Mahirap mag konek ng story.
Red Simon Point of view. Bago ako pumasok sa aking opisina ay dumaan akong muli sa Chyselle Coffee Shop. Gusto kong kausapin si Chyrll, alam kong huli na at ilang buwan narin ang lumipas. Gusto kong humingi sa kanya ng tawad sa mga nasabi ko sa kanya noon. Ng matanaw kong naglalakad si Chyrll papasok sa University ay bumaba na agad ako ng kotse ko. "Chyrll, pwede ba tayong mag-usap." Pakiusap ko agad. "Pwede, naman. Pero ano naman yong pag-uusapan natin?" Tanong nito sa akin. Ang laki na ng pinagbago niya, hindi na katulad ng dati kapag nakikita ako ay nagniningning ang kanyang mga mata, ngunit ngayon ay tila nagbago na. "Pwede bang sumama ka sa akin, at don tayo mag-usap." Pakiusap kong muli. "Pasensya na Red, hindi ako makakasama dahil ilang araw na akong absent. Saka bagsak ako sa lahat ng subjects ko, kailangan kong bumawi. Kung hindi naman importante yang sasabihin mo sa akin, sa ibang araw na lang. O kaya naman ay dito mona lang sabihin, bawal na talaga akong umabsent
Red Simon Point of view. Bumuga mona ako ng hangin bago ako lumakad palapit sa tapat mismo ng gate ng mansion nila Chyrll. Kaya ko ito. Isa akong Marcos, at nanalaytay ang dugong Celedonio sa mga ugat ko. Hindi ako uuwing hindi ko nasusungkit ang isang makislap na bituin sa langit. Bituin na naglalaman at nagbibigay liwanag sa aking mga pangarap. Kinuha ko ang speaker at microphone, sinalang ko ang kantang Ligas na tingin. Tumingin mona ako sa aking relo, kung anong oras na. Pagtingin ko ay, 5:55 am na. Seguro naman ay gising na sila ng ganitong oras. Pumikit mona ako ng aking mata, at saka ko ulit minulat at inumpisahang kumanta. Paro-paro sa aking tiyan Naglalaro 'di mapigilan Nauutal kahit 'di ka kausap Lumalayo kahit 'di kaharap Ooh bakit ba hanggang dito lang ang Dulo ng aking hakbang Lapitan ka'y malabo kaya hanggang Nakaw tingin lamang ako Pinagmamasadan ang bawat ikot mo Ligaw tingin lang ba ako Habang kumakanta ako, naalala ko ang mga araw na gust
Chyrll Point of view. Mahaba man ang taon na hinintay ko, nagawa ko parin na matapos ang Pre-law course na gusto ko. Tatlong taon na lang bubunuin ko, matutupad at magiging ganap na akong abogada! Kakatapos lang ng graduation namin. Ngayon ay magkasama kami ni Rasselle at ni Marian dito sa bar. Gusto namin e celebrate ang aming pagtatapos. Hindi man kami kumpleto ngayon ang mahalaga ay dumalo sila ng graduation namin. "Kapatid, grabe ang sasarap ng mga boys na sumasayaw sa stage." Humahangang turan ni Rasselle. "Baliw ka, magalit niyan saiyo si Rage. Alam mo naman ang lalaking 'yon masyadong seloso." Sagot ko naman. "Seloso nga, tinatago naman ang relasyon sa ibang tao. Mga kaibigan nga walang kaalam-alam na sila na, naku po Rasselle kung ako sainyo hiwalayan mona yang si Rage habang maaga pa, kaysa umasa ka lang na saktan ka niya." Sabi naman ni Marian. "Pumunta ba tayo dito para pag-usapan ang lovelife ko. Huwag ka ngang ampalaya diyan Marian, hindi ka lang crush ng crush
Chyrll Point of view Wala akong masakyan, hindi ko matawagan si kuya Arnolfo dahil pinag bakasyon ko muna ito dahil wala naman na kaming pasok. Umuwi ito ng probinsya nila. Sa condo ko ako ngayon nakatira, regalo sa akin ni Daddy. Sa condo mona ako ngayon, para hindi na si Red pumunta ulit sa mansion ni Daddy para hindi na ito mangharana ng ganuong kaaga. Sira ulong lalaki na iyon, sumabay pa sa pagsikat ng araw ang pagharana niya. Akala ko tuloy ng araw na iyon ay pasko na dahil napakalakas ng volume ng speaker nito ng dala. At mabuti na lang din hindi na ako kinulit pa ni Daddy harapin ko si Red non. Tulog is life kaya ako ngayon. Bihira na ako gumimik dahil inuna ko mona ang aking pag-aaral kaysa ang lumandi ako. Kaya ang lahat ng lalaking nagtatangkang manligaw sa akin noon ay binasted ko. At ito namang si Lance, hindi nadadala sa akin, kahit ilan beses ko ng pinahiya ay patuloy parin ang pangliligaw na ginagawa. Nakatayo ako ngayon dito sa waiting shed habang nag-aabang ng
Chyrll Point of view Sa wakas may taxi nang tumigil sa aking harapan. Makakauwi na ako, nangangawit at sumasakit na talaga ang paa at puwit ko dito kakaupo at tayo dito sa waiting shed. May pinakita sa akin ang taxi driver na isang sulat sa isang papel na laminated at may nakasulat ditong " Ma'am san po kita ihahatid?" Basa ko sa nakasulat. Kibit balikat na lang ako, pipe seguro. "Sa Redstone Marcos Residences (RMR) Boni Avenue Manong." Wala sa mood kong sagot sa taxi Driver. Hindi alam ni Chyrll na ang VIP Unit na regalo sa kanya ng kaniyan ama ay pag-aari pala ng lalaking iniiwasan niya. At hindi din alam ni Chyrll na ang driver ng taxi ay si Red. Hinanap ko ang phone number ni Aria at dinialed ko ito.. Ilang ring ay sinagot ni Aria ang tawag ko. "Hello, kapatid." Sagot sa kabilang linya. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa kapatid, pwede bang ipaalbularyo mo yang kuya mo. Sinasapian na yata yon ng masamang ligaw na espirito o ng engkanto, lakas ng amats ng kuya mo."
Chyrll. Ang dami naming tawa ni Rasselle dahil kay Marian. Iniwan namin ito sa isang botique. Ngayon naman ay pumasok kami ni Rasselle dito sa botique ni Issa, ang dami ngayong mga new limited edition na mga bags at sapatos ngayon dito. Ang mall na ito ay pag-aari mismo nila Kuya Eutanes, pangalawa ito sa malalaking sikat na shopping mall dito sa ka Maynila-an. Ang mall nila Aria ang pinakamalaki dito at sikat na sikat na puntahan at pasyalan ng mga tao dahil sa kakaibang ambiance nito ayon sa survey. Tanaw namin si Marian sa labas dito sa loob ng botique. Hinahanap kami nito hanggang sa makita kami na pinapanuod siya, tumakbo kaagad ito sa amin, at hindi nito napansin na ang entrance ng malaking botique ni Issa ay naka revolving door. Paikot-ikot lamang ito. Hinatak ko ang kamay ni Marian palapit sa amin dahil nahihilo na ito. "Hoy, lumapit ka nga sa akin!" Tawag ni Marian sa isang salelady ni Issa dito sa botique. "Yes ma'am. Ano pong kailangan mo sa akin?" Magalang na tanong
Red Point of view. Ng makita ko si Chyrll na umiindak i sa waiting shed ay tumigil ako sa pagmamaneho. Bumaba ako kahit malakas ang ulan. Nilapitan ko ito na sumasayaw parin. Inalis ko ang headset nito sa kanyang tainga, nagulat ito sa akin. Inis na inis ito sa akin. Ayaw din nito magpahatid sa akin kaya may naisip ako. Kinausap ko ang lolo ni Jeran na taxi Driver na kung pwede ay maarkila ko mona ang taxi nito na pinapasada. "Okay lang hijo. Ganyan din ako nong kabataan ko, lahat gagawin ko mapansin lang ako ng babaeng mahal ko." Sabi ni lolo. "Salamat po, lo. Pero atin atin lang po ito ha, huwag mo po sana magkukwento kay Jeran o kahit na sino sa mga kaibigan ko. At lalong lalo na kay Szarina bulinggit." Sabi ko kay Lolo. Mapang asar pa naman ang mga yon kaya sekreto ko lang itó. Sumakay na ako ng taxi, pagkatapos ko magpaalam kay lolo. Gusto ko ng tumawa ng hindi ko tinatanggap ang pera na inaabot sa akin ni Chyrll dahil hindi ito makapaniwala na piso lang ang baba
Chyrll point of view. "Dalawang linggo na lang ay flight ko na patungong Las Vegas, Nevada." "Sigurado ka ba, kapatid, na doon mo ipagpapatuloy ang pag-aaral mo?" malungkot na tanong ni Rasselle sa akin. "Bakit naman biglaan ang pagpapasya mo?" "Kapag doon ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko bilang isang International Criminal Law, mas marami pa akong matutunan," paliwanag ko kay Rasselle upang mas maunawaan ako nito. "Ang sabihin mo, gusto mo lang umiwas kay Red," nakanguso na sagot nito sa akin. "Hindi ah, alam mo naman ang pangarap ko diba? Kaya huwag ka ng magtampo sa akin, sege ka iiyak na ako dito. At saka hindi si Red Simon ang dahilan ng pag-alis ko." Paliwanag ko pa. "Mamimiss kase kita, alam mo naman na ikaw lang ang palaging nandito sa tabi ko. Kaya, hindi mo maiaalis sa akin ang makaramdam ng lungkot." Ani pa ni Rasselle. "Tatlong taon lang naman ako don, at kapag bakasyon naman ay uuwi din ako dito. Kaya, magkakasama parin naman tayo noh. "Lahat na lang umaali
Red. Kasama ko ngayon dito sa aking mansion si Chyrll. Dito panatag na ang loob ko. Lahat ng aking tauhan ay sinabihan kong maging alerto sa paligid, dahil ang kalaban ay hindi basta-basta. Kausap ko kanina si Daryl, nasa Pilipinas na ngayon si Lance Morales. Alam kong si Lance Morales ang may pakana ng nangyari kanina sa bahay ni Chyrll. Inutusan ko si Daryll na huwag lulubayan ng tingin si Lance, dahil nararamdaman ko na nasa kanya ang mga bata. Masyado na akong naiinip, ayaw ko ng patagalin pa ito. Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin ay tumunog ulit ang aking phone. "Damn, Dude! Bakit hindi mo sinasabi sa amin na may problema ka palang kinakaharap!" Galit agad na bungad sa akin ng aking kaibigan na si Eutanes sa kabilang linya ng sagotin ko ang tawag nito sa akin. "Dude, ayaw ko naman na makaabala pa sainyo dahil may pamilya na kayo. Tahimik na ang pamumuhay ninyo, ayaw ko ng gu- "Dude, ano pa at naging magkakaibigan tayo, tarantado!" Galit na sabi din
Pagdating namin sa bahay ko ay wala kaming naabotanh buhay na kalaban. Si Sherely agad ang hinanap ng aking mga mata. "Nasan si Yaya?" Nag-aalala kong tanong sa mga tauhan ni Red, ang ilang sa kanila ay sugatan. May mga Police na rin ang dumating at si Red Simon na anag bahalang makipag usap sa mga iyon. "Sherely!" Tawag ko pa. "Kanina po Senyorita nandiyan pa, pinagtago ko po muna, pero po ngayon ay hindi ko na po nakita ng balikan ko." Sagot ng isa lang tauhan ni Red. "Shit!" Mura ko. "Sherely! Sherely!" Tawag ko. Pumasok na ako sa loob ng aking bahay, wala parin akong nakikita na Sherely. "Sherely, nasaan kana!" Kinakabahan na ako, baka may isang kalaban pa ang natira at baka dinukot na si Yaya. "Nakita mo ba?" Tanong agad sa akin ni Red ng sumunod ito sa akin dito sa loob. "Hindi. Hindi kaya, dinukot nila si Sherely?" Tanong ko. "Ang sabi sa akin ni Jay, lima lang ang nanloob dito. Kaya, impossible na may makatakas pang isa." Sagot sa akin ni Red. "Baka, natatak
Chyrll. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa aking salamin. Hindi ko alam kung hanggang saan ako magiging malakas? Sunod-sunod ang patak ng luha sa aking damit. Sobrang sakit parin kapag naalala ko na niloko ka nilang lahat noon. Pinunasan ko ang aking luha pagkatapos kong ilabas ang lahat ng aking sama ng loob. Hayaan ninyo mga anak, makakasama ko rin kayo. Sana maayos lang ang kalagayan ninyo, sana hindi kayo nakakaranas ma pagmalupitan ng mag-inang demonyo na iyon. Pilit kong pinapatatag ang aking kalooban para sa aking mga anak. Kapag magkakasama na kami, titira kami sa malayong lugar na walang makakakilala sa amin at doon kami mamumuhay ng payapa na walang gulo. Pagod na pagod na ako sa ganitonh siya, aanhin ko naman ang karangyaang pamumuhay kung ganito naman kagulo. Mas gugustuhin ko pang tumira sa bundok. Lumabas ako ulit ng aking silid. Hindi ko na naririnig ang pagwawala ni Rochelle sa labas, pupuntahan ko si Carlyn. Kapag wala parin akong mapapala sa kanya, ipapa bi
Red. Nakatingin lamang ako sa aking asawa habang galit na galit itong kinakausap ang kaniyang kapatid. Kahit ako ay nakakaramdam ng galit dahil sa pagtatangka nito sa buhay ng asawa ko. Kung naging lalaki lamang ito ay baka kanina ko pa itong nasaktan kahit anak pa ito ni Tito Wilson. Kanina galit na galit si Rochelle ng sabihin ko sa kanya na hawak namin ang kaniyang anak. Sila pa ang may ganang manakot, eh sila itong nagsimula ng gulo... Seguro naman ngayon ay malalaman na namin kung saan nila tinago ang mga bata, dahil hindi namin pakakawalan ang babaeng ito hangga't hindi sa amin sinasabi ang totoo. Tunog ng malakas na sampal ang maririnig dito sa bawat sulok ng silid ng isang abandunadong gusali "Sabihin mona sa akin ang totoo Carlyn kung gusto mo pang mabuhay! Ayaw mo naman segurong mamatay sa kamay ng mga lalaking hayok sa laman."Pagbabanta ni Chyrll. Pero isang ngisi lang ang sinagot ni Carlyn. ⁰ "Hindi ko magagawa sa akin yon Chyrll dahil magagalit saiyo si Daddy.
Chyrll. Nababaliw na ang babaeng yon. Hindi ko na kailangan pang utusan ang private investigator ko na alamin ang buong katotohanan sa tatlong tao na yon, dahil ako na mismo ang gagawa non. Ako naman ang makikipaglaro sa kanila ngayon. Eksaktong paglabas ko ng campus ay syang dating ni Red Simon. "Ang sabi ko sa tauhan mo, siya ang susundo sa akin hindi ikaw." Mataray kong bungad kay Red. "Maaari ba iyon. Ako ang asawa mo." Sagot agad nito sa akin. "Bibig mo, may makarinig saiyo dito." Sita ko. Kahit kailan talaga ang bibig ng lalaking ito, kay sarap busalan ng kiki ng kalabaw. "Eh ano naman kung may makarinig, sasabihin ko kung ano ang gusto ko wala akong pakialam sa kanila." Katwiran ng unggoy sa akin. "Akin na nga yang helmet ko, umalis na tayo. Baka makita pa tayo ng boyfriend ko." Pabiro kong sabi sa huli. "Ano? May boyfriend ka dito? Sino? Babalian ko ng leeg." Muntanga na tanong sa akin ng unggoy na ito. "Secret." Sagot ko naman. "Asawa ko naman, huwag mo akong
Chyrll. Nangigigil ako, gusto kong pumatay ng tao. Bwisit na babaeng yon, bigla bigla na lang nanabunot. Hindi manlang nagbigay ng babala na sasabunutan ako, eh di sana mabilis akong bumaba ng bigbike ng unggoy na iyon. Hindi ako makakapayag na hindi makaganti. Lintik na unggoy na yan, hindi manlang ako hinayaan na maisubsob ko sa semento ang mukha ng Carlyn na iyon. Sobrang sakit ng anit ko. ___✂️ Isang linggo na ang lumipas simula ng mangyari ang pananabunot sa akin ni Carlyn dahil sa unggoy na Red Simon na iyon. Pumayag parin ako na siya ang maghahatid at sundo sa akin sa Law School. Ngayon ay kausap ko ang private investigator ko. May binigay sa akin itong mga larawan kung saan palagi pumupunta ang mag ina. Tiningnan ko isa isa ang mga larawan. Nagtataka ako, bakit nagkikita ang mag ina na ito at si Lance Morales. May namamamgitan na ba sa kanila ni Carlyn? Pero bakit ganun na lang ang galit ng impakta na ito sa akin ng makita ako nito na naka angkas sa bike ni Red Sim
Red. Dalawang linggo na ako dito sa Vegas, nakakausap ko lamang ang sekretarya ko at ang acting CEO ko sa laptop. Pinapadala lamang nila sa aking email ang mahahalagang dokumento na kailangan kong basahin. Sa dalawang linggo ko dito sa bahay ng asawa ko ay nagpang abot kaming tatlo nila Rochelle at Carlyn. Hindi sila makapaniwala na ako ang tenant ni Chyrll, galit na galit ang mga ito. Pero hindi umobra sa akin ang galit nila. Subukan lang nila na kantiin ang asawa ko. Hindi ko na iisipin na asawa at anak parin sila ni Tito Wilson. Dahil sa pinapakita nilang pag-uugali sa harap ko napatunayan ko lang na kaya nilang saktan ang asawa ko. Hinding hindi na nila ito magagawa ulit kay Chyrll dahil ako na mismo ang makakalaban nila. Ngayon ay kausap ko si Daryl. Pinadala nito sa aking email ang mga nalaman nito tungkol sa mag-ina. "Salamat Daryll. Tatawagan kita kaagad kapag na nakita kona ang pinadala mo sa email ko. Pagkatapos naming mag-usap ay pinatay kona ang cellphone. Alam kon
Red. Nagmamadali akong umalis ng university ng tumawag sa akin si Tonton na nasa labas ng bahay ang mag-ina na sina Rochelle at Carlyn. Inuubos talaga nila ang pasensya ko. Pagkatapos kong makausap si Daryl ay napag pasyahan kong sunduin ng maaga ang asawa ko. Ngunit hindi ko na naabotan ito dahil maaga pala silamg natapos sa klase, sabi sa akin ng guard na nakausap ko. Ang tigas talaga ng ulo, sinabihan ko na siya na susunduin ko siya mamayang uwian hindi nakinig sa akin. Parurusahan talaga kita pagdating ng panahon asawa ko. Ano ba ang mas masarap pakinggan? asawa ko o misis ko? Pinaharurot kona ng mabilis ang pagpapatakbo ng bike ko. Pagdating ko ay hindi ako nagpahalata sa asawa ko na alam kong dumating dito ang mag-ina. Kahit anong tago ng asawa ko na kaniyang emosyon ay halata ko parin ito. Natatawa na lamang ako sa pagtataray nito sa akin, kaysarap sanang lamutakin ng halik sa labi. Pinagkamalan pang nadikwat ko lang itong bigbike ko. Pagkatapos ko kasi sa kanya na maghati
Chyrll. "Anong ginagawa ninyo dito sa bahay ko?" Tanong ko kaagad sa mag inang Rochelle ng makita ko sila sa labas ng pamamahay ko. Pagod ako dahil marami kaming ginawa ngayon sa school tapos mukhang may sisira ngayon ng araw ko. "Gusto namin, bakit bawal ba?" Mataray na sagot sa akin ni Carlyn. Kung hindi lang masamang pumatay ng kapatid, kanina pa itong bumulagta sa semento. "Oo, bawal. Lalo na at mga demonyo kayo." Mataray ko din na sagot dito. "Pagsabihan mo yang yaya mong may sayad, kanina pa kami nagdo doorbell dito sa labas hindi niya kami pinagbubuksan ng pinto." Sabi naman ni Rochelle na masama ang pagkakatingin sa akin. "Hindi talaga kayo pagbubuksan niyan ng pinto dahil kabilin bilinan ko sa kanya na bawal papasukin ang demonyo sa pamamahay ko." Sagot ko. "Ano ba ang kailangan ninyong mag ina sa akin at bakit naparito kayo, ha?" Tanong ko pa. "Gusto lang namin na bumisita dito. Kung ayos ka lang ba? Kung nagbago na ba ang isip mo na dito na kami patirahin." Sabi