Chyrll Point of view.
Sa pangtatlong sundo sa akin ni Sherely ay wala na akong nagawa kundi ang lumabas na lamang ng theater room kung saan ako kanina dumiritso ng iwanan ko sila Daddy sa aking silid. "Gusto nila ng gulo, okay simulan natin ang laro na gusto ninyo, matira matibay sa atin kung sino abg magwawagi." Hindi na ako nagbihis pa, walang emosyon na tumungo ako kung nasaan ang mga bisita ni Daddy. Salubong ang kilay ni Daddy ng makita ako nito, at ang mukha naman ni Rochelle ay hindi maipinta. Tumayo si Daddy at lumapit ito sa akin. Hawak nito ang aking kanang braso. "Pinapahiya mo ba talaga ako, ha. Chyrll!?" Nagtitimpi na bulong sa akin ni Daddy. Narinig ko naman na humihingi ng pasensya si Rochelle sa mga bisita nila. "Hindi ako magpapakasal sa lalaking 'yan Daddy. Ito ang gusto ninyo diba? Pwes magtiis kayo." Walang emosyon na sabe ko. Pabalang kong binawi ang aking braso at nilampasan ko si Daddy at naglakad palapit sa mga bisita. Nakita ko naman ang tinutukoy nilang lalaki na gusto akong maging asawa. Gwapo ito, at matangkad. Ngunit hindi ko ito gusto, dahil sa itsura pa lamang nito makikita mo na may tinatagong kasamaan sa loob ng katawan nito. Akma itong tatayo, upang salubungin sana ako at ibigay sa akin ang bulaklak na dala nito para sa akin, ngunit pinigilan ko ito. Nakangiti naman ng kaplastikan ang mga magulang nitong kasama halatang hindi nila nagustuhan ang inasal ko ng tingnan ko sila. "Ganyan nga ang gusto ko, kaya ginagawa ko ito upang madismaya sila sa akin. Upang hindi na matuloy ang kasunduan na ikasal kami ng anak nila" Ani ng aking isipan. "Huwag ka ng mag-abala pang tumayo, hindi ko matatanggap ang bulaklak na 'yan dahil kaya ko din namang bumili ng ganyang klase ng bulaklak para ibigay ko sa sarili ko.- Hindi ko na pahahabain pa ang sasabihin ko, hindi ako magpapakasal sa lalaking ngayon ko pa lamang nakita, at lalo na sa hindi ko mahal. Pwede na kayong umuwi, tapos na ang oras ng pagpunta ninyo dito. Walang kasal na magaganap sa ating dalawa." Matapang na sabi ko sa kanila. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pag-igtingan ng panga ng lalaki, at pagkuyom nito ng dalawang kamao, at ang masamang tingin nito sa akin. Kung ano man ang nararamdaman niya ngayon, ay wala akong pakialam. Pagkasabi ko ng lahat ng 'yon ay walang sabi-sabing tinalikuran ko silang lahat. Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Daddy at ng mag-inang Rochelle at ate Carlyn. Hindi ko sila pinansin, inismiran ko pa sila. Kung inaakala nilang mapapasunod nila ako sa mga kagustuhan nila, pwes nagkakamali sila sa inaakala nila. Sila ang pumayag sa gusto ng kabilang panig, eh di sila ang magpakasal, at huwag ako ang pilitin nila. Sumasakit na nga ulo ko sa kanila, tapos gusto pa nila akong magpakasal sa lalaking mukhang hudlom. No way. Bumalik ako sa Theater room, alam kong Hindi matatapos ang gabing ito ay hindi pwedeng palampasin ito ni Daddy. Kailangan kong makapag-isip kung paano makakaalis dito sa mansion ni Daddy, sana pala hindi na ako nagpasaway pa kay Daddy, eh di sana may condo na ako. Ito kaseng mag-ina na ito, sinusubok ang pasensya ko. Naupo ako pagkapasok ko pa lang ng theater room, at bigla ding napatayo. 'Shit, oo nga pala muntikan ko ng makalimotan... -Tama, ang negosyo namin ng kaibigan kong si Rasselle ang gagawin kong dahilan upang magawa ko ang plano kong pag-alis dito. Hindi pwedeng sila ang masusunod palagi sa mga desisyon ko sa buhay kaya kailangan ko ng umalis na dito. Kinausap ko si Daddy noon, sinabi ko sa kanya na gusto kong magkaroon ng sariling condo, dahil gusto kong magkaroon ng pribasiya, kung saan walang makakapag-disturb sa akin kahit ano pa ang gawin ko sa buhay. Ang sagot niya sa akin kapag kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa ay tsaka na lamang niya ako papayagan sa gusto ko. Seryuso ako sa sinabi ko sa kanya na gusto ko ng bumukod ng tirahan, dahil gusto ko ng tahimik at walang asungot sa akin kaya napag-isipan kong magnegosyo na lang, nanghingi ako sa kanya ng pera para sa puhunan ko sa sisimulan kong maliit na negosyo. Binigyan ako nito, kaya tuwang-tuwa ako, pero nagkaroon kami ng kasunduan na kapag hindi daw pumatok kung ano man ang negosyo kong naisipan ay hindi ako aalis sa puder niya. Pumayag ako sa gusto niya, pero sinabi ko kay Daddy na kapag napalago ko ang negosyo na sisimulan ko ay hahayaan na ako nito kung ano ang gawin ko sa buhay ko, at hindi na niya pa panghihimasukan ang mga desisyon ko sa buhay. Kinabukasan ay pinuntahan ko ang kaibigan kong si Rasselle, nagkasundo kami sa plano kong gawin. Nanghingi ito ng pera sa kaniyang ama na sI Tito Winston at binigyan ito kahit labag sa kalooban nito dahil magpapagod lang daw kami sa mga trip naming magkaibigan. Ang gumawa ng coffee ang naisipan namin na gawing negosyo, dahil mahihilig ang mga tao sa kape. Mag-iisang taon na din ang Chyselle Coffee shop namin ni Rasselle, marami na ang nakakakilala dito kaya dinadayo na ito, kahit ng mga sikat na blogger. Kaya ngayong malakas na ito at nababawi narin namin ang pera na ginawa naming puhunan ay pwede na akong bumukod ng bahay ngayon. Kailangan kong makausap ulit si Daddy upang ipaalala sa kanya kung ano ang napagkasunduan namin dati. Hindi naman ito napapabayaan kahit nakakulong kami pareho ni Rasselle dahil palagi kong sinasabihan si kuya Arnolfo na bisitahin niya ito kung minsan. Hindi naman ito tinutulan ni Daddy dahil unang negosyo ko yon na pumatok kaagad sa mga kabataan. Hindi nagtagal, pumasok si Daddy na galit na galit sa. akin, at kasama nito ang dalawang kontrabida sa buhay ko. "Hindi mona talaga ako binigyan ng kahihiyan Chyrll. Para din naman sa ikabubuti ng buhay mo ang ginagawa ko, para saiyo, pero nagawa mo parin akong ipahiya sa pamilyang Morales. Kapag si Lance Morales ang napangasawa mo, magiging panatag ang kalooban ko, hindi na ako mag-iisip kung paano kana sa kinabukasan mo kapag yumao na ako! Hindi naman kalakihan ang kinikita mo at ng kaibigan mo sa Coffee shop ninyo! At puwede ka pang tulongan ni Lance mamahala ng kumpanya na ipapamana ko sainyong dalawa ng kapatid mo,- Hindi ko pinatapos si Daddy sa pagsasalita. "Dad, sinabi ko na sainyo na ayaw kong magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal, pero pinipilit ninyo ako! Tapos magagalit kayo sa akin ngayon, saka kung kinabukasan ko naman ang iniisip mo ay huwag mo na pong intindihin yon dahil kaya ko namang buhayin ang sarili ko na hindi umaasa sa iba o sa tulong ng ibang tao. Kaya, daddy huwag mo ng ipilit sa akin ang mga bagay na ayaw ko. Tigilan mo na ang panghihimasok sa buhay ko, oo alam ko kinabukasan ko lang ang iniisip mo, kaya naiintindihan ko po 'yon.- Pero sana maintindihan mo rin ako.- pakiusap daddy, tama na. Tantanan n'yo na ako." Sagot ko kay Daddy. "Hindi ako papayag sa gusto mo, kahit tinanggihan mo si Lance ay matutuloy parin ang kasal ninyong dalawa. Nag-usap na kami ng kaibigan ko, tungkol sa inasal mo sa harapan nila bago sila umalis kanina." Sabi nito sa akin sa mataas na tono boses nito "No, Daddy, buhay ko ito kaya ako ang masusunod kong sinong lalaki lamang ang pakakasalan ko, walang sino man, ang magdidikta sa akin kung sino ang lalaking pakakasalan ko, kahit na magulang ko pa." Sagot ko namay paninindigan. Ang mag-ina naman ay pangisi-ngisi lang sa isang tabi habang pinapanuod kami ni Daddy na nagtatalo. "Anak lang kita, kaya kahit ano pang pagtanggi mo ay wala ka ng magagawa pa. Ikakasal kayong dalawa ni Lance." Paninindigan parin nito. Napahilot na ako ng aking sintido. Naalala ko ulit ang napag-usapan namin dati. "Diba Dad, may napagkasunduan na tayo dati? Hindi mo ba naalala iyon?" Seryuso kong tanong dito. Nangunot naman ng noo nito, at nagtataka na tumingin sa akin. "Anong napagkasunduan na sinasabi mo?" Tanong ni Daddy sa akin. "Nakalimotan mona aga Dad?" Hindi ko makapaniwala na tanong ko dito. Hindi naman ito nagsalita kaya sasabihin ko nalang sa kanya ang tungkol sa napagkasunduan namin dati. "Tungkol sa pagbukod ko ng tirahan, Dad. Kapag napatunayan ko saiyo na kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa, ay pwede na akong umalis dito. Malaki na ang kinikita ng Coffee shop ko Dad, sapat na seguro iyon na payagan mo na akong umalis dito sa puder mo. Natatandaan mo naman po seguro kung ano ang napagkasunduan nating dalawa. Sana po ay tumupad kayo." Paalala ko sa kanya sa napag-usapan namin dati. "Hindi parin sapat para sa akin ang kinikita mo sa coffee shop ninyo ng kaibigan mo, kaya ako parin ang masusunod sa ating dalawa,- "Ano Dad? Gulat ko sa sinabi niya. "Ibig sabihin ba nito Dad, hindi ka tutupad sa kasunduan nating dalawa? Ibig sabihin ba nito, wala akong mapapala sa mga pinaghirapan ko, mapatunayan ko lang saiyo na kaya ko na ang sarili ko?" Tanong ko dito. Hindi ako makapaniwala, nawindang ako sa sinabi niya. Kahit nakikita naman niya na kung gaano kalakas ang benta ng coffee shop ko ay hindi parin ito sapat para sa kanya. "Nakapagdesisyon na ako, Chyrll. Hindi ka aalis ng mansion na ito. Ang napagkasunduan natin ay baliwala na yon sa akin. Hindi ko parin nakikita saiyo na kaya mo na ang sarili mo, dahil puro laskwatsa lamamg ang alam mo. Sundin mo na lang kung ano ang gusto ko para sa ikabubuti mo, para wala na tayong pag-awayan po." Pinal na sabi sa akin ni Daddy. Hindi na ako nakipagtalo pa kay Daddy tinalikuran kona silang lahat, lumabas ako ng theater room at dumiritso sa aking silid. Nakita ko pa ang pasimpleng pag ngisi ng mag-ina. May araw din kayo sa akin. Hintayin ninyo ang ganti ko. Balang araw ay ako naman ang paniniwalaan ni Daddy. Kung sila na lang palagi ang nasusunod sa buhay ko, at kontra sila palagi sa akin sa mg desisyon ko sa buhay na alam kong tama para sa akin, mas mabuti na lang na gawin ang plan b ko, ang tumakas dito. Kinuha ko ang isang malaking malet ko sa loob ng kabinet ko. Nilabas ko ito at pinatong ko sa kama. Kinuha ko naman ang mga gamit ko z kabinet ko, kinuka ang lahat na dapat kong dalhin at sinilid ko ito sa maleta ko. Kung hindi niya ako bibigyan ng sarili kong condo, kay mommy ko lalapit. Segurado pa ako don, matutuwa pa yon sa akin kapag binisita ko siya sa mansion nila ni Tito Edgar. Kinuha ko ang laruang baril sa ilalim ng higaan ko, ito ang gagamitin ko na panakot ko bukas sa mga tauhan ni Daddy na hindi ako papayagang palabasin ng gate. Sinilid ko na ito sa aking dadalhin na bag. Pagkatapos kong mag-impake ng mga kailangan kong dalhin sa akin pag-alis ay sumilip akong muli sa guard house , kita ko naman sila sa terasa ng aking kwarto. ______✍️ Gumising ako ng maaga, ayaw kong maabotan ako ni Daddy na paalis ng mansion nito. Kailangan ako ang maunang umalis kaysa sa kanya na papasok ng kanyang trabaho. Naligo ako ng mabilis. Wala pang 30 minutes ay, palabas na ako ng aking silid. Para akong magnanakaw ngayon, bawat hakbang ko ay may pag-iingat. Ang maleta ko na dAdalhin ay binuhat ko na upang hindi makalikha ng ingay. Kahit nahihirapan ako sa maleta ko ay nakalabas ako ng mansion na walang nakakita sa akin. Nagtago mona ako sa halamanan, dahil nakita kong nagpapalit ng duty ang pang-gabi at pang-umaga. Sayang kung mas napaaga sana ako ng gising, madali lang ako makakalabas ng gate.Chyrll point of view. "Saan ang punta mo Chyrll? Sinabi ko na saiyo na hindi ka aalis ng mansion na ito!" Nagagalit na sabi sa akin ni Daddy ng maabotan ako nito na palabas ng mansion. Napahinto ako sa aking paghakbang, hindi ko alam na gising na si Daddy ng ganitong oras. Humarap ako dito. "Hindi mo ako mapipigilan Daddy. Gusto mo akong maikasal sa lalaking hindi ko naman mahal, tapos hindi mo pa tinupad ang naging kasunduan natin, kaya ano pa ang ginagawa ko dito sa puder mo?" Sagot ko kay Daddy. Buo na ang desisyon ko, aalis ako ng mansion na ito. "Jace, huwag ninyong hahayaan na makalabas ng gate yang senyorita ninyo." Utos nito sa dalawang security guard na naka bantay sa gate. "Dad, pabayaan n'yo na ako sa buhay ko. Hindi na ako masaya dito na kasama kayo, palagi na lang impyerno ang buhay ko dito. Nagsasawa na ako, gusto ko ng piece of mind." Sagot ko kay Daddy. "Hindi... Jace, kunin mo ang maleta nv senyorita mo at ibalik mo sa silid niya." Utos parin ni Daddy. Hi
Chyrll Point of view Nagtataka ang mga empleyado ko ng makita nila ako. "Oh bakit, nagulat kayo saakin? Daig n'yo pa ang nakakita ng multo" Tanong sa ko sa kanila. "Pasensya na po ma'am, Chyrll. Ang sabi po kasi sa amin ni ma'am Carlyn nagkaroon ka daw po ng bulutong sa katawan kaya hindi ka daw po nakakapunta dito." Hinging paumahin sa akin ni Clarisse at ng tatlo ko pang empleyado, gusti ko sanang magbawas ng isa, kaso naisip ko kawawa naman, dahil sa kanila lang umaasa ang kanilang pamilya. "Okay, lang Clarisse. Hindi naman ako galit, at huwag kayong maniniwala sa ate kong yon, dahil may sayad yon sa utak. Kapag tumungo pa yon dito, hingan n'yo ng bayad, kahit na sino sa pamilya ko ang nagawi dito. Hindi na sila libre dito." Sabi ko sa limang empleyado ko. "Masusunod po, ma'am Chyrll." Sabay-sabay nilang sagot sa akin. Bumalik na sila sa trabaho nila, ako naman ay kinausap ko ang security guard ko. "Hoy Kieran Santos." Tawag ko, si Daddy ang naglagay ng security dito
Chyrll Point of view. "Ma'am Chyrll! Ma'am Chyrll! Ang Daddy mo po nasa likod po ng coffee shop natin. Galit na galit po na pinapatawag kayo." Humahangos na sabi sa akin ni Clarisse. Hindi na ako nagtaka, inaasahan ko na ito na susugod dito si Daddy. Natawa na lang ako ng lihim, don pa talaga sa likod, pwede naman siya sa tapat ng coffee shop ko mag-eskandalo. "Huminga ka ng malalim, Charisse baka maisugod ka naman ng hospital," sabi ko dito ng kalmado at tinapik ko ang balikat nito. "Hindi ka po natatakot sa Daddy mo?" Nagtataka nitong tanong sa akin. "Hindi, bakit naman ako matatakot? Inaasahan ko na ito." Nakangiti ko pang sabi, bago ako nagseryuso nv expression ng mukha. Napanganga naman ito ng bibig. "Huwag na huwag ninyo sila bibigyan ng kahit na anong kape dito na hindi sila nagbabayad. Money down first, bago gawin ang order nila, pero sila lang ha. Hindi ang mga regular costumer natin dito." Sabi ko dito. Nakatingin lang ito sa akin, akala niya seguro kaninang um
Chyrll Point of view. "Good morning po Tito Winston." Bati ko sa ama ng aking kaibigan. "Oh hija, ikaw pala. Halika pumasok ka sa loob, sabayan mona ang kaibigan mo na kumain ng almusal." Nakangiti na sabi sa akin ni tito. Nakipag beso ako dito ng makapasok ako ng tuloyan sa kanilang gate. Nakaupo ito ngayon sa veranda habang humihigop ng kape. "Naku Tito, huwag na po, tapos na po akong kumain ng agahan sa coffee shop po namin ni Rasselle." Sagot ko. "Ganun ba, oh sya maupo ka mona dito sa tabi ko at mag-usap tayong dalawa habang hinihintay mong matapos ang kaibigan mo." Saad ni tito. Naupo naman ako sa tapat nito. "Ano ba ang nangyari saiyong mag-ama? Bakit humantong sa tinakwil ka na niya bilang anak?" Seryuso na tanong sa akin ni Tito. Nagtataka naman ako, bakit hindi nito alam ang tungkol sa pag-aaway namin ni Daddy, samantala si Rasselle ay alam ang dahilan. Napaisip ako, kung hindi alam ni Tito Winston? Sino ang nagsabi kay Rasselle? Wala naman sa akin sinasabi si R
Chyrll Point of view. Gumising ako ng maaga, para sana magluto ng aking almusal. Naghilamos ako ng aking mukha, pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Nangangayayat na ba ako? Ang nipis na ng pisngi ko, wala pa namang dalawang buwan buhat ng umalis ako kina Daddy. Hindi naman ako stress, pero bakit ako nangangayayat . Uhm, sabagay, tamad nga pala akong kumain. Habang nagpupunas ako ng aking basang mukha ay may nagdodoor bell sa gate sa likod ng aking shop. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. "Sino naman kaya ang pupunta ng ganito kaaga, 6am pa lang. Kung si Rasselle naman yon, isang himala na gumising yon ng maaga, at pumunta dito ng ganitong kaaga. Binuksan ko ang pinto ng secret room namin ni Rasselle, lumabas ako. Pagkalabas ko, naamoy ko kaagad ang mababangong bulaklak sa garden ko. Pagtingin ko sa gate, ay nakita ko si Daddy at si Tito Winston na magkasama. Nagtataka naman akong naglakad palapit sa kanila. Anong ginagawa nila ng ganito kaaga dito sa l
Chyrll Point of view. Dalawang araw na ako dito sa mansion ni Daddy buhat ng bumalik ako. Wala ang kapatid ko dito, dahil nasa condo ito nakatira ngayon, kasama ang pinsan nitong si Merie, kwento sa akin ni Sherely. Nakabihis na ako ng uniform ko para pumasok na. Pababa ako ng hagdanan ng makasalubong ko si Rochelle. Inismiran ako nito, at inismiran ko din ito. Nilampasan ko na ito, pababa na ako ng hagdanan. "Kung inaakala mo, ikaw na ang panalo sa larong ito? Nagkakamali ka, Chyrll." Sabi nito sa akin. "Sino ba ang nakikipaglaro saiyo Rochelle? Wala kase akong matandaan na nakikipaglaro ako saiyo. Hanggang ngayon, hindi ka parin nakakamovo on. Nakuha mona, si Daddy kay Mommy. Ano pa ang gusto mo?" Tanong ko dito ng lingonin ko ito. Nasa pang-apat na ako ng baitang ng hagdanan, kaya nakatingala na ako sa kanya. "Ikaw! Ikaw lumayas ka dito! Bakit bumalik kapa?!" Galit nitong sagot sa akin. "Sorry ka na lang dahil mahal ako ni Daddy, kaya kung ayaw mong makita ang pagmu
Chyrll Point of view. Buwan ng kasiyahan (Intramurals) ngayon dito sa University, napagkasunduan ng nakataas na ngayong buwan ng nobyembre gaganapin. Sa nakalipas na isang buwan ay nakakasama namin ang bago naming kaibigan ni Rasselle. Dinala ko din sila sa Coffee Shop namin. At nadagdagan pa kami ng isa pang kaibigan at ito ay si Marian. Tuwang-tuwa kami na nahanay ngayon dito sa Gymnasium. Inaanunsyo nila ngayon ang pagpapakilala ng magiging hurado namin sa gaganapin na kasiyahan. Mga binata daw ito, kaya para kaming mga bulati na binudboran ng asin. "Siemay, makilala ko na seguro ang lalaking nakatadhana sa akin." Kinikilig ko na sabi sa kanila. "Gaga, tumahimik ka nga. Puro ka kalandian, mabubuntis ka ng maaga kapag ganyan ka. Saka sabi mo dati sa amin hate mo ang mga lalaki, tapos ngayon kung makatili ka, daig mo pa ang mauubusan ng lalaki." Sita sa akin ni Issa. "Sus, makapagsalita ka naman, baka nga ikaw pa ang mauna sa atin, dahil kahit boyfriend mona si Anthony, may
Chyrll Point of view Lumipas ang ilang buwan, ang daming nangyari sa amin, lalo na sa mga kaibigan ko. Hindi namin akalain na kung kailan okay na ang lahat kina Eutanes at Isadora ay mangyayari ang lahat ng iyon. Akala namin ay wala ng mangyayari ulit, hindi namin inaasahan na sabay na hindi magpaparamdam ang dalawa pa naming kaibigan na sila Aria at Szarina. Si Red naman simula noon ay hindi kona pinapansin at sinusundan pagkatapos ng pagsalitaan ako nito ng masasakit na salita ng mahuli ako nitong nakasampa sa taas ng bakal na gate ng mansion nito. Bakasyon ngayon, nandito kami ngayon sa Isla ni lolo Daimond. Dito namin napagpasyahan ni Rasselle na magbakasyon ng dalawang linggo. Nagtaka si Daddy at tito Winston na kina lolo mona kami magbabakasyon. Biniro pa namin na. "Ang tagal niyo po sa amin na ikukulong mo kaming dalawa don ni Rasselle, hindi niyo naman ginagawa kaya nagkusa na po kami ni Rasselle na pumunta don. "Oo nga po tito, naiinip na po kami sa palagi niny
Chyrll. Ano ba Lance? Hanggang dito ba naman sa Las Vegas ay sinusundan mo ako. Sinabi ko na saiyo sa Pilipinas pa lang ay hindi na kita gusto at lalong wala akong balak na magpakasal saiyo. Alin ba diyan ang hindi mo maintindihan?" Iretable kong sabi kay Lance. Simula nong nakaraan buwan ng makita ko ito sa gate ng campus namin at ng taguan ko ito ay hito at sinusundan parin ako. Kaya, dinala ko ito sa malapit na coffee shop upang kausapin ng masinsinan. "Mahal kita, at ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Alin din ba ang hindi mo maintindihan sa dalawa." Sagot din nito sa akin. Umikot nanaman ang aking mata. "Hi, naku Lance? Malapit ng umunat ang kulot kong buhok saiyo. Magandang lalaki ka naman at mukhang mabait, pwede sa iba mo na lang ibaling yang pagibig mo sa akin dahil katulad ng sinabi ko kanina at ng mga nakaraan taon pa ay wala kang mapapala sa akin." Mataray kong sagot dito. Gusto kong masuka sa pagpuri sa kanya ng mukhang mabait, kabaligtaran lang ang sinabi
Red. Nandito ako ngayon sa opisina. Pumasok ako ng maaga dahil ngayon pupunta dito si Daryl upang magreport sa akin. Wala pang isang buwan ay kinukulit na ako ng daddy ng babe ko, kung may nalaman na daw kami. Wala namn ako sa kanya maisagot na iba kundi wala pa, dahil hindi pa tumatawag sa akin ang kaibigan kong detictive. May kumakatok sa pintuan ng aking opisina. "Come in. Bumukas nga ito, nakangiting si Carol na aking sekretarya ang dumungaw. "Pasensya na sir sa abala, si Sir Daryl po ay nandito, papasukin ko po ba?" tanong nito sa akin. Agad naman akong tumango. At pumasok mga si Daryl ng nakakunot ang kaniyang ulo. "Maganda yang bago mong sekretarya ha, may nobyo o asawa na ba yon?" Tanong sa akin ng siraulong ito. Nabato ko naman ito ng kinuyumos kong papel at tinaman ito sa mukha ng siyang kinatawa nito. "Maupo ka na lang, at kung ano ang sadya mo sa akin ay sabihin mo na. At huwag ang sekretarya ko ang pagdiskitahan mo dahil ikakasal na yan. "Ikakasal pa lang pala
Nagpalinga linga ako sa paligid ng mall, hindi ko parin mahanap ang lukaret na iyon. Naku, Sherely! Na i stress ang buhok ko saiyo! Makakalbo ko talaga yang bolbol mo. Kinuha ko ulit ang phone ko sa bag ko at dinayal ko ulit ang number ng yaya kong lukaret. Ang baliw pinatay ang tawag ko sa kanya. "Humanda ka talaga sa akin, hindi lang bolbol mo ang kakalbuhin ko isasama ko na yang mani mo!" Nanggigil kong kausap sa phone ko. Ibabalik ko ulit sana ang phone ko sa aking bag ng tumunog ito. Hindi kona tiningnan kung sino ang tumatawag, basta ko na lang sinagot at para ng armalite ang aking bibig. "Nasan kabang babae ka? Malapit ng umunat ang kulot kong buhok kakahanap saiyo!" Bulyaw ko. Nagtaka naman ako dahil hindi nagsasalita ang kabilang linya. "Hello, ano? Hindi ka magsasalita, makakalbo ko talaga yang bolbol mo!" Bulyaw ko ulit. Hindi parin nagsasalita, tiningnan kona kung bakit hindi nagsasalita ang tao sa kabilang linya. Pagtingin ko ay numero lang ito, at Philippin
"Chyrll! Nangunot ang aking noo ng may tumawag sa aking pangalan dito sa loob ng JMBS-tore. Nagpalinga linga ako. Nagulat ako ng makilala ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Jayson na binasted ko ng magtangka itong manligaw sa akin noong Second year College kami. Pero nanatili parin ang pagiging magkaibigan namin ng mga kaibigan din nito sa sina Anthony kahit nagtransfer na sa ibang school, hanggang sa grumaduate kami... Haba ng kulot kong hair noh? "Jayson." Masaya ko ding tawag sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Sabay pa naming dalawa na tanong. Pareho kaming natawa dahil nagtuturuan kami kung sino sa amin dalawa ang unang magsalita. Hanggang sa sumingit ang lukaret kong yaya. "Ako na ha, nagtuturuan pa kayo eh. Nandito kami sa mall na ito, dito pala sa JMBS-tore ay dahil may bibilhin ang Senyorita ko." Nakataas kilay pa na sabi ni Yaya. Natawa na lamang ako ng mahina. "Oh ikaw naman. Anong ginagawa mo dito? Huwag mong sabihin na sinusundan mo ako dito, sorry ka dahil h
Chyrll. Di pwede kay nanay, di pwede kay tatay Ayaw ni tito at ni tita Mapili si ate pati si kuya Strikto si lolo at si lola Mag-aral raw muna O mas bigyan ng oras ang pamilya Pero tandaan mo to Mahal na mahal kita Mahal kita pero Mahal kita pero Mahal kita pero Pero pero Bata pa tayo di ko pa kaya Marami pa tayong inaasikaso At baka rin posibleng sa iba ka pang magkagusto Ang oras muna ay hayaang palipasin Pag tama na ang panahon Pwede mo naman akong lambingin Napahinto ako sa aking pagkanta at pagkuskos ng aking katawan ng kumatok sa pinto ng banyo si Sherely. "Senyorita, may tumatawag po sa phone mo. Number po ng Pilipinas." Tawag sa akin. Lumapit ako sa pinto at kinuha ko ang phone ko kay Sherely kahit marami akong bula sa katawan pati sa buhok ko. Sinagot ko ito "Hello, sino ito?" tanong ko. Walang nagsasalita kaya, nagsalita ulit ako. "Sino ito? Wala akong oras na makipag telebabad, kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino kang
"Itago mo itong brown envelope. Bilisan mo, bilis!" Utos sa akin ng matanda. Ako naman ay natataranta na tinago nga ang brown envelope. Nakakahawa itong matandang ito, pati ako natataranta. "Bakit ba kailangan pa nating itago ito?" Taka kong tanong. "Idiot! Paano kung magtanong kung sino ang nasa labas? Eh di may nakaalam ng pinag-uusapan natin. "Aba't, sumusobra na ang matandang ito. Feeling close sa akin, gusto pa akong sapatosin. Si Daddy nga at lolo, tinutungkod lang ako kapag nagagalit sa akin, tapos siya sapatos. Paano kung nakaapak siya ng tae, eh di bumaho pa ako. Pasalamat na lang at siya ang asawa ng babe ko. May pagka isip bata din pala itong ama ng babe ko, akala ko pa naman mahihirapan ako. Dahil napaka seryuso nitong kausap dati. Naiiling na lang akong umupong muli sa aking upuan. "Yes, Carol. Pasok ka. "Paumanhin po sa abala sir. Si Sir Juanito po kanina paa tumatawag daw po sa phone mo, hindi mo daw po sinasagot ang tawag niya." Sabi ni Carol ng nahihiyang d
"Tsk... Ano ba ang matatawag mo sa pinarehistro mo na kasal na kayo ng anak ko na hindi ko alam, lalo na ang anak ko. Sana nga ay hindi ka mabalatan ng buhay non kapag nalaman niya kasal na kayo. Kaya, magdasal dasal kana. Napakamot na lang ako ng aking kilay. "By the way, hijo. Kaya, ako nandito ay dahil may gusto akong ipa imbestiga saiyo. Alam ko kung ano ang kakayahan mo kaya ikaw ang nilapitan ko." Sabi nito sa huli sa akin. Kaya, naman nagsalubong ang aking makakapal na kilay. "Ano, naman po iyon Daddy? Nagtataka na tanong ko dito. Kaya, seguro mabilis tanggapin ang ginawa ko ay dahil may kapalit. Ayos din itong father in-law ko. Ngayon ko lang napansin na may hawak pala itong brown envelop. "Here, Hijo. Buksan mo." Utos na sabi nito sa akin. Agad ko naman kinuha ang brown envelope, at binuksan ko ito. Kinuha ko lahat ang laman sa loob. Salubong ang aking kilay ng makita ko ang larawan ng kaniyang asawa at anak kasama si Lance Morales. Sinasabi ko na may kakaiba dito sa l
Red. "Good morning sir." Bati sa akin ng mebago kong sekretarya na si Caroline. "Good morning. Ano ang oras ng meeting ko ngayong araw?" tanong ko, bago ako pumasok sa loob ng aking opisina. "Um. Mamaya pa naman pong 1pm sir. At pagkatapos po ay wala na." Magalang na sagot nito sa akin. "Good," sagot ko. At binuksan ko na ang aking opisina. Pero bago pa man ako pumasok ay tumingin muli ako sa aking sekretarya. "May boyfriend kaba? tanong ko ng kinagulat niya. May mali ba sa tanong ko, at bakit namumula ang kaniyang pisngi. Shit, saka ko lang napagtanto baka isipin niya na may gusto ako sa kanya. "Ang ibig kong sabihin, wala ba saiyong magagalit kung sakaling isama kita sa susunod na buwan sa meeting ko sa Singapore? "Um, may fiancee na po ako sir. Pero kung tungkol naman po sa trabaho ay wala naman pong problema sa fiancee ko." Nahihiya nitong sagot sa akin. "Good, mabuti na yong segurado ako na hindi tayo magkakaproblema. Mahirap na marami pa naman tsismosa sa paligid di
Red. Nang malaman kong umalis si Chyrll dito sa Pilipinas ay nagalit ako. Akala ko okay na kami, dahil ang sweet niya sa akin ng huling araw na magkasama kami. Iyon pala ay pagkukunwari lang pala ang lahat ng yon. Nandito ako ngayon sa bar. Umiinom mag-isa. Gusto ko siyang sundan sa Las Vegas, Nevada upang tanongin kung bakit hindi niya sa akin pinaalam na don pala niya ipagpapatuloy ang kaniyang pag aabogada. Pinigilan lang ako ni Tito Wilson at ni Daddy, hayaan ko daw mona na tuparin nito ang kaniyang pangarap. Pwede naman niyang tuparin ang kaniyang pangarap na nasa tabi niya ako, bakit kailangan pa niyang itago ito sa akin. Kung iniisip niya na makakasagabal ako sa pangarap niya ay nagkakamali siya. Dahil kaya kong maghintay hanggang sa matupad niya ang pangarap niyang maging isang ganap na lawyer. "Hi," bati sa akin ng kapatid ni Chyrll. Boses pa lamang nito ay kilala ko na. "Wala akong panahon sa mga katulad mong babae, Carlyn. Umalis kana sa tabi ko baka hindi kita m