Hi naku Carlyn nagkamali kana ng binangga mo. Lagot ka ngayon sa kapatid mo.
Chyrll. Nababaliw na ang babaeng yon. Hindi ko na kailangan pang utusan ang private investigator ko na alamin ang buong katotohanan sa tatlong tao na yon, dahil ako na mismo ang gagawa non. Ako naman ang makikipaglaro sa kanila ngayon. Eksaktong paglabas ko ng campus ay syang dating ni Red Simon. "Ang sabi ko sa tauhan mo, siya ang susundo sa akin hindi ikaw." Mataray kong bungad kay Red. "Maaari ba iyon. Ako ang asawa mo." Sagot agad nito sa akin. "Bibig mo, may makarinig saiyo dito." Sita ko. Kahit kailan talaga ang bibig ng lalaking ito, kay sarap busalan ng kiki ng kalabaw. "Eh ano naman kung may makarinig, sasabihin ko kung ano ang gusto ko wala akong pakialam sa kanila." Katwiran ng unggoy sa akin. "Akin na nga yang helmet ko, umalis na tayo. Baka makita pa tayo ng boyfriend ko." Pabiro kong sabi sa huli. "Ano? May boyfriend ka dito? Sino? Babalian ko ng leeg." Muntanga na tanong sa akin ng unggoy na ito. "Secret." Sagot ko naman. "Asawa ko naman, huwag mo akong
Red. Nakatingin lamang ako sa aking asawa habang galit na galit itong kinakausap ang kaniyang kapatid. Kahit ako ay nakakaramdam ng galit dahil sa pagtatangka nito sa buhay ng asawa ko. Kung naging lalaki lamang ito ay baka kanina ko pa itong nasaktan kahit anak pa ito ni Tito Wilson. Kanina galit na galit si Rochelle ng sabihin ko sa kanya na hawak namin ang kaniyang anak. Sila pa ang may ganang manakot, eh sila itong nagsimula ng gulo... Seguro naman ngayon ay malalaman na namin kung saan nila tinago ang mga bata, dahil hindi namin pakakawalan ang babaeng ito hangga't hindi sa amin sinasabi ang totoo. Tunog ng malakas na sampal ang maririnig dito sa bawat sulok ng silid ng isang abandunadong gusali "Sabihin mona sa akin ang totoo Carlyn kung gusto mo pang mabuhay! Ayaw mo naman segurong mamatay sa kamay ng mga lalaking hayok sa laman."Pagbabanta ni Chyrll. Pero isang ngisi lang ang sinagot ni Carlyn. ⁰ "Hindi ko magagawa sa akin yon Chyrll dahil magagalit saiyo si Daddy.
Chyrll. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa aking salamin. Hindi ko alam kung hanggang saan ako magiging malakas? Sunod-sunod ang patak ng luha sa aking damit. Sobrang sakit parin kapag naalala ko na niloko ka nilang lahat noon. Pinunasan ko ang aking luha pagkatapos kong ilabas ang lahat ng aking sama ng loob. Hayaan ninyo mga anak, makakasama ko rin kayo. Sana maayos lang ang kalagayan ninyo, sana hindi kayo nakakaranas ma pagmalupitan ng mag-inang demonyo na iyon. Pilit kong pinapatatag ang aking kalooban para sa aking mga anak. Kapag magkakasama na kami, titira kami sa malayong lugar na walang makakakilala sa amin at doon kami mamumuhay ng payapa na walang gulo. Pagod na pagod na ako sa ganitonh siya, aanhin ko naman ang karangyaang pamumuhay kung ganito naman kagulo. Mas gugustuhin ko pang tumira sa bundok. Lumabas ako ulit ng aking silid. Hindi ko na naririnig ang pagwawala ni Rochelle sa labas, pupuntahan ko si Carlyn. Kapag wala parin akong mapapala sa kanya, ipapa b
3rd Person "Ano'to?" Tanong ng kapatid ni Chyrll sa ama na si Carlyn ng ilapag nito ang isang papel sa tapat mismo ni Chyrll habang kumakain ito ng almusal. "Pwede ba kumakain ako." Wala sa mood na sagot ni Chyrll sa kanyang ate. "Kinakausap kita Chyrll, kaya huwag kang bastos! Ipaliwanag mo ang lahat ng 'yan sa amin?" Napipikon na sabi ni Carlyn sa kapatid. Sa inis ni Chyrll ay hinampas nito ang ibabaw ng lamesa kaya natapon ang mango juice sa ibabaw at sa sahig. "Hindi mo ba nakikita na kumakain ako? O talagang sinasadya mo lang na inisin ako ngayong umaga!?" Napipikon na pagsagot ni Chyrll sa kapatid nito na hindi na makapagtimpi sa ate Carlyn nito. "Tumigil na kayo! Hindi ba kayo nahihiya na magbangayan? Nasa harapan tayo ng pagkain, bigyan n'yo naman ito ng respeto." Pagsita ng kanilang ama sa dalawa pero hindi parin tumigil ang dalawa sa pagbabangayan. " Oh! Bakit ako nakasama? Ang pagsabihan mo lang ay 'yang paborito mong anak na nagmamagaling, nanahimik akong kuma
Chyrll Point of view Kulot! Kulot! Mukhang puwit ng kaldero! 'Yan ang bansag sa akin, ng mga batang kalaro ko noong bata pa ako. Happy go, lucky. Ako, si Chyrll Palermo Araneta, 19 year old. Anak ako ni Police General Wilson Araneta sa ibang babae. Rochelle Medina, siya naman ang asawa ng aking ama. Carlyn Araneta, 19 year old, ang kapatid ko sa ama na mortal kong kaaway, everyday, everywhere. Ang lahat ng kilos o galaw ko ay pinapakialaman niya, siya ang human cctv ni Daddy sa akin, taga report kung ano ang ginagawa ko, kapag wala siya. Bago pa lamang daw na magkasintahan si Mommy at Daddy noon ay nagkaroon ng bachelor party ang isa sa mga kaibigan ni Daddy at nakagawa daw ito ng kasalanan kay mommy, at nagbunga ito. Naghiwalay sila ni mommy dahil ang babaeng nabuntis pala ni Daddy noon ay anak pala ng kaibigan ng lola ko. Buntis din ang aking ina noong maghiwalay sila ni Daddy, pero mas pinili na lamang nito ang ilihim dahil wala din naman daw mangyayari, kaya ang edad n
Chyrll. "Sherely, nasaan ang senyorita Chyrll mo?" Rinig kong tanong ni Daddy sa personal maid ko, na hinahanap ako. "Kasama po ni ma'am Merie Sir, pumunta po sila sa pool, may kukuhanin daw po doon si senyorita." Magalang na sagot ni yaya kay Daddy. Lagot ito sa akin mamaya, sabing payungan ang mga bagong tanim ko na halaman. Ang tigas din ng ulo ng isang 'to. "Hinahanap ka ni Tito Wilson, hindi kaba diyan lalabas sa pinagtataguan mo?" Tanong ng pinsan ni ate Carlyn. Isa pa itong babae na ito, pakialamera din. Kung si ate Carlyn ang human cctv ni Daddy, itong si Merie naman ang human cctv ni Ate Carlyn kapag wala ito dito sa mansion. Ang sarap lang nilang pagbuhol buholin. Nakakulong na nga ako dito sa mansion, bantay sarado parin ako. Sa daming bantay na tauhan ni Daddy na naka paligid sa buong labas ng mansion, makakatakas pa ba ako, pwera na lang kung gamitan ko sila ng pampatulog. "Pakitawag nga Sherely, dahil may sasabihin lang ako sa kanya." Utos ni Daddy, mabait si Dadd
Chyrll Point of view. Sa pangtatlong sundo sa akin ni Sherely ay wala na akong nagawa kundi ang lumabas na lamang ng theater room kung saan ako kanina dumiritso ng iwanan ko sila Daddy sa aking silid. "Gusto nila ng gulo, okay simulan natin ang laro na gusto ninyo, matira matibay sa atin kung sino abg magwawagi." Hindi na ako nagbihis pa, walang emosyon na tumungo ako kung nasaan ang mga bisita ni Daddy. Salubong ang kilay ni Daddy ng makita ako nito, at ang mukha naman ni Rochelle ay hindi maipinta. Tumayo si Daddy at lumapit ito sa akin. Hawak nito ang aking kanang braso. "Pinapahiya mo ba talaga ako, ha. Chyrll!?" Nagtitimpi na bulong sa akin ni Daddy. Narinig ko naman na humihingi ng pasensya si Rochelle sa mga bisita nila. "Hindi ako magpapakasal sa lalaking 'yan Daddy. Ito ang gusto ninyo diba? Pwes magtiis kayo." Walang emosyon na sabe ko. Pabalang kong binawi ang aking braso at nilampasan ko si Daddy at naglakad palapit sa mga bisita. Nakita ko naman ang tinutuko
Chyrll point of view. "Saan ang punta mo Chyrll? Sinabi ko na saiyo na hindi ka aalis ng mansion na ito!" Nagagalit na sabi sa akin ni Daddy ng maabotan ako nito na palabas ng mansion. Napahinto ako sa aking paghakbang, hindi ko alam na gising na si Daddy ng ganitong oras. Humarap ako dito. "Hindi mo ako mapipigilan Daddy. Gusto mo akong maikasal sa lalaking hindi ko naman mahal, tapos hindi mo pa tinupad ang naging kasunduan natin, kaya ano pa ang ginagawa ko dito sa puder mo?" Sagot ko kay Daddy. Buo na ang desisyon ko, aalis ako ng mansion na ito. "Jace, huwag ninyong hahayaan na makalabas ng gate yang senyorita ninyo." Utos nito sa dalawang security guard na naka bantay sa gate. "Dad, pabayaan n'yo na ako sa buhay ko. Hindi na ako masaya dito na kasama kayo, palagi na lang impyerno ang buhay ko dito. Nagsasawa na ako, gusto ko ng piece of mind." Sagot ko kay Daddy. "Hindi... Jace, kunin mo ang maleta nv senyorita mo at ibalik mo sa silid niya." Utos parin ni Daddy. Hi
Chyrll. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa aking salamin. Hindi ko alam kung hanggang saan ako magiging malakas? Sunod-sunod ang patak ng luha sa aking damit. Sobrang sakit parin kapag naalala ko na niloko ka nilang lahat noon. Pinunasan ko ang aking luha pagkatapos kong ilabas ang lahat ng aking sama ng loob. Hayaan ninyo mga anak, makakasama ko rin kayo. Sana maayos lang ang kalagayan ninyo, sana hindi kayo nakakaranas ma pagmalupitan ng mag-inang demonyo na iyon. Pilit kong pinapatatag ang aking kalooban para sa aking mga anak. Kapag magkakasama na kami, titira kami sa malayong lugar na walang makakakilala sa amin at doon kami mamumuhay ng payapa na walang gulo. Pagod na pagod na ako sa ganitonh siya, aanhin ko naman ang karangyaang pamumuhay kung ganito naman kagulo. Mas gugustuhin ko pang tumira sa bundok. Lumabas ako ulit ng aking silid. Hindi ko na naririnig ang pagwawala ni Rochelle sa labas, pupuntahan ko si Carlyn. Kapag wala parin akong mapapala sa kanya, ipapa b
Red. Nakatingin lamang ako sa aking asawa habang galit na galit itong kinakausap ang kaniyang kapatid. Kahit ako ay nakakaramdam ng galit dahil sa pagtatangka nito sa buhay ng asawa ko. Kung naging lalaki lamang ito ay baka kanina ko pa itong nasaktan kahit anak pa ito ni Tito Wilson. Kanina galit na galit si Rochelle ng sabihin ko sa kanya na hawak namin ang kaniyang anak. Sila pa ang may ganang manakot, eh sila itong nagsimula ng gulo... Seguro naman ngayon ay malalaman na namin kung saan nila tinago ang mga bata, dahil hindi namin pakakawalan ang babaeng ito hangga't hindi sa amin sinasabi ang totoo. Tunog ng malakas na sampal ang maririnig dito sa bawat sulok ng silid ng isang abandunadong gusali "Sabihin mona sa akin ang totoo Carlyn kung gusto mo pang mabuhay! Ayaw mo naman segurong mamatay sa kamay ng mga lalaking hayok sa laman."Pagbabanta ni Chyrll. Pero isang ngisi lang ang sinagot ni Carlyn. ⁰ "Hindi ko magagawa sa akin yon Chyrll dahil magagalit saiyo si Daddy.
Chyrll. Nababaliw na ang babaeng yon. Hindi ko na kailangan pang utusan ang private investigator ko na alamin ang buong katotohanan sa tatlong tao na yon, dahil ako na mismo ang gagawa non. Ako naman ang makikipaglaro sa kanila ngayon. Eksaktong paglabas ko ng campus ay syang dating ni Red Simon. "Ang sabi ko sa tauhan mo, siya ang susundo sa akin hindi ikaw." Mataray kong bungad kay Red. "Maaari ba iyon. Ako ang asawa mo." Sagot agad nito sa akin. "Bibig mo, may makarinig saiyo dito." Sita ko. Kahit kailan talaga ang bibig ng lalaking ito, kay sarap busalan ng kiki ng kalabaw. "Eh ano naman kung may makarinig, sasabihin ko kung ano ang gusto ko wala akong pakialam sa kanila." Katwiran ng unggoy sa akin. "Akin na nga yang helmet ko, umalis na tayo. Baka makita pa tayo ng boyfriend ko." Pabiro kong sabi sa huli. "Ano? May boyfriend ka dito? Sino? Babalian ko ng leeg." Muntanga na tanong sa akin ng unggoy na ito. "Secret." Sagot ko naman. "Asawa ko naman, huwag mo akong
Chyrll. Nangigigil ako, gusto kong pumatay ng tao. Bwisit na babaeng yon, bigla bigla na lang nanabunot. Hindi manlang nagbigay ng babala na sasabunutan ako, eh di sana mabilis akong bumaba ng bigbike ng unggoy na iyon. Hindi ako makakapayag na hindi makaganti. Lintik na unggoy na yan, hindi manlang ako hinayaan na maisubsob ko sa semento ang mukha ng Carlyn na iyon. Sobrang sakit ng anit ko. ___✂️ Isang linggo na ang lumipas simula ng mangyari ang pananabunot sa akin ni Carlyn dahil sa unggoy na Red Simon na iyon. Pumayag parin ako na siya ang maghahatid at sundo sa akin sa Law School. Ngayon ay kausap ko ang private investigator ko. May binigay sa akin itong mga larawan kung saan palagi pumupunta ang mag ina. Tiningnan ko isa isa ang mga larawan. Nagtataka ako, bakit nagkikita ang mag ina na ito at si Lance Morales. May namamamgitan na ba sa kanila ni Carlyn? Pero bakit ganun na lang ang galit ng impakta na ito sa akin ng makita ako nito na naka angkas sa bike ni Red Sim
Red. Dalawang linggo na ako dito sa Vegas, nakakausap ko lamang ang sekretarya ko at ang acting CEO ko sa laptop. Pinapadala lamang nila sa aking email ang mahahalagang dokumento na kailangan kong basahin. Sa dalawang linggo ko dito sa bahay ng asawa ko ay nagpang abot kaming tatlo nila Rochelle at Carlyn. Hindi sila makapaniwala na ako ang tenant ni Chyrll, galit na galit ang mga ito. Pero hindi umobra sa akin ang galit nila. Subukan lang nila na kantiin ang asawa ko. Hindi ko na iisipin na asawa at anak parin sila ni Tito Wilson. Dahil sa pinapakita nilang pag-uugali sa harap ko napatunayan ko lang na kaya nilang saktan ang asawa ko. Hinding hindi na nila ito magagawa ulit kay Chyrll dahil ako na mismo ang makakalaban nila. Ngayon ay kausap ko si Daryl. Pinadala nito sa aking email ang mga nalaman nito tungkol sa mag-ina. "Salamat Daryll. Tatawagan kita kaagad kapag na nakita kona ang pinadala mo sa email ko. Pagkatapos naming mag-usap ay pinatay kona ang cellphone. Alam kon
Red. Nagmamadali akong umalis ng university ng tumawag sa akin si Tonton na nasa labas ng bahay ang mag-ina na sina Rochelle at Carlyn. Inuubos talaga nila ang pasensya ko. Pagkatapos kong makausap si Daryl ay napag pasyahan kong sunduin ng maaga ang asawa ko. Ngunit hindi ko na naabotan ito dahil maaga pala silamg natapos sa klase, sabi sa akin ng guard na nakausap ko. Ang tigas talaga ng ulo, sinabihan ko na siya na susunduin ko siya mamayang uwian hindi nakinig sa akin. Parurusahan talaga kita pagdating ng panahon asawa ko. Ano ba ang mas masarap pakinggan? asawa ko o misis ko? Pinaharurot kona ng mabilis ang pagpapatakbo ng bike ko. Pagdating ko ay hindi ako nagpahalata sa asawa ko na alam kong dumating dito ang mag-ina. Kahit anong tago ng asawa ko na kaniyang emosyon ay halata ko parin ito. Natatawa na lamang ako sa pagtataray nito sa akin, kaysarap sanang lamutakin ng halik sa labi. Pinagkamalan pang nadikwat ko lang itong bigbike ko. Pagkatapos ko kasi sa kanya na maghati
Chyrll. "Anong ginagawa ninyo dito sa bahay ko?" Tanong ko kaagad sa mag inang Rochelle ng makita ko sila sa labas ng pamamahay ko. Pagod ako dahil marami kaming ginawa ngayon sa school tapos mukhang may sisira ngayon ng araw ko. "Gusto namin, bakit bawal ba?" Mataray na sagot sa akin ni Carlyn. Kung hindi lang masamang pumatay ng kapatid, kanina pa itong bumulagta sa semento. "Oo, bawal. Lalo na at mga demonyo kayo." Mataray ko din na sagot dito. "Pagsabihan mo yang yaya mong may sayad, kanina pa kami nagdo doorbell dito sa labas hindi niya kami pinagbubuksan ng pinto." Sabi naman ni Rochelle na masama ang pagkakatingin sa akin. "Hindi talaga kayo pagbubuksan niyan ng pinto dahil kabilin bilinan ko sa kanya na bawal papasukin ang demonyo sa pamamahay ko." Sagot ko. "Ano ba ang kailangan ninyong mag ina sa akin at bakit naparito kayo, ha?" Tanong ko pa. "Gusto lang namin na bumisita dito. Kung ayos ka lang ba? Kung nagbago na ba ang isip mo na dito na kami patirahin." Sabi
Chyrll. Napabalikwas ako ng bangon ng tawagin ako ni Sherely na dumating si Red dito sa bahay. Paglabas ko ay tinanong ko kaagad ito kung ano ang ginagawa nito sa pamamahay ko. Ang damuhong unggoy puro kapilosopohan ang pinagsasagot sa akin. Wala na rin akong nagawa na dito niya gustong tumira, pinagbayad ko na lang ng renta dito sa bahay, para may pandagdag ako sa pagbabayad ko sa kukuhanin kong mag mamanman sa mag inang Rochelle at Carlyn. Wala ng libre ngayon kaya magtiis siya. Kahit may problema akong kinakaharap ay dapat maging kalmado lang ako at maging matapang sa lahat ng oras. Ako rin ang magiging talunan kapag nagpadala ako sa galit ko. Kahit gustong gusto ko ng malaman kong nagkaroon nga ba ako ng anak. Ng bumalik ako sa aking silid, nakalimotan kong kausapin ang doctor, hindi ako nakapag patingin kung tunay nga ba akong nanganak. Na wala sa isip ko yon, dahil sa dami na ng aking iniisip. May nakausap na akong isang private investigator. Pinadala ko na rin sa kanya
Red. "Asawa ko naman, huwag mo naman akong ipagtabuyan. Pagod na pagod ako sa mahabang oras na pag-upo sa eroplano, tapos paalisin mo ako. Ganun na ba ako kawalang halaga saiyo? Gutom na gutom narin ako." Maktol ko sa asawa ko. "Mayaman ka Red Simon, marami kang pera na pwede mong lustayin sa pagbayad sa mamahaling hotel. Kaya, huwag mo akong maarte artehan diyan." Nakapamaywang na sabi nito sa akin. Napakataray talaga ng babaeng ito, humanda ka sa akin kapag nalaman mong mag-asawa na tayo. Pagsisisihan mo ang pagtataboy mo sa akin lintik lang ang walang ganti, lulumpuhin kita sa kama, sa sarap." Ani ng aking isipan. Mas lalo ko naman pinaawa ang mukha ko. "Tamo, kilala ko na yang pananahimik mo. Minamanyak mo nanaman ako diyan sa kukuti mo." Inis nitong sabi sa akin. "Paano mo nalaman asawa ko?" Nakangisi kong tanong dito. "Dahil kilala na kitang manyakis ka. Maski ang kulay ng utot mo ay alam ko." Mataray nitong sagot sa akin. Lumapit naman ako dito at nakangising tuming