Sana po ay abangan ninyo ang book 2 nito. Maraming salamat po!
Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Agad niya iyon sinapo, at pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya."Wala kang kuwenta! Lumayas ka sa pamamahay ko na bruha ka!" nanggagalaiting singhal sa kanya ng Tiyahin."Tiyang, parang awa mo na po... Wala na po akong mapupuntahan…" nagmamakaawang wika ni Anna sa tiyahin. Pero hindi ito pinansin ng ginang. Nagulat pa ang dalaga ng ihagis ng tiyahin nito ang kan’yang mga gamit."Magnanakaw! Walang utang na loob! Matapos kita patirahin sa pamamahay ko nanakawan mo pa ako! Animal ka! Layas!" pinagtutulakan ng ginang ang dalaga palabas ng bahay nito. Samantalang hindi naman magkandaugaga si Anna sa pagpupulot ng kan’yang mga damit na nagkalat sa kung saan. Pinagtitinginan ito ng mga kapitbahay nila. Humihikbi ang dalaga habang isa-isang niyang inilagay sa loob ng backpack ang mga gamit na nadumihan.Kahit anong paliwanag niya sa tiyahin na hindi siya ang nagnakaw ng pera nito ay hindi siya pinakinggan o pinapaniwalaan."Buti ng
"Aray!"Pilit binabaklas ni Anna ang mga kamay na sumasabunot sa kan'yang buhok. Pakiramdam niya ay matatanggal na ang anit niya dahil sa higpit nang pagkakahawak no'n. "Buwesit ka talagang babae ka! Nakuha mo pang pumasok sa restaurant ng kumare ko a! Para ano? Para nakawan mo rin sila na gaga ka?!"Noon lang nalaman ng dalaga na ang Tiyang Gerlie niya pala iyong sumasabunot sa kanya."T-tiyang, hindi po... Nagtatraba—aray po!" Ibinalalya ng Tiyahin si Anna sa sahig at pinasundan iyon ng malakas na tadyak sa sikmura ng pinsang si Chloe."Sasagot ka pa kay Mama a!" Nagsitayuan ang mga taong naroon dahil nakaagaw na sila ng pansin. Puno ng awa ang tingin ng mga ito sa dalagang nakalugmok sa sahig habang sapo ang sariling sikmura. May ilan na gustong umawat pero kalaunan ay mas inisip na lang na huwag nang mangialam. May ibang pailing-iling na tila naniniwalang nagnakaw nga ang kawawang dalaga.Ang kaibigan ni Anna na si Gina ay patakbong nilapitan ang dalaga. Galit nitong binalingan a
"Man, I can't believe you would do that!" Inikotan na lamang ng mga mata ni Brett ang kaibigang si September. Nasa isang Bar sila ngayon na pagmamay-ari ni Rico. Hindi kasi siya tinigilan ng dalawa kanina hangga' t hindi siya pumayag na sumama sa mga ito sa Bar. Kaya imbes na dumiretso siya pauwi ng kanilang bahay, heto siya ngayon, nakatambay sa Bar kasama ang dalawang chismoso niyang kaibigan!"Tsk! Ano sa tingin niyo ang gagawin kapag nakakita kayo ng babaeng sinasaktan? Papanoorin niyo lang ba?" binalingan niya ang kaibigang si Rico, "at ikaw Ric, pulis ka pero nanood ka muna bago ka umawat." komento niya. Tinungga niya ang basong may laman ng alak."Naunahan mo lang ako e. Saka, naka-leave ako remember? Kaya hindi ako basta-basta makagawa ng aksiyon. Tatayo na sana ako kanina pero nawili ako sa expression ng mukha mo e." wika ni Rico na may sinusupil na ngiti sa labi.Natahimik siya sa isang sulok, pero hindi matahimik ang kaibigan niyang si September."I saw you kissed her, Man.
Nang makauwi sa bahay na tinutuluyan ay agad na inayos nina Gina at Anna ang kanilang kuwarto. Sa wakas ay mararanasan ring humiga ni Anna sa malambot na higaan at hindi na sa papag na tila pader sa katigasan."Ang sarap mahiga kung ganito kalambot ang higaan natin!" bulalas ni Gina na umiikot-ikot pa sa higaan nito. Natawa naman siya sa kaibigan. Matagal na itong naninilbihan kay Manang Agnes pero hindi ito makabili ng maayos na kutson dahil ang kinikita nito ay pinapadala sa pamilya sa Cebu. Panganay kasi sa magkakapatid si Gina kaya ito ang inaasahan ng pamilya nito."Kaya nga, e. Hay, sana bukas um-okay na ang pakiramdam ko para makapagtrabaho na'ko ng maayos." wika niyang nakahiga."Naku, Anna, kung hindi mo pa kaya, huwag ka munang pumasok. Lunes naman bukas, e. Hindi masyadong marami ang kustumer. Ako nang bahala basta magpahinga ka na lang muna." suhestyun ni Gina. Pero hindi siya papayag. Sayang ang kikitain niya sa isang araw. Ibabawas kasi ang absent niya sa sasahurin niya.
Kinabukasan maagang nagising si Anna upang maligo at magluto ng almusal nila ni Gina. Sa karenderya kung saan sila nagtatrabaho ay doon rin sila naglalagi. Sa ikalawang palapag kasi no'n ay paupahan ni Aling Agnes pero pinagamit na lang sa kanila ng libre ang silid. Sa katabi ng karenderyang iyon ang bahay naman ni Aling Agnes.Humihigop si Anna ng kape nang bumaba si Gina sa hagdan. Agad niya ito inalok ng almusal."Oh, halika na, Gi." paanyaya niya sa kakagising lang na si Gina.Paunat-unat naman ito ng katawan bago ito naupo sa silya. Kinuha nito ang kape at ininom. Kapagkuwan ay nagsalita ito."Papasok ka na?" tanong nito sa kaniya."Oo. Hindi na masakit ang katawan ko." saad ni Anna."Sigurado ka?" may halong pagdududa ang tanong nito.Aminado si Anna na masakit pa rin ang buo niyang katawan, pero dahil sayang ang araw na um-absent siya ay papasok na lang siya ngayon."Oo nga e." sagot niya. Pero laking gulat niya nang mariing pisilin ni Gina ang balikat niya. "A-aray!" reklam
Nahihiya man ay nilakasan na lang ni Anna ang loob upang kausapin si Aling Agnes kinabukasan. Ang buong akala ng dalaga ay magtatampo sa kan'ya ang Ginang, pero laking gulat niya nang matuwa pa ito sa kan'yang sinabi."Talaga, Anna? Sa Valle Interprises ka pupunta ngayon?" tila excited na tanong ni Aling Agnes. Hindi maalis ang tuwa sa mukha ng Ginang. Kilala kasi nito kung gaano kayaman ang opisinang pupuntahan ni Anna."Opo, manang." tipid na sagot ni Anna habang sinusukbit sa balikat ang bag. Nakasuot lamang siya ng skinny jeans at simpleng blouse na kulay green.At flat shoes naman ang sapin niya sa paa. Hinayaang nakalugay ang basa pang buhok na hanggang balikat ang haba.''Naku, Anna, baka iyan na ang suwerte mo! Huwag kang mag-alala, nandito lang kami ni Gina naka-support sayo!'' wika ni Agnes sabay baling nito kay Gina na mababakas rin ang tuwa sa mukha, '''diba, Gina?'' anito. Mabilis namang tumango ang kaibigan.Ngumiti si Anna sa dalawang tao na itinuring na niyang pamilya.
Pagka-uwi palang ni Anna galing ng San Diego ay agad niyang inaayos at niligpit ang mga gamit na dadalhin niya kinabukasan. Nang araw na iyon ay hindi nagbukas ang Agne's Batchoyan. Ikinagulat pa niya iyon pero pinaliwanag sa kan'ya ni Gina kung bakit. Gusto raw kasi ni Aling Agnes na ang buong araw na iyon ay para sa kan'ya, gusto ng mga ito na mag-bonding sila. Kaya naman matapos ang pag-aayos niya ng mga gamit ay inaya siyang pumunta ng Plaza para mag-picnic, dala ang iba't ibang putahe na pinaluto pa ni Aling Agnes sa kusinero nila.Hindi matatawaran ang saya na nadarama ni Anna sapagkat ngayon niya lang naranasan ang pahalagahan ng isang tao. At kina Gina at Aling Agnes lamang niya iyon naranasan. Kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa mga ito.''Basta, Anna, huwag mo kaming kalimutang i-invite sa kasal mo ha?'' si Gina iyon na sumusubo pa ng barbeque.Maang na napatingin siya sa kaibigan."Ha? A-anong kasal?'' kunot ang noong tanong niya kay Gina.Tumawa pa si Gina bago siya
Unang araw sa trabaho ni Anna bilang nanny, kaya naman maaga siyang bumangon at naligo. Masigla ang bawat galaw niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang pa-apekto sa mga kasamahan sa loob ng mansion. Kung ayaw nila sa akin, bahala sila. Basta ako, kailangan ko ang trabahong ito! Aniya sa isipan.Matapos makaligo ay naghanap si Anna ng masusuot, pero akmang isusuot na niya ang damit nang pumasok sa loob ng silid na inuukupa nila si Bebang, ang mayordoma.Isang silid lang ang ginagamit nilang mga katulong, pero malaki iyon at malapad. May kani-kaniyang bed spaces. Maluwag pa sa kanilang lima. May sariling bathroom at kusina rin iyon. Kung iisipin ay hindi iyon ordinaryong silid lamang.Napatingin si Anna sa damit na inilapag ni Bebang sa ibabaw ng higaan niya. "Iyan ang uniporme mo." supladang sabi ni Bebang kay Anna.Pero gayunpaman ang pakitungo ni Bebang kay Anna ay hindi na lamang iyon iniisip pa ni Anna. Magalang siyang nagpasalamat sa mayordoma."Salamat po." aniya."Pagkatapos mo d'
Malungkot na pinagmasdan ni Anna ang silid na ilang buwan rin niyang inukupa. Inilibot niya ang paningin, mapait siyang napangiti sapagkat maraming alaala sa kaniya ang silid na ito. Pero gayunpaman ay wala siyang nararamdaman na paghihinayang sa pag-alis niyang ito. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan, para sa anak niya at para sa kanila ni Brett ang gagawin niyang ito. Dahil ito ang dapat nilang gawin, ang lumayo sa isa't isa nang sa gano'n ay malaman kung hanggang saan nga ba patungo ang lahat. Mahal niya si Brett, pero siya ay hanggang ngayon walang kasagutan kung mahal rin ba siya ng binata."Siguro naisip ng Panginoon na ilayo kami sa isa't isa ng tatay mo, anak, dahil hindi ito ang panahon para sa amin. Na hindi kami para sa isa't isa. Pero kumakapit pa rin ako sa Panginoon na dadating ang tamang oras na itatakda niya kami para mahalin ang sa isa't isa." Pagkausap ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya.Kung hindi man ito ang tamang panahon para mahalin si Brett ay maghihintay si
Araw ng libing ni Paolo, lahat ay emosyunal sapagka't huling araw na lang na makikita nila ang labi ng bata. Lahat ay nakatayo at nagkani-kaniyang pahid ng panyo sa mga matang walang tigil sa paglabas ng luha habang nagmi-misa ang Pari.Pagkatapos ng misa ay hinatid na sa huling hantongan ang bata. Sa isang private cemetery sa San Diego inihatid ang labi ni Paolo.Malungkot na nakatingin si Brett sa mukha ng anak. Kinakabisado niya ng maigi ang itsura ni Paolo dahil huling araw nalang niya na makikita ito. Dahil nakabukas ang coffin ay malaya niyang nahaplos ang pisngi ng bata, at hinalikan niya rin ito sa noo."Mami-miss kita, anak. Hinding-hindi kita malilimutan. Sana tulungan mo si Daddy na makaya ang lahat ng ito. Dahil sa totoo lang anak, parang gusto ko na rin sumuko..." Tumulo ang luha ni Brett habang nakatitig kay Paolo. "M-Mahal na mahal kita, anak." sambit pa niya.Nang hindi na niya makaya na makita si Paolo ay umatras siya at pumunta sa isang tabi at doon pinagpatuloy ang
Pagkapasok ni Brett sa loob ng kaniyang silid ay malakas niyang inihagis ang bote. Tumama iyon sa dingding at nabasag. Pati ang mga gamit sa loob ng kaniyang silid ay binalibag rin niya. At nang mapagod ay napaupo siya sa sahig habang nasasabunutan ang sariling buhok.Pagod na siyang masaktan, pagod na siyang maloko. Ang nalaman niya kanina ay isang kalokohan. Ang buong akala niya ay siya lang ang lalaki sa buhay ni Anna ngunit nagkamali yata siya. "Fuck!"Tumayo si Brett at pumasok sa loob ng banyo upang pumailalaim sa tubig ng sa ganoon ay maibsan ang init ng ulo niya. Habang nasa ganoon siyang sitwasyon ay napa-isip siya.Huling araw na ng lamay ng anak niya ngayon kaya hindi niya dapat sayangin ang pagkakataon na ito. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba siya. Nagulat pa ang ilang kasambahay nang makita siya. Marahil hindi inakala ng mga ito na lalabas rin siya mula sa pagkukulong sa silid niya.Pati si Bebang na nakasalubong niya ay nagtataka rin na napapatingin sa kaniya."Bebang
Isang mainit na hininga ang tumama sa leeg ni Anna na siyang ikinamulat niya ng mga mata. Naramdaman niyang may nakadagan sa kaniya mula sa likuran niya. Napasinghap siya sapagkat si Brett iyon at baka naipit na ang anak nila. Sa pag-aalala ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya ay dahan-dahan niyang tinapik ang braso ni Brett."B-Brett umalis ka riyan." aniya sa lalaki. Hindi niya malaman kung ilang oras ba siyang tulog at ilang oras na rin itong nakadagan sa kaniya. Mula sa pagkakadapa ay rinig niya ang pagpintig ng nasa sinapupunan niya."Brett!" Malakas na sigaw niya dahil sa taranta. Napamulat ng mga mata ang lalaki, at galit na umalis sa ibabaw niya. Muli itong nahiga ng patagilid at tinakpan ng unan ang buong mukha.Samantalang napapangiwi namang bumangon si Anna. Nanginginig ang buong katawan niya, at masakit rin ang balakang niya. Naupo siya sa kama at sinapo ang tiyan na umiiyak.Nag-aalala siya at baka napano na ang bata. Binalingan niya si Brett at galit itong tiningnan
Malungkot na nakatingin si Anna sa batang nakahiga sa loob ng kabaong. Ang bigat-bigat sa dibdib na isiping hindi na niya makikita pa kahit kailan ang pag-ngiti nito, ang marinig ang malambing nitong tinig, at higit sa lahat ang mayakap ito.Pinahid ni Anna ang mga luha na umaagos sa pisngi, kapagkuwan ay hinaplos niya ang salamin sa bandang mukha ni Paolo."S-Sayang at hindi mo na makikilala pa ang kapatid mo, Paolo..." malungkot niyang sambit.Alam ni Anna na malabong mangyari na tatanggapin ni Paolo ang kapatid nito na mula sa kaniya, pero hindi niya ipagkakait sa anak na ipakilala si Paolo bilang kapatid nito kahit hindi man ito tanggapin ng huli.Ngunit wala na si Paolo, at hindi na nito makikilala pa ang kapatid.Nasa ganoong senaryo si Anna nang bigla niyang marinig ang malakas na kalabog sa labas ng mansiyon dahilan upang siya'y mapakislot sa kinatatayuan niya. Mabilis niyang napahid ang mga luha at napa-ikot paharap sa entrada ng bahay kung saan tumatakbo ang ibang katulong p
Samantalang sinisikap naman ni Anna na kausapin si Brett, dinadalhan niya rin ito ng pagkain ngunit madalas na ibato ng binata sa kaniya ang mga pagkain na dinadala niya para sa binata. Mabuti na lang at naiilagan niya dahil kung hindi ay masasaktan siya ng pisikal. Minsan ay natatakot na rin siyang lumapit kay Brett dahil tila wala na itong kinikilala. Lahat na lang ng tao sa loob ng mansiyon ay ayaw nitong kausapin o makita. Katulad na lang ngayon, nakatayo si Anna sa labas ng pintoan ng kuwarto ni Brett bitbit ang tray na may pagkain, matagal na siyang naroon at panay ang paghugot-buga ng hangin dahil kinakabahan siyang pumasok sa loob. Hindi siya natatakot para sa sarili niya, kundi para sa batang nasa sinapupunan niya. Baka kasi sa galit ni Brett ay masaktan siya nito at madamay ang bata. Iyon ang kinakatakot ni Anna.Matapos ang ilang minuto na pagtayo ni Anna sa labas ng pinto ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para pihitin pabukas ang siradura.Nang mabuksan iy
Kung may mas masakit man ngayon sa nararamdaman ni Brett, iyon ay ang makita ang anak na nakahiga sa stretcher, duguan at halos wala ng buhay habang tinulak ito papasok sa loob ng Emergency room. Sa mga sandaling iyon ay wala sa sarili si Brett. Tulala, at halos hindi makahinga dahil pakiramdam niya ay punong-puno ang kaniyang dibdib, at anumang oras ay parang sasabog iyon.Natataranta siya at halos hindi na mapakali lalo na at nakikita niya ang dugo ng anak sa kaniyang damit at palad.Sinubukan niyang pumasok sa loob ng Emergency room, ngunit hinarang siya ng nurse. "Papasokin niyo ako ano ba?! Kailangan ako ng anak ko!" angil niya sa dalawang nurse na nakaharang sa pintoan. Masisiraraan siya ng bait kapag hindi niya makikita si Paolo."I'm so sorry, Sir. Pero bawal po kayo sa loob." wika ng nurse na bakas ang takot kay Brett."Damn it!"Nanghihinang napaupo si Brett sa sahig habang sapo ang kaniyang mukha. Hindi na ni Brett napigilan ang emosyon, bumuhos na iyon. Humagulhol siya ng
Matapos ang nangyari nakaraang gabi ay iniiwasan na ni Anna si Brett. May pagkakataon na nagkakasalubong sila sa loob ng mansiyon, ngunit hindi niya binibigyan ng kahit na sulyap ang binata.Katulad na lang ngayon, habang nasa hardin siya at nagdidilig ng halaman ay narito si Brett sa likuran niya. Nakatayo ang lalaki at nakapamewang ito. Hindi niya ito sinulyapan. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Araw kasi ng sabado ngayon, kaya walang pasok si Paolo. Pagkatapos ni Anna sa pagdidilig ay umikot siya paharap, at naglakad na parang hindi nakikita si Brett. Masama pa rin kasi ang loob niya sa lalaki at gustong-gusto niya isampal sa pagmumukha nito ang mga pinagsasabi nito nakaraang gabi.Si Brett naman ay malalim na napabuga ng hangin ng lagpasan siya ng dalaga. Nais niya itong maka-usap at humingi ng despensa sa mga nasabi niya kagabi. Napapikit ng mariin si Brett bago siya umikot at habulin si Anna."Anna, wait." wika niya sabay hablot sa braso ng dalaga. "I want to talk to you." Tumigil
Nakatingin si Brett sa dalagang walang malay. Nakahiga ito sa kama sa loob ng room nito, habang siya ay nakaupo naman sa tabi nito.Habang nakatitig sa maamong mukha ni Anna ay nasasaktan si Brett. Nasasaktan siya sapagka't nagawa niya itong saktan. Kung hindi niya sana pinakealaman ang dalaga ay hindi sana ito nasasaktan ngayon. Nais niyang kastiguhin ang sarili dahil ang lakas ng loob niyang magparamdam dito na may nararamdaman rin siya, ngunit hindi naman niya mapanindigan. Napabuntonghininga si Brett. Mahal niya si Anna, pero mahal niya rin ang kaniyang anak. Mas uunahin niya ang kasiyahan ng anak kaysa sa kasiyahan niya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Anna. Bata ka pa, at tiyak na makakahanap ka ng lalaking mas bagay sayo. I can't give the love you deserved. Hindi ako bagay sayo, Anna." bulong ni Brett habang titig na titig kay Anna."H-Hindi mo ako kailangang m-mahalin, Brett. H-Hayaan m-mo na lang akong m-mahalin ka." Biglang nagmulat ang mga mata ni Anna at nagsalubong ang mg