Nakatitig siya sa mukha niya sa salamin. Hinayaan niya lang na nakalugay ang hanggang kili-kili niya na lang na kulot na buhok. Hindi niya iyon itatali. Naglagay lang siya ng parang cream sa buhok para huwag iyong bumuhaghag. May suot siyang hikaw na malaki na hugis puso. Suot niya pa rin ang malaking salamin sa mata.
Okay naman ang make-up niya... Yata.
Sa tingin niya ay okay naman iyon. Tamang-tama lang sa okasyon ng gabing iyon. Kulay orange ang suot na lipstick. May binili na rin siyang sapatos na babagay sa suot niya. Maikli lang ang takong ng suot na silver shoes. Iyong rainbow-colored dress niya ay makulay nga masyado. Medyo asiwa pa siya dahil parang hapit na hapit ang design ng damit sa katawan niya. May bitbit siyang purse na pinaglalagyan ng phone at pera niya.
Inayos pa niya uli ang kulot na buhok saka tumawag ng taxi na maghahatid sa kanya sa venue ng party ng The Finest Corporation.
Pagkababa pa lang niya ng taxi ay marami na siy
Nagulat pa siya nang pinatawag siya sa opisina ni Mrs. del Espania. Hindi pa siya nakapasok doon dahil hindi na naman laging andu'n ang lola ng dalawa. Kumatok pa siya bago pumasok." Come in," boses ni Mrs. del Espania ang narinig niya.Dahan-dahang binuksan niya ang pinto ng opisina nito. Natigilan pa siya sa pagpasok nang makitang nakaupo din sina Clyde at Kyle sa loob ng opisina ng lola ng mga ito. Nakaupo ang dalawa sa munting sofa na andu'n. Ang akala niya ay si Mrs. del Espania lang ang kakausap sa kanya.Parehong nakatingin ang tatlo sa kanya. Napalunok pa muna siya habang nanatiling nakatayo sa may pinto." Good Morning, Tash!" si Kyle ang unang bumati sa kanya.Tumango naman si Clyde bilang pagbati." G-good morning po," bati niya sa tatlo." Good morning din, Natasha. Halika at umupo ka rito sa harap," nakangiting sabi ni Mrs. del Espania na itinuro pa ang upuan sa harap ng mesa nito.Agad na lumapit siya at tumingin
Pinababa siya ni Zara sa ground floor pagkatapos ng pakikipag-usap niya kay Mrs. del Espania. I-assist raw niya ang mga nasa baba. Hindi niya sure kung mga aplikante ba ang mga andu'n pero wala namang ibinigay na detalye pa si Zara. Nagulat na lang siya nang may makita siyang linya ng mga babaeng naka-gown na kamukha ng suot niya nu'ng party tapos naka-pink rubber shoes din ang mga ito. Ano'ng meron? Nagtatakang tanong ng isip niya. Lumapit siya sa mga ito na may pagtataka ang mukha. Nilapitan siya ng guard. " Sila raw po iyong nasa picture na hinahanap ni Sir Kyle," sabi ng guard sa kanya. Seryoso? Napatingin uli siya sa mga ito. Sa tingin niya ay hindi bababa sa sampu ang nasa linya. Isa-isa niyang tiningnan ang mga babaeng nakangiti na parang excited. Mas nagulat pa siya sa isang matabang babae na nasa gitna na halos puputok na ang tela ng gown na suot. Talaga lang? Hindi niya alam kung nakikisakay lang ang mga ito or talagang seryo
Nahihiya pa siya nang pinasundo siya ng driver ni Mrs. del Espania sa boarding house niya. Isang maleta at isang bag lang naman ang mga bitbit niya dahil wala naman siya gaanong gamit na dala at binili mula nang magtrabaho siya sa Maynila. Alas siyete ng gabi iyon ng Sabado. Biyernes pa lang ay nakaimpake na siya. Nalinisan na rin niya ang kwarto niya at nakapagpaalam na sa may-ari ng nirerentahan. Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman. Masaya nga siya pero parang kinakabahan na rin. Nasa loob na siya ng kotse at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi pa niya ipinaalam sa lola niya na sa bahay nina Clyde na siya maninirahan ng temporary baka kasi hindi siya tatantanan ng sermon ng matanda. Andu'n pa rin naman ang guilt pero lagi niya lang pinapaalala sa sarili na hindi naman panloloko iyon. Paanong hindi naging panloloko iyon?Tanong ng utak niyang ayaw siyang patahimikin ng ilang araw na. Namamangha pa rin siya sa laki ng bahay
Napakurap-kurap pa siya at bigla rin naman napadilat nang tuluyan nang mapansin ang kisame. Bigla siyang napatingin sa paligid. Napakunot-noo pa siya nang makita ang malaking kwarto. Saka lang niya naalala na sa bahay nina Clyde na pala siya nakatira. Napangiti siya habang ipinikit uli ang mga mata at dumilat din naman uli pagkatapos ng ilang segundo. Napatingin siya sa oras. Alas kwatro pa lang ng madaling araw at sanay siyang gumising nang ganoong oras kahit walang pasok. Bumangon siya para umupo muna sa kama at iniunat pa ang dalawang braso. Pahikab na kinuha niya ang salamin sa mata na nasa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama at isinuot iyon. Inaantok pa na tumayo siya at pumunta sa banyo na nasa loob ng kwarto. Tiningnan niya muna ang mukha sa salamin. Mukha talaga siyang bruha kapag bagong gising dahil buhaghag na buhaghag ang kulot niyang buhok. Madaliang nag-toothbrush siya at hinayaan na lang muna ang buhok dahil tinatamad pa siyang suklayin iyon. Inayos
" My lola believes that you are our lucky charm. Unbelievable as it seems, naniniwala pa rin siya sa mga hula-hula. My brother, Clyde is a very devoted grandson. Sad to say, he is still under the control of our grandmother. I love my lola so much but I just can't say yes to everything she says. Pero si Clyde kaya niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa lola namin lalo ngayong may dinaramdam ito," panimula ni Kyle na seryoso na ang mukhang nakatayo sa harap niya habang nakaupo siya sa kama nito.Hindi na siya nabigla sa mga narinig dahil matagal na niyang alam ang mga sinabi ni Kyle." I'm sure you've heard about my past relationship with Claire. To make the story short, Clyde and Claire are not really in love with each other. Kasunduan lang din ang pagpapakasal sana nila at dahil pa rin iyon sa payo ng isang manghuhula," biglang kumunot ang noo ni Kyle sa sinabi na para bang nainis bigla." I swear I will talk to that old woman kapag may free time na
Nakaupo siya sa kama habang hawak-hawak uli ang librong panggayuma. Kailangan niya iyon para mapatunayan kay Kyle na kaya niyang mapaibig si Clyde. Ayaw niyang dumating ang panahon na kailangan na nga niyang umalis sa buhay ni Clyde. Ilang taon din niyang iniingatan ang nararamdaman niya para sa lalaki para lang isuko iyon sa bandang huli. Tatlong katok ang nagpatigil sa kanya sa ginagawa. Agad na tumayo siya at nagtatakang binuksan iyon. Nakita niya ang nakaputing shirt at maong na pantalon na si Kyle. Halatang bagong ligo ang lalaki dahil amoy na amoy pa niya ang sabon at shampoo nito. " Get dressed, Tash. Aalis tayo," sabi nito. Magtatanong pa sana siya kung saan sila pupunta pero mabilis na itong umalis sa harap niya. Naisip niya ang sinabi ni Mrs. del Espania tungkol sa trabaho niya. Ang sabi ay walang pinipiling oras at araw ang trabaho niya, hangga't kailangan ang serbisyo niya ay dapat lagi siyang handa. Mabilis na isinara niya ang pinto para
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo lang sa loob ng salon dahil saa tingin niya ay nakatulog pa yata siya habang busy ang bakla sa kung ano-anong ginagawa nito sa mukha at buhok niya.Tinatapik nito minsan ang pisngi niya para magising siya kapag kailangan nitong banlawan ang buhok niya. Nakikita niya naman ang repleksiyon ni Kyle sa salamin na nakatutok ang atensiyon sa phone nito. Nakita pa nga niya itong tumayo isang beses para lumabas habang may kausap ito sa phone.May mga babae namang naka-assign para maglinis ng mga kuko niya sa kamay at paa." Malapit na tayong matapos pero parang hindi bagay ang suot mo sa ginawa kong makeover sa'yo. Mga damit mo ba iyong dala ni pogi? Palitan mo na muna ang damit mo bago iyong finishing touches ko," maya-maya ay sabi ng bakla habang nakatingin sa kanya sa salamin." Huwag na. Uuwi lang din naman kami ng bahay pagkatapos nito," tanggi niya." What? Nagli-live in na kayo ni pogi?" napangangan
Pinatayo na siya ng bakla nang matapos na siyang ayusan nito. Isinuot niya uli ang salamin sa mata para makita niyang mabuti ang sarili. Nakangiting hinintay ng bakla ang reaksiyon niya. Naalala niya ang mukha niya nu'ng gabi ng party. Napangiti siya. Napalis lang iyon nang makita niya ang mukha ni Kyle na nakatitig din sa kanya sa salamin. " Wow, Tash... One of these days, I might let you sign another contract," hindi naman ito ngumingiti pero parang mas kumakabog ang dibdib niya kapag hindi siya tinutudyo ng lalaki. " As a model?" wala sa loob na tanong niya. Tumabi ang bakla nang mas lumapit si Kyle sa kanya at hinawakan siya sa balikat para ipaharap dito. " Possibly... if we will get this out of the way," hindi nito inaalis ang tingin sa mukha niya nang kunin ang salamin sa mata niya. Napakurap-kurap pa siya nang tanggalin nito iyon. Basta na lang inilagay ni Kyle ang salamin sa loob ng isang paper bag. Saka lang niya napagta
HOW IT STARTED Isinandal niya sa dingding sa isang sulok si Tash. Natatawa siya habang nagtataka kung paano'ng dumikit ang isang kamay nito sa bibig. Hindi niya lubos maisip kung bakit dumikit nang ganu'n ang kamay ng babae. Gaano ba kadaming glue ang nasa palad nito? Maingat na pinahid niya ang panyong may oil sa bibig nito habang dahan-dahan ding inalis ang kamay ng babae. Pinahiran niya ang mga labi nito. Napatitig siya nang matagal sa hugis-pusong lips ng babae. Mamula-mula iyon kahit walang bahid ng lipstick. Parang malambot at masarap halikan... Damn you, Kyle. Pati ba naman ang inosenteng assistant ni Zara ay hindi makakawala sa'yo? Para maali
Hindi niya akalain na ang araw ng launching ng designs niya para sa wedding fashion show ay siyang magiging pinakamemorableng araw sa buhay nila ni Kyle. Natuloy nga ang event na iyon. Suot niya ang wedding gown na gawa niya mismo at isinuot ng mga napili nila ni Kyle ang mga damit para sa buong wedding entourage. Imbes na pictorial at fashion show lang iyon ng wedding ay naging totoong kasalan na nga ang nangyari. Naglalakad siya sa aisle at hinahatid siya ng Mama niya at ng lola niya habang papalapit sa altar kung saan naghihintay ang hindi mapakaling si Kyle. Kanina pa gustong-gustong umagos ng mga luha niya lalo't parehong umiiyak na ang Mama at lola niya sa tabi niya. Gwapong-gwapo ang lalaki habang hinihintay siya sa altar at katabi nito si Clyde. Ngumiti si Kyle nang ganap na siyang makalapit. Nagmano ito sa lola niya saka niyakap ang matanda. Niyakap na rin nito ang ina niya at parang may sinabi sa dalawa. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya.
Nagising siya nang parang may instrumental na tumutugtog. Paungol na iniunat pa niya ang mga braso pero napangiwi nang sumakit iyon. Biglang dumilat ang mga mata niya nang maalala kung bakit sumakit iyon nang ganu'n. Idinagan pala ni Kyle sa kanya ang buong katawan nito nang padapa itong nahiga sa ibabaw niya. Ibabaw niya! Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala nang ganap ang nangyari sa kanila. Dama pa niya ang parang pagtibok-tibok sa loob ng ari niya. Medyo naging marahas kasi ang ginawang pag-ulos ni Kyle kanina kaya't parang pati sa loob niya ay nabugbog. Nag-init agad ang pisngi niya nang maalala kung gaano kapusok din niyang nilabanan ang bawat diin nito sa kanya. Hindi ba't pinulikat ito pero bakit kung makaulos ito ay parang hindi naman? Biglang nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Sinadya ba iyon ni Kyle para mapapunta siya sa kwarto nito? Hindi niya alam kung ano ang dapat maramda
Linggo. Si Kyle, ang mga bata at isang yaya lang ang kasama niyang papunta ng resort. Inimbitahan niya ang Mama at lola niya pero ang sabi ay hahayaan muna silang mag-bonding ng sila lang para sa mga anak nila ni Kyle. Umaga pa lang ay bumiyahe na sila. Pagdating doon ay agad na nagtampisaw ang mga anak sa dagat. Sinamahan niya ito dahil mas panatag ang loob niya na andu'n siya at nagbabantay sa mga ito kahit na may yaya namang palaging nakasunod sa mga bata. Si Kyle ay nagpahanda muna ng makakain nila sa mga staff ng resort. Tingin niya ay inarkilahan nito ang buong resort exclusively dahil wala siyang nakikitang ibang tao. Bago magtanghali ay kumain sila sa cottage. Lima lang sila pero parang isang baryo ang kakain sa dami ng mga pagkain sa mesa. Tinawag na rin ni Kyle ang staff ng resort para makisalo sa kanila. Katatapos lang kumain ng mga anak nila ay nag-aya na agad ang mga ito sa dagat. Mabuti na lang at hindi gaanong mainit ang sikat n
Umaga pa lang ay busy na ang ina sa paghahanda para sa dinner nila kasama ng pamilya ni Kyle mamaya. Tinulungan ito ng lola niya kahit ano'ng pigil nila sa matanda. Kahit may mga kasambahay naman ang Mama niya ay mas gusto nitong gawin ang halos lahat ng gawain para sa naka-schedule na dinner. Tinutulungan niya rin ang ina dahil parang ayaw nitong tumigil sa kakakilos. Ganu'n siguro ang Mama niya kung sakaling may mamamanhikan nga sa kanya.Hindi niya kasi maiwsang isipin na parang ganu'n ang dating dahil dadalhin ni Kyle ang pamilya nito sa kanila para makausap ang pamilya niya. Hindi naman siguro masama kung mag-ambisyon siya nang ganu'n kahit sa gabi lang na iyon. Ang mga anak niya ay hiniram ni Kyle para huwag makaabala sa kanila. Nag-alok din ito ng tulong pero magalang na tinanggihan ng ina niya. Nang sa wakas ay nakatapos na rin sila ay nagpahinga muna sila saglit para makapaghanda na rin ng sarili nila maya-maya. Dumating ang pamilya ni Kyl
Mataman nilang kinausap kagabi ang magkapatid. Mas lamang ang pakikipag-usap ni Kyle sa mga ito habang paulit-ulit na humingi ng sorry dahil hindi nito nasubaybayan ang paglaki ng mga anak. Ang lalaki rin ang nagpaliwanang kung bakit wala ito sa tabi ng mga anak nu'ng mga panahong iyon. Ipinagpasalamat niya sa lalaki na hindi nito pinapalabas na kasalanan niya ang lahat. Hindi kababakasan nang anumang hinanakit ang kambal. Ang tanging nakikita nila ay ang kasiyahang nararamdaman ng mga ito na sa wakas ay may matatawag na rin silang daddy. ------------------------ Huminga siya nang malalim habang napatingala sa malaking bahay ni Mrs. del Espania. Hawak niya sa isang kamay si Piper habang karga naman ni Kyle si Mackenzie. Hindi pa raw ipinaalam ni Kyle sa lola nito ang tungkol sa mga anak nila pati na kay Clyde. Ang alam lang ng mga ito ay may espesyal na panauhin sila. Inilibot niya ang tingin sa loob ng bahay. Bumalik ang lahat ng alaala niya
Ipinasyal muna ng lola niya sa bayan ang mga anak nila para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap. Wala silang ibang kasama ni Kyle nang mga oras na iyon. Nanatiling nakatutok ang tingin niya sa sahig. Puro buntunghininga ang naririnig niya mula kay Kyle. Hinintay niya lang na magsalita si Kyle bago niya simulan ang pagpapaliwanag. Ilang minuto na rin sila sa loob ng kwarto kung saan tumatanggap ng mga customers ang lola niya dati pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. "Why?" Mababang-mababa ang tono ng boses nito nang itanong iyon. Sa isang salitang tanong na iyon ay alam niyang maraming katanungan ang kalakip doon. Siya naman ang napahinga nang malalim. Inangat na niya ang tingin sa mukha ng lalaki. Magkaharap silang nakaupo nito. Para siyang naghihintay ng sistensiya sa malaking kasalanang nagawa niya. "You know why," ang maikling sagot niya. Maraming beses na niyang inulit-ulit sabihin sa utak ang mga bagay na isusumbat niya sa lalaki kun
Kanina pa siya palakad-lakad sa loob ng bahay niya. Umuwi siya agad kinahapunan sa pagbabakasakaling ihahatid agad ng Mama niya ang anak. Hindi siya mapakali sa kaalamang kasama ni Kyle ang bata lalo't parang naghihinala na ito.Natatakot naman siyang tawagan ang ina dahil baka si Kyle ang makausap niya dahil kasama ng mga ito ang lalaki. Kapag napapagod siya sa paroo't-paritong paglalakad ay umuupo siya sa sofa pero tumatayo rin agad.Malapit nang dumilim at wala pa rin ang Mama niya at ang anak. Tatawagan na niya sana ito nang makatanggap ng text galing sa ina.IHAHATID NA DIYAN SI MAC.Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Siguro ay ipapahatid na lang ng Mama niya ang apo dahil sa pagod nito. Medyo malayo-layo pa naman ang bahay niya sa bahay nito. Wala itong binanggit na kung ano man tungkol kay Kyle. Natatakot din naman siyang magtanong. Nag-reply lang siya ng pasasalamat dito. Hindi na niya hinabaan ang sagot dahil hindi pa siya ha
Hindi na niya maalala kung paano niya sinagot ang mga katanungan ni Kyle nang malaman nitong dalawa na ang anak niya. Ang sinigurado lang niya ay huwag nitong malamang kambal si Mackenzie at Piper. Inaya na niyang umuwi ang anak pagkatapos ng ilang minuto dahil baka mapagtagni-tagni na ni Kyle ang mga impormasyon. Mabuti na lang at hind na ito nagpumilit na maihatid sila sa bahay niya dahil dala niya naman ang sasakyan niya. Pinuntahan siya ng ina kinagabihan. Tinanong siya nito kung ano ang plano niya ngayong nakita na ni Kyle ang isa sa kambal nila. Sinabi niyang magulo pa ang utak niya. Hinayaan siya nito na magdesisyon nang hindi nagmamadali. Ang tanging alam niya nang mga panahong iyon ay ayaw niyang malaman ni Kyle ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Desidido pa rin kasi siyang bumalik sila ng London at mas mabuting hindi na niya ipapakilala ang mga anak kay Kyle. Ayaw niyang masaktan ang mga anak kapag bumalik na sila ng London. Magmula nang m