“Kung tungkol lang ‘yon sa inyong dalawa, bakit mo pa ako tinatanong kung nasaan siya?” nanghahamon ang boses ni Vern.“Hanapin mo na lang siya nang mag-isa. Tutal para kang aso na habol ng habol sa kanya.” dagdag pa niyaPagkatapos non ay sinubukan niya nang iwasan at iwanan si Bryson.Pero isang hakbang pa lang niya ay hinarangan na siya ni Bryson.“Ang mabuting aso, 'di humaharang sa daan.”Hindi pinansin ni Bryson ang panunuyang iyon.Hindi siya basta-bastang napipikon sa mga ganoon.Sa halip ay seryoso siyang tumingin sa lalaki.“May kailangan akong sabihin kay Rana.”“Ano naman ang kinalaman ko ro'n? Ayaw kang makita ni Rana, kaya lalo kong hindi hahayaang makita mo siya.”Sa narinig niyang malambing na tawag nito sa babae ay lalo pang dumilim ang mga mata ni Bryson.Pilit niyang binura ang kakaibang damdaming lumitaw sa dibdib.Saka walang emosyong nagsalita.“Sabihin mo lang kung nasaan siya, ibibigay ko sa’yo ang lupang pinag-aagawan natin.”Unti-unting nawala ang mapanuksong
“Awatin niyo, ano ba?!” sigaw ng isang matandang babae.Dumami ang tao kaya may humawak na rin kay Vern.Pinigilan ang muli nitong pagsugod.Napahiga na si Bryson sa lobby ng lugar.Marami ang nakiki-usyoso ngunit walang tumutulong o nangangamusta manlang sa kanya.Parehong bugbog sarado ang dalawa.Maga rin ang kamao ni Bryson dahil sa mga suntok na binitawan niya kay Vern.Si Vern naman ay parang hindi pa kuntento.Kahit may mga nakaharang na sa kanya ay gusto pang tumakbo upang durugin lalo si Bryson.Pero ang assistant niya ay nilapitan siya at mahinang bumulong."Malapit na magsimula ang jewelry exhibition. Hindi ba't may usapan kayo ni Ms. Esquivel para manood ng exhibit? Kung magpapatuloy ka pa ganyan, malamang sa malamang ay hindi mo na siya masisipot.”Biglang napaisip si Vern.Mas mahalaga ang pakikipag-date kay Rana kaysa ang pakikipag-away kay Bryson.Isa pa tama ang kanyang sekretarya.Kung magpapatuloy pa siya ay maaari pang gumanti si Bryson.Mas madadagdagan lang ang s
“Si Vernon Santiago ba talaga?”Tanong ni Moss nang may pag-aalinlangan.Hindi siya makapaniwala.Inulit niya ang tanong dahil di rin naman sumasagot ang kanyang kaibigan.Wala gaanong ekspresyon sa mukha ni Bryson pero kahit sino ay makakaramdam na hindi maganda ang timpla nito.Na hindi mo gugustuhing lapitan pa siya dahil sa itim na awrang inilalabas nito.Simula pagkabata, hindi pa kailanman nakita ni Moss ang ganitong klase ng nakakakilabot na ekspresyon sa mukha ng kaibigan.Iba ito sa dati niyang pagiging walang emosyon at kalmadong presensya.Nang makita ni Moss ang ayos ng kaibigan ay nakaramdam siya ng pagkadismaya para dito.Hindi niya inaasahang hahayaan nitong mapuruhan siya ng ganito.He is a good fighter.He can definitely take Vern down dahil mas matangkad at mas maliksi naman siya sa lalaki.Napailing-iling nalang siya habang nakatitig sa kaibigan.Hindi na isinatinig pa ang mga paninisi rito.“Hindi talaga namimili si Vernon, no?! Kakahiwalay niyo palang dalawa, agad
Nagmamadaling minane-obra ni Vern ang sasakyan.Nagpatulong siya sa kanyang assistant na lagyan nang band-aid ang mga sugat. Nag-ayos na rin siya at nagpalit ng damit para makipagkita kay Rana.Habang nagmamaneho ay may hawak na ice pack ang isa niyang kamay at idinidikit niya iyon sa kanyang mukha.“Damn, Deogracia.” bulong niya habang naiipit sa traffic.Pagdating niya sa lugar ay matagal nang naghihintay si Rana sa labas.Napairap si Rana nang makita ang paparating na kotse ni Vern.Tumayo siya nang tuwid nang makitang pababa na si Vern sa kotse nito.Nakasimangot niya itong sinalubong.“Maaga ka pa.” muli ay umikot ang kanyang mata. “Para bukas.”Natatawang lumapit si Vern.“Sorry!”“Ang tagal tagal mo." reklamo ni Rana nang makalapit ang lalaki sa kanya.Nakahalukipkip ang kanyang mga braso at simangot na simangot na ang mukha.Agad namang ngumiti si Vern nang pa-cute."Pasensya na, hindi ako nakapag-text sa’yo. Dumami kasi ‘yung trabaho ko kaya natagalan."Paglapit niya, napansi
Sa harap ng ospital, hindi inaasahan nina Bryson at Moss na makakasalubong nila ang dalawa.Sina Rana at Vern.Napaawang ang bibig ni Bryson habang nanlalaban na ang itsura ni Moss.Si Vern naman ay ganoon rin.Madilim rin ang tingin nito sa dalawang lalaki.Matapos gamutin ang sugat ni Bryson ay iminungkahi pa ni Moss na manatili siya ng ilang araw sa ospital upang makabawi ng lakas.Ngunit tumanggi si Bryson.Ngayong nasa kritikal na yugto ang kumpanya, bilang presidente ay hindi siya maaaring mawala sa ganitong panahon.Wala nang nagawa si Moss kundi asikasuhin ang paglabas niya sa ospital.Hindi nila inakalang sa mismong ngayong araw din nila makikita ang kalaban.Ni hindi pa lumuluwag ang benda sa kamay ni Bryson ay mukhang makikipag-buno na naman ito.Sarkastikong ngumisi si Moss.Malambot man ang kanyang puso ay marunong pa rin naman siyang sumuntok ng lalaki.“Aba, speaking of the devil. Dito pa talaga tayo nagkasalubong, Mr. President.” punong-puno ng panunuya ang kanyang bos
Sinubukang mag-inarte ni Vern kay Rana.Pero agad siyang nabuko ng babae. “Kanina nung nagmamaneho ka papunta rito, bakit parang hindi ka naman mukhang nasasaktan?”“Dahil tinitiis ko lang.” pairap niyang sagot dito.“Ganun ba? Parang hindi naman halata. Pero kung gusto mong maramdaman talaga ang sakit sa buong katawan. Aba, andito na rin lang tayo sa ospital? Bakit hindi ko na lang tulungan kang matupad ang pangarap mo?”Sabay patunog ng babae sa mga daliri.Maangas pa itong nakatingin kay Vern.Napaigtad si Vern at agad na umurong.“Huwag na, huwag na! Kaya ko pa naman. Ako na lang ang pupunta sa doktor.” panis ang ngiti nito.“Hindi. Mukhang hindi ka pa nakakaramdam ng kahit ano eh. Ang yabang yabang mo kaya kanina. Kamo, hindi mo kailangang pumunta rito at ako pa ang pumilit sa’yo?”Unti-unting naglakad papasok sa loob si Vern.Iniiwasan ang maaaring gawin sa kanya ni Rana.Si Rana ay tinuruan ng kanyang kuya ng kung ano-anong self-defense mula pagkabata.Si Ruan na isang certifi
Pagkalabas mula sa ospital ay hindi na pinayagan ni Rana si Vern na magmaneho.Siya mismo ang umupo sa driver's seat at ligtas na inihatid ang lalaki pauwi sa tinutuluyan nitong apartment."Sige na. Maligo ka muna tapos magpahinga nang maayos. Tigilan mo muna ang paglalabas-labas at pakikipaglandian." paalala pa ng dalaga rito.Sabay hatak sa gear, senyales na patatakbuhin na niyang muli ang sasakyan.Pero pinigilan siya ni Vern. Malaki ang ngisi sa mukha."Gusto ko rin maligo. Pero hindi pwedeng mabasa ang mga sugat ko. Paano ako maliligo niyan?"Tumaas ang kilay ni Rana."Edi ‘wag mong basain?”“Paano naman ‘yon?”Kinamot ni Rana ang ulo. “Eh ‘wag ka nalang maligo. Kakainis ‘to.”“Eh lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.”“Ibalot mo nalang sa clip wrap. Di mo ba alam ‘yon?”"Hindi ko alam. Tsaka may sugat ako sa likod. Hindi ko maabot mag-isa para lagyan ng gamot. Pwede mo ba akong tulungan?" Walang bahid ng pag-aalinlangan si Vern habang sinasabi ito.Nasayangan siya sa araw na it
“Bry, huwag ka na sanang magalit sa amin ni Bryenne. Sa pagkakataong ito, talagang alam na namin ang aming pagkakamali. Pakiusap, bigyan mo pa kami ng isa pang pagkakataon. Pangako, babaguhin na talaga namin ang lahat!”Kagat-labing isinend iyon ni Pey kay Bryson.Hindi malinaw ang pagkakalahad ng mga salita dahil hindi niya rin naman alam ang eksaktong problema.Pero ang tono ng paghingi ng tawad ay talagang ginawa niyang totoo at maayos.Sa paningin ni Pey ay kontento na siya sa kanyang sinabi.At tama nga siya, dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay nag-reply na agad ang lalaki.Kahit paano ay hindi pa rin talaga siya nito matiis.Napangiti siya ng maliit. Animo’y kinilig pa."Talaga bang alam niyo na ang pagkakamali niyo?"Nang mabasa ito ni Pey ay agad niyang naunawaan na si Bryenne talaga ang may kasalanan.Kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanila ni Bryson.Mula sa tono ng mensahe ng lalaki ay masasabi niyang si Bryenne ang punong may sala.At siya ay damay-sibilyan lang
Ranayah Ranqell Esquivel.One name but it has two different fates in it.Si Ranqell ay lumaking parang prinsesa.Habang si Rana naman ay wala ni isang kamag-anak na handang ipagtanggol siya.Si Ranqell ay may kayamanang hindi mabilang.Tinitingala at iniidolo ng lahat.Samantalang si Rana ay isang pinabayaan ng asawa at ng pamilya nitong mayaman.Tanging pagkikipag-lapit sa mga lalaki ang natitirang paraan para siya'y mabuhay.Ngunit kahit ganoon na kahirap ang buhay ni Rana ay hindi pa rin siya matigilan ni Pey.Ramdam na ramdam ni Pey ang banta ni Rana sa kanya.Kung sakaling magkatuluyan sina Rana at Vern, tiyak niyang babalik ito sa pamilya niya upang makipag-agawan sa mana.At kung hindi man sila magkatuluyan, mananatili pa rin ang impluwensiya ni Rana kay Bryson.Isang bagay na tiyak na makakasama kay Pey.Hindi niya kakayanin oras na mangyari iyon.Kaya bago pa man makabawi si Rana ay balak na siyang tuluyang itulak ni Pey sa lusak.Putulin sa ugat at hindi bigyan ng kahit anon
Dalawang araw na lang at kaarawan na ni Rana.Abala na ang mga tagapamahala ng bahay.Ang mayordoma ay hinati na sa kanya-kanyang toka ang mga kasambahay.“Ang iba ay sa dishwashing. Masyado nang marami ang maghahatid ng mga pagkain sa mga guests.”“Pwede po ba akong tumulong sa pag we-waiter?” taas kamay na sabi ng isang dalagita.Tumaas ang kilay ng mayordoma.“Ano ba ang sinabi ko? Hindi ba marami na kako ang maghahatid ng mga pagkain?”Kinagat ng bata ang labi at nanahimik.“Ito ay mahalagang selebrasyon, Marta. Hindi ko kailangan ng pag-aalembong mo sa mga guest.”Napamaang ang dalaga habang kinukurot siya ng ibang kasambahay.“Ay grabe naman eh, manang. Sadyang gusto ko lang hong makita ang magiging disenyo sa labas.”“Osige. Papayagan kitang lumabas. Pero gagawin kitang pigurin doon. Kapag gumalaw ka, ikaw lang ang maglalaba next week.”Nagtawanan ang lahat.Sa bungad ng malawak na entrada ng mansyon ay ang mga tauhan na nagbubuhat ng mga dumating na package.Araw-araw may mga
Punong-puno ang buong mesa ng mga pagkain.Lahat ay mga paborito ni Rana.Busog na busog siya.Nakaupo sa harap ng mesa habang hinihimas ang tiyan at tulala.Nang makita siya ng matandang tagapamahala sa gano’ng ayos ay natuwa ito.Nilapitan niya ang dalaga habang nagpupunas pa ng mga kamay.“Ang sobrang kabusugan ay mabigat din sa katawan. Kukuha ako ng gamot pampatunaw para sa iyo, hija.”Nangingiting humarap si Rana sa kanya.“Lolo butler, iininom ko lang ang mga iyon noong bata pa po ako.”Ngunit masaya pa rin ang matanda. “Bata ka pa rin naman ngayon.”Napanguso si Rana.Sa isip niya ay hindi na siya bata.Nakapag-asawa at nakipaghiwalay na nga siya.Hindi na siya ang batang Rana noon.Pero sa paningin ng mga nakatatanda ay baka habambuhay siyang bata.Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag may nag-aalaga.Hindi na siya nagreklamo at ngumiti nalang nang matamis.“Lolo butler, ang bait-bait mo talaga. Sana hindi ka pa kunin ni Lord.”Kumurap-kurap pa ang dalaga habang nakatingala sa
“Tama ang sinabi ni Young Master. Masyado kasi akong nadala ng aking pagka-miss sa iyo, hija. Pasensya na.”“Naku, ‘wag na po kayong mag-pasensya, ‘tay. Tayo-tayo lang naman ito.”Dahil maaga silang naulila, si Ruan ang kailangang humawak ng buong kumpanya ng kanilang pamilya.Palagi itong abala sa trabaho kaya naman hindi na nito masyadong natutukan ang kapatid.Kaya naman ang kanilang butler nalang ang kusang nagpalaki kay Rana.Kahit hindi naman ito inutusan o pinakiusapan ni Ruan.Taos-puso nitong itinuring na apo ang magkapatid, lalo na ang babae.At para kay Rana ang lolo butler niya ay halos kapantay na ng kanyang tunay na lolo.Kaya rin wala siyang masyadong pakialam sa mga pormalidad kapag kasama ito.They never treated him as their employee.He is their second ‘tatay’.Sa pagkakataong ito, masaya niyang inakbayan si lolo butler habang hawak din ang kamay ng kanyang kuya.Masayang-masaya siyang pumasok ng mansion.Nakangiti rin si Ruan habang pinagmamasdan ang kapatid.Nahaha
Pagkatapos ipadala ni Rana ang litrato ay tuluyan nang hindi sumagot si Bryson.Labis na nasiyahan si Rana sa naging resulta.Hindi na siya muling nakipag-ugnayan.Agad na rin niyang ibinlock ang dump account na ginamit niya.Pagkatapos nito, lumipat siya sa account para sa kanyang businees.Kinausap rin niya ang customer service upang tanungin ang tungkol sa proseso ng beripikasyon.Mabilis niyang nakalimutan ang tungkol kay Bryson.Ni hindi na sumagi sa isip na sa mga sandaling iyon ay labis itong nasasaktan dahil sa litratong ipinadala niya.Hindi nagtagal, lumabas si Vern mula sa banyo na nakabathrobe at kasama ang kanyang assistant.“Pasensya na at natagalan.”Basa pa ang kanyang buhok at nakabagsak ang bangs nito sa kanyang noon.Napangiti si Rana nang makita iyon.Lalo pang nagpabagay sa binata.Nagmukha itong malambot at banayad ang pagkatao.Hindi napigilan ni Rana na titigan siya ng matagal at agad naman siyang nahuli ng lalaki.Ngumiti si Vern gamit ang kanyang mapang-akit
Matapos makipag-usap kay Pey ay napabuntong-hininga si Bryson.Nakakapagod makipag-usap sa babae.Tila wala nalang itong ginawa kundi ang magpaawa. Hindi siya naniniwalang taos-puso ang paghingi ng tawad ni Pey at lalong hindi siya kumbinsido na alam nito kung bakit talaga siya galit.Kaya’t ang tanging posibleng dahilan ay isa itong tahimik at tusong pagnunubok lang mula kay Pey.Inaantay siyang magsalita para makakuha nang impormasyon.Noon, hindi niya namalayang ganito pala kalalim ang katusuhan ng babae.Tiningnan niyang muli ang mensahe ni Pey sa kanya.Sa ilang salita lamang, naipasa na nito ang sisi sa kanyang kapatid.Habang pinalalabas ang sarili na inosente.Nakakalungkot lang, dahil si Bryenne ay naniniwala pa ring kakampi niya si Pey.Lalong luminaw sa isipan ni Bryson ang mga bagay na noon ay hindi niya gaanong pinag-iisipan at pinapansin.Ngayon, malinaw na kailangan na niyang masusing suriin ang tagapagligtas ng kanyang kapatid na babae.Kung talagang tagapagligtas nga