Siya si Chryll Araneta, 19 year old. Maganda, may balingkinitang katawan at morena ang kutis ng kanyang balat. Si Chyrll ay anak ni Police General. Wilson Araneta sa kanyang dating kasintahan, hindi niya alam na nabuntis niya ito noon bago sila maghiwalay at ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng kanyang ina. Nalaman nalang niya na may anak siya dito ng madengue at nanganganib ang buhay ng bata na kailangan agad itong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Simula noon ay kinuha nito ang bata sa kanyang dating kasintahan na hindi nagustuhan ng kanyang asawa. Bata pa lamang si Chyrll ay nakakaranas na ito ng kalupitan sa kanyang step-mother at sa kapatid nitong si Carlyn, ng tumuntong siya sa edad na dese-otso ay natuto siyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Walang kaalam-alam si General Wilson sa nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at anak na panganay at sa bunso nito. Dahil sa kagustuhan ni Chyrll bumukod ng tirahan ay nagkaroon sila ng kasunduan ng kanyang ama, papayag lamang ito kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa, kaya napag-isipan niyang magtayo ng negosyo at ito ang Chyselle Coffee Shop ng kaniyang kaibigan. Habang namamahala siya ng negosyo nila ng kanyang kaibigan ay pinagpatuloy parin nito ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. At doon niya nakilala si Red Simon Marcos na isang negosyante ng mag hurado ito sa ginanap na ntramurals sa university. Unang kita pa lamang niya sa binata ay nagkagusto na siya dito. Lahat ng lakad nito ay inaalam niya ng palihim, hanggang sa nahuli siya at hindi ito nagustuhan ng binata. Atin pong alamin kung paano mapapaibig ni Chyrll o mapaibig nga ba niya ang isang Red Simon na mahilig maglaro ng damdamin ng isang babae. At sabay-sabay din po nating tuklasin ang kanilang mga tinatagong lihim.
View MoreNagpalinga linga ako sa paligid ng mall, hindi ko parin mahanap ang lukaret na iyon. Naku, Sherely! Na i stress ang buhok ko saiyo! Makakalbo ko talaga yang bolbol mo. Kinuha ko ulit ang phone ko sa bag ko at dinayal ko ulit ang number ng yaya kong lukaret. Ang baliw pinatay ang tawag ko sa kanya. "Humanda ka talaga sa akin, hindi lang bolbol mo ang kakalbuhin ko isasama ko na yang mani mo!" Nanggigil kong kausap sa phone ko. Ibabalik ko ulit sana ang phone ko sa aking bag ng tumunog ito. Hindi kona tiningnan kung sino ang tumatawag, basta ko na lang sinagot at para ng armalite ang aking bibig. "Nasan kabang babae ka? Malapit ng umunat ang kulot kong buhok kakahanap saiyo!" Bulyaw ko. Nagtaka naman ako dahil hindi nagsasalita ang kabilang linya. "Hello, ano? Hindi ka magsasalita, makakalbo ko talaga yang bolbol mo!" Bulyaw ko ulit. Hindi parin nagsasalita, tiningnan kona kung bakit hindi nagsasalita ang tao sa kabilang linya. Pagtingin ko ay numero lang ito, at Philippin
"Chyrll! Nangunot ang aking noo ng may tumawag sa aking pangalan dito sa loob ng JMBS-tore. Nagpalinga linga ako. Nagulat ako ng makilala ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Jayson na binasted ko ng magtangka itong manligaw sa akin noong Second year College kami. Pero nanatili parin ang pagiging magkaibigan namin ng mga kaibigan din nito sa sina Anthony kahit nagtransfer na sa ibang school, hanggang sa grumaduate kami... Haba ng kulot kong hair noh? "Jayson." Masaya ko ding tawag sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Sabay pa naming dalawa na tanong. Pareho kaming natawa dahil nagtuturuan kami kung sino sa amin dalawa ang unang magsalita. Hanggang sa sumingit ang lukaret kong yaya. "Ako na ha, nagtuturuan pa kayo eh. Nandito kami sa mall na ito, dito pala sa JMBS-tore ay dahil may bibilhin ang Senyorita ko." Nakataas kilay pa na sabi ni Yaya. Natawa na lamang ako ng mahina. "Oh ikaw naman. Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihin na sinusundan mo ako dito, sorry ka dahil h
Chyrll. Di pwede kay nanay, di pwede kay tatay Ayaw ni tito at ni tita Mapili si ate pati si kuya Strikto si lolo at si lola Mag-aral raw muna O mas bigyan ng oras ang pamilya Pero tandaan mo to Mahal na mahal kita Mahal kita pero Mahal kita pero Mahal kita pero Pero pero Bata pa tayo di ko pa kaya Marami pa tayong inaasikaso At baka rin posibleng sa iba ka pang magkagusto Ang oras muna ay hayaang palipasin Pag tama na ang panahon Pwede mo naman akong lambingin Napahinto ako sa aking pagkanta at pagkuskos ng aking katawan ng kumatok sa pinto ng banyo si Sherely. "Senyorita, may tumatawag po sa phone mo. Number po ng Pilipinas." Tawag sa akin. Lumapit ako sa pinto at kinuha ko ang phone ko kay Sherely kahit marami akong bula sa katawan pati sa buhok ko. Sinagot ko ito "Hello, sino ito?" tanong ko. Walang nagsasalita kaya, nagsalita ulit ako. "Sino ito? Wala akong oras na makipag telebabad, kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino kang
"Itago mo itong brown envelope. Bilisan mo, bilis!" Utos sa akin ng matanda. Ako naman ay natataranta na tinago nga ang brown envelope. Nakakahawa itong matandang ito, pati ako natataranta. "Bakit ba kailangan pa nating itago ito?" Taka kong tanong. "Idiot! Paano kung magtanong kung sino ang nasa labas? Eh di may nakaalam ng pinag-uusapan natin. "Aba't, sumusobra na ang matandang ito. Feeling close sa akin, gusto pa akong sapatosin. Si Daddy nga at lolo, tinutungkod lang ako kapag nagagalit sa akin, tapos siya sapatos. Paano kung nakaapak siya ng tae, eh di bumaho pa ako. Pasalamat na lang at siya ang asawa ng babe ko. May pagka isip bata din pala itong ama ng babe ko, akala ko pa naman mahihirapan ako. Dahil napaka seryuso nitong kausap dati. Naiiling na lang akong umupong muli sa aking upuan. "Yes, Carol. Pasok ka. "Paumanhin po sa abala sir. Si Sir Juanito po kanina paa tumatawag daw po sa phone mo, hindi mo daw po sinasagot ang tawag niya." Sabi ni Carol ng nahihiyang d
"Tsk... Ano ba ang matatawag mo sa pinarehistro mo na kasal na kayo ng anak ko na hindi ko alam, lalo na ang anak ko. Sana nga ay hindi ka mabalatan ng buhay non kapag nalaman niya kasal na kayo. Kaya, magdasal dasal kana. Napakamot na lang ako ng aking kilay. "By the way, hijo. Kaya, ako nandito ay dahil may gusto akong ipa imbestiga saiyo. Alam ko kung ano ang kakayahan mo kaya ikaw ang nilapitan ko." Sabi nito sa huli sa akin. Kaya, naman nagsalubong ang aking makakapal na kilay. "Ano, naman po iyon Daddy? Nagtataka na tanong ko dito. Kaya, seguro mabilis tanggapin ang ginawa ko ay dahil may kapalit. Ayos din itong father in-law ko. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala itong brown envelop. "Here, Hijo. Buksan mo." Utos na sabi nito sa akin. Agad ko naman kinuha ang brown envelope, at binuksan ko ito. Kinuha ko lahat ang laman sa loob. Salubong ang aking kilay ng makita ko ang larawan ng kaniyang asawa at anak kasama si Lance Morales. Sinasabi ko na may kakaiba dito sa l
Red. "Good morning sir." Bati sa akin ng mebago kong sekretarya na si Caroline. "Good morning. Ano ang oras ng meeting ko ngayong araw?" tanong ko, bago ako pumasok sa loob ng aking opisina. "Um. Mamaya pa naman pong 1pm sir. At pagkatapos po ay wala na." Magalang na sagot nito sa akin. "Good," sagot ko. At binuksan ko na ang aking opisina. Pero bago pa man ako pumasok ay tumingin muli ako sa aking sekretarya. "May boyfriend kaba? tanong ko ng kinagulat niya. May mali ba sa tanong ko, at bakit namumula ang kaniyang pisngi. Shit, saka ko lang napagtanto baka isipin niya na may gusto ako sa kanya. "Ang ibig kong sabihin, wala ba saiyong magagalit kung sakaling isama kita sa susunod na buwan sa meeting ko sa Singapore? "Um, may fiancee na po ako sir. Pero kung tungkol naman po sa trabaho ay wala naman pong problema sa fiancee ko." Nahihiya nitong sagot sa akin. "Good, mabuti na yong segurado ako na hindi tayo magkakaproblema. Mahirap na marami pa naman tsismosa sa paligid di
Red. Nang malaman kong umalis si Chyrll dito sa Pilipinas ay nagalit ako. Akala ko okay na kami, dahil ang sweet niya sa akin ng huling araw na magkasama kami. Iyon pala ay pagkukunwari lang pala ang lahat ng yon. Nandito ako ngayon sa bar. Umiinom mag-isa. Gusto ko siyang sundan sa Las Vegas, Nevada upang tanongin kung bakit hindi niya sa akin pinaalam na don pala niya ipagpapatuloy ang kaniyang pag aabogada. Pinigilan lang ako ni Tito Wilson at ni Daddy, hayaan ko daw mona na tuparin nito ang kaniyang pangarap. Pwede naman niyang tuparin ang kaniyang pangarap na nasa tabi niya ako, bakit kailangan pa niyang itago ito sa akin. Kung iniisip niya na makakasagabal ako sa pangarap niya ay nagkakamali siya. Dahil kaya kong maghintay hanggang sa matupad niya ang pangarap niyang maging isang ganap na lawyer. "Hi," bati sa akin ng kapatid ni Chyrll. Boses pa lamang nito ay kilala ko na. "Wala akong panahon sa mga katulad mong babae, Carlyn. Umalis kana sa tabi ko baka hindi kita m
Hindi ko akalain na naka abang sa akin si Jobel. Seguro ay sinundan kami nito ni Red ng magpaalam ang unggoy sa kanila. "Anong pinakain mo kay Mon?" tanong sa akin ni Jobel. Nagpalinga linga pa ako kung makikita ko pa si Red sa paligid. Ng hindi ko na makita ay saka ko hinarap ang pangit na babaeng ito. "Bakit mo tinatanong? Ipapakain mo din ba sa kanya para balikan ka niya? Poor Jobel." Mataray ko din na sagot sa kanya. "Layuan mo ang ama ng anak ko-" "Correction, Jobel. Ang pagkakasabi sa akin ng babe ko ay hindi siya ang ama ng bata kaya wala kang karapatan na utusan akong layuan ang BOYFRIEND ko." Pagtatama ko sa baaeng ito, at talagang pinagdiinan ko ang salitang boyfriend kahit nasusuka ako. "At correction again, matagal ng annulled ang kasal ninyo kaya wala ng kayo, sa madaling salita hindi mona ASAWA ang BOYFRIEND ko. Kaya ikaw ang lumayo layo sa babe ko. Naiintindihan mo" Turan ko pa. Tsura ng babaeng 'to. Anong akala niya sa akin, tanga na hindi ko aalamin ang kato
"Ipapaliwanang mo ito o babasagin ko yang itlog mo, sa baba!" Babala ko sa damuhong unggoy na ito. Hindi porket, hindi ako seryuso sa relasyon namin ay etotolerate ko ang damuhong ito. Aba, hindi ako si Martina na martir at ayaw kong makatulad kay momny na pa sekretong nakabubtis ang lalaki, katulad ngayon may bata dito. "At bakit Chyrll na ang tawag mo sa akin, ngayon? Ipaliwanag mo ito?" Nagtitimpi kong sabi sa damuhong unggoy na ito. Ayaw ko naman ipakita sa bata na may ibang babae ang kaniyang Daddy dahil masakit sa kalooban yon. "I'm sorry babe, nagulat lang ako saiyo kung bakit kita natawag sa tunay mong pangalan." Namomroblema na sagot ng unggoy na ito sa akin. "Okay, tatanggapin ko yang paliwanag mong yan. Pero, ipaliwanag mo pa yong isa. Sino ang babaeng 'yan at ang bata na may sakit? Sino ang mga 'yan sa buhay mo? Pagkasabi ko noon ay tumingin ako sa babae na masama ang pagkakatingin sa akin at nakakunot pa ang kaniyang noo. Iba ang nakikita ko sa ugali ng babaeng ito,
3rd Person "Ano'to?" Tanong ng kapatid ni Chyrll sa ama na si Carlyn ng ilapag nito ang isang papel sa tapat mismo ni Chyrll habang kumakain ito ng almusal. "Pwede ba kumakain ako." Wala sa mood na sagot ni Chyrll sa kanyang ate. "Kinakausap kita Chyrll, kaya huwag kang bastos! Ipaliwanag mo ang lahat ng 'yan sa amin?" Napipikon na sabi ni Carlyn sa kapatid. Sa inis ni Chyrll ay hinampas nito ang ibabaw ng lamesa kaya natapon ang mango juice sa ibabaw at sa sahig. "Hindi mo ba nakikita na kumakain ako? O talagang sinasadya mo lang na inisin ako ngayong umaga!?" Napipikon na pagsagot ni Chyrll sa kapatid nito na hindi na makapagtimpi sa ate Carlyn nito. "Tumigil na kayo! Hindi ba kayo nahihiya na magbangayan? Nasa harapan tayo ng pagkain, bigyan n'yo naman ito ng respeto." Pagsita ng kanilang ama sa dalawa pero hindi parin tumigil ang dalawa sa pagbabangayan. " Oh! Bakit ako nakasama? Ang pagsabihan mo lang ay 'yang paborito mong anak na nagmamagaling, nanahimik akong kuma...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments