Unang araw sa trabaho ni Anna bilang nanny, kaya naman maaga siyang bumangon at naligo. Masigla ang bawat galaw niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang pa-apekto sa mga kasamahan sa loob ng mansion. Kung ayaw nila sa akin, bahala sila. Basta ako, kailangan ko ang trabahong ito! Aniya sa isipan.Matapos makaligo ay naghanap si Anna ng masusuot, pero akmang isusuot na niya ang damit nang pumasok sa loob ng silid na inuukupa nila si Bebang, ang mayordoma.Isang silid lang ang ginagamit nilang mga katulong, pero malaki iyon at malapad. May kani-kaniyang bed spaces. Maluwag pa sa kanilang lima. May sariling bathroom at kusina rin iyon. Kung iisipin ay hindi iyon ordinaryong silid lamang.Napatingin si Anna sa damit na inilapag ni Bebang sa ibabaw ng higaan niya. "Iyan ang uniporme mo." supladang sabi ni Bebang kay Anna.Pero gayunpaman ang pakitungo ni Bebang kay Anna ay hindi na lamang iyon iniisip pa ni Anna. Magalang siyang nagpasalamat sa mayordoma."Salamat po." aniya."Pagkatapos mo d'
Habang nasa biyahe pauwi ay panay ang pangungulit ni Paolo kay Anna na dumaan sila sa Kidzoona. Madaanan lamang nila iyon pauwi, pero hindi pumayag si Anna kahit na gusto niya sanang pagbigyan ang bata. Alam niyang nasa rules iyon ni Brett, at bawal iyon labagin.''Ate Anna, please...'' ulit na panunuyo ni Paolo. Sinadya nitong palambingin ang boses at sinabayan pa ng pagpapa-cute.Napabuntong-hininga si Anna, kapagkuwan ay ginulo ang buhok ni Paolo. Yumakap naman sa bewang niya ang bata. Ang driver naman ay panay ang sulyap sa kanila sa rearview mirror.''Magpaalam muna tayo sa daddy mo. At kung papayag siya, bukas na lang tayo pupunta sa Kidzoona.'' paliwanag ni Anna sa bata.''Okay...'' anang bata na tila hindi sang-ayon sa sinabi niya. ''Si mommy ko lagi niyang sinusunod ang gusto ko. Lagi kaming pumupunta sa Malls, especially sa Kidzoona.'' malungkot na sabi ni Paolo na ikinalingon ni Anna rito.Oo nga pala may mommy itong si Paolo pero bakit hindi ito nakikita ni Anna? Hindi ba
Malakas ang pagbuga ni Brett ng hangin nang makalabas ng silid si Anna. Napahawak siya sa sariling baba, at hinilot-hilot iyon. Nang hindi pa rin matanggal ang manhid no'n ay nag-utos na siyang magpadala ng yelo kay Bebang."Ano bang nangyari, hijo?" takang-tanong ni Bebang habang nakatingin ito sa binatang hindi maipinta ang mukha na naglalagay ng yelo sa baba nito."Nauntog lang ako sa isang matigas na bagay." walang ganang sagot ni Brett."Gano'n ba? Si Anna naglalagay rin ng yelo sa noo niya. Ewan ko kung ano'ng nangyari sa babaeng iyon. Malaki ang bukol sa noo e." sumbong ni Bebang.Ngumisi si Brett sa sinabi ng matanda.Mabuti nga sayo! Aniya sa isipan."You can leave now. Ako nang bahala rito." ma-awtoridad na utos niya kay Bebang.Sa sinabi niya ay tumango si Bebang at lumabas ng silid. Wala pang ilang segundo nang lumabas ang mayordoma ay pumasok naman ang anak niyang si Paolo."Dad..." anito."Hmm...something wrong?"Nakitaan niya ng pag-aalinlangan ang itsura ng anak kaya p
Nagpaalam si Anna kay Brett kinabukasan na magda-day-off siya. Gustong sumama ni Paolo sa dalaga pero hindi iyon pinayagan ng ama nito. Umiyak pa ang bata nang umalis si Anna at sumakay ng kotse na maghahatid sa kan'ya sa San Pedro.Hindi alam ni Anna kung namalikmata ba siya nang makita ang reaksyon ng mukha ni Brett na para bang hindi na siya babalik sa mansion nito nang pasakay na siya sa kotse. Umiling na lang ang dalaga dahil kung anu-ano ang napapansin niya na wala namang katuturan.Nang makababa sa Bayan ng San Pedro ay tuwang-tuwa na sinalubong nina Agnes at Gina ang dalaga. Nagulat pa si Anna nang makitang kasama rin ng mga ito si September."Anna!" sabay na wika ng dalawang babae. Kapagkuwan ay niyakap si Anna."Hello, kumusta kayo? Na-miss ko kayo ng sobra a." ani ni Anna."Heto, okay lang naman sana kung walang buntot nang buntot!" saad ni Gina na tinapunan pa ng masamang tingin si September."Woah. Wala akong kinalaman d'yan. By the way, how are you, Anna? Kumusta naman
Sikat ng araw ang tumama sa mukha ni Anna na siyang ikinagising niya kinabukasan. Mabigat ang ulo na bumangon siya at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo. Makaraan ang ilang minuto ay lumabas siya ng silid at sinilip ang alaga niya sa silid nito.At dahil anong oras na siya nakatulog kagabi ay panay pa ang hikab niya at hindi niya maitatangging inaantok pa rin siya sa mga sandaling iyon. Dala ng antok ay hindi niya namalayan na ang kuwartong pinasokan niya ay hindi silid ni Paolo, kundi ng ama nito."What the fuck, Anna?!" Isang malakas at gulat na boses ang nagpagising sa inaantok niyang diwa.Kinusot-kusot niya ang mga mata at pilit na inaninag ang taong nakatayo hindi kalayuan sa harapan niya."Are you dreaming, Anna?! Shit! Bakit ka narito sa silid ko?" Sa pangalawang pagkakataon naging malinaw na lalo sa pandinig niya ang boses na iyon. Ang boses ni Brett, ang amo niya.Napako siya sa kinatatayuan nang makita ang amo na hubo't hubad. Madilim ang mukha nito at tila g
"Kumusta ang pakiramdam mo, Anna?" tanong ni Bebang sa dalaga na tila wala sa sarili nito.Mula sa pagkakayuko ay umangat ng tingin si Anna. "M-maayos naman po ako," aniya."Mabuti naman kung gano'n." Tumayo si Bebang at naglakad palabas ng kitchen. Samantalang naiwan naman roon si Anna na tila wala pa rin sa sarili ng sandaling iyon.Hindi mawala-wala sa isipan niya ang nangyari sa kanila ng amo kahapon. Yes, kahapon pa iyon nangyari pero pakiramdam niya ay ngayon lang dahil hanggang ngayon ay parang naroon pa rin sa pagkababae niya ang daliri ng binata."Kaloka! Maloloka na ako neto!" wika niya sabay sabunot sa sariling buhok."Oh, bakit, Anna? Nadulas ka lang naging baliw ka na," laking gulat pa ni Anna nang muling magsalita si Bebang. Napatuwid siya ng upo sa silya. Ang akala niya ay umalis na ang mayordoma kaya laking gulat niya nang magsalita ito. Naalala niya ang sinabi nito. Gusto niya pang matawa sa ginawang dahilan ni Brett, na nadulas raw siya. Naku, kung alam lang ni Beba
Isang linggo na ang nakakaraan mula nang makalabas ng Hospital si Anna. Matapos ang nangyari sa kanila ng amo ay naging mailap ito sa kaniya. Gusto sanang maka-usap ni Anna si Brett tungkol sa nangyari sa kanila, pero madalas ng gabi umuwi ang amo niya. Kaya hindi siya makakuha ng tamang tyempo para maka-usap ito.Wala namang nakapa na pagsisisi si Anna na isinuko niya ang sarili kay Brett, pero ang ikinabahala niya ay may asawa itong tao at kasalanan iyong ginawa nila dahil nagtaksil ito sa asawa nito. At iyon ay hindi kaya ng konsensya ni Anna. Tahimik lang naman ang mga kasambahay sa mansiyon na ito pero alam ni Anna na may alam ang mga ito sa nangyari sa kanila ng amo, lalo na ang mayordomang si Bebang. Kaya madalas ay nahihiya siyang makipag-usap rito. Alam niya rin na pinag-uusapan siya ng mga kasamahan niya kaya nga lalo siyang naiilang.Naisip ni Anna na umalis na lang dito sa mansiyon matapos ang nangyari sa kanila ni Brett, kaya madalas niya itong inaabangan sa gabi sa pag-
Kahit gustuhin man na umalis ni Anna sa mansiyon ay hindi niya magawa dahil sa naging usapan nila ni Brett nang isang araw. Kaya si Anna, ay pinagpatuloy na lang ang trabaho bilang nanny ni Paolo."Anna," napalingon si Anna kay Bebang. Kasalukuyan siyang naghahanda ng almusal ng alaga niya dahil papasok sila ngayon sa School."Po?" ani niya.Napansin ni Anna ang reaksyon sa mukha ni Bebang na para bang may gusto itong sabihin na hindi masabi."May sasabihin po ba kayo, Aling Bebang?" untag pa niya sa matanda.Tumikhim si Bebang at napabuntonghininga pagkatapos."Pasensya ka na kung hindi naging maayos ang pakitungo ko sayo simula ng dumating ka dito sa mansiyon. Pero alam ko naman na mabait kang bata at hindi ka katulad ng mga naging nanny ni Paolo na imbes trabaho ang atupagin ay inuna pang landiin ang amo." Napalunok si Anna sa sinabi ni Bebang.Hindi ba't gano'n rin ang ginawa niya? Hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng amo niya? In short, lumandi rin siya. Nahihiyang napayuko
Malungkot na pinagmasdan ni Anna ang silid na ilang buwan rin niyang inukupa. Inilibot niya ang paningin, mapait siyang napangiti sapagkat maraming alaala sa kaniya ang silid na ito. Pero gayunpaman ay wala siyang nararamdaman na paghihinayang sa pag-alis niyang ito. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan, para sa anak niya at para sa kanila ni Brett ang gagawin niyang ito. Dahil ito ang dapat nilang gawin, ang lumayo sa isa't isa nang sa gano'n ay malaman kung hanggang saan nga ba patungo ang lahat. Mahal niya si Brett, pero siya ay hanggang ngayon walang kasagutan kung mahal rin ba siya ng binata."Siguro naisip ng Panginoon na ilayo kami sa isa't isa ng tatay mo, anak, dahil hindi ito ang panahon para sa amin. Na hindi kami para sa isa't isa. Pero kumakapit pa rin ako sa Panginoon na dadating ang tamang oras na itatakda niya kami para mahalin ang sa isa't isa." Pagkausap ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya.Kung hindi man ito ang tamang panahon para mahalin si Brett ay maghihintay si
Araw ng libing ni Paolo, lahat ay emosyunal sapagka't huling araw na lang na makikita nila ang labi ng bata. Lahat ay nakatayo at nagkani-kaniyang pahid ng panyo sa mga matang walang tigil sa paglabas ng luha habang nagmi-misa ang Pari.Pagkatapos ng misa ay hinatid na sa huling hantongan ang bata. Sa isang private cemetery sa San Diego inihatid ang labi ni Paolo.Malungkot na nakatingin si Brett sa mukha ng anak. Kinakabisado niya ng maigi ang itsura ni Paolo dahil huling araw nalang niya na makikita ito. Dahil nakabukas ang coffin ay malaya niyang nahaplos ang pisngi ng bata, at hinalikan niya rin ito sa noo."Mami-miss kita, anak. Hinding-hindi kita malilimutan. Sana tulungan mo si Daddy na makaya ang lahat ng ito. Dahil sa totoo lang anak, parang gusto ko na rin sumuko..." Tumulo ang luha ni Brett habang nakatitig kay Paolo. "M-Mahal na mahal kita, anak." sambit pa niya.Nang hindi na niya makaya na makita si Paolo ay umatras siya at pumunta sa isang tabi at doon pinagpatuloy ang
Pagkapasok ni Brett sa loob ng kaniyang silid ay malakas niyang inihagis ang bote. Tumama iyon sa dingding at nabasag. Pati ang mga gamit sa loob ng kaniyang silid ay binalibag rin niya. At nang mapagod ay napaupo siya sa sahig habang nasasabunutan ang sariling buhok.Pagod na siyang masaktan, pagod na siyang maloko. Ang nalaman niya kanina ay isang kalokohan. Ang buong akala niya ay siya lang ang lalaki sa buhay ni Anna ngunit nagkamali yata siya. "Fuck!"Tumayo si Brett at pumasok sa loob ng banyo upang pumailalaim sa tubig ng sa ganoon ay maibsan ang init ng ulo niya. Habang nasa ganoon siyang sitwasyon ay napa-isip siya.Huling araw na ng lamay ng anak niya ngayon kaya hindi niya dapat sayangin ang pagkakataon na ito. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba siya. Nagulat pa ang ilang kasambahay nang makita siya. Marahil hindi inakala ng mga ito na lalabas rin siya mula sa pagkukulong sa silid niya.Pati si Bebang na nakasalubong niya ay nagtataka rin na napapatingin sa kaniya."Bebang
Isang mainit na hininga ang tumama sa leeg ni Anna na siyang ikinamulat niya ng mga mata. Naramdaman niyang may nakadagan sa kaniya mula sa likuran niya. Napasinghap siya sapagkat si Brett iyon at baka naipit na ang anak nila. Sa pag-aalala ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya ay dahan-dahan niyang tinapik ang braso ni Brett."B-Brett umalis ka riyan." aniya sa lalaki. Hindi niya malaman kung ilang oras ba siyang tulog at ilang oras na rin itong nakadagan sa kaniya. Mula sa pagkakadapa ay rinig niya ang pagpintig ng nasa sinapupunan niya."Brett!" Malakas na sigaw niya dahil sa taranta. Napamulat ng mga mata ang lalaki, at galit na umalis sa ibabaw niya. Muli itong nahiga ng patagilid at tinakpan ng unan ang buong mukha.Samantalang napapangiwi namang bumangon si Anna. Nanginginig ang buong katawan niya, at masakit rin ang balakang niya. Naupo siya sa kama at sinapo ang tiyan na umiiyak.Nag-aalala siya at baka napano na ang bata. Binalingan niya si Brett at galit itong tiningnan
Malungkot na nakatingin si Anna sa batang nakahiga sa loob ng kabaong. Ang bigat-bigat sa dibdib na isiping hindi na niya makikita pa kahit kailan ang pag-ngiti nito, ang marinig ang malambing nitong tinig, at higit sa lahat ang mayakap ito.Pinahid ni Anna ang mga luha na umaagos sa pisngi, kapagkuwan ay hinaplos niya ang salamin sa bandang mukha ni Paolo."S-Sayang at hindi mo na makikilala pa ang kapatid mo, Paolo..." malungkot niyang sambit.Alam ni Anna na malabong mangyari na tatanggapin ni Paolo ang kapatid nito na mula sa kaniya, pero hindi niya ipagkakait sa anak na ipakilala si Paolo bilang kapatid nito kahit hindi man ito tanggapin ng huli.Ngunit wala na si Paolo, at hindi na nito makikilala pa ang kapatid.Nasa ganoong senaryo si Anna nang bigla niyang marinig ang malakas na kalabog sa labas ng mansiyon dahilan upang siya'y mapakislot sa kinatatayuan niya. Mabilis niyang napahid ang mga luha at napa-ikot paharap sa entrada ng bahay kung saan tumatakbo ang ibang katulong p
Samantalang sinisikap naman ni Anna na kausapin si Brett, dinadalhan niya rin ito ng pagkain ngunit madalas na ibato ng binata sa kaniya ang mga pagkain na dinadala niya para sa binata. Mabuti na lang at naiilagan niya dahil kung hindi ay masasaktan siya ng pisikal. Minsan ay natatakot na rin siyang lumapit kay Brett dahil tila wala na itong kinikilala. Lahat na lang ng tao sa loob ng mansiyon ay ayaw nitong kausapin o makita. Katulad na lang ngayon, nakatayo si Anna sa labas ng pintoan ng kuwarto ni Brett bitbit ang tray na may pagkain, matagal na siyang naroon at panay ang paghugot-buga ng hangin dahil kinakabahan siyang pumasok sa loob. Hindi siya natatakot para sa sarili niya, kundi para sa batang nasa sinapupunan niya. Baka kasi sa galit ni Brett ay masaktan siya nito at madamay ang bata. Iyon ang kinakatakot ni Anna.Matapos ang ilang minuto na pagtayo ni Anna sa labas ng pinto ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para pihitin pabukas ang siradura.Nang mabuksan iy
Kung may mas masakit man ngayon sa nararamdaman ni Brett, iyon ay ang makita ang anak na nakahiga sa stretcher, duguan at halos wala ng buhay habang tinulak ito papasok sa loob ng Emergency room. Sa mga sandaling iyon ay wala sa sarili si Brett. Tulala, at halos hindi makahinga dahil pakiramdam niya ay punong-puno ang kaniyang dibdib, at anumang oras ay parang sasabog iyon.Natataranta siya at halos hindi na mapakali lalo na at nakikita niya ang dugo ng anak sa kaniyang damit at palad.Sinubukan niyang pumasok sa loob ng Emergency room, ngunit hinarang siya ng nurse. "Papasokin niyo ako ano ba?! Kailangan ako ng anak ko!" angil niya sa dalawang nurse na nakaharang sa pintoan. Masisiraraan siya ng bait kapag hindi niya makikita si Paolo."I'm so sorry, Sir. Pero bawal po kayo sa loob." wika ng nurse na bakas ang takot kay Brett."Damn it!"Nanghihinang napaupo si Brett sa sahig habang sapo ang kaniyang mukha. Hindi na ni Brett napigilan ang emosyon, bumuhos na iyon. Humagulhol siya ng
Matapos ang nangyari nakaraang gabi ay iniiwasan na ni Anna si Brett. May pagkakataon na nagkakasalubong sila sa loob ng mansiyon, ngunit hindi niya binibigyan ng kahit na sulyap ang binata.Katulad na lang ngayon, habang nasa hardin siya at nagdidilig ng halaman ay narito si Brett sa likuran niya. Nakatayo ang lalaki at nakapamewang ito. Hindi niya ito sinulyapan. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Araw kasi ng sabado ngayon, kaya walang pasok si Paolo. Pagkatapos ni Anna sa pagdidilig ay umikot siya paharap, at naglakad na parang hindi nakikita si Brett. Masama pa rin kasi ang loob niya sa lalaki at gustong-gusto niya isampal sa pagmumukha nito ang mga pinagsasabi nito nakaraang gabi.Si Brett naman ay malalim na napabuga ng hangin ng lagpasan siya ng dalaga. Nais niya itong maka-usap at humingi ng despensa sa mga nasabi niya kagabi. Napapikit ng mariin si Brett bago siya umikot at habulin si Anna."Anna, wait." wika niya sabay hablot sa braso ng dalaga. "I want to talk to you." Tumigil
Nakatingin si Brett sa dalagang walang malay. Nakahiga ito sa kama sa loob ng room nito, habang siya ay nakaupo naman sa tabi nito.Habang nakatitig sa maamong mukha ni Anna ay nasasaktan si Brett. Nasasaktan siya sapagka't nagawa niya itong saktan. Kung hindi niya sana pinakealaman ang dalaga ay hindi sana ito nasasaktan ngayon. Nais niyang kastiguhin ang sarili dahil ang lakas ng loob niyang magparamdam dito na may nararamdaman rin siya, ngunit hindi naman niya mapanindigan. Napabuntonghininga si Brett. Mahal niya si Anna, pero mahal niya rin ang kaniyang anak. Mas uunahin niya ang kasiyahan ng anak kaysa sa kasiyahan niya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Anna. Bata ka pa, at tiyak na makakahanap ka ng lalaking mas bagay sayo. I can't give the love you deserved. Hindi ako bagay sayo, Anna." bulong ni Brett habang titig na titig kay Anna."H-Hindi mo ako kailangang m-mahalin, Brett. H-Hayaan m-mo na lang akong m-mahalin ka." Biglang nagmulat ang mga mata ni Anna at nagsalubong ang mg