Pagkatapos ng tatlong taon ay winakasan na ni Rana ang bisa ng kasal nila ni Bryson Deogracia. Hindi siya pinahahalagahan ng asawa sapagkat may ibang nilalaman ang puso nito. Malupit rin ang pamilya nito sa kanya. Kaya wala nang dahilan upang ituloy niya ang pagdurusa niya sa pamamahay nito. Nararapat lamang na bumalik siya sa dating buhay. Ang buhay na tinalikuran at kinalimutan niya para sa lalaki.
view more“Bry, huwag ka na sanang magalit sa amin ni Bryenne. Sa pagkakataong ito, talagang alam na namin ang aming pagkakamali. Pakiusap, bigyan mo pa kami ng isa pang pagkakataon. Pangako, babaguhin na talaga namin ang lahat!”Kagat-labing isinend iyon ni Pey kay Bryson.Hindi malinaw ang pagkakalahad ng mga salita dahil hindi niya rin naman alam ang eksaktong problema.Pero ang tono ng paghingi ng tawad ay talagang ginawa niyang totoo at maayos.Sa paningin ni Pey ay kontento na siya sa kanyang sinabi.At tama nga siya, dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay nag-reply na agad ang lalaki.Kahit paano ay hindi pa rin talaga siya nito matiis.Napangiti siya ng maliit. Animo’y kinilig pa."Talaga bang alam niyo na ang pagkakamali niyo?"Nang mabasa ito ni Pey ay agad niyang naunawaan na si Bryenne talaga ang may kasalanan.Kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanila ni Bryson.Mula sa tono ng mensahe ng lalaki ay masasabi niyang si Bryenne ang punong may sala.At siya ay damay-sibilyan lang
Pagkalabas mula sa ospital ay hindi na pinayagan ni Rana si Vern na magmaneho.Siya mismo ang umupo sa driver's seat at ligtas na inihatid ang lalaki pauwi sa tinutuluyan nitong apartment."Sige na. Maligo ka muna tapos magpahinga nang maayos. Tigilan mo muna ang paglalabas-labas at pakikipaglandian." paalala pa ng dalaga rito.Sabay hatak sa gear, senyales na patatakbuhin na niyang muli ang sasakyan.Pero pinigilan siya ni Vern. Malaki ang ngisi sa mukha."Gusto ko rin maligo. Pero hindi pwedeng mabasa ang mga sugat ko. Paano ako maliligo niyan?"Tumaas ang kilay ni Rana."Edi ‘wag mong basain?”“Paano naman ‘yon?”Kinamot ni Rana ang ulo. “Eh ‘wag ka nalang maligo. Kakainis ‘to.”“Eh lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.”“Ibalot mo nalang sa clip wrap. Di mo ba alam ‘yon?”"Hindi ko alam. Tsaka may sugat ako sa likod. Hindi ko maabot mag-isa para lagyan ng gamot. Pwede mo ba akong tulungan?" Walang bahid ng pag-aalinlangan si Vern habang sinasabi ito.Nasayangan siya sa araw na it
Sinubukang mag-inarte ni Vern kay Rana.Pero agad siyang nabuko ng babae. “Kanina nung nagmamaneho ka papunta rito, bakit parang hindi ka naman mukhang nasasaktan?”“Dahil tinitiis ko lang.” pairap niyang sagot dito.“Ganun ba? Parang hindi naman halata. Pero kung gusto mong maramdaman talaga ang sakit sa buong katawan. Aba, andito na rin lang tayo sa ospital? Bakit hindi ko na lang tulungan kang matupad ang pangarap mo?”Sabay patunog ng babae sa mga daliri.Maangas pa itong nakatingin kay Vern.Napaigtad si Vern at agad na umurong.“Huwag na, huwag na! Kaya ko pa naman. Ako na lang ang pupunta sa doktor.” panis ang ngiti nito.“Hindi. Mukhang hindi ka pa nakakaramdam ng kahit ano eh. Ang yabang yabang mo kaya kanina. Kamo, hindi mo kailangang pumunta rito at ako pa ang pumilit sa’yo?”Unti-unting naglakad papasok sa loob si Vern.Iniiwasan ang maaaring gawin sa kanya ni Rana.Si Rana ay tinuruan ng kanyang kuya ng kung ano-anong self-defense mula pagkabata.Si Ruan na isang certifi
Sa harap ng ospital, hindi inaasahan nina Bryson at Moss na makakasalubong nila ang dalawa.Sina Rana at Vern.Napaawang ang bibig ni Bryson habang nanlalaban na ang itsura ni Moss.Si Vern naman ay ganoon rin.Madilim rin ang tingin nito sa dalawang lalaki.Matapos gamutin ang sugat ni Bryson ay iminungkahi pa ni Moss na manatili siya ng ilang araw sa ospital upang makabawi ng lakas.Ngunit tumanggi si Bryson.Ngayong nasa kritikal na yugto ang kumpanya, bilang presidente ay hindi siya maaaring mawala sa ganitong panahon.Wala nang nagawa si Moss kundi asikasuhin ang paglabas niya sa ospital.Hindi nila inakalang sa mismong ngayong araw din nila makikita ang kalaban.Ni hindi pa lumuluwag ang benda sa kamay ni Bryson ay mukhang makikipag-buno na naman ito.Sarkastikong ngumisi si Moss.Malambot man ang kanyang puso ay marunong pa rin naman siyang sumuntok ng lalaki.“Aba, speaking of the devil. Dito pa talaga tayo nagkasalubong, Mr. President.” punong-puno ng panunuya ang kanyang bos
Nagmamadaling minane-obra ni Vern ang sasakyan.Nagpatulong siya sa kanyang assistant na lagyan nang band-aid ang mga sugat. Nag-ayos na rin siya at nagpalit ng damit para makipagkita kay Rana.Habang nagmamaneho ay may hawak na ice pack ang isa niyang kamay at idinidikit niya iyon sa kanyang mukha.“Damn, Deogracia.” bulong niya habang naiipit sa traffic.Pagdating niya sa lugar ay matagal nang naghihintay si Rana sa labas.Napairap si Rana nang makita ang paparating na kotse ni Vern.Tumayo siya nang tuwid nang makitang pababa na si Vern sa kotse nito.Nakasimangot niya itong sinalubong.“Maaga ka pa.” muli ay umikot ang kanyang mata. “Para bukas.”Natatawang lumapit si Vern.“Sorry!”“Ang tagal tagal mo." reklamo ni Rana nang makalapit ang lalaki sa kanya.Nakahalukipkip ang kanyang mga braso at simangot na simangot na ang mukha.Agad namang ngumiti si Vern nang pa-cute."Pasensya na, hindi ako nakapag-text sa’yo. Dumami kasi ‘yung trabaho ko kaya natagalan."Paglapit niya, napansi
“Si Vernon Santiago ba talaga?”Tanong ni Moss nang may pag-aalinlangan.Hindi siya makapaniwala.Inulit niya ang tanong dahil di rin naman sumasagot ang kanyang kaibigan.Wala gaanong ekspresyon sa mukha ni Bryson pero kahit sino ay makakaramdam na hindi maganda ang timpla nito.Na hindi mo gugustuhing lapitan pa siya dahil sa itim na awrang inilalabas nito.Simula pagkabata, hindi pa kailanman nakita ni Moss ang ganitong klase ng nakakakilabot na ekspresyon sa mukha ng kaibigan.Iba ito sa dati niyang pagiging walang emosyon at kalmadong presensya.Nang makita ni Moss ang ayos ng kaibigan ay nakaramdam siya ng pagkadismaya para dito.Hindi niya inaasahang hahayaan nitong mapuruhan siya ng ganito.He is a good fighter.He can definitely take Vern down dahil mas matangkad at mas maliksi naman siya sa lalaki.Napailing-iling nalang siya habang nakatitig sa kaibigan.Hindi na isinatinig pa ang mga paninisi rito.“Hindi talaga namimili si Vernon, no?! Kakahiwalay niyo palang dalawa, agad
“Awatin niyo, ano ba?!” sigaw ng isang matandang babae.Dumami ang tao kaya may humawak na rin kay Vern.Pinigilan ang muli nitong pagsugod.Napahiga na si Bryson sa lobby ng lugar.Marami ang nakiki-usyoso ngunit walang tumutulong o nangangamusta manlang sa kanya.Parehong bugbog sarado ang dalawa.Maga rin ang kamao ni Bryson dahil sa mga suntok na binitawan niya kay Vern.Si Vern naman ay parang hindi pa kuntento.Kahit may mga nakaharang na sa kanya ay gusto pang tumakbo upang durugin lalo si Bryson.Pero ang assistant niya ay nilapitan siya at mahinang bumulong."Malapit na magsimula ang jewelry exhibition. Hindi ba't may usapan kayo ni Ms. Esquivel para manood ng exhibit? Kung magpapatuloy ka pa ganyan, malamang sa malamang ay hindi mo na siya masisipot.”Biglang napaisip si Vern.Mas mahalaga ang pakikipag-date kay Rana kaysa ang pakikipag-away kay Bryson.Isa pa tama ang kanyang sekretarya.Kung magpapatuloy pa siya ay maaari pang gumanti si Bryson.Mas madadagdagan lang ang s
“Kung tungkol lang ‘yon sa inyong dalawa, bakit mo pa ako tinatanong kung nasaan siya?” nanghahamon ang boses ni Vern.“Hanapin mo na lang siya nang mag-isa. Tutal para kang aso na habol ng habol sa kanya.” dagdag pa niyaPagkatapos non ay sinubukan niya nang iwasan at iwanan si Bryson.Pero isang hakbang pa lang niya ay hinarangan na siya ni Bryson.“Ang mabuting aso, 'di humaharang sa daan.”Hindi pinansin ni Bryson ang panunuyang iyon.Hindi siya basta-bastang napipikon sa mga ganoon.Sa halip ay seryoso siyang tumingin sa lalaki.“May kailangan akong sabihin kay Rana.”“Ano naman ang kinalaman ko ro'n? Ayaw kang makita ni Rana, kaya lalo kong hindi hahayaang makita mo siya.”Sa narinig niyang malambing na tawag nito sa babae ay lalo pang dumilim ang mga mata ni Bryson.Pilit niyang binura ang kakaibang damdaming lumitaw sa dibdib.Saka walang emosyong nagsalita.“Sabihin mo lang kung nasaan siya, ibibigay ko sa’yo ang lupang pinag-aagawan natin.”Unti-unting nawala ang mapanuksong
“Fucking trash!”Hinagis ni Bryson ang folder na hawak.Natahimik ang lahat.Problemadong-problemado nitong hinawakan ang ulo.Marahang kinuha ni Froilan ang folder at mga papel na nagkalat sa sahig.“Paano nakalusot ito sa QA? Have you ever been listening to me?!” pinalo niya ang lamesa.Wala nang makatingin sa kanya ngayon.Lahat ng naroon sa meeting ay nakayuko at tahimik.May iilang paiyak na dahil ilang araw nila iyong pinaghirapan.Hindi pa sila natulog para lang matapos ang disenyo.Pumikit siya at marahang binuga ang hangin sa bibig.Dumilat siya at unang bumungad ang mga takot na mata ng kanyang nasasakupan.Bahagya siyang huminahon.“Fix it. I’ll give you a week.” nag-iwas siya ng tingin sa mga ito. “Go back to work. Meeting’s done for today.”Mabilis siyang umalis doon.Siya ang naunang lumabas bago patakbong sumunod si Froilan sa kanya.“Masyado kang mainit, Bry.” mahinang puna ni Froilan kay Bryson.Sabay maglakad ang dalawa.Malalaki ang hakbang at diretsong nakatingin s
Pinunasan ni Rana ang mga butil ng pawis sa kanyang noo habang inilalapag sa lamesa ang huling putaheng inihanda niya. Bumukas ang pintuan at pumasok si Bryson kaya mabilis niya muling inayos ang sarili.“Buti nalang naka-downy ako. Hindi ako amoy ulam!” ngisi niya sa kanyang utak.Ngunit nawala ang ngiti sa mga labi niya nang sa likuran ng asawa ay ang nakangising mukha ni Pey ang tumambad sa kanya.Tatlong taon na silang kasal ni Bryson, pero tatlong taon din siyang binabalewala nito.Sa bawat gabing hindi ito umuuwi sa bahay nila, palaging nagpapadala si Pey ng mapanuksong mensahe, mga larawan nilang dalawa ng lalaki na magkasama.Lantarang pinapamukha nito, kung ano sila ng asawa niya.Paalala kung gaano siya kahirap sa isang pilit na pagsasamang walang kaligayahan.Mahinhin na hinawakan ni Pey ang braso ni Bryson at hinamas-himas ito."Pasensya na kung biglaan ang pagdating ko, Rana." ngumisi ito. "Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito? Ang galing mo talaga! Hindi tulad ko, mahina...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments