Chyrll Point of view
Nagtataka ang mga empleyado ko ng makita nila ako. "Oh bakit, nagulat kayo saakin? Daig n'yo pa ang nakakita ng multo" Tanong sa ko sa kanila. "Pasensya na po ma'am, Chyrll. Ang sabi po kasi sa amin ni ma'am Carlyn nagkaroon ka daw po ng bulutong sa katawan kaya hindi ka daw po nakakapunta dito." Hinging paumahin sa akin ni Clarisse at ng tatlo ko pang empleyado, gusti ko sanang magbawas ng isa, kaso naisip ko kawawa naman, dahil sa kanila lang umaasa ang kanilang pamilya. "Okay, lang Clarisse. Hindi naman ako galit, at huwag kayong maniniwala sa ate kong yon, dahil may sayad yon sa utak. Kapag tumungo pa yon dito, hingan n'yo ng bayad, kahit na sino sa pamilya ko ang nagawi dito. Hindi na sila libre dito." Sabi ko sa limang empleyado ko. "Masusunod po, ma'am Chyrll." Sabay-sabay nilang sagot sa akin. Bumalik na sila sa trabaho nila, ako naman ay kinausap ko ang security guard ko. "Hoy Kieran Santos." Tawag ko, si Daddy ang naglagay ng security dito sa shop ko, kaya alam kong na kay Daddy ang loyalty ng lalaking ito. Alam ko kung bakit naglagay ng security guard si Daddy dito dahil para bantayan ang bawat kilos ko. "Yes senyorita." Sagot nito sa akin. "Alam mo na seguro kung bakit ako nandito ngayon?" Tanong ko. Ngumit naman ito sa akin. "Yes po senyorita." Sagot nito sa akin. "Isa pang tawag mo sa akin ng senyorita mababatukan na kita." Sermon ko dito. "Sorry ma'am." Nakangitit nanaman na sagot nito sa akin. "Tsk... Kung ayaw mong tanggalin kita dito, sa akin na ang loyalty mo hindi na kay Daddy. Naiintindihan mo ba ako? Mataray na sabi ko dito. "Naku, ma'am. Hindi po pwede 'yon. Si Big Boss po ang nagpapasweldo sa akin eh, kaya sa kanya parin po ang loyalty ko." Sagot nito sa akin, umiikot naman ang aking mata sa kanya. "Oo nga pala, nakalimotan ko. Okay, you're fired." Sabi ko na lang, at tumalikod na ako. "Senyorita, ay madam pala, sorry." Habol nito sa akin. "Makakauwi kana, Kieran. Hindi na kita kailangan dito." Sagot ko, niloloko ko lang naman ito. Gusto ko lang marinig sa kanya na sa akin na ang loyalty nito kahit si Daddy ang nagpapasweldo dito. Sana nga lang ay hindi ito bawiin sa akin ni Daddy, dahil malaking tulong sa akin si Kieran. Magkasing edad lang kami nito, ito ang empleyado ko na makulit, pero mabait. "Ma'am, huwag naman. Kailangan ko pa naman ng trabaho ngayon, dahil nasa hospital po si nanay." Pakiusap nito sa akin. "Diba na kay Daddy ang loyalty mo, sa kanya kana magtrabaho total siya naman ang nagpapasahod saiyo, hindi ako." Sabi ko dito na nakataas ang aking kilay. Napakamot naman ito ng kanyang ulo. "Ma'am, wala na pong bakante kay Big Boss. Kapag sinisante mo po ako, wala na akong trabaho." Sagot nito. "Hindi ko na problema 'yan." Sagot ko sa kanya. Napakamot naman ito ng kanyang ulo. "Ayaw ko naman po ma'am masira sa akin ang tiwala ni Big Boss. Pasensya na ma'am na kay Big Boss parin ang loyalty ko." Sabi nito sa akin at tumalikod na. Nakonsensya naman ako. "Pasaway, oo na. Hindi kana sisante, pero ayusin mo, kapag nirereport mo pa kay Daddy ang mga ginagawa ko bubuhusan kita ng isang drum na kapeng barako na mainit." Sabi ko dito. Ang laki naman ng pagkaka ngiti nito. "Yes po ma'am. "Doon kana sa Entrance, magbilang kana ng tao don." Utos ko na lang dito. Tuwang-tuwa naman itong bumalik sa kaniyang pwesto. Pumasok na ako sa office namin ni Rasselle, upang tingnan ang mga sales namin nitong mga nagdaan na mga araw na hindi kami, nakapunta dito dahil kinulong naman kami sa mansion. Naupo ako sa upuan ko, at nagsimula ng basahin ang sales. Ang laki ng aking pagkakangiti, dahil mas lalong lumaki ang benta namin kahit wala kami dito ni Rasselle. Habang binabasa ko ang benta namin ngayong buwan ay may kumatok. "Pasok." Sabi ko. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Clarisse ng nakangitin. Masayahin talaga ang babaeng ito kahit inaasar ni Kieran. "Ma'am pasensya na po sa abala. May naghahanap po sainyo." Sabi nito sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil wala naman akong maalala na may bisita akong darating dito. "Ano daw ang pangalan niya?" Nagtataka kong tanong. "Lance Morales po ang pangalan ma'am." Sabi ni Clarisse. Bigla naman umasim ang mukha ko. Ano naman ang ginagawa ng kumag na 'yon dito? At paano nito nalaman na may coffee shop ako. "Pakisabi sa kanya Clarisse na busy ako ngayon, wala akong oras makipag-usap sa taong hindi ko naman kilala." Utos ko. "Yes po ma'am." Magalang na sagot nito sa akin, at sinara na ang pintuan ng opisina ko. Pinagpatuloy ko parin ang pagbabasa ng benta namin. Sana mas mas dumami pang dumating na customer namin dito. Kailangan kong ilako sa social media ang coffee shop para mas makilala ito at dayuhin. Wala pang limang minuto ay may kumatok muli. "Pasok." Sabi kong muli. Si Clarisse ulit ang nasa pinto. Halatang nangunngunsumi. Tumingin ako ako sa kanya. "Ma'am, kapag hindi ka daw po sa kanya nakipag-usap mangugulo daw po siya sa loob ng shop natin." Sabi ni Clarisse. Napabuntong hininga naman ako. "Utusan mo si Kieran, na dalhin sa likod ang lalaking nang iistorbo sa trabaho ko, at sabihan mo na bigyan niya ng isang suntok sa mukha o kaya ay gulpihin niya ng umalis na dito." Seryuso kong sabi. Hindi naman nakakilos agad si Clarisse dahil sa sinabi ko. "Ano? "Seryuso ka po ma'am? Hindi makapaniwala nitong tanong sa akin. "Ano sa tingin mo Clarisse, mukha ba akong nagbibiro?" Balik tanong ko naman sa kanya. "Hindi po ma'am, pasensya na po, sege po sabihin ko." Sagot na lang nito sa akin. Tumango naman ako ng ulo dito. At umalis na ulit ito. Alam kong kaya 'yon ni Kieran. Sayang naman ang laki ng katawan niya kung hindi nito mapapatulog ang Lance na 'yon. Hindi lang basta security guard si Kieran . Kilala ko si Daddy hindi ito basta kumukuha ng magiging tauhan nito sa mga pipitsuging Agency, gusto nito ay mga highly trained. Napahinto ako sa binabasa ko. Si Carlyn seguro ang nagsabi sa lalaking yon kung nasaan ako ngayon. Muling may kumatok, at pinapasok ko ito. "Ma'am, segurado po kayo sa pinag-uutos mo sa akin?Uupakan ko ang lalaking 'yon na wala namang ginagawa sa akin?" Nagtataka na tanong nito sa akin. Tumango naman ako sa kanya. "Hindi mo ba kaya?" Balik ko naman na tanong kay Kieran. "Ma'am, hindi naman po sa ganun, ang dami pong tauhan sa labas na nakabantay, mag-isa lang po ako. Natawa naman ako sa sinabi ni Kieran. "Eh di magtawag ka ng magiging kakampi mo. Alam ko na marami kang kaibigan Kieran, at alam ko din ang organization ninyo ni Daddy. Para hindi ka naman buweltahan nila, sa mga kaibigan mo ipabogbog ng hindi ka nila balikan." Sabi ko na lang. Napakamot naman ito ng kaniyang ulo. "Grabe ka ma'am ang lakas ng trip mo, pwede mo naman kausapin na lang ang lalaking 'yon. "Gusto mo bang malaman kung bakit ayaw kong kausapin ang lalaking 'yon?" Sabi ko. Tumango naman ito mg kaniyang ulo. "Siya lang naman ang lalaking gusto akong maging asawa. Hindi ko siya gusto at hindi ko mahal. Tumanggi ako, nagtalo kami ni Daddy kaya ako umalis ng mansion namin." Sabi ko. "Sira-ulo pala 'yon ma'am. Teka ma'am ako na ang babasag ng mukha ng lalaking 'yon. "Kaya, mo? Hindi mona tatawagin ang mga kaibigan mo? "Naku, ma'am. Ang totoo niyan ay kulang pa ang bilang nila para sa akin. Bigyan ko pa sila ng partida, isang kamay lang ang gamitin ko at nakapikit pa isa kong mata. Uuwi ang mga yan ng mamsion nila na gumagapang." Pagyayabang naman nito. "Ang init dito kanina, pero ngayon lumalamig na. May nakapasok pa yata na taong mahangin. Natawa naman ito sa biro ko. "Gawin mo na ang pinag-uutos ko Kieran, marami pa akong dapat basahin." Naiiling na utos ko dito. Umalis na nga ito. Tumayo naman ako upang tingnan sa CCTV camera kung susundin nga ba ni Kieran ang pinag-uutos ko. Ilang sandali pa ay, nasa likod na sila. Nakasuot naman ng ski mask si Kieran, takot din pala ang lalaking ito. Nakita ko na nag-uusap sila at maya-maya ay binigwasan ito ni Kian ng isang malakas na suntok sa mukha. Napapalakpak naman ako ng aking kamay, na bumagsak si Kian sa bermuda grass na walang malay, kaya dali-dali akong lumabas ng aking opisina at tumungo sa likuran. "Wow, Kieran ang galing mo, napatulog mo ang pangit na yan? Mahinang nilalang pala yan." Tuwang-tuwa na sabi ko. "Syempre ma'am, si Kieran Santos yata ito." Pagmamalaki pa nito. "Ano na po ang gagawin natin sa lalaking ito ma'am?" Tanong naman nito sa akin. May naisip naman ako. "Tatawag ako ng pulis, ipapakulong ko ang lalaking yan." Nakangiti na sabi ko. "Seryuso ka ma'am? Baka mas lalong magalit yan sa atin, pinatulog kona gamit ang kamao ko, tapos ipapakulong mo pa. "Si Daddy na ang bahala sa kanya. Tumawag na ako sa Police Station. Mga ilang minuto dumating ang mga Pulis, dito sa likod ng shop ko, at sinakay na nila ang tulog na si Lance sa Patrol car nila..Kawawang Lance, sa kulongan magigising pagkatapos bigyan ng isang suntok sa mukha ni Kieran.
Chyrll Point of view. "Ma'am Chyrll! Ma'am Chyrll! Ang Daddy mo po nasa likod po ng coffee shop natin. Galit na galit po na pinapatawag kayo." Humahangos na sabi sa akin ni Clarisse. Hindi na ako nagtaka, inaasahan ko na ito na susugod dito si Daddy. Natawa na lang ako ng lihim, don pa talaga sa likod, pwede naman siya sa tapat ng coffee shop ko mag-eskandalo. "Huminga ka ng malalim, Charisse baka maisugod ka naman ng hospital," sabi ko dito ng kalmado at tinapik ko ang balikat nito. "Hindi ka po natatakot sa Daddy mo?" Nagtataka nitong tanong sa akin. "Hindi, bakit naman ako matatakot? Inaasahan ko na ito." Nakangiti ko pang sabi, bago ako nagseryuso nv expression ng mukha. Napanganga naman ito ng bibig. "Huwag na huwag ninyo sila bibigyan ng kahit na anong kape dito na hindi sila nagbabayad. Money down first, bago gawin ang order nila, pero sila lang ha. Hindi ang mga regular costumer natin dito." Sabi ko dito. Nakatingin lang ito sa akin, akala niya seguro kaninang um
Chyrll Point of view. "Good morning po Tito Winston." Bati ko sa ama ng aking kaibigan. "Oh hija, ikaw pala. Halika pumasok ka sa loob, sabayan mona ang kaibigan mo na kumain ng almusal." Nakangiti na sabi sa akin ni tito. Nakipag beso ako dito ng makapasok ako ng tuloyan sa kanilang gate. Nakaupo ito ngayon sa veranda habang humihigop ng kape. "Naku Tito, huwag na po, tapos na po akong kumain ng agahan sa coffee shop po namin ni Rasselle." Sagot ko. "Ganun ba, oh sya maupo ka mona dito sa tabi ko at mag-usap tayong dalawa habang hinihintay mong matapos ang kaibigan mo." Saad ni tito. Naupo naman ako sa tapat nito. "Ano ba ang nangyari saiyong mag-ama? Bakit humantong sa tinakwil ka na niya bilang anak?" Seryuso na tanong sa akin ni Tito. Nagtataka naman ako, bakit hindi nito alam ang tungkol sa pag-aaway namin ni Daddy, samantala si Rasselle ay alam ang dahilan. Napaisip ako, kung hindi alam ni Tito Winston? Sino ang nagsabi kay Rasselle? Wala naman sa akin sinasabi si R
Chyrll Point of view. Gumising ako ng maaga, para sana magluto ng aking almusal. Naghilamos ako ng aking mukha, pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Nangangayayat na ba ako? Ang nipis na ng pisngi ko, wala pa namang dalawang buwan buhat ng umalis ako kina Daddy. Hindi naman ako stress, pero bakit ako nangangayayat . Uhm, sabagay, tamad nga pala akong kumain. Habang nagpupunas ako ng aking basang mukha ay may nagdodoor bell sa gate sa likod ng aking shop. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. "Sino naman kaya ang pupunta ng ganito kaaga, 6am pa lang. Kung si Rasselle naman yon, isang himala na gumising yon ng maaga, at pumunta dito ng ganitong kaaga. Binuksan ko ang pinto ng secret room namin ni Rasselle, lumabas ako. Pagkalabas ko, naamoy ko kaagad ang mababangong bulaklak sa garden ko. Pagtingin ko sa gate, ay nakita ko si Daddy at si Tito Winston na magkasama. Nagtataka naman akong naglakad palapit sa kanila. Anong ginagawa nila ng ganito kaaga dito sa l
Chyrll Point of view. Dalawang araw na ako dito sa mansion ni Daddy buhat ng bumalik ako. Wala ang kapatid ko dito, dahil nasa condo ito nakatira ngayon, kasama ang pinsan nitong si Merie, kwento sa akin ni Sherely. Nakabihis na ako ng uniform ko para pumasok na. Pababa ako ng hagdanan ng makasalubong ko si Rochelle. Inismiran ako nito, at inismiran ko din ito. Nilampasan ko na ito, pababa na ako ng hagdanan. "Kung inaakala mo, ikaw na ang panalo sa larong ito? Nagkakamali ka, Chyrll." Sabi nito sa akin. "Sino ba ang nakikipaglaro saiyo Rochelle? Wala kase akong matandaan na nakikipaglaro ako saiyo. Hanggang ngayon, hindi ka parin nakakamovo on. Nakuha mona, si Daddy kay Mommy. Ano pa ang gusto mo?" Tanong ko dito ng lingonin ko ito. Nasa pang-apat na ako ng baitang ng hagdanan, kaya nakatingala na ako sa kanya. "Ikaw! Ikaw lumayas ka dito! Bakit bumalik kapa?!" Galit nitong sagot sa akin. "Sorry ka na lang dahil mahal ako ni Daddy, kaya kung ayaw mong makita ang pagmu
Chyrll Point of view. Buwan ng kasiyahan (Intramurals) ngayon dito sa University, napagkasunduan ng nakataas na ngayong buwan ng nobyembre gaganapin. Sa nakalipas na isang buwan ay nakakasama namin ang bago naming kaibigan ni Rasselle. Dinala ko din sila sa Coffee Shop namin. At nadagdagan pa kami ng isa pang kaibigan at ito ay si Marian. Tuwang-tuwa kami na nahanay ngayon dito sa Gymnasium. Inaanunsyo nila ngayon ang pagpapakilala ng magiging hurado namin sa gaganapin na kasiyahan. Mga binata daw ito, kaya para kaming mga bulati na binudboran ng asin. "Siemay, makilala ko na seguro ang lalaking nakatadhana sa akin." Kinikilig ko na sabi sa kanila. "Gaga, tumahimik ka nga. Puro ka kalandian, mabubuntis ka ng maaga kapag ganyan ka. Saka sabi mo dati sa amin hate mo ang mga lalaki, tapos ngayon kung makatili ka, daig mo pa ang mauubusan ng lalaki." Sita sa akin ni Issa. "Sus, makapagsalita ka naman, baka nga ikaw pa ang mauna sa atin, dahil kahit boyfriend mona si Anthony, may
Chyrll Point of view Lumipas ang ilang buwan, ang daming nangyari sa amin, lalo na sa mga kaibigan ko. Hindi namin akalain na kung kailan okay na ang lahat kina Eutanes at Isadora ay mangyayari ang lahat ng iyon. Akala namin ay wala ng mangyayari ulit, hindi namin inaasahan na sabay na hindi magpaparamdam ang dalawa pa naming kaibigan na sila Aria at Szarina. Si Red naman simula noon ay hindi kona pinapansin at sinusundan pagkatapos ng pagsalitaan ako nito ng masasakit na salita ng mahuli ako nitong nakasampa sa taas ng bakal na gate ng mansion nito. Bakasyon ngayon, nandito kami ngayon sa Isla ni lolo Daimond. Dito namin napagpasyahan ni Rasselle na magbakasyon ng dalawang linggo. Nagtaka si Daddy at tito Winston na kina lolo mona kami magbabakasyon. Biniro pa namin na. "Ang tagal niyo po sa amin na ikukulong mo kaming dalawa don ni Rasselle, hindi niyo naman ginagawa kaya nagkusa na po kami ni Rasselle na pumunta don. "Oo nga po tito, naiinip na po kami sa palagi niny
Chyrll Point of View. Nagtipon tipon na kami dito sa ginawa naming bonfire, pinaapoyan ito ni Cohen kanina. Maraming Mangyan ang mga trabahador dito ni Lolo at ni Lola na halos dito na nakatira kaya nakasanayan na daw ni lola ang na gawin ang tradisyon ng mga katutubong Mangyan kapag ka ganitong may pagdiriwang. Pinatugtog nila ang tradisyon nilang kanta ang Ambahan na isang uri ng kanta na ginagamit ng mga Mangyan sa seremonyas at pagdiriwang. Tumayo na ang iilan na mag-aasawa na Mangyan, sila ang nagpasimuno ng sayaw. At mga ilang minuto ay sina Lolo Daimond at Lola Elizabeth naman ang tumayo at nakisayaw narin. Napapalibotan nila ang bonfire habang sumasayaw sila, nakakatuwa lang dahil hindi ko akalain na sila Lolo Daimond at Lola Elizabeth ay marunong makihalubilo sa mga katutubong Mangyan. Lumapit sa akin si Cohen, ang binatang Mangyan na naghanda ng meryenda namin ni Rasselle. Nagkatinginan kami Rasselle ng ilahad ni Cohen ang kamay niya sa akin. Nakangiti naman na
Chyrll Point of view. "Mag-iingat kayo, apo.Mamimiss namin kayo, at sana hindi ito ang huling punta ninyo dito?" Saad ni Lola Elizabeth. "Kayo rin po Lola, mag-iingat din po dito, mamimiss ko din po kayo, dangan lang po ay dalawang linggo lang po ang bakasyon namin. Pangako po, pagkatapos ng aming klase dito po ulit kami magbabakasyon ng kaibigan ko." Saad ko, pagkatapos ay humalik na ako kay Lola. Si Rasselle ay nakasakay na sa chopper, ako na lang naiwan diti sa labas. Parang ayaw ko pang umuwi, mamimiss ko ang lugar na ito. "O siya apo, sakay ka na ng maka alis na kayo." Sabi sa akin ni lola. Tumingin ako kay Cohen. "Cohen, ikaw na ang bahala kina lolo at lola ha. Babalik na ulit kami sa Maynila, balik eskwela na ulit kami ng kaibigan ko." Paalam ko kay Cohen. "Naku, Senyorita kahit hindi mo po sa akin sabihin aalagaan ko po parin sila. Dahil utang na loob po namin na mga kapwa ko katutubong Mangyan ay tinulongan nila." Saad ni Cohen. Pagkatapos namin mag-usap ay sumakay
Chyrll. Ano ba Lance? Hanggang dito ba naman sa Las Vegas ay sinusundan mo ako. Sinabi ko na saiyo sa Pilipinas pa lang ay hindi na kita gusto at lalong wala akong balak na magpakasal saiyo. Alin ba diyan ang hindi mo maintindihan?" Iretable kong sabi kay Lance. Simula nong nakaraan buwan ng makita ko ito sa gate ng campus namin at ng taguan ko ito ay hito at sinusundan parin ako. Kaya, dinala ko ito sa malapit na coffee shop upang kausapin ng masinsinan. "Mahal kita, at ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Alin din ba ang hindi mo maintindihan sa dalawa." Sagot din nito sa akin. Umikot nanaman ang aking mata. "Hi, naku Lance? Malapit ng umunat ang kulot kong buhok saiyo. Magandang lalaki ka naman at mukhang mabait, pwede sa iba mo na lang ibaling yang pagibig mo sa akin dahil katulad ng sinabi ko kanina at ng mga nakaraan taon pa ay wala kang mapapala sa akin." Mataray kong sagot dito. Gusto kong masuka sa pagpuri sa kanya ng mukhang mabait, kabaligtaran lang ang sinabi
Red. Nandito ako ngayon sa opisina. Pumasok ako ng maaga dahil ngayon pupunta dito si Daryl upang magreport sa akin. Wala pang isang buwan ay kinukulit na ako ng daddy ng babe ko, kung may nalaman na daw kami. Wala namn ako sa kanya maisagot na iba kundi wala pa, dahil hindi pa tumatawag sa akin ang kaibigan kong detictive. May kumakatok sa pintuan ng aking opisina. "Come in. Bumukas nga ito, nakangiting si Carol na aking sekretarya ang dumungaw. "Pasensya na sir sa abala, si Sir Daryl po ay nandito, papasukin ko po ba?" tanong nito sa akin. Agad naman akong tumango. At pumasok mga si Daryl ng nakakunot ang kaniyang ulo. "Maganda yang bago mong sekretarya ha, may nobyo o asawa na ba yon?" Tanong sa akin ng siraulong ito. Nabato ko naman ito ng kinuyumos kong papel at tinaman ito sa mukha ng siyang kinatawa nito. "Maupo ka na lang, at kung ano ang sadya mo sa akin ay sabihin mo na. At huwag ang sekretarya ko ang pagdiskitahan mo dahil ikakasal na yan. "Ikakasal pa lang pala
Nagpalinga linga ako sa paligid ng mall, hindi ko parin mahanap ang lukaret na iyon. Naku, Sherely! Na i stress ang buhok ko saiyo! Makakalbo ko talaga yang bolbol mo. Kinuha ko ulit ang phone ko sa bag ko at dinayal ko ulit ang number ng yaya kong lukaret. Ang baliw pinatay ang tawag ko sa kanya. "Humanda ka talaga sa akin, hindi lang bolbol mo ang kakalbuhin ko isasama ko na yang mani mo!" Nanggigil kong kausap sa phone ko. Ibabalik ko ulit sana ang phone ko sa aking bag ng tumunog ito. Hindi kona tiningnan kung sino ang tumatawag, basta ko na lang sinagot at para ng armalite ang aking bibig. "Nasan kabang babae ka? Malapit ng umunat ang kulot kong buhok kakahanap saiyo!" Bulyaw ko. Nagtaka naman ako dahil hindi nagsasalita ang kabilang linya. "Hello, ano? Hindi ka magsasalita, makakalbo ko talaga yang bolbol mo!" Bulyaw ko ulit. Hindi parin nagsasalita, tiningnan kona kung bakit hindi nagsasalita ang tao sa kabilang linya. Pagtingin ko ay numero lang ito, at Philippin
"Chyrll! Nangunot ang aking noo ng may tumawag sa aking pangalan dito sa loob ng JMBS-tore. Nagpalinga linga ako. Nagulat ako ng makilala ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Jayson na binasted ko ng magtangka itong manligaw sa akin noong Second year College kami. Pero nanatili parin ang pagiging magkaibigan namin ng mga kaibigan din nito sa sina Anthony kahit nagtransfer na sa ibang school, hanggang sa grumaduate kami... Haba ng kulot kong hair noh? "Jayson." Masaya ko ding tawag sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Sabay pa naming dalawa na tanong. Pareho kaming natawa dahil nagtuturuan kami kung sino sa amin dalawa ang unang magsalita. Hanggang sa sumingit ang lukaret kong yaya. "Ako na ha, nagtuturuan pa kayo eh. Nandito kami sa mall na ito, dito pala sa JMBS-tore ay dahil may bibilhin ang Senyorita ko." Nakataas kilay pa na sabi ni Yaya. Natawa na lamang ako ng mahina. "Oh ikaw naman. Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihin na sinusundan mo ako dito, sorry ka dahil h
Chyrll. Di pwede kay nanay, di pwede kay tatay Ayaw ni tito at ni tita Mapili si ate pati si kuya Strikto si lolo at si lola Mag-aral raw muna O mas bigyan ng oras ang pamilya Pero tandaan mo to Mahal na mahal kita Mahal kita pero Mahal kita pero Mahal kita pero Pero pero Bata pa tayo di ko pa kaya Marami pa tayong inaasikaso At baka rin posibleng sa iba ka pang magkagusto Ang oras muna ay hayaang palipasin Pag tama na ang panahon Pwede mo naman akong lambingin Napahinto ako sa aking pagkanta at pagkuskos ng aking katawan ng kumatok sa pinto ng banyo si Sherely. "Senyorita, may tumatawag po sa phone mo. Number po ng Pilipinas." Tawag sa akin. Lumapit ako sa pinto at kinuha ko ang phone ko kay Sherely kahit marami akong bula sa katawan pati sa buhok ko. Sinagot ko ito "Hello, sino ito?" tanong ko. Walang nagsasalita kaya, nagsalita ulit ako. "Sino ito? Wala akong oras na makipag telebabad, kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino kang
"Itago mo itong brown envelope. Bilisan mo, bilis!" Utos sa akin ng matanda. Ako naman ay natataranta na tinago nga ang brown envelope. Nakakahawa itong matandang ito, pati ako natataranta. "Bakit ba kailangan pa nating itago ito?" Taka kong tanong. "Idiot! Paano kung magtanong kung sino ang nasa labas? Eh di may nakaalam ng pinag-uusapan natin. "Aba't, sumusobra na ang matandang ito. Feeling close sa akin, gusto pa akong sapatosin. Si Daddy nga at lolo, tinutungkod lang ako kapag nagagalit sa akin, tapos siya sapatos. Paano kung nakaapak siya ng tae, eh di bumaho pa ako. Pasalamat na lang at siya ang asawa ng babe ko. May pagka isip bata din pala itong ama ng babe ko, akala ko pa naman mahihirapan ako. Dahil napaka seryuso nitong kausap dati. Naiiling na lang akong umupong muli sa aking upuan. "Yes, Carol. Pasok ka. "Paumanhin po sa abala sir. Si Sir Juanito po kanina paa tumatawag daw po sa phone mo, hindi mo daw po sinasagot ang tawag niya." Sabi ni Carol ng nahihiyang d
"Tsk... Ano ba ang matatawag mo sa pinarehistro mo na kasal na kayo ng anak ko na hindi ko alam, lalo na ang anak ko. Sana nga ay hindi ka mabalatan ng buhay non kapag nalaman niya kasal na kayo. Kaya, magdasal dasal kana. Napakamot na lang ako ng aking kilay. "By the way, hijo. Kaya, ako nandito ay dahil may gusto akong ipa imbestiga saiyo. Alam ko kung ano ang kakayahan mo kaya ikaw ang nilapitan ko." Sabi nito sa huli sa akin. Kaya, naman nagsalubong ang aking makakapal na kilay. "Ano, naman po iyon Daddy? Nagtataka na tanong ko dito. Kaya, seguro mabilis tanggapin ang ginawa ko ay dahil may kapalit. Ayos din itong father in-law ko. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala itong brown envelop. "Here, Hijo. Buksan mo." Utos na sabi nito sa akin. Agad ko naman kinuha ang brown envelope, at binuksan ko ito. Kinuha ko lahat ang laman sa loob. Salubong ang aking kilay ng makita ko ang larawan ng kaniyang asawa at anak kasama si Lance Morales. Sinasabi ko na may kakaiba dito sa l
Red. "Good morning sir." Bati sa akin ng mebago kong sekretarya na si Caroline. "Good morning. Ano ang oras ng meeting ko ngayong araw?" tanong ko, bago ako pumasok sa loob ng aking opisina. "Um. Mamaya pa naman pong 1pm sir. At pagkatapos po ay wala na." Magalang na sagot nito sa akin. "Good," sagot ko. At binuksan ko na ang aking opisina. Pero bago pa man ako pumasok ay tumingin muli ako sa aking sekretarya. "May boyfriend kaba? tanong ko ng kinagulat niya. May mali ba sa tanong ko, at bakit namumula ang kaniyang pisngi. Shit, saka ko lang napagtanto baka isipin niya na may gusto ako sa kanya. "Ang ibig kong sabihin, wala ba saiyong magagalit kung sakaling isama kita sa susunod na buwan sa meeting ko sa Singapore? "Um, may fiancee na po ako sir. Pero kung tungkol naman po sa trabaho ay wala naman pong problema sa fiancee ko." Nahihiya nitong sagot sa akin. "Good, mabuti na yong segurado ako na hindi tayo magkakaproblema. Mahirap na marami pa naman tsismosa sa paligid di
Red. Nang malaman kong umalis si Chyrll dito sa Pilipinas ay nagalit ako. Akala ko okay na kami, dahil ang sweet niya sa akin ng huling araw na magkasama kami. Iyon pala ay pagkukunwari lang pala ang lahat ng yon. Nandito ako ngayon sa bar. Umiinom mag-isa. Gusto ko siyang sundan sa Las Vegas, Nevada upang tanongin kung bakit hindi niya sa akin pinaalam na don pala niya ipagpapatuloy ang kaniyang pag aabogada. Pinigilan lang ako ni Tito Wilson at ni Daddy, hayaan ko daw mona na tuparin nito ang kaniyang pangarap. Pwede naman niyang tuparin ang kaniyang pangarap na nasa tabi niya ako, bakit kailangan pa niyang itago ito sa akin. Kung iniisip niya na makakasagabal ako sa pangarap niya ay nagkakamali siya. Dahil kaya kong maghintay hanggang sa matupad niya ang pangarap niyang maging isang ganap na lawyer. "Hi," bati sa akin ng kapatid ni Chyrll. Boses pa lamang nito ay kilala ko na. "Wala akong panahon sa mga katulad mong babae, Carlyn. Umalis kana sa tabi ko baka hindi kita m