Mabait naman pala ang step-mom ni Rasselle, kumpara sa step- mom ni Chyrll.
Chyrll Point of view. Gumising ako ng maaga, para sana magluto ng aking almusal. Naghilamos ako ng aking mukha, pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Nangangayayat na ba ako? Ang nipis na ng pisngi ko, wala pa namang dalawang buwan buhat ng umalis ako kina Daddy. Hindi naman ako stress, pero bakit ako nangangayayat . Uhm, sabagay, tamad nga pala akong kumain. Habang nagpupunas ako ng aking basang mukha ay may nagdodoor bell sa gate sa likod ng aking shop. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. "Sino naman kaya ang pupunta ng ganito kaaga, 6am pa lang. Kung si Rasselle naman yon, isang himala na gumising yon ng maaga, at pumunta dito ng ganitong kaaga. Binuksan ko ang pinto ng secret room namin ni Rasselle, lumabas ako. Pagkalabas ko, naamoy ko kaagad ang mababangong bulaklak sa garden ko. Pagtingin ko sa gate, ay nakita ko si Daddy at si Tito Winston na magkasama. Nagtataka naman akong naglakad palapit sa kanila. Anong ginagawa nila ng ganito kaaga dito sa l
Chyrll Point of view. Dalawang araw na ako dito sa mansion ni Daddy buhat ng bumalik ako. Wala ang kapatid ko dito, dahil nasa condo ito nakatira ngayon, kasama ang pinsan nitong si Merie, kwento sa akin ni Sherely. Nakabihis na ako ng uniform ko para pumasok na. Pababa ako ng hagdanan ng makasalubong ko si Rochelle. Inismiran ako nito, at inismiran ko din ito. Nilampasan ko na ito, pababa na ako ng hagdanan. "Kung inaakala mo, ikaw na ang panalo sa larong ito? Nagkakamali ka, Chyrll." Sabi nito sa akin. "Sino ba ang nakikipaglaro saiyo Rochelle? Wala kase akong matandaan na nakikipaglaro ako saiyo. Hanggang ngayon, hindi ka parin nakakamovo on. Nakuha mona, si Daddy kay Mommy. Ano pa ang gusto mo?" Tanong ko dito ng lingonin ko ito. Nasa pang-apat na ako ng baitang ng hagdanan, kaya nakatingala na ako sa kanya. "Ikaw! Ikaw lumayas ka dito! Bakit bumalik kapa?!" Galit nitong sagot sa akin. "Sorry ka na lang dahil mahal ako ni Daddy, kaya kung ayaw mong makita ang pagmu
Chyrll Point of view. Buwan ng kasiyahan (Intramurals) ngayon dito sa University, napagkasunduan ng nakataas na ngayong buwan ng nobyembre gaganapin. Sa nakalipas na isang buwan ay nakakasama namin ang bago naming kaibigan ni Rasselle. Dinala ko din sila sa Coffee Shop namin. At nadagdagan pa kami ng isa pang kaibigan at ito ay si Marian. Tuwang-tuwa kami na nahanay ngayon dito sa Gymnasium. Inaanunsyo nila ngayon ang pagpapakilala ng magiging hurado namin sa gaganapin na kasiyahan. Mga binata daw ito, kaya para kaming mga bulati na binudboran ng asin. "Siemay, makilala ko na seguro ang lalaking nakatadhana sa akin." Kinikilig ko na sabi sa kanila. "Gaga, tumahimik ka nga. Puro ka kalandian, mabubuntis ka ng maaga kapag ganyan ka. Saka sabi mo dati sa amin hate mo ang mga lalaki, tapos ngayon kung makatili ka, daig mo pa ang mauubusan ng lalaki." Sita sa akin ni Issa. "Sus, makapagsalita ka naman, baka nga ikaw pa ang mauna sa atin, dahil kahit boyfriend mona si Anthony, may
Chyrll Point of view Lumipas ang ilang buwan, ang daming nangyari sa amin, lalo na sa mga kaibigan ko. Hindi namin akalain na kung kailan okay na ang lahat kina Eutanes at Isadora ay mangyayari ang lahat ng iyon. Akala namin ay wala ng mangyayari ulit, hindi namin inaasahan na sabay na hindi magpaparamdam ang dalawa pa naming kaibigan na sila Aria at Szarina. Si Red naman simula noon ay hindi kona pinapansin at sinusundan pagkatapos ng pagsalitaan ako nito ng masasakit na salita ng mahuli ako nitong nakasampa sa taas ng bakal na gate ng mansion nito. Bakasyon ngayon, nandito kami ngayon sa Isla ni lolo Daimond. Dito namin napagpasyahan ni Rasselle na magbakasyon ng dalawang linggo. Nagtaka si Daddy at tito Winston na kina lolo mona kami magbabakasyon. Biniro pa namin na. "Ang tagal niyo po sa amin na ikukulong mo kaming dalawa don ni Rasselle, hindi niyo naman ginagawa kaya nagkusa na po kami ni Rasselle na pumunta don. "Oo nga po tito, naiinip na po kami sa palagi niny
Chyrll Point of View. Nagtipon tipon na kami dito sa ginawa naming bonfire, pinaapoyan ito ni Cohen kanina. Maraming Mangyan ang mga trabahador dito ni Lolo at ni Lola na halos dito na nakatira kaya nakasanayan na daw ni lola ang na gawin ang tradisyon ng mga katutubong Mangyan kapag ka ganitong may pagdiriwang. Pinatugtog nila ang tradisyon nilang kanta ang Ambahan na isang uri ng kanta na ginagamit ng mga Mangyan sa seremonyas at pagdiriwang. Tumayo na ang iilan na mag-aasawa na Mangyan, sila ang nagpasimuno ng sayaw. At mga ilang minuto ay sina Lolo Daimond at Lola Elizabeth naman ang tumayo at nakisayaw narin. Napapalibotan nila ang bonfire habang sumasayaw sila, nakakatuwa lang dahil hindi ko akalain na sila Lolo Daimond at Lola Elizabeth ay marunong makihalubilo sa mga katutubong Mangyan. Lumapit sa akin si Cohen, ang binatang Mangyan na naghanda ng meryenda namin ni Rasselle. Nagkatinginan kami Rasselle ng ilahad ni Cohen ang kamay niya sa akin. Nakangiti naman na
Chyrll Point of view. "Mag-iingat kayo, apo.Mamimiss namin kayo, at sana hindi ito ang huling punta ninyo dito?" Saad ni Lola Elizabeth. "Kayo rin po Lola, mag-iingat din po dito, mamimiss ko din po kayo, dangan lang po ay dalawang linggo lang po ang bakasyon namin. Pangako po, pagkatapos ng aming klase dito po ulit kami magbabakasyon ng kaibigan ko." Saad ko, pagkatapos ay humalik na ako kay Lola. Si Rasselle ay nakasakay na sa chopper, ako na lang naiwan diti sa labas. Parang ayaw ko pang umuwi, mamimiss ko ang lugar na ito. "O siya apo, sakay ka na ng maka alis na kayo." Sabi sa akin ni lola. Tumingin ako kay Cohen. "Cohen, ikaw na ang bahala kina lolo at lola ha. Babalik na ulit kami sa Maynila, balik eskwela na ulit kami ng kaibigan ko." Paalam ko kay Cohen. "Naku, Senyorita kahit hindi mo po sa akin sabihin aalagaan ko po parin sila. Dahil utang na loob po namin na mga kapwa ko katutubong Mangyan ay tinulongan nila." Saad ni Cohen. Pagkatapos namin mag-usap ay sumakay
Red Simon Point of view. "Dennis sa kumpanya mo ako ni Daddy ihatid, hindi mona ako uuwi sa Mansion ni Lolo." Utos ko sa aking taga maneho ng aking sasakyan. "Masusunod bossing." Sagot ni Dennis sa akin. Kakalapag lang ng private airplane ni Daddy dito sa NAIA Terminal. Tama na ang matagal na pagmukmok ko sa U.S. Marami na akong naantalang trabaho sa kumpanya ni Daddy. Subukan lang ni Jobel na sundan pa ako dito, upang guluhin. Ibibigay ko sa kanya ang hindi pa niya nararanasan buong buhay niya. Kung naging matapang lang ako noon, hindi ako papayag sa kaniyang magulang na panagutan ko siya, at kung nalaman ko lang ng maaga na hindi pala ako ang tunay na ama ng pinagbubuntis niya noon ay hindi ko siya pinakasalan. Pagdating ko sa kumpanya ni Daddy, ay agad akong bumaba ng aking sasakyan. Mga nakahilirang mga empleyado ng kumpanya ang sumalubong sa akin, at sabay-sabay na bumati sa aking pagbabalik. Yumukod lang ako ng bahagya nf aking ulo sa kanila, tanda ng pagbalik ko sa ka
3rd Person "Ano'to?" Tanong ng kapatid ni Chyrll sa ama na si Carlyn ng ilapag nito ang isang papel sa tapat mismo ni Chyrll habang kumakain ito ng almusal. "Pwede ba kumakain ako." Wala sa mood na sagot ni Chyrll sa kanyang ate. "Kinakausap kita Chyrll, kaya huwag kang bastos! Ipaliwanag mo ang lahat ng 'yan sa amin?" Napipikon na sabi ni Carlyn sa kapatid. Sa inis ni Chyrll ay hinampas nito ang ibabaw ng lamesa kaya natapon ang mango juice sa ibabaw at sa sahig. "Hindi mo ba nakikita na kumakain ako? O talagang sinasadya mo lang na inisin ako ngayong umaga!?" Napipikon na pagsagot ni Chyrll sa kapatid nito na hindi na makapagtimpi sa ate Carlyn nito. "Tumigil na kayo! Hindi ba kayo nahihiya na magbangayan? Nasa harapan tayo ng pagkain, bigyan n'yo naman ito ng respeto." Pagsita ng kanilang ama sa dalawa pero hindi parin tumigil ang dalawa sa pagbabangayan. " Oh! Bakit ako nakasama? Ang pagsabihan mo lang ay 'yang paborito mong anak na nagmamagaling, nanahimik akong kuma
Chyrll. Ano ba Lance? Hanggang dito ba naman sa Las Vegas ay sinusundan mo ako. Sinabi ko na saiyo sa Pilipinas pa lang ay hindi na kita gusto at lalong wala akong balak na magpakasal saiyo. Alin ba diyan ang hindi mo maintindihan?" Iretable kong sabi kay Lance. Simula nong nakaraan buwan ng makita ko ito sa gate ng campus namin at ng taguan ko ito ay hito at sinusundan parin ako. Kaya, dinala ko ito sa malapit na coffee shop upang kausapin ng masinsinan. "Mahal kita, at ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Alin din ba ang hindi mo maintindihan sa dalawa." Sagot din nito sa akin. Umikot nanaman ang aking mata. "Hi, naku Lance? Malapit ng umunat ang kulot kong buhok saiyo. Magandang lalaki ka naman at mukhang mabait, pwede sa iba mo na lang ibaling yang pagibig mo sa akin dahil katulad ng sinabi ko kanina at ng mga nakaraan taon pa ay wala kang mapapala sa akin." Mataray kong sagot dito. Gusto kong masuka sa pagpuri sa kanya ng mukhang mabait, kabaligtaran lang ang sinabi
Red. Nandito ako ngayon sa opisina. Pumasok ako ng maaga dahil ngayon pupunta dito si Daryl upang magreport sa akin. Wala pang isang buwan ay kinukulit na ako ng daddy ng babe ko, kung may nalaman na daw kami. Wala namn ako sa kanya maisagot na iba kundi wala pa, dahil hindi pa tumatawag sa akin ang kaibigan kong detictive. May kumakatok sa pintuan ng aking opisina. "Come in. Bumukas nga ito, nakangiting si Carol na aking sekretarya ang dumungaw. "Pasensya na sir sa abala, si Sir Daryl po ay nandito, papasukin ko po ba?" tanong nito sa akin. Agad naman akong tumango. At pumasok mga si Daryl ng nakakunot ang kaniyang ulo. "Maganda yang bago mong sekretarya ha, may nobyo o asawa na ba yon?" Tanong sa akin ng siraulong ito. Nabato ko naman ito ng kinuyumos kong papel at tinaman ito sa mukha ng siyang kinatawa nito. "Maupo ka na lang, at kung ano ang sadya mo sa akin ay sabihin mo na. At huwag ang sekretarya ko ang pagdiskitahan mo dahil ikakasal na yan. "Ikakasal pa lang pala
Nagpalinga linga ako sa paligid ng mall, hindi ko parin mahanap ang lukaret na iyon. Naku, Sherely! Na i stress ang buhok ko saiyo! Makakalbo ko talaga yang bolbol mo. Kinuha ko ulit ang phone ko sa bag ko at dinayal ko ulit ang number ng yaya kong lukaret. Ang baliw pinatay ang tawag ko sa kanya. "Humanda ka talaga sa akin, hindi lang bolbol mo ang kakalbuhin ko isasama ko na yang mani mo!" Nanggigil kong kausap sa phone ko. Ibabalik ko ulit sana ang phone ko sa aking bag ng tumunog ito. Hindi kona tiningnan kung sino ang tumatawag, basta ko na lang sinagot at para ng armalite ang aking bibig. "Nasan kabang babae ka? Malapit ng umunat ang kulot kong buhok kakahanap saiyo!" Bulyaw ko. Nagtaka naman ako dahil hindi nagsasalita ang kabilang linya. "Hello, ano? Hindi ka magsasalita, makakalbo ko talaga yang bolbol mo!" Bulyaw ko ulit. Hindi parin nagsasalita, tiningnan kona kung bakit hindi nagsasalita ang tao sa kabilang linya. Pagtingin ko ay numero lang ito, at Philippin
"Chyrll! Nangunot ang aking noo ng may tumawag sa aking pangalan dito sa loob ng JMBS-tore. Nagpalinga linga ako. Nagulat ako ng makilala ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Jayson na binasted ko ng magtangka itong manligaw sa akin noong Second year College kami. Pero nanatili parin ang pagiging magkaibigan namin ng mga kaibigan din nito sa sina Anthony kahit nagtransfer na sa ibang school, hanggang sa grumaduate kami... Haba ng kulot kong hair noh? "Jayson." Masaya ko ding tawag sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Sabay pa naming dalawa na tanong. Pareho kaming natawa dahil nagtuturuan kami kung sino sa amin dalawa ang unang magsalita. Hanggang sa sumingit ang lukaret kong yaya. "Ako na ha, nagtuturuan pa kayo eh. Nandito kami sa mall na ito, dito pala sa JMBS-tore ay dahil may bibilhin ang Senyorita ko." Nakataas kilay pa na sabi ni Yaya. Natawa na lamang ako ng mahina. "Oh ikaw naman. Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihin na sinusundan mo ako dito, sorry ka dahil h
Chyrll. Di pwede kay nanay, di pwede kay tatay Ayaw ni tito at ni tita Mapili si ate pati si kuya Strikto si lolo at si lola Mag-aral raw muna O mas bigyan ng oras ang pamilya Pero tandaan mo to Mahal na mahal kita Mahal kita pero Mahal kita pero Mahal kita pero Pero pero Bata pa tayo di ko pa kaya Marami pa tayong inaasikaso At baka rin posibleng sa iba ka pang magkagusto Ang oras muna ay hayaang palipasin Pag tama na ang panahon Pwede mo naman akong lambingin Napahinto ako sa aking pagkanta at pagkuskos ng aking katawan ng kumatok sa pinto ng banyo si Sherely. "Senyorita, may tumatawag po sa phone mo. Number po ng Pilipinas." Tawag sa akin. Lumapit ako sa pinto at kinuha ko ang phone ko kay Sherely kahit marami akong bula sa katawan pati sa buhok ko. Sinagot ko ito "Hello, sino ito?" tanong ko. Walang nagsasalita kaya, nagsalita ulit ako. "Sino ito? Wala akong oras na makipag telebabad, kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino kang
"Itago mo itong brown envelope. Bilisan mo, bilis!" Utos sa akin ng matanda. Ako naman ay natataranta na tinago nga ang brown envelope. Nakakahawa itong matandang ito, pati ako natataranta. "Bakit ba kailangan pa nating itago ito?" Taka kong tanong. "Idiot! Paano kung magtanong kung sino ang nasa labas? Eh di may nakaalam ng pinag-uusapan natin. "Aba't, sumusobra na ang matandang ito. Feeling close sa akin, gusto pa akong sapatosin. Si Daddy nga at lolo, tinutungkod lang ako kapag nagagalit sa akin, tapos siya sapatos. Paano kung nakaapak siya ng tae, eh di bumaho pa ako. Pasalamat na lang at siya ang asawa ng babe ko. May pagka isip bata din pala itong ama ng babe ko, akala ko pa naman mahihirapan ako. Dahil napaka seryuso nitong kausap dati. Naiiling na lang akong umupong muli sa aking upuan. "Yes, Carol. Pasok ka. "Paumanhin po sa abala sir. Si Sir Juanito po kanina paa tumatawag daw po sa phone mo, hindi mo daw po sinasagot ang tawag niya." Sabi ni Carol ng nahihiyang d
"Tsk... Ano ba ang matatawag mo sa pinarehistro mo na kasal na kayo ng anak ko na hindi ko alam, lalo na ang anak ko. Sana nga ay hindi ka mabalatan ng buhay non kapag nalaman niya kasal na kayo. Kaya, magdasal dasal kana. Napakamot na lang ako ng aking kilay. "By the way, hijo. Kaya, ako nandito ay dahil may gusto akong ipa imbestiga saiyo. Alam ko kung ano ang kakayahan mo kaya ikaw ang nilapitan ko." Sabi nito sa huli sa akin. Kaya, naman nagsalubong ang aking makakapal na kilay. "Ano, naman po iyon Daddy? Nagtataka na tanong ko dito. Kaya, seguro mabilis tanggapin ang ginawa ko ay dahil may kapalit. Ayos din itong father in-law ko. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala itong brown envelop. "Here, Hijo. Buksan mo." Utos na sabi nito sa akin. Agad ko naman kinuha ang brown envelope, at binuksan ko ito. Kinuha ko lahat ang laman sa loob. Salubong ang aking kilay ng makita ko ang larawan ng kaniyang asawa at anak kasama si Lance Morales. Sinasabi ko na may kakaiba dito sa l
Red. "Good morning sir." Bati sa akin ng mebago kong sekretarya na si Caroline. "Good morning. Ano ang oras ng meeting ko ngayong araw?" tanong ko, bago ako pumasok sa loob ng aking opisina. "Um. Mamaya pa naman pong 1pm sir. At pagkatapos po ay wala na." Magalang na sagot nito sa akin. "Good," sagot ko. At binuksan ko na ang aking opisina. Pero bago pa man ako pumasok ay tumingin muli ako sa aking sekretarya. "May boyfriend kaba? tanong ko ng kinagulat niya. May mali ba sa tanong ko, at bakit namumula ang kaniyang pisngi. Shit, saka ko lang napagtanto baka isipin niya na may gusto ako sa kanya. "Ang ibig kong sabihin, wala ba saiyong magagalit kung sakaling isama kita sa susunod na buwan sa meeting ko sa Singapore? "Um, may fiancee na po ako sir. Pero kung tungkol naman po sa trabaho ay wala naman pong problema sa fiancee ko." Nahihiya nitong sagot sa akin. "Good, mabuti na yong segurado ako na hindi tayo magkakaproblema. Mahirap na marami pa naman tsismosa sa paligid di
Red. Nang malaman kong umalis si Chyrll dito sa Pilipinas ay nagalit ako. Akala ko okay na kami, dahil ang sweet niya sa akin ng huling araw na magkasama kami. Iyon pala ay pagkukunwari lang pala ang lahat ng yon. Nandito ako ngayon sa bar. Umiinom mag-isa. Gusto ko siyang sundan sa Las Vegas, Nevada upang tanongin kung bakit hindi niya sa akin pinaalam na don pala niya ipagpapatuloy ang kaniyang pag aabogada. Pinigilan lang ako ni Tito Wilson at ni Daddy, hayaan ko daw mona na tuparin nito ang kaniyang pangarap. Pwede naman niyang tuparin ang kaniyang pangarap na nasa tabi niya ako, bakit kailangan pa niyang itago ito sa akin. Kung iniisip niya na makakasagabal ako sa pangarap niya ay nagkakamali siya. Dahil kaya kong maghintay hanggang sa matupad niya ang pangarap niyang maging isang ganap na lawyer. "Hi," bati sa akin ng kapatid ni Chyrll. Boses pa lamang nito ay kilala ko na. "Wala akong panahon sa mga katulad mong babae, Carlyn. Umalis kana sa tabi ko baka hindi kita m