Nahihiya man ay nilakasan na lang ni Anna ang loob upang kausapin si Aling Agnes kinabukasan. Ang buong akala ng dalaga ay magtatampo sa kan'ya ang Ginang, pero laking gulat niya nang matuwa pa ito sa kan'yang sinabi.
"Talaga, Anna? Sa Valle Interprises ka pupunta ngayon?" tila excited na tanong ni Aling Agnes. Hindi maalis ang tuwa sa mukha ng Ginang. Kilala kasi nito kung gaano kayaman ang opisinang pupuntahan ni Anna."Opo, manang." tipid na sagot ni Anna habang sinusukbit sa balikat ang bag. Nakasuot lamang siya ng skinny jeans at simpleng blouse na kulay green.At flat shoes naman ang sapin niya sa paa. Hinayaang nakalugay ang basa pang buhok na hanggang balikat ang haba.''Naku, Anna, baka iyan na ang suwerte mo! Huwag kang mag-alala, nandito lang kami ni Gina naka-support sayo!'' wika ni Agnes sabay baling nito kay Gina na mababakas rin ang tuwa sa mukha, '''diba, Gina?'' anito. Mabilis namang tumango ang kaibigan.Ngumiti si Anna sa dalawang tao na itinuring na niyang pamilya. Kapagkuwan ay nagpaalam siya sa mga ito. Mag-a-alas-otso palang ng umaga, sinadya niyang agahan ang pag-alis upang hindi siya ma-late kahit na wala namang oras na binigay si Brett sa kan'ya, kung anong oras siya puwedeng pumunta sa opisina nito.Sumakay ng Dyip si Anna, kahit siksikan ay pinilit niyang i-upo ang sarili kaysa naman maghintay pa siya ng matagal dahil madalas punuan ang Dyip na dumadaan sa lugar na iyon. Pagkababa niya sa bayan ng San Diego ay agad niyang nakita ang nagsisilakihang gusali. Kilala ang bayan ng San Diego na isang mayamang lugar sa kanila. Kapag may taong nanggaling sa bayan na iyon at umuwi sa kanilang bayan sa San Pedro ay iisipin ng lahat na mayaman ang taong iyon. Sinasabi rin ng ilan na kapag umapak ka sa San Diego ay magbabago ang buhay mo, iyon ay kung papalarin kang makahanap ng trabaho sa nasabing lugar, dahil marami rin ang haka-haka na pinipili lang ang binibigyan ng trabaho sa nasambit na lugar. Dahil madalas ay ang may mataas lang na pinag-aralan ang tinutuunan ng pansin.Nang mahanap ni Anna ang gusaling pakay ay agad siyang namangha. Napakalaki at napakataas ng gusaling iyon. Hindi na magtataka si Anna kung bakit maraming nangarap sa bayan nila na makapasok sa malaking gusaling ito. Sa labas palang ay kakabahan ka na at tila nakakabahalang i-apak ang mga paa sa malinis at makinis na sementong apakan.''Ang ganda...'' bulong ng dalaga sa sarili. Nang akmang papasok siya sa loob ay mabilis siyang hinarang ng isang naka-unipormeng lalaki. Sa tingin ni Anna ay isang sekyu ang lalaki.''Hep. Anong sadya mo, Miss? May appointment ka ba sa loob? Hindi kami basta-basta nagpapasok ng tao dito.'' wika ng lalaki.Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Anna, saka tumikhim bago sumagot.''Uhm---ano kasi, pinapapunta ako ni Brett,'' Kinuha ni Anna ang maliit na papel na binigay sa kan'ya ng binata nakaraang gabi, at pinakita iyon sa sekyu, ''heto po oh.''''Sandali lang, Miss.'' umalis ang sekyu at pumasok ito sa loob. Nakita ni Anna na patungo ito sa counter at nang nandoon na ito ay may tinawagan iyon sa telepono. Nang muli itong lumabas ay pinaanyayahan siyang pumasok sa loob. Isang magandang babae na nakasimangot ang sumalubong sa kan'ya.''Halika na!'' supladang sabi nito sa kan'ya.Maganda nga, m*****a naman...Bulong ni Anna sa isipan habang tahimik na nakasunod sa likuran ng babae. Nang makasakay sila sa elevator ay muling nagsalita ang babae na nakataas pa ang kilay.''Mag-a-apply ka ng trabaho?'' sabay tingin nito sa kan'ya mula ulo hanggang paa.''Opo, Ma'am.'' nginitian ito ni Anna kahit na lukot ang mukha ng babae.''What kind of work? Natitiyak kong hindi sekretarya ang pag-a-apply-an mo dahil ako lang ang nag-iisang sekretarya ni Brett.'' maarteng sabi nito kay Anna.Tuwid ang mga matang sinagot ni Anna ang dalaga na hindi niya alam kung bakit ito naiinis sa kan'ya.Baka pinaglihi siya sa sama ng loob ng nanay niya.''Yaya po, Ma'am.'' nakangiti pa ring sagot niya sa babae.''Oh! Yaya lang pala.'' tila natuwa ito sa isinagot niya at napangisi pa ito. Nang bumukas ang elevator ay naunang lumabas ang babae. At katulad kanina, tahimik itong sinundan ni Anna. Hanggang sa tumigil ang babae sa isang pinto na may nakalagay na 'CEO's Office'. Nagsalita ang babae sa intercom, at nang bumukas ang pinto ng silid ay inanunsyuhan siyang pumasok sa loob. Pero bago pa man tuluyang nakapasok si Anna ay may pahabol na sinabi ang babae sa kan'ya."By the way, Miss whoever you are,'' napatigil sa hakbang si Anna at napalingon sa babae, ''bagay sayo ang trabahong papasukan mo. Yaya.'' pagkasabi no'n ay tinalikuran siya ng babae. Naiwan siyang iiling-iling na lang.''Hindi ka pa ba papasok? My time is running.'' Muntik ng mapalundag si Anna nang marinig ang baritonong boses na iyon.Sa kan'yang paglingon ay si Brett na nakasandal sa pader ang nakita niya. Agad nilukob ng kaba ang kan'yang dibdib lalo na nang bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi ng binata. Muli ay naalala niya ang paghalik nito sa kan'ya noon.''Staring at my lips is a crime, Anna.''Sa sinabing iyon ni Brett ay natauhan si Anna. Hiyang-hiya siyang napayuko. Iminuwestra siya ng binata na umupo sa couch kaharap ng mesa nito na agad naman niyang sinunod.''Isa lang ang ibig sabihin kung bakit ka narito ngayon, Anna. Tinatanggap mo na ang alok ko, right?'' seryusong untag ni Brett sa dalaga na wala nang ginawa kundi ang yumuko at itago ang namumulang pisnge dahil nahuli niya itong titig na titig sa kan'yang labi.Nag-angat ng ulo ang dalaga at sinalubong ang tingin niya. ''Maari ko po bang malaman kung magkano po ang sasahurin ko bilang yaya?'' nahihiya man ay nilakasan na ni Anna ang loob. Wala siyang pakialam kung magmukha siyang pera. Unang-una sa lahat ay karapatan niyang malaman iyon dahil may paggagamitan siya sa perang kikitain niya bilang yaya.''Thirty thousand per month. Maliban d'yan ay may allowances pa akong ibibigay sayo na Ten thousand, bukod iyon sa sasahurin mo as a nanny. At wala kang ibang gagawin kundi ang alagaan lang ang anak ko.'' pormal na sagot ni Brett sa dalaga.Thirty thousand? with allowance? Susme, saan ko pupulutin iyon? Ang laki!Nanlalaki ang mga mata ni Anna sa presyo ni Brett. Siguradong makakaipon siya at makakapag-aral ulit. Sa wakas ay matutupad na ang pangarap niya. Walang pag-aatubiling tinanggap niya kaagad ang trabahong alok ng binata.''First, you need to sign the contract,'' may inilapag itong papel sa ibabaw ng mesa, ''Here. Read it carefully then put your signature here.'' wika ni Brett kay Anna na tinuturo sa dalaga kung saan ito pipirma. May isang papel pa itong inilapag, ang bio-data.Mabilis namang sinunod ni Anna ang utos ni Brett. Nang matapos niyang gawin ang pinapagawa nito ay ibinalik niya sa binata ang papel.''Tapos na po, Sir!'' mababakas ang sigla sa kan'yang tinig. Hindi rin maalis ang ngiti sa kan'yang labi.Tumango si Brett at kinuha ang papel, ''Bukas ka na mag-uumpisa. Now, go home and pack your things dahil ipapasundo kita sa driver ko bukas.'' may pinalidad na utos ni Brett, ''I have meeting after this.'' dagdag pa ng binata.''Salamat po, Sir Brett. Mauuna na po ako.'' paalam ni Anna sa binata nang siya'y makatayo. Tumango lang ang binata at tinuro sa kan'ya ang pinto. Hindi na ito muling nagsalita pa, abala na ito sa hawak na papeles.Masaya si Anna na lumabas sa silid na iyon. Nabibilisan siya sa mga pangyayari dahil bukas na kaagad siya mag-uupisa sa trabaho. Pero wala siyang magagawa dahil iyon ang sabi ng kan'yang magiging amo. Nakasalubong niya ang sekretarya ng amo, as usual nakasimangot na naman ito sa kan'ya. Pero wala siyang balak na bigyan ng pansin ang babae na pasan na yata ang daigdig, dahil wala naman siyang balak na sirain ang kasayahan niya ngayong araw.Nabigyan siya ng trabaho na walang kahirap-hirap, ni hindi nga siya nag-apply.Hanggang sa makalabas ng gusaling iyon si Anna ay dala-dala niya ang mga ngiti sa labi, hindi na yata iyon matatanggal. Aminado siyang maliban sa malaking suweldo ay natutuwa rin ang puso niya na makasama sa iisang bahay si Brett. At kung bakit, ay hindi niya rin alam.Nang makalabas si Anna sa opisina ni Brett ay noon na lamang guminhawa ang binata. Hindi niya maintindihan kung bakit gan'on ng presinsya ng dalaga sa kan'ya. Siguro hindi lang siya sanay na may babae sa kan'yang silid. Ang sekretarya lang niyang si Wena ang babaeng nakakapasok sa opisina niya at ang mommy niya. Maliban roon ay wala na. Hindi rin niya ugaling mag-interview ng aplikante dahil ang gumagawa no'n ay si Wena. At sa ibang silid ini-interview ang sinumang nag-a-apply ng trabaho, hindi sa mismong opisina niya.Not in his office!Pero dahil siya ang nag-alok ng trabaho kay Anna ay mas ginusto niyang siya ang kumausap sa dalaga. Dahil sa kagustuhan ng anak niyang si paolo na maging yaya ang babaeng iyon ay pinagbigyan niya ito para matapos na rin ang pangungulit ng kan'yang anak.Bumukas ang pintoan ng silid niya at pumasok doon si Wena na nakangiti ng matamis sa kan'ya.''Hi, boss. Kumain ka na ba?'' malambing na tanong ng babae. Hindi manhid si Brett para hindi maramdamang may gusto sa kan'ya ang dalaga. Isa pa ay sinasadya nitong iparamdam iyon sa kan'ya. Tipid niya itong sinagot. Sanay na rin siya sa pagpapa-cute ni Wena.''Nope.'' tipid niyang tugon habang binabasa ang bio-data ni Anna.So, nag-iisa na lang siya ngayon sa buhay. Single.''Let's have lunch outside, my treat.'' suhestiyon ni Wena.''I have lots of work to do, Wena, so ikaw na lang.'' seryusong sagot niya sa dalaga na hindi ito binibigyan ng tingin. Abala pa rin siya sa bio-data ni Anna.Umismid naman sa isang tabi si Wena. Hindi lang isang beses siyang tinanggihan ni Brett, maraming beses na at naiinis na siya!Napakahirap naman kasing suyuin ang binata. Pag siya'y hindi nakapagpigil ay maghuhubad na talaga siya sa harapan nito!Tignan lang natin kung hindi ka tatayuan Brett!Inis na wika ng dalaga sa isipan nito."What about dinner, Boss?'' hindi sumusukong alok ni Wena sa binata."Are you asking me a date, Wena?'' binitawan ni Brett ang hawak na papel at seryusong tinignan si Wena. Nakita niyang ngumiti ito na ubod ng tamis. Alam ni Brett na hindi susuko ang dalaga sa panunuyo sa kan'ya. Kung hindi lamang niya ito sekretarya ay matagal na niya itong tinanggal sa trabaho. Pero hindi niya rin siguro iyon magagawa dahil si Wena lang ang tumagal na sekretarya niya. At ito lang ang may malawak na pagiintindi sa ugali niya pagdating sa mga empleyado niya sa trabaho. Ang ilan kasi ay sinasabing wala siyang puso bilang boss dahil kapag may tauhan siyang hindi niya nagustuhan o may palpak na ginawa ay agad niya pinapalitan.Iyon ang paraan niya upang hindi na ma-i-stress. Bakit pa siya magti-tiyaga sa isang tao kung paulit-ulit namang gumagawa ng kapalpakan? Isa o dalawang chansa na ibigay niya ay tama na, ang paabutin pa ng tatlong beses? Fucking no!Hindi pa naman siya yata gano'n kasamang tao dahil bago siya nagtatanggal ng tauhan ay binibigyan pa naman niya ito ng chance upang baguhin ang pagkakamali ng mga ito. Pero sadyang may mga matitigas din ang ulo at tila hindi sineseryuso ang warning niya, kaya ayon. Sako."Why not? Sino ba namang babae ang hindi gugustuhing maka-date ang katulad mo, Brett?'' Umiikot si Wena sa likuran ng upuan ni Brett at hinaplos ang balikat ng binata. Kapagkuwan ay yumuko ito at bumulong sa may tenga ni Brett, ''you're a drop dead gorgeous man, Brett, so huwag ka ng magtaka.'' malambing na sabi ni Wena na may halong pang-aakit.Pero hindi natinag si Brett sa pang-aakit ng dalaga. He stood up and faced Wena behind him. He smirked.''Thanks for the compliment, Wena. But I don't like dating.'' Lumaglag ang balikat ni Wena sa isinagot ni Brett, ''now, if you're nothing left to say, leave my room. Bago ko pa makalimutang sekretarya kita, ikaw rin maraming may gusto sa puwesto mo.'' malamig na sabi niya sa dalaga na ikinaputla ng mukha nito.Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang hawakan siya. Tanging si Carol lamang ang may karapatang gawin iyon.Not Wena, nor any woman—except his mom.Nasundan na lamang ni Brett ng tingin ang papalabas sa silid na si Wena.Finally, natakot rin ang dalaga. Iyon ang kahinaan nito, ang matanggal sa trabaho.Pagka-uwi palang ni Anna galing ng San Diego ay agad niyang inaayos at niligpit ang mga gamit na dadalhin niya kinabukasan. Nang araw na iyon ay hindi nagbukas ang Agne's Batchoyan. Ikinagulat pa niya iyon pero pinaliwanag sa kan'ya ni Gina kung bakit. Gusto raw kasi ni Aling Agnes na ang buong araw na iyon ay para sa kan'ya, gusto ng mga ito na mag-bonding sila. Kaya naman matapos ang pag-aayos niya ng mga gamit ay inaya siyang pumunta ng Plaza para mag-picnic, dala ang iba't ibang putahe na pinaluto pa ni Aling Agnes sa kusinero nila.Hindi matatawaran ang saya na nadarama ni Anna sapagkat ngayon niya lang naranasan ang pahalagahan ng isang tao. At kina Gina at Aling Agnes lamang niya iyon naranasan. Kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa mga ito.''Basta, Anna, huwag mo kaming kalimutang i-invite sa kasal mo ha?'' si Gina iyon na sumusubo pa ng barbeque.Maang na napatingin siya sa kaibigan."Ha? A-anong kasal?'' kunot ang noong tanong niya kay Gina.Tumawa pa si Gina bago siya
Unang araw sa trabaho ni Anna bilang nanny, kaya naman maaga siyang bumangon at naligo. Masigla ang bawat galaw niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang pa-apekto sa mga kasamahan sa loob ng mansion. Kung ayaw nila sa akin, bahala sila. Basta ako, kailangan ko ang trabahong ito! Aniya sa isipan.Matapos makaligo ay naghanap si Anna ng masusuot, pero akmang isusuot na niya ang damit nang pumasok sa loob ng silid na inuukupa nila si Bebang, ang mayordoma.Isang silid lang ang ginagamit nilang mga katulong, pero malaki iyon at malapad. May kani-kaniyang bed spaces. Maluwag pa sa kanilang lima. May sariling bathroom at kusina rin iyon. Kung iisipin ay hindi iyon ordinaryong silid lamang.Napatingin si Anna sa damit na inilapag ni Bebang sa ibabaw ng higaan niya. "Iyan ang uniporme mo." supladang sabi ni Bebang kay Anna.Pero gayunpaman ang pakitungo ni Bebang kay Anna ay hindi na lamang iyon iniisip pa ni Anna. Magalang siyang nagpasalamat sa mayordoma."Salamat po." aniya."Pagkatapos mo d'
Habang nasa biyahe pauwi ay panay ang pangungulit ni Paolo kay Anna na dumaan sila sa Kidzoona. Madaanan lamang nila iyon pauwi, pero hindi pumayag si Anna kahit na gusto niya sanang pagbigyan ang bata. Alam niyang nasa rules iyon ni Brett, at bawal iyon labagin.''Ate Anna, please...'' ulit na panunuyo ni Paolo. Sinadya nitong palambingin ang boses at sinabayan pa ng pagpapa-cute.Napabuntong-hininga si Anna, kapagkuwan ay ginulo ang buhok ni Paolo. Yumakap naman sa bewang niya ang bata. Ang driver naman ay panay ang sulyap sa kanila sa rearview mirror.''Magpaalam muna tayo sa daddy mo. At kung papayag siya, bukas na lang tayo pupunta sa Kidzoona.'' paliwanag ni Anna sa bata.''Okay...'' anang bata na tila hindi sang-ayon sa sinabi niya. ''Si mommy ko lagi niyang sinusunod ang gusto ko. Lagi kaming pumupunta sa Malls, especially sa Kidzoona.'' malungkot na sabi ni Paolo na ikinalingon ni Anna rito.Oo nga pala may mommy itong si Paolo pero bakit hindi ito nakikita ni Anna? Hindi ba
Malakas ang pagbuga ni Brett ng hangin nang makalabas ng silid si Anna. Napahawak siya sa sariling baba, at hinilot-hilot iyon. Nang hindi pa rin matanggal ang manhid no'n ay nag-utos na siyang magpadala ng yelo kay Bebang."Ano bang nangyari, hijo?" takang-tanong ni Bebang habang nakatingin ito sa binatang hindi maipinta ang mukha na naglalagay ng yelo sa baba nito."Nauntog lang ako sa isang matigas na bagay." walang ganang sagot ni Brett."Gano'n ba? Si Anna naglalagay rin ng yelo sa noo niya. Ewan ko kung ano'ng nangyari sa babaeng iyon. Malaki ang bukol sa noo e." sumbong ni Bebang.Ngumisi si Brett sa sinabi ng matanda.Mabuti nga sayo! Aniya sa isipan."You can leave now. Ako nang bahala rito." ma-awtoridad na utos niya kay Bebang.Sa sinabi niya ay tumango si Bebang at lumabas ng silid. Wala pang ilang segundo nang lumabas ang mayordoma ay pumasok naman ang anak niyang si Paolo."Dad..." anito."Hmm...something wrong?"Nakitaan niya ng pag-aalinlangan ang itsura ng anak kaya p
Nagpaalam si Anna kay Brett kinabukasan na magda-day-off siya. Gustong sumama ni Paolo sa dalaga pero hindi iyon pinayagan ng ama nito. Umiyak pa ang bata nang umalis si Anna at sumakay ng kotse na maghahatid sa kan'ya sa San Pedro.Hindi alam ni Anna kung namalikmata ba siya nang makita ang reaksyon ng mukha ni Brett na para bang hindi na siya babalik sa mansion nito nang pasakay na siya sa kotse. Umiling na lang ang dalaga dahil kung anu-ano ang napapansin niya na wala namang katuturan.Nang makababa sa Bayan ng San Pedro ay tuwang-tuwa na sinalubong nina Agnes at Gina ang dalaga. Nagulat pa si Anna nang makitang kasama rin ng mga ito si September."Anna!" sabay na wika ng dalawang babae. Kapagkuwan ay niyakap si Anna."Hello, kumusta kayo? Na-miss ko kayo ng sobra a." ani ni Anna."Heto, okay lang naman sana kung walang buntot nang buntot!" saad ni Gina na tinapunan pa ng masamang tingin si September."Woah. Wala akong kinalaman d'yan. By the way, how are you, Anna? Kumusta naman
Sikat ng araw ang tumama sa mukha ni Anna na siyang ikinagising niya kinabukasan. Mabigat ang ulo na bumangon siya at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo. Makaraan ang ilang minuto ay lumabas siya ng silid at sinilip ang alaga niya sa silid nito.At dahil anong oras na siya nakatulog kagabi ay panay pa ang hikab niya at hindi niya maitatangging inaantok pa rin siya sa mga sandaling iyon. Dala ng antok ay hindi niya namalayan na ang kuwartong pinasokan niya ay hindi silid ni Paolo, kundi ng ama nito."What the fuck, Anna?!" Isang malakas at gulat na boses ang nagpagising sa inaantok niyang diwa.Kinusot-kusot niya ang mga mata at pilit na inaninag ang taong nakatayo hindi kalayuan sa harapan niya."Are you dreaming, Anna?! Shit! Bakit ka narito sa silid ko?" Sa pangalawang pagkakataon naging malinaw na lalo sa pandinig niya ang boses na iyon. Ang boses ni Brett, ang amo niya.Napako siya sa kinatatayuan nang makita ang amo na hubo't hubad. Madilim ang mukha nito at tila g
"Kumusta ang pakiramdam mo, Anna?" tanong ni Bebang sa dalaga na tila wala sa sarili nito.Mula sa pagkakayuko ay umangat ng tingin si Anna. "M-maayos naman po ako," aniya."Mabuti naman kung gano'n." Tumayo si Bebang at naglakad palabas ng kitchen. Samantalang naiwan naman roon si Anna na tila wala pa rin sa sarili ng sandaling iyon.Hindi mawala-wala sa isipan niya ang nangyari sa kanila ng amo kahapon. Yes, kahapon pa iyon nangyari pero pakiramdam niya ay ngayon lang dahil hanggang ngayon ay parang naroon pa rin sa pagkababae niya ang daliri ng binata."Kaloka! Maloloka na ako neto!" wika niya sabay sabunot sa sariling buhok."Oh, bakit, Anna? Nadulas ka lang naging baliw ka na," laking gulat pa ni Anna nang muling magsalita si Bebang. Napatuwid siya ng upo sa silya. Ang akala niya ay umalis na ang mayordoma kaya laking gulat niya nang magsalita ito. Naalala niya ang sinabi nito. Gusto niya pang matawa sa ginawang dahilan ni Brett, na nadulas raw siya. Naku, kung alam lang ni Beba
Isang linggo na ang nakakaraan mula nang makalabas ng Hospital si Anna. Matapos ang nangyari sa kanila ng amo ay naging mailap ito sa kaniya. Gusto sanang maka-usap ni Anna si Brett tungkol sa nangyari sa kanila, pero madalas ng gabi umuwi ang amo niya. Kaya hindi siya makakuha ng tamang tyempo para maka-usap ito.Wala namang nakapa na pagsisisi si Anna na isinuko niya ang sarili kay Brett, pero ang ikinabahala niya ay may asawa itong tao at kasalanan iyong ginawa nila dahil nagtaksil ito sa asawa nito. At iyon ay hindi kaya ng konsensya ni Anna. Tahimik lang naman ang mga kasambahay sa mansiyon na ito pero alam ni Anna na may alam ang mga ito sa nangyari sa kanila ng amo, lalo na ang mayordomang si Bebang. Kaya madalas ay nahihiya siyang makipag-usap rito. Alam niya rin na pinag-uusapan siya ng mga kasamahan niya kaya nga lalo siyang naiilang.Naisip ni Anna na umalis na lang dito sa mansiyon matapos ang nangyari sa kanila ni Brett, kaya madalas niya itong inaabangan sa gabi sa pag-
Malungkot na pinagmasdan ni Anna ang silid na ilang buwan rin niyang inukupa. Inilibot niya ang paningin, mapait siyang napangiti sapagkat maraming alaala sa kaniya ang silid na ito. Pero gayunpaman ay wala siyang nararamdaman na paghihinayang sa pag-alis niyang ito. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan, para sa anak niya at para sa kanila ni Brett ang gagawin niyang ito. Dahil ito ang dapat nilang gawin, ang lumayo sa isa't isa nang sa gano'n ay malaman kung hanggang saan nga ba patungo ang lahat. Mahal niya si Brett, pero siya ay hanggang ngayon walang kasagutan kung mahal rin ba siya ng binata."Siguro naisip ng Panginoon na ilayo kami sa isa't isa ng tatay mo, anak, dahil hindi ito ang panahon para sa amin. Na hindi kami para sa isa't isa. Pero kumakapit pa rin ako sa Panginoon na dadating ang tamang oras na itatakda niya kami para mahalin ang sa isa't isa." Pagkausap ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya.Kung hindi man ito ang tamang panahon para mahalin si Brett ay maghihintay si
Araw ng libing ni Paolo, lahat ay emosyunal sapagka't huling araw na lang na makikita nila ang labi ng bata. Lahat ay nakatayo at nagkani-kaniyang pahid ng panyo sa mga matang walang tigil sa paglabas ng luha habang nagmi-misa ang Pari.Pagkatapos ng misa ay hinatid na sa huling hantongan ang bata. Sa isang private cemetery sa San Diego inihatid ang labi ni Paolo.Malungkot na nakatingin si Brett sa mukha ng anak. Kinakabisado niya ng maigi ang itsura ni Paolo dahil huling araw nalang niya na makikita ito. Dahil nakabukas ang coffin ay malaya niyang nahaplos ang pisngi ng bata, at hinalikan niya rin ito sa noo."Mami-miss kita, anak. Hinding-hindi kita malilimutan. Sana tulungan mo si Daddy na makaya ang lahat ng ito. Dahil sa totoo lang anak, parang gusto ko na rin sumuko..." Tumulo ang luha ni Brett habang nakatitig kay Paolo. "M-Mahal na mahal kita, anak." sambit pa niya.Nang hindi na niya makaya na makita si Paolo ay umatras siya at pumunta sa isang tabi at doon pinagpatuloy ang
Pagkapasok ni Brett sa loob ng kaniyang silid ay malakas niyang inihagis ang bote. Tumama iyon sa dingding at nabasag. Pati ang mga gamit sa loob ng kaniyang silid ay binalibag rin niya. At nang mapagod ay napaupo siya sa sahig habang nasasabunutan ang sariling buhok.Pagod na siyang masaktan, pagod na siyang maloko. Ang nalaman niya kanina ay isang kalokohan. Ang buong akala niya ay siya lang ang lalaki sa buhay ni Anna ngunit nagkamali yata siya. "Fuck!"Tumayo si Brett at pumasok sa loob ng banyo upang pumailalaim sa tubig ng sa ganoon ay maibsan ang init ng ulo niya. Habang nasa ganoon siyang sitwasyon ay napa-isip siya.Huling araw na ng lamay ng anak niya ngayon kaya hindi niya dapat sayangin ang pagkakataon na ito. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba siya. Nagulat pa ang ilang kasambahay nang makita siya. Marahil hindi inakala ng mga ito na lalabas rin siya mula sa pagkukulong sa silid niya.Pati si Bebang na nakasalubong niya ay nagtataka rin na napapatingin sa kaniya."Bebang
Isang mainit na hininga ang tumama sa leeg ni Anna na siyang ikinamulat niya ng mga mata. Naramdaman niyang may nakadagan sa kaniya mula sa likuran niya. Napasinghap siya sapagkat si Brett iyon at baka naipit na ang anak nila. Sa pag-aalala ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya ay dahan-dahan niyang tinapik ang braso ni Brett."B-Brett umalis ka riyan." aniya sa lalaki. Hindi niya malaman kung ilang oras ba siyang tulog at ilang oras na rin itong nakadagan sa kaniya. Mula sa pagkakadapa ay rinig niya ang pagpintig ng nasa sinapupunan niya."Brett!" Malakas na sigaw niya dahil sa taranta. Napamulat ng mga mata ang lalaki, at galit na umalis sa ibabaw niya. Muli itong nahiga ng patagilid at tinakpan ng unan ang buong mukha.Samantalang napapangiwi namang bumangon si Anna. Nanginginig ang buong katawan niya, at masakit rin ang balakang niya. Naupo siya sa kama at sinapo ang tiyan na umiiyak.Nag-aalala siya at baka napano na ang bata. Binalingan niya si Brett at galit itong tiningnan
Malungkot na nakatingin si Anna sa batang nakahiga sa loob ng kabaong. Ang bigat-bigat sa dibdib na isiping hindi na niya makikita pa kahit kailan ang pag-ngiti nito, ang marinig ang malambing nitong tinig, at higit sa lahat ang mayakap ito.Pinahid ni Anna ang mga luha na umaagos sa pisngi, kapagkuwan ay hinaplos niya ang salamin sa bandang mukha ni Paolo."S-Sayang at hindi mo na makikilala pa ang kapatid mo, Paolo..." malungkot niyang sambit.Alam ni Anna na malabong mangyari na tatanggapin ni Paolo ang kapatid nito na mula sa kaniya, pero hindi niya ipagkakait sa anak na ipakilala si Paolo bilang kapatid nito kahit hindi man ito tanggapin ng huli.Ngunit wala na si Paolo, at hindi na nito makikilala pa ang kapatid.Nasa ganoong senaryo si Anna nang bigla niyang marinig ang malakas na kalabog sa labas ng mansiyon dahilan upang siya'y mapakislot sa kinatatayuan niya. Mabilis niyang napahid ang mga luha at napa-ikot paharap sa entrada ng bahay kung saan tumatakbo ang ibang katulong p
Samantalang sinisikap naman ni Anna na kausapin si Brett, dinadalhan niya rin ito ng pagkain ngunit madalas na ibato ng binata sa kaniya ang mga pagkain na dinadala niya para sa binata. Mabuti na lang at naiilagan niya dahil kung hindi ay masasaktan siya ng pisikal. Minsan ay natatakot na rin siyang lumapit kay Brett dahil tila wala na itong kinikilala. Lahat na lang ng tao sa loob ng mansiyon ay ayaw nitong kausapin o makita. Katulad na lang ngayon, nakatayo si Anna sa labas ng pintoan ng kuwarto ni Brett bitbit ang tray na may pagkain, matagal na siyang naroon at panay ang paghugot-buga ng hangin dahil kinakabahan siyang pumasok sa loob. Hindi siya natatakot para sa sarili niya, kundi para sa batang nasa sinapupunan niya. Baka kasi sa galit ni Brett ay masaktan siya nito at madamay ang bata. Iyon ang kinakatakot ni Anna.Matapos ang ilang minuto na pagtayo ni Anna sa labas ng pinto ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para pihitin pabukas ang siradura.Nang mabuksan iy
Kung may mas masakit man ngayon sa nararamdaman ni Brett, iyon ay ang makita ang anak na nakahiga sa stretcher, duguan at halos wala ng buhay habang tinulak ito papasok sa loob ng Emergency room. Sa mga sandaling iyon ay wala sa sarili si Brett. Tulala, at halos hindi makahinga dahil pakiramdam niya ay punong-puno ang kaniyang dibdib, at anumang oras ay parang sasabog iyon.Natataranta siya at halos hindi na mapakali lalo na at nakikita niya ang dugo ng anak sa kaniyang damit at palad.Sinubukan niyang pumasok sa loob ng Emergency room, ngunit hinarang siya ng nurse. "Papasokin niyo ako ano ba?! Kailangan ako ng anak ko!" angil niya sa dalawang nurse na nakaharang sa pintoan. Masisiraraan siya ng bait kapag hindi niya makikita si Paolo."I'm so sorry, Sir. Pero bawal po kayo sa loob." wika ng nurse na bakas ang takot kay Brett."Damn it!"Nanghihinang napaupo si Brett sa sahig habang sapo ang kaniyang mukha. Hindi na ni Brett napigilan ang emosyon, bumuhos na iyon. Humagulhol siya ng
Matapos ang nangyari nakaraang gabi ay iniiwasan na ni Anna si Brett. May pagkakataon na nagkakasalubong sila sa loob ng mansiyon, ngunit hindi niya binibigyan ng kahit na sulyap ang binata.Katulad na lang ngayon, habang nasa hardin siya at nagdidilig ng halaman ay narito si Brett sa likuran niya. Nakatayo ang lalaki at nakapamewang ito. Hindi niya ito sinulyapan. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Araw kasi ng sabado ngayon, kaya walang pasok si Paolo. Pagkatapos ni Anna sa pagdidilig ay umikot siya paharap, at naglakad na parang hindi nakikita si Brett. Masama pa rin kasi ang loob niya sa lalaki at gustong-gusto niya isampal sa pagmumukha nito ang mga pinagsasabi nito nakaraang gabi.Si Brett naman ay malalim na napabuga ng hangin ng lagpasan siya ng dalaga. Nais niya itong maka-usap at humingi ng despensa sa mga nasabi niya kagabi. Napapikit ng mariin si Brett bago siya umikot at habulin si Anna."Anna, wait." wika niya sabay hablot sa braso ng dalaga. "I want to talk to you." Tumigil
Nakatingin si Brett sa dalagang walang malay. Nakahiga ito sa kama sa loob ng room nito, habang siya ay nakaupo naman sa tabi nito.Habang nakatitig sa maamong mukha ni Anna ay nasasaktan si Brett. Nasasaktan siya sapagka't nagawa niya itong saktan. Kung hindi niya sana pinakealaman ang dalaga ay hindi sana ito nasasaktan ngayon. Nais niyang kastiguhin ang sarili dahil ang lakas ng loob niyang magparamdam dito na may nararamdaman rin siya, ngunit hindi naman niya mapanindigan. Napabuntonghininga si Brett. Mahal niya si Anna, pero mahal niya rin ang kaniyang anak. Mas uunahin niya ang kasiyahan ng anak kaysa sa kasiyahan niya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Anna. Bata ka pa, at tiyak na makakahanap ka ng lalaking mas bagay sayo. I can't give the love you deserved. Hindi ako bagay sayo, Anna." bulong ni Brett habang titig na titig kay Anna."H-Hindi mo ako kailangang m-mahalin, Brett. H-Hayaan m-mo na lang akong m-mahalin ka." Biglang nagmulat ang mga mata ni Anna at nagsalubong ang mg