdidilig ay umikot siya paharap, at naglakad na parang hindi nakikita si Brett. Masama pa rin kasi ang loob niya sa lalaki at gustong-gusto niya isampal sa pagmumukha nito ang mga pinagsasabi nito nakaraang gabi.Si Brett naman ay malalim na napabuga ng hangin ng lagpasan siya ng dalaga. Nais niya itong maka-usap at humingi ng despensa sa mga nasabi niya kagabi. Napapikit ng mariin si Brett bago siya umikot at habulin si Anna."Anna, wait." wika niya sabay hablot sa braso ng dalaga. "I want to talk to you." Tumigil

  • Still holding on   Chapter 29

    Nakatingin si Brett sa dalagang walang malay. Nakahiga ito sa kama sa loob ng room nito, habang siya ay nakaupo naman sa tabi nito.Habang nakatitig sa maamong mukha ni Anna ay nasasaktan si Brett. Nasasaktan siya sapagka't nagawa niya itong saktan. Kung hindi niya sana pinakealaman ang dalaga ay hindi sana ito nasasaktan ngayon. Nais niyang kastiguhin ang sarili dahil ang lakas ng loob niyang magparamdam dito na may nararamdaman rin siya, ngunit hindi naman niya mapanindigan. Napabuntonghininga si Brett. Mahal niya si Anna, pero mahal niya rin ang kaniyang anak. Mas uunahin niya ang kasiyahan ng anak kaysa sa kasiyahan niya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Anna. Bata ka pa, at tiyak na makakahanap ka ng lalaking mas bagay sayo. I can't give the love you deserved. Hindi ako bagay sayo, Anna." bulong ni Brett habang titig na titig kay Anna."H-Hindi mo ako kailangang m-mahalin, Brett. H-Hayaan m-mo na lang akong m-mahalin ka." Biglang nagmulat ang mga mata ni Anna at nagsalubong ang mg

DMCA.com Protection Status