Share

Still holding on
Still holding on
Author: Pusa

Chapter 1

Author: Pusa
last update Last Updated: 2022-07-10 15:47:17

Isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Agad niya iyon sinapo, at pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya.

"Wala kang kuwenta! Lumayas ka sa pamamahay ko na bruha ka!" nanggagalaiting singhal sa kanya ng Tiyahin.

"Tiyang, parang awa mo na po... Wala na po akong mapupuntahan…" nagmamakaawang wika ni Anna sa tiyahin. Pero hindi ito pinansin ng ginang. Nagulat pa ang dalaga ng ihagis ng tiyahin nito ang kan’yang mga gamit.

"Magnanakaw! Walang utang na loob! Matapos kita patirahin sa pamamahay ko nanakawan mo pa ako! Animal ka! Layas!" pinagtutulakan ng ginang ang dalaga palabas ng bahay nito. 

Samantalang hindi naman magkandaugaga si Anna sa pagpupulot ng kan’yang mga damit na nagkalat sa kung saan. Pinagtitinginan ito ng mga kapitbahay nila. Humihikbi ang dalaga habang isa-isang niyang inilagay sa loob ng backpack ang mga gamit na nadumihan.

Kahit anong paliwanag niya sa tiyahin na hindi siya ang nagnakaw ng pera nito ay hindi siya pinakinggan o pinapaniwalaan.

"Buti nga sayo, hahaha!" natatawang sabi ng pinsan niyang si Chloe. Malakas pa siya nitong sinarhan ng pinto. Si Chloe ang kumukupit sa pera ng mama nito at hindi si Anna.

Nanlulumo ang dalaga habang nakaupo sa isang tabi yakap ang backpack nito. Hindi alam kung saan pupunta sa mga sandaling iyon. Awang-awa sa kan’yang sarili dahil sa sinapit sa malupit na tiyahin. Walang araw na hindi ito sinasaktan ng ginang, may pagkakataon na hindi rin ito pinapakain. Pero sadyang malakas ang fighting spirit ng dalaga dahil kahit gaano man kahirap ang pinagdaanan nito sa buhay ay patuloy pa rin ito kumakapit sa salita ng diyos. Na hindi ito papabayaan ng maykapal kailanman.

...

"Anna, nahugasan mo na ba ang mga plato?" tanong ni Gina. Kasamahan ni Anna sa isang karenderya na pinasukan niya sa bayan.

Mag isang linggo na siyang namamasukan bilang tagapag-hugas ng mga plato, at tagapunas na rin ng mga mesa sa karenderyang iyon. Mabuti na lang at naawa sa kanya si Ginang Agnes nang gabing makita siya nito na palaboy-laboy sa kalye at nauulanan kaya pinasilong siya nito sa bahay, at binigyan ng trabaho.

"Oo, Gina, natapos ko na." sagot niya habang pinupunasan ang bakanteng mesa.

"Kumain ka na, anong oras na e. Ako nang bahala d’yan," sabi nito na ikinatango naman niya.

Bitbit ang basahan ay tumungo siya sa kusina. Wala pa naman mga customer sa labas. Nang sipatin niya ang malaking orasan sa dingding ay pasado alas-syete na ng gabi. Tahimik siyang naghahapunan hanggang sa maramdam niyang parang may mga matang nakamasid sa likuran niya. Nang lingunin niya ito ay napabitaw siya sa hawak na kutsara.

"Mang Arel, ano’ng ginagawa niyo?!" wika niya kasabay ng pagtayo. Nakita niya kasing nakababa ang pantalon ng matanda at parang may kinakamot ito sa gitnang bahagi ng katawan nito habang ang mga mata ay nakatuon sa kanya.

"Wala ito, Anna, sige ituloy mo lang ang pagkain mo d’yan, huwag mo na lang akong pansinin." sagot ng matanda habang pinapatuloy nito ang ginagawang pagkakamot sa gitnang bahagi ng hita nito. 

At hindi naman bobo si Anna para hindi maintindihan ang ginagawa ng matanda.

"Isusumbong ko kayo kay Manang Agnes kapag hindi pa kayo tumigil d’yan sa ginagawa niyo," May halong pagbabanta ang pagkasabi ng dalaga.

Bigla namang lumusot si Gina at huling-huli nito sa akto si Arel.

"Hoy, Mang Arel! Ang bastos mo naman! Isusumbong kita kay Ate Agnes na dimunyo ka!" singhal ni Gina sa lalaki. Agad itong lumapit kay Anna. Samantalang mabilis naman umalis si Mang Arel nang marinig ang pagbabanta ng dalawang babae.

"May ginawa ba siya sayo, Anna?" umiling naman ang dalaga bilang pagsagot sa tanong ni Gina. "Mabuti naman kung gano'n. Naku, ‘tong si Mang Arel talaga inaatake na naman ng pagiging manyak!"

"Mukhang lasing siya," saad ni Anna. Naamoy kasi niya ang matanda, at amoy alak nga ito.

"Kahit hindi naman lasing ‘yang tanda na ‘yan, manyak pa rin e! Kakaloka, hindi na nahiya sa kapatid niya!" inis na turan ni Gina.

Kapatid kasi ng amo nila ang matandang manyak na ‘yon.

Natigil sila sa pag-uusap ni Gina nang marinig ang mga boses sa labas, tanda na may mga customers na dumating.

"Tara na, Anna. Siguradong dadagsa na naman ang mga customer natin ngayon dahil araw ng sabado." wika ni Gina saka nauna na itong lumabas.

Kapag araw kasi ng sabado ay tumutulong siya sa pagse-serve ng mga order dahil hindi iyon nakakayanan mag-isa ni Gina. Hindi naman kalakihan ang karinderya pero binabalik-balikan iyon ng mga tao dahil masarap ang batchoy do’n. Iyon kasi talaga ang menu ng karinderya.

"Anna, pahatid naman ako neto sa table number six," utos ni Gina sabay abot ng tray sa kanya na agad naman niyang kinuha. "Thanks, ang dami ng customer natin ngayon. Mukhang mayayaman! Naku, tiyak na tatanghaliin na tayo ng gising nito bukas!" wika pa ni Gina.

Araw ng linggo kasi ang pahinga nila sa trabaho.

"Mabuti nga madami e, hindi nakakabagot," ani naman niya. "Sige, trabaho na tayo. Maya na ang chismis." saad niya.

Bitbit ang tray ay tinungo niya ang mesa na tinuro ni Gina kanina. Habang naglalakad siya ay nararamdaman niyang may mga matang nakatitig sa kanya. Sa isiping si Mang Arel na naman ‘yon ay nailing siya.

"Magandang gabi po, Sir!" bati niya sa mga customer na umuukupa ng mesa na pinuntahan niya. Inilapag niya ang mga order ng mga ito. "May kailangan pa po ba kayo, Sir?" tanong niya sa mga lalaking customers.

Bale tatlong mga kalalakihan kasi ang nakaupo roon. At sa postura ng mga ito ay masasabi mong mga mayayaman nga.

"Ah, Miss, padagdag ng sabaw ha, mapapalaban kasi kami mamaya kaya kailangan namin ng maraming sabaw," wika ng isang lalaki na binuntutan pa ng pagtawa.

Sumagot naman ang isa nitong kasama habang ang isa naman ay tahimik lang sa isang sulok.

"Katakawan mo talaga, Rico." sikmat ng lalaki sa kasama nito.

"Katakawan saan? Sa babae ba? Pakilinaw naman, Sep, dali!" anang lalaki naman sa katabi niya. 

Ngayon niya lang napansin na ang guguwapo pala ng mga lalaking kaharap niya, pero mas guwapo sa paningin niya ang lalaking tahimik sa isang tabi habang humihigop ng sabaw ng batchoy.

"Both!" sagot ng lalaki sa kasama nito. Nagbangayan pa ang mga ito at tila hindi siya napapansin.

Hindi na niya napigilan ang sarili kaya sumabat na siya sa usapan ng mga ito, marami pa kasing mga customer ang naghihintay ng order nila. Sinenyasahan din kasi siya ni Gina, tulong daw sabi nito.

"Excuse me po mga sir, may kailangan pa po ba kayo? Kung wala po ay kukunin ko na ang request niyong sabaw," magalang na sabi niya sa mga customer. Pero mukhang hindi yata siya naririnig dahil abala ang mga ito sa bangayan sa isa’t isa, kaya doon na lang sana siya magtatanong sa isang kasamahan ng mga ito na kanina pa tahimik at mukhang walang pake sa dalawa. Pero nang ibaling niya ang paningin sa lalaki ay nagtama ang kanilang mga mata.

Ang guwapo niya! Teka, bakit gan’yan siya tumingin sa’kin? Ani niya sa isipan. Kakaiba kasi tumingin ang lalaki, animo’y kakainin ka nito ng buhay.

"S-sir, may—"

"Wala na." tipid nitong sabi bago muling ibinaling ang atensyon sa kinakain. 

Kung nangangain ito kung tumingin, nakakatunaw naman ang boses nito, dahil malamig ito kung magsalita.

"O-okay po, Sir." magalang na wika niya bago humakbang pabalik sa kusina.

"Ang tagal mo naman doon, Anna, kanina pa ako pabalik-balik sa ibang customer e. Nagagalit na iyong iba dahil matagal daw ang order nila," bungad sa kanya ni Gina. Nagkanda-haba na ang nguso nito at hindi na magkandaugaga sa bitbit na Tray.

"Pasensya ka na, Gina, nag-chismis pa kasi ang mga customer na hinatidan ko doon," sabay turo niya sa mesang inuukupa ng tatlong lalaki, "kaya natagalan ako. Saka, Gina, ako na lang ang maghatid niyang hawak mo, ikaw na lang ang maghatid ng extrang sabaw doon." sabay turo niya ulit sa mesang inuukupa ng tatlong lalaki.

"Oy, mukhang ang guguwapo nila a, kaya ka natagalan noh?" tumawa pa ito, "sige ikaw na maghatid nito, ako nang bahala sa mga pogi!" mabilis na pagpayag ni Gina.

Iiling-iling naman siya habang kinukuha ang hawak nitong tray. 

Naglakad siya patungo sa mesang pagdadalhan niya ng order nang bigla ay natapisod siya, hindi aksidente iyon, dahil sinadya iyon gawin ng kung sino man sa kanya.

Tumilapon sa sahig ang laman ng tray na hawak niya, at kasabay niyon ay may biglang sumabunot sa kanya.

Related chapters

  • Still holding on   Chapter 2

    "Aray!"Pilit binabaklas ni Anna ang mga kamay na sumasabunot sa kan'yang buhok. Pakiramdam niya ay matatanggal na ang anit niya dahil sa higpit nang pagkakahawak no'n. "Buwesit ka talagang babae ka! Nakuha mo pang pumasok sa restaurant ng kumare ko a! Para ano? Para nakawan mo rin sila na gaga ka?!"Noon lang nalaman ng dalaga na ang Tiyang Gerlie niya pala iyong sumasabunot sa kanya."T-tiyang, hindi po... Nagtatraba—aray po!" Ibinalalya ng Tiyahin si Anna sa sahig at pinasundan iyon ng malakas na tadyak sa sikmura ng pinsang si Chloe."Sasagot ka pa kay Mama a!" Nagsitayuan ang mga taong naroon dahil nakaagaw na sila ng pansin. Puno ng awa ang tingin ng mga ito sa dalagang nakalugmok sa sahig habang sapo ang sariling sikmura. May ilan na gustong umawat pero kalaunan ay mas inisip na lang na huwag nang mangialam. May ibang pailing-iling na tila naniniwalang nagnakaw nga ang kawawang dalaga.Ang kaibigan ni Anna na si Gina ay patakbong nilapitan ang dalaga. Galit nitong binalingan a

    Last Updated : 2022-07-10
  • Still holding on   Chapter 3

    "Man, I can't believe you would do that!" Inikotan na lamang ng mga mata ni Brett ang kaibigang si September. Nasa isang Bar sila ngayon na pagmamay-ari ni Rico. Hindi kasi siya tinigilan ng dalawa kanina hangga' t hindi siya pumayag na sumama sa mga ito sa Bar. Kaya imbes na dumiretso siya pauwi ng kanilang bahay, heto siya ngayon, nakatambay sa Bar kasama ang dalawang chismoso niyang kaibigan!"Tsk! Ano sa tingin niyo ang gagawin kapag nakakita kayo ng babaeng sinasaktan? Papanoorin niyo lang ba?" binalingan niya ang kaibigang si Rico, "at ikaw Ric, pulis ka pero nanood ka muna bago ka umawat." komento niya. Tinungga niya ang basong may laman ng alak."Naunahan mo lang ako e. Saka, naka-leave ako remember? Kaya hindi ako basta-basta makagawa ng aksiyon. Tatayo na sana ako kanina pero nawili ako sa expression ng mukha mo e." wika ni Rico na may sinusupil na ngiti sa labi.Natahimik siya sa isang sulok, pero hindi matahimik ang kaibigan niyang si September."I saw you kissed her, Man.

    Last Updated : 2022-07-10
  • Still holding on   Chapter 4

    Nang makauwi sa bahay na tinutuluyan ay agad na inayos nina Gina at Anna ang kanilang kuwarto. Sa wakas ay mararanasan ring humiga ni Anna sa malambot na higaan at hindi na sa papag na tila pader sa katigasan."Ang sarap mahiga kung ganito kalambot ang higaan natin!" bulalas ni Gina na umiikot-ikot pa sa higaan nito. Natawa naman siya sa kaibigan. Matagal na itong naninilbihan kay Manang Agnes pero hindi ito makabili ng maayos na kutson dahil ang kinikita nito ay pinapadala sa pamilya sa Cebu. Panganay kasi sa magkakapatid si Gina kaya ito ang inaasahan ng pamilya nito."Kaya nga, e. Hay, sana bukas um-okay na ang pakiramdam ko para makapagtrabaho na'ko ng maayos." wika niyang nakahiga."Naku, Anna, kung hindi mo pa kaya, huwag ka munang pumasok. Lunes naman bukas, e. Hindi masyadong marami ang kustumer. Ako nang bahala basta magpahinga ka na lang muna." suhestyun ni Gina. Pero hindi siya papayag. Sayang ang kikitain niya sa isang araw. Ibabawas kasi ang absent niya sa sasahurin niya.

    Last Updated : 2022-09-01
  • Still holding on   Chapter 5

    Kinabukasan maagang nagising si Anna upang maligo at magluto ng almusal nila ni Gina. Sa karenderya kung saan sila nagtatrabaho ay doon rin sila naglalagi. Sa ikalawang palapag kasi no'n ay paupahan ni Aling Agnes pero pinagamit na lang sa kanila ng libre ang silid. Sa katabi ng karenderyang iyon ang bahay naman ni Aling Agnes.Humihigop si Anna ng kape nang bumaba si Gina sa hagdan. Agad niya ito inalok ng almusal."Oh, halika na, Gi." paanyaya niya sa kakagising lang na si Gina.Paunat-unat naman ito ng katawan bago ito naupo sa silya. Kinuha nito ang kape at ininom. Kapagkuwan ay nagsalita ito."Papasok ka na?" tanong nito sa kaniya."Oo. Hindi na masakit ang katawan ko." saad ni Anna."Sigurado ka?" may halong pagdududa ang tanong nito.Aminado si Anna na masakit pa rin ang buo niyang katawan, pero dahil sayang ang araw na um-absent siya ay papasok na lang siya ngayon."Oo nga e." sagot niya. Pero laking gulat niya nang mariing pisilin ni Gina ang balikat niya. "A-aray!" reklam

    Last Updated : 2022-09-01
  • Still holding on   Chapter 6

    Nahihiya man ay nilakasan na lang ni Anna ang loob upang kausapin si Aling Agnes kinabukasan. Ang buong akala ng dalaga ay magtatampo sa kan'ya ang Ginang, pero laking gulat niya nang matuwa pa ito sa kan'yang sinabi."Talaga, Anna? Sa Valle Interprises ka pupunta ngayon?" tila excited na tanong ni Aling Agnes. Hindi maalis ang tuwa sa mukha ng Ginang. Kilala kasi nito kung gaano kayaman ang opisinang pupuntahan ni Anna."Opo, manang." tipid na sagot ni Anna habang sinusukbit sa balikat ang bag. Nakasuot lamang siya ng skinny jeans at simpleng blouse na kulay green.At flat shoes naman ang sapin niya sa paa. Hinayaang nakalugay ang basa pang buhok na hanggang balikat ang haba.''Naku, Anna, baka iyan na ang suwerte mo! Huwag kang mag-alala, nandito lang kami ni Gina naka-support sayo!'' wika ni Agnes sabay baling nito kay Gina na mababakas rin ang tuwa sa mukha, '''diba, Gina?'' anito. Mabilis namang tumango ang kaibigan.Ngumiti si Anna sa dalawang tao na itinuring na niyang pamilya.

    Last Updated : 2022-09-02
  • Still holding on   Chapter 7

    Pagka-uwi palang ni Anna galing ng San Diego ay agad niyang inaayos at niligpit ang mga gamit na dadalhin niya kinabukasan. Nang araw na iyon ay hindi nagbukas ang Agne's Batchoyan. Ikinagulat pa niya iyon pero pinaliwanag sa kan'ya ni Gina kung bakit. Gusto raw kasi ni Aling Agnes na ang buong araw na iyon ay para sa kan'ya, gusto ng mga ito na mag-bonding sila. Kaya naman matapos ang pag-aayos niya ng mga gamit ay inaya siyang pumunta ng Plaza para mag-picnic, dala ang iba't ibang putahe na pinaluto pa ni Aling Agnes sa kusinero nila.Hindi matatawaran ang saya na nadarama ni Anna sapagkat ngayon niya lang naranasan ang pahalagahan ng isang tao. At kina Gina at Aling Agnes lamang niya iyon naranasan. Kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa mga ito.''Basta, Anna, huwag mo kaming kalimutang i-invite sa kasal mo ha?'' si Gina iyon na sumusubo pa ng barbeque.Maang na napatingin siya sa kaibigan."Ha? A-anong kasal?'' kunot ang noong tanong niya kay Gina.Tumawa pa si Gina bago siya

    Last Updated : 2022-09-03
  • Still holding on   Chapter 8

    Unang araw sa trabaho ni Anna bilang nanny, kaya naman maaga siyang bumangon at naligo. Masigla ang bawat galaw niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang pa-apekto sa mga kasamahan sa loob ng mansion. Kung ayaw nila sa akin, bahala sila. Basta ako, kailangan ko ang trabahong ito! Aniya sa isipan.Matapos makaligo ay naghanap si Anna ng masusuot, pero akmang isusuot na niya ang damit nang pumasok sa loob ng silid na inuukupa nila si Bebang, ang mayordoma.Isang silid lang ang ginagamit nilang mga katulong, pero malaki iyon at malapad. May kani-kaniyang bed spaces. Maluwag pa sa kanilang lima. May sariling bathroom at kusina rin iyon. Kung iisipin ay hindi iyon ordinaryong silid lamang.Napatingin si Anna sa damit na inilapag ni Bebang sa ibabaw ng higaan niya. "Iyan ang uniporme mo." supladang sabi ni Bebang kay Anna.Pero gayunpaman ang pakitungo ni Bebang kay Anna ay hindi na lamang iyon iniisip pa ni Anna. Magalang siyang nagpasalamat sa mayordoma."Salamat po." aniya."Pagkatapos mo d'

    Last Updated : 2022-09-04
  • Still holding on   Chapter 9

    Habang nasa biyahe pauwi ay panay ang pangungulit ni Paolo kay Anna na dumaan sila sa Kidzoona. Madaanan lamang nila iyon pauwi, pero hindi pumayag si Anna kahit na gusto niya sanang pagbigyan ang bata. Alam niyang nasa rules iyon ni Brett, at bawal iyon labagin.''Ate Anna, please...'' ulit na panunuyo ni Paolo. Sinadya nitong palambingin ang boses at sinabayan pa ng pagpapa-cute.Napabuntong-hininga si Anna, kapagkuwan ay ginulo ang buhok ni Paolo. Yumakap naman sa bewang niya ang bata. Ang driver naman ay panay ang sulyap sa kanila sa rearview mirror.''Magpaalam muna tayo sa daddy mo. At kung papayag siya, bukas na lang tayo pupunta sa Kidzoona.'' paliwanag ni Anna sa bata.''Okay...'' anang bata na tila hindi sang-ayon sa sinabi niya. ''Si mommy ko lagi niyang sinusunod ang gusto ko. Lagi kaming pumupunta sa Malls, especially sa Kidzoona.'' malungkot na sabi ni Paolo na ikinalingon ni Anna rito.Oo nga pala may mommy itong si Paolo pero bakit hindi ito nakikita ni Anna? Hindi ba

    Last Updated : 2022-09-04

Latest chapter

  • Still holding on   Chapter 37

    Malungkot na pinagmasdan ni Anna ang silid na ilang buwan rin niyang inukupa. Inilibot niya ang paningin, mapait siyang napangiti sapagkat maraming alaala sa kaniya ang silid na ito. Pero gayunpaman ay wala siyang nararamdaman na paghihinayang sa pag-alis niyang ito. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan, para sa anak niya at para sa kanila ni Brett ang gagawin niyang ito. Dahil ito ang dapat nilang gawin, ang lumayo sa isa't isa nang sa gano'n ay malaman kung hanggang saan nga ba patungo ang lahat. Mahal niya si Brett, pero siya ay hanggang ngayon walang kasagutan kung mahal rin ba siya ng binata."Siguro naisip ng Panginoon na ilayo kami sa isa't isa ng tatay mo, anak, dahil hindi ito ang panahon para sa amin. Na hindi kami para sa isa't isa. Pero kumakapit pa rin ako sa Panginoon na dadating ang tamang oras na itatakda niya kami para mahalin ang sa isa't isa." Pagkausap ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya.Kung hindi man ito ang tamang panahon para mahalin si Brett ay maghihintay si

  • Still holding on   Chapter 36

    Araw ng libing ni Paolo, lahat ay emosyunal sapagka't huling araw na lang na makikita nila ang labi ng bata. Lahat ay nakatayo at nagkani-kaniyang pahid ng panyo sa mga matang walang tigil sa paglabas ng luha habang nagmi-misa ang Pari.Pagkatapos ng misa ay hinatid na sa huling hantongan ang bata. Sa isang private cemetery sa San Diego inihatid ang labi ni Paolo.Malungkot na nakatingin si Brett sa mukha ng anak. Kinakabisado niya ng maigi ang itsura ni Paolo dahil huling araw nalang niya na makikita ito. Dahil nakabukas ang coffin ay malaya niyang nahaplos ang pisngi ng bata, at hinalikan niya rin ito sa noo."Mami-miss kita, anak. Hinding-hindi kita malilimutan. Sana tulungan mo si Daddy na makaya ang lahat ng ito. Dahil sa totoo lang anak, parang gusto ko na rin sumuko..." Tumulo ang luha ni Brett habang nakatitig kay Paolo. "M-Mahal na mahal kita, anak." sambit pa niya.Nang hindi na niya makaya na makita si Paolo ay umatras siya at pumunta sa isang tabi at doon pinagpatuloy ang

  • Still holding on   Chapter 35

    Pagkapasok ni Brett sa loob ng kaniyang silid ay malakas niyang inihagis ang bote. Tumama iyon sa dingding at nabasag. Pati ang mga gamit sa loob ng kaniyang silid ay binalibag rin niya. At nang mapagod ay napaupo siya sa sahig habang nasasabunutan ang sariling buhok.Pagod na siyang masaktan, pagod na siyang maloko. Ang nalaman niya kanina ay isang kalokohan. Ang buong akala niya ay siya lang ang lalaki sa buhay ni Anna ngunit nagkamali yata siya. "Fuck!"Tumayo si Brett at pumasok sa loob ng banyo upang pumailalaim sa tubig ng sa ganoon ay maibsan ang init ng ulo niya. Habang nasa ganoon siyang sitwasyon ay napa-isip siya.Huling araw na ng lamay ng anak niya ngayon kaya hindi niya dapat sayangin ang pagkakataon na ito. Pagkatapos niyang maligo ay bumaba siya. Nagulat pa ang ilang kasambahay nang makita siya. Marahil hindi inakala ng mga ito na lalabas rin siya mula sa pagkukulong sa silid niya.Pati si Bebang na nakasalubong niya ay nagtataka rin na napapatingin sa kaniya."Bebang

  • Still holding on   Chapter 34

    Isang mainit na hininga ang tumama sa leeg ni Anna na siyang ikinamulat niya ng mga mata. Naramdaman niyang may nakadagan sa kaniya mula sa likuran niya. Napasinghap siya sapagkat si Brett iyon at baka naipit na ang anak nila. Sa pag-aalala ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya ay dahan-dahan niyang tinapik ang braso ni Brett."B-Brett umalis ka riyan." aniya sa lalaki. Hindi niya malaman kung ilang oras ba siyang tulog at ilang oras na rin itong nakadagan sa kaniya. Mula sa pagkakadapa ay rinig niya ang pagpintig ng nasa sinapupunan niya."Brett!" Malakas na sigaw niya dahil sa taranta. Napamulat ng mga mata ang lalaki, at galit na umalis sa ibabaw niya. Muli itong nahiga ng patagilid at tinakpan ng unan ang buong mukha.Samantalang napapangiwi namang bumangon si Anna. Nanginginig ang buong katawan niya, at masakit rin ang balakang niya. Naupo siya sa kama at sinapo ang tiyan na umiiyak.Nag-aalala siya at baka napano na ang bata. Binalingan niya si Brett at galit itong tiningnan

  • Still holding on   Chapter 33

    Malungkot na nakatingin si Anna sa batang nakahiga sa loob ng kabaong. Ang bigat-bigat sa dibdib na isiping hindi na niya makikita pa kahit kailan ang pag-ngiti nito, ang marinig ang malambing nitong tinig, at higit sa lahat ang mayakap ito.Pinahid ni Anna ang mga luha na umaagos sa pisngi, kapagkuwan ay hinaplos niya ang salamin sa bandang mukha ni Paolo."S-Sayang at hindi mo na makikilala pa ang kapatid mo, Paolo..." malungkot niyang sambit.Alam ni Anna na malabong mangyari na tatanggapin ni Paolo ang kapatid nito na mula sa kaniya, pero hindi niya ipagkakait sa anak na ipakilala si Paolo bilang kapatid nito kahit hindi man ito tanggapin ng huli.Ngunit wala na si Paolo, at hindi na nito makikilala pa ang kapatid.Nasa ganoong senaryo si Anna nang bigla niyang marinig ang malakas na kalabog sa labas ng mansiyon dahilan upang siya'y mapakislot sa kinatatayuan niya. Mabilis niyang napahid ang mga luha at napa-ikot paharap sa entrada ng bahay kung saan tumatakbo ang ibang katulong p

  • Still holding on   Chapter 32

    Samantalang sinisikap naman ni Anna na kausapin si Brett, dinadalhan niya rin ito ng pagkain ngunit madalas na ibato ng binata sa kaniya ang mga pagkain na dinadala niya para sa binata. Mabuti na lang at naiilagan niya dahil kung hindi ay masasaktan siya ng pisikal. Minsan ay natatakot na rin siyang lumapit kay Brett dahil tila wala na itong kinikilala. Lahat na lang ng tao sa loob ng mansiyon ay ayaw nitong kausapin o makita. Katulad na lang ngayon, nakatayo si Anna sa labas ng pintoan ng kuwarto ni Brett bitbit ang tray na may pagkain, matagal na siyang naroon at panay ang paghugot-buga ng hangin dahil kinakabahan siyang pumasok sa loob. Hindi siya natatakot para sa sarili niya, kundi para sa batang nasa sinapupunan niya. Baka kasi sa galit ni Brett ay masaktan siya nito at madamay ang bata. Iyon ang kinakatakot ni Anna.Matapos ang ilang minuto na pagtayo ni Anna sa labas ng pinto ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para pihitin pabukas ang siradura.Nang mabuksan iy

  • Still holding on   Chapter 31

    Kung may mas masakit man ngayon sa nararamdaman ni Brett, iyon ay ang makita ang anak na nakahiga sa stretcher, duguan at halos wala ng buhay habang tinulak ito papasok sa loob ng Emergency room. Sa mga sandaling iyon ay wala sa sarili si Brett. Tulala, at halos hindi makahinga dahil pakiramdam niya ay punong-puno ang kaniyang dibdib, at anumang oras ay parang sasabog iyon.Natataranta siya at halos hindi na mapakali lalo na at nakikita niya ang dugo ng anak sa kaniyang damit at palad.Sinubukan niyang pumasok sa loob ng Emergency room, ngunit hinarang siya ng nurse. "Papasokin niyo ako ano ba?! Kailangan ako ng anak ko!" angil niya sa dalawang nurse na nakaharang sa pintoan. Masisiraraan siya ng bait kapag hindi niya makikita si Paolo."I'm so sorry, Sir. Pero bawal po kayo sa loob." wika ng nurse na bakas ang takot kay Brett."Damn it!"Nanghihinang napaupo si Brett sa sahig habang sapo ang kaniyang mukha. Hindi na ni Brett napigilan ang emosyon, bumuhos na iyon. Humagulhol siya ng

  • Still holding on   Chapter 30

    Matapos ang nangyari nakaraang gabi ay iniiwasan na ni Anna si Brett. May pagkakataon na nagkakasalubong sila sa loob ng mansiyon, ngunit hindi niya binibigyan ng kahit na sulyap ang binata.Katulad na lang ngayon, habang nasa hardin siya at nagdidilig ng halaman ay narito si Brett sa likuran niya. Nakatayo ang lalaki at nakapamewang ito. Hindi niya ito sinulyapan. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Araw kasi ng sabado ngayon, kaya walang pasok si Paolo. Pagkatapos ni Anna sa pagdidilig ay umikot siya paharap, at naglakad na parang hindi nakikita si Brett. Masama pa rin kasi ang loob niya sa lalaki at gustong-gusto niya isampal sa pagmumukha nito ang mga pinagsasabi nito nakaraang gabi.Si Brett naman ay malalim na napabuga ng hangin ng lagpasan siya ng dalaga. Nais niya itong maka-usap at humingi ng despensa sa mga nasabi niya kagabi. Napapikit ng mariin si Brett bago siya umikot at habulin si Anna."Anna, wait." wika niya sabay hablot sa braso ng dalaga. "I want to talk to you." Tumigil

  • Still holding on   Chapter 29

    Nakatingin si Brett sa dalagang walang malay. Nakahiga ito sa kama sa loob ng room nito, habang siya ay nakaupo naman sa tabi nito.Habang nakatitig sa maamong mukha ni Anna ay nasasaktan si Brett. Nasasaktan siya sapagka't nagawa niya itong saktan. Kung hindi niya sana pinakealaman ang dalaga ay hindi sana ito nasasaktan ngayon. Nais niyang kastiguhin ang sarili dahil ang lakas ng loob niyang magparamdam dito na may nararamdaman rin siya, ngunit hindi naman niya mapanindigan. Napabuntonghininga si Brett. Mahal niya si Anna, pero mahal niya rin ang kaniyang anak. Mas uunahin niya ang kasiyahan ng anak kaysa sa kasiyahan niya."Para rin ito sa ikabubuti mo, Anna. Bata ka pa, at tiyak na makakahanap ka ng lalaking mas bagay sayo. I can't give the love you deserved. Hindi ako bagay sayo, Anna." bulong ni Brett habang titig na titig kay Anna."H-Hindi mo ako kailangang m-mahalin, Brett. H-Hayaan m-mo na lang akong m-mahalin ka." Biglang nagmulat ang mga mata ni Anna at nagsalubong ang mg

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status