“Si Vernon Santiago ba talaga?”Tanong ni Moss nang may pag-aalinlangan.Hindi siya makapaniwala.Inulit niya ang tanong dahil di rin naman sumasagot ang kanyang kaibigan.Wala gaanong ekspresyon sa mukha ni Bryson pero kahit sino ay makakaramdam na hindi maganda ang timpla nito.Na hindi mo gugustuhing lapitan pa siya dahil sa itim na awrang inilalabas nito.Simula pagkabata, hindi pa kailanman nakita ni Moss ang ganitong klase ng nakakakilabot na ekspresyon sa mukha ng kaibigan.Iba ito sa dati niyang pagiging walang emosyon at kalmadong presensya.Nang makita ni Moss ang ayos ng kaibigan ay nakaramdam siya ng pagkadismaya para dito.Hindi niya inaasahang hahayaan nitong mapuruhan siya ng ganito.He is a good fighter.He can definitely take Vern down dahil mas matangkad at mas maliksi naman siya sa lalaki.Napailing-iling nalang siya habang nakatitig sa kaibigan.Hindi na isinatinig pa ang mga paninisi rito.“Hindi talaga namimili si Vernon, no?! Kakahiwalay niyo palang dalawa, agad
Nagmamadaling minane-obra ni Vern ang sasakyan.Nagpatulong siya sa kanyang assistant na lagyan nang band-aid ang mga sugat. Nag-ayos na rin siya at nagpalit ng damit para makipagkita kay Rana.Habang nagmamaneho ay may hawak na ice pack ang isa niyang kamay at idinidikit niya iyon sa kanyang mukha.“Damn, Deogracia.” bulong niya habang naiipit sa traffic.Pagdating niya sa lugar ay matagal nang naghihintay si Rana sa labas.Napairap si Rana nang makita ang paparating na kotse ni Vern.Tumayo siya nang tuwid nang makitang pababa na si Vern sa kotse nito.Nakasimangot niya itong sinalubong.“Maaga ka pa.” muli ay umikot ang kanyang mata. “Para bukas.”Natatawang lumapit si Vern.“Sorry!”“Ang tagal tagal mo." reklamo ni Rana nang makalapit ang lalaki sa kanya.Nakahalukipkip ang kanyang mga braso at simangot na simangot na ang mukha.Agad namang ngumiti si Vern nang pa-cute."Pasensya na, hindi ako nakapag-text sa’yo. Dumami kasi ‘yung trabaho ko kaya natagalan."Paglapit niya, napansi
Sa harap ng ospital, hindi inaasahan nina Bryson at Moss na makakasalubong nila ang dalawa.Sina Rana at Vern.Napaawang ang bibig ni Bryson habang nanlalaban na ang itsura ni Moss.Si Vern naman ay ganoon rin.Madilim rin ang tingin nito sa dalawang lalaki.Matapos gamutin ang sugat ni Bryson ay iminungkahi pa ni Moss na manatili siya ng ilang araw sa ospital upang makabawi ng lakas.Ngunit tumanggi si Bryson.Ngayong nasa kritikal na yugto ang kumpanya, bilang presidente ay hindi siya maaaring mawala sa ganitong panahon.Wala nang nagawa si Moss kundi asikasuhin ang paglabas niya sa ospital.Hindi nila inakalang sa mismong ngayong araw din nila makikita ang kalaban.Ni hindi pa lumuluwag ang benda sa kamay ni Bryson ay mukhang makikipag-buno na naman ito.Sarkastikong ngumisi si Moss.Malambot man ang kanyang puso ay marunong pa rin naman siyang sumuntok ng lalaki.“Aba, speaking of the devil. Dito pa talaga tayo nagkasalubong, Mr. President.” punong-puno ng panunuya ang kanyang bos
Sinubukang mag-inarte ni Vern kay Rana.Pero agad siyang nabuko ng babae. “Kanina nung nagmamaneho ka papunta rito, bakit parang hindi ka naman mukhang nasasaktan?”“Dahil tinitiis ko lang.” pairap niyang sagot dito.“Ganun ba? Parang hindi naman halata. Pero kung gusto mong maramdaman talaga ang sakit sa buong katawan. Aba, andito na rin lang tayo sa ospital? Bakit hindi ko na lang tulungan kang matupad ang pangarap mo?”Sabay patunog ng babae sa mga daliri.Maangas pa itong nakatingin kay Vern.Napaigtad si Vern at agad na umurong.“Huwag na, huwag na! Kaya ko pa naman. Ako na lang ang pupunta sa doktor.” panis ang ngiti nito.“Hindi. Mukhang hindi ka pa nakakaramdam ng kahit ano eh. Ang yabang yabang mo kaya kanina. Kamo, hindi mo kailangang pumunta rito at ako pa ang pumilit sa’yo?”Unti-unting naglakad papasok sa loob si Vern.Iniiwasan ang maaaring gawin sa kanya ni Rana.Si Rana ay tinuruan ng kanyang kuya ng kung ano-anong self-defense mula pagkabata.Si Ruan na isang certifi
Pagkalabas mula sa ospital ay hindi na pinayagan ni Rana si Vern na magmaneho.Siya mismo ang umupo sa driver's seat at ligtas na inihatid ang lalaki pauwi sa tinutuluyan nitong apartment."Sige na. Maligo ka muna tapos magpahinga nang maayos. Tigilan mo muna ang paglalabas-labas at pakikipaglandian." paalala pa ng dalaga rito.Sabay hatak sa gear, senyales na patatakbuhin na niyang muli ang sasakyan.Pero pinigilan siya ni Vern. Malaki ang ngisi sa mukha."Gusto ko rin maligo. Pero hindi pwedeng mabasa ang mga sugat ko. Paano ako maliligo niyan?"Tumaas ang kilay ni Rana."Edi ‘wag mong basain?”“Paano naman ‘yon?”Kinamot ni Rana ang ulo. “Eh ‘wag ka nalang maligo. Kakainis ‘to.”“Eh lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.”“Ibalot mo nalang sa clip wrap. Di mo ba alam ‘yon?”"Hindi ko alam. Tsaka may sugat ako sa likod. Hindi ko maabot mag-isa para lagyan ng gamot. Pwede mo ba akong tulungan?" Walang bahid ng pag-aalinlangan si Vern habang sinasabi ito.Nasayangan siya sa araw na it
“Bry, huwag ka na sanang magalit sa amin ni Bryenne. Sa pagkakataong ito, talagang alam na namin ang aming pagkakamali. Pakiusap, bigyan mo pa kami ng isa pang pagkakataon. Pangako, babaguhin na talaga namin ang lahat!”Kagat-labing isinend iyon ni Pey kay Bryson.Hindi malinaw ang pagkakalahad ng mga salita dahil hindi niya rin naman alam ang eksaktong problema.Pero ang tono ng paghingi ng tawad ay talagang ginawa niyang totoo at maayos.Sa paningin ni Pey ay kontento na siya sa kanyang sinabi.At tama nga siya, dahil makalipas lamang ang ilang minuto ay nag-reply na agad ang lalaki.Kahit paano ay hindi pa rin talaga siya nito matiis.Napangiti siya ng maliit. Animo’y kinilig pa."Talaga bang alam niyo na ang pagkakamali niyo?"Nang mabasa ito ni Pey ay agad niyang naunawaan na si Bryenne talaga ang may kasalanan.Kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanila ni Bryson.Mula sa tono ng mensahe ng lalaki ay masasabi niyang si Bryenne ang punong may sala.At siya ay damay-sibilyan lang
Matapos makipag-usap kay Pey ay napabuntong-hininga si Bryson.Nakakapagod makipag-usap sa babae.Tila wala nalang itong ginawa kundi ang magpaawa. Hindi siya naniniwalang taos-puso ang paghingi ng tawad ni Pey at lalong hindi siya kumbinsido na alam nito kung bakit talaga siya galit.Kaya’t ang tanging posibleng dahilan ay isa itong tahimik at tusong pagnunubok lang mula kay Pey.Inaantay siyang magsalita para makakuha nang impormasyon.Noon, hindi niya namalayang ganito pala kalalim ang katusuhan ng babae.Tiningnan niyang muli ang mensahe ni Pey sa kanya.Sa ilang salita lamang, naipasa na nito ang sisi sa kanyang kapatid.Habang pinalalabas ang sarili na inosente.Nakakalungkot lang, dahil si Bryenne ay naniniwala pa ring kakampi niya si Pey.Lalong luminaw sa isipan ni Bryson ang mga bagay na noon ay hindi niya gaanong pinag-iisipan at pinapansin.Ngayon, malinaw na kailangan na niyang masusing suriin ang tagapagligtas ng kanyang kapatid na babae.Kung talagang tagapagligtas nga
Pagkatapos ipadala ni Rana ang litrato ay tuluyan nang hindi sumagot si Bryson.Labis na nasiyahan si Rana sa naging resulta.Hindi na siya muling nakipag-ugnayan.Agad na rin niyang ibinlock ang dump account na ginamit niya.Pagkatapos nito, lumipat siya sa account para sa kanyang businees.Kinausap rin niya ang customer service upang tanungin ang tungkol sa proseso ng beripikasyon.Mabilis niyang nakalimutan ang tungkol kay Bryson.Ni hindi na sumagi sa isip na sa mga sandaling iyon ay labis itong nasasaktan dahil sa litratong ipinadala niya.Hindi nagtagal, lumabas si Vern mula sa banyo na nakabathrobe at kasama ang kanyang assistant.“Pasensya na at natagalan.”Basa pa ang kanyang buhok at nakabagsak ang bangs nito sa kanyang noon.Napangiti si Rana nang makita iyon.Lalo pang nagpabagay sa binata.Nagmukha itong malambot at banayad ang pagkatao.Hindi napigilan ni Rana na titigan siya ng matagal at agad naman siyang nahuli ng lalaki.Ngumiti si Vern gamit ang kanyang mapang-akit
“Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa
“Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.
Sandaling natahimik si Froilan.Hindi inasahan na seryoso si Bryson sa pagkakataong ito.Kaya't tumugon na lamang siya.“Naunawaan ko.”“Mm, may iba ka pa bang sasabihin?”“Ah, bukas may isang charity auction. Nabalitaan ni Sir Moss na posibleng dumalo si Master Hara.”Dumilim ang paningin ni Bryson.Dahil sa dalawang bagay.Una ang muling marinig ang pangalan ni Moss.Pangalawa ay dahil nakita niyang bumaba si Vern mula sa itaas ng building.Kasunod si Rana na mukhang maghahatid sa kanya.Kaya’t hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ni Froilan sa kabilang linya.Basta na lamang siyang sumagot nang hindi ito pinag-iisipan.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Froilan at direktang binaba ang tawag.Nakita niyang si Vern ay sumakay na ng kotse at umalis.Paalis na rin sana siya dahil kahit papano’y kumalma na ang kanyang dibdib.Natigilan lang siya sa pagmamaniobra ng sasakyan dahil nakita niyang hindi pa pumasok agad si Rana sa tinutuluyan nito.Nakasuot lamang ito ng tsinelas at papu
Walang sabi-sabi ay kinuha ni Bryson ang kamay ni Rana saka pilit na inilagay ang maliit na kahon sa palad nito.At walang anu-ano’y umalis nalang.Hindi na rin nag-abalang lumingon upang magpaalam.Susugurin pa sana siya ni Vern ngunit pinigilan na siya ni Rana.Titig na titig siya sa kahon na iyon.Hindi niya alam kung bakit mas lumakas pa ang kabog sa kanyang dibdib.Her throat was suddenly blocked by something.Kunot-noong tinitigan din iyon ni Vern.Pinaglaruan niya ang maliit na kahon sa kamay.Pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ba o hindi.Vern noticed Rana’s silence.Hindi niya iyon nagustuhan.Tila ba naguguluhan agad ang dalaga sa isang galaw ni Bryson.Kaya naman agad niyang inagaw ang kahon para itapon sana sa labas.Pero mabilis din itong nabawi ni Rana."Ano ka ba?! Sa akin 'yan. Bakit mo itatapon ang gamit ko?"Nabingi si Vern.Halos gusto niyang sugurin si Bryson at suntukin.“Nakakainis. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking iyon?” sa kanyang isip."Siguradong ma
Paglabas nila ng ospital, si Rana at Vern ay dumiretso sa RR Group.Halatang hindi maayos ang estado ni Vern.Nakatitig lang siya sa hawak niyang kwintas at matagal na hindi nagsalita.Alam ni Rana na iniisip niya ang kanyang ina.Maaaring nasabi niya ang lahat ng masasakit na salita sa mag-ina, ngunit hindi sapat iyon.Sigurado siyang tumagos rin sa puso ni Vern lahat ng sinabi ni Eliza patungkol sa kanyang ina.Kaya hinayaan niya itong lumubog muna sa sarili nitong emosyon.Dahil alam niyang sa kalaunan ay maiintindihan at matatanggap din nito ang lahat.Nang medyo bumuti ang kalagayan ni Vern ay saka lamang siya nagsalita."Sa susunod na araw, may banquet ang Lopez family. Kailangan kong maghanda. Puwede ba kitang imbitahan na maging kasama ko?"Nagulat si Vern.Tinitigan niya si Rana na para bang puzzle pieces.Pero hindi na hinintay ng babae ang sagot niya.Kahit tumanggi pa siya ay kailangan pa ring sumama siya.Kaya mataray na niyang pinindot ang elevator papunta sa design depa
Muli pa sanang ipapatak ni Pey ang kanyang luha.Ngunit nang mag-angat siya ng tingin kay Bryson ay natigilan siya.Hindi niya inasahang matalim ang tingin nito sa kanya.Hindi niya maiwasang matakot.Lalong bumagsak ang damdamin ni Pey.Parang nauuyam pa ito sa kanya.Hindi pa niya kailanman nakita ang ganitong tingin mula kay Bryson.Malamig, walang emosyon at parang nakatingin sa isang bangkay.Siguradong iniisip ni Bryson na niloko sila nina Pey at ng kanyang ina.Sa kanilang mga kwento noon sila ay laging biktima ng pang-aabuso ni Vern.Hindi kailanman sila nakatikim ng awa sa lalaki.Ang naging reaksyon ng kanyang ina kanina dahil sa galit ay malayong-malayo sa mga kasinungalingang sinabi nila noon. Pati ang problema sa kanilang pamilya ay nalaman na nito.Tila nahubaran sila sa harap ni Bryson.Siniwalat ang kanilang baho kung kailan hindi nila iyon napaghandaan.Kaya naman alam na ni Bryson ang kanilang tunay na pagkatao.At ngayon ay nais na silang talikuran.Ayaw na niyang
Nang ilabas ang footage ng CCTV ay agad na naunawaan ni Bryson na naloko siya.Hindi si Rana ang nambully sa kanila.Kundi sina Eliza at ang kanyang bodyguard.Hindi na kailangan ni Rana na ipaliwanag ang nangyari.Kahit sino ay makikitang malinaw kung sino talaga ang nang-aapi at nagmamalaki gamit ang koneksyon nila."‘Yan ba ang sinasabi n'yong hinimatay dahil kay Rana? Nagdala kayo ng bodyguard para pilitin sirain ang pintuan ng bahay ng iba. Tapos bawal pang ipagtanggol ang sarili at tumawag ng pulis?"Asik ni Vern.Nag-iinit na ang kanyang mata sa galit.Halos manginig na siya sa inis para sa mag-ina.Kahit kailan ay wala itong ginawanag tama."At dahil tinawagan kayo ng mga pulis, nagkunwari pa kayong hinimatay. Pagkatapos lahat ng sisi ay isinisi kay Rana!”Malamig ang tono ni Bryson habang malamig ding nakatingin kina Eliza at Pey.Hindi na mapakali ang dalawang babae.Hindi na alam kung paano pang lulusutan ang gusot na ito.Wala nang lakas ang mag-ina para magsalita.Nakayuk
“Wala kang karapatang magsalita dito, Rana. Pwedeng tumahimik ka na lang?! Mas lalo mong pinapagulo ang sitwasyon.”Natatakot si Pey na magsabi pa ng hindi kontroladong bagay si Rana, kaya agad niya itong pinigilan.Tumawa si Rana ng may pang-iinsulto.Halos itulak niya si Vern na sa kanyang harapan para lang mas maharap ang mag-ina.“Ginagawa niyo na tapos hindi niyo kayang aminin? Parang ngayon lang. Klarong klaro na ang nanay mo ang unang naghanap ng gulo sa akin. Siya ang pumunta sa lugar ko. Sumubok pang pwersahang pumasok mismo sa bahay ko. Tapos ako pa ang pinapalabas na may kasalanan?”Napayuko si Bryson.Inilagay niya ang nakakuyom na kamao sa kanyang bulsa.Nagtatagis ang kanyang panga dahil sa mga naririnig.At sa nagiging tahimik na response ng ginang.If they are innocent they would react.“Ang mga kasinungalingan niyong mag-ina ay talagang nakakabilib! I-KMJS na ‘yan!”Sinubukan pa ni Rana na magbiro habang nagtatagis ang panga sa galit para sa mag-ina.They never learn